m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, October 5, 2014

Nagtamang Panahon

By: Depressed Guy

Sabi nga nila, true love waits. Eh paano na lamang yung mga impatient at mga bagot kakahintay? Yung mga kulang na kulang sa courage para maipahiwatig ang tinitibok ng kanilang mga puso? Haay pag-ibig nga naman. Mahirap talagang mag hintay lalo na't kung wala namang kasiguraduhan. Pero para sa akin, wala eh, mahal ko kase siya. Masakit man o nakakapagod pero maghihintay pa rin ako, yung Tamang Panahon kumbaga

Ako nga pala si Rusty, Rus for short. Medyo may height at medyo may face naman. Bata pa lamang ako ay alam ko na na may kakaiba sa akin ngunit wala akong lakas na loob para magtapat sa mga parents ko kaya ayun, nagpapaka straight pero wala eh, talagang lumalabas talaga yung pagka malamya ko. Tsk. Eto na kuwento ko,

Maraming nagsasabi na iba talaga yung college. Parang may freedom ka na gawin lahat ng gusto mo, yung sa academics naman Haay papahirap ng papahirap. Gustohin ko mang maging malaya at mag night out gabi gabi eh kailangan ko talagang mag-aral ng puspusan dahil Academic Scholar ako at ayokong ipahiya ang mga parents ko. Ganito na nga ako eh bobo pa parang ganun kaya gagawin ko talaga ang lahat para maging matataas ang grades ko nang sa gayun kung masabi ko man sa kanila na bakla ako, maipagmamalaki pa rin ako nila.

A day before mag start ang class, lumipat na ako dito sa dorm malapit sa school. Hindi ko naman inakala na sobrang init pala rito kaya pumunta ako sa shower room to freshen up. Haay naku tindi pa rin ng init lalo pa't alas tres na nang hapon sa oras na iyon.

Bumalik na ako sa room. Medyo maingay ang mga boarders tsk mga lalaki pa naman (exclusive for boys yung dorm ko) Parati silang naghahagikgik na parang may fiesta haay naku. Lumabas ako, nang makarating sa may lobby,
may pumasok na parang bagong boarder kase ang dami niyang mga dala. Parang naaawa ako sa kanya kase basang basa na siya sa pawis tsk, at na notice ko na may looks naman Haha pero hindi ko na siya tiningnan pa mahirap na baka alam na Hahaha! Baka mahalata XD

First day of college
Sa sobrang excitment ko eh pumunta na agad ako sa school ng 7:30 Hehe 9 am pa naman class ko tsk kaya ayun hintay hintay sa may bench, nagpapa ka loner wala pa kasing mga friends tsk. Biglang may lumapit na freshman din siguro at Haha gwapo siya! "Pre alam mo ba yung R401? Dun kase first period ko" tanong niya. Para naman akong tanga at biglang natigilan. Dahil ba sa kanyang kagwapuhan o wala akong ka ide ideya sa room na yon.

Ah sensya na pero hindi ko rin alam, nahihiya kung sinabi

"Ganun ba, ayos lang yun Hehe. Asan ba first period mo?"
"R402, 9am"
"Wait, parang magkatabi lang naman yun sa room ko? Pare naman Hehe parang nawawala ka Haha"
Sa utak ko, oo naman nu? Magkatabi lang pala yun? Anu bang nangyayari sa senses ko.

Sagot ko "Oo nga! Pasensya ka na parang kinakabahan lang ako Hehe"
"Ayos lang sige sabay na tayo" paanyaya niya. Haay parang ang tanga ko lang tsk. Nang papa akyat na kame nakita ko yung gwapo sa dorm namin. Parang natigilan ako, hindi ako maka hinga shit.

"Okay ka lang?" Tanong niya
"Ah eh okay lang naman Hehe"
"Nga pala nakalimutan kong magpakilala. Fin nga pala"
"Rusty, Rus na lang"
"10am din ba end niyo? Sabay na tayo kumain?"
Parang nakatoun ang atensyon ko doon sa gwapong ka dorm ko, pareho silang room ni Fin. Crush ko na ata siya
"Rus okay ka lang? Sinong tinitingnan mo?" At tumingin siya sa direksyon ng tinititigan ko sabay gulat ko sa mga sinabi niya.
"Uy, crush mo yun?"
Hindi ko alam yung sasabihin ko at biglang nag bell kaya dali dali akong pumasok sa room nang hindi naka sagot sa tanong ni Fin. Shit ganun ba talaga ka lagkit yung mga titig ko sa crush ko para mahalata niya at alam na ba niya na bakla ako? Shit parang ayoko ng mag end ang first period baka asarin at ibully lamang ako ni Fin at mawawasak college life ko Huhuhu.

Ayun na nga nag end na ang first period. Huli akong lumabas, kinakabahan. Biglang may tumatawag sa pangalan ko. Shit si Fin.

"Uy Rus andyan ka na pala! Tara kain tayo!"
Parang nahihiya ako tsk. Bigla siyang sumabat
"Ah yung crush mo? Nico yung pangalan niya Hehe tinandaan ko talaga yung sa introduce yourself para sa'yo Hehe"
At natigilan talaga ako.
"Hindi ka ba nandidiri sa akin? Yung ah alam mo na, hindi ako straight tulad mo"
"Sus pre okay lang naman yun, basta wala ka lang maling ginagawa ayos lang sa akin kahit bakla ka best"
Best agad? Hehe "Eh salamat ha kase tanggap mo ako Hehe"
"Haha! Sige kanina pa talaga ako nagugutom. Kain tayo? Best?"
"Haha sige kain tayo best"

Naging mag best friends kame ni Fin Hehe, dahil kay Nico Hahaha! Haay pero naging close talaga kame. Sabay kaming nag lalunch at nag-aaral sa library. Siya yung diary ko na yung laman ay puro Nico Nico at Nico! Hahaha!

One time nung may activity sa school, na out of balance ata ako at natapik yung ulo ko sa sahig. Sobrang ouch talaga Haay wala pa naman si Fin ng oras na iyon kaya umuwi ako sa dorm. Nang pauwi ako sinabi ko sa self ko na pag nakita ko si Nico Okay na araw ko! Haha parang coincidence talaga kase nagkasalubong talaga kame! Parang mahimatay talaga ako! Crush na crush ko talaga siya. Tsk. At parati kaming magkasalubongan sa Dorm Shit! Nahuhulog na talaga ako pero hindi na ako aasa kase straight naman siya at malamang wala yung pake sa akin Huhuhu

Lumipas na ang first sem, kame lang talaga ni Fin ang magkasama parati at tanong ako ng tanong tungkol kay Nico Haay na ko!

Umuwi na ako sa probinsya namin nang nakita ko si Nico papasok sa bus na sinasakyan ko! Holy Shit! This is Heaven! Di ako mapakali, yung katabing seat ko na lang ang hindi taken kaya ayun dun siya umupo. Shit hindi ko ma contain kilig ko! Pero hindi pwedeng mahalata niya. Kaya ayun walang imikan ng biglang niyang binasag ang katahimikan.
"Dun ka rin ba sa dorm na tinutuloyan ko? Parati kase kitang nakikita Hehe hindi ka man lang nagpapansin"
Shit alam ba nito na crush ko siya? Humanda ka sa akin Fin!
"Ah eh nahihiya kase akung mag approach dun sa mga boarders satin hehe"

"Hehe ikaw naman, bait naman ng mga boarders doon" At dun nagsimula yung pag-uusag namin Haay. Marami akong nalaman tungkol sa kanya, magkatabi lang pala kame ng lugar, only child siya at may pinopormahan :( Na broken hearted ako. Tsk. Bago ako makarating samin sinabi niyang magpapa tutor daw siya sa akin kung pwede. Hindi ako tumanggi kaya ayun pumayag ako. Kinuha niya number ko at text mates kame agad.

Nagsimula na ang next sem, na eexcite ako kasi namimiss ko na si Fin at mas madalas na yung pagkikita namin ni Nico kaya lang may nililigawan siya. Tsk hindi pa naman sila kaya may chance pa Haha

After class ay dun kame sa study area ng dorm. Tinuturuan ko si Nico sa mga homeworks at lessons niya. Parang ang sweet nga niya kase lagi siyang nagbibigay ng food at yung smile niya Ugh parang pwede na akong mamatay. Haha parang mas naging close na nga kame ni Nico kaysa kay Fin. Eto kasing si Fin parating busy kaya ayun parang kame na ni Nico ang naging mag bestfriends.
One time nagkasalubong kame ni Fin kaya ayun nag bonding kame saglit parang na miss ko siya. Biglang pumasok sa eksena si Nico, samahan ko raw siya. Napansin niya na kasama ko si Fin nang biglang
"Sige aalis na lang ako, istorbo ata ako" nagulat naman ako sa sinabi ni Nico. Umalis na siya at nainis ako sa ginawa niya tsk. At umalis na rin sa Fin kase may tatapusin pa raw na project. Kaya naiwan akong mag-isa! Lumipas ang ilang linggo umiwas ako kay Nico kase nga naiinis pa rin ako sakanya.

Medyo nahalata niya ito kase hindi ko na siya na tuturuan nag dadahilan na lang ako para makaiwas. Sabi ko sa sarili, tama naman to kase kahit kelan wala naman akong pag-asa. Haay sobrang lungkot ko pa kase nagtransfer si Fin ng school. Wala na akong bestfriend :(

Parang tumalab yung pag-iiwas ko kase hindi man lang nag-eeffort si Nico na kausapin ako at pag nagkasalubong kame sa dorm parang dinededma niya ako! Aba! Two can play in this game kaya pinanindigan ko na talaga yung pagdededma ko sa kanya. Pero deep inside it kills me kase kahit anung gawin ko crush ko pa rin siya :(

Malapit na yung exams! Kinakabahan ako para kay Nico, sinong magrereview sa kanya? Bat ko nga ba iniisip to? Tsk mahal ko na ata siya :(
Matutulog na sana ako nang biglang may kumatok. At si Nico yung kumatok, nabigla na lamang ako nang yumakap siya. Na miss niya raw ako, grabe yung kilig ko at the moment. May sasabihin daw siya. At biglang nawasak ang mundo ko. Sila na nung nililigawan niya :(
Nagpaka plastik na lamang ako at sinabi na masaya ako para sa kanya. At magpapa tutor siya raw ulit. Wala namang problema sa akin kaya ayun bumalik yung friendship namin kaya lang mas kaunti na lang yung time niya sa akin kase nga may girlfriend na siya.

Gabi gabi akong umiiyak. Halos magiba yung mundo ko, hindi na nga ako minsan kumakain. Medyo nahahalata na nga niya kase parating mapula yung mga mata ko at parang depressed daw ako. One time nagkausap kame ni Nico at nabigla ako sa tinanong niya.

"Mahal mo ba si Fin?"
Parang nabuhusan ako ng yelo. "Ha? Anong klaseng tanong yan?" At nag walk out ako nang biglang kinuha niya mga kamay ko.
"Alam ko na ang lahat, lahat lahat. Nung first day parang nagpa feeling close sa akin si Fin at kinausap niya ako na sana'y huwag kitang paasahin at"
Nabigla naman ako sa mga sinabi niya. Kinausap siya ni Fin? At sinabi pa sa kanya yung mga ganun? So all this time alam niya? Patay
"At may crush ka raw sa akin, Hindi ko na lang siya pinansin kase hindi pa kame close nun pero araw araw parati niya yun sinasabi sa akin kaya sige pumayag na ako wala naman akung pake sa kabaklaan niyong dalawa"
Wait lang, kaming dalawa? So ibig sabihin may pagtingin si Fin sa akin? Naguguluhan na talaga ako.
"Kaya lang na bad trip ako nung nakita ko kayong dalawang magkasama. Tangina nainis ako ewan ko nga ba. Napagtanto ko na siguro na kayo na kaya mo ako iniiwasan kaya iniiwasan na rin kita pero Rus gago na nga ako kase mahal kita Rus!"
At parang na nahulugan ako ng mga stars, as in literal, biglang nagdilim ang lahat. Nagising na lamang ako nakahiga sa hospital. Nandun si Fin.

Best na over fatigue ka, hindi ka na ba kumakain? Ingatan mo naman sarili mo be... Pinutol ko yung linya niya
"Alam ko na Fin at huwag ka nang mag dedeny kase sinabi na sa akin ni Nico"
"Alam ko na alam mo na, kakasabi lang niya sa akin best. Mapapatawad mo pa ba ako?"
Bigla siyang naging emosyunal
"Ba't ka umiiyak? Wala ka namang kasalanan eh"
"Parang na giguilty lang ako sana hindi kita iniwan sana nagkaroon ako ng lakas ng loob para sabihin sayo na Mahal na Mahal kita sana hindi kapa nasaktan sana naging tayo na lang Rus! At nasasaktan talaga ako ng sobra pag pinag-uusapan natin si Nico at parang sinisira nito ang puso ko tuwing makikita ko kayong magkasama pero wala naman akong magagawa kung mahal mo talaga siya.
At napaluha na lamang ako pero hanggang bestfriends lang talaga yung maibibigay ko kay Fin. Sinabi ko yun sa kanya. Naiintindihan naman niya kase Mahal na mahal ko talaga si Nico. Nagpaalam na sa akin si Fin, napetisyunan na raw siya nga daddy niya sa states kay dun na siya aaral.
"Best hindi man naging tayo pero nagpapasalamat pa rin ako na dumating ka sa buhay ko. Siguro nga hindi ito ang tamang panahon natin kase iba yung nakalaan ng tadhana sayo"
At yun nga, umalis na siya ng bansa pero di naman nawala yung communication namin. Haay pero parang feeling ko mag-isa pa rin ako. Tsk, si Nico? Ayun hindi kame nagkausap after nung nahimatay ako. Ewan ko ba, mahal niya nga ba ako? Totoo ba yung mga sinabi niya sa mga nararamdaman niya sakin? Bakit hindi man lang siya nag eeffort na kausapin ako. Haay

Nalaman ko na lang one day na lumipat siya ng dorm at nagkahiwalay daw sila ng kasintahan niya. Parang ang complicated kase, mahal ko siya pero parang nalungkot ako nang maghiwalay na sila ng girlfriend niya. Dapat maging masaya ako pero hindi eh. Tsk

Nung may program sa school required yung mga students na manood eh parang destiny na magkatabi kame ni Nico! Grabe! Halos hindi ako makahinga, parang ngayon lang nag sink in yung mga sinabi niya sa akin dati. Mahal ko siya at mahal niya rin daw ako. Sabay hinila niya ako palabas, ako naman itong sunod sunoran. Dinala niya ako sa parang maliit na open field ng school. At bigla siyang nahiga doon at parang matutulog ata. Na bad trip ako, akala ko pa naman may sasabihin siya kaya umalis na ko nang biglang pumatak ang ulan! At siya ayun pa rin natutulog na parang wala lang yung buhos ng ulan. Kaya ayun binalikan ko siya at ginising pero parang ayaw. Kaya sinigawan ko na siya! "Nico! Para kang gago hindi mo ba nararamdan yung ulan! Hoy bangon na! "
Pero nagpatuloy lamang ang ulan at tila natutulog pa rin siya pero hindi ko man lang nagawang iwanan siya kahit nabasa na ako ng sobrang sobra.

Makalipas ang halos ilang minuto hindi ko na talaga nakayanan ang ulan
"Sige iiwan na kita"
"Bat ngayon mo lang inisip yun?" Bigla niyang sinab nang nakapikit pa rin
"Aba eh gago ka rin pala!"
"Oh akala ko iiwanan mo na ako" sabay mulat ng mga mata niya. Shit mas lalo siyang gumwapo.
"Ah eh"
"Rus sagutin mo ako"
"OO NA! HINDI KITA KAYANG IWANAN KASE NGA MAHAL NA MAHAL NA MAHAL KITA" at bigla na akong napa iyak sa mga binitawan kong mga salita sabay akap niya sakin at sabi
"Yan lang naman hinihintay ko, ang malaman na mahal mo rin ako Rus, sana ngayon na nga yung panahon para satin kase Rus sobra kitang mahal! Yung sa pag tutor mo pa lang sa akin parang nahulog na ako kase ang bait mo at talino kaya lang parang mali iyong naramdaman ko at akala ko naging kayo ni Fin kay humanap na lang ako ng babae para makalimutan ka pero wala eh, mahal talaga kita Rus"
"Grabe naman to, pwede bang pag-usapan natin to doon na walang ula-"
At bigla niya akong hinalikan sa mga labi. For a moment parang nahanap ko yung kulang sa buhay ko. Yung pagmamahal na maaari kung matanggap at mismo yung pagtanggap sa kung sino man ako.

Nasabi ko na rin sa mga magulang ko yung sa pagkatao ko at sa amin ni Nico at tanggap naman kame nila. Natakot lang pala ako sa wala. Alam na rin ni Fin yung samin, masaya siya para sa amin. At yun na nga, nabigyan na kame ng panahon ng tadhana para sa pagmamahalan naming dalawa ni Nico :) Pagmamahalan na totoo at alam naming buo na kahit anumang pagsubok ay makakayanan naming dalawa.

PS Sana mabasa ito ni Chaster Rassel at ni James Silver (Yung mga favorite authors ko dito)

30 comments:

  1. girl ang haba ng hair mo! ikaw na! hahaha

    ReplyDelete
  2. Cute ng story :) BTW Mr Author bat "Depressed Guy" yung parang code name thingy mo? Kase parang ngayon lang ako nakakita ng mga parrang pen name na ganyan kase usually mga names talaga ahaha, depressed ka ba talaga?

    ReplyDelete
  3. hart hart yung sa umulan na part <3

    ReplyDelete
  4. I am so happy for you Rus..I love the character of Fin..

    ReplyDelete
  5. Nakakaawa naman yung mga taong takot na takot malamang bakla sila. Nakakalungkot na ganung takbo ng utak. Puro takot. Buti pa mga parlorista walang takot at walang pakelam. Mas masculine pa sila kung tutuusin dahil sa tapang nila. At least may jowa kna. Pero sana tanggap mo na sarili mo talaga, hindi lang sa salita pati sa pagiisip. One life to live and spend it with denial and hiding? Shet total waste.

    ReplyDelete
  6. Ay truelily yan mama! Bakit ba kasi may imaginary heiarchy ang mga bakla e pareparehas naman tayong sa nota rin babagsak kahit gaano ka pa kapaminta? Kung sino yung paminta siya mas suplada at iwas sa mga pagirl. Feeling gwapong gwapo sa sarili e gwapo rin ang hanap. Jusko kajirita! Nakakaawa nga, tama nga kasi prang hirap kumilos. Although meron nmn tlgang mga masculine na badet. Pero hindi dapat comparison yon na mas nakakaangat ka dahil mas "naaangkop" o "desente" ka sa mata ng lipunan. Thats so backward and primitive. Ahahaha daotera. Mga ate hndi tayo ang mali, ang pagiisip nila(mga nangungutcha) ang mali. Kaloka tong author kulang n lang itakwil niya sariling katawan at kaluluwa niya. Oa na ata yon ahahaha. Pero prang mas masculine pa nga mga parlorista kasi ang tapang nila maglantad at wala talagang hiya sa kung ano sila. O kaya mo yon girl? O tago kna lng sa lungga mo baka asarin ka sa kanto. Ahahaha nangahhamon! Nakakaloka lang kasi na may mysoginy ba yon or sexism sa mga bading. Ah basta mapangmata at mapanghusga. Girl puhleeease!

    ReplyDelete
  7. Hello po :) Mr Author here! Actually po may karugtong pa po yung story, yung last line po, nagtaka nga ako bakit hindi nasama sa publish yung line na ito, hindi po ito attached sa story,

    "PS: Fiction lang po ito, produkto lang po ng depression ko, pero may ilang scenes na nangyari po in reaal life Haha!" then yung sana mabasa ni . . .

    Um guys fiction po talaga ito kase sinulat ko po ito nung super depressed talaga ako, parang over thinking lang po at medyo na sad lang talaga sa sexuality ko. Hmm, ba't ba kase naging bakla ako? Paano ba matutunang mahalin ang sarili? I need help talaga, Acknowledged ko naman na I'm gay pero I'm just wondering ba't naging ganito, ba't ganito ako ginawa? Parang ganun. Hirap talaga -_-

    And also Depressed Guy yung code name ko kase parati talaga akong nadedepress -_-

    Sorry po talaga sa mga readers na akala nila true story, siguro nagka error lang po ng pagpublish kaya naputol yung note ko :) Pasensya na po

    -Depressed Guy (Mr. Author)

    ReplyDelete
    Replies
    1. There are instances talaga na hindi mo maiiwasan. Hindi mo kayang kontrolin kung ano man ang nakatadhana para sayo. May ibang taong naghihirap sa buhay pero masaya, may ibang maginhawa ang buhay pero kulang sa pagmamahal ng pamilya. Kung lumaki kang ganyan na nagmamahal ka ng taong katulad mo na lalake, ganun talaga. Dun lang kita mabibigyan ng payo, kasi dun sa isang tanong mo, kahit ako sa sarili ko hindi ko alam mahalin sarili ko, kaya ayun heartbroken lagi. Basta cheer up. Like what CS Lewis once said, "Love anything and your heart will certainly be wrung, and possibly be broken. You must give your heart to no one, wrap it with little luxuries, until the time is right. To love at all, is to be vulnerable."

      Delete
    2. Thank you po sa advice :) Haay ang hirap lang talagang mahalin yung sarili :( Pero thanks po talaga

      -Depressed Guy (Mr. Author)

      Delete
  8. Ang ganda ng kwento.. sana may ganyan din ako.. hehehe

    ReplyDelete
  9. Cute ng kwento. Truly relatable, lalo na sa mga kapatid na nagsisikap to come to terms with their orientations and identities. Agree ako sa isang nag-comment na nakakalungkot na may mga kafederasyon (at least, sa sexual desires and practice) na nagungutya sa ibang bading at takot na maidentify o sumabay sa mga open sa kanilang sekswalidad (pa-mhin man o pa-gurl). At trulili din akong sang-ayon na labanan ang lahat ng uri ng homophobia; lalo't galing pa mismo sa hanay ng LGBTs. Sa kabilang banda, kinikilala ko ring mahirap ang pinagdadaanan ng mga "kloseta" (that's speaking from experience) at hindi mahinahon o banayad ang proseso ng paglaladlad. Kaya, sa aking paniniwala, higit na may malaking responsibilidad tayong mga "out-loud-and-proud" na mga kafatid na maging mas mahaba ang pasensya sa pag-intindi at pagpapaintindi. Naging "malaya" ako matapos ang 26 years na "pagkakakulong sa kloseta" dahil na rin sa pag-intindi at pagmamahal ng mga nakapalibot sa akin. Ito rin ang aking paniniwalang dapat nating ibigay sa mga nangangalampag pa sa kani-kanilang mga "kloseta".

    ReplyDelete
  10. Ganda tlga ng story mu kht na fiction....sana d ka na ma depress....sana mkasulat ka ulet ng magandang story yung hindi ka na depress ....at inspiration at happiness na yung bubuo ng bago mung story...hehe im just encouraging you thats all....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you po :) I hope I can write stories na hindi na ako depressed and the like. Thank you po talaga :)

      -Depressed Guy (Mr. Author)

      Delete
  11. Parehas tayong depressed author.. Ito ung tanging story sa KM na nakikita ko sarili ko sa kwento.. at alam ko yung ganyang feeling kasi nahihirapan din ako mahalin ang sarili ko. sana maging friends tayo in real life Depressed Guy.

    ReplyDelete
    Replies
    1. I honestly thought na parang ako lang yung nakaka experience nang ganito, I'm happy na hindi pala ako nag-iisa! Haha! Thank you po :) And by the way, Hey! New found friend XD Some facts of me; I'm still a teenager; always depressed; and I'm not good looking po unlike the other authors Hahaha XD

      -Depressed Guy (Mr. Author)

      Delete
  12. Ang Ganda TLaga Ng Estoryang To Promissee Naiyak Ako Sobra .. Nka ReLate Ako Kahit Kontii .. Ako Nga Yung BesTFrend Kung Boy Tinuturuan Ko Din Sya Ako Gumagawa Ng Proj Nya La Dedma Lg Ako .. Crush Kna Sya Since Grade6 Kmii .. Haisstt.. Kaurat .. Aneweys GoodJOB author Thumbs Up.. GandaSobra #LikeittMuchh

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you po :) Flattered naman ako sa comment Haha pero I have a crush na ewan or IDK if crush nga ba kase hindi ko naman siya talaga crush pero pagnakikita ko siya parang nasasabugan ako ng fireworks and parang I can't breathe Hahaha! Pero noon yun, ewan ko ba parang short term lang yung pagka crush ko Haha but I'm thankful na ganun para walang attachment, walang heartaches

      -Depressed Guy (Mr. Author)

      Delete
  13. nice story, depressed guy. i'm sure nabasa ng mga fave authors mo. favorite author ko rin sila. hope makapagsulat rin ako tulad ninyo. keep it up, guys, and inspired other people.

    -m@g

    ReplyDelete
    Replies
    1. typo error: should be m@sg

      Delete
    2. Thank you po :) I hope nabasa na nila, sana, kase I'm waiting na rin na iupdate ni Chaster Rassel yung Here and Now ang ganda kase :)

      -Depressed Guy (Mr. Author)

      Delete
  14. Thank you po talaga for reading my story :) I hope it was worth your time po :) Ganito lang po siguro, psychologically speaking nasa Stormy Age palang po ako kaya ayun yung hormonal changes po ata parang drastic, kaya eto nadedepress Huhuhu Pero thank you po talaga sa mga readers at sa mga nag comment :)

    -Depressed Guy (Mr. Author)

    ReplyDelete
  15. Hi Author:

    Move on ka lang. Pasasaan ba't matututunan mo ring tanggapin at mahalin sarili mo. Importante, malaman mo kung saan ka nararapat at dun ka magkakaroon ng puwang para paunlarin sarili. Matalino ka. Kayang kaya mo yan. Good luck.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you :) Someday I know I'll accept things over. Thanks!

      -Depressed Guy (Mr. Author)

      Delete
  16. May bestfriend ako, lagi kami magkasama sa mall, sa school , ako rin gumagawa ng projects at mga requirements niya, di ko alam kung manhid siya, dahil sobrang effort ko sa kanya, palagi kami nagkukulitan at naghaharutan, minsan kung iisipin parang kami pero hindi naman, mahirap pala talaga masanay na kasama mo ang isang tao. Siguro dapat matuto tayo na huwag umasa

    ReplyDelete
    Replies
    1. I have crushes naman pero I don't take it seriously lang. No attachments, parang it's just for fun lang para no heartaches. Pero who knows he feels the same rin? :)

      -Depressed Guy (Mr. Author)

      Delete
  17. Hahahaha. Inalis naman kaagad ng site-admin 'yung isang comment before I could react. Hahahaha. Pero hindi ko naman po balak lampasuhin 'yung nag comment na 'yun. Hahahaha. I was planning to do it with utmost subtlety ... by just addressing YET ANOTHER letter to Kuya Kenneth, Kahel, Dhenz, Rey, et. al. Hahahaha.

    Haay. The Dark Ages: The 700 years, more or less, when The Infinite last took a vacation. And we can still experience such "refreshing air", now and then, of the darker side of humanity's history, and the so called trip down memory lane. Hahahaha.

    In 1971, someone named Tom Clay made a beautiful re-doing of a 1965 classic song entitled What The World Needs Now. In Tom Clay's version, a man asked a boy some questions, and the boy gave his answers:

    “What is segregation?
    I don't know what seggeration is.
    What is bigotry?
    I don't know what biggery is.
    What does hatred mean?
    I don't know what that is..
    What is prejudice?
    Hmm, I think it’s when someone’s sick.”

    And following that boy's "concept" of what prejudice is, maybe being "sick" is NOT the most important thing THAT THE WORLD NEEDS NOW.

    To Kuya Kenneth, Kahel, Dhenz, and Rey. I once wrote two authors in this site named Andrey and Drake that tragedy is literature's penultimate story. Penultimate, because the greatest story in literature is that which men infinitely wiser than I am do not speak of. Those who did, well, probably thought that the Golden Tripod - dropped by Helen of Troy and decreed by the Oracle of Apollo to be given to the wisest man in Greece - belongs to them. The last man who wanted to read the mind of God, and wrote about it, has Lou Gehrig's disease (which recently dawned into our recent collective thought as ALS).

    - David

    ReplyDelete
    Replies
    1. Why? Anu ba yung last comment?

      -Depressed Guy (Mr. Author)

      Delete
    2. Was it some sort of a bash directly or indirectly to the story line? A "hate" comment or something?

      -Depressed Guy (Mr. Author)

      Delete
    3. A long time ago in Greece, there were certain women, called Sybils, with prophetic powers who wrote their prophesies on leaves. A Sybil would place these leaves at the entrance of her cave to be taken away before they were scattered by the wind, for then they become incomprehensible.

      Delete