m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, July 1, 2012

A Month's Love Affair (Part 2)

By: Wolfram

Madami kami napagkukwentuhan, pati lovelife ko natanong nya. Nang matapos ako, sya naman tinanong ko sa lovelife nya. Meron syang nabuntis na babae, ngalan ay Maiah, tinanong ko kung girlfriend nya, sagot nya "Yup!" Tinanong ko ulit, "Eh bakit mo ako hinalikan?"
"Ewan ko, gusto ko lang... Di ko alam, basta mahalikan lang kita noong gabing yun, masaya ako sa ginawa ko." sagot nya.
"Adik ka! Tigilan mo ako!" reply ko.
"Galit ka ba sakin?" usisa nya.
"Galit ako sa sarili ko, naaawa ako kay Maiah kasi yung boyfriend nya, malandi." tugon ko. Inis na inis ako.
"Wolfram, di ko maintindihan sarili ko, ngayon ko lang ito ginawa." sagot nya.
Nang sandaling yun, parang gusto ko ilusot yung kamay ko sa cellphone at sapakin sya sa mukha. Tumawag sya at sinagot ko agad. Casual lang tono ko.
"O bakit?"
"Magpapaliwanag lang ako!" sya pa ang may tonong galit.
"Ano naman papaliwanag mo? Wala naman dapat di ba? O sige, tutal di ko naman personal na kilala si Maiah, sikreto na yun. Nainins lang ako kasi bakit ka naguguluhan? Kaibigan lang naman tayo, nagkakilala sa site, nothing more. Tropa, buddy, dudes,
o kung ano pa tawag. Okay na yun, wag na lang pag-usapan kasi tapos na." tugon ko sa kanya.
"Pasensya ka sa inasal ko ng gabing yun, pero iba ka eh..." pagdespensa nya.
"Oo naman Ren, iba ako, bading ako eh!" sarcastic na tono ko.
"Bading? Di ka nga halata. Lalaki ka pa din eh. Pero deep inside, nandun yung babae sayo. Yun yung nakikita ko." sabi nya.
"Tantanan mo ako! Hahaha! Dafuq ka Ren! Magulo utak mo!" natawa ako sa kanya.
"Dafuq?! Bago sa pandinig ko yan ha... Oo, Wolfram, Ginulo mo utak ko." padali ni Ren.
"Loko!" yun lang nasabi ko. Natahimik kami pareho at muli syang nagsalita. "Alam ko, iniisip mo si Maiah. nabuntis ko sya pero di kami magkasama. Di ko nga alam kung kami pa. At kung sakaling lumabas ang bata, susuportahan ko naman. Sa ngayon, gusto kita, gusto ko yung pag click natin, yung tayong dalawa. Pwede ba?" tanong nya.

"O tapos? Okay naman na friends tayo ah... Dun na nga lang..." yun ang idiin ko.
"Hindi yun ang gusto ko mangyari. Gusto ko maging tayo!" demand nya.
"Fine! Bahala na!" yun na lang sinabi ko.
"I love you babe! Yes!" sabi nya.
"Ditto!" yun nalang nireply ko.
Walang kaayos-ayos, walang kaliwanagan, pero sinubukan. Tanga nga ako. LOL

September 11, 2011
Tumawag si Ren ng umaga, nasa byahe sya, punta daw sya kina Maiah. okay naman sakin kasi wala naman yun sakin. Pagtapos ng tawag nya, wala na sya text. Nagtext ako na ingat sa byahe. Pumunta ako sa birthday ng isa pa naming family friend. Inuman at walang humpay na daldalan. Umuwi ako, nag online at nagbasa ng balita sa yahoo news. Past 11 na yun, tumunog phone ko, nagparing lang. Nagtext ako sa kanya, "Bakit po?" Nagreply agad sya "Ano gawa mo baby?"
"Nagbabasa ng Yahoo News. Sleep ka na? Musta tiyan ni Maiah?" tanong ko sa kanya.
Ang tagal nya nag reply. After 15 minutes, nagtext back na.
"Maiah here. Wag ka nagpapaniwala sa gagong ito. Baka mabuntis ka lang din gaya ko! Gamitin mo utak mo! Kung hindi lang dahil sa nalasing kami, di sana nangyari ito. Ako na mismo nagsasabi sayo, ingatan mo sarili mo. Wag ka magpaloko! Di pa nalabas anak namin, may panibago nanaman?! Girl, wag na!" Tumawag pa si Maiah, di ako nagsasalita, pinakinggan nya lang kung sasagot ako pero di ako bobo para magsalita. Binaba nya after nya makapag-"HELLO?" ng limang beses. ZOMG! Si Maiah ang nagtext sakin! At tumawag pa! Di ko alam gagawin ko!
Natawa ako kasi akala ni Maiah, babae ako. Pero nandoon yung kaba kasi alam ko may nasisira akong relasyon.

September 12, 2011
Past 10am na, tumatawag si Ren, ayaw ko sagutin baka kasi si Maiah ulit. Tawag nang tawag. Nagring ulit phone ko.
CALLING ZEKE - si Zeke na ang tumatawag.
Pagkasagot ko, "Babe! Ako ito! Kasama ko si Zeke! Alam ko ginawa ni Maiah. Kausapin mo naman ako! Nandito kami Sm Bacoor." Hinayaan ko syang magpaliwanag, nagawa lang daw yun ni Maiah kasi nakipagkalas sya, sinabi sa kanya ni Maiah na nagsisisi
sya kasi bakit daw humantong sa pagukol ng bukol ang tiyan nya, alam naman daw nya na wala syang pagtingin kay Ren. Binuya lang pala sila ng mga kainuman nila noon. May nangyari at ayun, bumukol. Pero ang alam padin ni Maiah ay babae ako. Naalarma lang daw si Maiah kasi baka daw mawala ang suporta ni Ren dahil sya nga ay buntis. Nagkaayos din sila ng gabing yun at napagpasyahan na maghiwalay. Pero patuloy padin ang suporta ni Ren sa pagbubuntis nya. Napagpasyahan din na kay Ren mapupunta kung sakali ang bata. Sa batas natin, kung walang maipo-provide ang ina, automatic mapupunta sa ama. Ewan ko, bahala na sila dun.
"So you mean?" yun nalang nasambit ko.
"Oo babe, malaya na tayo!"
Umiyak ako ng sandaling yun, di ko alam kung bakit, pero aaminin ko, nahuhulog na din ako kay Ren.

Marahil nagtataka kayo kung bakit kasama ni Ren si Zeke? Lingid sa kaalaman ko noong nakakalipas na araw, gaya ng nasabi ko sa unang bahagi ng kwento ko, lahat ng mga bagong kaibigan ko ay nagiging malapit sa pamilya at mga kaibigan ko. Noong araw na unang pumunta si Ren sa amin, nagpalitan na pala sila ng number nila Zeke at Kinea. Kaya kay Zeke humingi ng tulong si Ren kasi alam nya na malapit ako sa pamangkin ko. Itutuloy.
xoxo

No comments:

Post a Comment