m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, September 27, 2015

Here and Now (Part 40)

By: Chaster Rassel 

Chapter 40: They Finally Meet...

SI RASSEL......

Mariana Amethelli? Siya ba iyong may-ari nung sikat na brand ng damit na Amethelli? I remember na one time, bumili din ako sa isa sa mga botique nila. Samantala, ang weird ng naging reaction ni Inspector Macaraig sa mga sinabi ni auntie. Hindi lang kasi siya mukhang nashock nang sobra-sobra, para din siyang natakot or something........

    “Mrs. Goodman...Sigurado ba kayo diyan sa sinasabi nyo?! Si Mariana Amethelli ang dati niyong secretary?!”
    “I am a hundred percent sure na si Mariana at Melissa ay iisa Inspector....”
    “Pero paano? Paano niyo toh nasisiguro?”
    “I have some evidences to show you...If you would excuse me for a minute it”

Pumasok sandali si auntie sa kwarto. But she came back right away with two pieces of black colored folder.......

    “Here, take a look at these Inspector”

Inabot niya kay Inspector iyong folders, tapos naupo na siya ulit sa tabi ko.....

    “The first folder contains the copy of a business plan...It’s supposed to be for a subsidiary company of Le Chavez Couture that will focus on RTW clothing...Included na rin diyan ang mga designs ng damit para sa launching...I was planning to push it through before the incident happened...Then the second one, it contains a copy of another business plan and designs...It’s the one that Mariana Amethelli used to launch the Amethelli Apparels years ago...And it happened to be the exact same thing as mine”
    “Paano ho kayo nakakuha ng kopya ng mga ganitong files ni Mariana Amethelli?”
    “It doesn’t matter kung paano ko nakuha iyan Inspector...Ang importante ay iyong ipinapahiwatig niyan”

Tinignan nang maigi ni Inspector, iyong mga papers na laman nung mga folder.........

    “Ninakaw din niya pati ang mga plano niyo sa negosyo...Pati na rin ang mga dinesenyo niyong damit!”
    “Exactly...Alam niyo kasi, hindi ko na nagawang ipresent pa iyan sa mga board members ng company ko that time, because of what happened...At ang tanging may copy ng business plan at designs ko aside from me, ay walang iba kung di ang ex-secretary ko lang”
   
Sinarado na niya iyong folders. At habang ginagawa niya iyon, I noticed something, nangangatog siya......

    “Naniniwala ho ako sa mga sinasabi niyo Mrs. Goodman...Pero hindi pa sapat ang mga ebidensyang ito...Oo magamit din ho natin toh...Pero circumstantial lang ang lahat ng toh...Hindi nito kayang patunayan na si Melissa Quintos at Mariana Amethelli ay talagang iisa...
Dahil dun, hindi rin namin siya pwedeng hulihin o kwestiyunin tungkol sa kinalalagyan ng mga anak niyo”
    “Then what do you suggest that we do?”
    “Sa ngayon ho...Mas makabubuti na hayaan niyo muna ko na makapag-imbestiga at makakalap ng mas matibay na ebidensya...At kung maaari, huwag niyo munang kukumprontahin si Mariana Amethelli”
    “Don’t worry Inspector...I won’t...Because I know that we need to be careful...And I don’t wanna fail again this time”
    “Ahmmm...Sige ho...Sa...Salamat dito sa mga impormasyon at ebidensyang binigay niyo sa akin...Magpapaalam na muna ho ko...Magtawagan na lang tayo para sa updates, Mrs. Goodman”

Nagpalitan na sila ng cellphone number. Pati number ko ay hiningi na rin ni Inspector, just in case lang daw na kailanganin. And still, nangangatog pa rin siya. I don’t know what is it, but there is obviously something that’s bothering him. Something na hindi niya magawang sabihin sa auntie ko. Gusto kong malaman kung ano iyon. And so........

    “Ah Inspector...Hatid ko na po kayo sa labas”sambit ko.....

Sinamahan ko siya, until makarating kami sa may labas ng building..........

    “Sige iho...Aalis na ko”

He’s about to walk way pero.....

    “Inspector sandali lang po”

Huminto siya..........

    “Napansin ko ang pangangatog niyo kanina sa taas...Napansin ko din na suddenly, naging balisa po kayo after banggitin ng auntie ko iyong name nung Mariana Amethelli...I know that you’re hiding something Inspector”

Nilingon na niya ko........

    “If di niyo kayang sabihin kay auntie...Maybe you can tell it to me...Especially kung tungkol po toh sa mga cousins ko...Mapagkakatiwalaan niyo naman po ako eh”

Napabuntong-hininga siya, then he started talking........

    “Iyong pamilya na tinutukoy ko kanina...Na pinagtangkaang biktimahin ni Primo...Ang mga Amethelli iyon”
    “Po?!...Teka...Pinagtangkaan pong nakawan ni Primo iyong pamilya ng dati niyang kasamahan? But why?”
    “Dahil hindi pagnanakaw ang motibo niya...Kung di paghihiganti kay Mariana Amethelli...”
    “Hmph...But still the question remains...Why?”
    “Ang totoo iho...Kahit ako, hindi ko pa alam ang sagot sa katanungan na iyan...Dahil hindi ko pa rin nabibigyang linaw ang mga bagay-bagay, sa bagong kaso na toh ni Primo...”

I felt disappointed from what he said. Napaiwas na lang tuloy ako ng tingin mula sa kanya..........

    “May...May isa pa...May isa pa kong hindi sinabi”
   
Napalingon ulit ako sa kanya sa narinig ko...........

    “May palagay na ko...Kung saan posibleng naroon sina Joaquin at Johnray De Chavez, ang mga pinsan mo...”
    “Saan po?!”
    “Pasensya na Rassel...Pero hindi ko pa pwedeng sabihin sa ngayon...Ayaw ko kayong paasahin sa isang palagay lang...Kailangang maimbestigahan at makumpirma ko muna ang lahat...Ito rin ang rason, kaya minabuti ko na huwag munang ipaalam sa tita mo”

After our conversation, nagdecide ako na makipag-cooperate na lang with him. Dahil tama naman ang mga sinabi niya. Masasaktan at madidisappoint lang din si auntie, kung paaasahin siya on something na wala pang kasiguraduhan.

Nagpromise din ako na di ako magsasalita, tungkol sa napag-usapan namin. I’m just gonna wait until he finished the investigation. And then, I’ll let him do the explaining to auntie when that time comes.

Bumalik na ko ulit sa unit namin. I found auntie slicing some vegetables in the kitchen. Nilapitan ko siya at pinagmasdan. It looks like okay naman siya, even though medyo naging mabigat ang conversation nila kanina ni Inspector. Pero siya, di pa rin ang maaalis sa akin ang magworry...........

    “Auntie...”

Napalingon siya sa akin......

    “Oh...Nakabalik ka na pala”

Pinagmasdan ko pa rin siya, habang pagtuloy siya sa ginagawa niya. Until nanotice na niya kung paano ko siya tignan........

    “Hmph...Rass will you please stop that?”
    “Po?”
    “Huwag ka nang magmaang-maangan diyan...I know that look...Listen, you don’t have to worry about me...Okay? In fact, natutuwa pa nga ko eh...Dahil kahit paano, maayos ang naging start natin...”
    “Sure po kayo ah?”
    “Yes I’m sure...Kasing sure ng kagwapuhan mo, my worrisome young nephew”ngingiti-ngiti niyang sagot”

Napangisi at natawa na lang ako bigla sa sinabi niya.......

    “Si auntie talaga oh!”

Tapos napakamot na lang ako ng ulo. Well for some reason, mukhang good mood lang talaga siya. Mas okay na rin toh. And I think it would be better, if I just let her be........

    “Anyway auntie...Where did those vegetables come from?”
        “I bought it...Bago ka dumating kanina, sumaglit ako sa grocery...And so far, wala namang nakakilala sa akin”
    “I see...And looks like masarap iyang lulutuin niyo ah...Para po ba iyan sa lunch natin?”
    “Nope...Para toh sa dinner mamaya...I’m just preparing it...Yung lunch mo, nandiyan sa may table”
   
I look at the table, may food ngang nakatakip dito. So, naupo na ko para kumain na lang......

    “Sakto! Gutom na rin po ko eh”

While eating, napatingin ulit ako kay auntie. That’s when I noticed na ang dami ata nung vegetables na prineprepare niya.........

    “Auntie...Bakit parang ang dami naman po niyang prineprepare niyo? Eh dadalawa lang naman po tayo ah”
    “Correction! Dahil may makakasama tayo mamayang kumain...That’s why dinamihan ko talaga on purpose”
    “Who?”
    “Si Revy”
    “Revy?...Sino po si Revy?”
    “The kid next door...”
    “Wait a minute...Next door?! As in diyan sa dati ko pong unit?!”

Huminto siya sa ginagawa niya. Tapos lumapit siya sa akin sa may table......

    “Yeah...And yes, I am talking about the same kid na ikinuwento mo sa akin....”
    “Kung ganun nagkakilala na po pala kayo”
    “Actually, hindi ko naman talaga sinadiya na magkakilala na kami agad...It just happened to be na nakarinig ako ng ingay kanina mula sa diyan sa kabila...I got worried, so I checked it out...”
    “So what happened then?”
    “Nadisgraya pala iyong bata sa pinapainit niyang pagkain sa microwave...So iyon, tinulungan ko...It turns out kasi na mag-isa lang pala siyang tumutuloy diyan...At orphan na siya...May kuya siya, pero sa ibang bahay nakatira...”
    “Eh iyong bata po na kasama niya? Iyong bf niya?”
    “Oh! I forgot to ask about him...But you know what, all in all okay siya...Nakakatuwa siyang bata...And he reminds me a lot of my younger self...I don’t know why”

Sandali lang ako nawala, but it looks like a lot has happened in here already. At ang maganda pa dun, everything went in favor of me........

    “Ayos ah...I was just gone for a few hours, then nakagawa na po kayo agad ng move”
    “Like I said, hindi ko naman sinadiya ang lahat...But since the opportunity was already there, I thought that I might as well take advantage of it to help you...And now, you have the chance to get to know him yourself...Sinabi ko sa kanya na ipapakilala ko siya sa nephew ko...So later on, sasama ka sa akin diyan sa kabila and we are going to have dinner with him”
    “Sige po auntie! Maraming salamat po ah...Napakalaking tulong po ang nagawa niyo for me”

KINAGABIHAN, SI REVY.......

Hay, buti na lang at may natitira pang mabubuting tao sa mundo na gaya ni tita Divine. At buti na lang din, naging kapitbahay ko siya. Kasi naman, sakto talaga iyong pagsulpot niya kanina. At kung hindi siya dumating, malamang nangamote ako dun sa microwave.

Tapos ngayon, dadalhan pa niya ko ng gabihan. At sa pagbalik daw niya, isasama niya iyong pamangkin niya para ipakilala sa akin. Naeexcite nga ko eh. Hindi ko alam kung tama ba na mapalagay agad ang loob ko, sa isang taong kakakilala ko lang. Pero iba si tita Divine eh, magaan ang pakiramdam ko sa kanya. Siguro dahil mabait siya?

Mayamaya pa, narinig ko na ang muling pagtunog ng doorbell. Ayan na sila! Dali-dali ko naman silang pinagbuksan ng pinto..........

    “Magandang gabi!”masayang bati ni tita....
    “Magandang gabi din po tita”

At ang una kong napansin ay ang mag-isa lang siya, wala siyang kasama.........

    “Tita, akala ko po ba isasama niyo iyong pamangkin niyo?...Nasaan na po siya?”
    “Nandiyan siya...Kinukuha lang niya iyong dessert natin sa ref namin”
    “Ahh...Ay tita tulungan ko na po kayo diyan sa bitbit niyo”

Ako na ang nagbitbit sa dala niyang mga pagkain. Tapos pinatuloy ko na siya. Pero hindi ko na muna isinara iyong pinto. At nanatili lang kami sa may tapat nito, dahil nga sa pamangkin niya.........

    “Sa totoo lang iho, nagkita na kayo dati nung pamangkin ko”
    “Po?!”

Nagtaka ko sa sinabi niyang iyon. At mayamaya pa, nagulat na lamang ako sa kung sino ang dumating!...........

    “KUYA RASSEL!”bulalas ko......

Hindi ako makapaniwala, kaya napatingin ako kay tita Divine at.........

    “Tita siya po iyong pamangkin niyo?!”
    “OO...Siya ang nag-iisa kong pamangkin, wala nang iba”

Napalingon na lang ako ulit kay kuya Rassel.......

    “Ku...Kuya...Salamat naman at bumalik ka dito!...Este ang ibig ko sabihin eh...Natutuwa ako dahil nandito ka ulit...At nakita kita ulit! Iyon!”
    “Well...Ako rin actually...Gusto ko rin na makita ka ulit....At na makilala ka, Revy....Ahmmm...Paano mo nga pala nalaman ang pangalan ko?”
    “Ah, may naiwan kang litrato tsaka ID dun sa kwarto kuya...Kaya nalaman namin”
    “Namin?”
    “Namin nung bf ko...Iyong kasama ko dati...Tsaka...Tsaka nung kuya ko...”
    “I see....”
    “Hay naku boys! Masyado nang nagiging masarap ang kwentuhan...Ang mabuti pa, dun na natin iyan sa dinning ituloy habang nagdidinner”sambit ni tita Divine........

Dinala na nga namin ni kuya Rassel iyong mga bitbit namin sa may hapag. Si tita naman iyong nagsara ng pinto, pagkatapos ay sumunod siya agad sa amin. Pagkalapag namin ng mga pagkain sa mesa........

    “So kuya Rassel.....”
    “Kahit kuya Rass na lang...Mas okay iyon sa akin”
    “Ah kuya Rass...So ibig sabihin ba eh...Diyan ka rin sa kabila nakatira kasama si tita?”
    “Actually nung una, sa hotel ako nag-iistay...Pero kahapon, nung dumating si auntie...Napag-alaman ko na dito pala siya sa place na toh tutuloy...Then nag-offer siya na samahan ko na lang siya dito...And since namimiss ko nga ang place na toh, gaya nung sinabi ko dati...Pumayag ako”
   
Ibig sabihin, madalas ko din siyang makikita dito. Kailangang malaman agad ni kuya Oryo ang lahat ng toh! Siguradong matutuwa siya nito! At dahil dun........

    “Ahmmm...Kuya...Tita...Mag...Magbabanyo lang po ko sandali ah...Babalik din po ko agad!”

Pagkasabi ko noon ay agad akong nagtungo sa kwarto. Dali-dali kong dinampot iyong cellphone ko para tawagan si kuya Oryo. Pero........

    “Anak naman ng tinapa! Ngayon pa siya nagpatay ng cellphone!”

Hindi talaga makontak si kuya. Kaya iyong boyfriend ko na lang ang naisip kong tawagan. Buti na lang at mabilis siyang sumagot........

    “Oh! Napatawag ata ang mahal ko...”
    “My labs! Hulaan mo kung sino ang nandito ngayon sa condo!”
    “Huh? Sino?”
    “Si kuya Rassel! Kapitbahay ko siya!”
    “What?!...Wait, paano nangyari iyon?!”
    “Dumating siya dito kahapon kasama iyong tiyahin niya...Dun sila tumutuloy sa unit na katabi nitong tinutuluyan ko”
    “Si kuya Oryo! Kailangan sabihin natin toh sa kanya!”
    “Iyon na nga eh, kaya ako tumawag sa iyo....Hindi ko kasi siya makontak”
    “Oops!...I forgot!...Hindi mo nga pala talaga siya matatawagan”
    “Bakit?!”
    “It would be better kung siya na mismo ang magpaliwanag sa iyo...Teka ha”

Makalipas lamang ang ilang sandali, narinig ko na ang boses ng kuya ko sa kabilang linya............

    “Tol, ano iyong sinasabi sa akin ni Hyro na nandiyan daw si Rassel?!”
    “Totoo kuya, nandito siya!”
    “Pero ano naman ang ginagawa diyan?!”

Ikinuwento ko rin kay kuya, iyong mga sinabi ko kay Hyro. Ipinaliwanag ko na rin iyong tungkol kay tita Divine. Pati iyong kung paano niya ko tinulungan, mula sa kamalasang nangyari sa akin kaninang umaga..........

    “Arrgh! Takte naman! Bakit ngayon pa natiming iyan?...Alanganin na magpunta ko diyan ngayon eh, dahil baka hanapin ako ng boyfriend ko”
    “Eh? Paano na iyan kuya?”
    “Kaasar! Kailangan ko pa namang kunin iyong cellphone ko sa kanya!”
    “HA?! Na kay kuya Rass iyong cellphone mo?!”
    “Oo eh...Naiwanan ko kasi kagabi sa tambayan...Tapos pagbalik namin ni Hunsel kaninang umaga, wala na dun...Eh bukod sa ating apat, siya lang naman iyong taong pwedeng magpunta sa tambayan at makapulot nun di ba?”
    “Oo nga kuya...Ahmmm...Paano kaya kung ako na lang ang kumuha nung cellphone mo sa kanya?”
    “Huwag tol...Alam mo naman na gusto ko siyang makita at makausap di ba?...Ganito na lang....Total kapitbahay mo naman siya...Sa lunes, sa lunes na lang ako pupunta diyan, pag pasok ni Hunsel sa eskwela...Tsaka para personal na rin akong makapagpasalamat dun sa tita Divine niya, sa pagtulong na ginawa sa iyo...Okay?”
    “Oh sige kuya...Ah kuya...Siya nga pala...”
    “Ano iyon tol?”
    “Congrats ha...Uyyyyy! May syota na siya....Ahihihi!”
    “Haha....Sige na! Asikasuhin mo na iyong mga bisita mo diyan...Naghihintay sila sa iyo, nakakahiya”

Ibinaba na ni kuya Oryo iyong telepono. Lumabas na ko ulit at binalikan ang aking mga bisita.........

    “Pasensya na po, medyo natagalan ako”.....
    “Okay lang iyon...Oh maupo ka na...Para makakain na habang mainit pa ang foods”sambit ni tita Divine......

Naupo na ko at dun ko mas napagmasdan ang mga dala nilang pagkain. May gulay na parang chopsuey ang dating, pero hindi. Iba kasi iyong mga sangkap nito kaysa sa mga karaniwan kong nakikita. Meron ding hiniwang isda na kakaiba ang pagkaluto at may kaunting sarsa.

Sa kabuuan, talaga namang mukhang kataka-takam ang mga ito. Hindi lang sa itsura, kundi pati na rin sa amoy..........

    “Wow tita! Mukhang espesyal na espesyal po itong mga dinala niyo ah!”
    “Hmph...Ako pa mismo ang nagluto ng mga iyan ah...At talagang ginawa kong siyang espesyal, para sa isang bagong kaibigan at kapitbahay”

Ako na ang unang kumuha at tumikim sa mga pagkain. Taena hindi nga ako nagkamali! Ang sarap nga! Mukhang mapaparami ang kain ko ngayon. Kumuha na rin sila at sabay-sabay nga kaming kumain. Habang kumakain..........

    “Oh...Iyong meron gustong itanong diyan...I think ito na ang tamang chance...Kaya huwag kang ngumanga lang diyan”

Pagkasabi nun ni tita Divine, napahinto ako at napatingin sa kanila. Sila naman ay nagkatinginan. Tila sumensenyas si tita sa pamangkin niya. Lumingon naman toh sa akin at............

    “Ah Revy...May mga tanong sana ko sa iyo...Kung...Kung okay lang”

May laman pa ang bibig ko, kaya tumango na lamang ako kay kuya Rass......

    “Ahmmm...Gaano ka na katagal na tumutuloy dito?”

Uminom na muna ko ng tubig, pagkatapos ay sinagot ko na siya.........

    “Nung kelan lang din ako dumating dito kuya...Nung nakita mo kami ng bf ko diyan sa may tapat pinto, ayun iyong unang araw ng pagtira ko dito...Pinahiram lang kasi toh ng isang kaibigan...Iyong anak nung taong nakabili nito mula sa...Mula sa inyo”
    “Ahh....Eh iyong kuya mo?...Nabanggit mo siya kanina eh...Nasaan siya? Bakit di mo siya kasama dito?”
    “Rass! Be careful with your questions naman...Huwag naman iyong masyadong personal”sambit ni tita Divine......
   
Sa totoo lang, nag-aalangan naman talaga ko, na sabihin sa kanila iyong sitwasyon namin ni kuya Oryo eh. Kahit kasi sabihing magaan ang loob ko sa kanila, bago ko pa rin silang kakilala. Kaya hindi pwede........

    “Ah kuya Rass...Pasensya na, pero di ko pwedeng sagutin iyang tanong mo eh...”
    “I’m sorry...Di ko naman sinasadiya na mamersonal”
    “Okay lang kuya...Pero dahil nabanggit na din naman ang kuya ko...Alam mo ba na gustong-gusto ka niyang makilala”
    “Talaga? Pero bakit?”
    “Dahil tambayan din namin...Di lang pala namin...Apat kami, kasama iyong mga syota namin...Iyong naging tambayan niyo ni kuya Chaster...”
   
Nagkatinginan na naman silang dalawa, dahil sa sinabi ko. Tapos.........

    “Paano niyo nalaman iyong tungkol sa amin ni Chast?”
    “Di ba nga nakita namin iyong litrato sa kwarto...Iyong magkasama kayo sa tambayan?...Tapos may nakasulat sa likod nun na kagaya nung nasa puno...Kaya ayun....Pero hanggang dun lang naman ang alam namin tungkol sa inyo eh...”
    “Teka...Kung kayo iyong nagpupunta sa tambayan...Ibig sabihin....”

Natahimik siya at tila napapaisip. Pero parang alam ko na kung ano ang iniisip niya.......

    “Kung ang iniisip mo kuya Rass eh iyong cellphone na napulot mo...OO, sa kuya ko iyon...”napapangiti kong sambit.....

Napakamot siya ng ulo at napangisi...........

    “Hmph...Sabi ko na nga ba eh....Pasensya na kung dinampot ko ha...Pero balak ko naman talagang isauli iyon nang personal eh...Kung gusto mo, pwede kong kunin sa kabila...Para ikaw na lang ang magbalik sa kanya....”
    “Hindi kuya...Mas matutuwa ang kuya ko, kung ikaw mismo ang magbabalik nun sa kanya...Tsaka...May isa pa kasing importanteng rason kaya gusto ka niyang makilala...Pero siya na iyong dapat na magpaliwanag nang personal nun sa iyo...Kaya kailangan talaga eh magkita kayo”
    “Pero paano? Saan?”
    “Sa lunes...Pupunta siya dito”
    “Oh sige...Aasahan ko ang pagdating niya ah”

Nakangitian na lang kami, matapos iyon ay nagpatuloy na kami sa pagkain ng pagkasarap-sarap na pagkain na luto ni tita Divine.

BAGO MATULOG, SI RASSEL.......

It was already past midnight, pero gising pa rin ako. Nakaupo lang ako sa sofa bed, habang hawak iyong phone na napulot ko. Heto na naman kasi at napapaisip na naman ako. I can’t believe na nagkatotoo iyong hunch ko na may connection iyong dalawang guy sa tambayan at iyong mga bagets sa kabila.

And now, things are starting to get clearer. Gusto ba ni Chast na makilala ko silang apat? Kaya niya ko pinabalik? Tsaka isa pa, nabobother din ako dun sa namention ni Revy kanina, tungkol sa kuya niya. I wonder kung ano iyong important thing, na gustong sabihin nung taong iyon sa akin. Samantala, biglang lumabas si tita Divine.........

    “Oh Rass...Why are you still awake?”

Nagpunta siya sa kitchen at uminom ng tubig. After drinking, lumapit siya sa akin at naupo sa tabi ko............

    “Is everything okay?”usisa niya......
    “Eh kasi po auntie...Napapaisip lang ako sa mga nangyayari”
    “Hay...Is this about your dreams with Chast again?”
    “Pero auntie...Kung titignan niyo po kasi iyong mga bagay-bagay...Parang ang weird na talaga eh....I mean...Coincidences? Yeah right...Pero bakit po masyadong convenient di ba?”
    “You know what nephew, instead of stressing out yourself....Why don’t you just let things be...”
    “Po?”
    “What I mean to say...Is just go with the flow...At tignan mo na lang kung anong susunod na mangyayari...Malay mo...Gusto ka lang pala ilead ni Chast, sa magiging bago mong kaloveteam di ba...”  
    “Auntie naman! Di niyo po ba narinig iyong mga sinabi sa atin ni Revy kanina?”
    “Sinabi ko bang isa sa kanilang apat....Malay mo...There’s someone out there na mamemeet mo sa tulong nila...Di ba...”

Eto talagang si auntie Divine oh, minsan iba din mangtrip eh. Although may sense naman iyong mga sinabi niya. Pero ewan ko, napakamot na lang tuloy ako ng ulo.

ARAW NG LUNES, SI ORYO.......

Nakasakay na ko ng elevator, dala-dala ang cake na binili ko para kay Rassel at sa tita niya. Ewan ko kung bakit, pero medyo kinakabahan ako sa pagkikita namin. Ang sabi naman nung kapatid ko, naipaalam na daw niya sa kanila ang pagpunta ko. Ayos naman daw ito sa kanila at aasahan nila ang pagdating ko........

    “Ano na kaya ang itsura ni Rassel ngayon?”bulong sa aking sarili sabay pasok na......

Paglabas ko sa 15th floor, dumiretso na ko agad kay Revy. Usapan kasi namin ay sasamahan niya ko. Pagdating ko, naabutan ko siya na bihis na at nakatayo sa may tapat ng pinto..........
   
    “Tol....”
    “Oh ano kuya? Ready ka na ba na mameet siya?”
    “Syempre naman...”
    “Teka nga pala kuya...Ayos lang ba na malaman nila na magkapatid tayo?”
    “Hmph! Ngayon mo pa naisip tanungin iyan, kung kailan nasabi mo na sa kanila na may kuya ka”
    “Sorry naman”
    “Pero...Ayos na rin iyon...Wala naman silang kinalaman sa mga problema natin eh”   

At dun lang niya napansin na may dala ko...........

    “Uy! Cake iyan ah!”
    “Para po toh kay Rassel at sa tita niya”
    “Ahh...Oh eh ano pang hinihintay natin dito kuya? Kumatok na tayo diyan sa kabila...”

Napabuntong-hininga ako, tapos ay kumatok na nga ako. Makalipas lamang ang ilang saglit, may nagbukas na ng pinto, isang binata. Natatandaan ko ang mukha niya, hindi ako pwedeng magkamali, siya na nga ito. Siya na nga si Rassel!...........

    “Kuya Rass!...Heto na ang pogi kong kuya, si kuya Oryo!”

Napatingin ako bigla kay Revy, dahil sa banat niyang iyon. Tinitigan ko siya nang may bahid ng pagkairita. Si Rassel naman ay natawa lang. Umakbay ako sa kapatid ko, lumingon na ulit ako kay Rassel at........

    “Pagpasensyahan mo na itong kapatid ko pre ah...Maloko talaga toh minsan eh”
    “It’s okay...Tsaka, may katuwiran naman siya sa sinabi niya eh”ngingisi-ngisi niyang sagot......

Aba, maloko din pala siya at talagang sinakyan pa niya iyong trip ni Revy. Hmph, mukhang magkakasundo kami ng isang toh ah........

    “Oh tara...Pasok na tayo sa loob”sambit niya......

Tumuloy na kami sa loob. Halos pareho lang din pala nung sa kabila ang itsura at kaayusan nito. Pagdating namin sa may sala nila..........

    “So Oryo pala ang pangalan mo...Well I think di ko na kailangan magpakilala sa iyo...According kasi dito sa kapatid mo eh kilala mo na daw ako”
    “Oo eh...Sa hindi sinasadiyang pagkakataon, nakilala kita...Pero sa pangalan lang naman...Rassel Almoneda...”
    “Hmph...Kung magiging magkaibigan tayo...Mas okay na sa akin iyong Rass lang”
    “Ay siya nga pala...Cake, para sa inyo ng tita mo”

Inabot ko na ito sa kanya at agad naman niyang tinanggap.......

    “Thank you...It was so thoughtful of you....Ah si auntie pala, naliligo lang sandali...Mayamaya lang lalabas na din iyon...Tara, dun tayo sa dinning para mapagsaluhan natin itong dala mo”
    “Kuya Rass pwedeng makihingi hihi?”
    “Sure...”
    “Iyon!”

At talagang inaatake ng kakulitan itong utol ko ngayon. Nagtungo na kami sa hapag nila. Nang mailapag niya iyong cake sa mesa........

    “Oh, before I forgot”

Bumalik sandali si Rass sa may sala. Pagbalik niya sa amin, hawak na niya iyong cellphone ko.........

    “Here, iyong phone mo”sambit niya sabay abot sa akin nito.....
   
Tinanggap ko ito at......

    “Salamat Rass...Buti na lang at ikaw ang nakapulot...May sentimental value kasi toh sa akin eh...”sambit ko.....
    “Ganun ba? Naku sorry Oryo ah...”
    “Wala na iyon...Ang importante ngayon, nabalik na toh sa akin”

Kumuha siya ng mga platito at tinidor, pati na rin ng panghiwa. Pinaupo na niya kami ni Revy. Umupo naman kami agad nang magkatabi, habang siya naman ay nakatayo pa rin. Binuksan na niya iyong box ng cake at siya na rin ang naghiwa dito. At habang nilalagyan na niya iyong mga platito........

    “By the way Oryo, what do you mean dun sa sinabi mo kanina?...Iyong...Nakilala mo ko dahil sa hindi sinasadiyang pagkakataon?”
    “Iyon na nga ang dahilan...Kaya gusto kitang makita at makausap eh...Ano kasi...Rass...Nung naospital ka dati, tatlong taon na ang nakararaan...Ahmmm...NANDUN AKO”

Napahinto siya bigla sa ginagawa niya. Napabitaw siya dun sa panghiwa at napalingon sa akin.........
   
    “What?!”
    “Di ko nga alam kung dapat ko pa bang sabihin toh sa iyo eh...Pero...Nung inilabas ka mula sa ambulansya...Hindi alam nung mga doktor kung anong gagawin sa iyo...Kailangan ka kasing maoperahan nun agad...Kaya lang, di ka naman nila madala sa operating room, dahil kailangan nila ng dugong isasalin sa iyo...Ang masaklap, naubusan sila ng supply nung dugo na kamatch ng blood type mo...Tapos wala pa iyong mga kaanak mo nun....Nataon naman na magkablood type tayo...Kaya...Kaya ako iyong nagdonate....”

Ikinuwento ko din sa kanya na naabutan ko iyong pagdating ni Chaster sa ospital. Matapos kong masabi ang lahat, natigilan na lamang siya. Napatitig lang siya sa akin. At nakita ko na mamasa-masa na ngayon ang mga mata niya........

    “It means...Hindi nag-iisa si Chast...Dalawa kayo! Dalawa kayong nagligtas sa akin...I owe you my life too!...Pero...Bakit hindi ko nalaman toh dati? Bakit hindi sinabi sa akin nung doktor ko dati iyong tungkol dito?!”
    “Ahmmm...Binilin ko kasi sa kanya na huwag nang ipaalam sa iyo iyong tungkol sa akin...Kasi kung tutuusin...Hindi naman na talaga kailangan eh...

Napaupo na lamang siya, habang patuloy pa rin ako sa pagpapaliwanag.......

    ‘’Pero nung malaman ko sa kapatid ko na nakita ka niya...Naging interesado ko na makilala ka at na sabihin na sa iyo ang lahat....Di ko na kasi nalaman kung anong nangyari sa iyo dati...Kaya gusto ko sana na kumustahin ka man lang...Sa maniwala ka kasi’t sa hindi...Nag-alala ko sa iyo...Kahit hanggang ngayon eh”
    “Thank you Oryo...You now what, hindi ako makapaniwala...Na may isang tulad mo na di ko naman kaano-ano...Pero nagawang magmalasakit sa akin at sagipin ang buhay ko...So very I’m thankful to you...THANK YOU TALAGA!”napapangiti niyang sambit.....
   
Napangiti na lang ako sa kanya. Masaya ko, masaya kong makita na natutuwa siya sa ginawa ko para sa kanya. Masaya ko na natulungan ko siya.......

    “Ah Rass...Ano pala iyong sinasabi mo na dalawa kami nung boyfriend mo? Tsaka...Kumusta na siya? Nasaan na siya ngayon?”
   
Saglit siyang natigilan sa tinanong ko. Tapos nag-iba iyong timpla nang mukha niya...........

    “Oryo...Namention ba sa iyong nung doktor nun, na kinailangan ko din ng bagong kidney?”
     “Oo...”
    “Si...Si Chast ang nagdonate ng kidney sa akin that time...Naging successful iyong operation sa akin...Pero...Nagkaroon ng complication on his side...At nung...Nung magising ako....WALA NA SIYA”

Biglang akong nanlambot sa mga narinig ko mula sa kanya. Kasunod noon ay nagkatinginan na lamang kami ni Revy.........

    “He sacrificed his life...Para lang mabuhay ako...Ganun katindi iyong pagmamahal niya para sa akin...”
    “Ahmmm...Pasensya na Rass...Hindi ko naman alam na patay na pala siya...Hindi ko na dapat pala siya tinanong....”
    “No it’s okay...Gaya ng sabi mo, hindi mo naman alam...Isa pa, matagal na siyang wala...At nakapagsimula na rin ako ng bagong buhay...Kaya okay na ko ngayon...”

Napansin ko na hindi siya makatingin nang maayos sa akin, habang nagsasalita. Mukhang hindi totoo na ayos siya. Pero wala naman akong karapatang manghimasok sa kanya. Mas mabuti pa siguro, kung iba na lang ang pag-usapan namin............

    “Ah mabuti pa, iba na lang ang pag-usapan natin”sambit ko.....

Napangiti na siya, tapos.........

    “Mabuti pa nga...Okay sige, ito na lang....Wala ka bang napapansin sa atin?”usisa niya....
    “Huh?”pagtataka ko.....

At sa kalagitnaan noon.......

    “Hey Rass...”

May nagsalita na boses babae. Napalingon kaming tatlo. Merong babaeng nakatayo sa may tapat ng pinto ng kwarto. Siya na ata iyong tita ni Rassel. Mukhang kaedad nga niya si Madam, gaya ng nabanggit sa akin ng kapatid ko. At  ang ganda niya, parang pang reyna iyong dating niya..........

    “Tita Divine!”bulalas ni Revy.......

Lumakad na siya papalapit sa amin. At napansin ko na habang naglalakad ay nakatutok ang mga mata niya sa akin. Paglapit  niya, napatayo kaming tatlo.........
    “Magandang umaga po tita”pagbati ni Revy......
   
Nakatingin pa rin siya sa akin. At ngayon, sa mukha ko pa mismo siya nakatitig.........

    “Ma...Magandang umaga po”pagbati ko.......
    “Nandito na pala ang mga bisita natin...I’m sorry if late akong lumabas ha...”
    “Ahmmm....Auntie, siya po iyong kuya ni Revy...Si Oryo”
   
Hindi pa rin niya inaalis ang mga mata niya sa mukha ko. Hindi ko maintindihan kung bakit, pero hindi ko rin maalis ang mga mata ko sa kanya. Ilang sandali pa, naramdaman ko na lamang ang pagdampi ng isa niyang kamay sa pisngi ko.

ITUTULOY.......

No comments:

Post a Comment