m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Tuesday, May 21, 2013

Here and Now (Part 3)

By: Chaster Rassel 

Chapter 3: Confrontations...

SI REVY.....

Tumakbo kami hanggang sa tuluyan kaming makalayo sa mga reporter. Pagkatapos ay dinala ko siya sa isang tagong lugar na natuklasan namin ni kuya Oryo ilang buwan na ang nakakaraan. Tahimik doon at may magandang tanawin ng mga puno kaya naging tambayan na namin. Kung minsan nga ay natutulog pa kami ni kuya sa damuhan doon.

Pagdating namin ay huminto kami sa tapat ng isang puno at hingal na hingal kami na para bang mauubusan kami ng hangin.........

    “WEW!...Salamat pre....Ni...Niligtas mo ko sa mga reporter kanina.....”sambit niya habang panay pa rin ang hangos.....

Nang makabawi na kami ng hininga ay sabay kaming nag-angat ng ulo. Nagkatinginan kami kaya nalaman na niya kung sino ang taong tumulong sa kanya. Biglang nanlaki ang mga mata niya at.......

    “FORINGERMS!!!...IKAW?!!...”tila inis niyang sambit....
    “Ahmmm...Eh...Ako nga...”sagot ko na may kasamang pilit na ngiti....

Nakatingin siya sa akin nang masama, lagot na ko, baka isumbong ako nito sa mga parak. Mayamaya ay bumaba ang titig niya hanggang sa napahinto siya. Sinundan ko kung saan siya nakatingin, iyon pala ay nakasilip iyong psp mula sa gilid na bulsa ng short ko.........
    “Te...Teka lang muna....Huwag kang...Ma...magagalit...”
    “Are you kidding me?!...Ninakawan mo ko kagabi tapos sasabihin mo sa akin na huwag akong magalit?!!....IBALIK MO SA AKIN IYONG MGA NINAKAW MO!!!...”

At bigla na lamang niya kong sinunggaban. Pilit niyang kinukuha iyong psp mula sa bulsa ko habang pilit ko namang hinahawi ang kamay niya........

    “Amina iyong psp ko!....”sambit niya habang pilit na pinapasok ang kamay niya sa bulsa ko......
    “ANO BA!!!....Tumigil ka nga at baka kung ano pa ang masundot mo diyan!!....”sagot ko habang hinahawi ang kamay niya........

Huminto nga siya pero.......

    “Hmph!...Masundot pala ha!...”

Bigla niya kong tinulak nang malakas, natumba ko at pumatong naman siya sa akin.........

    “Sa ayaw at sa gusto mo, kukunin ko toh!...”

Dahil nga sa nakapatong siya sa akin ay nahirapan akong kumilos, kaya naman nagawa niyang ipasok nang tuluyan ang kamay niya sa bulsa ko. Sa puntong iyon ay kinakabahan na ko. Hindi dahil sa baka ipapulis niya ko, kung di dahil sa ibang kadahilanan.

Nataon kasi na manipis ang shorts ko tapos boxer lang ang suot kong pangloob at hindi brief. Kaya kaunting maling galaw lang ng kamay niya, alam na kung anong mangyayari. Ang masaklap pa nito, sensitibo ko at madaling tigasan. Nagawa niyang hugutin iyong psp at nilapag niya toh sa damuhan.......

    “Hmph!...Iyong cellphone at wallet ko nasaan?!...”
    “TEKA!...Wala diyan!...”

Muli niyang pinasok iyong kamay niya sa bulsa ko pero wala naman doon iyong cellphone dahil nasa likod na bulsa ko ito. Kaya nangyari nga ang kanina ko pa ikinakatakot, hindi ko alam kung anong gagawin ko at pinagpapawisan na rin ako......

    “Gago ka!...Sabing wala diyan!!...Alisin mo iyang kamay mo diyan!!!”
    “SINUNGALING!!!...Eh ano tong hawak ko?!...”
    “Tangina!...Hindi iyan iyong cellphone mo at mas lalong hindi iyan wallet!!....TANGA KA BA?!!!”
    “Ha?!!!...”

Natigilan siya, biglang namula ang mukha niya at dahan-dahan siyang napatingin sa kung saan nakahawak iyong kamay niya.

SAMANTALA SI ORYO.....

Sa puntong iyon ay hindi na ko nakakibo at mas lalong hindi na ko nakagalaw. Buti na lamang ay nadulas si Hunsel nang humakbang siya. Bumagsak din siya sa mga natapong isda at iyon naman ang nagbigay pagkakataon sa akin para makabangon.

Pagkabangon ko ay nahawakan niya ang paa ko at.......

    “Hindi ka makakatakas sa akin!....”inis niyang sambit.....

Tumingin ako sa kanya, nginitian ko siya nang mapang-asar at........

“ASA KA!...”

Pumulot ako ng isda at binato siya sa mukha. Pagkatapos ay ginamit ko ang isa kong paa para sipain ang kamay niya kaya nakatakas ako’t nakatakbo. Pero gustuhin ko mang makalayo nang tuluyan eh hingal na hingal pa ko. Kaya naman pumasok ako sa isang eskinita para makapagpahinga.

Napaupo ako sa likod ng isang basurahan na drum nang maramdaman ko na may kung anong malagkit na nahawakan ang kaliwa kong kamay. Hindi ko pa man natitignan ay alam ko na kung ano ito dahil sa matapang nitong amoy.....

    “Rugby!...Anak ng...Kung mamalasin ka nga naman!.....”

Amoy isda na nga ko tapos nadagdag pa itong rugby, kainis. Sumilip ako sa gilid ng drum para malaman kung ligtas na ba na lumabas. Pero malas talaga kung malas, si Hunsel nakatayo sa tapat ng eskinita at tanging iyong basurahan lang na drum ang humaharang para di niya ko makita.

BALIK KAY REVY.....

Bigla niyang inalis ang kamay niya mula sa bulsa ko, umalis siya sa ibabaw ko at napaatras. Bumangon naman ako at naupo sa damuhan. Bukod doon, tinakip ko ang dalawa kong kamay sa aking harapan. Tigas na tigas pa rin kasi ang alaga ko at kung di ko ito tatakpan, siguradong babakat ito nang patusok sa short ko. Kainis, sobrang nakakahiya ito.

Samantala, nabalot kami at ang paligid ng katahimikan. Pareho kaming di makatingin ng diretso sa isa’t isa, pero kita ko pa rin na namumula pa rin siya at nararamdaman ko na ganun din ako. Mayamaya pa ay siya na ang bumasag sa katahimikan..........

    “Ah...Eh....Ah....So...Sorry Foringerms...Di ko naman sinasadiyang hawakan iyong anu mo...Iyong ano...Alam mo na iyon!....”sambit niya sabay iwas ng tingin sa akin....
    “Revy....Revy ang pangalan ko....Huwag mo na kong tuksuhin ng foringerms....Ang sagwa eh....”sagot ko na may kasama ring pag-iwas ng tingin......
“Fine...Sabi mo eh....”
   
Napag-isip isip ko na mas mabuti pang ibalik ko na sa kanya iyong cellphone dahil wala naman akong karapatan doon at para wala na ring gulo. Inalis ko ang isa kong kamay mula sa harapan ko para kunin iyong cellphone sa aking likuran.......

    “Hmph!...Oh anong ginagawa mo?...”usisa niya na may kasamang pigil na tawa......
    “Kinukuha iyong cellphone mo para di ka na magngawa diyan!...”
    “Para kang gago!....May patakip-takip ka pa....” 
    “Ga...Galit pa eh...Dahil sa kagagawan mo!...”
“Pareho naman tayong lalake dito ha....”natatawa niyang sambit...
    “Di ako sanay na may ibang taong nakakakita sa akin ng ganito....Kaya pwede huwag kang pakialamero....”
    “Okay you win!....Ahmmm...Sige na...Huwag mo na ibalik iyong cellphone....Sa iyo na lang lahat ng kinuha mo sa akin....”

Napahinto ko at napanganga ko sa sinabi niya. Hindi kasi ko makapaniwala na binibigay na niya sa akin lahat nung ninakaw ko sa kanya......

    “HA?!...Si...Siryoso ka?!!”gulat kong usisa.....
    “OO naman!....Ito na iyong psp oh...”sagot niya sabay abot pabalik sa akin ng psp....

Nagawa na niyang makatingin sa akin ng diretso at kitang-kita ko sa tingkad ng mga mata niya na bukal sa loob niya ang pagbigay niya sa akin ng cellphone at psp niya. Napansin ko rin na mas lalong namula ang mukha niya tapos ngumiti siya at ang ganda-ganda ng ngiti niya.......

    “Sige na Revy...Tanggapin mo na....Bayad na rin toh sa pagligtas mo sa akin kanina....”
    “Nakakahiya naman sa iyo...Ninakawan na nga kita tapos ngayon ikaw pa iyong nagbibigay....Tsaka di naman ako nagpapabayad sa pagtulong ko sa iyo. eh...”napapakamot sa ulo kong sagot.....
    “Sige ka!....Pag di mo tinanggap ang mga binibigay ko, hahawakan ko iyan ulit!....”nakangiti niyang sambit sabay turo ng nguso niya sa tinatakpan ng kamay ko.......

Nagulat ako sa sinabi niya. Yari ako pag hinawakan pa niya ulit ang alaga ko, baka di ko na kayanin at labasan ako nang di oras. Dahil doon ay agad ko nang kinuha iyong psp.........

    “Salamat....”sambit ko....
   
At bigla na lamang siyang natawa...........

    “Hahahaha!....Toh naman di mabiro....Nataranta ka noh?!....Huwag kang mag-alala di ko naman hahawakan iyan....Hahaha...”

Tawa pa rin siya ng tawa hanggang sa nadala na rin ako at pati ko nakitawa na rin sa kanya...........

    “Oh yan ah....Okay na tayo?” sambit niya...
    “Alam mo sa totoo lang....Matagal ko nang gustong magkaroon ng psp at cellphone....Pero mahirap lang ako eh....Kaya di mo alam kung gaano mo ko napasaya sa ginawa mo ngayon.....Salamat talaga....Ahmmm....Ano nga bang pangalan mo?...”
    “Teka...Huwag mo sabihing di mo ko kilala?...”
    “Ang alam ko lang, modelo ka kasi nakita na kita doon sa billboard sa may highway...At malamang sikat ka dahil pinagkakaguluhan ka ng mga reporter kanina...Pero di ko talaga alam ang pangalan mo eh...”
    “Kung ganun, hayaan mong makapagpakilala ko sa iyo....Ako si Hyromin Amethelli, pero pwede mo kong tawaging Hyro....”pagpapakilala niya sabay abot ng kamay niya sa akin......

Hindi na ko nahiyang makipagkamay dahil magaan naman ang kalooban ko sa kanya. Nang maglapat ang mga kamay namin ay sabay kaming napangiti sa isa’t isa, tapos........

    “Siya nga pala Hyro...Talaga bang dinudumog ka lagi ng mga reporter....?”
    “Actually first time na nangyari sa akin iyong kanina kaya natakot ako....Hindi naman kasi pumapayag ang mommy ko na makalapit sila sa akin, siya ang laging humaharap sa kanila....”
    “Eh bakit ka ba nila kinulit kanina nang ganun?...”
    “Kagabi kasi may insidenteng naganap sa amin ng family ko sa mall....Pero mahabang kwento iyon eh....Mabuti pa, huwag na nating pag-usapan....Teka, anung lugar ba itong pinagdalhan mo sa akin?...”

Pinagala niya ang kanyang mga mata sa paligid.......

    “Ganda ng view dito ha!....”
    “Nasa likod tayo ng isang eskwelahan...Dito ko madalas tumambay pag walang magawa.....”

Napahinto ang titig ni Hyro sa aking likuran. Kasunod noon ay tila nabalot ang mukha niya ng pagtataka......

    “Revy ano iyon?...”usisa niya na may kasamang pagturo ng kamay niya sa aking likuran....
   
Nilingon at sinundan ko kung saan nakaturo ang kamay niya. Tinuturo pala niya iyong mga nakaukit sa puno na nasa likuran ko. Sa totoo lang, ang puno na toh ang paborito naming tambayan ni kuya Oryo dahil dito ang pinakamalilim at presko. Kaya naman sa tapat nito ko siya dinala. 

BALIK KAY ORYO.....

Pigil ang hininga ko habang hinihintay na umalis si Hunsel. Sumulyap-sulyap ako para mabantayan ang galaw niya. Mayamaya ay umalis na rin siya sa wakas at nakahinga na ko nang maluwag. Matapos iyon ay agad na kong lumabas mula sa eskinita at tumakbo papalayo.

Nakatakas nga ako kay Hunsel, pero may isa pa rin akong problema. Nanlilimahid na ko, gusto ko sanang umuwi muna para makaligo at makapagpalit ng damit. Pero kapag ginawa ko naman iyon ay tiyak na malilintikan ako kay nong Primo. Sa puntong iyon, isang lugar lang ang naisip ko na pwede kong mapuntahan, ang tambayan namin ni Revy.

BALIK KAY REVY.....

Tumayo si Hyro, lumapit siya sa may puno at sumunod naman ako sa kanya. Sabay naming tinignan ang mga nakaukit dito.....

    “Chaster love Rassel....I’m here beside you forever?....Parang pangmagshota toh ah!...”sambit niya.....
    “Noong unang tungtong ko pa lang sa lugar na toh, nandito na toh....Malamang matagal na toh dito....Tsaka makinis na iyong ukit paghinawakan mo oh...Patunay lang na matagal na talaga siya....”sambit ko sabay himas sa mga ukit sa puno.......

Ginaya niya ang ginawa ko, hinimas din niya ang mga ukit..........

    “Hmph!...Weird.....Iyong Rassel, pangalan ng lalake...Tapos iyong Chaster lalake din di ba?...Haha...”natatawa niyang sambit....
    “Hmmmm.....”

Sa kalagitnaan noon ay di sinasadiyang nagsalubong at naglapat sa isa’t isa ang mga kamay namin sa tapat ng salitang love. Napahinto kaming pareho at nagkatitigan nang mata sa mata. Tumagal din ng ilang segundo ang  titigan namin.

Mayamaya pa ay bigla kong naramdaman na may mainit na hanging dumaan sa batok ko. Nagulat ako kaya bigla akong napalingon sa aking likuran. Nakakapagtaka, hindi naman mahangin ang panahon at halos maligo na kami ni Hyro sa sarili naming pawis kaya saan nanggaling ang hangin na iyon?

Dahil sa wala naman akong nakita na kahit ano, lumingon na ulit ako pabalik pero laking gulat ko dahil nabangga ko si Hyro. Nawalan kami ng balanse, natumba siya at bumagsak ako sa ibabaw niya tapos ay nadikit pa ang mukha ko sa pawisan niyang leeg.

Anak ng tinapa! Ano toh?! Bakit bigla naging ganito ang pakiramdam ko?! Bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?! Sa buong buhay ko, ngayon lang pumintig ang dibdib ko nang ganito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kaya naman dahan-dahan ko na lamang inangat ang ulo ko at tumingin ako sa mukha niya.........

    “Ah...Eh....Alam mo....Kahit pawis ka....Ang bango mo pa rin....”bigla ko na lamang nasambit...
    “HUH?!...”sambit niya na tila ba naguguluhan at naiinis siya.....

Maging ako ay nagulat sa mga salitang lumabas mula sa bibig ko. Para kong gago....

    “Pangalawa na toh ah....Hindi ka rin masyadong mahilig mang dagan noh?...”

Nahiya naman ako sa sinabi niya kaya umalis na ko sa ibabaw niya at tumayo......

    “Pa...Pasensya na Hyro...”sambit ko sabay alok ng kamay ko para tulungan siyang makatayo....

Humawak naman siya sa akin at nagpatulong sa pagpatayo. Nang makatayo na siya......

    “Sorry talaga...Ano kasi eh....”napapakamot sa ulong kong sambit.....
    “Di mo kailangang magsorry sa akin Revy....May kasalanan din naman ako eh....Bigla na lang kasi kong nakaramdam ng mainit na hangin sa batok ko...Kaya nawala ko sa sarili...Tapos di ko na namalayan na nagkasabay pala tayo ng lingon......”
    “Ha?!....Naramdaman mo din iyong hangin?!...”
    “Ikaw din?!...Weird...”

Akala ko, ako lang iyong nakaramdaman sa hangin, siya din pala. Natahimik na naman kaming pareho, gawa na rin siguro ng pagtataka. Hanggang sa bigla na lamang namin narinig ang pagkalam ng aming mga sikmura. Na naging dahilan para matawa kami nang di oras........

    “Hmph!...Hahaha....Gutom lang siguro toh pre!...”sambit ko....
    “OO NGA!...Hindi kasi ko nag-almusal eh...Hehehe....”
    “Pareho pala tayo....Kung anu-ano tuloy naiisip natin....Hmph!....”
    “Ano kain tayo?...May alam ka bang kainan na di matao?...Libre na kita!...”
    “Hmmmm...MERON!...TARA!!...”

Dahil doon ay nagpasiya na kaming umalis ni Hyro sa tambayan para kumain.    

NANG MAKAALIS SINA REVY AY SIYA NAMANG PAGDATING NI ORYO.....

Nakarating ako sa tambayan. Pero di ko na talaga kaya ang panlalagkit na nararamdaman ko kaya naman hinubad ko ang suot kong t-shirt. Paghubad ko ay nadikit pa ung damit sa rugby sa kamay ko. Di maganda toh, natutuyo na iyong rugby kaya dapat makapaghugas ako.

Pagkahila ko nung damit mula sa kamay ko ay bigla na lamang may humila sa braso ko nang malakas. Napalingon ako’t nagulat dahil nasundan pala ko ni Hunsel. Di na ko nagkaroon ng pagkakataon para pumalag dahil naging mabilis ang mga pangyayari at naramdaman ko na lang ang malakas na pagtama ng tuhod niya sa aking ibaba. Sa sobrang sakit ay bumagsak ako sa damuhan....

    “PARA IYAN SA GINAWA MO SA AKIN KAGABI!”

Namimilipit pa ko sa sakit kaya naman hindi pa ko makakilos. Samantala, tila hindi pa siya kuntento. Pumaibabaw siya sa akin at sinuntok ako sa mukha....

    “AYAN!! Para sa pagbato mo ng isda sa mukha ko kanina!!...”

At nag-amak pa siya na suntukin ako ulit......

    “AT ITO!!!, Para sa pagnakaw mo sa bag ng mommy ko!!!...”

Pero nagawa ko na itong salagin gamit ang kaliwa kong braso. Dahil doon ay hinawakan niya ang braso ko. Pilit niya itong inalis sa tapat ng mukha ko. Nagawa niyang alisin at igalaw ito, tapos ay pwersahan niyang ibinaba ito sa damuhan.

Kasunod noon ay hinawakan niya ang mismong kamay ko kaya mahihirapan na kong makasalag. Pero may bigla akong naalala kaya napatingin ako sa kamay na hinawakan niya. Iyong hinawakan niya, AYUN IYONG MAY RUGBY!........


ITUTULOY.......

18 comments:

  1. Cute love story ng magkakapatid. Thanks.

    Randzmesia

    ReplyDelete
  2. At least magkasundo na sila revy at hyro. Cute na talaga ang story na to. Sana nga lang, medyo bawasan ang sex, at dagdagan ng more kilig sa mga susunod na chapters.

    Naix_0431

    ReplyDelete
  3. Wow my part d2 yung hby, ung nakaukit sa puno na chaster love rassel ang galing tlaga ng story mo pls next chapter agad :D

    ReplyDelete
  4. mabuhay ka author. Fan mo ako. Nabasa ko na yung here beside you and I Love it. Di ko inasahang pati ang puno ay maging bida rin dito sa here and now hehe. Mwah mwah. Ganda ng kwento super. Sana mapabiLis na ang update. :(

    CharLes Du

    ReplyDelete
  5. Inaabangan ko talaga ito..sana palaging may update..

    ReplyDelete
  6. Wew...Thank you Admin for posting it :)

    ReplyDelete
  7. Ganda ng story!
    Parang gusto ko rin magpost dito kaso marami ng ilocano dito!
    Baka may makakilala sakin!

    _gayyem MarkJ

    ReplyDelete
  8. may kakulitan din ang istoryang ito... hahaha, so really nice... (next chapter please)...

    ReplyDelete
  9. LoL nakakatawa naman yung pinalo ni Oryo ng isda yung mukha ni Hunsel hahaha

    ReplyDelete
  10. excited na ako sa next chapter :)))) chaster ako yung nag comment ng mahaba sa chapter 2.

    ang galing mo talaga mag sulat ng kuwento!!! good work!

    ang dami kong naiisip na pwedeng mangyari sa kwento. lalo na nung pumasok sa kwento yung puno. pero sa tingin ko wala sa plano mo idamay si rassel dito. hahaha.

    ReplyDelete
  11. nice... ilabas na agad ang next chapter neto gumaganda na ang story... nice author...

    ReplyDelete
  12. I Love you Author!!!

    ReplyDelete
  13. Nice story,kaabang abang talaga bawat eksena...d2 bka my mtagpuan kyong partner na tulad nila

    http://120170242.pinoysalsalan.xxxpart.com

    ReplyDelete
  14. Chaster asan na ung monsoon rain the aftermath heartbeat?ilabas mu n rin un..thanks..il w8 for it..taz sna hindi n xa tragedy..thanks..

    ReplyDelete
  15. May chance ata na magkaroon si Rassle ulit ng part dito.
    Kasi nga diba, bago magwakas yung HBY. May sinabi siyang
    Matatagalan daw siya, sa states bago makabalek ng Pinas
    para bisitahin yung puntod ni Chaster? Malay niyo pag bumisita
    si Rassel sa puntod ni Chaster. E yung puntod ni Chaster
    malapit pa naman sa tambayan nilang dalawa dati. Tapos siguro
    pag pumunta si Rassel sa tambayan nila. Maabutan na niya yung
    apat na character dito sa Here and now. Tapos magiging mag kakilala
    sila. Hahaha! Sana mangyari un.
    Sana Ikwento ni Rassel kung baket nakaukit pala sa puno yung
    Chaster love Rassel...
    Waaaaa!! Ini-expect ko na ganito ung mang yare. Haha!

    ReplyDelete
  16. grabe!!! superb!! ang skills mo when it comes to creating stories..

    grabeh! sana may part2 yung here beside you

    ReplyDelete