m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, October 21, 2012

Here Beside You (Part 18)

By: Chaster Rassel

Chapter 18: Rescue Me...Darling Rescue Me...

Balik kay Chaster..........

Pagpasok ko sa aking kwarto, nagtungo at sumungaw ako sa may bintana. Napatingin ako sa aming gate, umaasa na biglang darating si Rass. Nag-alala na talaga ko sa kanya. Bukod doon, nakakaramdam din ako ng matinding takot,  takot sa mga maaaring mangyari bukas sa eskwelahan.

Mga trenta minutos siguro ang lumipas na nakasungaw at nag-iisip isip ako doon pero wala pa ring Rassel na nagpakita. Nagpasya kong mahiga na sa kama habang patuloy pa rin ang pangangamba ko.

Sumunod na araw......

Naalinpungatan na lamang ako nang tumagilid ako ng paghiga sa kama, nasanay na kasi ko na kapag tumatagilid ako ay napapasandal ako kay Rass. Pero ngayon, wala akong nasandalan at tanging kama lamang ang nakapa ko. Kaya dahan-dahan ay iminulat ko ang aking mga mata, wala nga sya at umaga na.

Dahil doon ay bumangon na ko, nagpunta sa banyo, pagkatapos ay nagtungo ako sa may kusina. Nagbabakasakali ako na nauna lamang syang nagising sa akin kaya wala sya sa kama. Pero si ate Char lang ang nadatnan ko........
    “Oh mabuti at bumangon ka na...Gigisingin na dapat kita eh....” sambi ni ate....

Hindi ako nakaimik, gusto ko nang maiyak pero pinipigilan ko ang sarili ko. Nakakainis naman kasi si yung boyfriend ko eh, kung kailan kailangan na kailangan ko sya saka naman sya nawawala. Tapos pinag-aalala pa niya ko....

    “Teka...Huwag mo sabihing hindi umuwi si Rassel...?”
    “Ate paano kung....”

Hindi ko nagawang tapusin ang sasabihin ko, dahil hinawakan nya ko sa magkabila kong balikat at......
    “Chast makinig ka kay ate...Pakalmahin mo muna yang sarili mo...Naiintindihan ko ang nararamdaman mo ngayon...Pero kailangan mong maging matatag....Ganito, mamaya kapag wala din si Rass sa school niyo, pagkatapos na pagkatapos nating kausapin yung principal, hihingi na ko ng tulong sa mga pulis...Okay?”

Tumango ako upang sumagot na sang-ayon ako sa kanyang mga sinabi....

    “Sige na...Mag-aalmusal na tayo para makaalis na.....

Matapos naming makapag-almusal ay agad na kaming kumilos ni ate. Kahit pa kinakabahan ako, gusto ko na ring makapunta sa eskwelahan para malaman kung nandun ba si Rass.

Samantala si Rassel......

Maaga akong gumising, nawala kasi sa isip ko, wala nga pala akong pamalit na malinis na school uniform. Kaya after I ate breakfast, nagpaalam na ko sa daddy ko at umuwi na muna ko para makaligo at makapagbihis. Pero pagdating ko sa bahay nila Chast, nakalock ang pinto. Sinubukan kong kumatok at tawagin si Chast mula sa bintana pero walang sumasagot. Walang nang tao? Bakit ang aga naman nilang umalis? Ano kayang nangyari?

Buti na lamang ay binigyan ako ni ate Char ng duplicate na susi para sa pinto kaya nakapasok pa rin ako. Agad kong hinanda ang malinis na uniform, pagkatapos ay naligo na ko.

Balik kay Chaster......

Pagdating namin sa eskwelahan ay dumiretso na kami ni ate sa principal’s office kaya hindi ko pa natitignan kung nasa classroom na si Rass. Heto na, wala nang atrasan toh, umupo na kami sa harap ng mesa ng principal at nagsimula na ang lahat.......

    “Ah Ms....?” usisa ng principal.....
    “Charlene Amarines ho...”
    “Ms. Amarines what  can I do for you?...At napabisita kayo sa eskwelahan namin nang ganito kaaga.....”
    “I came here para ireklamo ho ang magaling na substitute adviser nitong younger brother ko.....”
   
Tumingin sa akin ang principal at.......

    “Ah iho...You are...?”
“Chaster Amarines po...”
“What year are you?...And who is your teacher...?”
    “Freshmen po ako...Si Mr. Pocholo Diaz po....”
    “So Ms. Amarines what’s the problem regarding Mr. Diaz...?”

Ipinaliwanag ni ate Char ang lahat-lahat sa principal, kitang kita ko naman sa mukha nya na tila nagulat at hindi sya makapaniwala sa mga narinig nya.....

    “Ms. Amarines...Tampering students’ exam results, attempted rape and sexual harassment?...Mabigat na allegations yang sinasabi niyo...And 3 years nang nagtuturo si Mr. Diaz dito at ni minsan wala pang nagreklamo sa kanya ng ganyan, he’s actually one of our best teachers in here....”
    “Ma’am these are not just allegations...”

Binuksan ni ate ang kanyang bag at nilabas mula dito ang cellphone.......
   
    “I have a video here na nakuhanan ng isa rin sa mga estudyante nyo dito, para maprove sa inyo ang ginawa ng teacher na iyon sa kapatid ko...” sambit ni ate sabay abot ng cellphone sa principal.....

Kinuha ng principal ang cellphone, papanoorin na nya sana ang video nang biglang may pumasok na tao sa office, isang guro mula sa first year department........

    “Excuse me ma’am...Ayaw ko po sana kayong distorbohin pero may emergency ho kasi sa first year department...!”

Inilapag ng principal ang cellphone sa mesa at napatayo sya mula sa kanyang kinauupan.......

    “WHAT HAPPEN?!...”
    “Nagkakagulo ho kasi ang mga estudyante sa isa sa mga section doon.......”

Napalingon ang guro sa akin, tila tinitignan nya ang school id na nakasabit sa leeg ko.....

    “Cha...Chaster....Amarines?....”
    “Po...?!”
    “IKAW!...Ikaw ang dahilan kaya nagkakagulo yung mga estudyante....YUNG MGA KAKLASE MO NAGKAKAGULO DAHIL SA IYO!!!...”
    “WHAT?!...” sambit ng principal....
    “PO?!....Ako po?!!...BA...BAKIT AKO?!!!” gulat at nagtataka kong usisa sabay tayo mula sa aking kinauupuan.....


Balik kay Rassel........

Pagkatapos kong maligo ay agad na rin akong nagbihis. Matapos kong magbihis ay lumabas ako ng kwarto. Bago ko umalis ay nagtungo muna ko sa kusina dahil bigla akong nakaramdam ng uhaw. Kumuha ako ng baso, binuksan ko ang ref at nilagyan ito ng tubig. Pagkatapos ay uminom na ko para maibsan ang uhaw na nararamdaman ko.

Balik kay Chaster.......

    “Ah...Eh...BASTA!...Sumama na lang kayo sa akin!!...” sagot ng guro....

Dali-dali kaming natungo papunta sa classroom, maging si ate ay sumama sa amin dahil nga sangkot ako. Habang hinahakbang ko ang mga paa ko papunta doon, matinding kaba ang bumabalot sa akin. Hindi ko alam kung anong nangyayari at kung bakit ako ang sinisisi ng guro.

Pagdating namin sa classroom, nadatnan naming nagkukumpulan at nagkakagulo ang mga kaklase ko sa may tapat ng pisara. Tila nag-uunahan sila na matignan ang kung anong bagay na naroon........

    “BOYS!!!....WHAT’S GOING ON HERE?!!...”malakas at pagalit na usisa ng principal.......

Lahat sila ay napalingon sa pagsigaw ng principal pagkatapos ay nabalot ng katahimikan ang buong classroom. Pero biglaan na lamang silang nagsititig sa akin ng makita nila ko. Ang sasama ng mga titig nila sa akin at pakiramdam ko para kong tinutusok sa talas ng mga mata nila na nakatutok sa akin. Dahil doon ay mas lalo pang tumindi ang kaba ko......

    “Ba...Bakit?...Bat ganyan kayo ma...makatitig sa akin...?”

Hindi sila umimik, sa halip ay dahan-dahan silang kumilos. Mula sa pagkukumpulan ay unti-unti silang nahati sa gitna, tila binibigyan nila ako ng daan para makita ang pisara. Napalunok ako, habang kumikilos sila ay marahan naman akong lumapit sa pisara.

Napabuntong-hininga ko at nanlaki ang aking mga mata sa nakita ko. Tadtad ang pisara ng isang damakmak na mga larawan ng pangyayari sa library. Lalo na ung parte na dakma-dakma ni sir ang harapan ko at nung umakap ako sa kanya.

Balik kay Rassel.......

Habang umiinom ako ay bigla na lamang dumulas ang baso mula sa kamay ko, bumagsak ito sa sahig at nabasag. Bigla akong kinabahan pero sinubukan kong dedmahin ito. Dahil sa kaba ko, nang lilinisin ko na ang mga piraso ng bubog sa sahig ay tinamaan ang daliri ko at nasagutan ito......

    “AAAAAH!!!...” daing ko....

Ang daming dugo kaya naman tinapalan ko agad ito. Kakaiba ang kaba na nararamdaman ko ngayon, mas matindi pa ito sa naramdaman ko noong may nangyari kay Chast sa library. Kaya naman matapos linisin ang nabasag na baso ay nagmadali na kong umalis.

Balik kay Chaster........

Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig, manginig-nginig ako habang nakatitig sa mga larawang nakadikit sa pisara. Hanggang sa nahuli ko na lamang ang aking sarili na mangiyak-ngiyak habang pinagsisira at pinagtatanggal ang mga larawan.......

    “Huwag nyong tignan!...    HUWAG NYONG TIGNAN TOH!!...HUWAG NYONG TIGNAAAAAAAAAN!!!!!....” umiiyak kong sigaw........

Mayamaya pa ay naramdaman ko na lang ang paghawak at pag-awat sa akin ni ate Char at ng principal......

    “Chast!...Chast tama na!!...TAMA NA!!!....” iyan ang naririnig kong sambit ni ate habang patuloy ang pagsira ko sa mga larawan.....
    “EVERYONE!!!...Go back to your seats!!!...” sigaw naman ng principal.......

Dumating sa punto na kinailangan na kong akapin ni ate para lang mapatigil ako. Nang mapakalma ako ay agad nila akong inilabas mula sa classroom. Paglabas namin ay nagawa akong patahanin ni ate. Pero sa puntong iyon, kahit hindi na ako umiiyak ay nanatili pa rin akong nakayuko, hindi ko yata kakayaning tumingin nang diretso sa kahit na sino dahil sa matinding kahihiyan na inabot ko.......

    “Ma’am, ngayon niyo ho sabihin sa akin na walang masamang ginagawa ang titser na iyon sa kapatid ko!...” inis na sambit ni ate....
    “Ah Ms. Amarines, kumalma muna ho tayo...Maging ako man ay nabigla din sa mga nangyari ngayon....Let’s go back first to my office para doon natin mapag-usapan ito ng maayos.....”

Pero bago pa kami makaalis mula sa tapat ng classroom, dumating ang isang tao.......

    “Ma’am good morning po....What’s going on here?...Kadarating ko lang po nang sabihan ako ng mga co-teachers ko na may gulo daw sa klase ko...And ano hong nangyari kay Chaster....?”

Nang marinig ko ang boses na iyon ay napaangat nang di oras ang ulo ko. At napatitig na lamang ako ng masama sa hayup kong titser. Nanggigigil ako sa galit sa kanya at gustong gusto ko na syang sapukin pero pinigilan ko ang sarili ko....

    “Bakit ganyan ang tingin mo sa akin Chaster?...What’s going on ba...?”
    “Mr. Diaz you got a lot of explaining to do!...Go with us to my office right now!...” inis na sambit ng principal....

Kung ako nakapagpigil, tila kabaliktaran nito ang nangyari kay ate Char,  dahil bigla na lamang nyang sinugod at binigyan ng mag-asawang sampal si sir.

Balik kay Rassel...........

Kung mamalasin ka nga naman, nasa biyahe na nga ko pero naipit naman sa matinding traffic ang taxing sinasakyan ko.........

    “Manong baka naman po pwedeng humanap tayo ng ibang route?...Kailangan na kailangan ko na pong makarating sa school eh...”
    “Iho...Gustohin ko man, hindi ko magagawa, tignan mo yung likuran natin oh...Bumper to bumper ang mga sasakyan....Hindi ako makakaikot...”

Sinilip ko ang aming likuran mula sa may bintana, tama nga sya. Pero hindi pwede toh, hindi na ko mapakali, alam ko at nararamdaman ko, may nangyayaring masama kay Chast. Dahil dun, nagpasya ko na magbayad na sa driver, bumaba na mula sa taxi at tumakbo na lang papunta sa school.

Balik kay Chaster..........  

Para hindi na lumala pa ang sitwasyon, hinawakan at inawat na si ate ng principal......

    “WALANG HIYA KA!!!...Ang kapal ng mukha mong magmaang-maangan pagkatapos ng mga kahayupang pinaggagawa mo sa kapatid ko!!...” galit na sambit ni ate....
    “Ms. Amarines, kumalma ho kayo...Doon na ho natin toh pag-usapan sa opisina ko...”

Samantala, natigilan at hindi naman nakaimik si sir, tila nagulat sya sa bilis ng mga pangyayari. Dala ang mga natira na maayos pang litrato, bumalik kami sa principal’s office kasama si sir. Doon na nagsimulang mag-usisa ang principal kay sir.......

    “Ma’am this is ridiculous!...Aminado ko, I’m a gay!...Alam niyo iyan since nang magstart akong magturo dito....But I never laid a hand on my students....At ang magdoktor ng scores at grades?!...You know ma’am, If I want to...Sa sinusweldo ko dito, kahit ngayon pwede kong bumili ng lalake sa Malate eh...Kaya bakit ko pahihirapan ang sarili ko at ilalagay sa alanganin ang trabaho ko nang dahil lang sa isang gwapong estudyante....este hamak na estudyante...?!”

Kumunot ang noo ng principal sa mga sinabi ni sir habang lalo naman kaming nainis ni ate......

    “Excuse me Mr.Diaz, ano ulit yung huli mong sinabi...?” usisa ng principal.......
    “Ah...Yung hamak na estduyante ho...?”
    “Hindi rin...May narinig akong gwapo eh...”nang-aasar na singit ni ate....
    “Wala akong sinasabing ganyan noh...” sagot ni sir sabay irap kay ate....
    “Mr. Diaz,  narinig ko din iyon...And just to remind you, nasa loob ka ng opisina ng principal, sa isang prestihiyosong school at may kaharap pa tayong menor de edad kaya ayusin mo yang pananalita mo....”
    “I’m sorry ma’am...Nabigla lang ho ako...As I was saying, hinding hindi ko ho magagawa ang mga allegations nila....”
    “Then how do you explain these pictures of you and Chaster found sticked into the blackboard this morning?...Malaking eskandalo ang ginawa nito...Ikaw ba ang may gawa nito...?”
    “Ma’am tignan nyo naman hong mabuti ang mga litratong iyan...Hindi lang ho si Chaster ang nasira at naeskadanlo diyan...Ako rin ho...Pati ang credibility ko as a teacher affected....I’m not stupid naman ho para sirain ang sarili kong buhay.....Ibang tao ang may gawa niyan, HINDI AKO....”
    “Fine, sabihin na natin na hindi ikaw ang nagdikit ng mga ito sa blackboard.....But still Mr. Diaz, these pictures obviously show na may nangyari sa inyo ng estudyante mo sa loob ng library....How do you explain that now....?”

Bigla natigilan si sir, tila hindi na nya alam ang sasabihin nya kaya naman sinamantala ko iyon at.........

    “OO NGA SIR, bakit hindi mo sabihin kay principal ang nangyari noon sa library!....” paangas kong sambit....
    “Mr. Diaz, I am waiting for your answer.......”

Lumingon sa akin si sir, tumitig nang masama, pagkatapos ay unti-unti syang ngumiti. Alam ko ang ibig sabhin nang ganoong ngiti, mukhang may masama na naman syang binabalak........

    “Ok ma’am....You want the truth?...I’’ll give you the truth...OO may nangyari sa amin nang estudyante kong si Chaster Amarines sa library!...”
    “WHAT?!!!...gulat na sambit ni principal....

Sa pagkabigla ay napatayo pa ang principal habang kami naman ni ate ay nagkatinginan.........

    “Pero hindi ko sya pinilit...DAHIL AKO ANG PINILIT NYA!!!....”

Nanlaki ang mga mata ko sa aking narinig, hindi ko lubos maisip na ganito pala sya kasama at magagawa pa niyang baliktarin ang mga pangayayari.......
   
“OO Ma’am, ako ang pinilit nya!....I was there in the library para magsauli ng libro nang bigla syang dumating...Then he offered me a deal...Nahihirapan daw sya sa mga lessons....Kasi busy sya sa boyfriend nya!!...Kaya sabi nya sa akin, IBIBIGAY DAW NYA ANG KATAWAN NYA SA AKIN KUNG SISIGURADUHIN KO NA MAKAKAPASA SILA NG BOYFRIEND NYA SA EXAMS!!!...”

ITUTULOY..........

7 comments:

  1. Nkakasabik! Nakakapanabik! Nkakanginig at tlagang kaabang abang ang mga susunodn mangyayari! Galing mo Mr.Author! Two thumbs up! Ito tlaga una kong bnabasa tuwing my new post! Sana my kasunod agad! Pls!

    ReplyDelete
  2. Yay! Ang tagal kong hinintay to.

    Parang gusto kong bugbugin yung teacher. Haha.

    ReplyDelete
  3. Next chapter na ko mag co-comment.

    ReplyDelete
  4. hehehehehe nice..menarathon ko 2 kagabi sa kababasa mula chapter 1 hanggang 18......heheheheh galing ng gumawa nito....kakainis ung teacher.....hahahahhahahaha...pero parang nabasa ko na rin to dti pero d ko marecall kung sang blogsite........thx autor 4 bsharing tis kind of story.....

    ReplyDelete
  5. Hi Author..
    Minarathon ko tong series ng story mo kagabi.. Would you believe that I slept at 5 o'clock.. Actually, antok na antok na ako pero pinipilit ko pa rin basahin..
    Nakakatuwa kc 'young love story'..
    3 thumbs up!
    Hopefully, marelease na yung next sequel..
    Can't wait to read it..
    More power to you..

    ReplyDelete
  6. Gravity ang story n ito, lumalakas ang kabog ng dibdib ko! Galing m tlga CHASTES RASSEL! Hooohh idol d best ang kwento mo!

    ReplyDelete