m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Monday, May 6, 2013

Here and Now (Part 2)

By: Chaster Rassel 

Chapter 2: The Wild Goose Chase...

SI ORYO.....

Dahil nga sa hindi ako makagalaw, tuluyan nang nakalapit sa akin si Hunsel. Hindi ako makapaniwala na nakaharap ko siya ngayon nang malapitan. Iyon nga lang, inis siya sa akin.......

    “Hmph!...Don’t even think na pumalag!...Sa prisinto ang bagsak mo ngayon!...MAGNANAKAW!!!...”inis niyang sambit....

Hinawakan niya ko sa braso, sa puntong iyon ay wala na akong nagawa....

    “Hyro, kunin mo iyong bag ni Mommy at nang madala na natin toh sa mga guard....”

Pagkapulot ng bata sa bag ay hinila na ko ni Hunsel. Habang naglalakad kami ay pilit kong inayos ang aking sarili. Naisip ko kasi na hindi ako pwedeng maging malambot. Hindi ako pwedeng sumuko at magpahuli, hindi ko hahayaan na maiwang mag-isa ang kapatid ko sa mga kamay ni nong Primo. Kaya kailangang makaisip ako ng paraan para makatakas.

SAMANTALA SI REVY.....

Papasok na ko sa bahay namin nang masalubong ko si nong Primo. Iika-ika siya maglakad at amoy alak. Hay, nakipag-inuman na naman siya. Muntikan na siyang matumba kaya naman inalalayan ko na at tinulungang umupo sa may sala.......

    “Nong gusto niyo po ng kape?...”
    “Hmph!..Huwag na!...Nasaan ang kita mo?!...”
    “Teka lang po kukunin ko....”

Kinuha ko ang mga dala ko, muli kong nahawakan ang cellphone at psp. Sa kabila ng pag-aalangan ko, nagpasiya ko na huwag na itong ibigay kay ninong. Habang tinatago ko ang mga ito ay nagulat ako dahil sinagawan niya ko bigla......

    “HOY REVY!...Ano ba yan?!...Ang tagal mo ah!!...NASAAN NA IYONG PERA?!!!....”

Nataranta na ko kaya naman binilisan ko para makabalik ako kay ninong at maibigay sa kanya ang pera.....

    “Ito poh nong....”sambit ko sabay abot sa kanya ng pera.....

Nanlaki ang mga mata niya, napatayo siya mula sa kanyang kinauupan na para bang nawala ang kanyang kalasingan. Agad niyang kinuha ang pera at binilang ito. Pagkatapos.......

    “ABA!....Ang dami nito ah!.....Hehehe.....Iyan ang gusto ko sa iyo Revy!....Sige maiwan muna kita ha!....”sambit niya sabay tapik sa balikat ko at ngiti na parang aso.....

At bigla na nga siyang umalis.........

    “Lakas din ng topak ng taong toh!....”napapakamot sa ulo kong sambit........

Pagkatapos noon ay binalikan ko na ang mga bagay na tinago ko. Una kong sinubukang paganahin ang psp. Madalas akong makakita ng mga batang naglalaro nito kaya naman napagmasdan ko kung paano nila ito pinipindot at sinisindi kaya iyon ang ginawa ko.

Napagana ko naman ito pero pinatay ko muna para iyong cellphone naman ang mapagtuonan ko ng pansin. Ito iyong klase ng cellphone na walang pindutan na sa aking pagkakaalam ay kailangang idampi ang daliri sa salamin para gumana.

Sinubukan kong ilapat ang daliri ko at agad na umilaw ang salamin, kasunod noon ay tumambad sa akin ang isang larawan. Ang nasa larawan ay walang iba kung hindi ang tunay na may-ari ng telepono, si cute na tisoy. Dito ko mas napagmasdan ang itsura niya, kasi naman ay medyo may kadiliman sa paradahan kanina.

Grabe, mala porselana ang kutis niya. Tapos ay mapupula ang kanyang mga pisngi at labi. May matangos siyang ilong, makikislap na mga mata at magandang ngiti. At doon ko napagtanto na......

    “Teka....TAMA!...Siya iyong nasa billboard sa highway!!...Kaya pala pamilyar ang mukha niya sa akin, modelo pala siya.....Siya nga iyon....”

Mayamaya pa, nahuli ko na lamang ang aking sarili na napapangiti habang patuloy na tinititigan ang larawan niya.

BALIK KAY ORYO.....

Nauna kaming naglakad ni Hunsel habang ang dalawa naman ay nakasunod sa aming likuran. Alam ko na wala silang ibang pagdadalahan sa akin kung hindi sa mga gwardiya lang kaya bago pa mangyari iyon ay kumilos na ko. Nagpumiglas ako sa pagkakahawak ni Hunsel, siniko ko siya sa mukha at binigyan ng lowblow dahilan para matumba siya.

Agad na lumapit ang bata at kanyang nanay para tulungan siya. Napansin ko na naiwan nilang nakalapag sa sahig ang bag kaya agad kong kinuha ito. Nagsimula na silang sumigaw ng tulong kaya naman muli na kong tumakas. Dumaan ako sa gilid at likuran ng mga nakaparadang sasakyan para hindi ako makita ng mga gwardiya hanggang sa tuluyan akong nakatakas at nakaalis mula sa kanila.

Pagkauwi ko sa amin, nadatnan ko si Revy na mag-isa at kumakain. Agad din naman niya kong napansin......

    “Ay kuya kain ka na oh....”

Lumapit at umupo na ko sa may hapag para saluhan siya dahil matapos ang mga nangyari kanina sa mall ay talaga namang ginutom ako......

    “Nasaan nga pala si nong Primo?...”
    “Lumabas kasama ang mga barkada niya....Tuwang tuwa kasi ang mokong nung binigay ko ung malaking pera na nadekwat ko kanina....”
    “Hmph!...Di na talaga magbabago si ninong...”

Habang naglalagay ako ng pagkain sa aking plato ay napansin ko na panay ang ngiti ni Revy........

    “Psst! UY!!....”
    “Bakit kuya?!...”
    “Ano iyang ngiti na iyan ha?!.....”
    “Ah wala...Wala toh kuya....”
    “Anong wala?!....Hoy ugok!....Alam ko iyong mga ganyan mong ngiti, kaya sinong niloko mo!....Hmmm....May nangyari ba sa iyo kanina na dapat kong malaman?....”
    “Wala nga!...Kung anu-ano na naman iyang naiisip mo...si kuya talaga oh....Teka...Ako pala dapat ang nagtatanong sa iyo ah!...Kasi kanina sa mall, nakatulala ka sa hawak mong pulyeto eh....”

At bigla akong natigilan dahil sa sinabi niya. Isa pa ay nahihiya akong magkwento tungkol kay Hunsel dahil baka kung ano pang isipin nitong loko kong kapatid, kaya naman..........

    “Ahmmmmmmm.......Alam mo nagugutom na ko.....”
    “Weh!...Binibago niya iyong usapan!...Hahaha.....”
      “Tignan mo oh....Mukhang masarap tong tuyo eh....Tapos may kamatis pa....DALI NA!...Kain na tayo!!...”
    “Si kuya Oryo....May tinatago...Hahaha....”nang-aasar niyang sambit....
   
Ganito kaming magkapatid, kahit na hirap kami sa buhay ay nakukuha pa rin naming ngumiti, magtawanan at magbiruan. Masasabi ko na sa kabila ng lahat ng mga kakulangan namin ay maswerte pa rin kami, dahil magkasama kami at narito kami para damayan ang isa’t isa.

Nang sumunod na araw...........

Umaga, bago kami gumala ni Revy para magdelihensiya ng pera ay naisipan kong yayain siya na maglakad-lakad muna sa isang parke na malapit lamang sa amin. Kinakausap ko siya tungkol sa kung saan siya pupunta ngayon pero hindi siya nasagot dahil nakatuon ang kanyang atensyon sa hawak niyang psp kaya naman.........

    “HUY!!!....Kanina pa ko daldal ng daldal dito!!!!...”

At sa pagsigaw ko lamang na iyon siya natauhan, napatigil siya sa kanyang ginagawa at napalingon sa akin.......

    “Kuya naman!....Nanggugulat ka eh!....”
    “Hindi ka po kasi nakikinig sa akin!....”
    “Pasensya na....Nalibang ako eh....Ano ba iyon..?”
    “Saan ka ba ngayon?...”
    “Ahmmm....Di ko pa alam eh...”

SAMANTALA SI HUNSEL.....

Naging hobby na namin ni Hyro ang magjogging sa park kapag free ang schedule namin and today is another one of it. As we were jogging, nagkwekwentuhan kami about sa insidenteng nangyari last night. Hanggang sa may ipinagtapat siya sa akin na ikinainis ko.........

    “WHAT?!!!....Cellphone, psp at wallet?!!...Lahat iyon nanakaw sa iyo kagabi at hindi mo sinabi sa amin ni Mommy?!!...”
    “As if naman na may mababago kung sinabi ko sa inyo...”
    “Meron!...Eh di sana naireport din natin sa pulis!...”
    “Well kuya Hunsel, tapos na iyon...There’s nothing we can do anymore....Tsaka mapapalitan naman ang mga iyon...”
“That is so not the point!....Buti nga at hindi ka sinaktan nung nagnakaw sa iyo....Tignan mo nga iyong nangyari sa akin kagabi....”
“Oh!...So dun pala nanggagaling iyang kasungitan mo ngayon...Di ka pa rin makaget over doon sa lowblow....Hahaha...”   
“It’s not funny Hyro!...Hmph!...Huwag ko lang talagang makikita iyong magnanakaw na iyon ulit....Dahil talagang gagantihan ko siya!!...”

BALIK KAY ORYO.....

Muling inatupag ng kapatid ko ang paglalaro ng psp. Habang naglalaro siya ay pinagmamasdan ko siya. Matagal na rin niyang sinasabi sa akin nang paulit-ulit na gusto niyang magkaroon nito kaya naman kitang-kita ko kung gaano siya kasaya ngayon. Mayamaya ay biglang napahinto siya at......

    “Ay kuya!...May papakita pala ko sa iyo....”

May kung ano siyang kinuha mula sa likod na bulsa ng short niya at pinakita niya ito sa akin.........

    “Tsaran!...Iyong pangarap kong cellphone oh!....”

Hindi ako umimik at natigilan lamang ako, habang siya naman ay nagpatuloy.....

    “Alam mo kuya, sobra kong binuwenas kagabi!...Kasama toh ng psp eh....Tapos may pitaka pa na puno ng pera at iyon ung binigay ko kay nong Primo.....Buti na nga lang at naitago ko itong dalawa mula sa kanya hehe....”

Bigla akong napaisip at nakaramdam ng lungkot. Sinisisi ko ang sarili ko sa kinahinatnan ng kapatid ko ngayon. Na kinailangan pa niyang magnakaw para lamang makuha iyong mga bagay na di ko magawang ibigay sa kanya. Pakiramdam ko ay wala akong kwentang kuya.......

    “Oh kuya bakit bigla kang natahimik?....”

Umakbay ako sa kanya at.....

    “Tol...Sorry ha....”
    “Sorry para saan...?”
    “Eh kasi di kita maiahon sa ganitong klaseng buhay...Di ko maibigay iyong mga gusto mo....Kaya tuloy napipilitan kang gumawa ng masama.....”
    “Naiintindihan ko naman ang sitwasyon natin eh...Tsaka kung wala akong gagawin...Tiyak pag-iinitan ako ni ninong....Tapos ikaw na naman ang sasalo sa akin...Kuya ayaw kong sinasaktan ka ni ninong nang dahil sa kapalpakan ko....”
    “Hmph!...Sira ka talaga!...Ako dapat ang nagproprotekta dahil ako iyong kuya....”
    “Bakit? Di ba ganun naman ang mag-utol?...Prinoprotekhan ang isa’t isa....Hehe...”sambit niya sabay ngisi...
    “Alam mo, kahit kailan ang dami mong alam!...Hahaha...”natatawa kong sagot sa kanya sabay gulo sa buhok niya.....

Nagpatuloy kami sa paglalakad nang may makita akong nagtitinda ng fishball. Paborito iyon ni Revy kaya naman......

    “Tol, fishball oh....May kaunting pera kong naitabi dito...Gusto mo ibili kita?...”tanong ko sabay turo sa nagtitinda ng fishball....
    “Sige ba!...”

BALIK KAY HUNSEL.....

We continued jogging, mayamaya ay bigla akong napahinto dahil nakita ko iyong magnanakaw na bumanat sa akin kagabi. He was buying fishball from a vendor. Hindi pa niya ko napapansin pero agad akong nakaramdam ng panggigigil. Samantala dahil sa paghinto ko ay napahinto rin si Hyro.........

    “Kuya why did you stopped?...”
    “Hyro....Tignan mo kung sino ang nasa harapan natin....”inis kong sambit......

Napalingon naman siya at.....
   
“Siya iyong magnanakaw kagabi!...”
    “I’m gonna make sure na hindi na siya makakatakas this time!...”

Palakad na dapat ako nang biglang hinawakan ni Hyro ang braso ko........

    “Wait!....Kuya don’t make a scene here....Please lang!...”
    “NO!...I can’t let that bastard escape again!!...”sagot ko sabay pumiglas sa pagkakahawak niya.......

BALIK KAY ORYO.....

Maraming taong nakapila kaya natagalan ako sa pagbili. Habang naghihintay ay napalingon ako sa paligid at laking gulat ko na lamang sa kung sino ang nakita kong naglalakad papunta sa akin. Iyon ay walang iba kung hindi si Hunsel Amethelli..........

    “NALINTIKAN NA!...Ba...Bakit nandito siya?!....”

Kung kagabi ay pormal na pormal ang ayos niya ngayon ay napakaordinaryo lang at hindi mo aakalain na isa siyang modelo. Tapos ay pawis na pawis siya na tila nagbibigay tingkad pa sa malaanghel niyang mukha. Heto na naman ang dibdib ko, kagaya kagabi ay kumakabog kabog na naman.

Pero hindi ito ang tamang oras, kaya naman bago pa magkagulo ay agad na kong tumakbo. Ang buong akala ko ay ayos na at makakatakas na naman ako pero sinundan niya ko. Sa buong buhay ko, siya ang kauna-unahang tao na nagawang makahabol sa bilis ko.

SAMANTALA SI REVY.....
   
Ang sabi ni kuya Oryo ay bibilhan lang niya ko ng fishball, kaya habang naghihintay ay nagpasiya ko na itago na muna iyong cellphone para makapaglaro ulit ako ng psp. Nang ibubulsa ko na ito, hindi naiwasan na makita ko ulit ang larawan ni cute na tisoy.......

    “Alam kong kalokohan toh pero....Sana makita kita ulit...”napapangiti kong bulong sa aking sarili.....

Ewan ko ba, pero di ko talaga mapigilang mapangiti kapag nakikita ko iyong mukha niya. Pinatay ko ang cellphone at ibinulsa na ito. Napatingin ako sa tindahan ng fishball. Katakataka dahil wala si kuya Oryo, kaya naman lumapit ako doon........

    “Hmmmm.....Nasaan na si kuya Oryo?....Si kuya talaga....”napapakamot sa ulo kong sambit.......

Kasunod noon ay bigla na lamang may nagsulputan na mga taong may dalang mikropono at camera, mga reporter? Sa iisang direksyon lang sila nagsisipunta, napapaisip ako kung anong meron kaya naman patago akong sumunod sa kanila para alamin ito.

May sinusundan pala silang tao at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko na si cute na tisoy pala ito, hindi nga lang siya bihis. Hindi ko inaasahan na ganito pala kabilis didinigin ng langit ang hiling ko. Samantala, hindi ko lubos na maintindihan ang mga nangyayari pero pinagkakaguluhan siya. Tama nga ako, siya iyong nasa billboard at sikat na tao nga siya.

Ganun pa man, sa mga nakikita ko ngayon ay hindi maganda ang kalagayan niya. Tagaktak ang pawis niya, tila natatakot siya at di na niya alam ang gagawin dahil sa dami ng mga reporter. Paano kaya kung tulungan ko siya? Pero mas malaking gulo iyon, malamang galit iyan sa akin dahil sa ginawa ko sa kanya.......

    “Hay bahala na nga!...”sambit ko......

Hindi na ko nakatiis at nagpasiya ko na tulungan na siya. Tamang-tama naman at may nakita akong maliliit na bato sa aking paanan. Pinulot ko ang mga ito at pinagbabato ko ang mga reporter. Agad silang nagkagulo, dahilan para malihis ang atensyon nila habang napansin ko naman na nakatunganga pa rin si cute na tisoy.

Sinamantala ko ang pagkakataon, lumabas ako mula pinagtataguan ko at tumakbo papalapit sa kanya. Hinawakan ko ang isa niyang kamay at hinila siya papalayo mula mga reporter. Habang tumatakbo kami.........

    “Sumama ka sa akin....May alam akong lugar na mapagtataguan para di ka na nila kulitin....”sambit ko.......

BALIK KAY ORYO.....

Sa kakatakbo ko ay nakarating kami sa may palengke. Panay ang lingon ko sa aking likuran para malaman kung sumusunod pa rin siya sa akin kaya hindi ko nakita na may mga kargador pala na papatawid at may dala silang banyera ng isda. Hindi na ko nakahinto, nabangga ako sa kanila at natumba.

Nagbagsakan ang mga dala nila at natapunan pa ko nito. Para kong naligo nang di oras, pero ang masaklap ay may kasamang isda kaya napakalansa nito. Bukod doon ay madulas din kaya nahirapan akong bumangon. At bago pa man ako makabangon...........

    “FINALLY!!!....HULI NA KITA!!!....”inis na sambit ng isang boses mula sa aking likuran....

Dahan-dahan akong napalingon at tumambad sa akin si Hunsel. Gigil na gigil siya at nakatitig sa akin nang masama.........



ITUTULOY..........

9 comments:

  1. Hay, bitin. Sana habaan ang bawat Chapter. O kaya bilisan ang post ng mga susunud pang chapter. Hehe, I like your stories, Chaster. You are a great writer!

    ReplyDelete
  2. Action at love story ang theme, maganda..

    ReplyDelete
  3. Paki labas na ung next chapter please ang ganda ang story e.. Very exciting

    ReplyDelete
  4. Wala pa bng update to?

    ReplyDelete
  5. Nasubmit ko na po kay Admin ung next chapter....Hintay na lang po natin na mapost....

    ReplyDelete
  6. Kuya Chaster Literature graduate ka ba? Ang galing mo kasi magsulat ng kuwento eh. Kumpleto kasi yung mga parts na kailangan para sa magandang kwento, kumpleto sa details at higit sa lahat nagugustuhan ng mga mambabasa yung "flow" ng kuwento. Hindi siya katulad ng ibang kwento dito na hindi kayang "i-sink in" ang mambabasa sa kwento. Pano ko kamo nasabi yun? Pagkatapos ko basahin yung ending ng "Here Beside You" yun lang yung pagkakataon na naranasan kong umiyak ng husto dahil sa isang kwento. nabasa ko na yung ibang kwento dito pero... wala eh. iba talaga yung writing style mo eh. Pinabasa ko pa nga yung HBY sa LIT prof ko (may Ph.D. siya in English Language and Literature at bakla rin siya katulad ko) at sabi niya "assuming na term paper ng Literature undergraduate yan, bibigyan ko yan ng grade na 94/100." Tuloy pati ako gusto ko narin i-share ang kuwento ko hahaha. Naniniwala rin ako na maganda rin ang magiging outcome ng HAN and it will be better than HBY - pano ba naman hindi lang dalawa yung main characters sa kwento. Apat pa! hahaha.

    Well, ayun lang kuya Chast masasabi ko. THANK YOU. nakakinspire kasi kuwento mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Lol nagulat naman ako kanina pagtingin ko sa cellphone ko may mahabang comment, nalula ako haha...

      And hindi ako literature grad, comsci ako actually....Ang layo noh? Hahaha but still my dream job is being a writer talaga. And iba din talaga ang passion ko when it comes to it kaya siguro maganda ang kinalalabasan kapag nagsusulat ako. Even I can't believe that I have it in myself, the talent to write I mean.

      Anyway, ako dapat ang magpasalamat sa iyo for reading my story and for the appreciation you gave. Thank You :)

      -Chaster Rassel-

      Delete
  7. merun na ba ang next chapter? excited na ako at galing mo mag sulat ha! ^^

    ReplyDelete