m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, August 10, 2014

Ang Comforter (Part 2)

By: Paulo

Late bloomer ako sa pagiging bakla. Lumaki kasi ako sa isang pamilyang relihiyoso at ala-military ang palakad sa bahay. Achiever din ako sa school kung kaya kung anu anong extra curricular activites ang pumuno sa oras ng aking kabataan na siya marahil ang dahilan kung bakit medyo huli na nang tamaan ako ng libog. College na ako noong una kong madiskubre ang aking pagkatao – napaibig ako nang hindi sinasadya sa pinakamatalik kong kaibigan, si PJ. Pero sa kabutihang palad, late bloomer din pala itong si PJ. Maliban sa consistent honor student siya na gaya ko, magaling siyang basketbolista sa University namin noon kaya kahit siya rin mismo, hindi kaagad narealize sa sarili na sa lalaki din pala siya iibig. Nagkagirlfriend pa nga siya bago niya nadiskubre ang mas makulay niyang mundo. Out of depression nang magbreak sila ng girlfriend niya, nang mag-experiment siyang manood ng gay pornographic movie na tumulong sa kaniyang makumpirma ang kaniyang pagkatao. Sa huling taon ng aming kolehiyo, naging kami ni PJ matapos ang isang ‘di malilimutang karanasan sa sex.

Masaya ako sa piling ni PJ, at naniniwala akong ganoon din siya sa akin. Ako na yata ang pinakasuwerteng bakla. Wala na akong ibang mahihiling pa sa kaniya. Kahit bakla siya, lalaking lalaki pa rin ang dating niya. Maliban sa matipuno at maganda ang hubog ng kaniyang katawan, at malaanghel ang kaniyang mukha, napakabait niyang tao – malambing sa Nanay niya at sa kaniyang kapatid na babae, at napakagalang sa mga magulang ko at ganoon na rin sa ibang tao. Isa siyang lisensiyadong Mechanical Engineer at isang masipag na businessman sa Pampanga. Complete package talaga siya ika nga. Napakasuwerte ko na ibigin ng isang gaya niya.

Nagsimula ang pagkakaibigan namin ni PJ noong maging magkaklase pa kami sa unibersidad na pinapasukan namin. Sa dinamidami ng mga issue na hinarap naming magkasama, subok na ng panahon ang aming pagkakaibigan. Iyon malamang ang kagandahan ng aming relasyon… matagal itong hinulma ng pagkakaibigan at mga pagsubok.
Pagkatapos naming sabay na pumasa sa licensure exam ng Mechanical Engineering, pareho kaming natanggap ni PJ na magtrabaho sa isang company sa Makati. Pero isang taon lang ang itinagal ni PJ doon. Mas pinili niyang bumalik sa pag-aasikaso ng mga negosyo nila sa Pampanga na maayos namang lumalago.

Akala ko ideal na ideal na ang relationship namin. Ang hindi ko alam, ang pananatili ko sa kompaniya matapos niyang magresign ay magdudulot lang ng hamon sa aming pagmamahalan.
>>>>>>>>>>>>>>>

Halos apat na taon na rin mula noong marealize ko ang aking pagkabakla… pero nangangapa pa rin ako sa dilim sa kung paano haharapin ang kakaibang buhay na dala nito. Mula noon, hindi ako makakilos na hindi nangangambang mapagdudahan ako. Pakirandam ko nakatingin lahat ang mga tao sa akin at hinhusgaan ang bawat salita at kilos ko. Napapag-isip din ako minsan kung tunay na mga lalaki ng aba ang mga lalaking nakakaharap ko sa araw-araw. Ilang nga ba kaya ang nagbabalat-kayo lamang gaya namin ni PJ? Nag-iba rin bigla ang pananaw ko sa sex. Ngayon, hindi ako makatingin sa mga billboard ng Maynila na hindi binubulwakan ng libog dahil sa nagwagwapuhang mga lalaking modelo na brief lamang ang suot.
Magkapareho ang mga pangamba namin ni PJ noong magkasama pa kami sa trabaho. Hindi namin magawang maging masyadong malapit sa isa’t isa dahil sa takot na mahusgaan ng mga tao at maging sentro ng tsismis sa kumpanya. Lagi kaming walang nakahandang sagot kapag itinatanong ng mga tao kung may girlfriend o asawa na ba kami. Nakukuha pa naming magsinungaling paminsan minsan para huwag lang maghinala ang mga kausap namin.

Minsan nga, nang kaming dalawa lang ni PJ sa elevator, pilyo niyang dinakma ang titi ko at umastang hahalikan na ako sa labi. Pero iniwas ko ang mukha ko at itinulak ko palayo ang kaniyang kamay mula sa pagkakahawak sa aking ari. Tapos itinuro kong may CCTV sa elevator. Buong araw tuloy siyang napraning dahil talagang ayaw niyang may ibang taong nakakaalam sa tunay naming pagkatao. Hindi siya makatulog nang gabing iyon at nag-alala siyang baka kumalat na parang scandal ang maliit na eksenang iyon sa CCTV. Ilang araw ko rin siyang kinakalma at binigyan ng assurance na kung ikakalat man iyon, ipaglalaban ko siya kahit na ano pa ang maging reaksyon ng aming mga mahal sa buhay. Mabuti nalang din at hindi nangyari ang ikinakapraning niya.

Ganoon kami noong nagtatrabaho pa siya sa Makati. Palibhasa dahil sa magkalapit ang mga units namin sa apartment na inilaan sa amin ng kumpanya, madali naming napupuntahan ang isa’t isa tuwing mayroong mga issue na dapat pag-usapan. Sagana rin kami noon sa aming sex life – todo ingat nga lang dahil ayaw naming mahalata ng mga katrabaho naming nakatira rin sa mga katabing units.

Nakakailang buwan pa lamang kami sa trabaho nang madalas naming mabalitaan na ang Nanay ni PJ ay laging nagkakasakit. Napapagod at nai-stress yata simula noong magtrabaho na kami sa Makati at madalang na lang kaming makatulong ni PJ sa pagmamanage ng mga negosyo nila. Iyon ang hudyat para upuan namin ni PJ at pag-usapan kung ano ang magiging future ng kanilang apat na negosyo sa probinsiya. Sa kuwenta namin, di hamak na mas malaki pa ang kinikita ng business nila kaysa sa trabaho niya sa Makati kahit na umaabot na sa Php 55,000 ang sahod niya kada buwan. Tinapos lang niya ang isang taon sa Makati bago siya nagbitiw.

Pagkaresign ni PJ, para akong halaman na hindi na dinidiligan. Iba talaga kapag nariyan lang sa tabi ang taong mahal mo.

Pero pinilit ko pa ring ituloy ang career ko sa company ko. Nag-eenjoy ako sa ginagawa ko dahil mga calculations at designs talaga ang linya ko.
>>>>>>>>>>>>>

Di pa natatagalan ang pagreresign ni PJ nang makilala ko si Olivia. Maganda siyang babae at pleasing ang personality niya. Laking Manila siya kaya outspoken at morally liberated siya. Masarap siyang kausap. ‘Babaeng bakla’ ang tawag sa kaniya sa company dahil sa napakakalog niya, laging gumagamit ng gay lingo at parang tindera sa palengke sa ingay. Pero kakaiba ang ingay ni Via dahil edukada siyang tao. Sa halip na mairita, napapamahal ang mga tao sa kaniya. Napakasweet din naman kasi niya. Noong wala na akong nakakasama tuwing lunch dahil wala na si PJ, siya ang unang taong umupo sa tabi ko sa canteen at sinamahan akong kumain. Simula noon, lagi rin siyang nagdadala ng chocolate na inilalagay niya sa desk ko tuwing umaga. Sa loob lang ng ilang araw na pagkakakilala, naging malapit kami ni Via sa isa’t isa kaya nang minsang nasira ang sasakyan niya sa kahabaan ng NLEX, hindi ako nagdalawang isip na sunduin siya roon gamit ang kotse ko.

I was so naïve dahil iba pala ang naging interpretasyon ni Via sa pagkakaibigan namin. Nakatira din siya sa isa sa mga aparments ng kumpanya na malapit lang din sa unit ko. Isang gabi, nagluto siya ng humba at dinalhan niya ako. Nakashort na sexy at wala suot na bra kaya naaaninag ko ang mga nipples niya sa nipis ng t-shirt niya na hapit pa sa katawan. Akala ko ibinabalik lang niya ang pabor dahil sa pagsagip ko sa kaniya sa NLEX pero iba pala ang intensiyon ni Via. Pagkalagay na pagkalagay niya ng ulam sa mesa, dagli niyang hinubad ang t-shirt niya at itinulak ako sa sofa, pinaghahalikan ako sa labi at kinuha ang kamay ko para ipatong sa suso niya.

So sobrang pagkabigla sa ginawa niyia, hindi ko siya napigilan. Pero siyempre, hindi ko masuklian ang kapusukan ng mga halik niya. Naestatwa ang kamay kong nakalapat lang sa isa niyang dibdib. Naintriga si Via sa waring kakaiba kong reaksyon. Kinapa niya ang aking ari at napagtantong mahimbing na mahimbing pa ang pagkakatulog nito. Naestatwa rin siya at matagal kaming nagkatitigan bago siya nagsimulang magsalita.

“Bakla ka, Paulo?” pabulong niyang itinanong sa akin.

Hindi ako makasagot sa takot na nahuli na niya ang sekreto ko. Napalunok ako na parang katumbas na rin ng “Oo” sa tanong niya sa akin.

Disappointment ang unang bumakas sa mukha niya. Tumayo siya, dinampot ang t-shirt at isinuot uli iyon. Pagkalingon niya ulit sa akin, naroroon lang ako na hindi pa rin makakilos sa pagkakahiga sa sofa at namumula sa pagkapahiya. Pero ngumiti lang siya. Tumabi siya sa akin, hinawakan ang isa kong kamay.

“It’s alright, Paulo,” malambing niyang wika sa akin. “Your secret’s safe with me.”

Hinila niya ako, at pinaupong maayos. Ilang sandali rin niya akong minasdan habang hawak hawak niya ang kamay ko. Ang palakaibigan niyang ngiti ang pumawi sa lahat ng aking pangamba sa oras ding iyon.

“My God, Paulo! I’m usually good at detecting gay people – even closeted ones. Pero ewan ko kung bakit nagmalfunction bigla ang gaydar ko sa iyo. Grabeh, ikaw ang huling taong pagdududahan ko. Kakaloka ka,” iiling-iling niyang wika sa akin.

Napangisi ako sa sinabi niya. “’Good at detecting gay people?’ Para saan at kailangan mong suriin kung sino ang mga bakla? Para manghusga?”

“Echos! Hindi gano’n, ‘no! The fact is: I usually get along well with gay friends. Parang mas marami pa nga akong kaibigan na bading kaysa sa babae. Natutuwa ako sa personality ng mga gay people – closeted or not. So my gaydar, FYI, is for detecting potential friends – hindi para manghusga.
“Besides, hindi mo rin naman ako masisisi… siguro sa ngayon, I just want to enjoy sex with random hot guys. Pero sa panahon na kakailanganin ko nang maghanap ng mapapangasawa, I wouldn’t want to invest my efforts, my time and feelings sa isang taong hindi naman mapapaibig sa akin. Maraming bakla diyan na dahil sa takot sa pamilya, babae ang mga hinahanap na makakasama sa buhay. I have nothing against such gays, naiintindihan ko sila, pero gaya ng nakita mo ngayong gabi, malandi akong babae. I demand full satisfaction sa kama.
So for that reason, too, hindi ko maiwasang gamitin ang ‘gaydar’ ko.”

Natawa ako sa kaniya, pero nakuha ko ang punto niya. Gayunman, hindi ko narandaman na minamaliit niya ang pagkatao ko, kaya sinabi ko sa sarili ko na puwede ko siyang maging kaibigan.
>>>>>>>>>>>>>>

Nacurious ako sa concept ng ‘gaydar’. Kaya minsang kumakain kami ng lunch, itinanong ko kay Via kung anong inaabangan niyang kilos para malaman niya kung bakla nga o hindi ang isang lalaki.

“Paulo, it’s my instinct that’s working in the process eh. Wala akong checklist ng mga ikinikilos ng mga discreet gays. Basta aura echos lang nila ang fini-feel ko.
“In your case, it shouldn’t be hard to figure that out! Juice ko, you’re one hot hunk that gay guys definitely crave for, Paulo. ‘Pag malagkit ang tingin nila sa iyo, ‘yun na ‘yon!
“See that guy at 10 o’clock? Kanina pa lingon ng lingon sa iyo. Ang macho ni kuya, ‘no? Pero he’s definitely gay.”

Napansin ko nga. Kumindat pa ang loko nang magkatitigan kami.

Naging bisyo na ni Via ang ituro sa akin ang mga bakla na talagang lalaki kung kumilos. Napaisip ako tuloy kung ano naman ang nakatago nilang istorya. Ikinukubli ba nila ang kanilang tunay na pagkatao dahil sa nahihiya sila at nag-iisip na baka magiging mababa ang tingin ng mga tao sa kanila? Ilan kaya sa mga ito ang nagtapat na sa kani-kanilang pamilya? At kung naglantad na sila, ilan kaya sa kanila ang tinanggap pa rin ng kanilang pamilya?
>>>>>>>>>>>>>

Kahit alam na ni Via na wala siyang mapapala sa akin sa kama, tuloy parin niya akong sinamahan tuwing break time. Dumating din ang punto ng pagkakaibigan namin nang maging komportable akong sabihing may boyfriend ako pero hindi ko ipinahiwatig na dati rin siyang nagtatrabaho sa kumpanya namin.

Ipinakilala sa akin ni Via ang mga kaibigan niyang bakla sa company, habang maingat niyang itinatago ang aking pagkatao. Isa rito si Kian. Cute ang mukha, parang lalaking version ni Sandara Parks. Lalaking manamit si Kian, pero sa unang segundo na makikita mo siya, alam mong bakla talaga siya. Gayon siya kahinhin. Pero mabait, at mas refined pang kumilos kung ikukumpara kay Via. Si Kian ang ‘fashion police’ ni Via kaya laging may dating ang kanilang pananamit.

Sumunod si Luke, na kasama ko pala sa department namin sa company. Hindi ko lang siya napapansin dahil medyo magkalayo ang mga cubicles namin at hindi pa kami nagkakasama sa anumang project. Para sa akin, walang senyales ng pagkabakla itong si Luke. Pero hindi siya pumasa sa ‘gaydar’ ni Via – kaagad siyang napagdudahan noong college palang sila. Si Luke ang gustong makakuwentuhan ni Via pagdating sa mga lalaki at sa sex. Sa kuwento sa akin ni Via, matanda ng isang taon sa amin si Luke. Sa UST sila nagkakilala noong college days pa nila. Mahilig daw sa casual sex itong si Luke. Mga guwapo at machong lalaki ang nakukuha niya pero hindi siya nakikipagrelasyon ng seryoso. Napakagandang lalaki nga rin naman kasi ni Luke. Walang mag-iisip na Pinoy siya maliban nalang kapag nagsimula na siyang mag-Tagalog. Tingin ko may pagka-Arabo ang mukha niya – makinis na maputi ang kutis, jetblack ang kulay ng kaniyang buhok na may tamang alon at banayad na kulot, mabibilog ang mga mata, matangos ang ilong at kahalina halina ang mga labi.

“Tsong, ang mga mata mo,” wikang bigla ni Via kay Luke, “… kung nakakatunaw lang iyan, kanina pa natunaw si Paulo.” Saka ko lang napansin na malagkit nga palang tumingin sa akin si Luke. Pero palaban din ito, hindi niya binawi ang tingin sa akin kahit nahuli ko na siya at binuking na siya ni Via. Ako pa tuloy ang nahiya at inalis ko na nga ang tingin ko sa kaniya.

“Forget it guys. Paulo is totally straight. Baka ako pa ang makakascore sa kaniya,” pagsisinungaling ni Via, sabay halakhak ng malakas.
>>>>>>>>>>>>>

Isang araw, ibinalita sa company namin na nagkaroon kami ng isang project kung saan kakailanganin naming magdesign ng pipelines sa isang kumpanya ng langis.

Inassign si Luke bilang ang project lead engineer dahil mas marami siyang experience sa amin, kaya simula noon, siya lagi ang facilitator ng mga morning meetings ng team namin na may anim na katao. Ibang team sina Via at Kian.

Sa mga meetings namin kaagad kong nagustuhan ang personality ni Luke. Professional ang dating niya pero hindi naman siya mayabang kahit na siya ang lead ng aming team. Hindi boring ang meeting namin dahil palagi siyang nagpapatawa pero kasabay no’n sinisiguro niyang napapag-usapan parin ang mga importanteng mga issue ng aming project. Ako ang inassign ni Luke na gagawa ng minutes namin. Tuwing matatapos ang meeting araw-araw, pinpuntahan niya ako sa cubicle ko para reviewhin ang ginagawa kong minutes. Sa umpisa purely professional ang bisita niya sa akin. Pero noong sumunod na mga araw, kung anu anong mga bagay ang pinagkuwentuhan na namin kaya ang minutes na kaya ko sanang tapusin sa loob lang ng sampung minuto ay tumatagal ng kalahating oras. Tapos, napansin ko lang din na sa tuwing nagtatype pa ako, tatayo siya sa may likuran ko, at kapag may comment siya sa ginagawa ko, hahawak muna siya sa aking balikat o batok at sa pakirandam ko nilalamas niya ako ng pasimple.

Ilang araw na ganoon ang ginagawa niya, pero dahil yata sa hindi ako umaangal, lalo lang siyang naging pilyo. Isang araw, sinimulan niyang unti unting ibundol ang ari niya sa likod ng kanang braso ko habang nagtatype ako ng minutes. Kapag iniiwas ko ang likod ko, nararandaman kong kinakabig ako ng kamay niyang nakapatong sa balikat ko para lalong mapadiin ang ari niya sa akin, tapos ikinikiskis niya iyon ng pakaliwa’t pakanan.

Hindi ako hipokrito para sabihing hindi ako tinamaan ng libog. Sukdulan ang kaguwapuhan ni Luke kaya masyadong mahina ang attempt ko para pigilin ang ginagawa niya. Pero may parte ng utak ko ang nagsasabing hindi tama ang hayaan na lang siya ng ganoon. Nag-aalala din ako na baka makita kami ni Via o ni Kian o ng ibang tao sa gayong situwasyon. Sangkatutak na lakas ng loob ang inipon ko para ilayo ang likod ko pagkakadikit sa ari ni Luke at magsinungaling na kailangan kong magbreak at magtimpla ng kape. Kinabukasan, inayos ko ang posisyon ng computer ko para hindi na siya makapuwesto sa likuran ko.

Kitang kita ko ang disappointment ni Luke sa ginawa ko sa cubicle ko. Kaya tumigil na siya sa pagpunta doon at ipinapa-email na lang niya ang mga minutes para mareview.

Naikuwento ko rin kay Via ang mga ginawa ni Luke. Pero bilang isang babaeng liberated, naexcite lang itong si Via. Pinayuhan pa nga niya akong kilalanin pa ng husto si Luke at baka daw sa akin magseryoso sa relationship ang mokong. Inamin ko kay Via na may kiliti nga sa akin ang ginawa ni Luke, pero ipinaalala ko sa kaniya na may boyfriend ako. Isa pa, hindi professional ang ginawa niya sa akin sa loob ng opisina at sa oras ng trabaho.

Pumanig naman sa akin si Via pero hindi ko akalaing kokomprontahin agad niya si Luke. Noong kinagabihan din ng pag-uusap nila, kumatok si Luke sa unit ko. Gusto raw akong makausap. Nakatayo lang kaming pareho sa may pintuan ng unit ko nang magsimula siya. “Hindi na ako magsisinungaling pa, Paulo… since Via already made it clear that I’m gay, so hindi ko na ikakailang sinadya ko ang kapilyuhang ginawa ko sa iyo noong isang araw… Hindi ko alam kung anong kamunduhan ang pumasok sa isip ko eh…
I’m not even going to try to justify what I did, Paulo. Kaya narito ako ngayon para humingi sana ng tawad. Alam kong naoffend kita sa ginawa ko and I’m really, really sorry.”

Umalingawngaw sa walkway ng apartment building namin ang boses ni Luke. Naisip kong baka may makarinig sa pinag-uusapan namin. Randam ko namang sincere siya kaya pinapasok ko siya sa unit ko at pinaupo sa sofa samantalang nanatili akong nakatayo sa tabi ng pintuan.

“I really like you, Paulo. Mula pa noong ipakilala ka sa akin ni Via, hindi na kita maalis alis sa isipan ko eh. Ang lakas ng tama mo sa akin. I sort of wished and hoped that you’re gay too. But I know that’s barely an excuse for taking advantage of your kindness. You’ve always been supportive of my leadership since nagsimula ang project, and ngayong nasa katinuan na ako, I’m really feeling bad na inabuso ko ang kabaitan mo sa akin. I’m really, really sorry.
“It’s going to be one hell of a struggle within me to keep my hands off you, pero pagsisikapan ko ‘yon. Ayokong makaapekto sa project natin ang ginawa ko sa iyo, so I’m in desperate need of your forgiveness. Sana kalimutan na natin ang kapilyuhan ko nu’ng isang araw… please?”

Napakaamo ng mukha niya, lalo na ngayong nagpapasorry siya. Hindi ko lubos maisip na ang ganitong malaanghel na mukha ay isang taong may kapilyuhan at mahilig sa casual sex.

Wala naman talaga siyang dapat na ipagpasorry, hindi naman ako naoffend sa ginawa niya kaya sinigurado ko nalang sa kaniya na wala na sa akin iyon at na magpapatuloy ng maayos ang project namin at hindi ako titigil sa pagsuporta sa leadership niya. Ayoko ng tumagal pa ang usapan namin, kaya nanatili na akong tahimik hanggang sa siya na mismo ang nailang. Tumayo na siya at umakmang aalis na.

“Good night, Paulo,” paalam niya habang kamot kamot ang ulo.

Palibhasa nakatira lang din siya sa isa sa mga units ng apartment building namin, nakasando lang si Luke na hapit sa kaniyang magandang katawan. Nang kamot kamot niya ang kaniyang ulo, bumukol ang muscles niya sa braso. Lumitaw din ang kilikili niyang hindi nakaahit. Ang sarap niyang pagmasdan sa ganoong posisyon. Buti na lang at hindi ako naglaway sa mismong oras na iyon. Tapos lumapit siya sa akin at nag-offer na kamayan ako.

“So magkaibigan na ulit tayo?” wika niya na may ngiti na sa mukha niya.

Tumango at ngumiti na rin ako sabay abot sa kamay niyang nakikipaghandshake.
>>>>>>>>>>>>>>>>

Tinupad ni Luke ang pangako niyang hindi na siya uulet. Purely professional ang pakikitungo niya sa akin. Pero napansin kong lalo lang siyang naging mabait sa akin. Tuwing kakailanganin kong mag-OT, lagi niya akong dinadalhan ng kahit anong makakain at laging nag-aalok na isabay nalang daw ako sa kotse niya pauwi sa apartment building na tinutuluyan naming dalawa. Ayaw ko mang abusuhin ang pagkakagusto niya sa akin, wala naman akong choice kapag talagang ginagabi kami kaya kailangan akong makisakay sa kaniya.

Sa iilang araw na sabay kaming umuuwi, nakita ko ang mas kalog na side ni Luke. Ang sarap niyang kasama at kausap. Laging nagbibiro. Hindi siya kailanman nauubusan ng mga kuwento, kaya halos araw-araw sumasakit ang tiyan ko sa kakatawa. Nakakaalis ng stress ang pag-uusap at tawanan namin.

Naging komportable kami sa isa’t isa kaya kahit sa umaga, pumayag na akong makisakay sa kaniya papunta sa opisina. Siya rin naman kasi ang mapilit na nag-ooffer ng kaniyang sasakyan. Nalaman kong sobrang aga niyang umalis mula sa apartment. Sa opisina na lang pala kasi siya kumakain ng almusal. Nagkakape lang siya at ayaw kumain ng kanin dahil conscious siya sa shape ng katawan niya. Ayaw tumaba ng loko. Naisipan ko tuloy na idamay siya sa sandwhich na ginagawa ko para sa almusal ko tuwing umaga tutal nakakalibre naman ako ng pamasahe dahil sa kaniya. Bago kami umalis ng apartment, dadaan muna ako sa unit niya para pagsaluhan namin ang mga sandwhich na ginawa ko. Hindi naman siya makatanggi dahil talagang pinili ko pa ang wheat bread para sa kaniya bagaman hindi ko talaga hilig kainin iyon. Mga sariwang gulay, na minsan may tuna, minsan roasted chicken breast at non-fat dressings na rin ang inilalagay ko para hindi niya masabing mananaba siya sa almusal na dala ko.

Sa isa sa mga biyahe namin pauwi naikuwento ni Luke ang kaniyang buhay. Sa grabe ng traffic, nasummarize niya ng buo ang buhay niya sa akin. Nalaman ko na sa edad na 12-years old, alam na niyang lalaki ang pinagnanasaan niya. Striktong abogado ang tatay niya, kaya hindi niya natutunang kumilos ng magaslaw. Fouth year high school siya nang inamin niya sa ina niya ang tunay niyang pagkatao. Tinanggap siya ng mommy niya pero hindi siya kailanman nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin pa ito sa daddy niya. Pero dahil lantaran na ang pakikipagdate niya sa naging boyfriend niya noong college, hindi nagtagal at nabalitaan ng daddy niya ang tunay niyang kulay.

Matindi raw ang galit ng daddy niya kaya ipinadala siya sa Amerika para huminto ng mag-aral at magsimulang magtrabaho na. Pero sa Amerika lang siya lalong nagrebelde, at naging kabilaan ang mga boyfriend niya. Ilang buwan pa lamang ang inilagi niya roon, naging sakit na siya sa ulo ng kanilang mga kamag-anak doon kaya napilitan ang daddy niya na pauwiin nalang ulit si Luke para ipagpatuloy ang kursong engineering sa UST. Noon niya naging kaklase si Via.

Sa pagsusumamo na rin ng kaniyang ina kung kaya nagpakatino siya para makatapos – na siya namang ikinatuwa ng daddy niya. Kaya matapos ang ilang taon na hindi sila nagkikibuan, tinanggap na rin siya ng daddy niya nang makapasa siya sa board exam ng Mechanical Engineering. Hindi nga lang daw siya pinayagan na dalhin sa pamamahay nila ang mga naging boyfriend niya. Hindi pa raw kaya ng daddy niya ang gano’n pero nangako siya na pipilitin niyang magbago ang pananaw niya hanggang sa lubusan na niyang matatanggap si Luke at ang lalaking magiging katuwang niya sa buhay.

Hindi ako makapaniwala sa naririnig at nakikita ko sa kaniya. Nasa tabi ko ang isang napakakisig na lalaking may napakaamong mukha – na nagkukuwento ng kaniyang buhay bilang isang bakla. Wala kahit kaunting indikasyon sa ikinikilos ang nagsasabing bakla siya. Kung hindi nga lang sa kumpirmasyon ni Via, hindi ako maniniwala sa mga kuwento ni Luke.
>>>>>>>>>>>>>>

Naging matagumpay ang project ng team namin ni Luke. Masaya ang kliyente namin dahil sa natapos namin iyon sa oras sa kabila ng mahigpit na schedule at limitadong tauhan.

Labis ang tuwa ko nang maimbitahan ang apat sa team namin para pumunta sa Perth, sa Australia, para busisiin ang aming engineering design na pangungunahan ng isang panel of engineers mula sa side ng kliyente namin. Hindi pa ako nakakapaglakbay sa ibang bansa kaya labis ang pagkasabik kong mapapunta sa Australia kahit isang linggo lang.

Siya rin namang laki ng pagkadismaya ko nang si Luke mismo ang tumanggi sa alok na pumunta kami ng Aussie at sinabing videoconference na lang daw ang gawin namin. Pambihirang tao! Nang makakuha ako ng pagkakataon, kinorner ko siya at humingi ako ng paliwanag sa naging decision niya. Lalo lang akong nainis nang sabihin niyang birthday kasi niya sa isa sa mga araw na mamamalagi kami sa Australia at nais daw niyang ipagdiwang iyon kasama ng kaniyang ina at ama dito sa Pinas. Muntik ko na siyang masuntok sa mukha sa babaw ng dahilan niya. Pero narandaman ko ring may itinatago pa si Luke. Parang may mas malalim siyang dahilan na ayaw niyang sabihin.

Dismayado din lahat ng mga teammates namin. Nagpalitan pa ng masasakit na salita sina Luke at ‘yung isang kasamahan naming engineer. At dahil wala man lang mabanggit na valid na pangangatuwiran si Luke para ijustify ang decision niyang huwag nang pumunta pa ng Aussie, dalawa sa kasamahan namin ang bumitiw at nagpapalipat na sa ibang team. Naalarma tuloy si Luke. Hindi namin kayang sagutin lahat ang mga tanong ng Kliyente kung dadalawa lang kami. Ang mga nagbibitiw na engineer lang ang nasa posisyong ipaliwananag ang sarilin nilang mga calculations.

Sa bandang huli, napilitan si Luke na ituloy ang pagpunta namin sa Australia – bagay na ikinatuwa ng lahat. Napayakap pa ako sa kaniya sa tuwa ngayong matutuloy na kami. Pero sa kabila ng mga ngiti niya, naaninag kong mayroon siyang bagay na ikinalulungkot.
>>>>>>>>>>>>>>

Supportive naman ang boyfriend kong si PJ sa paglalakbay ko sa Aussie. Narandaman kong may bahid ng lungkot ang boses niya sa telepono nang magpaalam ako. Sa sobrang busy sa trabaho, mahigit sa walong linggo na kaming hindi nagkikita tapos hindi pa ako nakauwi sa Pampanga bago lumipad ng Aussie.

Sa Australia, galante sa accommodation ang kliyente namin anupat pinatuloy kami sa isang five-star hotel – isang kuwarto bawat ulo, kaya labis labis ang tawa ko sa mukha. Wala kasing ganoon sa bundok.

Sa unang araw palang, matindi na ang talakayan sa calculations namin na lalo pang pinahirap ng kakaibang English accent ng mga Australiano, pero lahat naman ay nasagot namin kahit balibaligtad pa ang grammar namin sa ingles. Siyempre nasasabik akong mamasyal pagkatapos ng trabaho, lalo na’t tapos na kami ng bandang alas-tres palang ng hapon. Gayunman, isa sa mga teammates namin ay may kamag-anak sa Australia kaya lagi silang may separadong lakad pagkatapos ng trabaho. Nerdy naman iyong isa – mas pipiliin pang mag-aral at magbasa ng aklat kaysa sa mamasyal. Kaya si Luke lang ang puwede kong makasama sa lakaran at kainan.

Binigyan kami ng mga listahan ng mga restaurant kung saan kami puwedeng kumain – lahat babayaran ng kliyente namin. Namangha ako nang mapunta kami ni Luke sa unang restaurant. Fine dining ang lugar at mga sosyaling mga tao ang kumakain doon. Nanliit ako dahil halatang mayayaman ang mga kumakain doon, kaya niyaya ko nalang si Luke na humanap nalang kami ng McDo. Mabuti na lang at sanay si Luke sa ganoong mga lugar. Siya na ang kumausap sa waiter at pumili kung saan kami uupo. Siya na rin ang umorder ng kinain namin. Nakakaimpress siya dahil wikang Italiano ang mga pagkain na inorder niya, fluent ang pagkakasabi, at malamang na tama ang kaniyang pronuncitation dahil lubusan siyang naintindihan ng waiter. Biniro ko siya na baka palaka at suso ang inorder niya para sa akin dahil wala akong naintindihan sa mga binanggit niya sa waiter. Pero pabiro din niyang tiniyak sakin na hindi ko dapat ipag-alala iyon dahil ang mga inorder niya ay mga pagkaing madalas niyang orderin kapag espesyal ang kadate niya.

“Sinabi ko sa waiter na boyfriend kita, at na kailangan dalhin niya tayo sa hindi gaanong mataong lugar para magkasarilinan tayo,” inamin niyang tatawa tawa. “Gusto ko talagang isiping romatic date ito eh, kaso hindi naman ako ang magbabayad sa dinner natin,” dagdag pa niya kaya tuloy napatawa ako at napailing.

Napakaromantiko nga naman ng lugar na kinakainan namin, dinala kasi kami ng waiter sa isang section na malayo sa ibang tao, malapit sa nagpipiano, at naiilawan ng kandila.

Pero napahinto siya saglit, biglang nagseryoso ang mukha niya at sinabing, “Sana nga dumating ang araw na pumayag kang makaromantic date ko.”

Sana hindi na lang niya sinabi ‘yon. Nagkailangan lang kami tuloy. Natapos kaming kumain na halos hindi nagkibuan.
>>>>>>>>>>>>>>>

Hindi ko nakalimutan ang birthday ni Luke. Natapat iyon sa ika-apat na araw ng aming pamamalagi sa Australia. Nagpasiya akong sorpresahin siya ng kaunti kaya humiwalay ako sa kanila matapos ang trabaho para makabili ako ng isang maliit na cake at isang maliit na kandila. Alas-nueve na ng gabi nang katukin ko siya sa kuwarto niya sa hotel dala ang cake. Pagkabukas ng pinto, at pagkakita ni Luke sa dala ko, nahalata kong hindi siya masaya.

“Paulo, pasensiya na pero kailangan mo nang itigil ang pagiging concerned sa akin. Salamat sa pag-alaala sa birthday ko pero, please, dalhin mo na iyan pabalik sa kuwarto mo. Magpapahinga na ako... kita na lang ulit tayo bukas.”

Ako pa tuloy ang napahiya. Para akong tanga na nakatayo doon, hawak hawak ang cake, pero itinataboy naman ng birthday celebrant. Nayamot tuloy ako. Hindi ako pumayag na paalisin nalang ako nang hindi sapat ang paliwanag sa akin, kaya itinulak ko ang pintuan niya, pumasok ako sa kuwarto niya kahit ayaw niya, at umupo sa pinakaunang silya na nakita ko.

“Anong drama nanaman ‘to? Bakit hindi mo sabihin ng deretso kung anong ayaw mo sa akin?”

Nilamutak ng kaniyang mga palad ang kaniyang mukha. Halatang uminit din ang ulo. Nagsalita siya na mataas ang tono ng boses.

“’Yun nga ang problema eh! Wala akong ayaw sa iyo. Lahat sa iyo gusto ko! Sa bawat araw na nakakasama kita, kapag nakakausap kita at kapag nagpapakita ka ng concern sa akin, lalo lang tumintindi ang pagkagusto ko sa iyo. Pero imposible namang patulan mo ang isang gaya ko, ‘di ba? Kaya kung puwede, itigil na natin itong samahan natin para hindi nalang ako nahuhulog pa lalo sa iyo.”

Hindi ko ineexpect ang naging sagot niya, pero hindi rin naman ako nabigla siguro dahil noon pa kasi siya expressive sa pagkagusto niya sa akin. Kahit paano nakarelate ako sa damdamin niya. Sumariwa tuloy sa alaala ko ang panahon nang pinilit ko ring ilayo ang sarili ko kay PJ sa pag-aakalang impossible niya akong mahalin.

Napaupo si Luke sa sahig, sumandal sa dingding, at sinalo ng isa niyang kamay ang kaniyang noo. Huminahon na siya.

“Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko, eh. Ang daming na nga mga guwapong lalaki ang nakuha ko. Sanay ako na ako ang nang-iiwan at hinahabol habol. Pero ngayon, ako itong patay na patay sa iyo. Kinakarma na yata ako.
Libog lang narandaman ko sa iyo noong una tayong magkakilala eh. Pero itong nararandaman ko ngayon, hindi ko na kayang ipaliwanag kung ano. Tumintindi lang ang hapdi sa loob ko habang tumatagal tayong magkasama samantalang walang ka namang kahit kaunting palantadaan na nagkakagusto ka rin sa akin.
Kaya nga talagang hindi ko gustong matuloy pa itong business trip natin dito sa Australia. Ayaw ko nang lumala pa ang nararandaman ko para sa iyo. Ang iniisip ko nga, mas mabuti pa siguro, na sa lalong madaling panahon, let’s just limit our communication to business subjects. Sa susunod na magkakaproject tayo, mas makakabuti rin kung ipapalipat na kita sa ibang team.”

Nakakalungkot din na gano’n ang naging desisyon niya ngayong nasisiyahan at komportable na ako sa pagkakaibigan namin. Pero wala na akong magagawa pa kundi ang pagbigyan ang hiling niya. Hindi na ako nagsalita pa dahil kita kong bakas talaga sa mukha niya ang kalungkutan.
Kinabukasan ng pag-uusap naming iyon, mag-isa na lang akong nagpalakad lakad sa pier ng Perth sa huling araw namin sa Australia.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

Pagbalik sa Pilipinas, niyaya ako ni Via sa kaniyang unit para doon ko raw ibigay ang mga chocolate at souvernirs na pasalubong ko sa kaniya. Magluluto raw siya ng kaldereta na alam niyang gustong gusto ko. Mayroon din daw siyang Johnnie Walker sa bahay na matagal na niyang gustong mabuksan.

Katatapos lang niyang magluto nang makarating ako sa unit ni Via. Pero hindi lang pala ako ang inimbita niya. Naroroon din si Luke at si Kian. Wala namang problema sa akin na nandoon si Luke, pero halata ang pagkabalisa niya nang makita niya ako. Wala rin siyang kibo nang magsalo-salo kami sa mesa para kumain; at kung hindi lang siya pinigilan ni Kian, muntik na siyang umalis matapos ang aming hapunan.

Matapos naming manood ng isang telenovela sa TV, dalawang Johnnie Walker ang inilabas ni Via na tatawa-tawa. Magpapakalasing daw kami at magpupuyat yamang wala namang pasok kinabukasan. Hindi man ako komportable kay Luke at Kian, nahiya naman akong tumanggi at magmukhang KJ.

Mga isa’t kalahating oras pa at kakatiting na ang natitira sa unang bote ng alak na binuksan namin. Si Kian na alam kong mahinhin at refined, ay nagwawala na at nagsasayaw ng walang control kasama ni Via habang si Luke ay patuloy sa pagbabantay sa aming mga baso at sinisiguradong laging may alak at yelo pa rin ang mga ito. Pinakalma na ng alak si Luke, hindi na siya nababalisa kahit paminsan minsang nagkakatapat ang aming mga mata. Pinakamatibay pala siya sa amin pagdating sa inuman. Ngunit hindi na namin nagawang maubos ang sangkapat ng ikalawang bote nang dagling tumakbo si Kian papunta sa CR at nagsuka. Hudyat na iyon para magsitigil na kami, pero said na ang lahat ng lakas namin para iligpit pa ang mga kalat. Matapos linisin ni Kian ang sarili, bumagsak na ito sa isang sofa at nakatulog agad. Si Via naman, iginapang ang sarili pabalik sa kuwarto niya at doon na natulog.

Masyado na akong lasing para bumalik pa ako sa unit ko. Iniayos ko na rin ang sarili ko sa pagkakaupo sa isa pang sofa. Sa huling sulyap ko kay Luke, tanda ko na pinipilit pa niyang ubusin ang natitirang alak sa baso niya. Maya’t maya pa, pumikit na rin ako pero plano kong magpalipas lang ng lasing nang kaunti at babalik din ako sa unit ko na nasa kabilang building lang. Iilang minuto palang akong nakakaidlip nang nagising ako dahil may narandaman akong tumabi sa akin at marahang dumagan sa aking katawan sa aking pagkakaupo. Magiliw akong niyakap. Pagkamulat ng mata ko, wala ng nakabukas na ilaw sa unit ni Via pero sa bulto ng katawang nakayakap sa akin, alam kong si Luke iyon. Nakalapat ang kaniyang ulo sa balikat ko kaya narandaman ko ang mabagal at mainit na daloy ng kaniyang hininga. Randam ko rin ang malakas na tibok ng kaniyang kaniyang puso. Kinapa ng kaniyang kanang kamay ang aking kaliwang kamay at pinaglapat niya ang aming mga palad.

“Baket, Luke? Anong problema?”

“Ssssssh…” lang ang narining kong tunog sa kaniya.

Matagal tagal din akong nakirandam sa kaniya, pero hindi na siya kumilos pa… hanggang sa tuluyan na rin kaming makatulog sa ganoong posisyon.
>>>>>>>>>>>>>>>>

Mga alas-siyete na ng umaga nang magising ako sa amoy ng corned beef na inihahain ni Via sa mesang hindi naman kalayuan sa sofa kung saan ako nakatulog. Katulong niya si Kian sa paghahain.

Nakayakap pa rin si Luke sa akin, at siguradong nakita na kami nina Via at Kian sa ganitong posisyon. Pero hindi ko na inalintana pa kung ano ang inakala nila. Hinaplos ko ng marahan ang ulo ni Luke hanggang sa magising na siya. Umangat siya mula sa pagkakayakap sa akin, tinitigan ako ng ilang sandali. “Sorry, Paulo,” ang tanging wika niya sa akin bago siya tumayo papunta sa banyo at naghilamos. Si Kian at Via, napahinto sa paghahain, inoobserbahan ang bawat kilos naming dalawa.

Nang nakaupo na kaming lahat sa mesa, ilang minuto ring tahimik ang lahat hanggang sa hindi nakatiis itong si Kian, “Care to explain what we saw there?”

Nairita lang itong si Luke sa tanong ni Kian, “Kita mong kumpleto pa ang pananamit namin ‘di ba? Ano pa ba ang dapat ipaliwanag do’n? Kung anong nakita mo, ‘yun na ‘yon.”

“’Yun na nga eh. For all I know, refraining yourself from sexually taking advantage of someone who is as hot as Paulo – when you have all the chance in the world – is not among your greatest strengths, Luke, and yet nagawa mo ngang yakapin siya without feeling the urge na hubarin siya,” paliwanag ni Kian. “So I’m dying to know just what the hell that sweet, asexual cuddling was all about… lalo na’t kilala kita, Luke. Kalian ka pa naging parang isang anghel sa harap ng tukso?”

“Well, thanks, Kian, for clarifying just how much of a whore and a pervert I am in your opinion,” sabi ni Luke sabay bitaw sa hawak niyang kutsara at tinidor. “Siguro nga wala akong kakayahang magmahal at hanggang sa one-night stand lang ang isang putang kagaya ko.”

“Oh my God! So in-love ka nga kay Paulo?” nabiglang tanong ni Via.

Hindi na umimik pa si Luke, tumayo na lang siya, dinampot ang bag saka tumungo na sa pintuan para umalis. “Thanks for the breakfast, Via,” wika niya habang nakatalikod pa rin sa aming tatlo.

“Oooops! Teka, teka! Mali naman pagkakaintindi mo sa akin eh,” habol ni Kian. “Ang gusto ko sanang ipahiwatig ay na natutuwa ako dahil parang may signs na nagmamature ka na. Gusto ko sanang isipin na itong yakapan ninyo nitong magdamag ay umpisa ng maturity mo, na kaya mo ng maging malapit sa isang lalaki kahit nang hindi nag-iisip na manyakin mo siya. Dati kasi hindi mo paman lubusang nakikilala ang mga lalaki, may deadline ka kaagad kung kalian mo sila mararagasa sa kama, tapos kinabukasan naman ng sex ninyo, para silang balat ng saging na basta mo na lang itinatapon matapos makain ang laman.
Kaibigan kita kaya gusto ko rin na magseryoso ka sa iisang relationship. Concerned lang ako sa inyong dalawa ni Via sa sobrang liberated ninyo. Nag-aalala ako na baka masyado kayong masanay sa ganiyang habit na baka mahirapan na kayong madistinguish kung ano ang pag-ibig at kung ano ang libog.”

Kumalma na ulit si Luke, matapos ang paliwanag ni Kian, pero hindi na namin siya napigilang umalis. Sa akin tuloy nafocus ang atensyon ng dalawa. Para akong bata na hindi alam kung paano magrereact.

“Tingin ko nahulog na nga ng tuluyan sa iyo si Luke,” wika ni Kian sa akin. “But what puzzles me more, Paulo, ay kung bakit parang wala lang sa iyo na niyayakap ka ni Luke. Tapatin mo nga kami, Paulo, nag-enjoy ka ba sa yakap niya?”

Nagkatitigan kami ni Via sa tanong na iyon ni Kian.

“Lasing lang din ang mokong na ‘to kagabi,” salo ni Via. “Malamang hindi na niya alam na pumatong na sa kaniya si Luke.”

“Sa bagay…” tanging sambit ni Kian sabay ngiwi ng kaniyang mga labi, halatang hindi kumbinsido sa sagot ni Via.

Ilang sandali pa, natapos na kaming kumain at kinailangan nang umalis din ni Kian. Nagpaiwan ako sa unit ni Via, dahil sa titig niya sa akin, alam kong gusto pa niya akong makausap. Mukhang hindi siya natutuwa sa nangyari.

“Sana Paulo ikaw na ang gumagawa ng paraan para hindi ka na kabaliwan pa ni Luke,” umpisa ni Via. “I know just how good and flattering it feels when you are being seduced by hunks like Luke, pero kung ayaw mo talaga mainvolve sa kaniya, dapat hindi mo na siya binibigyan ng pagkakataon na mapalapit pa ang damdamin niya sa iyo. Ang hirap kasi, hindi mo man lang siya sinasaway eh. Tulad kagabi, pinabayaan mo lang siyang matulog na nakayap sa iyo. What’s that all about?!”
Parang naiinis na rin si Via sa akin.
“Tanda mo rin ba nang pinilit niyang ikiskis ang penis niya sa likod mo? Wala ka man lang naging concrete action para matigil siya ‘di ba? Gumawa ka lang ng lame excuse para maiwasan siya that day, hindi mo deretsahang sinabing hindi mo gusto ang ginagawa niya. Samantalang ayaw mong malaman nilang bakla ka rin. Kung gano’n, dapat sana sinuntok mo siya sa oras ding iyon kung ayaw mong mahalata nilang bakla ka nga. Kaso hinyaan mo lang siya eh, kaya tuloy napapaisip siya na OK lang sa iyo ang ginagawa niya. Kita mo rin ba na parang nagdududa na sa iyo si Kian?
Ang what’s with all the breakfast that you prepare and eat with him everyday? Kailangan mo ba talagang gawin iyon?
Pareho ko kayong kaibigan ni Luke, Paulo. Pero sa kabila ng mas matagal ang pinagsamahan namin ni Luke, nagawa ko pa ngang magsinungaling sa kaniya tungkol sa tunay mong sexualidad. Ako naman ang hihingi ng pabor ngayon sa iyo, huwag mo na siyang bigyan ng dahilan para isipin niyang may pag-asa pa siya sa iyo.”

Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Via.

“At some point, tama ka, Via. Nadisappoint din ako sa sarili ko ngayong napagtanto kong may pagkukulang nga din ako at na mas marami pa sana akong nagawa para hindi na tuluyang nahulog sa akin si Luke. Pero tinitiyak ko sa iyo, hindi ko kailanman naging intensiyon na paasahin si Luke.
“It may have been about 4 years simula nang tinanggap kong homosexual ako. But all those years, walang nagturo sa akin kung paano magbehave sa bagong tuklas kong buhay. Hindi kagaya ninyong mga ‘normal’ na tao, wala akong naaalalang pangaral mula sa mga magulang ko o subject sa eskuwelahan o mga naisulat na mga textbooks para sa mga bakla na naging guide ko sana sa pagharap sa naging situasyon namin ni Luke. Lahat pa rin ng mga choices at decisions ko sa buhay nakabase sa foundation at upbringing ko as a straight guy.
“‘Yung araw-araw na paghahanda ko ng almusal namin ni Luke bago pumunta sa trabaho? Natural lang sa akin iyon. College pa ako, ganyan na rin ang ginawa ko sa mga kaklase kong kasama ko sa paggawa ng thesis namin, que babae o lalaki pa sila. And I’m assuming that showing your support to your friends and collegues is not probihited sa mundo naming mga bakla.
“I voluntarily prepared simple sandwiches para sa almusal namin ni Luke, una, dahil itinuring ko nang kaibigan si Luke, ikawala, dahil teammates kami sa trabaho, at ikatlo, dahil gusto kong masuklian man lang ng kahit kaunti ang libreng sakay sa kotse niya araw-araw. Hindi ko iyon paraan para paasahin si Luke.
“Tama ba na hinayaan ko siyang matulog na kayakap ako kagabi? Hindi ako sigurado. But my upbringing as a straight guy taught me that there’s nothing wrong with displaying how much you care for a friend.
“Nasa Australia kami nang mapagkasunduan namin ni Luke na ititigil na namin ang aming samahan dahil nga sa nahuhulog lang lalo ang loob niya sa akin; I really like him as a friend kaya nakakalungkot ang naging decision niyang iyon, but I also felt it was the right thing to do. I think I’m aware just how much it pains him knowing that we’ll never become more than friends that’s why I admire him for taking those brave steps para hindi na lumala pa ang nararandaman niya sa akin.
“Unfortunately, natapos ang usapan namin sa Australia na hindi ko man lang nasabi kung gaano ko naappreciate ang pagkakaibigan namin at ang lahat ng tulong niya sa akin sa company… not until last night. You yourself are a witness, Via… last night was totally nonsexual… Sa kabila ng mga nararandaman niya sa akin, Luke never made any sexual advances the entire night na magkayakap kami. Niyakap ako ni Luke at hindi ko siya tinaboy. Niyakap ko rin siya. But it was my way of saying I still want him as a friend, at na nandito lang ako kung kailanganin niya ang tulong ko. One thing I have learned after accepting myself as a gay is we don’t translate every touch to lust – hindi gaya ng inaakala ng maraming tao.
“Hindi ko ikakailang hindi lang iisang beses na nakarandam din talaga ako ng libog sa kaniya, lalo na sa incident noon sa office. Tao lang din ako, and he’s just too hot to escape my sexual imaginations. Pero ni minsan wala akong natatandaang nagpakita ako ng motibo sa kaniya.”

Titig na titig sa akin si Olivia sa buong panahon na ipinapaliwanag ko ang panig ko. Matama siyang nakinig at pagkatapos, ilang sandali rin siyang nanahimik para iabsorb iyon.

“Then I guess I should be happy dahil napag-usapan n’yo na pala ni Luke ang bagay na ito. Sorry if I made it appear na pinapaasa mo lang sya.
Pero at this point, mayroon pa tayong dapat ayusin, Paulo.”

“Ano?”

“Puwede bang ipagtapat na natin kay Luke at Kian na hindi ka tunay na lalaki?”

“Para saan pa? Hindi ba baka lalo lang mag-iisip si Luke na baka may chance pa kami sa isa’t isa?”

“This is about me, Paulo. Ayaw ko na nagsisinungaling ako sa mga kaibigan ko. Isa pa, kahit paano may napagdaanan na kayong dalawa ni Luke. I think it’s just fair na magpakatotoo ka na sa kaniya.”
Napakamot lang ako sa ulo.
>>>>>>>>>>>>>>>

Halos magsara ang mga singkit na mata ni Kian sa sobrang tuwa nang ipagtapat namin ni Via ang tunay kong pagkatao. Nakakaginhawa din pala ng pakirandaman kapag may tumatanggap sa katauhan ko.

Si Luke naman, mahirap mahagilap, lalo na matapos kong itigil ang paghahanda ng almusal para sa aming dalawa at hindi na rin ako nakikisakay sa kotse niya. Isang linggo rin ang lumipas nang nagkaroon ako ng pagkakataon na kausapin siya, nang kinailangan naming mag-overtime kung saan nakiusap ako na makisabay sa kotse niya pauwi sa apartment namin. Nagtapat ako sa kaniya habang nasa biyahe kami pauwi. Ayaw kong bigyan siya ng kahit anong indikasyon para isipin niyang may posibilidad na may mabuong relasyon sa amin, kaya inumpisahan ko ang pag-amin ko sa pagsasabing may boyfriend ako na nasa Pampanga. Hindi siya makapaniwala sa sinabi ko. Pero halatang halata ko ang pagkatuwa niya sa kaniyang mukha. Nakiusap siya na dumaan muna kami sa isang kapehan para dun kami mag-usap pa ng kaunti… na siya namang pinaunlakan ko.

Sa kotse pa lamang, nasabi ko na rin naman ang lahat ng dapat kong sabihin kay Luke. Pagkaupo namin sa coffee shop, nanahimik na lamang ako at hinintay kung anong sasabihin niya. Hindi mapigil pigil ni Luke ang tawa niya. Ilang minuto niya akong tinititigan na parang hindi siya makapaniwala sa nalaman niya.

“Ilang taon na kayo ng boyfriend mo?”

“One year and nine months. Pero kaibigan ko na siya simula pa noong 1st year college.”

“I hope you don’t mind me asking kung may karanasan na kayo sa kama…”

“I do mind, pasensiya na. Hindi ako komportableng pag-usapan ang ganitong bagay.”

Napahalakhak si Luke. “Excuse me for that hearty laugh, but I think this is just the first time na may nameet akong baklang version ni Maria Clara. Napakacoservative ng dating mo, Paulo. No wonder hindi ko nahalatang bakla ka rin.”

Natawa lang din naman ako. Matagal tagal na rin nang huli kong marinig ang halakhak at makitang ganito kasaya si Luke mula noong mahulog na ang loob niya sa akin.

“Eh ikaw, kumusta na? Ilang araw na rin tayong ‘di nakakapag-usap ah,” tanong ko.

“Well, unfortunately, I think I’m just starting with this very rough ride. Sinimulan ko ng magmove on eh. Bumalik ako sa dati kong gawi – naghahanap ulit ng mga makaka-one-night-stand. Hahahaha. Nakakadalawang bingwit na ako sa mga gay bar since umuwi tayo galing ng Aussie. Pero parang hindi ko marandaman na masaya ako eh. Hindi kasi sila kasing-gwapo, ‘sing-macho, ‘sing-talino, at ‘sing-charming ni Engr. Paulo Garcia.
“Hanep ka Paulo, sinira mo panlasa ko sa mga lalaki. Narealize ko na matabang pala ang sex kapag ang kasama mo sa kama ay taong hindi mo naman mahal.”

Pabiro ang tono ni Luke sa mga sinabi niyang iyon pero randam ko pa rin ang panghihinayang sa boses niya…

Noon ko naisip na wala namang masama na aminin din sa kaniya ang hindi ko inamin kina Via at Kian… na ang kasalukuyang kong kasintahan ay si PJ, na dating nagtatrabaho din sa department namin ni Luke.

Napatayo sa pagkabigla si Luke. Natatandaan pa rin niya si PJ at inaming hinangaan din daw niya ang kaniyang kaguwapuhan. Hindi lang niya tinangkang mapalapit pa dahil sa buong akala ni Luke, lalaking lalaki si PJ.

“Nakakainggit naman pala kayong dalawa! ‘Di ba puwedeng makisalo sa relasyon ninyo?” biro ni Luke.
>>>>>>>>>>

Matapos kong umamin kay Luke, niyaya niya akong sumakay ulit sa kotse niya araw-araw papunta at pauwi galing ng opisina. Pero hindi na ako pumayag. Alam kong puwede kong ibalik ulit ang aming pagkakaibigan pero kailangan ko pa rin na magset ng boundaries lalo na’t hindi pa lubusang napapawi ang damdamin niya sa akin. Kaso minsan, hindi ko talaga maiwasan. Siya kasi itong mapilit. Madalas na talagang aabangan niya akong lumabas ng apartment kaya hindi ako makatanggi.

Nakahalata ako ng pagbabago sa kaniya. Ayaw ko mang mag-isip at magduda, pero narandaman ko talaga na malaki ang pagbabago niya mula ng malaman niyang bakla rin ako. Bagaman corporate attire pa rin ang suot niya, pansin kong pawang mga hapit na sa katawan ang kaniyang pananamit. Nagpatingkad lalo iyon sa magandang hubog ng kaniyang katawan. Hindi rin nakalagpas sa obserbasyon ko ang lalaking lalaking amoy ng kaniyang mamahaling pabango. Sa mga panahon din na nakasakay ako sa kotse niya, nakikita ko sa gilid ng mata ko na madalas niyang pinupwesto ang kamay niya sa kaniyang ari at pagkatapos ay hinagagod hagod iyon. Hindi ko kailanman natatandaang ganoon siya dati bago ko aminin ang pagkatao ko sa kaniya, noong una kaming magkasama sa isang project. Kung dati palagi kaming nagtatawanan sa mga kwento niyang wholesome comedy, pinalitan naman niya iyon ng mga kuwento tungkol sa mga sexual encounters niya sa iba’t ibang lalaki. Napakadetalye pa nga ng mga kwento kaya umaga palang, balot na balot na ako sa libog pagpasok ko sa opisina.

Ayaw kong isipin na seduction ang bagong laro ni Luke, pero mas maigi parin kung mag-iingat ako. Naalala ko tuloy ang payo ni Via na huwag siyang bigyan ng kahit anong senyales na attracted ako sa kaniya. Kaya ako na mismo ang gumawa ng paraan para matigil ang pagsakay ko sa kotse niya. Dinala ko na rin sa pagpasok ang kotse ko, bagaman alam kong gagastos ako ng extra dahil sa mahal na parking fee sa Makati, at makipagsapalaran sa tindi ng traffic tuwing uwian.

Pero hindi natapos doon ang waring pang-aakit ni Luke. Minsang ginabi ako ng uwi galing ng opisina, nadatnan ko siyang nasa pasilyo sa tapat ng unit niya. Inaabangan daw niya ako dahil may natitira pang Tupperware sa loob ng unit niya na dati kong ginamit noong pinaghahanda ko siya ng sandwhich sa almusal. Pagpasok ko sa unit niya para kunin ang mga gamit ko, nadatanan ko ang isang lalaking ‘di ko kilala. Wari ko’y Amerikano siya, puti ang kutis, at blonde ang buhok. Nag-uumapaw siya sa kaguwapuhan, parang modelo sa mga magazine. Nakatapis lang siya ng tuwalya, marahil kakapaligo pa lang sa banyo ni Luke.
“Si Bryan nga pala,” wika ni Luke. “Fuck buddy ko ‘pag napapadad siya ng Pinas.”
“Fuck buddy?” nalilito kong tinanong.
Nagtawanan silang dalawa dahil nahalata nilang noon ko lang narinig ang ganoong kataga.
“Yeah, sort of ‘friends with benefits,’ except that ours is the gay version,” sabad ni Bryan sabay abot sakin para makipagkamay.
“Dude, why are you even wearing that towel? You’re staying in my place for free, at least let me enjoy seeing you walk around naked,” pilyong wika ni Luke kay Bryan, sabay hablot sa tuwalyang nakatapis sa Kano kaya tuluyan nang lumantad sa akin ang kaniyang kahubdan habang hindi pa siya bumibitaw sa pakikipagkamay sa akin. Hindi man lang nabahala itong si Bryan. Kumindat pa ito sa akin bago siya umupo sa sala para manood ng TV. Ibinuka pa niya ang mga hita niya at parang ipinagyayabang ang kaniyang mahabang tite. Sumabog ang init sa buo kong katawan sa tanawin na iyon. First time kong makakita sa personal ng hubong katawan at ari ng isang napakaguwapong foreigner.

“Naku, Paulo, yung mga plastic wares mo pala ang ginamit ni Bryan para sa crema de fruta niya. Tinuruan ko kasing gumawa. Bukas ko na isauli sa iyo, daldalhin ko nalang sa unit mo,” sabi ni Luke na ngingisi-ngisi. “Gusto mo dito ka muna, kuwentuhan muna tayo nina Bryan tutal wala ka naman yatang urgent na gagawin.”

Umupo si Luke sa tabi ni Bryan. Walang anu-ano, sinakmal niya ang titi ng Kano at mabagal niyang jinakol iyon. Tumitig si Bryan sakin habang hinahayaan niya nilalaro ni Luke ang titi niyang unti unti ang pagtigas. Nakangiti siya sa akin na parang may masamang balak. Tapos sumensyas ang kaniyang daliri na iniimbita akong lumapit.

“Kung hindi ka pa naghahapunan, makisalo ka na sa amin. Malaman at malinamnam ang ulam namin dito,” panunukso ni Luke bago niya sinupsop ang utong ni Bryan. Nagpakawala ng ungol si Bryan dahil sa nasarapan sa pagsupsop na ginawa ni Luke na wala pa ring humpay sa pagbabati kaniyang burat.

Maya maya pa, gumapang ang isang kamay ni Luke papunta sa bibig ni Bryan. Pagkatapos ay ipinasubo niya ang kaniyang hintuturo at middle finger. Nag-atras abate ang mga daliri ni Luke sa bibig ni Bryan. Nakandado parin sakin ang titig ng kano. Naalis lang ang tingin sa akin ni Bryan nang ibaling ni Luke ang ulo niya para masuyo niyang halikan siya sa labi. Naglabas masok ang mga dila nila sa isa’t isa. Pareho silang nakapikit na parang talagang dinadama ang sarap ng laplapan nila. Randam kong bumigat ang aking hininga sa gayong eksena.

Pagdilat ulit ng mata ni Bryan, sa akin siya agad muling tumitig. Kita niyang hindi man lang ako natinag sa kintatayuan ko. Lumuhod si Luke sa kaniyang harapan at dinakma ulit ang nakatindig na burat ni Bryan, tumitig din sakin si Luke na parang dinidisplay ang nahuli niyang burat sa kaniyang palad at iniimbitahan akong makisalo sa kaniya. Maya’t maya pa, hinimod ng dila niya ang mga bayag ni Bryan, tuloy tuloy papunta sa katawan at ulo ng maputing burat. Lumakas ang ungol ni Bryan sa mainit at basang dila ni Luke. Nasabunot niya tuloy si Luke. Pinagsasampal niya si Luke sa magkabilang pisngi gamit ang kaniyang burat. Para namang uhaw na uhaw itong si Luke na hinahabol habol ng halik ang burat ni Bryan na sumasampal sa kaniya.

Akmang isusubo na ni Luke ang burat ni Bryan nang iniwas muna niya ang kaniyang alaga at marahang itinulak palayo si Luke. Tumayo siya at lumakad papalapit sa akin.

“I think your friend here is too shy, Luke… probably needs more ‘physical’ motivation.”

Nang dadalawang talampakan nalang ang pagitan namin, inilapat niya ang kaniyang mga palad kaniyang batok at ibinandera ang hubog ng mga muscles niya sa braso.

“This is my last night in Manila, buddy, so it’s now or never… do whatever you want with my body… you better ravish me good…
Sunggaban mo na ako,” wika ni Bryan sa nakakatawang Tagalog accent.

Hindi ko alam kung bakit pero nangingibabaw sa akin ang pangamba kaya hindi ako makakilos sa kabila ng pagkasabik ko sa mala-adonis na katawan ni Bryan. Tumayo naman na si Luke, at pumuwesto sa likod ko at niyakap ako. Tapos narandaman kong isinisiksik ni Luke ang kaniyang titi sa biyak ng aking puwit. Narandaman ko ring dumaloy ang mainit na hininga ni Luke sa aking tenga at leeg bago niya iyon paghahalikan at dila dilaan.

“’Tang ina, Paulo, ‘wag ka nang magpakipot. Iyan din naman ang kinasasabikan mo ‘di ba?”

Hinawakan ni Luke ang kamay ko at ipinasakmal ang burat ni Bryan. Kinontrol niya ang kamay ko para jakulin ang sinasakmal kong matabang burat ng kano. Halos hindi mag-abot mga daliri ko sa sobrang taba nito.

Lumakas ang loob ko. Nagkusa na akong laruin ang burat ni Bryan kaya bumitiw na si Luke sa kamay kong nakadakma sa alaga ng Kano. Ngayong malaya na ang kaniyang kamay, ipinasok niya iyon sa loob ng polo ko at kinapa ang aking mga utong. Napaigtad akong bigla nang narandaman kong para may kuryentent dumaloy mula sa utong ko papunta sa aking uten. Ang isa pa niyang kamay sumuot sa loob ng aking pantalon. Nagulat pa ako sa higpit ng dakma ni Luke sa aking burat na tayong tayo na rin sa oras na iyon. Nilamas lamas niya iyon. Sa likod ko, pilit paring ipinapadama at ikinikiskis ni Luke ang kaniyang burat sa gitna ng aking puwet.

Bumulong sa akin si Luke: “Ang tagal kong inasam ang pagkakataong ito, Paulo. Ang tagal mo akong pinahirapan nang husto! Pero huwag kang mag-alala, sa kabila ng pagpapahirap mo sakin, paliligayahan kita at ipapadama ko kung gaano ang pagkasabik ko sa katawan mo.”

Si Bryan naman ineenjoy ang pagjakol ko sa tarugo niya. Maya maya pa inilapit niya kaniyang mukha at mapusok na idinampi ang mga labi niya sa labi ko. Para akong malulusaw sa sarap ng mga halik niya.

Narandaman kong nainis si Luke sa laplapan namin Bryan. Itinulak niya ang mukha ni Bryan para matigil ang halikan. Tapos ay ibinaling niya ang mukha ko sa mukha niya. Ilang sandali rin kaming nagkatitigan ni Luke bago niya sinubsob ang mga labi niya sa labi ko. Nagpalitan kami ng mapupusok na mga halik. Para kaming uhaw na uhaw sa isa’t isa.

Tinatanggal na niya ang butones ng aking polo nang sabihin niya, “Patutunayan ko sa iyong mas magaling ako sa pagkantot kaysa kay PJ…”

Parang dambuhalang mga kampanang kumalembang sa ulo ko ang pangalan ni PJ. Sapat na iyon para bitawan ko ang aking pagkakahawak sa ari ni Bryan at itulak si Luke palayo mula sa pagkakayakap sa akin. Dagli kong dinampot ang bag ko at lumingon kay Bryan na nalilito at nabitin sa pangyayari.

“I’m sorry… this whole thing’s a big mistake...,” wika ko.

Napagtanto kaagad ni Luke kung saan siya nagkamali kaya walang humpay ang pagpapasorry niya at pagsusumamong huwag akong umalis. Pero wala nang nakapigil sa akin sa paglisan. Iniwan niya si Bryan at sumunod siya sa akin hanggang sa unit ko. Hindi ko man siya gustong papasukin, wala naman akong magawa nang magpumilit siyang pumasok kasabay ko sa unit.

Wala na siyang tigil sa pagussumamo, pero hindi ko siya pinansin kahit na nasa loob pa siya ng aking unit. Naisip kong alisin ng todo ang libog na bumalot sa akin kanikanina kaya pumasok ako sa aking banyo, nagjakol ng mabilis at naligo. Pagkalabas ko, naroroon pa rin si Luke nakaupo sa kama ko. Pero sa pagkakataong ito, hindi na siya nagmamakaawa. Mukhang galit na siya sa wari niyang pagpapakipot ko.

“Talagang hindi ka na ba titigil sa pagpapahirap sa akin? Nagustuhan mo naman ang ginagawa natin kanina ‘di ba? Ano bang masama do’n? Kapag nagkatikiman tayo, wala namang mawawala sa atin o kay PJ. Kung alam mo lang, baka sa mga oras ding ito, burat din ng ibang lalaki ang sinusubo ni PJ dahil halos apat na buwan na siyang tigang – dahil hindi mo pa siya inuuwian simula ng magkaproject tayo. Bakla tayo, Paulo. Hindi tayo mag-asawang gaya ng mga normal na babae’t lalaki! Kahit ilang libong burat pa ang tikman mo, walang problema sa atin! Ang dami na ng mga lalaking nakasama ko. Normal lang sa ating mga bakla ang makipaglaro sa kahit sinong lalaking magustuhan natin habang bata pa tayo.”

Malaking insulto lang ang narandaman ko ngayong pinagmukha niyang ‘di tapat si PJ. Natawa ako tuloy at ginanahan na hamakin ang pagkatao ni Luke. Umupo ako sa tabi niya at inakbayan ko siya sa intensiyong insultuhin ko siya nang mas malapitan. “Edi umamin ka rin, Tsong! Kantutan lang pala ang hinahanap mo sa akin eh. Paniwalang paniwala pa naman ako sa iyo sa drama mo noon sa Australia. Akala ko hindi lang libog ang nararandaman mo para sa akin. I’ve never been so wrong, Luke. Tapos pinagmukha mo pang kagaya mong puta si PJ? Ayos ka rin naman, ano?”

Nabigla siya sa sumbat ko. Hindi na siya nakakibo pa.

“Siya, last night na ng “fuck buddy” mo dito sa Pinas. Umuwi ka na sa unit mo at baka magparaos nalang siyang mag-isa. Masyadong mahal ang pamasahe niya para bumagsak lang sa sahig ang tamod niya sa halip na sa bunganga o sa puwet mo.”

Lalong natahimik siya sa sinabi ko. Pero ayaw ko pang tumigil, nagngangalit pa rin ako. Nang hindi pa siya umaalis, tumihaya ako sa aking kama at itinaas at ibinuka ang aking mga hita.

“’Di ba kantot lang naman ang gusto mo? Diyan ka naman magaling ‘di ba? Sa mga one-night stand? O hayan, magpakasawa ka. Hubaran mo na ako. Barurutin mo ako hanggang kaya ng resistensiya mo.
Siguraduhin mo lang na simula bukas, hindi mo na kailanman ipapakita sa akin iyang nakakasuka mong pagmumukha!”

Sa sinabi kong iyon, tuluyan nang naglaho ang bangis ni Luke kani kanina lang. Namula ang mukha niya at unti unting nagtubig ang kaniyang mga mata. Nang hindi na niya mapigilang tumangis, sinunggaban niya ako pero sa hindi ko inaasahan, niyakap lang niya ako ng mahigpit sa kaniyang pagkakapatong sa akin.

“Hindi mo naiintindihan kung gaano na kita kamahal, gago! Papayag ako kahit gawin mo lang akong parausan… payag na payag ako kahit kahit libog mo lang ang magpapalapit sa iyo sa akin. Gagawin ko kahit ano para lang makuha ko atensiyon mo. Mahal na mahal kita, gago ka, bakit hindi mo iyon makita?”

Mariin niya akong pinaghahagkan sa aking pisngi at labi. Nang napagtanto niyang hindi ako tumugon sa mga halik niya, idinampi na lamang niya ang pisngi nya sa pisngi ko. Narandaman ko na lang na bahagya niya akong nabasa ng luha niya. Hindi man siya humahagulgol, naririnig ko parin ang tahimik niyang pagtangis. Pinagsisihan ko tuloy ang mga masasakit na salitang kakabitiw ko lang. Pero ala na akong magawa at hindi ko na mababawi iyon kaya nanahimik na lang ako.

Nang kumalas siya sa pagkakayakap sa akin, nanatili nalang kaming nakahiga sa kama. Sa nangyari, siguradong wala na rin siyang balak na balikan pa si Bryan sa unit niya sa gabing iyon. Randam ko man ang lungkot niya, wala naman akong masabi para tulungang maibsan ang sakit na nararandaman niya. Hinalikan ko nalang siya sa noo niya, at niyakap siya hanggang sa pareho na kaming nakatulog.
>>>>>>>>>>>>>>>>

Hindi na ako nagdududa pa sa sinabi ni Luke na mahal niya ako. Siguro out of desperation nga kaya ginamit niya si Bryan para akitin ako.

Sa mga sumunod na araw, hindi ko maalis alis sa isipan ko ang mga sinabi ni Luke noong gabing nakaraan. Normal daw sa aming mga bakla ang eat-all-you-can pagdating sa mga lalaki habang bata pa daw kami. Aminado akong nakakaexcite ang ganoon kung tama man ang sinabi ni Luke. Ngayong nasa malaking siyudad na ako, ang dami ko nang nakikilang mga guwapong kalalakihan na pawang mga discreet na mga bakla. Napapaisip akong parang masaya nga kung makatikim ng ibang laman paminsan minsan – kung gano’n nga ang “normal” na kalakaran.

Hindi ko rin maalis sa isipan ko na possible nga na mahumaling din ang syota kong si PJ sa ibang lalaki, lalo na’t puro usapan lang sa cellphone at text ang tanging komunikasyon namin sa nakalipas na halos apat na buwan. Pano kung totoo ngang nagpaparaos siya sa ibang lalaki habang hindi kami nagkikita? Ako lang ba ng martyr na nagpapakatigang habang nagpapakasasa naman pala sa ibang burat si PJ?

Pinaglagpas ko ang isang pagkakataon na matikman ang isang napakaguwapong kano. At sinong hindi makakatatanggi sa pang-aakit ng machong si Luke? Ako lang yata na nagpapakatanga sa pag-ibig ko kay PJ ang unang umiwas sa masarap na katawan ni Luke.
>>>>>>>>>>>>>>

Minsang labis ang stress ko sa trabaho, umakyat ako sa rooftop ng building namin para magrelax ng kaunti bago umuwi at makipagsapalaran sa traffic. ‘Di ko inaasahan na naroon din pala si Kian na kakuwentuhan ang isang lalaki na halatang beki din naman. Mataba, medyo maitim, at walang class ang dating kung ikukumpara ko kay Kian. Masaya silang dalawa sa kanilang kuwentuhan kaya naisipan kong umupo sa malapit sa kanila, sakaling pumayag silang sumali ako sa kanilang usapan.

Ipinakilala sa akin ni Kian si Cindy, na Christopher pala ang tunay na pangalan. Janitor siya sa canteen ng building namin. Pinag-uusapan nila ang kapatid ni Kian na kakagraduate lang ng high school na kasama sa mga honor students. Proud kuya itong si Kian lalo na dahil, gaya ng ibang mabait na kapatid, kahati siya ng kaniyang mga magulang sa pagbabayad ng tuition ng kapatid niya. Sa dating ni Kian, hindi iisipin ng mga taong kailangan ng mga magulang niya ang katulong sa pagbabayad ng matrikula. Chinito, maputi, at malinis ang kutis ni Kian, at sa husay niyang pumili ng damit, madaling sabihin na may kaya sila sa buhay. Pero hindi nga pala gano’n ang sitwasyon ng pamilya nila. Bagaman maayos ang trabaho ng kaniyang ina bilang isang guro, wala namang trabaho ang kaniyang tatay dahil nastroke ito noong mga panahon na nagtatrabaho siya bilang truck driver at ngayon ay paralisado na ang kaliwang bahagi ng kaniyang katawan.

Sinambit ko kay Kian ang aking pagkabilib ko sa kaniya sa sakripisyong ginagawa niya sa pamilya nila. Bilang isang taong lumaki sa isang pamilya na hindi naman kinapos sa pinansiyal, hindi ko kailanman kinailangang pag-aralin ang nakakabatang mga kapatid ko. Mga magulang ko at scholarship ko ang nagparaaral sa akin, hindi ang kuya ko, o sinumang ibang kamag-anak. Kaya humahanga ako sa mga kagaya ni Kian na handang tumulong sa gastusin ng kapatid bagaman hindi nila iyon obligasyon.

Tumawa lang din si Kian. “Hindi ka dapat mabilib sa ‘kin,” wika niya. “At least kahit paano may ina akong kahati sa gastusin. Tsaka kahit paano, sapat na rin kinkita ko sa kumpanya natin kaya hindi rin naman gano’n kabigat ang paaralin ang kapatid ko. Isa pa, iskolar siya kaya kalahati lang ng matrikula ang kailangan naming pagtulungan ni Nanay.
“Samantalang itong si Cindy, dalawa ang kapatid na hindi pa tapos sa pag-aaral kaya todo kayod ito sa trabaho, and guess what… 1/4 lang ng sahod natin ang sahod niya. Kung anu-ano tuloy ang raket niya. Maliban sa trabaho niya dito sa building natin, nagmamanicure/pedicure pa siya. Nag-aalok din siya ng mga AVON at kung anu-anong mga paninda sa mga kakilala niya sa trabaho. Pero kahit pagsamasamahin mo ang lahat ng sinasahod niya, idagdag mo pa ang kinikita ng mga magulang niya, hindi pa rin iyon lalagpas sa kalahati ng kinikita nating mga engineers. Pero laging siyang masayahin. Hindi mo man lang maririnig na nagrereklamo sa mga hamon ng buhay.
Kaya kung ikukumpara mo sa kaniya, parang prinsipe pa ako sa estado ng buhay.”

“Ai ‘te, gano’n na ba ako kadakila?” kantiyaw ni Cindy. “Magpapagawa nga ako ng monumento ko para malaman ng lahat na mayroon ding baklang bayani.”

Tawanan kami ni Kian sa punch line ni Cindy. Mayamaya, biglang iniba ni Kian ang usapan.

“Kumusta naman kayo ni Luke?” tanong ni Kian. Naging interesado naman itong si Cindy. Alam na rin pala niya na bakla ako.

Inilahad ko sa kanila ni Kian ang nangyari noong nakaraang gabi nang naroroon ang Amerikanong kaibigan ni Luke na si Bryan. Isinalaysay ko rin kung paanong naudlot ang kalibugan ko at kung paanong walang nangyari sa aming tatlo noong gabing iyon. “Tingin ko OK naman kami pagkatapos. Nag-uusap pa rin naman kami ni Luke sa opisina pero hindi na kami magkadikit gaya ng dati. Sa palagay ko nakuha na niya ang mensahe kong hindi talaga puwedeng maging kami.”

“I’m proud of you for what you did, Paulo,” wika ni Kian. “At nakakatuwa namang malaman na dumating na din ang oras na natuto na siyang magmahal. Minalas nga lang siya dahil may kasintahan ka na. Hindi na rin bata si Luke. Panahon na para humanap na siya ng makakarelasyon niya ng seryoso. Sa ginawa mong pagkontrol sa sarili mo sa harap ng pinakamasarap na tukso, sana matutunan ni Luke na hindi lahat nakukuha ng kaniyang kaguwapuhan at ganda ng katawan.
Sana makita na niya ang lalaking mamahalin niya at magmamahal sa kaniya. At kapag nangyari ‘yon, sana gayahin ka niya sa loyalty mo sa boyfriend mo.”

“Loyalty?” natatawang tanong ko. “Nahawakan ko na nga ang burat ni Bryan, nakipaghalikan na ako sa kanilang dalawa, tatawagin mo pa akong loyal?”

“Don’t be too hard on yourself, Paulo. Hindi madaling kalaban ang libog lalo na kapag palay pa ang lumalapit sa manok. Libog ang isa sa mga pinakamatinding kalaban ng maraming tao – bakla man o hindi. Kung ako lamang ang nasa sitwasyon mo noon, malamang na isinuko ko na lahat ng aking katawan kay Bryan at kay Luke kahit sobrang pagmamahal ko sa boyfriend ko.”

“So ibig sabihin may posibilidad ka rin na makipagsex sa iba kahit may boyfriend ka na?”

“Errrm… I prefer not to. Mahal na mahal ko ang boyfriend ko kaya ako na rin mismo ang umiiwas sa mga sitwasyon na maglulugmok sa akin sa libog sa ibang lalaki. Lagi ko ring kinokondisyon ang pag-iisip ko na kung hindi sinasadyang malagay ako sa maiinit na sitwasyon kasama ang ibang lalaki, hinding hindi ako magpapadala sa tukso. Pero siyempre tao lang ako, saka ko na malalaman kung gaano ako katatag kapag actual na naroroon na ako sa gayong sitwasyon. Pero ngayong nasa katinuan pa ako, masasabi kong mas pipiliin ko pang ako ang pagtaksilan kaysa sa ako ang magtataksil.”

“So talagang iisang lalaki pa lamang ang natitikman mo simula nang maging kayo ng boyfriend mo?”

Nagmamalaking tumango si Kian.

“Pero sabi ni Luke na normal lang magpagkasawa sa mga lalaki habang bata pa tayo? ‘Di ba ang dami ng ganyang mga bakla na nag-eexplore? Hindi ka ba naiinggit sa kanila? Nakakatikim sila ng sarisaring burat kada linggo? Pakirandam ko tuloy tayo lang itong nagpapakatino samantalang tanggap naman pala sa ating mundo ang open gay sex. Hindi ba tayo napag-iiwanan sa uso?” tanong ko.

“Hindi porket uso, tama. Kung uso ang sipon, gusto mo rin bang magkasipon? Masyadong sensitibo ang topic ng sex pagdating sa ating mga bakla. Mahirap sabihin kung alin ang tama at kung alin ang mali. May mga religion nga na binabansagan na tayong makasalanan kung makikipagsex tayo sa kahit IISANG lalaki lang. Pano pa kung malaman nilang sa iba’t ibang lalaki tayo kumakantot? Edi para sa kanila, buhay pa tayo, sinusunog na tayo sa impiyerno…
“So sa ganitong topic, dahil hindi ko alam kung saan kokonsulta sa kung ano ang tama, dalawang bagay lang ang lagi kong kinoconsider: ang damdamin ko at ang damdamin ng boyfriend ko. Magiging proud ba ako sa sarili ko kung manlalaki ako samantalang nasa bahay ang syota ko na naghihintay sa akin? Tingin ko hindi eh.
“At kung siya naman ang magiging unfaithful sa akin, alam kong masasaktan ako ng lubusan. Ayokong mangyari iyon sa akin kaya hindi ko iyon gagawin sa kaniya.
“Pero kanya kanyang pakirandaman lang din iyan. Madaming bakla ang ayos lang kahit ilang lalaki pa ang tikman nila. Kung tanggap nila iyon sa kalooban nila at kung wala naman silang inaagarabyado, hindi ko sila hinuhusgaan. Ikaw, ano naman ba ang sinasabi ng puso mo? Magiging masaya ka parin ba pagkatapos mong magpakaligaya sa ibang lalaki? May mukha ka parin bang ihaharap sa syota mo pagkatapos? Kung kaya naman ng konsiyensiya mo ang ganoong set up, kagaya nina Bryan at Luke, edi go ka lang ng go!”

Bago pa ako makakibo, sumabad na itong si Cindy.

“Kalalandi n’yo namang mga bakla kayo, pinoproblema pa ninyo kung paano kokontrolin ang libog ninyo. Palibhasa mga guwapo’t may kaya sa buhay…” Pabiro ang tono ni Cindy, pero tingin ko may kaunting hapdi sa damdamin na maaaninag sa kaniyang mga mata.
“Samantalang kami na mga mukhang palaka at parang elepante sa laki ng katawan, hindi man lang namin maranasan kahit isang kindat. Tapos sa kalagayan pa namin sa buhay, ni hindi ko man nga maisip na bilhan ko ang sarili ko ng lipstick dahil iniisip ko ang gastusin namin sa bahay, tapos kayo nagdadalawang isip pa kung magpapakafaithful pa kayo sa inyo inyong mga boyfriend.
“Juice ko, nasa inyo na nga ang lahat, hindi pa kayo marunong magpahalaga… Madami diyan na mga baklang tumatanda at namamatay na virgin dahil kagaya ko silang mga panget, walang pera, at ang iba takot na lumantad.
“Naku, kung magmilagro man ang mga diwata at bigyan ako ng mestisong pagmumukha at mala-Brat Pitt na katawan, ipapangako ko sa mga bituin na kahit kalian, hinding hindi ako mangangaliwa sa aking boyfriend kapag nahanap ko na siya.”

Alam naming nagbibiro lang itong si Cindy pero hindi namin magawang tumawa ni Kian dahil may laman nga naman ang sinabi niya sa amin. Bagaman hindi pa naman talaga ako lubusang nakakapagtaksil, nahiya ako sa sarili ko dahil nakuha pang sumagi sa isip ko ang magpakasawa sa ibang lalaki. Sa akin talaga sumapol ang mga bagay na sinabi ni Cindy.

Natutuwa ako at nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap si Kian at si Cindy. Tuluyan na akong naliwanagan sa pag-iisip. Dapat nga palang panindigan ko ang mga bagay na alam kong tama kahit na marami ang nagsasabing old fashioned ang ideals ko sa buhay at kahit nagiging uso na ang paggawa ng mali. Desidido na rin ako na kahit anong decision na gagawin ko, sisiguraduhin ko na hindi iyon makakasakit sa damdamin ng taong pinkamamahal ko o sisira sa aming relasyon.

Matapos ang usapan namin nina Kian at Cindy sa araw ding iyon, umuwi na agad ako – hindi sa apartment ko sa Manila, kundi sa bahay nina PJ sa Pampanga. Pinantindi ng usapan namin nina Kian at Cindy ang pagkasabik kong pasyalan si PJ matapos ang halos apat na buwang hindi namin pagkikita.

Dahil sa sobrang pagkasabik ko, parang sobrang haba ng biyahe kong iyon sa bus.
>>>>>>>>>>>>>>>>

Saktong paalis para bumisita sa kalapit na chapel ang Nanay at kapatid na babae ni PJ nang makarating ako sa kanila. Natutuwa silang makita ako dahil tunay na anak na rin ang turing ng ina niya sa akin kahit noong nag-uumpisa pa lamang ang aming pagkakaibigan ni PJ. Pero hanggang ngayon hindi nila alam ang aming tunay na pagkatao at ang aming relasyon. Nasalubong ko sila sa may gate nila. Sinabi sa aking ng Nanay niya na naiwan raw si PJ na kasalukuyang nag-iihaw ng barbecue sa may bakuran nila para sa hapunan nila matapos ang bisita sa chapel.

Sa tinagal tagal ng hindi namin pagkikita, halos hindi ko makilala si PJ. Nagpahaba siya ng buhok hanggang sa may batok niya. Umitim siya ng kaunti pero bagay na bagay sa kaniya iyon. Wala siyang suot na T-shirt pero naka-apron siya habang nagtutuhog siya ng karneng iihawin. Kitang kita kong lalong lumaki at gumanda ang pangangatawan niya na pinakikintab pa naman ng pawis niya dahil sa init ng baga ng binabarbecue niya. Pagkakita ko sa kaniya, sumariwa lahat sa aking alaala ang samahan namin simula noong college pa kami. Bumalik lahat sa isipan ko ang lahat ng dahilan kung bakit ko minahal ang lalaking ito. Nanlumo ako dahil hindi ko lubos maisip na sa ilang pagkakataon, nakuha kong pagnasaan ang ibang lalaki. Muntik ko nang pagtaksilan itong lalaking ito na naging kaantabay ko sa napakaraming pagsubok sa buhay. Bumigat ang loob ko at nakarandam ako ng guilt sa sarili ko. Pero lahat niyaon, napawi nang makita kong ngumiti sa akin si PJ.

“Manong, bakit parang naliligaw po kayo?” wika niya, na nagkukunwaring hindi niya ako kilala.

“Ah… eh… hinahanap ko kasi ‘yung boyfriend ko. Apat na buwan na kasi kaming hindi nagkikita. Alam ko dito siya nakatira eh. Kilala mo ba? ‘Yung pogi, macho, at maiksi ang buhok?”

Natawa si PJ ngayong sinakyan ko ang pagkukunwari niya.

“Sa dinadami naman po ng oras na puwede kayong maghanap ng boyfriend, itinaon ninyo pa ngayong may masarap kaming hapunan.”

Wala na akong maigatong pa sa lokohan namin. Bawat segundong lumilipas na nakangiti sa akin si PJ, tumitindi ang pagkasabik kong mayakap at mahalikan siya. Kung hindi nga lang kami nangangambang mahuli ng pamilya n’ya.

“Hintayin na natin sina Nanay, madali lang naman ang bisita nila. Dito ka na maghapunan tapos ihahatid na lang kita sa inyo mamayang pauwi,” sabi niya habang tuloy lang ang pag-iihaw niya.

Tuloy lang ako sa pagngiti habang pinagmamasdan ko siya, itinuturing na parang musika kahit ano pang salita ang lumabas sa bibig niya.

“Kapag hindi ka huminto sa pagpapacute, talagang susunggaban na kita diyan. Makakatikim ka ng mga halik na lasang usok, sige ka,” banta niya sa akin.

“Ok lang, para naman makatikim ako ng tinapang labi.”

Tuloy lang ang pag-iihaw niya nang lumapit ako sa kaniya. Lumapit ako at niyakap ko siya habang nakatalikod siya sa akin. Pinaghahalikan ko ang batok niya.

Natatawa siya. “Hindi ka na ba talaga makatiis? Baka may makakita sa atin.”

“Hindi na eh.” Ipinasok ko ang kamay ko sa loob ng shorts niya at dinakma ang ari niyang malambot pa rin sa oras na iyon. “Ayoko ng barbecue, mas gusto ko ng sariwang karne.”

Napahalakhak si PJ. Humarap siya sa akin, hinalikan niya ako sa labi. “Hayaan mo, pagkatapos nating kumain mamaya, doon ulit tayo sa kubo. Kaunting tiis nalang, mahal ko,” bulong niya sa akin at binigyan niya ulit ako ng isang madali pero mariing halik.

Nagpakatino ako hanggang dumating ang Nanay ni PJ. Natutuwa rin naman akong makakuwentuhan silang muli, at masaya ako ngayong nalaman kong maayos pa rin naman ang mga negosyo nilang pinapalakad ni PJ. Bago pa kami nagsalo salo sa pagkain, sinabihan akong na Nanay niya na doon na rin ako maligo at magbihis para marelax ako mula sa biyahe ko mula Makati. Naroroon pa rin ang mga damit ko na gamit ko noong kaantabay nila ako sa negosyo nila. Pareho na kaming naligo muna ni PJ bago tumungo sa mesa.

Matapos ang aming hapunan, kumuha ng beer si PJ, at ipinabalot sa kapatid niya ang ilang stick ng barbecue tapos nagpaalam na siya sa Nanay niya na pupunta kami sa kubo nila sa parang para doon mag-inuman.

Ako ang nagmaneho ng kotse nila. Hindi pa man nakakaabante ang aming sasakyan, kinuha niya ang isa kong kamay mula sa manibela at pinaghahalikan niya iyon nang maraming beses.

“PJ! Baka madisgrasya tayo, maghunos-dili ka, ginoo!” pabiro kong bulyaw sa kaniya.

“Hindi ko na kaya, Kamahalan, sabik na sabik na akong lapain kayo.”

Nagpreno muna ako. Kinabig ko siya sa ulo at binigyan ko siya ng isang mapanggigil na halik. “Tama na muna, doon sa kubo na natin ituloy.”

Pagdating namin sa kubo, nagsindi pa kami ng mga kandila dahil wala iyong linya ng kuryente. Inikot ko muna ang buong kubo dahil may importanteng alaala sa akin iyon. Doon kasi naganap ang una naming pagtatalik.

“Regular kong nililinis ang kubong ito. May masarap na kasaysayan kasi akong inaalala dito,” wika din naman ni PJ.

Sa aparador kinuha ni PJ ang isang pamilyar na comforter at mga unan at inilatag iyon sa kawayang sahig. Natatawa ako dahil nagbabalikan ang mga alaala ko sa unang karanasan namin. Hindi pa man niya maayos na inilalatag ang comforter nang ako na mismo ang naunang nahiga, binuksan ang aking mga bisig sa paraang niyaya ko siyang yakapin na niya ako. Wala rin naman siyang sinayang na oras. Pumatong siya sa akin at mapusok kaming nagpalitan ng mga maiiinit at basang mga halik. Uhaw na uhaw siya sa mga labi ko na halos hindi na ako makahinga sa pakikipagsabayan sa pusok niya.

Nagtulungan kami sa paghuhubad sa isa’t isa hanggang sa underwear nalang namin ang natira. Natawa ako sa kaniya dahil bikini brief ang suot ng loko. “Nagustuhan mo ba? Talagang binili ko ‘to para sa gabing ito,” wika ni PJ. Tumayo muna siya mula sa pagkakapatong sa akin, at ipinagyabang ang napakasexy niyang underwear. Sa hindi ko inaasahan, gumiling siyang parang macho dancer! Mabagal na malambot ang kaniyang mga indayog. Paminsan minsan pa niyang dinadakma ang sariling niyang burat para lalong bumakat ang katabaan nito sa kapiranggot niyang saplot. Nakakasabik lalo ang katawan niya sa sayaw niya.

Pinag-ibayo lang ng giling niya ang libog at init ko sa katawan. Napasulyap pa naman ang ulo ng kaniyang burat ngayong sukdulan na ang tigas nito at halos mapunit na ang brief niya sa sobrang taba niyo’n. Nanggigil ako sa nakasulyap na mapulapulang ulo ng kaniyang burat. Umangat ako, hinatak ko nang sobrang lakas ang bikini brief niya kaya napunit iyon sa maninipis na bahagi. Noon na lumantad nang todo ang pagkataba-tabang burat ni PJ.

Napahinto sa paggiling si PJ, waring nagalit sa pagkakapunit ng ipinagyayabang niyang seksing saplot. “Talagang hindi ka ba makapagtimpi ha?” Humawak siya ng mahigpit sa buhok ko at isinalpak ang nagngangalit niyang burat sa bunganga ko. Marahas agad ang mga indayog niya, kaya talagang hindi ko kinaya sa bibig ko ang bawat atake ng mataba niyang burat. Nabibilaukan at napapaubo ako! Kaya buong lakas ko siyang itinulak.

Napaupo siyang nakasalampak sa lakas ng aking pagkakatulak. Ako naman ang lumusob. Puntirya ko parin ang burat niya, pero ngayong ako na ang nasa itaas, mas kontrolado ko na ang subo ko at mas nailapat ko na ng maayos ang bibig ko sa tarugo niya. Nilasap ko iyon nang maigi sa sobrang pagkasabik ko sa burat niya. Sinuso ko iyon na parang pinipilit nang higupin ang tamod niya kasabay ng mabilis na pagtaas baba ng aking ulo.

“Ang sarap naman niyan, Paulo. Sige pa! Magpaligaya ka sa burat ko!” Saka niya ipinalupot sa aking likod ang kaniyang mga paa na waring idinidiin pa ako sa kaniyang sawa.

Nang hindi na niya kayanin ang sarap, hinatak niya ako pataas at nilaplap ulit namin ng basang mga halik ang bawat isa.

Oras ko na para gumanti. Ako naman ang tumayo habang siya’y nanatiling nakaupo. Suot ko pa ang boxer brief ko nang ibundol ko sa pagmumukha niya ang aking burat na malugod niyang sininghot singhot. Tapos siya na ang nagkusang tanggalin ang boxer brief ko, kaya lumantad na rin nang malapitan sa mukha niya ang aking oversize at kayumangging burat. Automatic na bumuka ang bibig niya, naghihintay sa bulusok ng burat ko. Pero di gaya niya, marahan ko itong ipinasok sa bunganga niya. Ang sarap ng lapat ng kaniyang buong bibig. Suabeng suabe.

“Sige, namnamin mo yan! Lasapin mo ang bawat pulgada!”

Maayos naman siyang tumatalima. Pinagbuti niya ang pagsupsop. Tinatanggap bawat kadyot ng aking balakang. “Sarap mo talaga, PJ!”

Pero sakabila ng rurok ng sarap ng nararanasan ko sa bibig niya, miss na miss ko pa rin ang butas niya – ang kaniyang tumbong! Kaya pumatong muna ako sa kaniya (palalabasin ko muna ang katas niya) at sinuyo siya ng halik sa tenga, sa leeg pababa sa kaniyang nagtatayuang utong. Napapaungol at napapasabunot siya sa akin sa sarap ng supsop ko sa utong niya na lalong pinatindi nang dakmain ko ang burat niya. Jinakol ko siya ng mabagsik at mabilis habang tuloy kong salitang pinaglaruan sa dila ko ang mga utong niya. Hindi alam ni PJ kung sinong santong tatawagin niya sa sarap. Hindi niya alam kung saan ibabaling ang kaniyang ulo. Maya maya pa, “Ahhhh, Paulo, lalabasan na ako!”

Hinigpitan ko lalo ang pagkakadakma ko sa burat niya at pinabilis lalo ang jakol ko sa kaniya. At tuluyan na ngang sumirit ang tamod niya papunta sa sa mukha ko. Hinabol habol ko iyon sa aking dila at nilasap. Dinilaan din ako ni PJ sa mukha at nilasap din niya ang sarili niyang tamod.

Hindi na siya nagpakipot na ibinuka ang mga hita niya at ibandera sa akin ang kaniyang butas. Handang handa na siyang magpakantot. Itinaas niya ang kaniyang kamay at ginawang unan ang kaniyang mga palad. Ngingiti-ngiti siya na parang nag-iimbitang barurutin ko nasiya. Nagpahid muna ako ng lotion sa uten ko. Tapos nilagyan ko din ang daliri ko para ipasok sa butas niya.

Parang virgin na ulit si PJ sa sikip ng mamulamula niyang tumbong. Apat na buwan na rin kasi itong hindi pinapasukan ng matabang burat.

Saka ko itinutok ang alaga ko sa butas niya. Ang sikip nga! Kahit si PJ halatang nasasaktan kahit ilang beses ko siyang kinantot sa puwet noon. Pero dahil na rin sa lotion, suabe ko paring naigarahe ang burat ko hanggang sa pinakapuno nito. Nagtitigan muna kami ni PJ. Nang masigurado kong narelax na siya, sinimulan kong kumadyot. Napaungol si PJ. Magkahalong nasasaktan at nasasarapan.

Kaya unti unti ko nang pinabilis ang bawat kantot hanggang sa tuluyan nang naging mapuwersa ang bawat atake ng aking burat. Nangigigil ako sa bawat kadyot. Napapahawak siya nang mahipit sa comforter dahil sa sakit kaya naisipan kong huminto.

“Tuloy mo lang, Paulo. Bombahin mo pa ako! Masarap ang burat mo sa loob ko.”

Ginanahan ako lalo sa palaban kong syota. Dinoble ko ang bilis ng aking indayog habang ginagawang inspirasyon ang tanawin ng kaniyang napakagwapong pagmumukha at maskuladong katawan. Mabaliwbaliw ako sa sarap ng higpit ng butas niya sa burat ko.

Maya maya pa, randam ko nang malapit na ako. “Sasabog na PJ! Sasabog na! Ahhhhhh….” at tuluyan na ngang sumirit ang tamod ko sa loob niya. Pinagdiinan ko ang balakang ko sa butas niya para masiguradong maglalakbay ang tamod ko sa pinakaloob ni PJ. Tapos bumagsak na akong pumatong sa kaniya. Isang matimyas na halik ang iginanti sa akin ni PJ.

Sa sobrang pagod, nakaidlip din ako ng ilang minuto. Nagising ako nang nadama ko na lamang na itinahaya ako ni PJ mula sa pagkakapatong ko sa kaniya. Ayaw ko na sanang maudlot pa ang tulog ko nang biglang narandaman ko ang malamig na likidong ipinahid sa butas ng puwet ko. Pagkamulat ng mata ko, naitaas at naibilak na ni PJ ang dalawa akong paa. Isinampay niya ang mga iyon sa magkabila niyang balikat. Saka ko nalang narandaman na nakaabang na sa butas ng puwet ko ang burat ng loko.
>>>>>>>>>>>>>>>>>>>>

May kataasan na ang sikat ng araw nang magising ako. Nanghihinayang man akong gisingin ang natutulog na anghel, naisip ko namang baka hinahanap na siya sa tindahan nila. Kaya hinaplos haplos ko siya sa kaniyang pisngi hanggang sa magising siya. “I love you,” kaagad ang pambati niya sa akin.

Wala na sa bahay ang Nanay at kapatid niya nang makabalik kami sa bahay nila. May paskil na note ang kapatid niya na nagsasabi kung saan makikita ang tocino at sinangag para sa aming dalawa. Ako na ang nagtimpla ng kape habang inihahain niya ang almusal.

Kinumusta ko ang kalusugan ng Nanay niya dahil noong magkasama pa kami sa trabaho ni PJ, napapadalas ang kaniyang pagkakasakit. Ayos naman daw… kaso tumitindi lang ang kakulitan.

“Kakulitan saan?”

“Sa pagtatanong kung mayroon na daw ba akong syota… at kung kalian daw ako mag-aasawa… ”

Nabulunan ako sa pagkain. “Eh anong naging sagot mo?”

“Hindi naman ako nagsinungaling, sabi ko may syota na ako pero hindi pa lang namin naiisipang magpakasal.”

“Hindi ba niya hinihiling na na makita ang magiging ‘son-in-law’ niya?” tatawa tawa kong tanong.

“Ulul! Hindi nila alam na lalaki ang kinakantot ko. Gusto nga niyang makilala kung sinu man ang ‘babaeng’ ‘yon kaso sabi ko busy siya… at na natitiis nga niya akong hindi makita sa loob ng apat na buwan…” sumbat ni PJ. “Minsan naghihinala si Nanay na hindi maayos ang realtionship ko dahil hindi man lang nakakapasyal dito sa bahay ang ‘girlfriend’ ko. Minsan sa sobrang yamot dahil hindi pa niya nakikilala ang syota ko, nasasabi ni Nanay na palitan ko na raw siya. Hehehe.”

May kurot ang biro ni PJ. Napahinto tuloy ako sa pagkain. Guilty kasi ako. Alam kong lagi kong ginagawang dahilan ang trabaho para hindi umuwi ng Pampanga. Bagaman totoong napakaabala ko sa trabaho nitong nakaraang mga buwan alam ko sa sarili ko na kulang ang effort ko sa kaniya. Ni hindi ko man nga siya pinadalhan ng kahit ano noong nakaraang Valentine’s. Binati ko lang siya sa text.

“Uy!” biglang sambit ni PJ nang mapansin niyang hindi na ako umiimik. “Bakit nagseryoso ka diyan? Siyempre hindi naman kita ipagpapalit! ”
Hinawakan niya ang kamay ko, “Kita mo ‘tong buhok kong ito? Alam mo ba kung bakit ito mahaba ngayon? Ipinangako ko kasi sa sarili ko na hindi ako magpapagupit hanggang sa umuwi ka dito sa Pampanga. Gusto ko kasi na kapag tumitingin ako sa salamin, ikaw ang maaalala ko. Kaya kahit anong busy ko sa palengke, siguradong sasagi ka sa isipan ko kapag napapatingin ako sa salamin o kapag nagkakaproblema ako at napapakamot ako sa ulo. Siyempre loves na loves kita, hindi na ako hahanap ng iba.”

Labis akong naantig sa sinabi niya at sa ginawa niyang iyon sa kaniyang buhok pero lalo lang akong napaisip na talagang kulang na kulang ang contribution ko sa aming relasyon. Ngayon sumagi sa isipan ko na palaging siya ang nauunang magsabi ng “I love you.” Siya din ang nauunang tumawag araw-araw sa cellphone. Siya palagi ang nauunang maglambing. Samantalang ako, muntik ko pa siyang pag-isipan ng masama nang sabihin sakin ni Luke na baka burat ng ibang lalaki ang sinusubo ni PJ dahil apat na buwan na kaming hindi nagkikita.

Kailangan ko talagang magbago. Sabi nga ni Cindy, kakaunting bakla lang ang kagaya kong pinagpala na magkaroon ng boyfriend na maliban sa napakabait, napakaguwapo pa.

“Hoy, napano ka?” biglang bulyaw sa akin ni PJ. “Bakit ka natahimik diyan?”

Bigla na lang na may sumaging ideya sa isip ko. “Makakapagloan na ako sa PAG-IBIG!” bulalas ko.

Napakunot ang noo niya dahil hindi niya maintindihan ang ibig kong sabihin.

“Eh diba madalas ka rin namang magdeliver ng gulay sa mga palengke sa Bulacan?” tanong ko.

“Oo nga… ano naman ngayon?”

“Magloloan na ako sa PAG-IBIG para makabili na tayo ng bahay at lupa sa may Bulacan! Para sa gano’n doon nalang tayo madalas magtagpo. Kahit na sa mga panahon na sobrang busy ko sa trabaho at least nauuwian kita.”

Nagliwanag lalo ang mukha ni PJ, tanda na nagustuhan niya ang ideya ko.

“Madalas kasi akong makalimot,” sabi ko.

“Hah?” natatawang sambit ni PJ. “Anu ano nanaman ba nalilimutan mo?”

Hinigpitan ko pagkakahawak ko sa kamay niya. “Nalilimutan ko kung minsan na mayroon akong kasintahan na walang sawang naghihintay sa akin dito sa Pampanga. Grabe ang pagkamalilimutin ko, na nakakayanan kong hindi siya makita sa loob ng apat na buwan. Kapag natatambakan ako ng trabaho, minsan hindi ko man lang siya maisip bago ako matulog o sa paggising ko sa umaga. Ni hindi ko man nga alam na nagpahaba siya ng buhok sa kakahintay sa akin.
“Ewan ko ba, bakit nagagawa kong hindi ko siya maalala, samantalang siya na ang pinakaguwapo, pinakamacho, at pinakasweet na syota sa balat ng lupa.
“Eh di kapag may bahay na tayo sa Bulacan, lagi na kitang makakasama at lagi mo na akong paalalahanan kung gaano ako kasuwerte na mahalin ng isang kagaya mo.”

Halatang naantig si PJ sa sinabi ko. Pero dinaan lang din n’ya ako sa biro, “Tsk tsk, baklang bakla ka na nga! Hehehe. Ganyan ba ang natutunan mo sa paglagi mo sa Australia?” Ipinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at ginulo niya ang aking buhok. Pero kitang kita ko sa mukha na niya na naappreciate niya ang sinabi ko.

Nagtatawanan man kami sa biro niya, alam ko na nagagalak din siya sa naisip kong ideya. Natutuwa rin naman ako na hindi siya tumutol. Sa pagkakataong ito, babawi na ako sa lahat ng pagmamahal na natatanggap ko mula kay PJ.

33 comments:

  1. wow may part 2 ang sweet

    ReplyDelete
  2. This is the kind of love story to die for. I feel the emotion, grabe kakainlove <3

    ReplyDelete
  3. maluluha na yata ako sa inspiration nila

    ReplyDelete
  4. ang ganda ng story^^ wala po bng part 3??? ang dami kong natutunan dito s kwento^^

    -PEN10

    ReplyDelete
  5. Love more than Lust!

    Nice one!

    ReplyDelete
  6. Nice Story. Thumbs up kay author.

    ReplyDelete
  7. hnd q nabasa ung part 1 pero so far eto ang the best story na nabasa ko. ung mga events maayos nakwento at maayos din nabalikan pra marelate sa story. prang based tlga xa in real story keep it up i hope makilala q kau tga pampanga din aq hehe. sna mkhnap din aq ng ganyan na partner

    ReplyDelete
  8. Napakaganda naman, full of inspiration, love and care. Sana hndi magtagal kya Part 3 na yan.

    excellent author^-^

    ReplyDelete
  9. The best story na nabasa ko kumpletos rekados!!

    ReplyDelete
  10. I love the story. The ambience began to feel the love thus making the readers feel what the author felt in that exact moment. But say that this is a work of art story, I hate it. Reason is it ended. The story played my emotions. Played my feelings. And all of the sad songs I heard made me remember this story. I hate it. I hate the story "tutorials" because it's also like this, hard to let go. I wish there's a part 3? Please make a part 3. For fuck's sake I'm crying.

    ReplyDelete
  11. love it so much 2nd fav. story ang sarap basahin ng mga words of wisdom .. tama syah kasi minsan nababaluktot yung prinsipyo natin dahil sa libog.. hope mai part 2 pa.. go author

    ReplyDelete
  12. Tagal ng antay k dto sa part 2 author ah.... Peru nag flashback ung first part na story ....
    Worth reading talaga cya ....
    Hope wag matagalan ang next part I really like ur love story
    Kasma tong story sa paka favorite k
    Love u author gudluck sa inyu dalawa be strong and good health
    ....jmc....

    ReplyDelete
  13. sobrang ganda ng story.

    ReplyDelete
  14. Hehe inspired ako uber!

    ReplyDelete
  15. I love that the author ends his story on each part. Nabasa ko ang part1 noon pa, pero hind ko to nasahang may part 2 dahil tinapos niya ang istorya sa 1. Mahusay na mahusay din ang pagtatapos nun. Taz itong part 2, hindi rin bitin. Sa totoo lang, the best talaga ito. Kakaintriga lang... True to life nga ba ang mga 'to? O baka fiction din? Either way, lagi akong aasa at susubaybay sa mga susunod mong stories. Salamat

    ReplyDelete
  16. Hindi ako nagcocomment sa mga stories, yung first kong comment is yung part1 nito kaya sobrang saya ko talaga na may part2 pa pala to. Naapektuhan talaga po ako sa story nito kaya pls po kuya paulo iwas tukso hahahahaha Kuya Paulo at PJ sana makita ko kayo, nasa pampanga lang din ako hahaha

    ReplyDelete
  17. 4 thumbs up! Lahat na mula sa kanya hanggang sa paa...outstanding!

    ReplyDelete
    Replies
    1. I mean mula kamay hang gang paa...nag auto dictionary ksi cp ko..clapclapclap to d author

      Delete
  18. Paulo, inantabayanan ko kwento mo mula part 1 hanggang part 2 gaano man kahaba. Sobrang tindi ng kwento mo na parang punyal na tumusok sa puso ko, tagos tagosan, dahil wala man lang akong lakas na maging tapat sa larangan ng pag iibigan.. Sa dami ng b.f. ko, di ko na alam kung kanino ba ako magiging tapat? Parang walang pinag kaiba sa aso jan sa lansangan. Mabuhay ka Paulo! Mabuhay kayong dalawa ni PJ.

    ReplyDelete
  19. Haha! Ganda ng story hope na makita ko nrin yung partner ko.


    Paul .f :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ako na lng partner mo :)

      Delete
  20. matagal ko ng nabasa ang part 1 nito, as in matagal na talaga! at sa dami ng story na nasa utak ko. nahalukay ko pa talaga yung part 1 sa isip ko para lang maintindihan ko ang part 2, hindi ako nagkamali. mas pinaganda pa ang story nila this time. damang dama ko ang bawat word ng story. mahusay!!! tuwang tuwa ako sa kwento ng buhay nyo mga co-engineer. tatagal at tatagal ang relasyon nyo. weeewww. galing, clap clap!

    ReplyDelete
  21. maganda ang pagkakasulat, love it

    ReplyDelete
  22. Nakakaantig ng puso at nakakapagbigay aral. Saludo ako sayo author.

    ReplyDelete
  23. Literally na nakakainggit!

    ReplyDelete
  24. Just like luke, sad to say, i never thought that one day, i have learned to love someone who is already taken.. but you know what, that was one of the best things that happends to me.. i failed but i become a better person... and now i am prepared to love again!!

    ReplyDelete
  25. its was the longest story i read on this site but so far its also the best. the story was really good and it was written impeccably. got hooked with the story. i really commend the writer for this piece of art he made. KUDOS!

    ReplyDelete
  26. Galing tlga! Sna me part 3. ;-)

    ReplyDelete
  27. ANO PONG NAME NG GUY sa PIC?CUTE eh!Pls lang po

    ReplyDelete
  28. Hello po! Grabe sobra ko pong saya ng nabasa ko po ito, katulad po n'ung binasa ko 'yung part 1. Sobrang nagpapasalamat ako sa author nito dahil pinapakita niya na hindi lang talaga sex ang kailangan naming mga bakla, at kahit na sino pa. Ang pinaka-kailangan talaga natin is TRUE LOVE. :) Sobrang bilib ako kay PJ, dahil talagang nag-antay siya kay Paulo. Bilib rin ako kay Paulo na nalabanan yung tukso dahil sa pagmamahal niya kay PJ. Hindi na ako makapag-antay ng part 3! :') I hope ganito rin ang magiging relasyon ko in the future. :) Less lust, more love! <3

    ReplyDelete
  29. I re-read this and the part one because I really loved the story. I fell in love with the characters. This is my ideal love story if ever I will have one someday. Mr. Author, please write some more about you and PJ since I am a huge fan of your love story. PS. This is the first time I commented to a story here. Kudos. I really admire you. :)

    ReplyDelete
  30. Nice. Naiyak ako slight. Tae kase si Luke masyadong tigang. :)

    ReplyDelete