m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, September 13, 2015

Here and Now (Part 38)

By: Chaster Rassel 

Chapter 38: Twist, Lick And Dunk...

SI ORYO......

Habang magkalapat ang mga labi namin sa isa’t isa, tila gumaan at lumuwag ang pakiramdam ko. Dahil nailabas ko na ang damdamin na ang tagal kong pilit na pinigilan. Hindi ko tinigilan ang labi niya, hanggang sa maramdaman ko na nauubusan na ko ng hangin. Dun na ko kumalas. Pagkakalas ko, napabuntong-hininga na lang ako at........

    “Ano? Eh di natamik ka! Siguro naman ngayon, nakuha mo na iyong sagot na gusto mo!”bulalas ko na may kasama pang paghangos.....

Tila gulat si gago sa ginawa ko, hindi kasi siya makasagot. Nakatitig lamang ang nanlalaki niyang mga mata sa akin, tapos hinihingal din siya..........

     “At  sana din, ipreno mo na iyang maingay mong bibig!”
    “Ah....”

Magsasalita pa dapat siya ulit, pero hindi ko ito hinayaan. Gigil na gigil ko siyang sinunggaban muli ng halik sa labi. Kung kanina hindi siya nagalaw, ngayon unti-unti na niyang nilalabanan ang paghalik ko. At nang madama ko ang pagsabay niya sa akin, napapikit na lamang ako.

Ito na ang pinipili ko, wala na itong bawian. Mahal ko si Hunsel, mahal ko siya! At walang sinuman ang pwedeng makapigil sa nararamdaman ko. Nagpatuloy ang aming paghahalikan. Sa kalagitnaan noon, naramdaman ko ang pagdampi ng libre niyang kamay sa likuran ko. Mula sa ibaba, dahan-dahan niyang pinagapang ito pataas sa batok ko. Tapos lalo niyang idiniin ang pagkakahalik ko sa kanya.

Mayamaya pa, itinulak niya ko at pinagpalit ang posisyon namin. Ako naman ngayon ang nakasandal sa puno at siya naman ang nakapatong sa akin. Nagpaubaya lang ako sa kanya, hanggang sa kumalas na siya. Dun na ko napadilat.

Habang nakapatong pa rin siya sa akin, idinantay niya iyong libre niyang kamay sa puno. Kasunod noon, nginisihan niya ko at..........

    “I still wanna hear it”
    “Huh?”
    “I  still wanna hear those words na lumalabas mula sa bibig mo! Gets?!”
Naintindihan ko kung ano ang ibig niyang sabihin, kaya naman napalunok na lamang ako at......

    “Mahal din kita Hunsel”mahina at paimpit kong sagot.....
    “Ang hina naman!...Palakasan naman ang volume diyan oh!”
    “Mahal din kita Hunsel!”muli kong sambit na ngayon ay malakas na.....
    “Nah! Not loud enough! Make it louder and I want my full name please”
    “Mahal din kita Hunsel Amethelli!”
    “Louder!”
    “Mahal din kita Hunsel Amethelli!!”
    “I SAID LOUDER!”bulalas niya sabay tapik pa nang malakas sa puno.....
   
Lokoloko itong gagong toh! Gusto niya talaga nang malakas ah, heto......

    “MAHAL DIN KITA HUNSEL AMETHELLIIIIIIIII!!!!”buong pwersa kong hiyaw.......

Halos umalingawngaw sa buong tambayan iyong lakas ng boses ko. At si gago naman, napapikit at napalayo ng mukha sa akin. Matapos iyon ay napangisi at natawa na lamang ako sa reaksyon niya.......

    “Hahaha!...Ano? Okay na ba iyon?”
    “Masakit sa tenga...Pero...”

At bigla na lamang siya naghihihiyaw, nagtatatakbo at nagtatatalon!.........

    “Yes!!!....YES!!!...Mahal ako ni Oryo! MAHAL AKO NI ORYO!!! WOOOOOO!!!”

Sa sobrang saya niya, tila nakalimutan niya iyong posas na nakakabit sa amin. Kaya habang panay ang talon niya, pati ako nahihila at nadadala.........

    “Arrgh! Aray ko! Hunsel ano ba! Iyong kamay ko....MASAKIT HOY! Gago ka!”

Tuloy pa rin siya at parang wala narinig ang tenga niya............

    “Ayaw mong tumigil ah...”

Ang ginawa ko, huminto ako sa pagpapahila sa kanya. Tapos ako ngayon ang biglang humila nang malakas sa kanya. Dahil dun, bumangga at napayakap siya sa akin. Nawalan naman ako ng balanse, kaya bumagsak ako sa dumuhan. Syempre damay siya at sa ibabaw ko naman ang naging bagsak niya........

    “Oh iyan tuloy, ang oa mo po kasi!”natatawa kong sambit......

Medyo umangat siya nang kaunti at itinapat ang mukha niya sa akin........

    “Wag ka nga! Eh sa masaya ko eh...Because at last! Napasagot na rin kita!...Did you know na ang daming nagkandarapang girls sa akin na dinedma ko lang? Pero ikaw, I almost gone crazy because of someone like you! And then now, you are here and you...Ah basta! Ganito pala feeling kapag sinagot ka...Ang sarap-sarap! Ang saya-saya!!”
    “HEH!...Sinagot ka diyan...Takte ni hindi mo nga ako niligawan tapos sinagot kita?! Baliw lang?”
    “Hmph! Go on Oryo! Mag-inarte ka as long as you want....But you cannot deny the fact na sumagot ka pa rin sa akin nang mahal mo din ako!”ngingisi-ngisi niyang sagot......

Napangisi na lang din ako sa kanya, hanggang sabay kaming natawa. Nang huminto kami sa pagtawa, hinawakan niya ko sa isa kong pisngi at.........

    “Hindi mo alam, kung gaano ko kasaya ngayon nang dahil sa iyo Oryo”
    “Alam ko Hunsel...Dahil nararamdaman ko iyon kanina pa, sa bilis ng pintig nito oh”sagot ko sabay dampi ng libreng kong kamay sa kaliwa niyang dibdib.....

Napatingin siya dito, sabay tingin din ulit sa mukha ko.......

    “At ganyan din ako sa iyo ngayon....Hunsel....”

Matapos iyon ay unti-unti na niyang inilapit ang mukha niya sa akin, hanggang sa muli na nga naming hinagkan ang isa’t isa. Pero naging saglit lang ito, dahil kumalas siya agad.......

    “Oryo, gusto ko sanang hingiin ang permiso mo”
    “Huh?”
    “Please let me have you tonight”

Natawa ko sa sinabi niyang iyon at............

    “Hahaha...Ayun! Sabi ko na nga ba eh!...Takam na takam ka talaga sa akin...Kaya nawawala ka sa sarili mo, kapag nakikita mo kong naglilinis ng kotse mo nang nakahubad...Kung titigan mo ko, para kong biskwet na gusto mong isawsaw sa gatas at kainin! Hahaha...”
    “Wow! Look who’s talking...If I know, enjoy na enjoy ka kapag nagpapa-spongebath ako sa iyo!”
    “Hmph! At bakit?! Sino ba iyong tinitigasan habang ginagawa ko iyon?”
    “Well I’m not the one who’s shaking and sweating like hell, habang ginagawa iyon!”
    “Natural pagpapawisan ako, mainit sa banyo eh”
    “Oh c’mon! Ang sabihin mo, pinagpapawisan ka because of my hotness! Hahaha”
    “Asa ka!”
    “Hah! Well we will see if you’re telling the truth, kapag naghubad ako dito ngayon!”
   
Akala ko nagbibiro lang siya. Pero taena! Naramdaman ko na lang ang biglaan niyang paghila. Bumangon siya, napasunod ako, tapos sinimulan na niyang hilahin paatas iyong suot niyang t-shirt........
   
    “Oi! Anong ginagawa mo?!”
    “Eh di naghuhubad! Hehe!”
    “Hmph! Wala iyan! Ilang beses ko nang nakita iyan...Sawa na ko diyan kaya di na iyan tatalab sa akin”sambit ko sabay iwas ng tingin mula sa kanya......

Pasimple na lamang akong napangiti. Dahil sa totoo lang natutuwa at nasasabik din naman ako sa pinaggagawa niya. Pero kasabay noon ay kinakabahan din ako.

Dati kasi kapag naghuhubad siya sa harap ko, hangga’t maaari ay pinipigilan namin na bigyan ito ng malisya. Kasi nga, parte lang ito ng trabaho ko bilang personal assistant at nurse niya. Pero ngayon, iba na ang magiging kahulugan nito, lalo na’t nagkaaminan na kami..........

    “Hey there! Baka gusto mo kong tulungan?”sambit niya......

Napatingin na ko sa kanya, hirap na hirap ang loko dahil sa pagkakaposas ng mga kamay namin. Natawa na lang ako ulit........

    “Hahaha...Iyan! Pasikat ka kasi masyado...Tsaka pwede namang susian mo muna itong posas di ba?”
    “If I only have the key, ginawa ko na iyon!”
    “Ano?!”
    “Naiwanan ko iyong key kay Hyro...At nandito na ko, nung marealized ko iyon”
    “Hoy Hunsel! Huwag mo sabihin sa akin na gagawin natin iyong gusto mong gawin natin nang ganito ang itsura natin?!”
    “Exactly! Para may thrill! Kaya tulungan mo na ko dito”

Gamit ang libreng kong kamay, napakamot na lang ako sa aking ulo. Tapos ay tinulungan ko na nga lang siya na tanggalin iyong t-shirt niya. Nagawa naman namin itong tanggalin. Pero iyon nga lang, nanatili itong nakasabit sa isa niyang kamay, gawa ng posas.

So iyon na nga, nakatambad na naman sa akin ang katawan niya ngayon. Mula noon hanggang ngayon, wala pa ring nagbago sa kanya. Ang hot pa rin talaga niya! Tapos medyo pawisan pa siya, kaya naman di ko na rin napigilan na mag-init..........

    “See...Natigilan ka”nakangisi niyang sambit.....
   
Natawa na lang ako at...........

    “Oh sige na po...Panalo ka na! Haha”

Matapos iyon ay ako naman ang pinagtuunan niya. Isa-isa na niyang tinanggal ang pagkakabutones ng suot kong polo. Mas madali ito kung ikukumpara dun sa pagtanggal ng t-shirt niya, dahil kayang gawin nang isang kamay lang. Pero napansin ko na tila sinasadiya ng loko na bagalan ito haha. Hinayaan ko na lang din siya. At habang ginagawa niya iyon.........

    “Hunsel, di kaya magmukha tayong gago at katawa-tawa neto sa gagawin natin”
    “At bakit naman po?”
    “Tignan mo naman kasi iyong itsura natin...Paano tayo makakaano nito...Iyong alam mo na....Kung magkadikit ang kamay natin?....Paano tayo makakaposisyon at buwelo?”
    “If there’s a will, there’s a way...At kung ikaw si Metrobank, ako naman si BDO...I find ways...Haha”
    “Eh?”
   
Natanggal na niya ang lahat ng butones. Binuka at hinila na din niya pababa ang polo ko. Wala akong suot na pang-ilalim, kaya agad na tumambad sa kanya ang katawan ko. Hinawakan at hinimas-himas niya ang dibdib ko, na ngayon ay nagsisimula nang pagpawisan.

Tinitigan niya ko sa mga mata ko. Ang talas ng mga mata niya. Iyong itsura nito ay kagaya nung ginagawa niya kapag nagmomodelling siya. Siyempre hindi ako nagpatalo, ginantihan ko naman siya ng snatcher look. Nabigla siya at napahinto sa paghimas sa akin..........

    “Where did you learn to do that?!”

Nginisihan ko lang siya tapos nanatili akong nakaganun sa kanya.........

    “Nevermind...I think alam ko na kung sino nagturo sa iyo”
    “Hahaha...”
    “Anyway...”

Muli na niyang iginalaw ang kamay niya. At nararamdaman ko na gumagapang na ito ngayon pababa........

    “Pwede naman tayong pumaraan eh...”sambit niya sabay biglang dakot sa harapan ko na kanina pa galit.....

Nagulat ako sa ginawa niya. Pero hinayaan ko na lang siya na damhin ang katigasan ko.......

    “We can do some twisting, so we can do the licking and go on with the dunking”pagpapatuloy niya.....
    “Twist, lick at dunk...Buset! Sabi na nga ba, biskwet talaga ang tingin mo sa akin eh haha....”
    “And now, I can finally see this!”nakangisi niyang sambit.....

Napalingon ako sa sinabi niyang iyon. Taena ang bilis niya! Hindi ko namalayan na nabuksan na pala niya iyong sinturon at pantalon ko. Kaya nakabuyangyang na ngayon ang pagkakabukol ng pagkalalake ko sa aking brief. At ilang sandali pa, binatak na niya iyong brief ko. Dahilan para sumambulat na nang tuluyan sa kanya, ang bagay na gusto niyang makita.........

    “Whoa!...Abot hanggang pusod...Nice one! And medyo balbunin ka din pala dito ah”

Dahan-dahan niya kong itinulak pahiga sa damuhan. At syempre pati siya kasama. Gaya kanina, pumaibabaw ulit siya sa akin.........

    “Don’t worry my dear Oryo...Just relax and your Hunsel will make sure na mapapa-mmmmp ka sa sarap! Hehehe”

Nagsimula na naman siyang kumilos. Pero paggalaw niya, bigla na lamang........

    “ARRRGH!”hiyaw ko......
    “Oh bakit?!”
      “May nasabit na hokbu sa posas!”
    “Sorry, di ko sinasadiya”natatawa niyang sambit.....
    “Dahan-dahan lang po ha”

Natawa na lang siya ulit. Ako naman ay nagpaubaya na lang sa kanya. At nangyari na nga ang nangyari sa amin. Natwist at tinwist ang mga dapat itwist. Nalick at nilick ang mga dapat malick. At nadunk ang mga dapat idunk.

Natapos at nakaraos kami nang pawis na pawis at pagod na pagod. Dahil dun, nagpasiya kami na dito na lang sa tambayan magpalipas ng gabi. Nahiga na lang kami sa damuhan nang magkaakap. Nauna siyang makatulog sa akin. Habang natutulog na siya..........

    “Hindi ko alam, kung tama ba talaga itong desisyon ko na pagbigyan ang sarili ko....Na pagbigyan tayo....Pero ang saya-saya ko talaga ngayon dahil sa iyo Hunsel....Sana....Sana magawa mo kong patawarin, kapag dumating na iyong oras na malaman mo na ang lahat-lahat....Mahal na mahal kita Hunsel...”bulong ko sa kanya......

Hinalikan ko siya sa kanyang noo. Pagkatapos noon ay pumikit na rin ako.

KINABUKASAN, SI HYROMIN......

I woke up feeling very excited, gustong-gusto ko kasing malaman kung ano nang nangyari sa dalawa kong kuya. Kaya bumangon na ko agad and then I quickly fix myself.

Paglabas ko ng room ko, I check kuya Oryo’s room first, para malaman kung umuwi ba siya. Pero walang tao dito. Next is kuya Hunsel’s. Pagdating ko, wala ring tao! This could only mean na magkasama at magkadikit pa rin sila because of the handcuffs.......

    “Hmph! It was really a good thing that I didn’t remind kuya Hunsel of the key on purpose”napapangisi kong sambit.......

After that, bumaba na ko to go the dinning for some breakfast. Naabutan ko si Mommy, pati na rin sina kuya Hunsel at kuya Oryo! So this is why wala silang pareho sa taas, nandito lang pala sila. I noticed na walang handcuffs na nakadikit sa kanila at nakapagbihis na sila ng damit. At magkatabi silang nakaupo! Samantala dati, kailangan pang maupo ako sa pagitan nila para walang gulo...............

    “Ahmmm...Good morning everyone...”bati ko sabay lapit na sa kanila.....

Napantingin sila sa akin and then.......

    “There you are...We’ve been waiting for you”sambit ni Mommy......
    “That’s right! Parang nalate ka ata ng gising bro ah”dagdag ni kuya Hunsel na may kasamang weird na smile....

I look at the wall clock na katapat lang ng dinning..........

    “Kuya it’s just 8 am in the morning...Paano naman po naging late iyon?”sagot sabay tingin ulit sa kanila.....
    “Oo nga naman Hunsel! Maaga pa naman...Ikaw talaga, pinagtritripan mo na naman iyang kapatid mo ha”sambit naman ni kuya Oryo na iba rin ang smile ngayon.....
    “And who else do you want me to tease? You? Hihihi”
    “Subukan mo lang at patitikimin kita...”
    “Patitikimin ng ano?”
    “Patitikimin ng...Ng masarap na cookies na may kasamang fresh na gatas...Hihihi”

Okay, these two are acting really weird. It seems like wala silang dalawa sa mga sarili nila. I’m about  to speak again, pero naunahan ako ni Mommy........

    “What’s going on with you two?”usisa ni Mommy......

Napahinto sila at napatingin kay mommy......

    “Po?!”sabay nilang sambit......
    “Well...Ngayon ko lang ata ulit kayo nakita na nagkulitan nang ganyan ah...I mean na ganyan kasaya...In the past weeks kasi, tahimik kayo...I even thought pa na nga na baka magkagalit na naman kayo”
    “Ma...Ako po magagalit kay Oryo? No way...Right Oryo?”
    “Tama po si Hunsel madam...Tsaka, good mood lang po talaga kami ngayon...Sabihin na lang po natin na, maganda po ang gising namin ngayon”

Napatango na lang si Mommy. Pasimple naman akong napangisi, because I think I already know what’s going on with them..........

    “Anyway, enough of that huh....Kumain na muna tayo...Hyro, come and join us already”

And I sit and join them na nga sa pagkain ng breakfast. I can’t wait to speak with them. Kaya after naming kumain, minonitor ko ang pag-alis ni Mommy. To make sure of it, hinatid ko pa siya sa pagsakay niya sa kotse niya.........

    “Bye Ma! Ingat po sa biyahe!”

After I said that ay umalis na siya. Agad naman akong tumakbo papasok sa loob ng mansion. I look for them at halos magkandadulas pa ko sa kakatakbo. Sa may balcony ko sila naabutan, nagkukulitan pa rin at nagtatawanan. Hiningal ako sa pagtakbo, kaya di ako agad nakapagsalita. Nang mapansin nila ko.........

    “Bro, are you okay?”usisa ni kuya Hunsel........
   
I just answer him with an okay sign........

    “Hinay-hinay lang tol...Mukhang masyado kang excited eh!”natatawang banat ni kuya Oryo........

Nang makabawi na ko na hininga.......

    “So what now guys?! Ano nang nangyari sa inyo?!”excited kong usisa.....

They smile and look at each other. Lumingon ulit si kuya Oryo sa akin, but suddenly hinila siya ni kuya Hunsel at hinalikan sa labi! At napanganga na lamang ako. And after that, napahampas si kuya Oryo sa braso niya and then.........

    “Kupal ka! Nakaisa ka dun ah!”bulalas niya.......

Tinawanan lang niya si kuya Oryo. Then tumingin siya akin.......
   
    “Was that enough to answer your question bro? Or do you still want more?”
    “Oh no kuya...That’s enough...At baka mamaya niyan eh mamatay pa ko dito sa kilig...Kawawa naman si Revy...”ngingisi-ngisi kong sagot....

Well, tignan mo nga naman. Sa tinagal ng time na nag-inarte ang dalawang toh, they still end up as a happy couple. I still got more questions, kaya naman........

    “By the way, saan pala kayo natulog?”
    “Sa tambayan”sagot ni Oryo....
    “Ano ba iyan, wala kayong originality”nang-aasar kong banat.....
    “Hmph! At bakit? Kayo lang ba ni Revy ang may karapatang magpalipas dun ng unang gabi biglang magsyota? Aber?”
    “Hehe...Di naman sa ganun...Wala naman akong sinasabing ganyan eh”sagot ko....
    “I see...Dun din pala sa place na iyon naging kayo ni Revy...So it means na dun ka pala nagpunta, nung gabing tumakas ka...At palusot lang iyong sinabi nitong magaling kong bf na nagsleepover ka sa bahay nila Revy”sambit ni kuya Hunsel......
    “That’s right! Hihi”
    “Hmph...Anyway, thank you pala sa ginawa mo bro”
    “Anong ginawa ko?”
    “Nagtanong ka pa, sinadiya mong di ipaalala kay Hunsel iyong susi ng posas di ba?”sagot ni kuya Oryo.....
    “How did you guys find out na sinadiya ko iyon?”
    “Because we already know your old school styles and tricks”sagot ni kuya Hunsel......
    “Pero kung di mo ginawa iyon, malamang hanggang ngayon eh...Ahmmm...”

Haha, mukhang di alam ni kuya Oryo kung anong term ang gagamitin niya, sa gusto niyang sabihin sa akin. I don’t  know kung nahihiya ba siya o ano. And so, ako na lang ang nagtuloy nito..........

    “Nag-iinarte pa rin kayo? Is that what you were trying to say kuya Oryo?”
   
It looks like medyo naasiwa siya sa choice of words ko. Kahit si kuya Hunsel, ganun din. Pero.........

    “Oh siya! Nag-inarte na kung nag-inarte...Pero, salamat pa rin talaga tol ah....”biglang sambit ni kuya Oryo.....
    “It’s nothing...And no need to thank me...Actually, kapag need niyo ulit ng handcuffs...Just tell me, I still got a stock of it”
    “You got a stock of it?! Seriously?!”tila nabigla na usisa ni kuya Hunsel.....
    “Yup!”
    “You know what bro, you are such a weird and naughty boy!”
    “Hehehe...Wait, paano niyo nga pala natanggal iyong handcuffs niyo?”
    “Ginamitan namin ng paper clip kanina nung dumating kami...Sarap kasi ng tulog mo, kaya di ka na namin dinistorbo...At buti na lang gumana...Dahil kung hindi, naabutan kami ni Madam nang nakaposas....”
    “Ah...So it means...Magdamag kayong magkadikit sa tambayan...”

Napatango silang pareho......

    “So...Kumusta naman? I mean kumusta ang first night niyo together?...Anong ginawa niyo?”ngingisi-ngisi kong usisa.........
    “Well, that is something that you’re not suppose to know anymore bro!”sagot ni kuya Hunsel......

Iba na naman iyong smile ni kuya Hunsel. And I’m smelling something naughty from the looks of it. Meanwhile, kung siya ayaw magsalita, opposite naman si kuya Oryo........

    “Ako tol may sagot diyan sa tanong mo!”nakangisi niyang sambit.....
Napalingon bigla si kuya Hunsel sa kanya.........

    “Oryo no! Don’t tell him!”

Dedma lang si kuya Oryo. Lalo lang din siyang napangisi, then he continue.......

    “TWIST...”
    “Stop it!”

Napahampas na si kuya Hunsel sa braso niya. But then, tuluyan lang siyang natawa at........

    “Ahahaha! LICK!”
    “Arrgh!”

Talagang eager si kuya Hunsel na pigilan siyang magsalita. And this time, hinila na siya nito at tinakpan ang bibig niya. But he was able to remove his bf’s hand easily and.......

    “DUNK!!....Twist, lick and dunk!! Iyon ang nangyari sa amin tol!”tatawa-tawa niyang bulalas.....
    “Huh?”
    “Bwiset ka Oryo! Ang daldal mo! Humanda ka sa akin!”

Tawa pa rin siya nang tawa. After that ay bigla na siyang kinaladkad paalis ni kuya Hunsel.........

    “Hey! Where are you guys going?”usisa ko......
    “I’m just gonna teach this guy a lesson!”
    “Congrats nga pala!”

Iyon na lang ang nasabi ko, then natawa na lang ako sa kanila. They really look good together. And it’s so nice to watch them na naglalabingan at nagkukulitan. I’m very happy for them. Pero........

    “Hmmm...Ano naman kaya iyong twist, lick and dunk?”nagtataka kong usisa sa sarili ko......

BALIK KAY ORYO......

Kinaladkad ako ni Hunsel hanggang sa nakarating kami sa kwarto niya. Inis na inis si gago sa ginawa ko at panay ang talak niya sa akin. Pero sa totoo lang, sobra kong namiss ito. Sobrang namiss ko iyong pinagagalitan niya ko. Lalong lalo na ang itsura ng mukha at mga mata niya habang sinesermonan ako.

Kaya naman habang nanggagalaiti siya sa akin, panay lang ang ngisi at tawa ko sa kanya. Tama nga iyong sinabi ni Madam kanina. Ngayon lang ulit kami naging ganito kasaya na dalawa. Aminado naman ako na kasalanan ko ang lahat. Dahil ako iyong lumayo sa kanya.

Pero ngayon, napagtanto ko na ang sarap-sarap pala sa pakiramdam ng ganito. Iyong pakiramdam na kayo ng taong minamahal mo. Iyong nagmamahal ka at minamahal ka rin. Kung pwede nga lang sana na magtuloy-tuloy na toh.

Pero alam ko, dito pa lang magsisimula ang lahat ng mga pagsubok sa amin ni Hunsel. Sa ngayon, ang tanging magagawa ko na lang ay ang lubusin at samantalahin ang kasiyahan namin, habang nandito pa. Ika nga ni Hyro “what’s important now is our love is HERE AND NOW”.

Makalipas ang mahigit isang oras, tatawagan ko sana ang kapatid ko. Para sabihin ang magandang balita, tungkol sa amin ni Hunsel. Pero nawawala iyong cellphone ko! Hinanap ko sa buong kwarto ko, pero wala. Naisip ko na baka nakita ng bf ko, kaya nagpunta ko sa kwarto niya para tanungin ito. Nadatnan ko siyang nag-aaral. At napahinto naman siya, nang mapansin niya ko.......

    “Oh...Don’t tell me namimiss mo na agad ako”nakangisi niyang banat....
    “Loko! Tatanungin ko lang po kung nakita mo ba iyong cellphone ko...Kanina ko pa hinahanap eh”
    “Haha...Well hindi ko siya nakita dito...Maybe you left it at my car...Want to check it out?”

Tumango ako sa kanya. Kinuha na niya iyong susi ng kotse niya, tapos ay sinamahan niya ko para tignan kung nandun iyong cellphone. Pero pagdating namin sa kotse............

    “Wala rin dito”sambit ko.....
    “Eh saan mo ba last na ginamit iyon?”
    “Teka...Sa pagkakaalala ko, nagsoundtrip pa ko kagabi dun sa....Sa may tambayan!...Tama! Naalala ko na! Bago ka dumating kagabi, nagpapatugtog ako at nailapag iyong cellphone sa damuhan, nung nakaupo ako sa ilalim ng puno!”
    “Iyon naman pala eh...Then what are we waiting for? Let’s go there now and get it”

Pinabuksan na niya iyong gate sa katulong. Tapos ay sumakay na kami sa kotse at umalis na agad.

SI RASSEL......

Hindi pa ready si auntie na lumantad. Baka daw kasi pagkaguluhan na naman siya like before. So I told her  na ako na lang muna ang kakausap, dun sa pulis na nagngangalang Preston Macaraig. Madali naman akong nakakuha ng infos about him through the internet. And it turns out, that he was now promoted as a police inspector. Nakuha ko din pati iyong location ng headquarters nila. Kaya naman maaga kong umalis ngayon ng condo para puntahan na siya.

But before I go there, nagpasiya ko na dumaan muna sa pangalawang place na pinababalikan sa akin ni Chast, ang tambayan namin. Kung namiss ko iyong condo, mas namiss ko iyong place na iyon actually. Kaya heto ko, excited na naman.

Pagbaba ko ng kotse at paglapit ko sa pasukan ng tambayan, napahinto na lang muna ko. Because I’m feeling a little nervous. Iyong sa condo kasi, nagegets ko na kahit paano. Pero dito, I don’t have any idea at all........

    “I wonder kung anong meron dito ngayon....”

Iyon na lamang ang naitanong ko sa sarili ko. Tapos ay lumakad na ko papasok. Pagpasok ko, it seems like nothing have changed. Iyong dating ganda ng lugar, nanatili pa rin. And of course, maaliwas at mahangin pa rin ang kapaligiran.

And out of excitement, I spread my arms wide open. Then nagtatatakbo na lamang ako paikot sa buong lugar, habang sinasalubong at dinadama ang pag-ihip ng malamig na hangin sa aking katawan. Nang mapagod ako, napatigil at napatingin na lang ako dun sa puno.

Habang nakatitig ako sa puno, unti-unti na lamang bumalik sa akin, iyong moment na una kong dinala si Chast dito.

I remember, nagkunwari pa ko noon na galit sa kanya at na sasapakin siya. At nauto ko naman siya. He was all scared. To the extent na napaupo pa siya sa damuhan, kahit na hindi ko naman itinuloy iyong pagsuntok...........

    “Ahahahaha!.....Natakot ka?....Hahahaha!”
    “GAGO KA RIN EH NOH! Pinagtritripan mo lang pala ko!...Tinakot mo ko ah!”
    “Sus! Kanina ang tapang-tapang mo....Tapos ngayon aarte ka ng ganyan...?”
    “Malay ko bang tototohanin mo!...Kainis ka talaga!”
    “Sorry na...Hindi ko naman tinuloy eh....Tsaka wala naman talaga kong balak na ituloy iyon...Gusto ko lang makita ang magiging reakyson mo.....”
    “Hmph!...Nakakainis ka pa rin....”
    “Nagsosorry na nga yung tao eh....Bati na tayo Chast...Pleaseee.....”

Then kinailangan ko pang magmakaawa at magpacute sa kanya nun. Just to make him accept my sorry. Akala ko nga, di uubra iyong style ko eh. Pero sa bandang huli......

    “Sige na nga....”
    “Ibig sabihin ba niyan magkaibigan na tayo...?”
    “OO”
“YEESSSS!!!!!.....”

Tuwang-tuwa ako nun. Siguro nga, dun pa lang eh nagkakagusto na talaga ko sa kanya. Because like what he said, daig pa sa isang lalakeng sinagot ng nililigawan, iyong sayang naramdaman ko that time. And I don’t know why.

Kasunod ng pagbalik ng mga memories na iyon, napalapit na lamang ako sa puno. I look at the “Chaster love Rassel, I’m here beside you forever” na naka-engraved dito. As I slowly and gently touch it, di ko na napigilan ang pagpatak ng luha mula sa mga mata ako.

But once again, naramdaman ko naman na iyong paghaplos ng mainit na hangin sa batok ko. It made me realized na hindi ako dapat umiiyak nang ganito ngayon. Dahil lagi lang nakabantay sa tabi ko si Chast, he’s always beside me. So there’s no reason for me para malungkot.

Because of that, tumahan na ko at pinahiran ko na iyong mga luha ko. Habang nakayuko ako at nagpapahid, napansin ko na may something sa damuhan, sa may bandang paanan ko. It’s a cellphone. Dinampot ko ito......

    “Looks like may mga bagong tao na rin na pumupunta at tumatambay dito”bulong ko sa aking sarili.......

Pinindot at tinignan ko iyong cellphone. May nakaopen na picture sa screen nito. Picture ng dalawang guy na nagselfie sa isang hospital. They look like my age and they seem like a couple.

Iyong isa, may dark complexion at weirdly, may hawig sa akin. Then iyong katabi niya na nakasandal sa kanya, mistiso at pamilyar sa akin. I feel like I saw him somewhere, pero di ko lang maalala kung saan.

BALIK KAY ORYO......

Makalipas ang mga bente minutos ng biyahe, nakarating kami ni Hunsel. Pagbaba namin ng kotse........

    “Are you sure na nandito iyong cellphone mo?”
    “Sinabi ko na nga di ba...Nagsoundtrip ako dito kagabi, kaya sigurado ako na nandito iyon”
    “Alright then...Let’s go inside”

At lumakad na nga kami papasok.

ITUTULOY.......

No comments:

Post a Comment