m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, September 6, 2015

Here and Now (Part 37)

By: Chaster Rassel 

 Chapter 37: Unveiling...

SI HYROMIN......

    “Anong ginagawa mo?!”usisa ni kuya Oryo na sungit-sungitan pa rin.......
    “Inaakbayan ka”
    “Huwag mo nga kong pinipilosopo!”
    “Oh eh di tatanggalin”

Inalis nga ni kuya Hunsel iyong pagkakaakbay niya. And now, he’s the one na umiwas na lang ng tingin. I thought fail na naman siya, pero..........

    “Sinabi ko bang alisin mo?”biglang banat ni kuya Oryo.....

It looks like nabigla si kuya Oryo sa pagsabi nun. Natigilan kasi siya at nanlaki ang mga mata niya. Si kuya Hunsel naman, napalingon ulit sa kanya and then......

    “What did you say?!”napapangisi niyang usisa.......
    “Wa...Wala! Kalimutan mo na iyon!”
    “Yeah right...So nagpapakipot ka lang pala after all...Hihi”

Tuluyan nang napangisi si kuya Hunsel at talaga namang abot tenga ito......

    “Ewan ko sa iyo...Bahala ka sa buhay mo, gawin mo ang gusto mo!”iyon na lang ang naging sagot ni kuya Oryo sabay iwas na naman ng tingin sa kanya......
    “Okay...As you wish”

With that, kuya Hunsel did it again, inakbayan na naman niya si kuya Oryo. This time, wala nang palag si kuya Oryo. And I also noticed na medyo napapangiti na din siya........

    “Ayeeeeeeee! Smile pa more kuya Oryo!”banat ko.....
   
Nag-iba bigla iyong timpla ng mukha niya and......

    “Hoy hindi ako ngumingiti ah!”pagpapalusot niya.....
    “Hindi daw....Nakita ko rin iyon kuya! Huwag ka nang magpalusot! Haha”natatawang sambit ni Revy.......
    “HEH! Sharap!..Isa ka pa eh!”
    “Hahaha”

And that’s it, nanatili na lang sa ganung posisyon ang dalawang mokong. Nang dumilim na, we decide to get out of the cable car na. Pagdating sa station ng cable car, pinauna kaming lahat ni kuya Hunsel na bumaba. Bale siya ang pinakahuling lumabas.
Pagbaba namin, all the lights around the place suddenly turn off, including the cable car’s. Sobrang dilim! At dahil matatakutin nga ako, napaakap ako ng di oras sa boyfriend ko. It’s really a good thing na magkadikit lang kami all the time........

    “What the heck is going on?!”bulalas ko......
   
After a few moments, biglang nagkaroon ng liwanag mula sa likuran namin. Napalingon kami, kahit si kuya Oryo ganun din. To our surprised, may mga lights na nakacover sa mga cable car at may pattern ito.

There’s a total of 3 cable cars. Iyong nasa bandang left, letter I ang pattern nung lights, sa may right letter U and then ung sa middle heart shape. If you’re gonna read it, it actually says “I Love You”. I can’t help but smile at syempre, kinilig din ako........

    “Ano na naman toh? Part pa rin ba toh ng plans niyo ni kuya Hunsel for me?”
    “Hindi...Wala naman kaming pinag-usapan na ganito eh”
    “What?! If this is not for me, then...”   

I just realized something, kaya napahinto ako sa pagsasalita. At mas lalo pa kong kinilig. But this time, it’s not for myself, but for the person standing behind us, si kuya Oryo!. Napalingon na lang kami sa kanya.......

    “Yes, this one is not for you bro....Because this is for the person that’s on your mind...AND ON MY HEART”

Pagkasabi nun, agad nang lumapit si kuya Hunsel kay kuya Oryo. Then he grab and hold his hands............

    “Oryo...This is the real reason kung bakit pinasama kita dito...I am now ready para sabihin ang nararamdaman ko para sa.....”
    “AYEEEEEEEEE!!!”bigla kong banat......

Medyo napalakas ang boses ko. Because of that, napahinto siya at napatingin sa akin. He looks irritated, kaya naman........

    “Sorry kuya ehehe”nakangisi kong sambit.....

Tumingin na siya ulit kay kuya Oryo to continue......

    “Ahmmm Oryo...Right from the start, you were a thief, you stole my heart....And I’m a willing victim...”

After I heard that, hindi ko napagilan ang sarili ko at napabulalas ako ng......

    “Kumanta daw ba...Ang corny mo naman kuya!”

Napatingin na naman siya sa akin. At this time, nabwiset na siya.........

    “Bro! Will you please shut the hell up! Nasisira ang diskarte ko eh!...Okay?!”
    “Okay sir...Hindi na po...Tatahimik na po! Promise!”mabilis kong sagot .....

And to make sure na hindi na ko makakaepal, tinakpan ni Revy ng kamay niya ang bibig ko. At pinatong ko na din ang dalawa kong mga kamay, para mas sure. Although napapangisi pa rin ako, while watching them......

    “Okay...I’m just gonna make it plain and simple na lang...Oryo Pagala, I love you....MAHAL KITA!”

SI RASSEL......

Nasa airport na ko para sunduin si auntie Divine. Mga 30 minutes din siguro ako naghintay, until makita ko siya na lumalabas na. Sinalubong ko siya, to help her carry her luggages niya......

    “Auntie!”nakangiti kong bati......

Syempre, beso-beso din muna. Tapos tinulungan ko na siya......

    “So how’s your trip auntie?”usisa ko habang binubuhat na iyong luggages......
    “Boring...Tiring...Everything”

We went to my car already, after kong mailagay sa trunk iyong mga gamit, sumakay na kami. Sa may passenger seat sumakay si auntie, so magkatabi kami. Inistart ko na iyong kotse. And before we go......

    “So saan ko po kayo ihahatid auntie? Saan kayo tutuloy?”
    “There’s this pad that a friend lend me...Here’s the address on my phone, take a look at it”sagot niya sabay abot sa akin ng phone niya.....
Nang makita ko iyong address, nabigla ako......

    “Unit 1207?!....Seriously auntie?! Ito iyong place?!”sambit ko sabay tingin kay auntie..........
    “Yeah...Alam mo kung saan iyan?”
    “Opo!...Dito po kasi ko nakatira dati sa building na toh eh...At katabi pa ng unit niyo iyong unit ko dati”
    “Really? What a mere coincidence”
    “Coincidence nga ba talaga? Eh pangalawang beses na toh ah”bulong ko sa aking sarili......
    “What about you? Saan ka pala tumutuloy dito ngayon?”
    “Nagcheck-in po ako sa isang hotel”
    “Hotel? That’s gonna cost you a lot...What if kung dun ka na lang din tumuloy sa condo?”
    “Po?”
    “Rass, I know na hindi naman talaga big deal ang gastos sa atin...Pero mag-isa lang naman ako dun eh...At mag-isa ka lang din sa hotel...So mas okay na iyong naisip ko...At least we can accompany each other”

Come to think of it, kapag pumayag ako sa offer ni auntie, mas magiging madali para sa akin na kilalanin at kaibiganin iyong dalawang bata na nasa dati kong unit. Dahil magiging neighbors kami. Napangiti na lang ako kay auntie at.......

    “Sige po auntie...Dun na lang din ako sa condo...Ahmmm...Is it okay kung dumaan muna po tayo sa hotel?...Kukunin ko lang po iyong mga gamit ko then magchecheck-out na rin...Tapos diretso na tayo sa condo...Para di na po sana ko lalabas ulit later”
    “Sure...No problem”

Pinaandar ko na ang kotse. While we’re on our way sa hotel, nagpatuloy ang conversation namin..........

    “At last...Nakabalik na rin ako dito...Mukhang marami-rami na rin ang nagbago dito sa Pilipinas ah”sambit ni auntie habang tumitingin-tingin sa labas ng bintana.....
    “Gaano po ba kayo katagal na hindi nakauwi dito?”
    “It has been 10 years ”
    “Ang tagal na rin pala auntie”
    “By the way, where did you get this car from? It looks pretty new...Did you rent it?”
    “Nope...Dad bought it for me...Para daw may magamit ako sa adventures ko dito”
    “What?! Hay naku, iyan talagang si Harry oh...He’s spoiling you too much”
    “Ayaw niyo pa iyon auntie? I can drive you to anywhere you want to go...Tsaka, hayaan niyo na po iyong si Dad...Bumabawi lang iyon sa akin”
    “Ganun? Biruin mo nga minsan iyang Dad mo...Tell him na bilhan ka ng house and lot...Ah no!...Something much better and bigger...A mansion! hehe”

At natawa na lang ako sa joke na iyon ni auntie.

SI HUNSEL......

Sa wakas! I did it! Naipagtapat ko na kay Oryo ang nararamdaman ko for him. I thought everything’s going to be alright now. Pero unexpected ang naging reaction ni Oryo. Bigla siyang namutla and then he glare at me.........

    “Bitawan mo ko”sambit niya......
    “What? Pero...” 
    “Ang sabi ko, BITAWAN MO KO HUNSEL!”

As he said that, his eyes became teary. At dahil hindi ko pa siya binibitawan, nagpumiglas na siya. I let go of him, then agad naman siyang tumalikod at lumakad palayo sa amin. Hinabol ko siya..........

    “Oryo wait! Mag-usap muna tayo!”

He stopped and then humarap siya sa akin at.........
   
    “Pwede ba Hunsel! Tigilan mo na itong mga kalokohan mo!!”
    “Kalokohan? So iyan ba ang tingin mo sa lahat ng efforts na ginawa ko ngayon especially for you?”

At that point, my eyes start to get teary as well..........

    “OO! At hindi na nakakatuwa! Pati kap....Pati si Revy dinadamay mo pa! Alam mo, wala namang saysay na pagtalunan pa natin toh eh...Ang mabuti pa, umuwi na lang tayo!”

Hindi na ko nakasagot pa, natahimik na lang ako. I cannot believe this, I can’t even understand why he’s acting like this. Awhile ago okay naman siya eh, we were good and enjoying inside the cable car. And then now, nagtapat lang ako sa kanya, nagalit na siya. And worse, parang wala lang sa kanya ang lahat. At  iyon ang masakit.

Napatingin ako kina Hyro at Revy, natigilan din sila. Even the two of them, seems to be incredulous sa naging reaction ni Oryo. At the end of the day, we decide to do what he wants. At iyon ay ang umuwi.

But to avoid worsening the situation, humiwalay na lang ako sa kanila. Sumakay ako sa kotse ko, then sina Oryo at Revy sumakay sa kotse ni Hyro.

BALIK KAY RASSEL......

Nakarating na kami sa may condo. Habang binubuksan ni auntie Divine iyong pinto ng unit 1207, panay ang tingin ko sa pinto ng katabing unit. I wonder kung nasa loob ba right now iyong dalawang bagets........

    “Here we go...The door has open”sambit ni auntie.....

Nakatingin pa rin ako sa pinto, nang tapikin ako ni auntie.......

    “Hey, what’s wrong? Kanina ka pa tingin nang tingin diyan sa dati mong unit ah”
    “Auntie, hindi ba po naikwento ko sa inyo iyong tungkol sa mga panaginip ko with Chast...This place actually has something to do with it”sagot ko na may kasamang pagturo sa pinto ng dati kong unit....
    “Oh...That sounds like something na dapat nating pag-usapan sa loob...So let’s go”

Pumasok na kami sa loob. Pagkasindi sa ilaw, nilapag ko muna iyong mga gamit namin. We look around the place. Obviously, identical toh sa dati kong unit. The only difference ay iyong mga appliances and furnitures. Pumunta si auntie sa may kwarto, ako naman sa sala. Paglabas niya.......

    “There’s only one room!”bulalas niya......
    “It’s okay auntie...May sofa bed naman po dito sa sala eh”

Naupo ako sa sofa bed and........

    “Dito na lang po ko matutulog...Okay na ko dito”sambit ko sabay tapik dito....
   
Lumakad siya papunta sa may bintana........

    “So what’s this something na sinasabi mo kanina, about sa panaginip mo kay Chaster?”usisa niya habang binubuksan iyong kurtina......

I followed her, tapos tumayo ako sa tabi niya. Sakto naman, nabuksan na niya iyong kurtina......

    “Naaalala niyo po ba iyong namention ko sa inyo na dalawang special places, na gusto ni Chast na balikan ko?...Isa po dun iyang dati kong unit...Pero parang ang weird lang auntie...Nung dumaan po kasi ko dito last time, it turns out na may dalawang bagets na tumutuloy diyan right now”
    “So ano naman ang weird dun?”
    “Iyong dalawang bagets po kasi na iyon, eh parang kagaya namin ni Chast dati...”
    “You mean they are a gay couple?”
    “Opo and they are on the same age as us nung naging kami”
    “Well isn’t that very convenient? As if the universe is trying to tell you something”
    “Oo nga po eh...Kaya nga po nag-agree ako na sumama na lang sa inyo dito...So I can get close to them...Maybe in that way, I can find myself some answers”
    “That’s good iho!...Mabuti ka pa....Samantalang ako, I don’t even how am I gonna find myself some answers”

Matapos niyang sabihin iyon, parang bigla siyang nalungkot. Here we go again with her secrets. Okay, I’m going to try asking her again. Sana lang sagutin na niya ko nang maayos this time........

    “Ahmmm auntie....Nandito naman na po tayo ngayon sa Pilipinas...Maybe...You can now tell me everything?”
    “Well I guess so...Hindi mo naman kasi ko matutulungan, kung pilit ko itong itatago sa iyo”
    “So ano po ba iyong hahanapin niyo?”
    “Hindi ano...Sino”
    “Po?!”
    “Rass...We are going to look for your cousins”
    “COUSINS?! May mga anak po kayo auntie?!”
    “Yes...Meron...Si Joaquin, which is the same age as you by now...And his younger brother, Johnray...Malamang 14 na siya....”

Parang napapaiyak na napapangiti ang dating ni auntie, habang sinasabi ang mga iyon......

    “Ano pong nangyari sa kanila? Bakit nahiwalay sila sa inyo?”

Lumingon siya sa may labas.Tapos........

    “It happened 11 years ago...When I was still known as Divine De Chavez...I owned a clothing company, ang Le Chavez Couture and I was dubbed as the queen of Philippine fashion industry back then...”

Ayon kay auntie, she had almost everything nung mga time na iyon. Her career was very successful. She was happily married to Ritz De Chavez, one of the famous male models back then. And just like what she said, biniyayaan sila ng dalawang anak...........

    “My life had been so perfect, until that woman ruined it”
    “Si...Sino pong tinutukoy niyo?”
    “It was my secretary...Tinuring ko siyang matalik na kaibigan...I even taught her my knowledge in fashion designing and modelling...Dahil pinagkatiwalaan ko siya...Bagay na pinagsisihan ko nang lubos...”

She didn’t know na iyong secretary pala niya ay parte ng isang grupo ng mga magnanakaw. Until one night, nilooban na nga ng mga ito ang mansyon nila.........

    “I end up with a head injury that night...3 days akong walang malay sa hospital...Nang magising ako, nalaman ko na lang na wala na si Ritz, ang asawa ko...They murdered him...And my children, they are nowhere to be found...Kinuha sila”

Tumingin na ulit siya sa akin. She’s started to get emotional already at maluha-luha na siya........

    “Sa isang iglap...That woman took everthing from me....Pera, alahas...Pero ang pinakamasakit sa lahat, pati family ko nawala nang dahil sa kanya”
    “Auntie, I’m a little bit confuse sa isang part ng ikinuwento niyo...You just told me kasi na kinuhanan na po nila kayo ng pera at mga alahas...So why do they have take my cousins?...What was that for? I mean...It doesn’t make any sense at all”
    “Ang sabi sa akin nung mga police investigators that time...My 5 years old Joaquin was the only eye witness to the crime...And that’s probably the reason kaya kinuha siya, para di siya makapagsalita...As for Johnray...Sanggol pa lang siya nun...And I always told Joaquin to protect his brother all the time...So if hawak siya ng kuya niya noon, no wonder na nadamay siya sa pagkuha...”
    “After po nun...Ano nang nangyari sa investigation?”
    “They were able to caught a suspect...The police said na iyong tao daw na iyon ang mastermind at leader nung grupo...And my secretary, which had gone missing too by the way, she was just an accomplice...I filed a case, seeking for justice...And hoping that I will be able to find my sons in the process...”

But at the end of day, walang rin daw nangyari. Hindi nakita sina Joaquin at Johnray. And without Joaquin to testify, naabswelto rin iyong suspect..........

    “Naging malaking issue ang nangyari sa akin at sa family ko nun...It was all over the news...I was always being stalk by the media...And after what happened to the case, I’ve felt so hopeless and broken...”

Hindi na daw niya nakayaanan ang lahat. So she decided to just give up on looking for my cousins. Ibinenta na lang niya ang mga natitira niyang assets. Then she left for the states, para magkaroon ng katahimikan ang buhay niya.........

    “But after I got engaged again...I realized that I cannot start a new life just yet...Not until maging ganap akong buo ulit...At mangyayari lang iyon, kung makikita ko ang mga anak ko...So here I am”

Now I understand and know everthing. And because of that, mas gusto kong matulungan si auntie ngayon. Tsaka, nakakatuwa ring isipin na may cousins pala ko. Gusto ko silang makilala............

    “So ano na pong plano niyo ngayon?”
    “To reinvestigate of course...And find some clues para makita sina Joaquin at Johnray”
    “Well if that’s going to be case auntie...Then mas okay di ba kung ang unahin po nating hanapin ay iyong ex-secretary niyo...Since technically, sa kanya naman nagstart ang lahat”
    “Pareho tayo ng naisip...That’s why I did some research before going back here...And I was actually able to find her”
    “Ayun naman po pala eh!”
    “Yeah...But the problem is...Anong gagawin ko? Di naman pwede na kumprontahin ko na lang siya basta”
    “Who said na kailangan niyo siyang kumprontahin? Eh pwede niyo naman pong sabihin sa mga pulis di ba?“

Umamin si auntie akin, medyo reluctant daw siya na lumapit sa mga pulis. She lost faith in them daw kasi because of what happened before........

    “Pero iba pa rin po iyong may katulong tayong mga pulis...You know what auntie...Sa mga napapanood ko kasi sa tv and movies...Hangga’t di pa daw 20 years iyong lumilipas, pwede pang imbestigahan ulit iyong case, especially kung magkaroon ng new lead...Eh ganun po iyong sa inyo di ba”
    “Hmmm...You got a point Rass”
    “Wait...I think mas magiging mabilis, kung ang lalapitan po natin ay iyong pulis din na humawak ng case niyo dati...That’s only if you still remember, kung sino siya”
    “I think I remember that police’s name...It was...SPO3 Pres something...Ahmmm...Presto....Preston Macaraig!”
    “Iyon! Lalapit po tayo sa kanya”
   
Kung kanina naluluha na siya, right now naman napangiti na siya. At mukhang buhay na buhay ang kalooban niya, para sa paghahanap na gagawin namin.............

    “You know what nephew, you are such a smart guy! Buti na lang at sa iyo ko nagpatulong”nakangiti niyang sambit....

Then napangiti na lang din ako sa kanya.

BALIK KAY HUNSEL......

I’m the first one who arrived home, dahil inihatid pa nila si Revy. Pagpasok ko, I turn around and look at the door. I thought, uuwi ako nang masaya at nakangiti. I thought that I’ll be going through this door with Oryo, while holding his hand. Because finally, naging kami na.

But here I am, standing alone, feeling so broken and devastated.  Pakiramdam ko, everything that I’ve thought of is nothing but a stupid dream. Pumasok na lang ako sa kwarto ko then I sit in front of my study table. While sitting, I can’t help but to think about again what happened awhile ago. Bumalik sa akin iyong naging reaction ni Oryo kanina sa pagtatapat ko. Then my tears starts falling.

Matapos kong maiiyak ang nararamdaman ko, I decide to focus my attention on something else. I grab one of my books to study my lessons. Makalipas ang 20 minutes I think, I heard Hyro knocking at my door. Dumating na rin sila........

    “Kuya?....”
    “Bukas iyan bro”

Pumasok na siya then nilapitan niya ko........

    “Si Oryo?”usisa ko as I continue reading......
    “He’s not here...Ayaw pa niya umuwi eh, gusto muna daw niya  mapag-isa”
    “I see....”
    “Kuya...I know that you’re not okay...And I thought that you might need someone to talk to...So dumiretso ako dito sa room mo”

I stopped reading, I closed the book then tumingin ako sa kanya........

    “Tell me bro...Ano bang problema sa akin? Is there something wrong with me kaya inaayawan ako ni Oryo?”
    “No...Ano ba iyang pinagsasabi mo kuya”
    “Oh well...What was I thinking anyway...Nanunuyo ako ng kapwa ko lalake...Which is stupid from the very beginning! I’M STUPID!”
    “Kuya Hunsel will you please stop talking like that...And stop acting like a sore loser...Kung gusto mo talagang makuha si kuya Oryo, then that’s not the right attitude!...Don’t give up kuya...Huwag mong sayangin ang lahat ng efforts na naibigay mo na for him...Just keep on trying!”
    “Huwag sayangin ang efforts ko? Hello bro, nasayang na nga kanina di ba?!...And para saan pa na magtry ako ulit? Para masaktan at mareject na naman? Ha?”

Umakbay siya sa akin at.......

    “You know what kuya?...Courting is like a fashion show...Hindi iyan natatapos sa isang rampahan lang...You’ll need to go back again in the runway...Sometimes pa nga, you have to change from one outfit to another,  in order to finish the job...Kaya di porket nareject ka kanina, ibig sabihin tapos na ang lahat”

After I heard that ay natigilan na lang ako. Then I realized na tama ang kapatid ko. I would be a jerk kung basta na lang ako susuko nang ganun-ganun lang. And so, tumayo na ko at......

    “Oh saan ka pupunta kuya?”
    “Magbibihis ng damit”
    “Hey! Don’t take it literally!”
    “Who says I’m taking it literally? Magbibihis ako dahil susundan ko si Oryo...Now, do you know kung saan siya nagpunta?”
    “Yeah...Sa tambayan”
    “Tambayan? What tambayan?”
    “You have been there already...Remember that place na pinuntahan niya, nung hinabol mo siya dati from the park? Nung nadikit pa nga ng rugby iyong kamay niyong dalawa...Iyon iyong tambayan na sinasabi ko!”
    “Ahh...Yeah...Naaalala ko iyong place na iyon...And how did you know that place?”
    “Ahmmm...I’ve been there...Natambay din kasi kami dun ni Revy madalas...Maganda kasi iyong place di ba”
    “Is that so?...But....Wait, nadikit ang mga kamay....”

Now that he mention what happened before, especially iyong pagkakadikit ng mga kamay namin dati ni Oryo. Bigla akong may naisip na way, to make sure na hindi magkakapagwalk out si Oryo sa akin later....... 

    “Bro, do you have something in your inventory that I can use?”   
    “Use for what?”

I answer him with a naughty grin. And it looks like nagets niya agad kung ano ang iniisip ko, because he did the same to me.

SI ORYO......

Pagdating ko sa may tambayan, tumakbo ko diresto sa puno.  Pinagsusuntok at pinagsisipa ko toh nang dahil sa inis na nararamdaman ko. Inis na inis ako sa sarili ko! Dahil nagpapatalo ko sa takot at pangamba!........

    “Ang tanga mo Oryo! ISA KANG MALAKING TANGA!...Harap-harapan na niyang pinangangalandakan sa iyo na mahal ka din niya...Pero anong ginawa mo?! NAGING DUWAG KA!!!”mangiyak-ngiyak kong bulalas.....

Patuloy ako sa pagwawala, hanggang sa napadantay na lamang ako sa puno at napaupo sa damuhan. Dun na tuluyang bumagsak ang mga luha ko.

Mayamaya nang mahimasmasan na ko, umayos ako nang pagkakaupo at sumandal ako sa may puno. Inilabas ko iyong cellphone  ko. Naisipan ko na magsoundtrip na lang, habang pinagmasmasdan ang mga litrato namin ni Hunsel na sinave ko dito.

    .....I have this feeling inside me that I've always tried to hide....
    .....This feeling has never ended, didn't ever subside....

Ngayon ko lang napansin, marami-rami na din pa lang laman ito. Meron mga nakaw na lang na kuha ni Hunsel. Isa kasi sa mga trip kong gawin dati ay ang kunan siya nang di niya nalalaman, lalo na kapag busy siya at ako naman ay nakanganga lang. 

    .....I realized that keeping it would only cause me pain....
    .....So I tried to forget about it but this feeling always remained....

Pero ang karamihan sa mga nandito ay iyong mga kuha na magkasama kami. Nung mga panahon ba na personal assistant pa niya ko.

    .....Tell me will I ever survive....
    .....Stop my tears and keep it inside....
    .....Holding back myself from being close to you....

Patuloy ako sa pagtingin, hanggang sa nadako ako sa isang litratro namin, na kuha nung maospital siya. Bigla akong napangisi at napatawa. Naalala ko kasi na ayaw niyang magpakuha kami ng litrato noon. Takot nga kasi siya sa mga opistal at baka daw may multo na makiselfie sa amin. Naalala ko rin, kung paano kami maghawak  ng kamay habang natutulog nang magkatabi noon.

     .....Here I am all alone so lost and full of confusion....
    .....Not knowing how to help myself arrive at a decision....

Nung maospital siya, dun na nagsimula ang lahat sa amin. Unti-unti kaming naging malapit sa isa’t isa nang hindi namin namamalayang pareho.

Ilang sandali pa, ang kaninang ngiti at tawa ay napalitan na muling pagbuhos ng mga luha ko.

    .....I can't get you out of my mind....
    .....I don’t know what to do....

    “Ano bang gagawin ko?! Gustong-gusto kitang mahalin Hunsel eh!...Gustong-gusto ko na bigyan ng pagkakataon ang sarili ko na mahalin ka at maging masaya!....”

    .....It's this feeling that's ever growing....
    .....It's this feeling that I feel for you....
   
    “Pero kung magiging tayo nang may panloloko at kasinungalingang nakapaligid sa atin...Masasaktan lang kita! Hindi ko kayang masaktan ka!! Pero...Pero tila mas hindi ko na rin ata kakayaning pigilan pa ang isinisigaw ng puso ko!”

    .....Tell me will I ever survive....
    .....Stop my tears and keep it inside....
    .....Holding back myself from being close to you....

Iyon na lamang ang mga naibubulas ko sa sarili ko, habang patuloy ang pagbuhos ng aking mga luha.

Makalipas ang ilang saglit, may natanaw ako na parang may dumarating. Dali-dali kong pinatay iyong tugtog at inilapag ang cellphone. Nang makita ko kung sino ito, natigilan ako. Si Hunsel! Habang papalapit siya sa akin, pinahiran ko ng kamay ang mga luha ko. Paglapit niya.......

    “Anong ginagawa mo dito?”usisa ko sabay iwas ng tingin mula sa kanya.....
    “I’m here because we still need to talk”
    “Ayaw ko munang makipag-usap kahit kanino...Kaya utang na loob Hunsel! UMALIS KA NA!”
    “I’m not going anywhere, hangga’t hindi ka nakikipag-usap sa akin nang matino!”
   
Napatayo ako mula sa kinauupuan ko at........

    “Kung ayaw mong lumayas, PWES! Ako ang lalayas!”

Sisibat na nga sana ko. Pero bigla niya kong hinawakan at hinila sa isa kong braso.......

    “OH NO YOU DON’T!”bulalas niya.........

At naramdaman ko na lamang na may kung ano siyang ikinabit sa kamay ko. Ang bilis ng kilos niya, kaya di ako nakapalag. Pag-angat ko nito, laking gulat ko dahil nakaposas na ang kamay ko sa isa niyang kamay! Ni hindi ko napansin na may dala pala siyang ganito!........

    “ANO TOH?! Ano na namang kabalastugan toh Hunsel?!”
    “Well...It’s just a little throwback...You should be thankful actually...Dahil may naitatago pa lang handcuffs si Hyro...Kung nagkataon, mapipilitan akong idikit ulit ng rugby ang mga kamay natin”sagot niya sabay ngisi sa akin na tila nang-aasar pa......
    “Alisin mo toh! Ngayon din!”
    “Nah!...Magrelax ka nga lang...Ang saya kaya nito oh...Tsaka...Doesn’t it bring back some good memories to you?”nang-aasar pa rin niyang banat habang patingin-tingin sa posas na nakakabit sa amin....

Hindi ako umimik at pinandilatan ko na lamang siya........
   
    “Remember? Di ba ganito rin iyong nangyari sa atin dati? Our hands was stuck to each other...And then nag-aaway din tayo sa tapat ng puno na toh”ngingisi-ngisi pa niyang dagdag.....

Habang ipinapaalala niya sa akin iyon, unti-unting nag-iiba ang pakiramdam ko. Hindi ko ito nagugustuhan, kaya naman sinugod ko na siya. Hinawakan ko siya sa damit at itinulak nang malakas. Isinandal ko sa may puno at........

    “POTAENA MO! Ano bang problema mo ha?!”bulalas ko.....
    “What a stupid question...Syempre ikaw ang problema ko! Dahil ayaw mo kong kausapin nang maayos...At ayaw mo sabihin sa akin iyong totoo!”
    “Anong totoo?!”
    “I’m not stupid Oryo...Mula pa man noon, alam ko may nararamdaman ka rin para sa akin...Damang-dama ko iyon sa mga paghawak mo sa kamay ko...Sa mga titig mo sa akin...Sa mga pag-aalala at pagmamalasakit mo sa akin...Sa pag-aalaga mo nung nabaldado ako!...Alam mo ko mahal mo ko! Pero for some reason na hindi mo masabi-sabi sa akin, PINIPIGILAN MO IYANG SARILI MO!...AND THAT IS WHAT I WANT TO KNOW!”

Habang sinasabi niya ang mga iyon ay nagsisimula nang maipon ang luha sa mga mata niya. Maging ako ay ganun din. Takteng buhay naman kasi toh eh! Saktong sakto lahat nung mga sinabi niya sa nangyayari sa akin!..........

    “Hunsel! Bakit mo ba ginagawa toh sa akin?! Bakit kailangang pahirapan mo ko nang ganito?! BAKIT?!!”
    “The answer is very simple...Because I LOVE YOU ORYO...I love you...I love you...I love you...I love you....”

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha niya, habang patuloy niyang pinapaulit-ulit ang mga katagang iyon..........

    “I love you...I love you....I love you....I love you”
    “Tumigil ka na!”
    “No way! Hindi ako titigil hanggat wala akong naririnig na sagot mula sa iyo...Kahit magdamag pa kong mag-I love yo sa iyo...GAGAWIN KO!...Bakit? Because I LOVE YOU! I love you...I love you...I love you! I love you!....”
    “Tumigil ka na sabi eh!’
    “No I won’t! Because I love you...I love you...I love you...I love you!.....”

Potaena! Bumibilis na iyong kabog ng puso ko! Habang patuloy kong nariring ang paulit-ulit na paglabas na mga salitang “I love you” mula sa bibig ng gagong toh! Pakiramdam ko para kong bulkang sasabog na! Faultline na gagalaw na! Bagyo na maglalandfall na! LAHAT NA!!!........
   
    “TAMANA NA!!!”
    “I love you...I love you...I love you.....”
    “AARRRRGGGHH!”

Hindi ko na kinaya pa! Bumuhos na naman ang mga luha ko at napasuntok na lang ako sa may puno. Kasabay ng pagsuntok na iyon, AY ANG PAGLAPAT KO NG AKING MGA LABI, SA LABI NIYA!

ITUTULOY.......

No comments:

Post a Comment