m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Saturday, November 9, 2013

Here and Now (Part 15)

By: Chaster Rassel 

Chapter 15: Moving On...

SI REVY......

    “Kuya...KUYA ORYO!!!...”

Agad akong tumakbo papalapit sa kanya at inakap siya. Doon na tuluyang bumagsak ang luha ko.......

    “Kuya....Akala ko di na kita makikita ulit eh...”tumatangis kong sambit.....

Inakap din ako  ni kuya, makalipas ang ilang minuto ay kumalas din kami sa akap ng isa’t isa. Pinahid namin ang mga luha namin at.........

    “Tol...Patawarin mo ko kung umalis ako nang di nagpapaalam sa iyo...Kung galit ka, handa akong tanggapin ang galit mo....”
    “Hindi naman ako galit....At kahit kailan hindi ko magagawang magalit sa iyo, utol kita eh....Tsaka...Tsaka alam ko naman na may dahilan ang pag-alis mo....”
    “Huwag kang mag-alala tol....Ipapaliwanag ko sa iyo ang lahat....”sambit ni kuya sabay akbay sa akin....
   
Bago ang lahat ay niyaya muna ko ni kuya Oryo na magpunta sa tambayan para doon kami mag-usap. Nang makarating kami sa may tapat ng puno......

    “Hay...Matagal din akong di nakapunta dito ah...”
    “OO nga kuya eh....Namiss ko din na makasama ka dito...”
    “Teka...Nagpupunta ka pa rin dito kahit mag-isa ka?...”
    “Ahmmm...Tungkol diyan, may ikwekwento ko sa iyo kuya...Pero bago iyon, gusto ko muna sanang malaman ang lahat....”
Umupo na kami sa ilalim ng puno at nagsimula na ring magpaliwanag si kuya. Kaya pala siya biglang nawala noon sa parke ay dahil nagpang-abot sila nung anak ng taong dinukutan niya nung gabi bago ang araw na iyon. Hinabol daw siya nito at nakakatawa pa dahil nadikit daw iyong kamay nila ng rubgy kaya nagmukha silang magsyota na magkahawak-kamay.

Dahil doon ay hindi na niya nagawang makatakas kaya nagpasiya siyang sumuko na lamang. Dinala daw siya sa mga pulis pero hindi pala pwedeng ikulong ang mga minor de edad na gaya namin, kaya pinaubaya siya sa DSWD..........

    “Naging maayos ang trato nila sa akin Revy...At ang totoo, hihingi dapat ako ng tulong sa kanila para makuha ka mula kay nong Primo....Para makapagbagong-buhay na tayo...Pero...Pero may nangyari.....”
    “Ano iyon kuya?...”

Kinagabihan ay pinuntahan pala siya doon ni nong Primo at kinausap. Inutusan daw siya nitong magpanggap na nagbabagong-buhay na. Na magpaawa para kupkopin ng isang mayamang pamilya. Pero ang totoo ay mag-eespiya siya doon at saka nila pagnanakawaan ang mga ito sa tamang panahon.......
   
    “Ito ba iyong sinabi sa akin ni ninong na trabahong tinanggap mo kapalit ng pagtigil ko sa pagnanakaw?!....”
    “OO...”
    “Kuya delikado iyang pinasok mo!...Ayos lang naman sa akin na magpatuloy sa pagnanakaw eh...Doon madaling tumakas....Pero diyan pwede kang mapahamak!......”
    “Revy kailangan kong gawin toh!...Dahil hindi ako papayag na habambuhay kang malugmok sa paggawa ng masama!....Tsaka ayaw kong tuluyan tayong magkahiwalay...”
    “Anong ibig mong sabihin?...”
    “Pinili kong makipagkasundo kay ninong imbis na ituloy iyong pahingi ng tulong sa DSWD na makuha ka....Dahil...Dahil napag-alaman ako na ipakukupkop tayo sa magka-ibang pamilya kapag ginawa ko iyon....”

Sa puntong iyon ay unti-unti ko nang nauunawaan ang naging desisyon ni kuya Oryo. Maging ako man ay natatakot na paghiwalayin kami, pero.......

    “Revy...Nangako sa akin si nong Primo, kapag natapos ang lahat ng ito, palalayain na niya tayo...Makakapagbagong buhay tayo nang magkasama....Patunay na dito iyong hindi ka na nagnanakaw ngayon....”
    “Isa pa iyan kuya.... Handa siyang palayain tayo para sa ikatutupad ng mga plano niya?...Parang sobra naman ata iyon...Hindi ganun ang pagkakakilala ko sa kanya eh....”
    “Hmph!...Ako man nagdududa rin...Lalo na nung sinabi niya kung kaninong pamilya niya ko gustong mag-espiya....”
    “Kanino?....”
    “Dun sa pamilya na ninakawan ko......”

Natigilan ako sa aking narinig. Tapos ay naalala ko bigla iyong pagsilip niya kahapon habang iniinterview si Hyro. Kinukutuban tuloy ako sa pamilyang sinasabi niya na pinagnakawan niya.

SAMANTALA SI HUNSEL......

Kinausap na ulit ni Mommy iyong mother ni Skylar to tell her na pumapayag ako sa hinihiling nito. Syempre, nagpaalam din kami sa doktor ko kung pwede ba kong lumabas ng kwarto at pumayag din naman ito. A few minutes later, sa tulong ng isang nurse ay nailagay ako sa isang wheelchair. And then, dinala at sinamahan na ko ni Mommy kina Skylar.

Pagdating namin ay nakita ko ang condition niya. His injuries are worse than mine. Mas marami siyang pilay, naka neck brace pa nga siya at halos di na siya makakilos. Inilapit ako ni Mommy sa may tabi ng kama niya para makapag-usap na kami......

    “They said na gusto mo kong makausap....Well, I’m here now...”sambit ko....
    “Kung gusto mo kong pagsalitaan ng masakit o murahin, you can do it now...I will accep it.....”
    “Hindi ako nagpunta dito para makipag-away...I came here to talk you.....Kaya hindi ko gagawin iyang sinasabi mo....”
    “No Hunsel, dapat mo kong murahin...Dapat magalit ka sa akin...Because that’s what I deserve....”

I noticed that his eyes were teary. I didn’t actually expect na ganitong klasing Skylar ang makakaharap ako ngayon. I always thought that he’s a fierce person but I guess I’m wrong......

    “May mababago ba kung gagawin ko iyan?...Skylar nangyari na ang nangyari...And we cannot undo it anymore...”
    “You’re right....But...But I think I can still fix this for you....”
    “What do you mean?...”
    “I will put an end to this fiasco I started....I will tell everyone na lahat ng mga ikinalat ko tungkol kay Oryo ay kasinungalingan lang.....That I only did everything because I want to destroy you....Because I envy you......”   
      “Skylar if you do that, you’re gonna....”
    “Gonna have to say goodbye to my career?...I know that...Pero at least hindi ka na guguluhin ng press at ganun din sa family mo....”
    “Pero Skylar...”
    “Hunsel, I’m now living my second life....And I want to change for better that’s why I have to do this....You don’t have to worry about me...Nakapag-usap na rin naman na kami ni Mommy...Kapag nakalabas na ko dito sa ospital at pinayagan na ko ng doktor, Mom is taking me na to the Netherlands...Doon na ko magpapagaling...And perhaps, I’ll stay there for good....”
    “I see...Well kung iyan na talaga ang desisyon mo, then there’s nothing I can do....Pero thank you na rin sa gagawin mo para sa akin....”
    “Don’t thank me..Itinatama ko lang naman ang mga pagkakamali ko eh.....”
    “Ahmmm....Is that all?...May sasabihin ka pa?...Kailangan ko na rin kasing magpahinga eh...Pati ikaw, kailangan mo na rin magpahinga....”

Hindi na siya nagsalita, kaya naman sinabi ko kay Mommy na bumalik na kami sa kwarto ko. Palabas na sana kami nang biglang......
   
    “Hunsel....”

Tinawag ulit ako ni Skylar dahilan para ihinto ni Mommy iyong wheelchair and then.......

    “SORRY!...I’m very sorry sa lahat ng ginawa ko sa iyo...I shouldn’t have let my envy and anger took over me....Alam kong wala nang silbi na humingi pa ko ng tawad...Pero sana mapatawad mo ko....I’m so sorry Hunsel...”

Habang sinasabi niya ang mga iyon, I can hear na tumatangis siya. Randam ko naman ang paghingi niya ng tawad. Pero di ko pwedeng pilitin ang sarili ko na ibigay ang isang bagay na hindi ko pa kayang ibigay sa ngayon......

    “Nagpapasalamat ako na humihingi ka ngayon ng tawad sa akin...Pero hindi ganun kadali ang lahat Skylar....You tried to ruin my life at dinamay mo pa ang isa sa mga mahahalagang tao sa akin....Kaya pasensya na dahil hindi pa kita kayang patawarin sa ngayon....”

Pagkatapos kong sabihin iyon ay tuluyan na kaming umalis ni Mommy mula sa kwarto.

BALIK KAY REVY......

Kinakabahan na ko dahil sa aking kutob. Pero gusto kong malinawan at malaman ang totoo. Kaya naman napabuntong-hininga ko at........   

    “Kuya....Iyong pamilya na tinutukoy mo na ninakawan mo....Na siya ring pinag-eespiyahan mo ngayon....Ang mga Amethelli ba iyon?...”

Sandali siyang natigilan sa itinanong ko, tila nabigla siya at tila tama nga ang hinala ko.......

    “OO...Sila nga...At tumatayo ako ngayon bilang assistant ni Hunsel...Pero paano mo nalaman iyan?...”
    “Nakita kita kahapon sa TV...Sumilip ka habang iniinterview si Hyro kaya naghinala ako....”
    “Nabanggit nga sa akin iyan ni ninong...Pati na rin iyong pagkulong niya sa iyo sa kwarto kagabi dahil gusto mong magpunta sa ospital.....”
    “Pero ayaw ko nang maging sunud-sunuran sa kanya kuya...Kaya nang pinakawalan niya ko kanina, palihim akong nagpunta sa ospital para mag-imbestiga....Pero...Pero di ko inakala na may sasabog pala sa akin na bomba!....”

Di ko na naiwasang maging emosyonal dahil mabigat para sa akin itong nalaman ko. Ang kuya ko, nag-eespiya para pagnakawan ang pamilya ng taong mahal ko. Hindi ko alam kung paano ko haharapin ito, hanggang sa naramdaman ko na lamang na tumutulo na ang luha ko.........

    “Revy bakit?...”

Hindi ko siya nagawang sagutin at napatitig lamang ako sa kanya............

    “Teka...Tinawag mo si Hyromin Amethelli nang Hyro?...Huwag mo sabihing......”
    “OO!...Magkakilala kami at hindi lang basta magkakilala...Matalik kaming magkaibigan!......”
    “Naguguluhan ako....Paano kayo nagkakilalang dalawa?...”
   
Ipinaliwanag ko sa kanya na si Hyro iyong pinagnakawan ko dati ng cellphone at psp. Pati rin iyong pagtulong ko sa kanya sa parke na siyang naging daan para tuluyan kaming magkakilala.......

    “Patawarin mo ko tol...Hindi ko naman alam na magiging magkaibigan pala kayo.....”
    “Wala na tayong magagawa kuya...Nandito na toh....Ang kinakatakot ko lang ay iyong malaman ni Hyro ang lahat ng toh....”
    “Hindi Revy...Hindi niya malalaman ang katotohanan....Dahil wala kang sasabihin sa kanya....”
    “Hindi mo ko naiintindihan kuya...Nung na wala ka, siya ang naging sandalan ko...Siya ang kasa-kasama ko dito...Siya ang nagpapasaya sa akin....Kuya mahalaga sa akin si Hyro...Kaya di ko alam kung makakaya kong lokohin siya......”

Napayuko na lamang ako, pero iniangat ni kuya ang ulo ko. Pinahid niya ang mga luha sa pisngi ko. Hinawakan niya ko sa magkabilang balikat ko at........

    “Revy, makinig ka kay kuya....Alam kong mahirap toh para sa iyo, pero di mo pa pwedeng sabihin kay Hyro ang totoo....Maniwala ka, naiintindihan ko iyang nararamdaman mo...Napamahal na rin sa akin ang mga Amethelli, parang pamilya ko na sila....”
    “Kung ganun...Bakit patuloy mo pa rin silang niloloko?...”
    “Dahil malakas ang kutob ko na higit pa sa pera ang pakay ni nong Primo dito...Kaya kailangan ko siyang sakyan para malaman ko kung may personal ba siyang koneksyon sa mga Amethelli....”
    “Pero wala kang gagawing masama sa pamilya ni Hyro di ba?...”
    “Wala...Dahil oras na malaman ko ang tunay na pakay ni nong Primo...Iyon mismo ang gagamitin ko laban sa kanya...Para matigil na siya sa paggawa nang masama....At para tuluyan na tayong makawala mula sa kanya....Hindi natin hahayaan na galawin niya ang mga Amethelli........”

Sa totoo lang, gusto ko pa sanang ipagtapat kay kuya ang tunay kong nararamdaman para kay Hyro. Pero dahil sa nalaman ko ngayon, naisip ko na mas magiging magulo ang sitwasyon kapag ipinaalam ko ito sa kanya. Bukod doon ay may punto rin kasi ang lahat ng mga sinabi niya.

Oo, mahal ko si Hyro at masakit sa kalooban ko na lokohin siya. Pero kapatid ko si kuya Oryo, hindi ko siya pwedeng ilaglag......... 
   
    “Sige kuya Oryo...Susundin kita...Wala akong sasabihin na kahit ano kay Hyro...Maging ang pagiging makapatid natin...”
    “Salamat tol....Salamat....”

Napaakap na lamang ako sa kanya matapos kong sabihin ang aking naging desisyon.

KINAGABIHAN, SI ORYO......

Mabuti na rin pala na nagkita kami ni Revy kanina, na nagkaalaman kami. Ngayon hindi na ko mag-aalala sa nararamdaman niya at sa kalagayan niya. Binilinan ko kasi siya na mag-ingat at huwag gagalitin si nong Primo. At nakipagpalitan na rin ako sa kanya ng numero ng cellphone para kung sakaling kailangan naming kausapin ang isa’t isa.

Sa kabilang banda, hindi pa rin ako makapaniwala. Nung una kasi ay iniisip ko lamang na magkakasundo sila ni Hyro kung makikilala nila ang isa’t isa. Iyon pala, naging matalik na silang magkaibigan nang di ko man lang nalalaman.

Samantala, kararating ko lamang sa may ospital para makipagpalit kay Madam sa pagbabantay kay Hunsel. Pagdating ko sa kwarto ay saktong nakaready na sina Madam at Hyro sa pag-uwi. Hinatid ko sila hanggang sa may elevator...........

    “Oh Oryo...Ikaw na munang bahala dito ah...Just calls us kung may kailangan kayo....”
    “Sige po Madam...Ingat po kayo sa pag-uwi....”

Nauna nang pumasok si Madam sa elevator. Samantala, pinagmasdan ko si Hyro. Unti-unti akong napangiti habang nakatitig sa kanya. Naisip ko kasi na buti na lamang ay nandiyan siya. Na hindi niya pinabayaan ang kapatid ko. Kaya naman bago siya pumasok ng elevator.....

    “Hyro...”sambit ko sabay tapik sa kanyang balikat.........

Napahinto siya sa paglakad at napalingon sa akin........

    “Salamat...”
    “Hmmm....Salamat para saan kuya?...”pagtataka niya.....
    “Basta....Maraming Salamat....”
    “Okay...Sabi mo eh...”

Pumasok na siya ng elevator at bumalik na ko sa may kwarto. Pagpasok ko, heto na, kaming dalawa na naman lang ni Hunsel ang naiwan. Naalala ko, mag-uusap nga pala kami tungkol doon sa nangyari kaninang umaga.  Di ko maintindihan kung bakit, pero kinakabahan ako. Kaya naman dumiretso ko sa may supa at naupo nang di siya kinikibo. Pero.......

    “Uy!...Anong ginagawa mo diyan?!...”biglang usisa ni Hunsel.....
    “Ahmmm...Nakaupo?...Binabantayan ka?...”
    “Ang ibig kong sabihin...Bakit di mo pa tinatabi dito sa kama iyang supa?.....”
    “Magtatabi ulit tayo?!...”
    “Syempre noh!...Hmph...Huwag mo sabihing iniisip mo pa rin iyong nangyari kaninang umaga....”
    “Ganun na nga....”
    “Fine!...I will give you a peace of mind...Humawak ako sa kamay mo kagabi kasi....”
    “Kasi ano?...”
    “Hmph....Nakarinig kasi ko ng kaluskos diyan sa pinto kagabi....Ginigising kita pero para ka pong mantinka matulog...So sa takot ko...Ayun...Napahawak na lang ako sa iyo...Hanggang sa nakatulugan ko na....”

Hindi siya makatingin ng tuwid sa akin habang nagpapaliwanag at medyo namumula din siya.  Halata talagang nahihiya siya sa mga nangyari. Pero nakakatuwa dahil kahit alam niyang nakakahiya ay nagpapakatotoo pa rin siya sa akin. Takteng iyan! Lalo ko tuloy siyang nagugustuhan...........

    “Sus!...Baka nurse lang na nag-iikot iyong narinig mo...”natatawa kong sambit......
    “Maybe...”
    “Haha...Sige na...Tatabihinan na kita...”

Tumayo na ko at inayos ko na ung supa nang kagaya kagabi. Habang ginagawa ko ito ay di ko pa rin mapigilang matawa kay Hunsel. Kaya naman pag-upo ko ulit sa supa........

    “Tawa ka diyan....Pang-asar lang?...”napapangiti niyang usisa....
    “Di lang kasi ko makapaniwala na iyong dating mahilig magsungit diyan ay may itinatago din palang kalambutan....Hahaha....”
    “Tao din naman ako noh...Tsaka may dahilan kaya matatakutin ako sa ospital.....”
    “Eh ano?...”
    “Well,, I can’t completely remember it...4 years old lang ata ko noon...Nagkasakit ako at naconfine....Then there was this one night na naiwan akong mag-isa sa kwarto....The thing is, iyong ospital na iyon ay luma na tapos sobrang dilim pa...Iyong tipong pang horror na palabas ba...It was a traumatic experience for me kaya ever since natakot na ko sa mga ospital....”
    “Hmph...May katwiran ka naman pala...”
    “Eh ikaw? May kinakatakutan ka ba?...”
    “Syempre meron....”
    “Hmmm...I’m curious...Mind sharing it to me?...Sinabi ko sa iyo iyong akin ah, kaya it’s only fair na sabihin mo rin sa akin iyong iyo....”
    “Ahmmm....Sa swimming pool....”
    “I see...Kaya pala never kitang nakita na lumapit sa pool ng mansyon....Pero bakit naman takot ka sa pool?...Di ka ba marunong lumangoy?....”
    “Hindi...Ni di ko nga kayang lumapit sa pool eh...Iyong lumangoy pa kaya......”

Sa puntong iyon, habang inuusisa ko ni Hunsel tungkol sa kinatatakutan ko, bumalik sa alaala ko iyong nararamdaman ko sa tuwing lumalapit ako sa isang swimming pool.........

    “Pakiramdam ko kasi...Parang...Parang may taong mananakit sa akin kapag lumapit ako sa pool.....Tapos kapag sinubukang kong tumakas...Pa...Papatayin niya ko....”

Matapos kong sambitin iyon ay natagilan na lamang ako. Bakit ba binanggit ko pa toh ngayon? Ayaw ko nang maalala pa iyong nakakatakot na pakiramdam na iyon...Ayaw ko na.....

    “Oryo!....Oi!....Are you okay?...”usisa ni Hunsel.....

Natauhan ako dahil sa pag-usisa na iyon ni Hunsel. Hay, buti na lamang at nandiyan siya. Kaunting titig lang sa gwapo niyang mukha ay ayos na ulit ako.....
   
    “Ahmmm...OO naman...Okay lang ako....”sagot ko sabay ngiti....
    “Pasensya na ah....Napasobra ata ang pagtatanong ko...”
    “Ayos lang....Di mo naman sadya eh....”
    “Sige...Let’s just change the subject...Guess what kung anong nangyari kanina sa pag-uusap namin ni Skylar....”
    “Hmmm....Nakipagsipaan ka sa kanya?....”
    “Hahaha...Loko ka ah...”
    “Haha....Sige siryoso na...Ano nangyari?...”
    “Actually...He said na itatama na niya ang mga maling ginawa niya....Aamin siya sa lahat na gumawa lamang siya ng kwento tungkol sa iyo para sirain ako...At ito pa., nagsorry siya sa akin......”

Aba! Natauhan ang kupal, buti naman, at least ngayon wala nang kailangan problemahin pa si Hunsel at ang kanyang pamilya...........

    “Buti naman....Eh pinatawad mo naman ba?....”
    “Hindi naman ganun kadali iyon eh...Tsaka hindi biro ang mga ginawa niya sa atin ah....Pero I’m pretty sure na darating din iyong time na mapapatawad ko siya....”

Napatingin ako sa orasan na nakasabit sa may dingding. Napasarap na pala ang aming pag-uusap at di namin namalayan ang oras. Mag-aalas dose na kaya naman.......

    “Mag hahatinggabi na pala....Kailangan mo nang magpahinga...Dali na, tulungan na kitang humiga at baka multuhin pa tayo dito...”sambit ko sabay ngisi......
    “Oryo naman eh!...Nananakot pa!...”
    “Hehehe....”

Tinulungan ko na siyang makahiga. Matapos ko siyang maihiga ay kinumuntan ko siya, pagkatapos ay nahiga na rin ko.  Ilang minuto na ang nakalilipas, pero hindi ako makatulog. Naaalala ko kasi iyong nangyaring pahawak ni Hunsel sa kamay ko.

Di ko lubos maisip na kagabi ay magdamag kaming magkahawak-kamay habang natutulog nang di ko man lamang namamalayan o nararamdaman. Mayamaya pa ay di ako nakatiis kaya dahan-dahan akong bumangon. Tinignan ko si Hunsel, nakapikit na siya, ang bilis niyang nakatulog.

Habang patuloy ko siyang pinagmamasdan ay bigla na lamang may kalokohan na pumasok sa isipan ko. Paano kaya kung ako naman ang humawak sa kamay niya ngayon? At iyon na nga, nahuli ko na lamang ang sarili ko na dahan-dahang pinapagapang ang aking kamay papunta sa kamay niya.

Kasabay nito ay ang bilis at lakas nang pagkabog ng dibdib ko. At habang papalapit nang papalapit ang kamay ko sa kanya ay palakas din ito nang palakas. Isang hakbang na lang ay mahahawakan ko na ang kamay niya. Nang bigla na lamang siyang dumilat at tumingin sa akin......
   
    “What the heck are you doing?...”usisa niya....

Nabigla ako kaya iniatras ko ang aking kamay. Anak ng tipaklong gising pala siya.......

    “Ahmmm....Maggugudnyt lang sana....”palusot ko...
    “Maghigit sampung minuto na tayong nakahiga saka ka pa lang maggugudnyt?...Sinong niloko mo...”nakangiti niyang usisa na tila nang-aasar....
    “Ah...Eh...Kasi....”napapakamot sa ulo kong sambit.....

Kasunod noon ay nagulat na lamang ako nang bigla niyang hilain at hawakan ang kamay ko. Sa gulat ko ay nagmistulan akong estatwa, tapos pakiramdam ko ay parang sasabog ang aking dibdib........

ITUTULOY.......

12 comments:

  1. Now, this is why I keep on reading your post, Kilig talaga. :D --MnD

    ReplyDelete
  2. Now, this is why I keep on reading your post! Kilig talaga. :D --MnD

    ReplyDelete
  3. Tagal ng update,,,, pero ok lang ganda talaga ng istorya.

    First time ko magcomment.

    Mic,,, 19

    ReplyDelete
  4. kinikilig ang tumbong ko ih, kasi naman...

    -Chami ng Lucena

    ReplyDelete
  5. sana every week may kasunod.... kakaexcite.. :)

    ReplyDelete
  6. Hndi naman cguro tragic ang ending nito gaya ng book1 db mr.author? Pnatay mo si chaster dun sa book1,wala bng appearance si rassel dito?

    ReplyDelete
    Replies
    1. ano pamagat ng book 1

      Delete
    2. Here beside you

      Delete
  7. Ganda ng storya. :)

    -mark,20,cdo

    ReplyDelete
  8. next chapter plz ganda ng story.

    ReplyDelete
  9. HEY AUTHOR! Next chapter na please. hehehehe. nabitin ako sa nangyari. hahahaha. Kudos Kuya Chaster Rassel. ^_^

    ReplyDelete
  10. UPDATE UPDATE DIN PO SALAMAT :)

    ReplyDelete