m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, September 20, 2015

Here and Now (Part 39)

By: Chaster Rassel 

Chapter 39: The New Lead...

SI ORYO......

Pagdating namin sa puno, kataka-taka dahil wala kaming nadatnan na cellphone dito. Wala iyong cellphone ko!...........

    “Wala...Bakit wala?!”bulalas ko.....
    “Now this is what I’m talking about...Baka nga sa ibang lugar mo naiwan”
    “Imposible!”
    “Yeah right”

Hindi basta-basta mawawala iyong cellphone ko dito, maliban na lang kung may ibang tao na nakakita dun at nakapulot. Pero tago ang lugar na toh. At mula sa labas, hindi halata na may ganito dito. Ni walang ibang pumapasok dito bukod sa aming apat..........

    “Hunsel sigurado ko! Dito ko nai......”

Natigilan ako, dahil bigla kong naalala na may isa pang tao na nakakaalam ng lugar na toh.........   

    “What’s wrong? Natigilan ka diyan”
    “Si Rassel Almoneda...Nagpunta siya dito!”
    “Rassel Almoneda?...Sino naman iyon?”

Napatingin si Hunsel dun sa puno, tapos tumingin ulit sa akin..........

    “Wait a minute...Are you talking about that same Rassel?”usisa niya sabay turo sa nakaukit sa puno.......
    “Oo”
    “So magkakilala na pala kayo?”
    “Hindi pa...Pero kilala ko siya...Tapos siya, hindi niya ko kilala”
    “Wow brad...Ang linaw mong kausap”
    “Hehe...Oh sige, ipapaliwanag ko sa iyo para luminaw”

Naupo na muna kami sa ilalim ng puno. Sumandal ako sa dibdib niya, tapos ikinuwento ko na sa kanya, iyong mga nangyari sa ospital dati. Pero syempre, di ko binanggit iyong ibang detalye, lalo na iyong tungkol kay Revy. Ikinuwento ko din na nakita ko si Rassel nung isang araw...........
   
    “So...You stumble upon him and his bf, Chaster in a hospital... And you donated blood on him...And it happened to be na iyong naging tambayan at special place natin nila Revy at Hyro, eh naging special din place din nilang magbf...Hmph...Parang ang weird”sambit niya.....
    “Maging ako man eh...Nawiwirduhan din sa mga pangyayari....Ni hindi ko rin alam kung bakit alalang-alala ko kay Rassel nun...
At kung bakit gustong-gusto ko siyang makilala ngayon”
    “Wait a minute...How old exactly is this Rassel guy?”
    “Malamang siguro, kaedad natin”
    “I see...Gwapo ba?”
    “Hmmm....May hawig ko...Pero iyong Chaster, iyon! Iyon ang pamatay ang kagwapuhan!”
    “Ah...”

Biglang nag-iba iyong timpla ng mukha ni Hunsel, para siyang naiilang na di maintindihan. At medyo nakakahalata na rin ako sa mga tanong niya. Parang alam ko na toh eh........

    “Teka...Bakit ba biglang naging ganyan ang mga tanong mo?”
    “Oh it’s nothing”
    “Oi Hunsel! Alam ko na iyang itsura mong iyan ah...Ganyan na ganyan iyong mukha mo nung nakita mo kami dati ni Skylar sa kainan...Tantanan mo nga ko diyan sa pagseselos mo pwede? May bf na iyong si Rassel noh...At isa pa, ni hindi pa kami personal na magkakilala”
    “I’m not saying anything like that...Assuming ka naman agad”
    “Syempre noh...Ayaw kong mag-LQ tayo”napapangiti kong sambit.....
    “Naks naman! Lika nga dito...Hehe....”

Napangisi din siya. Inayos niya ang pagkakasandal ko sa kanya at inakap ako.......
   
    “Oh walang selos ah...Ayaw ko nang ganun”sambit ko.....
    “Fine!...Ahmmm....By the way, kung hindi mo pa pala sila personal na kilala? How did you found out na sina Chaster at Rassel pala iyong tinulungan mo sa hospital dati?”
    “Ha?!”

SI REVY......

Nagising ako sa biglaang pagtunog ng cellphone ko. Nagulat ako, nataranta at dali-daling napabangon. At sa kamamadali kong madampot iyong cellphone sa pinagpatungan ko nito...........
   
    “Arrgh!”

Nalaglag lang naman ako mula sa kama at nadali ako sa balakang! Iyon! Gising ang diwa ko! Dahan-dahan akong bumangon ulit at tumayo.......

    “Aray ko...Bwiset!”

Patuloy pa rin sa pagtunog iyong cellphone. Kaya nilapitan at dinampot ko ito nang hawak-hawak ang balakang ko. Pagsagot ko.........

    “Hello?”
    “Good morning! Kumusta naman ang mahal ko?”

Napangiti na lamang ako nang marinig ko na si Hyro pala ang tumatawag........

    “Hmmm...Kanina badtrip...Pero ngayon na narinig ko na ang boses mo, naging okay na okay na ko!”
    “Badtrip? Eh ano naman ang kinabadtrip mo?”
    “Ah iyon ba...Nagtutulog pa kasi ko kanina...At ginulat lang naman ako nung pagtunog ng cellphone ko, kaya nalaglag ako sa kama...”
    “Ha?!...Naku sorry...I didn’t know na tulog ka pa pala...Sorry Revy”
    “Okay na iyon at kahit siguro isang daang beses pa ko mahulog sa kama, okay na din...Basta ba ikaw my labs ang tatawag eh..hehe...”
   
Natawa siya sa sinabi ko at.........

    “Sabay ganun! Haha...Ikaw talaga...”
    “Oh bakit ka nga pala napatawag?”
    “May good news kasi ko sa iyo!”
    “Huh? Ano iyon?”
    “Sina kuya Oryo at kuya Hunsel....SILA NAAA!!!”

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. At bigla akong naexcite........   

    “TALAGA?!...Aba...Kagabi lang para silang gago na nagdradrama...Tapos natulog lang ako, magsyota na sila? Ayos ah!”
    “Sinabi mo pa! Kahit ako eh...Nasurprise din ako!”
    “Pero paano nangyari iyon? Ano bang nangyari diyan sa mansyon?”
    “Nope...Hindi sa mansyon...Sa tambayan! Dun din naging sila Revy...Just like us!”

Ayon sa kanya, hindi pala sumama si kuya Oryo sa pag-uwi kagabi, nung maihatid nila ko dito sa condo. Pumunta siya sa tambayan at sinundan naman siya ni kuya Hunsel...........

    “Tapos? Ano? Ano nangyari sa kanila dun?!”
    “Ah iyon ang di ko na alam...Pero...Alam mo ba kung ano iyong twist, lick and dunk?”
    “Huh? Saan mo naman nakuha iyan?”
    “Eh kasi kanina, nung tinanong ko sila about sa kung anong nangyari sa kanila sa tambayan...Iyon lang iyong sinagot ni kuya Oryo sa akin...”
    “Hmmm...Twist, lick and dunk...Parang pamilyar...Pero hindi eh...Hindi ko talaga alam”
    “You know what, nacucurious talaga ko...What if...What if kaya kung alamin natin?”
    “Ano ba iyang pinagsasabi mo?...Alam mo Hyro, ang mabuting gawin natin ngayon ay iyong respituhin na lang ang mga kuya natin...Kung ayaw nilang ipaalam sa atin ang mga nangyayari sa kanila, hayaan na lang natin...Hayaan na lang natin na maging masaya sila....Di ba?”
    “Well...Sabagay...May point ka diyan....”

Hindi ako pinakialaman at hinadlangan ni kuya Oryo, nung nagkakagusto na ko kay Hyro at naging kami na. Kaya ngayon, ganun din ang gagawin ko para sa kanya.........
   
    “Oh sige Revy...Baba ko na muna iyong phone, para makapag-ayos ka na ng sarili mo at makapagbreakfast na rin”
    “Sige...I love you!”
    “I love you too! Mwah!”

Pagkababa ko sa cellphone ay napangiti na lang ako. Masaya ko para sa kuya ko. Ang tagal din niyang nagtiis at nagpigil. Pero ngayon, nagawa na rin niyang pagbigyan ang sarili niya. Sa wakas, mararanasan na rin niya iyong sayang nararamdam ko ngayon, sa piling ni Hyro. Pero siya, kay kuya Hunsel naman.

BALIK KAY ORYO......

Di ako agad nakasagot, kinabahan kasi ko sa tanong niya. Pero agad naman akong nakaisip ng paliwanag, na hindi magbubuking sa kaugnayan ko kay Revy.......

    “Ahmmm...Nalaman ko sa...Sa bf ng utol mo!”
    “Kay Revy? But how?”
    “Alam mo kasi, iyang condo pala na tinitirahan niyang si Revy, eh dati pa lang pag-aari ni Rassel...At nung minsang isinama ko ng kapatid mo dun...May pinakita sila sa akin na litrato, litrato nila Chaster at Rassel...Siguro naiwanan dun...Tapos may nakasulat sa likod nun na “Chaster love Rassel, I’m here beside you forever...Kagaya nung nakaukit dito sa puno...So ayun, dun ko nalaman....”
    “Wow...I don’t know kung maa-amaze ba ko o mawiwirduhan...But all in all...Things are getting really weirder...”

Matapos iyon ay pasimple na lamang akong napabuntong-hininga. Wew! Buti nakalusot na naman.........

    “Anyway...Bakit ba parang napakabigdeal sa iyo nitong pagkawala ng phone mo?...I mean, we could just buy you a new one...”
    “Eh kasi po may sentimental value po iyon sa akin...Dahil binigay mo po iyon sa akin, di ba sirrrr Hunsel?”nakangisi kong sagot sabay tingin sa mukha niya........
   
Natigilan siya, napansin ko rin na bigla siyang namula......

    “Ehehe...Oo nga pala noh...How could I forget that...But wait! Paano mo nalaman na sa akin galing iyon at di kay Mommy?!”

Mapang-asar na ngisi lang ang naging sagot ko sa kanya.......

    “Never mind...I think I already know!”
    “Haha...”
    “Okay then...If that’s the case...”

At naramdaman ko na lamang ang pagkaakap niya nang mahigpit sa akin. Dahan-dahan ay pinagapang niya ang kanyang mga kamay, papunta sa tiyan ko........

    “What do you say if...We stay here for awhile...Malay mo, bumalik dito si Rassel di ba....And while we are waiting, maybe we can do some TLD-ing...”pabulong niyang sambit sa tenga ko, habang dahan-dahang umaakyat ang mga kamay niya sa dibdib ko......
    “TLD ka diyan...”

Hinawi ko ang mukha niya palayo sa akin at......

    “Hoy Mr. Hunsel Amethelli! Tinuyot mo po ko kagabi...Kaya ipon-ipon muna na ng gatas, bago ulit ang TLD...Okay?”
    “Okay po...Sirrrrrr Oryo!”
    “Langya! Hindi bagay!”
    “Hahahaha...Fine! Kiss na lang”
    “Iyan! Ayan ang ayos sa akin”sagot ko sabay halik na nga sa kanya......
   
BALIK KAY REVY......

Matapos kong makapaghilamos, magsipilyo at mag-ayos ng sarili ko, nagtungo ako sa kusina. Binuksan ko ang ref para humanap ng maaalmusal. Nakita ko ang natirang caldereta na dala ni Hyro nung isang araw, na nasa isang plastik na lalagyan. Inilabas ko ito.

Inalis ko iyong takip, tapos sinilip at inamoy ko ito. Hindi pa naman pala toh sira, pwede ko pang initin at lantakan. Binitbit ko ito at lumapit ako sa may tapat ng microwave oven. Isinaksak at binuksan ko ito. Pinasok ko iyong ulam sa loob at isinara ulit. Magpipindot na sana ko pero........

    “Ano nga ba iyong tinuro at binilin ni Hyro sa akin?”napapakamot sa ulo kong usisa sa aking sarili......

Tinuruan nga ako ni Hyro sa paggamit nitong microwave. Ang problema, kung kailan gagamit na ko nito, saka ko naman nakalimutan iyong mga sinabi niya..........

    “Bahala na nga!”

Nagpindot na lang ako ng kung ano. Gumana naman ito at umilaw. At nagsimula nang umikot iyong nasa loob. Habang hinihintay na matapos ito, sa rice cooker naman ako dumako. May natira pa ring kanin dito at di pa rin sira. Sinandok ko na toh sa plato at dinala sa may hapag.

Kasunod nun ay nagtimpla naman ako ng juice. Dinala ko rin iyong baso nito sa may hapag at dito ko ito hinalo. Habang naghahalo ako, bigla na lamang akong nakarinig ng sunod-sunod na pagputok! Nagulat ako at napalingon. Iyong ulam pala iyon sa loob ng microwave!

Umiikot pa rin toh! At anak ng tinapa! Di ko din maalala kung alin ang pipindutin para mapahinto ito! Nataranta na ko, kaya tinanggal ko na lamang ito sa saksakan. Nang buksan ko na ito, tumambad sa akin iyong lalagyan ng ulam na yupi-yupi. At iyong caldereta na laman nito kanina, sumabog at nagkalat sa loob ng microwave. Maging sa pinto nito may sarsang nakadikit.

Napanganga na lang ako, dahil di ko alam kung anong gagawin ko. Sinubukan kong ilabas iyong lalagyan gamit ang isa kong kamay. Pero pagdampot ko nito, taena ang init pala! Nabitawan ko ito, napahawak ako sa kamay kong napaso at napaatras.

Sa pag-atras ko, napasandal ako sa may hapag at nasagi ko iyong baso ng juice. Dahilan para malaglag ito sa sahig at mabasag..........

    “Arrrgh! Kapag minamalas ka nga naman oh!”

Ilang saglit lang, narinig ko ang pagtunog ng doorbell. Habang nakahawak pa rin sa aking kamay, nagtungo ako sa may pinto para alamin kung sino ba iyon. Pagbukas ko, isang magandang babae ang tumambad sa akin. Mga kaedad siguro siya ng mommy ni Hyro. At sa dating pa lang niya, mukhang big time din siya............

    “Hi...I live next door...And I heard some noise coming from here...Something like a glass shattering...So I decided to come by to check what’s going on...Is everything okay in here? Or do you need some help?”

Anak ng! Ano ba naman toh?! Bakit ba lagi na lang akong natatapat sa mga inglesero?! Hindi ko alam kung paano siya sasagutin nang maayos. Kaya naman napalunok na lamang ako at.........

    “Ahmmm....Pwede po bang pakitagalog iyong sinabi niyo?”

Nakakahiya man pero iyon na lang ang nasabi ko.........

    “Oh!...Pasensya na iho...Kagagaling ko lang kasi ng states, kaya mas nasanay ako na english ang ginagamit na language......”

At dun na niya napansin iyong kamay ko.......

    “Anong nangyari diyan sa kamay mo?”
    “Napaso po...Pumalpak po kasi iyong pag-iinit ko ng ulam sa microwave....Sinubukan ko pong hawakan, eh di ko naman po alam na sobrang init pala”
    “I see...Ah okay lang ba iho kung tumuloy ako? Para matignan ko kung ano talaga ang nangyari...Nang sa ganun matulungan kita...At para magamot na rin natin iyang paso mo”

Ngayon ko lang siya nakita at ni hindi pa kami magkakilala. Pero napaoo na lamang ako at hinayaan siyang tumuloy. Tsaka isa pa, kailangan ko naman talaga ng tulong. At nag-aalok na siya, kaya bakit hindi. Nang makita na niya ang nangyari sa kusina.......

    “Kaya naman pala eh”sambit niya.....

Napatingin siya ulit sa kamay ko........

    “Teka, asikasuhin ko na muna iyang kamay mo”

Pinagala niya ang mga mata siya paligid na para bang may hinahanap siya. Hanggang sa nahinto siya sa ref, tapos tumingin na siya ulit sa akin.......

    “Malinis ba iyang towel na nakasabit sa ref?”usisa niya na may kasamang pagturo dun sa bimpo sa ref.....
    “Opo...Bagong palit lang po iyan”

Kinuha niya iyong bimpo. Sunod ay nagtungo siya sa lababo at binasa ito ng kaunti. Habang ginagawa niya iyon........

    “Alam mo kasi iho...Dapat nililipat mo muna sa babasagin na lalagyan, iyong iinitin mo sa microwave...At make sure na may takip, lalo na kung may tomato sauce toh...Dahil kung hindi, ganyan talaga ang mangyayari”

Taena iyong sa takip at babasagin na lalagyan! Iyon pala iyong binilin sa akin ni Hyro na nakalimutan ko! Samantala, matapos iyon ay agad niya kong binalikan. Kinuha niya iyong kamay kong napaso at ibinalot dito ang bimpo......

    “Oh iyan...Mababawasan niyan iyong sakit....Buti na lang maliit lang ang paso mo...Next time kasi, mag-iingat ka”
   
Gaya ng sinabi niya, unti-unti ngang nabawasan iyong sakit. At habang hawak-hawak niya ang kamay ko, bigla na lamang naging kampante at kumportable ang pakiramdam ko. Natigilan na lang tuloy ako at napatitig sa kanya. Ano toh? Bakit ganito ang nararamdaman ko?..........

    “Iho ayos ka lang ba?”

At natauhan ako bigla sa tanong niyang iyon.......

    “Ah...Ayos lang po...Nabawasan na po iyong sakit”
    “That’s good....Akala ko may problem eh...Para kasing natulala ka...”
    “Wa...Wala po...Ayos lang po talaga ko”
    “Okay...Ahmmm...Meron pala kong ointment, later papahiran natin itong kamay mo then lalagyan natin ng bandage...Para tuloy-tuloy ang paggaling...”

Bumitaw na siya sa akin.......

    “Sige po...Ah maraming salamat po pala...”
    “Wala iyon...Since newly neighbors tayo...Dapat lang na maging friends tayo di ba?...Ano nga pa lang name mo iho?”
    “Revy po...Revy Pagala”
    “Revy...And I’m Divine Goodman...Pero pwede mo kong tawaging tita Divine...Siya nga pala, bat parang wala akong nakikita na kasama mo dito?...Nasaan ang mga magulang mo?”

Saglit akong natigilan sa tinanong niya. Pero ganun pa man, sinagot ko pa rin ito.........

    “Wala na po kong mga magulang...Mag-isa lang po kong nakatira dito”
    “You mean to say...Wala ka nang ibang kamag-anak?”
    “Ahmmm...Meron...Meron po akong kuya pero...Sa ibang bahay po siya nakatira”
    “I see...Hindi ko na tatanungin kung bakit magkahiwalay kayo, medyo personal na kasi iyon...Anyway, ako na lang ang maglilinis ng mga toh...At huwag ka na ring magworry sa kakainin mo...May foods ako diyan, share na lang tayo dun after nito”
    “Po?! Naku nakakahiya naman po sa inyo...Pwede namang bumili na lang po ko ng pagkain eh...Tsaka kaya ko naman pong maglinis”
    “Nang ganyan iyong kamay mo?...Huwag nang matigas ang ulo Revy...Maupo ka na lang diyan at ako nang bahala sa lahat”

Tama siya, hindi nga naman pala ko makakilos nang ganito ang kamay ko. Isa pa, nagsimula na rin siya agad sa paglilinis. Kaya naman kahit na nahihiya ako..........

    “Sige na nga po...Hindi na po ko tatanggi...Maraming salamat po talaga ah”

Tumingin siya sa akin at sinagot ako ng isang magandang ngiti. Napangiti na lang din ako. Tapos naupo na lang ko at nagpatuloy naman siya sa paglilinis. Habang naglilinis na siya.........

    “Revy...Gusto ko nga palang mag-apologize ulit dun sa diretsong pagsasalita ko ng english kanina...Sorry ha...Napadugo ko ba ang ilong mo?”

Natawa ko bigla sa sinabi niyang iyon. Dahil sa totoo lang, iyon ang gusto kong sabihin sa kanya kanina. Pero nahiya lang ako.......

    “Haha...May pagkapalabiro po pala kayo tita Divine ah...Pero sa totoo lang po...Muntik na talagang dumugo iyong ilong ko sa inyo kanina!....Alam niyo kasi naaalibadbaran po talaga ko kapag nakakarinig ako ng nag-iingles nang diretso eh”
    “Ay nakakarelate ako diyan iho...Alam mo ganyan na ganyan din ako nung kabataan ko...Nabwibwisit ako kapag ini-english ako at sumasakit ang ulo ko! Parang gusto kong....”
    “BATUKAN IYONG KUMAKAUSAP...”sabay naming nasambit......
    “Sa inyo?...”pagpapatuloy ko.....
    “Sa akin....”pagpapatuloy niya.......

Napatingin siya sa akin at natigilan na lamang kaming pareho. Nabalot kami ng katahimikan. Hanggang sa nabasag din ito nang sabay kaming mapangisi at matawa ulit.........

    “Haha...Oh see...Pareho tayo di ba?”sambit niya.....
    “Oo nga po tita eh...Hehe...”
    “Although nasanay na ko, gaya ng sinabi ko kanina...Nakakainis pa rin talaga iyong ganun eh!...Lalo na kung pilipino din naman iyong kumakausap sa iyo...Parang ang sarap nilang sabihan ng...Don’t english me nga! Hindi ako forinsher! Pilipino ako at pilipino ka kaya tagalugin mo ko!”

Panay ulit ang tawa ko sa kanya at.....

    “Ano po iyong forinsher?”natatawa kong usisa......
    “Ah iyon ba...Iyon ang tawag ko sa foreigner nung di pa ko marunong mag-english...Hehe....Ang sagwa noh?”
    “Okay lang po iyon...Kasi ako naman po, foringerms ang tawag ko sa kanila! Hahaha....”
    “Germs?...Mas malala iyon ah! Hahaha....”
    “Pero tita ang daya niyo po ah! Sabi niyo ayaw niyo ng ganun...Pero kanina, ganun po iyong ginawa niyo sa akin”
    “Aba...Oo nga noh...Pero kaya nga nagsosorry di ba..Haha...”

Natawa na lang ulit kaming pareho. At habang patuloy siya sa paglilinis, nagpatuloy din ang makulit naming usapan.

SI RASSEL......

Nasa kotse na ko and I’m on my way papunta sa police headquarters. Habang nagmamaneho ko, I am thinking and asking myself........

    “Tama ba na kinuha at dinala ko pa itong cellphone?”usisa ko sa aking sarili habang napapasulyap dun sa cellphone.....

Naisip ko kasi na baka mamaya, bumalik dun sa tambayan iyong owner at hanapin ito. But at the same time, naisip ko rin na baka may kinalaman sa mga pahiwatig ni Chast, iyong dalawang guy sa picture. So kung personal ko itong isasauli, I’m going to have a chance to meet them.

Another thing is mas lalo pa kong naiintriga sa mga pangyayari. Sa condo, may magsyotang bagets. Tapos sa tambayan naman, may dalawang guy na mukhang magsyota din. Ano bang ibig sabihin ng mga toh? At may possibility kaya na may connection din sila sa isa’t isa?

Samantala, kinailangan ko na munang iset aside iyong mga iniisip ko. Dumating na kasi ko sa police headquarters. Pagkapark ko sa kotse, dumiretso na ko sa loob. Lumapit ako sa isa mga pulis na nasa reception, para magtanong.........

    “Ah sir excuse me lang po...Nandito po ba si Inspector Preston Macaraig ngayon?”
    “Nasa loob siya...”
    “Pwede ko po ba siyang makausap? Importante lang po”
    “Sandali iho ah”

Inangat niya iyong phone na katabi lang niya at may tinawagan siya. And base from what I heard, mukhang si Inspector Macaraig na ata ang kausap niya sa kabilang line.........

    “Iho ano ngang pangalan mo?”
    “Rassel Almoneda po...Ahmmm...Tell him na pamangkin po ko ni Divine De Chavez....”

A moment after sabihin nung pulis iyong pinapasabi ko, binaba na niya iyong phone tapos agad niya kong sinamahan sa loob. Dinala niya ko sa kwarto kung saan naroon si Inspector Macaraig........

    “Sir heto po na siya”sambit nung pulis.....
    “Salamat...Iwan mo na muna kami”

Pag-alis nung pulis.........

    “Good morning po”
    “Maupo ka iho”

Naupo ako at nagstart na ang pag-uusap namin.........

    “Rassel Almoneda right?”usisa niya......
    “Opo...”
    “Sa totoo lang iho...Nagulat ako nung sabihin sa akin ng kasamahan ko, na pamangkin ka ni Mrs. De Chavez...Wala kasi kong natatandaan na may pamangkin pala siya”
    “Ahmmm....Sa states po kasi ko pinanganak at nakabase...Kaya hindi niyo po ko nakilala”iyon na lang ang naisagot ko sa kanya.....
    “Kaya pala...Pero mabuti na rin at pinuntahan mo ko iho...Gusto ko rin kasi talagang kontakin ang tita mo eh...Dahil importanteng makausap ko siya about sa kaso ng family niyo”
    “Inspector...Actually, gusto rin ko po kayong makausap ni auntie eh”
    “Nandito siya ngayon sa Pilipinas?!”
    “Opo...Umuwi po siya dahil gusto niyang hanapin ulit ang mga cousins ko...And meron din po siyang bagong information para sa inyo...Something na pwede niyong magamit as a new lead for the case....But  she doesn’t want anyone else to find out that she’s back...Kaya ako po ang nagpunta dito sa inyo ngayon”

It seems like nabigla siya sa mga sinabi ko. At obvious iyon sa facial expression niya........

    “Iho...Maaari mo ba kong dalhin sa tita mo ngayon?”

With that, agad kong tinawagan si auntie. Ipinaalam at tinanong ko sa kanya, kung okay ba na isama ko si Inspector ngayon sa condo. At agad naman siyang pumayag dito.

PAGDATING SA CONDO, SI RASSEL......

When we arrived in the condo, naabutan namin si auntie sa sala, nakatayo siya sa may tapat ng bintana at nakatingin sa labas........

    “Auntie...Nandito na po ko...Kasama ko na po si Inspector Macaraig”

Napalingon siya at lumapit sa amin............

    “Magandang tanghali ho Mrs. De Chavez”bati ni Inspector.....
    “It’s Mrs. Goodman now...And it is quite nice to see you again...Former SPO3 and now, Inspector Preston Macaraig”

Nagshake hands silang dalawa. Tapos........

    “Pagpasensyahan niyo na ho...Hindi ko ho alam na nakapag-asawa na pala kayo ulit”
    “It’s okay...Maupo kayo Inspector....”

Naupo na si Inspector at naupo din ako, pero sa tabi naman ni auntie......

    “Nagpapasalamat ho ako at pinaunlakan niyo na makaharap at makausap ko ulit kayo Mrs....Goodman....Ang buong akala ho kasi, galit pa rin kayo sa kapulisan dahil sa mga nangyari dati”
    “To tell you the truth Inspector...Hindi naman ako galit...Pero aaminin ko, until now wala pa rin akong tiwala sa kakayahan niyo...”

Tumingin sa akin si auntie, pero agad din siyang tumingin ulit kay Inspector......

    “It was just my nephew here, who convinced me na lumapit sa inyo ulit”
    “Hindi ko na ho kayo masisi, kung ganyan ang nararamdaman niyo sa amin...Pero nagpapasalamat pa rin ako sa inyo at binigyan niyo kami ng isa pang pagkakataon”
    “Let’s just cut to the chase Inspector...Unahin na natin iyong ipinunta niyo dito...Ano bang gusto niyong sabihin sa akin?”
    “Naaalala niyo pa ho ba si Primo Amadeo?”
    “How could I forget him...Eh siya lang iyong nag-iisang suspect sa panloloob sa amin na nahuli niyo...But still, he ends up getting acquitted due to the lack of evidence and witness...So, anong meron sa kanya?”
    “Tinutugis ho namin siya ulit ngayon...Dahil tinangka niyang ulitin sa ibang mayamang pamilya, iyong ginawa niya sa inyo dati”
    “Hmph...Well that was a very unpleasant surprise...After all these years, hinayaan niyo lang na makapangbiktima siya ulit?”
    “Gaya ng sinabi ko, tinangka pa lang niya....At this time, nagawa  namin siyang pigilan...Mga minor de edad na bata kasi ang ginamit niya ngayon para makapang-espiya...At iyong mga batang iyon, bumaliktad sa kanya at humingi ng tulong sa amin”
    “Ahmmm Inspector...I’m not getting any of this...Ano ba ang kinalaman ng bago niyang kaso, sa naging kaso niya dati sa family ko?”
    “Ang ibig ko hong sabihin sa inyo Mrs. Goodman...Eh may mas solid na kaso na kami ngayon laban kay Primo...At iyong mga bata na nabanggit ko, handang magtestify laban sa kanya...Kaya oras na mahuli namin siya, sigurado na ang pagkakakulong niya...Magbibigyan na rin sa wakas ng hustiya ang nangyari sa inyo”
   
Nagkatinginan kami ni auntie sa narinig naming explanation ni Inspector. May point actually ang mga sinabi niya. But it doesn’t seem like na kuntento si auntie dito. Kahit ako eh............

    “Inspector...As great as that sounds, we both know that even if you put Primo in jail a hundred times, hindi pa rin niya sasabihin kung nasaan ang mga anak ko...And that’s the most important thing for me right now...Ang mahanap ang mga anak ko...I don’t care anymore kung makulong man o hindi ang Primo na iyan”
    “Huwag ho kayong mag-alala...Tutulungan ko pa rin naman ho kayo na hanapin sila....At hindi ako titigil hangga’t hindi sila nakikita”
    “Ahmmm...Auntie...What if...What if we try asking that Primo again?...Kapag nahuli na siya I mean”suggestion ko...  

Natigilan at napalingon si auntie sa akin.........

    “Rass, didn’t you hear what I just said?”
    “I completely got your point auntie...Pero naisip ko lang po kasi...Ilang years na din ang nakalilipas...So maybe nag-iba na rin ang isip niya di ba?...Wala naman pong mawawala eh...BUT...But that will only be our plan A...At ang plan B natin ay iyong sa ex-secretary niyo”
    “Ex-secretary? Mrs. Goodman, ang tinutukoy ho ba ng pamangkin niyo ay iyong naging espiya at kasabwat ni Primo dati? Si Melissa Quintos?”usisa ni Inspector.....
    “Yes Inspector...And she is the reason kung bakit gusto kong makipag-usap sa inyo”
    “Ito din po iyong namention ko sa inyo kanina, na pwede niyong gamitin as a new lead”dagdag ko....
    “Anong ibig niyong sabihin?”
    “I already found her”sagot ni auntie.....
    “Paano niyo siya nahanap?!”
    “Let’s just say that I did my own research...And I found out that the reason why you cannot find her before, is because binago niya ang pagkatao at pangalan niya...Iba na talaga ang nagagawa ng may pera di ba?”
    “Kung ganun, nasaan ho siya ngayon?”
    “You might actually know her already...Because she is just right before your eyes...Melissa Quintos is now known as the woman who replaced me as the queen of Philippine fashion industry...She is none other than MARIANA AMETHELLI!”

ITUTULOY.......

No comments:

Post a Comment