m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, March 8, 2015

Teacher sa Japan

By: Lamdon

Alas onse na ng gabi pero buhay na buhay pa rin ang aking diwa.  Napakasaya ng paligid at halos di na kami magkarinigan ng aking mga kasama dahil sa lakas ng tugtog ng banda.  Anim kaming magkakasama na naka palibot sa isang mesa  na napapatungan ng isa na namang bagong bucket ng beer.   Pag apat na bucket na yata ito, medyo tinatablan na rin ako pero ang sabi ko sa sarili ko ay kailangan ko gawin ito.  Alam kong may tama na rin ang mga kasama ko dahil halos makipag sabayan na rin sila sa banda sa palakasan ng boses at tawa.  Nasa 30 ang customer table ng sikat na bar na yun at halos lahat ng mesa ay occupied na.  Ganun talaga madalas ang eksena lalo na pag weekend.
Birthday ng isang kasama namin sa trabaho at ang isa naman ay kakatanggap lamang ng letter of regularization. Kaya silang dalawa ang nagkasundong manlibre.  Ako naman, dahil sa tuwa para sa kanila ay di nagdalawang isip na sumama sa gimik.  Pero meron din akong ibang dahilan kaya ako sumama. Ang aking girlfriend si Michelle, ay nakakakuha ng trabaho bilang English teacher sa Japan.  Pero ayaw ko siyang umalis dahil mahal na mahal ko si Michelle at alam ko napakahirap mabuhay kapag wala siya sa tabi ko.  Tatlong taon na rin kaming magsyota  at sa lahat ng mga naging GF ko, siya lang yata ang minahal ko talaga ng todo-todo.  Napaka ganda at napakabait ni Michelle kaya walang lalaking hindi mababaliw sa kanya.  Schoolmate ko siya nung high school  pati college. Pero saka pa lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na manligaw sa kanya nung naging engineer na ako  habang siya naman nagtuturo sa isang malaking private school at kumukuha ng kanyang masters.
Hindi maganda ang paghihiwalay namin ni Mich kanina dahil nga ayaw ko siyang payagang umalis kaya nagkaroon kami ng pagtatalo hanggang sa huling minuto ng aming pagsasama.  Napaka bigat ng aking loob ng gabing iyon kaya gusto kong makalimot at umaasa ako na matutulungan ako ng beer na makalimot kahit pansamantala lang.  Sa limang kasama ko sa bar na iyon,
isa lang ang pinasabihan ko ng aking kalagayan sa mga sandaling iyon – Si Dave. Architecture graduate si Dave at kasama ko siya sa planning and construction department sa kompanyang pinagtrabahuan namin.
Ala una ng medaling araw, magsasara na ang mga bar dahil sa umiiral na curfew. Gusto ko pa sanang magtagal para magtuloy tuloy lang ang kwentuhan at tawanan namin pero pinilit na ako ni Dave na ubusin na ang laman ng pang anim kong bote ng beer para maka uwi na raw.
Nasa loob ng malaking compound ang bar na pinasukan namin kaya kailangan munang magkalad palabas sa main road.  Nung naglalakad na kami palabas, dun ko pa lang talaga na realize na lasing na lasing na ako.  Nawalan ako ng control sa aking katawan at di sinadyang nabangga ko ang bangketa ng nagtitinda ng mga kendi, sigarilyo at mani. Talagang napalakas ng pagkabangga ko na tumilapon mga tinda ng mama at nadaganan ko pa ang kahon na pinaglagyan niya ng kanyang mga tinda. Parang biglang nawala ang aking kalasingan at agad akong humingi ng tawad sa mama at agad kong nabanggit na babayaran ko na lang ang damage bago pa man siya makapagsalita.
Naramdaman ko na may mga kamay na tumulong sa akin para makatayo mula sa pagkakaluhod sa harapan ng mamang tindero. Hinila ko ang kamay na nakahawak sa aking siko ang inakbayan ko ang may-ari ng kamay. Nagulat at napahiya ulit ako dahil nung tiningnan ko, ibang tao pala at hindi si Dave.  Agad akong naglingon-lingon sa paligid at nakita ko si Dave na kalalabas sa pintuan ng CR at parang nagulat din sa ngayari sa akin. 
Maraming beses pa akong humingi ng paumanhin sa mamang nagtitinda kahit naabot ko na ang aking bayad sa damage.  Inabutan ko siya ng 1500 para makapamili ng bagong paninda bago pa kami nagpatuloy sa paglakad papuntang main road.
“Self control pare, wag ka patalo, damdamin lang yan.” Sabi ni Dave habang inaalalayan ako sa paglalakad.
Hindi na ako kumibo. Hindi ko rin naman alam ang isasagot ko.  Parang umiikot na ang buong paligid dahil sa kalasingan ko.  Naramadaman ko na parang may masakit sa aking tagiliran at masakit din ang aking ulo. Subalit ang pinakamasakit sa lahat, sa kalooban ko dahil hindi ko napigilan ang pag alis ni Mich.
Nakarating kami sa parking area at nahanap namin ang sasakyan ni Dave. Binuksan ni Dave ang passenger door pero naisip ko na sagabal lang ako kung magpapahatid ako sa kanya,. Nakainom rin siya at kailangan din niyang makapagpahinga na ng maayos.
“Pare mag tataxi na lang ako, para makauwi ka na agad” sabi ko kay Dave.
“Sigurado ka James?” Si Dave.
Ryan James Magallanes ang buo kong pangalan. Pero iilan lang ang tumatawag sa akin ng James – kasama na dun si Dave, si Michelle at iba ko pang malalapit na kaibigan.   Sa opisina, mas kilala ako bilang Ryan.
“Oo, isang sakay lang naman yan. Para di ka na rin maabala.”
Pinilit pa rin ako ni Dave na sumakay na sa pick up niya pero nag insisit din ako na hindi na.  Tumigil si Dave sa pagsasalita at tiningnan ako ng maigi, na para ba ina-analyze niya ako kung kaya ko pa. 
“Kaya ko pa! Isang sakay lang yan.  Tsaka maraming beses ko na ring nagawa na magtaxi ng ganito.” Pangungumbinsi ko sa kanya. 
“O sige ikukuha na kita ng taxi. Pero pare, (sabay hawak sa dalawa kong balikat at tiningnan niya ako sa mukha… ako naman ay nakatingin lang sa lupa dahil parang nahuhulaan ko na kung ano ang sasabihin niya) hindi naman kayo nagkahiwalay ni Mich, magkalayo lang kayo pero hindi naman ibig sabihin nun, na hindi ka na niya mahal.  Hindi naman kayo nag break diba”?
Tiningnan ko lang siya saglit at yumuko na ulit ako.
“James, (hinwakan na niya ako sa pisngi) alam kong mahirap ang pinagdaan mo ngayon pero hindi tama na magpatalo ka sa iyong damdamin”.
Sasagot na sana ako sa kanya pero bigla akong nakaramdam ng pagkasuka kaya hinawi ko ang kanyang kamay para di ko siya masukahan.   Tinapik niya ako sa likod at tinanong kung OK lang ako.  Di naman natuloy ang pagsuka ko kaya tumango-tango lang ako.
“Hintayin mo ako saglit, kukuha lang ako ng kape. May vending machine diyan sa malapit”.
Sumandal na lang ako ulit sa pick up ni Dave, nakalaylay ang balikat at ulo. Nakaramdam na naman ako ng labis na pagkalungkot. Naalala ko ang pag aalaga sa akin ni Mich kapag nangyayari ito na napasobra ako ng inom.  Isang bot ng malamig na tubig ang ipinaiinom niya sa akin at ini encourage niya akong sumuka para daw mabawasan ang alcohol sa katawan ko.  Nalala ko ang kanyang mga ngiti, ang pagdampi ng kanyang palad sa aking kamay, ang amoy ng kanyang pabango, at mamrami pang iba.  Hindi ko na alam kung anong nangyari sa akin sa mga oras na iyon dahil parang napakabigat na talaga ng aking dinadala at bigla na lang akong napahagulgol. 
Siya namang pagdating ni Dave, bitbit ang dalawang maliliit na paper cup na may lamang kape.  Napansin niya ang aking pag iyak kaya agad niyang ipinatong sa hood ang dalang kape at niyakap niya ko ng mahigpit.  Ako naman ay parang batang nakahanap ng kakampi kaya ibinuhos ko na lahat ng luha kasabay ng pag-asa na pagkatapos nitong lahat ay wala na akong maramdaman. Hindi na ako nahiya kay Dave, at puro “its ok…. Its ok…. Its ok” lang ang narinig ko sa kanya sa mga sandaling iyon.
Nakapatong ang noo ko sa balikat ni Dave, habang siya naman ay nakayakap sa akin, hinahaplos at tinatapik-tapik ang aking likod.  Mga ilang minuto rin kaming nasa ganung posisyon. Hanggang sa nakarinig ako ng kulitan at tawanan ng mga tao sa malapit at bigla kong naamoy ang pabango ni Dave at naramdaman ko rin init ng kanyang katawan habang nakayakap sa akin. Athletic built ang pangangatawan ni Dave at madalas siyang mag suot ng semi-fit na polo shirt katulad ng suot niya nung gabing iyon.
Dahan dahan, inyos ko na ang aking sarili, sabay dukot ng aking panyo sa bulsa para pahiran ang aking luha at sipon. 
“Ok ka na”? tanong ni Dave sa akin, sabay tapik sa aking balikat. 
Tumango lang ako.   “Pasensiya na pare, di ko mapigilan eh.  Baka napag tsismisan tuloy tayo ng mga dumadaang tao” sabi ko.
“Wag mo silang isipin. Di naman nila tayo kilala eh. Tsaka mabuti yang nailabas mo ng maayos ang damdamin mo para makapagpahinga ka ng maayos”.  Tapos inabot na niya sa akin ang aking kape.
Wala pang five minutes, naubos ko na ang aking kape at nagyayana ako agad na umuwi na. Nag alok ulit siyang ihatid niya ako sa bahay pero tinanggihan ko ulit iyon. Nagyaya rin siyang sa bahay na lang nila ako matulog pero tinanggihan ko ri yun. Naisip ko magandang ideya nga na sa kanila ako matulog para di ako masyadong malungkot at may makakausap ako. Kaya lang baka gising pa si Tita Lydia, ang mama ni Dave at Makita niya ako sa lagay ko.
Tamang-tama, may paparating na taxi, pinara ito ni Dave at kinausap sandali. Nung time na yun naisip ko sa sarili ko, ma swerte pa rin ako dahil naging kaibigan ko si Dave. Napaka maalaga niya, concerned at hindi niya ako iniwan. 
Tapos pinalapit na niya   ako at sinabi sa akin na ihahatid ako ng taxi sa gate mismo ng bahay ko.  Bago ako sumakay sa taxi, niyakap ko nang mahigpit si Dave at ibinulong ko kay Dave ang aking pasasalamat na hindi niya ako iniwan. 
Pagkaupo ko sa passenger seat ng taxi, pumikit na ako agad at naramdaman ko ang pag larga ng sasakyan.   Ilang Segundo lang, nagsalita ang driver ng taxi.
“Napaka concerned naman ng kasama mo sir, best friend moba yun?”
Nagdilat ako ng mata at sinagot ko siya “Ssiguro”.
Yun lang ang nasagot ko dahil sa tagpo iyon, iniisip ko pa kung talaga bang best friend na ang turing ko kay Dave.
“Parang meron kayong pinagdadaanan ngayon sir ah” si driver ulit.
Bago ko siya sinagot, tiningnan ko ang ID niya na nakasabit sa may wind shield.  Dennis Sevillejo ang nakalagay na pangalan.  Tiningnan ko rin ang picture, mukahang mabait, malinis at parang kaedad ko lang.  Tapos tiningnan ko rin ang driver para malaman kung siya talaga yung nasa ID.  Siya nga. Medyo kulot pero malinis, matangos ang ilong, palangiti at may bagong tubong bigote at balbas (yung parang 2 days ago lang nag shave).
Mukhang maayos naman siyang kausap, at naisip ko, kailangan ko ring maging maayos sa kanya baka bigla akong ibaba  pag di ako nag ayos.
“Umalis kasi ang GF ko.” Sabi ko sa kanya.
“Naku!” Ang mabilis niyang tugon. “pag babae talaga, mahirap na problema yan lalo pag tinamaan ka… pero kung ako nasa lugar mo Sir, di ako masyadong mamrublema. Sa gandang lalaki mong yan, siguradong maraming maghahabol sa iyo niyan.  Sa tingin ko naman, maayos at Malaki ang kinikita mo sa iyong trabaho”.
Hindi ko na siya kinibo.  Nakasandal lang ako, nakatingin sa unahan at binilang ko sa isip kung ilan sa mga babaeng kilala ko ang halatang may gusto sa akin. Hindi ko naman nabilang pero maraming mukha ang pumasok sa isip ko. Siguro, hindi bababa sa sampu. Parang common knowledge naman yun, at hindi naman sa pagpmamayabang, parang napabilang din naman ako sa mga taong nabiyayaan ng mukha na pwedeng ipagmayabang.  Matangos na ilong, mapungay na mga mata, skinhead na gupit, morenong balat at tamang hubog ng katawan. 5’5” lang ang tayo ko pero ok na ako sa height ko.  Size ng batuta? Ok rin naman, parang height ko rin, 5.5. Hindi Malaki, di rin maliit.    
“May tama ba sir?” si Driver Dennis uli.
“Tama?”
“Mahal mo ba talaga yung GF mo?”
“Oo eh”
“Yun lang” sabi niya. “Mahirap nga yan”.
Nakapasok na kami sa gate ng subdivision nang bigla na naman akong naduwal.  Pinatigil ko muna ang sasakyan at agad akong lumabas at inilabas ko na nga ang nainom at nakain ko pulutan.     Nagulat naman ako nang biglang lumabas sa taxi si driver natatarantang tinanong kung ok lang ako.
“Sir anong nagyari sayo? San ang sugat mo? “
Naisip ko, parang OA din magpakita ng concern itong driver na ito.
“Ok na ako…”
“Sir andaming dugo sa upuan ng taxi! San ang sugat mo?” Sabay hipo sa aking tagiliran at baywang.
Ako naman, sinilip ko ang inupuan ko at nakita ko na marami ngang marka ng dugo.
Naalala ko na may masakit sa gilid ko kaya tiningnan ko yun.   Naroon nga. May sugat ako, mga dalawang pulgada na nakapatong sa kanang hipbone.  Yun palang init na naramdaman ko sa hita ko, dugo pala yun. Akala ko dala lang din na kalasingan.   
“Malapit na ba ng bahay nyo ditto sir? May kasama ka ba sa bahay?” mas kalmado ang boses ni driver. Dahil siguro nakita na niya ang sugat ko.
“Tatlong kanto na lang mula ditto… wala akong kasama eh” sagot ko.
“Saan mo ba nakuha yang sugat na yan?”
“Di ko maalala. Baka dun sa pagkabangga ko sa bangketa”
“Kailangan linisin nag sugat mo sir bago pa magsara para di ma impeksiyon”.
Tapos pinasakay na niya ako sa taxi at itinuro ko naman ang daan papunta sa amin.  Ipinarada niya ng maayos sa tapat ng gate namin ang taxi at lumabas agad para tulungan ako.  Nung nakalabas na ako sa taxi at inaalalayan niya ako,  naisip ko kung papapasukin ko siya sa bahay o hindi.  Sa panahon ngayon, mahirap na.  Lalo pa’t mag-isa lang ako at wala pa sa tamang katinuan.    Kaya naghanap ako agad ng paraan para wag na siyang pumasok sa bahay. 
“Pare ok na ako, baka masyado na kitang maabala sa pamamasada mo. Syianga pala, yung seat cover ng taxi, bayaran ko na lang” sabay dukot sa wallet ko.
“Sir kailangan munang malinis yang sugat mo. tSaka baka iniisip mo na pagnakawan ko kayo lalo ngayon wala kang kasama.  Hindi ko naman gawain yan. Halos magkaedad rin naman tayo kaya medyo alam ko ang pinagdadaanan mo ngayon.  Isipin mo nalang na malasakit ko ito sa kapwa ko gwapo”  sabay tawa ng konti.  
Parang nawalan ako agad ng depensa sa persistence ni driver kaya “bahala na”. yun na lang ang pumasok sa isip ko.   Paglapit namin sa gate, agad umilaw ang maliit na flood light. Bunggalow type ang bahay namin. 350 sqm ang lote at 280 and buong floor area.  Tatlong kwarto sa mezzanine at dalawang malalaking kwarto sa basement.
“Sayo ba itong pick up sir? Mukhang bago ah” tanong ni driver sa akin habang binubuksan ko ang pintuan.   Tinutukoy niya ang putting Fuego Pick Up sa garahe.
“Oo, bihira ko lang gamitin eh. Hassle maghanap ng parking” 
“Oo nga naman.”
Pagpasok namin, binuksan ko ang ilaw,  apat na warm yellow sa mga corner, at isang daylight LED sa gitna ng chandelier.
Uupo na sana ako sa sofa pero pinigilan niya ako, baka daw dumikit ang dugo sa upuan.  Nakahanap siya ng lumang bed cover sa laundry room na tinuro ko. At yun ang ginamit na pantabon sa sofa bago pa ako naupo.   
“Linisin natin sugat mo sir”
“Ryan na lang pare… yan ang pangalan ko.  Ikaw, Dennis ang pangalan mo diba?”
“Dens na lang, para magaan hehe”
“Pare salamat ha, masyado pa kitang naabala sa pamamasada mo” habang hinuhubad ko ang aking pantalon.  
“Ok lang yun, naka boundery na rin naman ako eh.”  Parang napaka reassuring naman ng pagkasabi niya nun. At kung makipag-usap siya, parang matagal na kaming magkakilala.  Kaya medyo magaan na rin ang loob ko sa kanya.
“Hubarin mon a rin yang brief mo, andami na ring dugo niyan sa likod eh. “   si Dens.
Parang nakaramdam ako ng awkwardness. Isipin ko lang na maghuhubad ako sa harap niya on first encounter hehe  di ko yata napaghandaan yun. 
“Ok lang yan,” sabi niya. “Marami na akong nakitang ganyan sa ospital”
Pinaliwanag niya na registered nurse siya at naka dalawang taon na ring nagtrabaho bilang ER nurse sa isang private hospital. Nagresign siya at nag apply sa Canada.  Visa na lang ang hinihintay para maka alis na.  Yung taxi na minamaneho niya, sa ninong niya yun kaya wala ring problema.
Tuluy tuloy na ang daloy ng aming kwentuhan. Tiningnan ko siyang pabalik-balik sa kusina para palitan ang tubig sa maliit na palanggana at malabhan ang towel na ginamit niyang pampunas sa dugo sa binti at hita ko.  Narinig ko siyang magkwento sa mga karanasan niya sa ospital. At sinagot ko rin ang mga tanong niya tungkol sa akin, kay Mich at sa aking pamilya. 
Masarap mag-alaga si si Dennis. Pinaniwalaan ko siya sa kanyang sinabi na isa siyang nurse dahil alam na lam niya kung paano ang dapat gawin ng isang nurse sa isang lasing at may sugat na tulad ko.  Napakasarap sa pakiramdam nang pinunasan niya ng mainit-init na towel  ang aking noo, leeg, dibdib at likod.  Pero nakaramdam din ako ng pagkailang nang bumaba na siya sa aking hita upang pahirin ang mga natuyong dugo.  Mahirap tanggalin ang mga tuyong dugo kaya medyo nagtagal siya dun banda. Paminsan minsan at nasasagi niya ang aking bayag at ang tarugo ko na mismo, dahilan ng kaunting paninigas nito pero kusa ring lumalambot. Ang huling maalala ko, pinatagilid niya ako at hinagod ng basing towel ang aking likod at puwitan.
Nagising ako dahil nakaramdaman ako ng pagkaihi. Madilim ang paligid kaya di ko matantiya kung nasaan ako.  Halos bumalikwas ako sa hinihigaan kong sofa nang maalala ko na nakatulugan ko pala si Dennis.  Tumayo ako at binuksan ang ilaw.  Paglingon ko, nakita ko si Dennis na pinagkakasya ang sarili sa mas maliit na sofa. Nagising siya at halatang nasilawan sa biglang liwanag ng ilaw.      Bumangon siya  at umupo sa sofa na hinigaan ko.
Nahiya rin akong bigla nang ma-realize ko na nakahubad pa rin pala ko nakaharap sa kanya at kumakaway sa kanya ang semi-erect kong batuta.  Agad kong kinuha ang bedsheet na pinangsapin sa sofa at ginamit itong pangsapin.
“Pasensiya na Pareng Dens ha, nakatulogan kita” pero ang totoo, guto kong mag sorry sa kanya dahil sa nakaraang minute ay nagduda ako na hinakot na niya lahat ng gamit namin sa bahay.
“Ok lang. Di na rin muna ako umalis para makapamili ako ng maayos kung alin sa mga gamit ninyo ang iuuwi ko hehe.  Loko lang.  may kailangan ka ba?”  
“Iihi lang ako pare” Wala na akong ibang maisip na sagot sa kanya dahil  dalawang beses nang parang nababasa niya ang aking iniisip tungkol sa kanya.
Paglabas ko ng CR, napansin ko na ginamit ni Dennis na pamaypay ang isang square na throw pillow.
“Siyanga pala, ibinabad ko sa washing machine niyo ang seat cover ng taxi na namantsahan ng dugo. Ok lang ba?” napakaamo ng boses ni Dennis.
“Oo naman, dapat nga ako ang gagawa nun.  Panu pala niyan di mo pa maigagarahe ang taxi  hanggat di matuyo ang cover?”  concerned ako kunwari.  Pero  totoo naman talaga.  Hindi mahirap kaibiganin si Dennis. Napak gaan ng buhay kung siya ang kasama.
“Ok lang naman yan kay Ninong. Pero tinawagan ko pa rin siya kanina para alam niya kung nasan ang unit.”
“Bait pala ng ninong mo”
“Oo, mabait yun, basta kausapin mo lang ng maayos. Optimistic yun palagi”.
“Gusto mong pahiramin kita ng shirt? Parang naiinitan ka na kasi, tsaka kumikintab na yang mukha mo hehe. Kung trip mo, mag shower ka na rin muna para makapagpahinga ka ng maayos”
“Nakakhiya naman sayo, masyado na akong abala” mahinang sabi niya.
“Ano ka ba. Anlaki kaya ng utang ko sayo. Tsaka ako ang nang aabala sayo no!”  Sinabi ko yun para di naman siya masyadong mailang.  Dun ka na lang sa kwarto ko maligo, may hot shower dun at dun ka na rin matulog pare para mayos ang pagka higa mo”. Sanay rin kasi akong matulog na may katabi dahil sila Dave at ibang mga kaibigan namin ay madalas sa bahay natutulog at duon sa kwarto magsiksikan kahit may ibang bakanteng kwarto.
“Ssige…” yun lang ang narinig ko sa kanya.
Niyaya ko na siyang pumasok sa kwarto at sumunod naman siya sa akin.
“Ryan sigurado ka ok lang sayo ha”  si Dens ulit habang naglalakad papuntang kwarto.
“Pare, yung pumara sayo kanina na kasama ko, si Dave yun. At madalas din yun matulog dito sa kwarto ko.”
Pagpasok namin sa kwarto, kinuha ko ang remote ang aircon at nilagay sa 23 ang set ng temp.
“Pare at home ka lang ha” sabi ko kay Dens habang binubuksan ang closet at naghanap ng shorts para sa aming dalawa.   Binigyan ko na rin siya ng gray na cotton shirt. 
Tinuro ko sa kanya ang pintuan ng banyo at umupo na ako sa kama at sumandal sa head board.  Bahagyang tumagilid si Dennis at naghubad na ng kanyang Tshirt.  Meron pala siyang malaking tribal na tattoo sa kanyang braso at may isa namang parang malaking kalmot na nakaguhit sa kanyang rib area.  Magnda ang pangangatawan ni Dennis. Puro lean muscles at walang taba sa kanyang tiyan. In fact kahit nakatagilid siya, kita pa rin ang malilit na hulma ng kanyang abs.  Hinubad na rin niya ang kanyang pantalon at ang tanging natitira na lang ay puting brief.  Tiniklop niya ang kanyang tshirt at pantalon at pinatong ito sa maliit na mesa sa may gilid.  Tapos, hinubad na rin niya pati ang kanyang brief at nasilip ko ng konti ang nakalaylay  na semi erect na sandata niya.
“Ganda ng tattoo mo pare ah.”  Pambasag ko lang na katahimikan.
Ngumiti lang siya at biglang humarap sa akin.  Nagulat ako sa ginawa niyang iyon  pero namangha rin ako sa isa pa niyang tattoo.  Isang malaking ahas mula sa kabilang gilid at nakahap/nakakanganga na parang kakagatin ang kanyang batuta.
“Haha di ako alam na ganun pala kalawak ang iyong imahinasyon pare. Palagay ko alam ko ang ibig sabihin niyang ahas”
“Hehe ano naman yun?” sagot niya.
“Ang ahas ay galit sa kapwa ahas haha”
Tawa lang din ang sagot niya at lumapit sa akin.
“Ooops pare wag masyadong lumapit, nakakailang na.  At nakaka insecure na din”. Napansin ko kasi na parang mas Malaki at mas mahaba ang alaga niya kaysa sa akin. 
Yumuko siya para tingnan ang kanyang alaga. Pinatakbo niya ang kanyang palad san aka umbok niyang dibdib at inayos ang hanay ng manipis na guhit ng balahibo mula sa kanyang pusod pababa sa kanyang pubic area.   Tapos hinawakan niya ang kanyang alaga at sinabi na halos pareho lang naman ang laki ng ari niya sa akin.
“Sige na pare maligo ka na para makapagpahinga na tayo.”
Wala pang 10 minutes, lumabas na ng banyo si Dennis.  Tinanggal niya ang kanyang tapis na parang walang taong nakatingin sa kanya, saka sinuot ang pinahiram kong shorts.   Tapos umupo na siya sa gilid ng aking kama.  Umurong naman ako sa kabilang gilid bilang senyas sa kanya na pwede na siyang mahiga.   Pumasok na rin ako sa loob na kumot.
“Pare at home ka lang ha.. wag kang mahiyang magsabi kung may kailangan ka..”  sabi ko sa kanya.
“Maraming salamat Ryan. Ang swerte ng mga kaibigan mo sayo, ang bait mo eh”… hindi ko alam kung ganun talaga siya kung magsalita o nambobola lang.
“Pare  itulog mo lang yan. Mawawala rin yan bukas.”  Tapos tumalikod na ako at pinikit na ang aking mga mata.
Naramdaman ko sa galaw ng foam ang paghiga niya at pagpasok niya sa loob ng kumot. 
“Ryan kmusta pala sugat mo? Makirot pa ba?” Si Dennis uli.
Dnilat ko ulit ang aking mata at nagsalita; “Oo pero din naman msyado”
“Linisin natin yan ulit bukas ha”
Hindi na ako umimik para makapagpahinga na rin siya. 

Ilang sandali lang ng katahimikan at nagsalita ulit siya: “Ryan Pare, bakit pala?..”
Sa klase ng kanyang tanong, naramdaman kong gusto pa niyang makipag kwentuhan. Kaya tumihaya na ako pero bahagya kong nilingon sa kanyang direksiyon ang aking mata.  Natika ko na nakatagilid siya at nakaharap sa akin. Hindi niya sinuot ang tshirt na pinahiram ko at nakalabas sa kumot ang kanyang ulo, balikat at isang kamay.
“Anung bakit?” tanong ko naman sa kanya. Nakatingin ako sa kisame.
“Bakit ka nagdecide na papasukin ako dito sa kwarto mo?” tapos naramdaman ko ang init ng kanyang palad sa aking balikat. Napakainit ng kanyang palat sa aking balikat.
Parang kinabahan ako sa kanyang tanong pero di ko inisip yun masyado. Sinagot ko siya sa totoong dahilan. At yun ay gusto kong suklian ang kanyang kabaitan. “Ang bait mo kasi sa akin kaya sa tingin ko, dapat lang suklian ko ang kabaitan mo.”
“Nakita ko rin naman kasi na kailangan mo ng suporta ngayon. Tsaka nagkataon lang din siguro na alam ko paano tugunan ang problema mo sa sugat,  kaya di rin kita pwedeng iwan”.
“Maraming salamat din pala.” Sabay lingon ko sa kanya para mapakita na sincere ako sa aking pasasalamat.  “Kundi siguro ikaw ang nasakyan ko, baka naubusan na ako ng dugo ngayon”.
Ngiti lang ang binitawan niya, sabay pisil uli sa aking balikat.
Hindi ko maalala kung ilang oras kaming nakatulog. Pero nang idinilat ko ang aking mga mata ay  mukha na niya ang sumalubong sa aking paningin.  Napakalapit ng kanyang mukha at nakatitig siya sa akin.  Bahagya kong inurong paatras ang aking ulo tapos binati ko na siya ng magandanang umaga.
Subalit sa halip na magsalita siya ay bigla na lamang niyang nilapit ang kanyang mukha sa akit at binigyan ako ng smack sa lips.   Sa tindi ng gulat ko sa ginawa niyang iyon ay di ako nakareact ng maayos.   Nanlaki ang aking mga mata na nakatingin sa kanya pero di ko magawang tanungin siya kung bakit….
Sinundan pa niya ito ng isa pang halik, mas mahaba kay mas nadama ko ang init ng kanyang labi na nakadikit sa akin.   Pero bigla ko siyang natulak nang naramdaman ko ang kanyang dila na dahandahang pumapasok sa pagitan ng aking mga labi.
Dagli akong bumangon at nagtungo sa CR. Ni lock ko ang pinto at agad naglagay ng toothpaste sa aking toothbrush. Nanginig ang aking mga kamay kaya pinilit kong kumalma para mailagay ng maayos ang toothpaste.  Habang nagsisiplyo ako ay napasulyap ako sa salamin sa kaing harapan.   Bigla akong napatigil , natulala ako na di ko maintindihan.  Habang pinagmamasdan ako ang aking sarili sa salamin ay  bumalik sa aking isipan ang  mga titig ni Dennis pati na rin ang mga sandaling magkadikit an gaming mga labi.  Hindi ko maintindihan ang aking naramadaman – nandidiri ako pero y parte rin sa sarili ko na gusting balik-balikan ang mga sandaling iyon.
Mga ilang minuto pa ang tinagal ko sa CR bago ko narinig ang katok sa pintuan.

Itutuloy

4 comments:

  1. Maganda ang takbo ng estorya. Nakakabitin kung ano mangyayari!

    ReplyDelete
  2. nkkbitin nman author

    ReplyDelete
  3. Beautiful :) Is this fiction po or non-fiction? Anyways, keep this story up. Sana masundan na.

    ReplyDelete
  4. Nakakabitin :)

    Pero Tuloy nyo lang po ^^

    ReplyDelete