m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Wednesday, May 21, 2014

Tales of a Confused Teacher (Part 1)

By: Irvin

“So that’s all for your introduction, since you are no longer new in this school, we will begin our lesson now.  Our subject as all of you for sure are aware is Chemistry, another branch of Science specialized in ….?

    “Sir, ano ba yan agad-agad lesson na e first day pa lang naman,” ito ang halos sabay-sabay nilang reklamo.

    Paano ko ba sasabihin sa kanila na hindi naman ako intresado sa mga description na ibinibigay nila sa kanilang sarili,  although most of them are quiet interesting, dahil sa totoo lang ito na nga yata ang section ng magaganda at mga gwapo.  Yung mga previous candidates and winners ng Campus King and Queen karamihan ay narito sa kanila kaya although its my first time to handle them, yung iba sa kanila ay kilala ko na sa name at sa face. Medyo natuwa naman ako dahil for sure sa section na ito mangagaling ang Mr.and Miss JS.

    Pero kahit anong gawin ko hindi mawala sa isip ko ang pinagdadaanan kong problema.  June 2013,  ilang taon kong hinintay at pinlano ang pagdating ng  buwang ito dahil 3 years ago graduating ako ng college ng mag usap kami ng aking girlfriend na ito ang tamang buwan para sa aming pagpapakasal.  Magrereview ako at pagkatapos pumasa sa Board Exam ay magtuturo sa isang kilalang school dito sa Manila.  Samantalang siya naman ay mag-aabroad bilang nurse, babalik after 3 years upang magpakasal at pagkatapos ay magkasama kaming mag-aabroad upang doon tuparin ang aming mga pangarap. 

    Subalit ang lahat ng ito ay naglahong parang bula, last month nang tawagan ko siya upang mag update sa mga paghahanda namin ay umiiyak siyang sinabing hindi na siya pwedeng magpakasal sa akin dahil ipinagkasundo siya ng Mama niya sa kanyang stepbrother na isang British national.  Wala siyang magawa dahil malaking chance ito upang makasunod sa kanya ang kanyang mga kapatid. Para akong binagsakan ng kung anong bagay kaya hindi na ako nakapagsalita, hindi ko siya nagawang sumbatan dahil ang maliwanag sa akin anuman ang sabihin ko, isa lamang ang tiyak, hindi na matutuloy ang aming kasal.  Hindi ko alam kung papaano sasabihin sa aking pamilya sa mga taong inimbitahan ko at sa lahat ng nakakaalam ang nangyare.
    Binigyan ako ng prinsipal namin ng pagkakataong mag leave kahit dalawang buwan upang makarecover pero minabuti kong huwag tanggapin dahil lalo lamang akong mahihirapang makalimot kung magmumukmok ako sa bahay.

    Nasa ganon akong pag-iisip ng isang estudyante ang tila walang pakialam na pumasok at dahil puno na ang mga bangko sa hulihan ay napilitang maupo sa kaisa-isang bakanteng upuan sa harap mismo ng teacher’s table.  Tawanan ang lahat sa pagdating niya na parang lahat sila ay kakilala niya at binabati siya ng magkaklase ulit tayo, pero parang blangko lamang sa kanya at ni hindi sila nginitian.  Pagkaupo ay tahimik itong nakatungo na parang nakatingin lamang sa sapatos niya.  Habang siya ay bahagyang  nakatungo napagmasdan ko ang itsura niya.  Wala namang special sa kanya, siguro nga kung hindi siya sa section na ito ay maaring gwapo siya, matangkad siya kesa karaniwang 3rd year student tantya ko na mga 5’ 9” height niya, maputi at makinis ang balat niya, samantalang ang buhok niya ay maikli lamang ng kaunti sa mga sikat koreanong artista na kung hindi siguro dahil sa maamo niyang mukha ay sasabihin kong magpagupit siya nang oras ding iyon. 

    Pero turn off ang kanyang uniform, bagamat alam mong bagong laba ang kanyang white polo, napakadaming guhit ng manggas nito dala ng hindi maayos na pagkakaplantsa at ganon din ang piston ng kanyang pantalon, lalo akong nadismaya sa kanyang sapatos, ayokong-ayoko kasi sa black shoes ang madumi ang swelas, ang tingin ko rito ay madumi rin ang may suot. Nasa ganon akong pag-uusisa ng mapansing kong nakatingin siya sa akin kaya para hindi ako mapahiya.

    “And you are Mr……? parang pumasok ka lamang sa sariling mong bahay ah.” ang may pagka sarcastic kong umpisa.

    “Ah, eh, pasensiya na po sir, I am Kenn Lloyd Suarez po,” sabay kamot sa kanyang ulo na hindi malaman ang gagawin. “Sorry po I’m late, tinanghale po ng gising,” at muli ay tumungo siya.

    “Ok, Mr.Suarez, I am Mr. Irvin Santos , your adviser and Chemistry teacher, now can you give us description of yourself using the first letter of your surname,” ito rin ang ginawa ko kanina kaya napakasaya ng kanilang introduction.  pero hindi siya umimik, ilang saglit pa ay isang kaklase niya ang nagsalita.

    “Silent type Suarez sir!” at nagtawanan sila ng malakas.

    “At bakit naman Silent Type?” nagtataka kong tanong.

    “E lagi po yang tulog pag nagkaklase na.” at muli ay nagtawanan ng malakas liban kay Kenn Lloyd na bahagyang tiningnan ng masama ang katabi niya na napakalakas ng tawa.

    “Totoo ba yun Kenn Lloyd tinutulugan mo ang klase?” ang nakangiti kong tanong.

    “Minsan lang po yun sir, pag lamang po inaantok.” ang nahihiya at napapakamot sa ulo niyang sagot.

    “Malamang, hindi ka naman matutulog kung hindi ka inaantok,” ang muli sigawan mula sa likuran.

    Natapos ang araw na iyon at nalimutan ko na rin ang tungkol sa kanya. Nagpatuloy ang klase at tama ako mas nagkakaroon ako ng konting oras para isipin ang tungkol sa amin ni Gigi. Pinipilit maging okupado ang mga oras sa araw at sa gabi naman dahil mag-isa lamang ako sa bahay ay sinisigurado kong kumain na ako sa labas at gabi na rin ako uuwi para maliligo lamang at diretso tulog na.  Iniwasan ko na rin muna ang mga barkada ko upang hindi na rin ako magpaliwanag sa kanila kung ano ang nangyari.

    Monday, napansin kong wala si Kenn Lloyd, tinanong ko ang mga kaklase nya noong hapon sa homeroom at absent nga daw, dumaan ang Tuesday at Wednesday, absent pa rin nang mag Friday na  at absent pa din nagtanong ulit ako sa mga classmates niya kung meron sa kanilang may alam ng dahilan. Wala silang maisagot.  ayon sa kanila madalas siyang late pero never pa iyong umabsent ng boong isang linggo.  Medyo kinabahan ako, tinanong ko sila kung inaway na naman nila.  Pero wala ni isa mang makasagot, dahil ang last na alam nila ay nag PE pa sila noong last Friday at masaya naman sila dahil group nila ang nanalo sa volleyball. 

    “E sir, nagbasketaball pa kami noong hapon kalaban mga 4th Year.” si Jerome yung madalas niyang kasabay sa pagkain.

    Dahil wala akong makitang dahilan ng pag absent niya at tungkulin ko bilang adviser ang alamin ang nangyayari, nagpasya akong puntahan siya sa kanilang bahay.

    “Hmp, plano ko pa namang umuwi sa amin bukas.” Nasa province kasi ang pamilya ko. Ang parents ko kasama ang dalawa ko pang kapatid na parehong nag-aaral, samantalang may sarili ng pamilya ang kuya ko na kasalukuyang nasa Canada.

Agad kong kinuha ang Class Register upang alamin ang kanyang address.  Saka ko lamang napansin na kabilang subdivision lamang pala ang sa kanila at pamilyar ako sa lugar na iyon dahil nakakapunta na ako doon dati.

    “Buti na lamang at malapit, pag maaga kong nakausap, didiretso ako pauwi sa amin.” bulong ko sa aking sarili habang inaayos ang aking mga gamit pauwi sa amin.

    Hindi nga ako nahirapan sa paghahanap, mula sa gate ng subdivision ay itinuro lamang ng guard ang isang puno at ayon sa kanya, harapan iyon na ang bahay nina Kenn Lloyd. Pagdating sa nasabing bahay tumawag ako pero walang sumasagot, bukas naman ang gate kaya bahagya akong pumasok, pero nag-ingat ako baka may aso.  patuloy  pa rin akong tumatawag, may mahinang sounds akong nadidinig mula sa TV kaya sigurado may tao sa  loob . Naglakas loob na akong pumasok at sumilip sa wala namang kurtinang bintana at napansin ko siyang nakahiga sa sopa.  Nakabaluktot siya na parang giniginaw. Tinawag ko siya at nagulat siya pagkakita sa akin.

    “Sir, sir, bakit kayo nandito, ano pong kailangan ninyo?” ang sunud-sunod niyang tanong habang pinipilit bumangon.

    Hindi na ako sumagot, alam kong may sakit siya, kaya agad kong binuksan ang pinto para makapasok. Pagkapasok ko, naawa ako sa sitwasyon niya, may ilang balat ng paracetamol na nakakalat sa sahig, may mga pinagbihisan din ng damit na nasa kabilang bangko at isang pinggan na pinagkainan.

    “E, sir pasensiya na po, hindi pa ako nakakalinis ng bahay, madumi po, doon na po tayo sa terrace” ang nahihiya niyang sagot.”  halatang pinipilit niyang tumayo marahil ay para damputin ang mga kalat sa sahig.

    “No, its ok, don’t worry, pinuntahan lamang kita para alamin kung bakit one week kang di pumasok, now I know, e kumusta ka na, umiinom ka ba ng gamot, sinong kasama mo dito, kumain ka na ba?,” hindi ko alam masyado yatang nadala ako sa kalagayan niya kaya sunud-sunod ang tanong ko.

    Ikinuwento niya sa akin na wala ang parents niya , second family sila at ang Papa niya ang nagbibigay sa kanya ng lahat ng financial support pero lihim ito sa kaniyang pamilya na kahit minsan ay hindi pa niya nakita. May  pamilya na rin ang Mama niya sa abroad.  Grade V siya nang iwan ng Mama niya sa kapatid nito na nakatira sa tapat ng bahay nila pero dahil may business ang family nila ay wala rin naman pakialam sa kanya, madalas pang sabihin na ayaw niyang masabi ng kanyang ama na pinapakialaman lamang niya ang perang ipinapadala nito. sa madaling salita, sa mura niyang gulang ay mag-isa na siyang nabubuhay.

    Napansin ko ang lungkot sa mga mata niya habang nagkukuwento, nangingilid ang mga luha niya habang nakatingin sa malayo.  Hindi ko alam kung magagalit ako sa mga magulang niya o maawa sa kalagayan niya. Saka ko lamang naisip na kaya pala ganon itsura niya at lagi siyang malungkot. Naisip ko na napakawalang kwenta kong adviser, di ko man lang inalam background niya.

    “Tama na iyan, ang imporatante ngayon e, magpagaling ka at ng makabalik ka na sa school, hinihintay ka ng mga classmates mo,” at bahagya ko siyang tinapik sa balikat. “Teka mukang hindi ka pa kumakain, ano bang meron ka dito at ipaghahanda kita, mahirap ang gutom hindi ka lalo makakabawi ng lakas niyan.”

    “Sir, pasensiya na po, wala po e, hindi po ako nakabile noong bago ako magkasakit, puro noodles lang po kinakain ko, meron pa po yata diyan, iyun na lang po.” at muli gaya ng dati napakamot na naman siya sa ulo dahil sa pagkapahiya.

    “Sige ganito na lamang, kumain ka muna ng noodles, para makainom ka ng gamot, tapos ibibile kita ng may sabaw, alam ko may masarap na kainan hindi malayo dito.”

    “Nako sir, huwag na po nakakahiya na po iyon, sobrang abala na po iyon sa inyo.”

    “Huwag mo munang isipin iyon, ang mahalaga ay gumaling ka at ng makapasok ka, siyanga pala alam ba ng tita mo na may sakit ka?”

    “Opo, noong Tuesday po dinalhan niya ako ng pagkain, kaso umalis po yata sila kaya hindi nakakapunta dito.”

    Ipinaghanda ko siya ng noodles, dinampot ko din yung mga damit na nakakalat, ipinag init ko din siya ng tubig para makaligo at bago ako umalis ay ibinili ko ng pagkain, siniguro ko din na  kumpleto ang mga gamot niya bago ako umalis, halos tanghalian na rin noon kaya  hindi na ako umuwi sa sa probinsiya.

    Gabi, siya pa rin nasa isip ko at ang nakakaawa niyang kalagayan, ang kwento niya tungkol sa kanyang mga magulang. Mabuti na lamang nakuha ko cell phone number niya, agad ko siyang tinawagan para kumustahin.

    “Hello, Kenn Lloyd, sir mo to, kumusta ka na?”

    “Ay sir, good evening po, pasensiya na po sa abala ha, ayus lang po ako, medyo magaan na pakiramdam ko, salamat po sa lahat sir, hindi ko po alam kung papano magpapasalamat sa inyo….”

    “O e bakit umiiyak ka, ngayon ka pa magkakaganyan magaling ka na?”

    “Basta sir, salamat po, hindi ko po makakalimutan kabaitan ninyo.”

    Hindi ko alam pero nagingilid na rin luha ko dahil sa kanya, sobra akong natouch sa pag appreciate niya sa ginawa ko. Siguro nga sabik na sabik siya sa kalinga ng magulang. Kawawang bata, hindi man lang naranasan ang pagmamahal ng ama at ina.

    “O siya, tama na,  bukas puntahan ulit kita diyan tutal wala naman akong kasama dito, samahan na lamang kita diyan.  Yung gamot mo ha, saka magpalit ka agad ng damit mo kung may pawis na. Matulog ka na rin para lumakas ka agad.”

    “Opo sir,”

    Nang gabing iyon nagdasal ako, na hindi ko naman madalas ginagawa, nagdasal ako hindi para sa aking sarili.  Hiniling ko sa Diyos na sana ay pagalingin niya si Kenn Lloyd, na sana ay bantayan niya ang batang ito. Sana ay huwag niyang pababayaang mapariwara ang kanyang buhay.

    Kinabukasan pagkapaligo ko at mailagay ang lahat ng maduduming damit ay inilabas ko agad ng pinto.  Kukunin yun ni manang at lalabhan sa hapon na niya ibabalik na naplantsa na. 

    Dumaan ako sa grocery upang ipamili si Kenn Lloyd ng ilang kakailanganin niya kasama na ang ilang prutas at sumakay na ako ng tricycle papunta sa bahay nila.  Inaasahan ko na madadatnan ko siya sa terrace dahil alam naman niyang darating ako.  Pero wala siya don.  Pumasok ako habang mahinang tinatawag ang pangalan niya.  Wala ring sagot. Dumiretso na lamang ako dahil nakabukas naman ang pinto. Napansin ko ang malinis na salas, may bagong kabit na kurtina at halatang bagong linis ang bahay.  Bahagya akong napangiti dahil naisip ko magaling na nga siya. Narinig ko ang mahinang pagtawag niya.

    “Sir, narito po ako sa kwarto.”

    Pagsilip ko sa kwarto nadatnan ko siyang naginginig at pulang-pula ang mukha.  nakabalot ng kumot at bahagya lamang nakabukas ang namumula ding mga mata. Patakbo ko siyang nilapitan dahil sa pagkabigla at naupo na lamang ako sa sahig.

    “O ano nangyari akala ko ba ayus ka na kagabi, ano ba ginawa mo at nagkaganyan ka na naman?” ang nag aalala kong tanong.

    “E sir akala ko po ayus na naglinis lang po ako kanina kasi nahihiya akong madumi pa rin pagdating nyo, ayun pagkatapos ko ay naramdaman kong masakit ang ulo ko kaya nahiga ako, medyo nahihilo po ako at nakatulog po ako sandali pero nang magising ako ay giniginaw na ako at parang hinang hina.” ang paputol-putol niyang sabi.

    “Bakit naman kasi binigla mo, e alam mo namang ilang araw kang may lagnat, dapat nagpahinga ka muna saka muna inisip ang paglilinis. Teka kukuha lamang ako ng malamig na tubig at nang mapunasan ka para bumaba ang lagnat mo, kung hindi magbabago e baka kailangan nang dalhin ka sa ospital mahirap na baka dengue yan uso pa naman ngayun ang sakit na yun.”  diretso ako palabas, papunta sa kusina.  alam kong may sinasabi siya na huwag na pero hindi ko na lamang pinansin.

    Pagbalik ko ay natutulog na siya, kumuha ako ng dalawang face towel dahan-dahan kong pinunasan ng malamig na tubig ang kanyang noo saka ko inalagay yung isa sa ibabaw ng kanyang noo, nakita ko na  napapagalaw ang balikat niya habang pinupunasan ko ang mukha niya , ang pisngi, pati na ang batok at leeg niya.  Iniangat ko din ang kumot para mapunasan ang kanyang mga braso.  Naalala ko ang ginagawa ng lola ko sa akin sa probinsiya kapag nilalagnat ako. Bumalik ako sa kusina kumuha ako ng dalawang bote at nilagyan ko ng mainit na tubig, ipinatong ko dito ang mga paa niya saka ko kinumutan ng hanggang bewang.  Nang magmulat siya ng kanyang mata, tinanong ko kung kumusta pakiramdam niya.

    “Mas maginhawa na po sir, hindi na masakit ang ulo ko,” at hinipo niya leeg niya.  “Wala na rin po akong lagnat sir. Thank you po ulit sir, buti na lamang dumating kayo.” Kung wala kayo baka namatay na ako,” nakangiti siya habang sinasabi iyon.  

    “Ikaw talaga, mamatay agad e lagnat lamang iyan, sige matulog ka muna at aayusin ko itong mga dala ko para paggising mo makakain ka, kailangan mo ang prutas at ng maka recover ka agad.

    Pagbalik ko nadatnan ko siyang natutulog.  Ngayon ko lamang napagmasdan ang mukha niya.  Gwapo nga pala siya talaga.  kahit nakapikit mapapansin mo ang kanyang maamong mukha, matangos ang ilong at maninipis ang labi.  Napaka kinis din ng kanyang pisngi para bang hindi uso sa kanya ang pimples.  At ang nakakatuwa para siyang bata, nakangiti siya kung matulog.  Ano ba itong ginagawa ko, bakit ba nakatitig ako sa mukha ng isang lalake.  Mali ito hindi dapat hinahangaan ko ang mukha ng kapwa ko lalake.  Nang biglang niyang iginalaw ang kanyang balikat na parang nanginginig sa ginaw. Hindi ko alam ang gagawin ko, kinumutan ko siya at hininaan ko ang aircon.  Ganon pa din, may mga sinasabi siyang hindi ko maintindihan, hindi ko na alam ang gagawin ko, kelangan madala ko siya sa ospital, pero paano hindi ko siya kayang buhatin, halos magkasing laki na yata kami.  Sa pagkataranta, sumampa ako sa kama, hinawakan ko ang kanyang kamay. Malamig ang kanyang mga kamay.  Pinsil pisil ko mga iyon, pati braso niya hanggang sa tuluyan ko na siyang niyakap.  “Kenn Lloyd, ano ba nangyayare sayo, gusto mo bang dalhin kita sa ospital?” pero puro ungol at iling lamang ang isinasagot niya. sa sobrang pagkatakot, niyakap ko  na lamang siya, upang kahit papaano ay mainitan katawan niya.  Maya-maya ay naramdaman kong humina panginginig niya.  Kaya lalo kong hinigpitan yakap sa kanya.  Hindi ko na alam kung gaano ako katagal nakayakap sa kanya.  Nagising na lamang ako na nakatingin siya sa mukha ko na nakangiti. At kita ko sa mukha niya ang pagkabigla nang makitang gising na ako.  Bigla akong bumitiw sa kanya at tiningnan kung anong oras na.  Quarter to twelve.  Pambihira ibig sabihin may dalawang oras akong nakatulog.

    “Pasensiya ka na ha, hindi ko na alam kung paano mababawasan panginginig ng katawan mo kanina, ginaw na ginaw ka kaya niyakap na lamang kita.”

    “Ayos nga po sir, nawala nga ginaw ko at nakatulog din ako. salamat po ulit.”

    Bumangon ako. “O siya, kumain ka muna, may dala akong pagkain diyan, ipinaghiwa din kita ng prutas at nang tuluy-tuloy na yang paggaling mo.”

    Sinamahan ko pa rin siya hanggang hapon at ng alam kong ok na siya pinagbilinan ko na lamang na huwag masyado magpagod naipaghanda ko na rin siya ng hapunan.

    Hanggang pag-uwi ko sa bahay hindi pa rin mawala sa isip ko ang maamo niyang mukha, lalo na noong magising akong nakayakap sa kanya.  “Bakit ganon, iba ang pakiramdam ko, parang nawala ang pagkailang ko, e kapwa ko lalake kayakap ko. bakit masarap ang pakiramdam, bakit parang ang saya ng pakiramdam ko  habang kasama at kausap siya.”

    “Shit!, hindi iyon totoo, lalake ako, alam ko yun, hindi ako nagkakagusto sa kanya.  Hindi iyon tama at ayoko.  Iiwasan ko na siya, kailangan ko lamang masiguro na magaling na siya at lalayuan ko na siya.  Hindi dapat ganito.” Pinilit kong huwag siyang tawagan o itext ng gabing iyon, pero hindi ako mapakali, nagigising ako bigla at naiisip kung kumusta na kaya siya, pano kung ginawin ulit siya, pano kung tumaas ulit lagnat niya? pero kailangan kong pigilin ang lahat.

    Kinaumagahan, may 1 message received cellphone ko, nang basahin ko galing kay Kenn Lloyd.  “Good morning sir, ayus na po ako, wala na po akong lagnat, hindi na rin masakit ang ulo ko, kaya lang sir, magpapahinga po muna ako today, baka kasi mabinat ulit ako kung papasok agad ako, ok lang po ba sir na bukas na ako papasok?”

    Hindi ko alam kung bakit ang saya-saya ko sa pagkakabasa ng text niya, hindi ko alam kung dahil hindi na ako mapapagod sa pagpunta sa kaniya o dahil makikita ko ulit sya sa school dahil magaling na siya.

    “Oo naman, magpahinga ka muna, ako na bahala sa mga teachers mo.”

TO BE CONTINUED

22 comments:

  1. the story is taboo but I find it enjoyable nonetheless. Can't wait for part 2. Sana meron na agad. hihihi

    ReplyDelete
  2. Part 2 please :))

    ReplyDelete
  3. Part 2 please.........

    ReplyDelete
  4. I löve d story. May puso. Feel ko ang emotion ng characters. Two thumbs up author! I anticipate to read d next part. :v

    ReplyDelete
  5. pambihira parang sa school lang namin mga characters nito ah. hahaha
    Sir EDM ikaw ba author nito ang aming adviser? hahaha

    ReplyDelete
  6. Part 2 na agad author!

    ReplyDelete
  7. grabe ganda.. part two pls

    ReplyDelete
  8. hahaha..mukang magandang story to ah, next part pls

    ReplyDelete
  9. Good job author...kaw na..hehe..

    Proud to be teacher...

    ReplyDelete
  10. Yes! Teacher wag ka po mang bitin. hehe. Super super ganda ng story mo. Please. kwento mo na po kasunod, please, please, please.

    ReplyDelete
  11. labas mga teacher, kwento natin to, i know nakakarelate mga kapwa q guro sa story na to...hahaha...tnx author

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sure! Naiyak ako sa kwento ng author. Teacher din ako. Nakakaiyak pero nakakapag pataba ng puso. Mukhang more exciting ang part 2 hehe.

      Delete
  12. ganda ng story... nagenjoy ako talaga, and cant wait na sa part 2. kwento pala nating mga guro to eh.

    ReplyDelete
  13. Sa unang nagcomment bakit mo naman nasabing taboo ateng?

    ReplyDelete
    Replies
    1. tih, kelan pa ba naging legal at katanggap-tanggap s society ang teacher-student relationship? Hence, taboo. Getz mo na tih?!

      Delete
    2. bakit ikaw ba tanggap ng society na ganyan? e taboo din pagkatao mo?
      PINTASERA!

      Delete
    3. Eh wala naman sex na naganap ah? At saka, iyong bata wala na kalinga sa buhay kaya mabuti pa na naalagaan ng teacher iyan!hindi ba't tungkulin ng isang teacher maging magulang sa anak?

      Delete
    4. Taboo? Never.
      Ang nag comment nito ay
      Judgemental.
      Hwg ganyan ateng!
      Matuwa tau dhil very brave ang writer mgkwento ng pangyayari s kanya.Hindi k pala natuwa hindi mo n dapat pinagpatuloy ang pagbabasa.

      Delete
  14. Grabe narelate ako sa story. Teacher din ako and this kind of situation realy happens. Di man siya katanggap tanggap sino tau para manghusga its their story. KUDOS for the writer. Your story is brilliant and wonderful

    ReplyDelete
  15. bakit hindi agad katanggap - tanggap, may ginawa na ba siya na dapat nating husgahan, alam mo ba agad ang mangyayari sa kwento? madali ang magbasa at lalong madali ang mag comment, pero bilang isang guro mahirap magkwento ng ganyang karanasan although alam ko marami sa atin ang may nakakarelate sa kwentong ito. hindi ba pwedeng maging masaya na lamang tayo at isa sa atin ang naglakas ng loob ng magkwento nito, hindi ko alam kung ano ang dahilan ng author sa pagsusulat nito, pwedeng gusto lamang niyang i release ang emotion niyang itinatago, or kailangan niya ang advise from us,etc. so kung ano man reason niya hayaan nating tapusin niya ang kwento niya saka natin ibigay ang opinyon natin or advise kung kailangan man niya.

    ReplyDelete