m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Friday, May 16, 2014

Break Shot (Part 1)

By: Andrey

Ang kwentong ibabahagi ko sainyo ay hango sa mga totoong pangyayari sa aking buhay. Bagamat may mga bahaging dinagdagan at mas pinatingkad para sa ikagaganda ng kwento, ang lahat na ito ay inspired sa mga totoong pangyayari. Ang mga pangalang mababanggit ay hindi totoong pangalan ng mga taong nagbigay kulay sa kwento ng buhay ko.
----------------------------------------------------------------------------------
It all started when I was 3rd year in high school. Ayon nga sa Values teacher namin, Ito ang pinakacrucial stage on the transition period towards youth. Ako si Andrey, 15 taong gulang may height na katamtaman sa edad kong iyon. Hindi naman ako payat pero hindi rin naman mala-Aljur ang pangagatawan. Nakatira ako sa probinsya ng Bicol at karaniwang hanapbuhay ng mga taga-roon ay ang pagtatrabaho sa bukid. Kaya naman, normal na sa mga kabataan roon ang may 4 o 6 pack abs sa murang edad. While me, hindi ko na kailangang magpawis para mabuhay dahil may-kaya naman ang aming pamilya. Kami ang nagmamay-ari ng lupa na sinasaka ng karamihan ng mga nakatira sa aming barangay. I can say that I was almost a prince in my own little palace. I almost have it all, except the personal insecurities and the mystery that chained my whole being.
Modesty aside, 2nd grading noon nang magbreak kami ng aking pang-siyam na girlfriend. Marami nga ang nagsasabing playboy daw ako sa dami ng aking naging girlfriend. Pero hindi iyan totoo because I always make sure that the girl I love is “the one who got away.” Sinisiguro ko sa isang relasyon na I would give my best, para kung sakaling dumating sa puntong hiwalayan, I won’t have silly regrets or upbringings. Ngunit kahit na todo bigay ako, ako naman lagi ang iniiwan. Ewan ko ba. May nagsabi nga saakin na masyado raw akong mabait kaya ang bilis makapuslit ng babae. Lagi kasi ako “let go”. Pag ayaw na niya, fine kung san siya masaya. But I am happy to put it that way for I know na hindi ako nagkukulang. Snobbish din ako, pero friendly. (Ironic, pero pwede yun) I always compared myself to a porcupine fish. If that fish sense threat around him, ilalabas niya ang spiky at numerous spines as a defense. Ganoon din ako. Palibhasa laki din sa pansin at pagaaruga, I don’t really care much about those who have unimportant roles in my life.
Kung sino lang ang nasa circle of friends ko, dun lang ako nagmimingle. Pero approachable ako at palangiti. Hindi lang talaga ako nageentertain ng mga irrelevant pieces na maaring gumulo ng picture perfect life ko. Or so I thought.
Of course I was hurt when my 9th gf demanded break up. Her name is Lily. I didn’t know what went wrong pero like always, I let go. At hindi ako nahihrapan magmove-on dahil sa practice kong ibigay ang lahat para walang regrets. Because one of my biggest fear is regret. Anyway, I was on the point na I’m tired of girlfriends already. I realized na andiyan lang sila and there’s no need to hurry. Pero I never intended to prefer boys on girls. Haha. Minsan, mapaglaro lang talaga ang tadhana and who knows who.
Ni-renovate noon ang aming classroom so we temporarily stayed on the gym at dun nagklase. Wala naman kaming angal doon dahil small school lang talaga mayroon kami. Pero of quality iyon, at sikat sa buong City dahil sa garden-inspired campus, at uber-disciplined students. Takot kasi kami sa terror na principal na nagkikick out ng mga estudyanteng hindi niya gusto.
Nasa pinakadulo kami nakaupo noon ng aking bestfriend na si Ella. Kami talaga ang last row kaya libre kami magchitchat kahit nagsasalita ang mga teacher dahil nasa likod kami. May group activity noon at sa grupo namin, ako ang leader, nagpaplano, organize, at lahat lahat pero hindi ako ang nagpe-present. Wala kasi akong masyadong self-confidence. Parang ako lang ang direktor pero hindi ako yung artista na nakikita ng mga tao. But the teachers are much aware na ako ang head kaya naman lagi ako kasama sa top 10. Well, pang 9 ako. Hindi naman ako yung tipo na nakikipagcompete talaga para sa honor. Aixt, nawala na naman ako sa story. Presentation na noon and the leaders are requested to report pero sa grupo namin, hindi ako ang nagreport. Suddenly, out of nowhere, may naka-agaw ng pansin ko na nagsasalita sa unahan. Siya si Matthew. Ang taong nagbago ng buhay ko, pero mamaya na iyon.
As I said nga, na-agaw niya ang pansin ko – at lahat ng estudyante- dahil sa kanyang charismatic aura. He stood ther with full of confidence, bright face, at talagang astig niyang tindig. Dagdagan pa ng kanyang humor na natural na sakanya. He’s perfect for a valedictorian, and he is. Siya ang top 1 namin at running for presidency next school year. Kung tutuusin, pangatlong taon ko na siyang kaklase ngunit ngayon ko lang talaga siya natitigan ng maigi. Siya ang isa sa pinakagwapong estudyante sa campus, at ang isa ay ako. Haha, choss. Pero talagang maipagmamalaki ang mukha niya at katawan. Mahirap lang sila at ang trabaho ng kanilang pamilya ay pagsasaka kaya batak ang katawan sa pagsasaka. kaya siguro, in order to help his family, he is doing his best in school. Kompleto siya sa inspirasyon para mag-aral ng mabuti. Samantalang ako, wala namang akong pagsisikapan dahil nga maykaya naman kami. O sige, mayaman naman kami. Kaya okay na sakin ang pang nine sa honor roll. Studying his facial features, napansin kong ang pinaka-nakakaakit doon ay ang mata niya. Nakakurba ang mga edge nito pataas kaya parang lagi siyang cheerful tingnan. Tapos ang hahaba pa ng eyelashes niya nakacurve pataas. Parang babae nga yung mata niya pero hindi naman halata dahil sa masculine ang ilong niya at lips. Pero mas maganda ang lips ko. Haha. Ito rin kasi ang pinagmamalaki ko kasi pinangigilan ng mga X girlfriend ko. Masyado rin siyang neat tingnan, at napaka cheerful ng pananalita. Nasa ganoong pagmumuni-muni ako nang magkasalubong ang mga mata namin at tumigil siya sa pagsasalita sa harapan. Halatang nadistract ang focus niya kaya sinundan naman ng mga kaklase ko ang tingin niya. Sa hiya na makita nilang ako ang tinitingnan ng nagsasalita, tumingin din ako sa likod para hindi ako maturo, only to realize na wala na palang tao doon. Dahan-dahan ko silang nilingon sabay “ahehe…”. Tapos nagtawanan sila.
“Itatanong ko sana kung may hindi ka naiintindihan sa mga sinasabi ko dito Andrey” ang sabi niya nang tumigil ang tawanan. “Para kasing nasa Wonderland pa si Alice.” Tawanan uli sila. Medyo uminit naman ang tenga ko doon. Alice? Babae yun diba…Kaya mabilis kong nasagot “Nasa hogwarts ba tayo? Ba’t nasa unahan si Dumbledore?” Hindi agad nag-react ang mga classmates ko sa sinabi ko dahil first time ko magsalita nang ganoon. Karaniwan kasi pormal ako at hindi bumabawi. Siguro 5 seconds muna bago sila tumawa ulit. Pati si Matthew ay napangiti din. “Enough class, ipagpatuloy niyo na yan at magta-time na.” Ang sabi ng teacher namin. Madali namang nabawi ni Matthew ang sarili at nagsalita na parang leader ng katipunan. Pinagmasdan ko lang siya at muling napaisip sa pagkatao niya. Wala pa akong nababalitaang naging girlfriend ni Matthew. Marahil ay dahil na din sa ka-seryosohan sa pag-aaral. Ngunit hindi naman siya yung nerd type mag-aral na walang time para sa sarili. Marami siyang kaibigan at mayroon nga silang tropa na laging magkakasama. Natapos na siya magsalita at sinundan ko siya ng tingin hanggang sa pag-upo. Ngunit bago siya umupo nilingon niya ako na para bang sinigurado kung nakatingin pa ako. Nagulat ako at nginitian ko siya. Ngumiti din siya ng hilaw at sabay umupo.
Napa’huh’ naman ako sa ngiti niyang yun. Parang napilitan lang. Inisip ko ulit kung may nasabi ba akong mali o sineryoso niya yung pagkadisctract niya sa pagsasalita. Ewan. Nevermind.
Kaunting minuto pa ay tumunog na ang bell at mistulang binagyo ang mga upuan sa pagtayo ng mga estudyante. Gaya ng dati, nagpahuli kaming tumayo ni Ella.
“bhest yung math book ko hindi mo pa sinasauli” ang sabi niya sakin nang makalabas kami ng gym.
“ay oo nga! .naka---“ sagot ko sana na pinutol niya naman.
“nakalimutan mo na naman? Naku, bhest, lumalala na talaga ang pagkalolo mo.” Umirap siya ng bahagya.
“Sorry, sorry. Bukas na lang ulit. San ka ba kakain?” Paglalayo ko sa usapan dahil ang totoo’y nawawala ang libro. Namisplace ko ata kung saan. Pero hahanapin ko ulit sa bahay.
“Sa plato?” sagot ni Ella sabay tingin ng matulis kay Andrey. “Kapag nawala yung libro, makikita mo!”
“Talaga? Makikita ko? San?” Nginitian ko siya na nakadagdag lamang sa inis niya. “Eto naman oh. Biro lang. May period ka noh?”
“Anong period? 2nd period? Math yun. Mamayang hapon, second period natin is Math, kaya kailangan ko yung libro. Ha?” Ngumiti din siya ngunit sabay pingot sa tenga ko sabay takbo papunta ng canteen.
“Aray! Para san yun?!” sigaw ko
“Para hindi mo malimutan!!!”
Ngumiti na lang ako kahit namumula sa sakit ang tenga ko. Yan si Ella. We became friends last year when life and death tried playing with us. Or we tried playing with life and death. I have another friend named Jack that also work in our farmland and one time, he invited me to swim in a river. I was surprised to see that there were a handful of people swimming there and most of them are my classmates. I was eager to swim kahit wala akong dalang damit at kahit hindi naman ako marunong lumangoy. We were having so much fun until afternoon. Nilalamig na ako noon kaya hindi na ako masyadong gumagalaw. Biglang nagbiro ang mga lalaki doon na huhubaran ako ng shorts kaya panay atras naman ako. Tawa lang ng tawa yung mga babae pero nagjojoke lang naman talaga yung mga lalaki doon. Takot siguro mawalan ng trabaho. Lumapit si Ella saakin at sinabing umuwi na daw ako dahil baka hinahanap na ako sa bahay. Natawa ako dahil para akong bata na pinapauwi kaya kiniliti ko siya. Naghabulan kami sa tubig at hindi namin alam na nakarating na pala kami sa malalim. Niyakap ko si Ella ng marealize na lagpas na sa height ko yung tubig only to find out na hindi rin siya marunong lumangoy. So yun, para kaming mga toinks na naghihilahan. Nagpanick kasi kami pareho kaya hinila niya ako pababa para makahinga siya. Tapos ilang segundo pa ako naman ang humila sakanya pababa para makhinga din ako. Dun lang kami umasa sa paghinga at naulit iyon ng pitong beses hanggang may tumulong na saamin. Matapos noon ay tawa kami ng tawa sa naging sitwasyon. At simula noon ay naging magbestfriends na kami.
The next day I was exceptionally early at iilan pa lang kaming estudyante doon sa gym. Naupo ako sa unahan dahil wala pa naman mga tao at sinumulang magdaydream nang may tumawag sakin sa may likod.
“Andrey, ano nga ulit ang ibig sabihin ng tied in heavenly matrimony?”
Nilingon ko siya at nabigla nang makitang si Matthew ang nagtanong. “huh?” sabi ko. For the first time kasi nagtanong saakin ang top 1 ng aming klase.
“tied in heavenly matrimony…” ulit niya.
“ah. Yung kahapon sa English. Ang ibig sabihin noon ay kasal.” Sagot ko na medyo proud sa sarili. Ako kasi ang Best in English since 1st year kami.
“ah ok. Salamat. Nagrereview ako kasi may test mamaya sa English. Hindi ako nakareview sa bahay kagabi dahil may ginawa kami sa bukid.” Pagpapaliwanag niya habang nakatingin sa kanyang notebook. And so? Ang sabi ko sa isip. Tinatanong ko ba?
“Ganun ba. Sige, baka nakakaistorbo ako.” Ang sinabi ko na lang at akmang tatayo.
“Ah….T-teka. Hindi naman. Nakakatulong ka nga eh. Alam mo naman sigurong mahina ako sa English.”
“Ikaw? Mahina sa English? Eh halos pareho nga lang ang grade natin sa English eh. Nakalalamang lang ako ng isa o dalawang puntos.”
“kasi hinahabol ko sa review. Kung ano kasi kahinaan ko sinusubukan kong i-improve kaya kapag walang ginagawa, English lagi ang nirereview ko. Alam mo ikaw, magseryoso ka lang, matatalo mo pa ako.”
Tumawa naman ako doon sa huling sentence na sinabi niya. Habulin nga lang ang top 5 hindi ko magawa, 1st pa kaya.
“Oh bakit ka tumawa?” Natatawa niya ring tanong
“Alam mo, ang lakas talaga ng sense of humor mo noh? Hahaha. Siguro pag nag 1st ako, magpapakatay ng litson sina mama. Nakakatawa naman yun…”
“Kaya mo naman talaga ah. Mag-aral ka lang ng mabuti siguradong maabot mo ako. May pagka-ano ka kasi eh.”
Parang binatukan naman ako sa sinabi niya. As if naman hindi ako nagseseryoso sa pag-aaral. Kung tutuusin, hindi nga naman. Pag may exam, hindi nagrereview. Pag may assignment, asa kay Ella. Pag may project, laging late. Kung hindi lang ako bumabawi sa recitation wala talaga akong mararating.
“May dumaang anghel…biglang tumahimik.” Ang sabi ni matthew nang hindi na ako sumagot.
“hehe. Wala, may naalala lang ako. Sige, magreview ka na.”
“Ikaw? Hindi ka ba magrereview?”
Binatukan uli ako sa tanong na iyon.
“Ah….eh….hindi na kailangan.” Sagot ko na lang. Hindi naman siya sumagot at parang napaisip. Maya-maya ngumiti siya.
“Ah oo nga pala…magaling ka na pla sa English. No need to review. Hehe.”
Hindi naman ganoon ang ibig kong sabihin. Pero hindi talaga ako comfortable sa pag-uusap naming iyon. Out of nowhere kasi sumulpot siya and I really never intended to be friends with him. Like what I said, I wanna live in my own tiny castle kung saan everything is set up. Ayoko magentertain ng new characters sa buhay ko.
“Hindi ah. Malakas kasi ang source ko. Katabi lang eh. Hehe. Tsaka malakas din ang radar ko.Hehe.”
Lumingon ako sakanya para magpa-alam na aalis nang biglang mag-lock ang mga mata namin. Parang may gravitational pull sa mga mata niya at hinihigop ako. I felt a lightning pass between our eyes and struck my heart. I was in a suspended animation, everything around me is muted and I can’t hear a thing. It was like the whole universe stopped and revolved around us. I feel like I am being sucked into a deep vortex into another dimension. There was no time, no space, just us. Sabay kami napayuko matapos noon. Feeling ko nagblush ako at ang lakas ng tibok ng puso ko kaya tumayo ako at lumabas. Buti na lang nag-ring na ang bell para sa flag ceremony.
“Bhest, ang tahimik mo ata.” Ang sabi ni Ella habang kumakain ng snack.
“Ah…wala. May nangyari kasi kanina habang wala ka.”
“Ano? Dumating si Justin Bieber? Lalaki na si Vice?” Sarcastic niyang sagot.
Ewan ko rin kung ano dapat kong isagot kay Ella. Hindi ko rin alam kung ano nangyari kanina. Kung nanaginip lang ako. Pero hanggang ngayon ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko.
“Huy!!! Gising…alam mo, alice in wonderland ka talaga…pareho kayo mahilig sa illusions and delusions..” ang sabi ni Ella na may pagka-irita ang tono. Ayaw niya kasing may nililihim ako sakanya. Almost everything alam namin sa isa’t-isa.
“Ah. Nevermind that bhest. Tama ka, Illusions and Delusions ko lang siguro yun.” Sagot ko na lang sabay hinga ng malalim. Para paring hinahabol ang puso ko sa pagtibok nito. Idinampi ko ang palad ko dito at tiningnan si Matthew. Ano nga ba yung naramdaman ko kanina?
At simula ng araw na iyon, panay na ang pasulyap-sulyap namin ni Matthew. Minsan, nahuhuli ko siyang nakatingin sakin, at minsan naman, ako ang nahuhuli niya. Sa tuwing naguusap kami hindi ako makatagal ng kahit sampung segundo na nakatingin sakanya. Lagi ako nagbu-blush at ibinabaling ang tingin sa iba. Kapag nagkakatitigan kami, laging ako ang nauunang bumigay. Nandyan na yung titingin sa baba, sa taas, sa kaliwa, sa kanan. Nagpatuloy ang mga araw na laging ganoon ang setup namin, pasulyap sulyap lang. Ang later on, I found myself personally liking that unusual eye-to-eye contacts. I like it best when he smiles at me. Parang the whole world shines each time he smiles. Pag may group activity, laging dumadaan ang mga mata niya sa kinauuupuan ko. Panay yuko naman ako pag nangyayari iyon. Kapag may gagawin siya tumitingin muna siya sakin. Ewan ko rin kung bakit. Marahil ay sinisigurado niyang nakatingin ako sakanya o para bang nag-aask permission siya. Haha.
Finally, natapos na ang renovation sa classroom namin. Kami mismo ang nagdala ng mga upuan namin papuntang room. Medyo may kabigatan yung upuan ko kasi gawa lahat ng upuan duon sa kahoy kaya patigil-tigil ako sa pagbubuhat. Nahihiya nga ako kasi yung ibang mga lalaki doon parang nagdala lang ng unan kasi sanay sa mbibigat. Eh ako. Nasa kalagitnaan ako nung dumating si Ella at nagoffer na tulungan ako matapos ako tawanan dahil parang hindi daw ako lalaki. Parang hindi naman tama kung magpapatulong pa ako kaya I insisted na lang na ako na lang. Ngunit talagang makulit si Ella kaya ayun, hindi kami maka-alis dahil nagpupumilit. Siyempre natatamaan na yung pagkakalalaki ko kaya medyo hindi na rin ako tumatawa nung nakikipagagawan pa siya sa upuan. Maya-maya biglang may kumuha ng upuan at binuhat ng walang ka-effort-effort. Si Matthew. Hindi naman siya lumingon kaya nagtinginan kami ni Ella.
“Napaka-gentleman niya talaga, ano?” Ang sabi ni Ella na parang kumikintab pa ang mga mata.“Wala nang hahanapin pa. Siya na siguro and dream guy ng every girl dito sa campus.”
“K-kaya ko rin naman maging gentleman ah. Mabigat lang talaga yung upuan.” Ang sabi ko naman na parang na-down sa sinabi ni Ella. Insecure siguro ako. “Tsaka pano naman maging dream guy ng every girl dito sa campus iyon eh wala No Girlfriend Since Birth yun.”
“oo na. Palibhasa playboy kaya ang yabang. Hmmp.” Pabulong niyang sabi nung naglalakad na kami.
“Eh ano naman. May ipagyayabang naman ako.”
“Oh ikaw na nga. Ikaw na! hahaha.”
Nagtawanan kami.
Malapit na ang exam kaya busy na rin yung mga industrious people sa room…lahat ng top 10 maliban saakin. Relax na relax ako kaya maski ako napapaisip kung pano pa ako nakakapasok sa honorees. Dahil dun, busy na rin si Matthew kaya nalilimit na ang pasulyap sulyap namin. Isang beses napa-aga uli ako ng gising kaya maaga din ako sa school. Nasa pathway pa ako noon nang makita ko si Matthew na nagwawalis sa labas ng room. Hindi ako mapakali kasi hindi ko maiiwasang pumasok ng hindi siya nakikita. Akma sana akong aatras ng tumingin siya sa may pathway at nakita ako. Nagsmile siya kaya dumeretso na lang ako.
“Good Morning Andrey!” bati niya na nagpakaba na naman sa puso ko. Tumingin ako sakanya at nag-lock uli mata namin.
“g-good m-morning din…” ang sabi ko at nagmadaling pumasok sa room. Pag-upo ko ay pinalo-palo ko ang sarili sa naging reaksyon ko kanina. Para tuloy akong babae na nahihiya. Pero deep inside, masaya ako. Nagbasa ako ng libro at maya-maya ay narinig ko na ang bell.
Nang sumunod na araw, at mga sumunod pang araw, siya at ang ilang niyang mga kaibigan ay lagi nang nakabantay sa may pintuan. Ewan ko kung anong trip nila, basta dun sila minsan nagtatambay o kaya doon sa likod ng room. Nasa dulo kasi ng school grounds ang room namin at sa likod noon ay parang bodega at doon sila karaniwang tumatambay. Sa labas ng bakod, may malaking fishpond na pag-aari ng kapatid ng lolo ko. Anyway, kapag dumadaan ako doon ay lagi niya akong binabati na good morning kahit pa nandoon ang mga kaibigan niya. Siyempre cool lang ako pero labis ang saya ko kapag ginagawa niya iyon. Sa tuwing uuwi na siya, dahil nga lagi kami nagpapahuli ni Ella, tumitingin siya sakin na parang nagpapaalam.
Matapos ang exam, back to normal na naman ang lahat. Normal school days na naman pero nagiging special dahil sa mga pasulya-sulyap namin. Dumating sa puntong hindi na kompleto ang araw ko kapag wala siya. O kaya kompleto na ang araw ko kapag ngumingiti siya saakin. Summer kumbaga. Those were the times na everything seemed perfect. And before I even knew it, he had been playing a huge role in my own little castle called life.
Until winter came.
----------------------------------------------------------------------------------
Pasensya na po kung more on narrative about sa paligid muna ang kwento ko. 5 chapters naman po ito at sa mga susunod na chapter ay more on the story na. I hope you would not be tired of reading my story.

The breakshot that Matthew made in my life.

21 comments:

  1. Ang kapal mo naman! nakikibasa ka lang. Di huwag mong basahin. -Avid Reader.

    ReplyDelete
  2. taray! may winter :D

    ReplyDelete
  3. Sakit sa ulo ng english carabao mo dre.. Tsk3

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hilutin mo na lang ng "pain killer" yang ulo mo. Andrey, wag mong intindihin tong mga mahihilig mag criticize. Tuloy ka lang sa story mo. Babasahin ko chapter by chapter kwento mo. Yung mga walang magawa, SHUT UP!

      Delete
    2. Hoy anon 1:41 wala ka sigurong alam sa pag susulat.. Manahimik ka na nga lang! Nagpapaka dalubhasa!

      Delete
    3. May 18,2014 @ 1:41 PM I mean seriously I would greatly appreciate if you said you didn't understand a thing . This kind of stories should be well praise and shame on you he has the guts to write.Dear author the biggest flaw you've made so far is making us wait and tease us more and please I'm dying to read the next one ,,,,,,,

      P.S. the sequence is good the elaborations of certain details is perfect keep it up and keep in mind words can't hurt us its how we perceive it and good day- now a avid reader of your work

      Delete
    4. Anons and Jake, thank you very much. Nakakatuwa po talaga magbasa ng comment hanggang ngayon. :D I already submitted the remaining parts po, kumpleto na yon. Sana ma-publish na lng site moderator asap para hindi po kayo naghihintay.

      Delete
  4. C'mon guys don't be too harsh on Andrey i actually find this pretty intetesting there are certain parts we can all relate to..... Those smiles, stares and stolen glances.... I'm sure nangyari din ito sa atin....medyo don't like sa pagbuhat ng sariling bangko tooting his own horn so to speak pero ok lang i think that's his stature in real life i just believe that humility is a virtue....hey Andrey don't make us wait too long for the next chapter - LBL

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you! haha, sorry po sa pag angat ng bangko. I wrote this story two years ago, medyo makitid pa ang utak (can't say I have improved drastically nowadays). I'm very average looking. :) Hintay na lang po sa next chapters, I have submitted all of them already. :D

      Delete
  5. can't wait for the next part.. ganda ng story mo tol. naalala ko tuloy yung highschool life ko halos mgkapareho yung buhay natin top two ako yung naging dyowa ko ay top ten.. sa tinginan din nangyari ang lahat hanggang naging mg best friend kme at ng ka-ibigan.. wag mo patagalin author bka umabot na naman yan ng months o years..Hehehe ( demanding) biro lang author...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ano po nangyari sa inyong dalawa? :D Thanks for reading! Wait lang po kayo. Finished na po ang story. :)

      Delete
  6. wala talaga ako balak mg comment pero nagandahan talaga ako sa kwento mo. into yung kwento hinahanap Kong basahin kompara sa mga kantutan.. nakaka inspire kasi at nakakagaan ng loob..Sana dh mgtagal yung next part. thank u author sa pagbabahagi...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you po! Nakakatuwa po basahin ang comment niyo. :)

      Delete
  7. Sana next week meron natong 2nd chapter..

    ReplyDelete
  8. Magandan ang story mo author, pero ang mali mo lang is people here are expecting sex. Pinapatakam mo sila, ay kami, sa gawa mo eh.
    Although maganda yung flow ng story pero minsan dapat mag-omit din tayo ng story na hindi naman mahalaga since yung theme ng site na 'to is SPG and ang goal nito is mapalibog ang mga taong nagbabasa.
    Maybe you can write it on other blogs or sa wattpad.

    PS: Please be careful with the grammar and spelling.
    And please don't be offended. (Tama ba yung grammar? hehe.) writer din kasi ako kaya sinasabi ko 'to sa'yo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you po sa pagbabasa! Wala po talaga itong masyadong kalibugan, although meron sa mga gitnang chapters pa.

      Sorry din sa grammars and spelling, I wrote this 2 years ago at hindi ko na po in-edit bago ko ipinost dito. :D

      Delete
  9. may winter ba sa pinas? O.o nako! problema yun, kapag nagka totoo

    ReplyDelete
  10. San ka author sa bicol?? Albay aq..

    ReplyDelete
  11. ngayon ko lang to nakita
    hihi ka relate ako.. parehas kami ugali ni mr author. Pero yung Mathew ng buhay ko mgkaaway kami sa grades haha ayaw kong mei nkakalamang sakin ehh ...
    pag isipan kong magsulat o magshare nung story ko.. kaso super tamad ako ehh

    -wayne-

    ReplyDelete
  12. Just discovered this blog. Mukang ok mga stories. This is the 4th story that I've read, and so far the most interesting. Will read the whole antology tonight hanggang chapter 5 po right? Marathon kahit may class ako tomorrow sa city :)

    ReplyDelete