m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, July 1, 2012

Here Beside You (Part 8)

By: Chaster Rassel

Chapter 8: Stuck With You...

Tinabihan ko sya sa may lababo. Tinitigan at nginitian ko sya sa salamin, pero tila hindi nya namalayan ang aking pagsulpot kaya naman nagulat sya. Parang nakakita ng multo si Rass at talagang napaatras pa sya........

    "Oh anong nangyari sa iyo?...Para kang tanga dyan...."

Syempre hindi nya ako kinausap o sinagot, sa halip ay bumalik sya sa tabi ko na parang walang nangyari at itinuloy nya ang kanyang paghuhugas. Binuksan ko ang gripo sa katabing lababo at naghugas din ako ng kamay kuno.

Kukuha dapat ako ng sabon sa dispenser, pero nang pipindutin ko na ito ay di sinasadyang nagkasabay kami ni Rass at dumampi ang kamay ko sa ibabaw ng kamay nya. Napalingon ako sa kanya habang sya naman ay umiwas ng tingin pagkatapos ay sabay naming inalis ang aming mga kamay.

Nang subukan kong pindutin ito muli ay nagkasabay na naman kami, pero ngayon ang kamay naman nya ang umibabaw sa kamay ko. Gusto ko nang alisin ang kamay ko pero hindi ko ito magawang igalaw at ganun din si Rass. Nagmistulang estatwa kaming dalawa, parang may kung anong enerhiya na pilit nagdidikit sa mga kamay namin.

Kasunod noon ay biglang lumingon at tumingin sa akin si Rass, nagulat ako dahil hindi ko inaasahang gagawin nya iyon kaya ako naman ang napaiwas ng tingin sa kanya. Sa isang iglap ay nabago ang sitwasyon, hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay  nahulog ako sa sarili kong bitag...........

    "Ahmmm....Pwede alisin mo yung kamay mo sa kamay ko?!" iritable kong pahayag........

Agad nyang inalis ang kanyang kamay at agad ko ring inalis ang akin. Sa pangatlong pagkakataon ay nagkasabay na naman kami pero bago pa man muling magsalubong ang aming mga kamay ay sabay na kaming napaatras at....

    "ANO BA YAN!!!" sabay naming nasambit.....

Napahinto kaming pareho at saka kami sabay na umiwas ng titig sa isa't isa. Nagmumukha na kaming ewan kaya naman.....

    "Ikaw na ang mauna..." pahayag ko.....

Ginawa naman nya ang sinabi ko. Pero tila wala pa sya sa kanyang sarili dahil nang tumingin ako sa dispenser ay pindot sya ng pindot ngunit hindi naman nakatapat ang kamay nya, dahilan para kumalat yung sabon......

    "Hoy! Tignan mo yang pinaggagawa mo! Nagkakalat ka na!"

Biglang tumingin si Rass sa akin ng masama, dinakma nya ng kamay nya ang kumalat na sabon at winisik ito sa tapat ng mata ko dahilan para mapuwing ako.........

    "AAAAAAAAH!!!! GAGO KA! Bakit mo ginawa yun?!"

Hindi sumagot si Rass, pero naaninag ko na pumasok sya sa isa sa mga cubicle at  narinig ko ang padabog nyang pagsara ng pinto. Binuksan ko naman ang gripo sa lababo upang hugasan ang aking mata.......

Samantala si Rassel.....

Pagpasok ko sa cubicle ay napaupo na lamang ako sa nakasarang toilet bowl habang napapaisip sa mga nangyari.....

    “ARGGH!...Bwiset na mata yan!” bigla ko na lamang nabulong sa aking sarili dahil sa inis......

Nakakainis naman kasi eh...Ayaw nya kong tantanan...Pero...Bilib ako sa kanya dahil hindi nya ko sinusukuan...Talagang gagawin nya ang lahat, magkaayos lang kami. 

Tumayo ako, lumapit ako sa may pinto, dumantay ako sa ibabaw nito at dahan-dahang tumingkayad upang silipin si Chast. Nasa lababo pa rin sya at hinuhugasan ang napuwing nyang mata. Hindi ko naman ginustong saktan sya, nabadtrip lang talaga ko kanina. Habang pinagmamasdan ko sya ay nasambit ko na lang na........

    "Hay....Ano bang gagawin ko sa iyo...?"

Sa totoo lang, miss na miss ko na sya eh... Lalo na yung pagsasalo namin sa tambayan kapag lunch. At bigla ko na lamang naitanong sa aking sarili na....

    "Kausapin ko na kaya ang mokong na toh?...Marami akong dapat  ipaliwanag sa kanya.....Higit sa lahat....Ihingi ng tawad..."

Muli akong umatras mula sa may pinto, inayos ko ang aking sarili. Huminga ko ng malalim upang maihanda ko ang sarili ko sa aking gagawin. Ayos na sana ang lahat pero nang bubuksan ko na ang pinto ay ayaw nitong bumukas. Mukang nasira ata dahil sa pagbalibag ko, paano na toh...Nakulong ako!...Bakit naman ngayon pa!........

Balik kay Chaster........

Matapos kong mahugasan ang aking mata ay kinuha ko ang panyo ko sa aking bulsa at pinunasan ko ang aking mukha.....

    "Gago ka Rass!...Ang sakit nun ah....." bulong ko sa aking sarili.....

Kasunod noon ay isa na namang di ko inaasahang pangyayari ang naganap, bigla na lamang.........

    "CHAST!....CHAST!!...."

Totoo ba tong naririnig ko? Tinatawag ako ni Rass mula sa loob ng cubicle?...Mula nang iniwanan nya ko...Ngayon lang nya ulit ako tinawag sa pangalan ko. Lumingon ako at nakita kong nakasungaw sya sa ibabaw ng pinto............
   
    "Uy Chast!  Halika nga dito!" muli nyang sambit.....

Pero syempre pinuwing nya ako kaya naman naisip kong gantihan sya ng pang-aasar..........

    "Huh? Ano yun?....Tama ba ang narinig ko?...Tinatawag mo ko?....Di ba galit ka sa akin? Di ba ayaw mo sa akin?...." pang-aasar ko sabay ngiti.....
    "Chast naman eh!....Lumapit ka na dito please...." sambit nya sabay paawa ng kanyang mukha.......

At nakuha pa nyang magpacute, ano bang nangyayari sa kanya?...Kanina lang eh inis sya sa akin....Ngayon tila nag-iba ang ihip ng hangin at naging maamong tupa sya. Lumapit na rin ako at.......

    "Ano ba yun?"
    "Ahmmm....Tulungan mo naman ako dito...."
    "Huh?...."
    "Hin...Hindi ako makalabas eh....Ayaw bumukas nung pinto...Na...Naistuck....."
    "Hmph!....Ayan kasi!...Puro ka kaartehan! May padabog dabog ka pang nalalaman! Yan tuloy ang napala mo!" natatawa kong sagot....
    "Ayaw mo kong tulungan....?" sambit nya na may kasama na namang pagpapacute.....

Nagpacute na naman po, pero namiss ko yung ganitong Rassel ah...At syempre makakatiis ba naman ako? Eh mahal ko ang kupal na toh...Kaya naman.......

    "Sige na nga....Tutulungan na kita...."

Sinubukan kong hilain at buksan ang pinto ngunit napakatigas nito at talagang ayaw bumukas. Sa kalagitnaan noon ay narinig namin ang pagtunog ng school bell, na syang hudyat na tapos na ang aming lunch break at pagsisimula ng sunod na klase...........

    "Naku patay tayo diyan! Simula na ang klase natin....Paano na yan?" pag-aalala ni Rass........
    "Hmmm.....Eh kung sipain ko kaya yung pinto?"
    "Sige...Subukan mo....Aatras muna ko......."

Sinipa ko na ng maraming beses ang pinto pero ayaw pa rin bumukas.....

    "Peste naman na pinto toh!" pahayag ko habang napapakamot sa ulo....   
    "Ahmmm....Chast....Mabuti pa bumalik ka na sa classroom natin...Baka makahabol ka pa sa klase....Ayaw ko rin na mapagalitan ka nang dahil sa akin....Ipaliwanag mo na lang kay ma'am ang lahat pagkatapos....Sa uwian nyo na lang ako balikan...."
    "Nasisiraan ka na ba?...Bakit naman kita pababayaan dito nang mag-isa?....Hintayin mo lang ako dito....Hihingi na lang ng tulong sa labas......."

Papalabas na sana ko ng banyo upang humingi ng tulong pero pagdating ko sa may pinto at paghawak ko sa may door knob, isang mas malaking problema ang tumambad sa akin.......

    "Ra....Rass?...."
    "Oh bakit?"
    "Yung pinto dito....AYAW DIN BUMUKAS!"
    "ANO?!!!"

May napansin akong kapirasong papel sa aking paanan, pinulot ko iyon at isa pa lang notice ang nakalagay dito, "NOTICE: The door knob is broken. Please keep this door open." Malamang nahulog ito kanina nang isara ko ang pinto kaya hindi ko napansin.

Binitawan ko ang papel at bumalik ako kay Rass na nakasungaw pa rin sa pinto........
    "Anong nangyari?! Bakit pati ung pinto dun ayaw bumukas?!" nakabusangot nyang usisa........
    "Ahmmm...Eh..." sambit ko habang napapakamot sa ulo.....
    "Ano?!"
    "Nung....Pumasok kasi ko kanina dito para sundan ka....Sinara ko yung pinto...Pero...Pero di ko naman alam na may diperensya pala yung door knob.....Hindi ko napansin yung notice na bawal pa lang isara yung pinto..."
    "Anak naman ng pitong kabayo! NAKULONG NA! NAKULONG PA!! Kung mamalasin nga naman!!!....."
    "Ano nang gagawin natin ngayon...?"
    "Hmph! Bakit ako ang tinatanong mo?! Eh kagagawan mo naman kaya tayo nakakulong ngayon dito!..."
    "Sinong tatanungin ko? Yung pinto?....Tsaka hindi ako ang nagkulong sa iyo diyan sa cubicle kaya huwag mong isisi sa akin ang lahat...."
    "Eh teka nga muna....Bakit mo nga ba sinara yung pinto in the first place?....Siguro....May maitim kang balak sa akin noh?..."
    "HOY! ANG KAPAL NG PAGMUMUKHA MO AH!"
    "Sus! Hindi ito ang unang beses na pinasok mo ko sa loob ng banyo...At If I know eh tulo laway ka dati nung nakita mo ang katawan ko...."
    "Uy hindi ah!...Nataranta lang naman ako nun eh dahil dumating si ate Char......

Natatawa na lamang ako sa aking sarili dahil panay ang deny ko pero sa totoo lang ay tama naman sya, talaga namang tuloy laway ako noon kahit na hindi ko naintindihan ng lubos ang mga nangyari.......

    "Sabagay....Wala ka nga pa lang alam sa sex...Ignorante ka nga pala...Hehehe..." pang-aasar nya sabay ngiti......
    "Pwede ba?! Tigilan na natin ang asaran na toh....Para sabihin ko sa iyo.....Wala kong ibang gusto ngayon kung hindi ang makalabas at magkaayos tayo...."

Biglang napatimik si Rass sa aking sinabi, malamang ay napaisip sya. Mayamaya ay isa na namang ideya ang pumasok sa isipan ko......

    "Paano kaya kung sumigaw na lang tayo ng saklolo? Ano sa tingin mo Rass?..."
    "Asa ka naman na may makakarinig sa atin..."
    "Eh ano nga? Mag-isip ka din!"
    "Pasaway naman kasi...Ang mahal ng binibayad natin sa eskwelahan na toh....Bente mil...Tapos matinong pinto lang sa banyo di pa nila mapagawa.....Buti na lang....Buti na lang kasama kita....."

Nagkangitian kami sa kanyang sinabi hanggang sa sabay kaming natawa. Nang mahinto kami sa pagtawa ay tumingin-tingin sya sa may paligid ng banyo, mayamaya ay napalingon sya sa kanyang kaliwa, pagkatapos ay tumingin sya sa pinto ng cubicle......

    "ALAM KO NA!....."
    "Huh?" 
    "Alam ko na kung paano tayo makakaalis dito!"
    "Teka nandyan ka pa sa loob eh..."
    "Tumabi ka muna dali....Aakyatin ko na lang tong pinto, malaki naman ang espasyo kaya siguradong kasya ko...."
    "Ang galing mo! Sana kanina mo pa yan naisip kaysa sa pinahirapan mo ko sa kasisipa ng pinto...."
    "Dali na! Tumabi ka na! Ang dami pang satsat eh!..."

Umatras at tumabi ako ng kaunti para bigyang daan sya. Nagawa nyang umakyat, pero mas maliit pala ang espasyo para sa katawan nya kaysa sa kanyang inaasahan. Nagawa nyang makalusot pero tila hirap sya sa pagbaba, nag-aalala ko na baka madulas sya kaya naman......
   
    "Kaya mo ba?...Tulungan na kaya kita?".....
    "Hindi na...Kaya ko na toh..."

Iba ang ibinubuka ng bibig nya sa aking nakikita, kaya lumapit na ko para alalayan sya pero......

    "UY! DAHAN-DAHAN LANG!"
    "WAAAAAAAA!!!"

Tuluyan pa ring nadulas si Rass at napaakap sya sa akin. Dahil dun ay nawalan ako ng balanse at natumba ako sa sahig, sya naman ay bumagsak sa ibabaw ko nang nakaakap pa rin.

Syempre, nagkatapat at nakalapit ang aming mga mukha. Halos mahalikan na nya ko sa sobrang lapit ng mukha nya sa akin. Siguro kung hindi pa nagsalubong ang mga ilong namin, malamang ay talagang nauwi na naman ito sa isang aksedenteng halik

Alam kong wala sa lugar, pero biglang tumibok nang mabilis ang dibdib ko at naging pigil ang paghinga ko sa eksena naming iyon habang pareho kaming natigilan, napatitig at napatulala sa nagdikit naming mga ilong. Tumagal ng halos sampung segundo ata ang posisyon namin hanggang sa sabay kaming napaiwas at..........

    "Sa....Salamat...Chast...Sinalo mo na naman ako..." nauutal na sambit ni Rass sabay iwas ng tingin sa akin.......
    "Si...Siguro naman pwede na tayong tumayo?... Dahil baka mamaya nyan eh....May iba pang tumayo sa atin...." usisa ko...

Nang marinig ang aking sinabi ay dali-daling umalis si Rass sa pagkakaap sa akin at tumayo. Sumunod naman ako at sabay namin pinagpag ang aming uniporme. Pagkatapos.......

    "Oh ano na? Paano tayo lalabas...?" usisa ko....
    "Dadaan tayo dun....." sagot nya sabay turo ng kanyang kamay.....

Tumingin ako sa itinuturo nya at ung bintana pala iyon. Oo nga naman, pde nga naman naming labasan iyon, bakit ba hindi ko iyon naisip?  Pinagtulungan naming buksan ung grill ng bintana at sa wakas, makakalabas na kami.

Naunang lumabas si Rass, pagkatapos ay inalalayan nya ako sa aking paglabas mula sa bintana. Pagkalabas ko ay nauna na rin syang maglakad hanggang sa bigla syang napahinto.......

    "Chast....Tignan mo kung nasaan tayo...."
   
Tumingin ako sa paligid, pagkatapos ay lumapit ako sa kinatatayuan nya pero tila tulala sya....

    "Nasa likod tayo ng eskwelahan....Bakit?"

Lumingon sa akin si Rass at nakita ko na tila naluluha ang kanyang mga mata na sya namang ipinagtaka ko........

    "Tignan mong mabuti Chast...." malungkot nyang sambit sabay lingon pabalik sa tinititigan nya kanina....

Lumingon ako sa direksyon kung saan sya nakatingin, mula sa kinatatayuan namin ay natatanaw ang aming lihim na tambayan at kaunting lakad lang ay agad kaming makakarating doon. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ganun ang reaksyon nya at kung bakit naluluha sya. Dahil ngayon lang ulit kami napadpad dito nang magkasama at sa hindi pa inaasahang pagkakataon.

Nagsisimula na rin akong maging emosyonal kaya naman tumalikod na ako at........

    "May klase pa tayo...Kailangan nating humabol...." sambit ko sabay lakad....

Pero bigla na lamang hinawakan ni Rass nang mahigpit ang braso ko, dahilan para hindi matuloy ang paglakad ko.Lumingon ulit ako sa kanya at......

    "RASS ANO BA! BITAWAN MO KO!!..."

Hindi sya nakinig sa akin, sa halip ay hinila't kinaladkad nya ako papunta sa tambayan at dinala nya ako sa ilalim ng punong tambayan namin. Binitawan nya ko, pagkatapos ay tinitigan nya ako sa aking mga mata, kitang kita ko na kaunting na lang ay babagsak na ang luha nya.........

    "Tigilan mo na tong kalokohan na toh...Kailangan pa nating pumasok...." inis kong sambit habang pinipigilan ang aking emosyon....

Muli ko syang tinalikuran pero biglaan nya akong hinila papalapit sa kanya at saka nya ako niyakap nang sobrang higpit. Kasunod noon ay narinig ko ang tuluyan nyang pagtangis............

    "Nakikiusap ako....Huwag ka munang umalis...Dito ka muna....Please stay here, beside me.....Alam ko marami akong kasalanan sa iyo....Nasaktan kita nang sobra-sobra....Iniwan kita nang walang paliwanag...Pero kung alam mo lang kung gaano kahirap para sa akin na gawin iyon....Miss na kita eh...MISS NA MISS NA KITA CHAST........."

Hindi ko na nagawang kumibo, bumulalas na lamang ang emosyong kanina ko pa pinipigilan. Napaiyak na lamang din ako at napayakap ng mahigpit kay Rass...............

ITUTULOY..........

9 comments:

  1. Ayan na naman yong ITUTULOY bitin na naman ako..hahaha kinikilig ako e at ayako ng ganitong pakiramdam hahaha prang freak lng e..:D

    ReplyDelete
  2. PWEDE SUNDAN NA AGAD SUPER KAEXCITE

    ReplyDelete
  3. OHhh my GOD.,,.,..,...,...sayang bitin na naman eh,.,.next na kaagad.,,.,.,

    ReplyDelete
  4. pls,san ang part 9, inluv ako s kwento

    ReplyDelete
  5. wow, saan ang kaRugtong!? inluv ako s kwento

    ReplyDelete
  6. Waaaaaaaaaahh ang tagal namn ng kasunod .,,.mr author pos mo na pleasseeee.,,.

    ReplyDelete
  7. ay tumulo din luha ko... ibang klase ang kwento mr.author damang dama ko sana masundan agad please

    ReplyDelete