m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Wednesday, November 14, 2012

Here Beside You (Part 20)

By: Chaster Rassel

Chapter 20: When You’re Lost....Where Do You Begin?...

Pagkauwi sa bahay.....

Pagdating namin ay malungkot at tahimik lamang si Chast. Sa pagpasok namin ay sinalubong kami ni ate Char.....

    “Oh Ate bat ang aga mong umuwi....?” pagtataka ko....
    “Nag-aalala kasi ko para kay Chast...Kaya nag-undertime muna ko...”
    “Ate, pasok na muna ko sa kwarto...” sambit ni Chast sabay alis....

Habang naglalakad si Chast ay sinundan sya ng titig ni ate Char. Nang makapasok sya sa kwarto at pagkasara nya ng pinto, muling lumingon sa akin si ate........

    “Huhulaan ko...Nagsimula na ang pambubusga noh...?”
    “Oo ate...Kung ako lang, kaya kong tiisin ang mga pang-aalimusta ng iba...Pero si Chast......”
    “Rass mabuti pa, hayaan na muna nating mapag-isa ang kapatid ko...Hindi biro ang mga nangyari sa kanya ngayon kaya kakailanganin nya ng space....”
    “Alam ko naman iyon ate...Pero kasi...”
    “Ano?...”
    “May tampo din sya sa akin dahil sa di ko pag-uwi kagabi....Ayaw ko naman na matapos ang araw na toh na ganito ang sitwasyon namin.....”
    “Oo nga pala...Halika, doon tayo sa may supa at pag-usapan natin yang ginawa mo kahapon.....”
Nagtungo kami sa sala at umupo sa supa saka namin ipinagpatuloy ang aming usapan.........
    “Bakit nga ba hindi ka umuwi kagabi?...Alam mo bang may balak na kaming lumapit sa pulis dahil sa pinaggagawa mo....”
    “Sorry ate...Yung daddy ko kasi...Nandito pala sya ngayon sa Pinas, nagpang-abot kami kahapon sa condo kaya ayun sumama ko sa kanya, matagal din kasi kaming di nagkita....Ilang beses ko namang sinubukan tumawag dito kagabi eh...Pero nakapatay yung cellphone mo....”
    “Ay oo nga, nadrain nga pala yung cellphone  ko kagabi....Pasensya na....Ahmmm Rass, alam kong gusto mo rin na makasama yung daddy mo....Pero nakikiusap ako, ngayon ka mas kailangan ng kapatid ko...Sana huwag ka munang mawala sa tabi nya....”
    “Huwag kang mag-alala ate, three weeks pa naman ang daddy ko sa Pinas, kaya dito ko muna ibubuhos ang oras ko...Tutulungan at babantayan ko si Chast......”
    “Salamat Rass......”

Samantala si Chaster........

Nagkulong lamang ako sa kwarto buong gabi. Ni wala akong ganang kumain. Hindi na rin ako pinilit ni Rass at ni ate Char. Nag-iisip ako, nagtatanong sa aking sarili kung ano nang mangyayari sa buhay ko ngayon sa eskwelahan. Litung-lito ko at gulung-gulo ang isipan ko, hanggang sa nakatulog na lamang ako.

Nang magising ako, wala na naman si Rass sa tabi ko. Dahil doon bumangon ako,  tinignan ko kung anong oras na, alas dos ng madaling araw. Tuluyan na akong tumayo at lumabas ng kwarto para hanapin sya. Nadatnan ko syang natutulog sa may supa. Wala syang kumot kaya panay ang kiskis nya sa kanyang mga braso. Panay din ang tapik nya sa kanyang binti at hita. Hindi lang sya giniginaw, nilalamok pa at namamaluktot na sya kaya naman nilapitan ko na sya at ginising.....

    “Rass...Rass...Gising!...Uy!...” sambit ko sabay tapik sa kanya....

Dahan-dahan nyang iminulat ang kanyang mga mata, pagkatapos ay lumingon sya. Nang makita ako ay bigla syang napabangon na tila ba natataranta sya........

    “Oh Chast!...Bakit?!...May problema ba?!...May kailangan ka?!...Okay ka lang ba?!...”
    “Kumalma ka nga...Tsaka ako ang dapat nagtatanong eh...Bakit dito ka natutulog...?”
    “Ahmmm....Kasi sabi mo di ba gusto mong mapag-isa...Kaya iyan, pinagbigyan kita....”
    “Alam mo....Kahit kailan pilosopo ka talaga....”
    “Gusto lang naman kita bigyan ng space eh...”

Umupo ako sa tabi nya, kinuha ko ang kamay nya at hinawakan ito........

    “Rass hindi mo naman kailangang humiwalay ng tulugan eh...Tignan mo nilalamok ka dito at giniginaw ka pa...Pero, salamat na rin sa pag-intindi mo sa akin....”
    “Okay ka na ba...?”
    “Syempre hindi...Pero wala naman na tayong magagawa eh, nangyari na ang nangyari....At napagtanto ko na dapat harapin na lang natin toh....Sorry nga pala kung sa iyo ko naibunton yung galit ko kanina ah...Wala ka naman kalasanan eh...At salamat dahil sa kabila ng pinakita ko eh ikaw pa yung naging crying shoulder ko....”
    “Syempre, para saan pa na naging boyfriend mo ko di ba....Tsaka wala na yun, kalimutan na lang natin tapos na eh...”
    “Kumusta nga pala kayo ng daddy mo...?”
    “Huwag mo munang kaming alalahanin ng daddy ko...Ang mahalaga ngayon, magfocus tayo sa pagsolve ng problem natin sa school...”

Bumitaw sya sa kamay ko at hinawakan naman nya ang magkabila kong pisngi. Habang nakahawak siya sa pisngi ko, napansin ko na may nakabalot na bondage gauze sa kamay niya........

    “Oh ano na namang nangyari diyan sa kamay mo...?”
    “Ah...Kanina kasing umaga nung umuwi ako dito....Bigla akong nakaramdam ng matinding kaba...Eh umiinom ako noon ng tubig...Ayun nabitawan ko iyong baso, nabasag at doon ako nasugatan....Malamang nangyayari nung mga oras iyon ung gulo sa classroom....”
    “Sinasabi mo ba na kahit di tayo magkasama eh nararamdam mo kapag may nangyayari sa akin na masama...?”
    “OO...Dahil siguro sa katotohanan na mahal na mahal kita...At huwag kang mag-alala....Hahanapin nating yung kupal na estudyante, sasamahan kita, tutulungan kita at kung kinakailangan na bantayan kita bawat segundo gagawin ko, para hindi ka awayin ng mga schoolmates natin...Hinding hindi kita pababayaan....”

Pagkatapos nyang sabihin iyon ay inilapit nya ang mukha ko sa mukha nya at hinalikan ako sa may labi. Matapos nya kong halikan ay napangiti na lamang ako sa kanya at sinundan ko iyon ng isang mahigpit na yakap. Habang magkayakap kami.....

    “Rass....”
    “Oh...?”
    “Samahan mo naman ako oh...”
     “Saan...?”
    “Kumain...Kumakalam na ang sikmura ko eh....”
    “Ahahaha...”

Natatawa syang kumalas sa pagkakayakap sa akin at.....

    “Ayan kasi!...Hindi ka naggabihan kanina...Hahaha...”
    “Samahan mo na ko please....”
    “Sige na nga...Halika at ipaghahanda kita....” sagot nya sabay tayo at hila sa akin papunta sa kusina.....
   
Nang sumunod na araw sinimulan na agad namin ang paghahanap doon sa estudyante. Pero lumipas na ang apat na araw, hindi pa rin namin sya nakikita. Hindi kasi naging madali ito para sa amin, wala kasi kaming litrato nya, kaya ang ilarawan lamang sya ang tangi naming nagagawa kapag ipinagtatanong namin ang tungkol sa kanya.

Bukod doon patuloy pa rin ang pambubusga ng mga tao sa akin at syempre damay na rin si Rass dahil mabilis na kumalat sa eskwelahan ang tungkol sa relasyon namin. Kaya kapag lumalapit kami sa mga tao para magtanong, madalas ay inaasar kami, tinatawanan o kaya naman sadyang wala lang talaga silang alam at di nila kilala yung estudyante.

Kinagabihan ng ikaapat na araw ng paghahanap.........

Katatapos ko lamang maghugas ng mga pinagkainan namin ng gabihan. Matapos kong maisara ang mga pinto ay dumiretso na ko sa kwarto. Nadatnan ko si Rass na nakaupo sa kama, may kung ano syang hawak at pinagmamasdan nya ito. Umupo ako sa tabi nya, pagkatapos ay sumandal ako sa balikat nya at........

    “Rass...Paano kung hindi na talaga natin makita yung estudyanteng iyon at si sir na ang paniwalaan ni principal...Ano nang mangyayari sa atin...?”
   
Tumingin sya sa akin at......

    “Ano ba yang pinagsasabi mo?...May tatlong araw pa tayo noh...Huwag ka ngang nega....”
    “Halimbawa lang naman eh...”
    “Tumigil ka!...Mahahanap natin sya...Hindi tayo susuko Chast...”

Napalingon ako sa bagay na hawak-hawak nya. Nakita ko na tatlong piraso pala iyon ng mga litrato namin ni sir, ito yung mga pinunit ko na halatang binuo lamang dahil puro ito scotch tape.......

    “Paano mo nakuha ang mga iyan?!...Sinira ko na iyan sa school ah....At bakit tinitignan mo pa?!...” pagtataka ko.....
    “Hiningi ko toh doon sa dalawa nating classmates na nagmalasakit linisin ang mga toh, para di na pagtripan ng iba...Tapos binuo ko, naisip ko kasi na baka may makita akong clue dito....At tama nga ako...”
    “Huh?...Ano naman ang ibig mong sabihin ha?.. Mr.detective...?”
    “Tinagnan mong mabuti itong mga pictures...”

Binigay nya sa akin ang mga litrato at pinagmasdan ko itong maigi.....

    “Hmmm...Wala naman akong ibang nakikita dito kung hindi kaming dalawa lang ni sir eh....”
    “Hindi Chast, pagmasdan mo mabuti kung kanino nakatutok at nakafocus yung mga kuha....”

Muli kong pinagmasdan ang mga litrato, sinunod ko ang sinabi nya at doon ko lamang napansin na.......

    “Teka Rass...Bakit ganun?!...Bakit hindi sa akin?!...BAKIT KAY SIR?!....” pagtataka ko....
    “See...Chast...Di kaya si sir ang gustong sirain ng kupal na yun at nadamay ka lang?...”
    “Pero may kasalanan din naman tayo sa kanya di ba?...Baka gusto nyang gumanti...?”
    “Alin yung pagsapak ko sa kanya?...Yung pagkuha natin ng cellphone nya na sya rin naman ang may kasalanan?....Ang babaw naman para sirain nya yung buhay mo nang ganito...Para sirain tayo...”
    “OO nga noh...At kung sya ang nagdikit ng mga ito sa pisara....Malamang sya rin yung kumuha ng cellphone sa principal’s office...Sinalisihan nya kami....”
    “Naguguluhan ako Chast...Nakuha natin yung cellphone nya eh...Kaya saan nya nakuha ang mga pictures na toh?...” napapakamot sa ulong sambit ni Rass.....
    “Simple lang....Naisahan niya tayo dahil malamang dalawa ang dala niyang cellphone...”
    “Pero kung ganun at kung si sir nga ang target nya, bakit pa nya kinuha ulit yung cellphone?...Eh yung video doon ang pinakamalakas na sandata laban kay sir di ba....”
    “Hmmm...Iyon ang dapat nating malaman...Rass kailangan mas igihan pa natin ang paghahanap natin bukas...”
    “Bukas.....”

Biglang napahinto at natahimik si Rass, dahan-dahan syang lumingon at tila nakatitig sya sa may kalendaryong nakadikit sa dingding ng kwarto. Natulala na sya kaya naman tinapik ko na.....

    “Uy!...Anong nangyari sa iyo?!...”
   
Lumingon sya sa akin at....

    “Ah...Wala...”
    “Bakit?...May lakad ba kayo bukas ng daddy mo...?”
    “Wala...Huwag mo na lang akong pansinin...Mabuti pa, magpahinga na tayo..........”

Kinabukasan......

Tinuloy namin ang paghahanap sa estudyante, ngunit gaya ng mga nakaraang araw ay masama pa rin ang pakikitungo ng karamihan sa amin. Nang dumating ang lunch break, habang naglalakad kami sa may corridor........

    “Rass...Pwedeng ikaw muna ang bumili ng lunch natin ngayon?...Mauna na muna ko sa tambayan...”
    “HUWAG!!!...” gulat nyang sambit.....

Maging ako ay nagulat sa biglang paglakas ng boses nya, nakakapagtaka ang reaksyon nyang iyon. Pero bago pa man ako mag-usisa ay inunahan na nya kong magsalita.....
   
    “Ahmmm...Ang ibig kong sabihin Chast...Nauubusan na tayo ng oras, tsaka sabi mo di ba dapat mas igihan natin ang paghahanap ngayon?....”
    “OO nga...Pero...”
    “Mabuti pa, maghiwalay muna tayo....Magtatanong – tanong muna ulit ako, di pa naman ako gutom eh...”
    “Eh di sasama na lang ako sa iyo...”
    “HA?!...Ah...Eh...Huwag na...Sa cafeteria ka na lang...Doon ka na lang din kumain...Baka mamaya niyan magcollapse ka pa sa gutom...”
    “Huh?...Oh sige na nga...”

Nagtungo na ko sa cafeteria dahil gutom na rin talaga ko. Matapos kong makabili ng pagkain at juice naghanap ako ng mapwepwestuhan. Nang makakita na ko ng bakanteng mesa at naglalakad na ko patungo doon, bigla na lamang may tumulak sa akin mula sa aking likuran.

Malakas ang pagkakatulak sa akin kaya nabitawan ko ang mga bitbit ko at nasubsob ako doon.........

    “AY! Sorry pare hindi ko sinasadya...Este MARE PALA!!!...Hahaha...”

Kahit sabihin nyang di sadya iyon, alam kong sinadya nyang gawin iyon para asarin ako dahil panay ang tawa nya. Dahan-dahan akong tumayo at pinagmasdan ko ang aking sarili. Bukod sa dumikit na ang pagkain sa aking uniporme, basang basa pa ako ng juice. Sa itsura kong iyon ay talaga namang pinagtinginan at pinagtawanan na naman ako nga mga tao.

Masakit man sa kalooban ko at naiinis man ako sa trato nila sa akin, pinili ko na lamang na magtiis. Nawalan na rin ako ng ganang kumain, kaya matapos kong pagpagin ang aking sarili ay nakayuko akong umalis mula sa may cafeteria. Habang naglalakad ako pabalik sa classroom ay nasalubong ko si Rass, nanlaki ang mga mata nya nang makita ang itsura ko.......
   
    “CHAST!...Anong nangyari?!...Okay ka lang ba?!...”
    “Kailangan pa bang itanong iyan?...Alam mo naman na ang sagot...”
    “Sobra na talaga sila....”
   
Inakap na lamang nya ko, pagkatapos ay sabay na kaming bumalik sa aming classroom.

Pagdating ng uwian......

Pagkalabas namin ng classroom, naghihintay pala sa amin ang principal sa may tapat ng pinto. Pinapapunta nya kaming dalawa ni Rass sa kanyang ospisina dahil may mahalaga daw syang sasabihin sa amin. Agad naman kaming nagtungo doon.......
   
“Ma’am ano po ba yung sasabihin niyo...?” usisa ko.....
    “Una, gusto kong malaman ninyo na bukas...Pababalikin ko na sa trabaho si Mr. Diaz....”
    “PO?!...” gulat kong sambit.....
    “Ma’am bakit naman po ganun?...Hindi ba po sabi nyo, hanggat hindi di pa nasosolve ang issue na toh, hindi pwedeng bumalik si sir sa pagtuturo...Tapos ngayon biglang ibabalik nyo....”dagdag ni Rass.......
    “Unfortunately mga iho, may iba pang teachers sa first year department ang biglang nafile ng leave....I have no choice,  kung hindi ibalik si Mr. Diaz dahil baka kulangin kayo ng teachers, hindi lang naman ang section niyo ang apektado dito eh....”

Sa puntong iyon, wala na kaming ibang nagawa kung hindi ang tanggapin ang napagpasyahan ng principal......
   
    “Ahmmm....May isa pa pala kong sasabihin sa inyo...”
    “Ano po iyon...?” usisa ni Rass.....
    “I’ve heard na mula nang mangyari iyong eskandalo sa pictures ay kumalat na rin ang tungkol sa relasyon niyo....At hindi na rin naging maganda ang trato ng mga tao sa inyo...Nakarating din sa akin iyong nangyari sa iyo kanina sa may cafeteria Chaster...Nag-aalala na ko para sa inyo...”    “Ma’am okay lang naman po ako....Okay lang kami...” sagot ko...
    “Pero hindi emotionally healthy ang mga nangyayaring ito para sa inyo...Bukod doon, hindi na rin magandang tignan, masyado nang nagiging maingay ang issue na ninyo sa buong school...So I’m giving the two of you an offer......”
    “Ano pong offer...?” usisa ni Rass.......
    “Gusto kong pagbakasyunin muna kayo...Iyon ay kung tatanggapin nyo.......”

Natigilan ako sa sinabing iyon ng principal at ganun din si Rass. Bigla na lamang akong nanlambot, pakiramdam ko ay tila hindi na kami welcome sa eskwelahan na ito, na pinagtatabuyan na kami........

    “Hmph!...Ma’am pinaganda niyo pa talaga yung tawag ah...Bakit di niyo na lang sabihin na gusto niyo kaming isuspend?!...O kaya naman diretsohin niyo na....Gusto niyo kaming iexpell para wala nang problema...Doon di naman ang tuloy noon eh?!....” inis kong sambit.......
    “Ma’am this is so unfair!...Pati ba naman kayo?!...Hinuhusgahan niyo na rin kami?!....Ano po bang mali sa amin ni Chast?...Wala naman kaming tinatapakan o inaagrabiyadong tao...”dagdag ni Rass.....
    “I know it’s a little bit harsh...Pero hindi ko naman kayo hinuhusgahan...Ang sa akin lang mga iho, may pangalan din na pinangangalagaan ang school na toh at ayaw ko na pati iyon ay maapektuhan....”

    “Ayun ma’am!...Eh di lumabas din ang totoo, hindi kami ang inaalala niyo kung hindi itong eskwelahan nyo!...” sambit ni Rass.......
   
Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at tinitigan ko si principal sa kanyang mga mata at........

    “Mawalang galang na po ma’am...Pero hindi ako papayag na ganituhin niyo kami...Hindi ako papayag sa gusto ninyong mangyari....May natitira pa kaming dalawang araw....Sisuguraduhin ko sa inyo na makikita namin yung estudyante...At patutunayan kong lahat sa inyo na malinis akong tao at na wala kaming masamang ginagawa ni Rass...”

Magkahalong inis at lungkot ang nararamdam ko at parang gusto nang sumabog ng dibdib ko. Pagkalabas namin ng principal’s office........

    “Sobra na sila...Sobra na toh Rass......”
    “Chast relax lang.....Ah alam ko na, mabuti pa dumaan muna tayo sa tambayan para naman kumalma iyang utak mo....”

Hindi na ko umimik, sumunod na lamang ako kay Rass, pero nang makarating kami sa bungad ng tambayan ay hindi ko na napigilang maging emosyonal. Napahinto ako sa paglalakad at napaiyak na lamang ako........

    “Oh umiiyak ka na naman....” sambit ni Rass.........

Huminto din sya, hinawakan nya ang magkabila kong pisngi at pinahid nya ang umaagos kong luha.......

    “Chast kalma lang...Tahan na....”
    “Paano naman ako kakalma?!...NASA ALANGANING SITWASYON TAYO!...Narinig mo naman yung sinabi ni principal kanina di ba?!...Rass....Di kaya ito na yung kapalit ng pagpili natin na mahalin ang isa’t isa?....Di kaya....”
   
Naputol ang pagsasalita ko dahil hinarang nya ang isa nyang hintuturo sa aking labi......

“SHHH!...Itigil mo yang kagaguhang pinagsasabi mo....”

Dahan-dahan nyang inalis ang daliri nya mula sa aking labi. Muli nyang pinahid ang mga luha sa aking pisngi. Pagkatapos ay hinawakan nya ko sa magkabila kong balikat..........

    “Makinig ka Chast....Kumalma ka pwede?...Ako rin naman eh...Masakit din naman para sa akin ang mga nangyayari...Alam ko rin na nasa alanganin tayo.....Pero ngayon, ang gusto ko kalimutan muna natin ang mga problema...Kahit ngayon lang........”
    “Ano ba yang pinagsasabi mo?!...NABABALIW KA NA BA?!...Tsaka ano bang ginagawa natin dito ngayon sa tambayan?!...Maggagabi na, baka abutan tayo ng dilim!.....”
    “AY ANG KULIT!...Sabing kumalma eh...Pwede?...Bago ka magsalita ulit, tignan mo munang maigi ang paligid mo......”

Nagtaka ko sa sinabi nyang iyon, kaya naman sinunod ko sya at pinagala ko ang aking paningin sa paligid. Biglang nanlaki ang mga mata ko, lalong lalo na nang dumako ako sa punong tambayan namin. Dahan-dahan akong napalakad papunta doon at napanganga na lamang ako sa aking mga nakita.......

ITUTULOY..........

4 comments: