m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, October 25, 2015

Did Not Expect (Part 2)

By: Jett Lana

Ipinatong ko ang kaliwa kong kamay sa hita niya.  Humilig ako paharap sa kanya at sinabing, "Kuya Nanding.. medyo nilalamig ako..."
      Ang kanang braso niyang naka-akbay sa akin ay lalong humigpit, at ang kaliwa naman niya'y yumakap sa akin.  Hindi na rin ako nagpakipot pa, iniyakap ko ang kanang braso ko sa may baywang niya at isinandig ang ulo ko sa kanyang balikat.
     Naramdaman ko ang paghinga niya nga malalim.  Ang kanang kamay ko'y unti-unting humihimas sa tagiliran niya.  Mula sa tagiliran ay iginiya ko ang kamay ko paakyat sa dibdib niya.  Isang halik ang iginawad niya sa aking noo.
     Dahan-dahan at magaan ang pagdampi ng aking palad.   May mga buhok siya sa dibdib na nakalabas sa sando.  Dinama ko ang mga buhok sa pamamagitan ng aking mga daliri.
     "Ang ganda ng katawan mo, Kuya Nanding..." sabi ko.
     "Gusto mo'ng makita?"

     "H-ha?" medyo kinakabahan kong tugon.
     Inalis niya ang pagkakayakap sa akin at hinubad ang suot niyang sando.  Inihagis niya lang ito sa isang monobloc chair na malapit sa amin.  Pagkatapos ay muli siyang umakbay at sumandal.
     Napalunok ako sa nakita.  Heto sa tabi ko ang isang adonis, hubad at nakaakbay pa sa akin.
     "K-kuya Nanding, ang lupit ng katawan mo... pangbodybuilding contest..." sabi ko na hindi inaalis ang tingin sa katawan niya.
     "Dati sumasali ako... mga tatlong beses na siguro... pero hindi naman ako nanalo, may placing lang..."
     Hindi ko inaalis ang tingin ko sa katawan niya, na para bang sinasaulo ko ang bawat muscle, bawat detalye: ang malalapad na balikat, ang maumbok na mga braso, ang tattoo sa kanang bahagi ng kanyang matipunong dibdib, ang parang letter 'T' na pattern ng kanyang buhok sa dibdib pababa sa 6-pack na abs.  Para siyang nililok at ang sarap tignan sa kanyang kayumangging balat.  Napabuntung hininga ako ng malalim sa tensyon.
     "Hawakan mo..." pagkuwa'y sabi niya.
     "H-ha? E..."

     Kinuha ni Kuya Nanding ang kanang kamay ko at ipinatong sa dibdib niya.  Hindi ko malaman ang gagawin ko, ang lakas ng kabog sa dibdib ko at halos nanginginig ang kamay ko.  Hindi ko ginalaw ang kamay ko, basta nakapatong lang.
     "Buti pa, kumandong ka sa akin para mas makita mo ng mabuti..." aniya sabay hawak sa baywang ko at iginiya niya akong maupo sa kandungan niya.   Tumayo ako at sumampa sa kanya na parang nakasakay sa motor.
     Naisip kong sayang ang pagkakataon.  Kung kayat ipinatong ko ang mga kamay ko sa kanyang balikat at pinisil-pisil ang muscle doon na parang nagmamasahe.  Pagkatapos ay pababa sa kangyang mga braso.  Ang laki ng muscles niyang talaga! Kulang na lang ay maglaway ako.  Itinaas niya ang braso at nagflex.   Hinimas-himas ko ang biceps niya.
     Pagkuwa'y idinayo ko naman ang aking mga kamay sa kanyang dibdib.  Sinamantala ko talaga ang pagkakataon at dinama ang kakisigan niya.  Matagal ko nang fantasy ang isang maskuladong lalake, para bang isang wrestler sa WWE o yung mga nagcocompete sa bodybuilding contest at talaga namang napakaswerte ko ng gabing ito.
    Ang sarap damhin ng buhok sa kanyang dibdib.  Tinunton ko iyon patungo sa kanyang tiyan at dinama ang kanyang abs.  Naramdaman ko rin ang mga kamay ni Kuya Nanding na humihimas sa mga hita ko na exposed ngayon sa pagkandong ko sa kanya.  Nakakapag-init ang paghimas niyang may kasamang pagpisil pisil. 
     Muli akong nagbalik sa kanyang dibdib.  Bahagya pa kaming tumawa ng magpec bounce siya.  Nagtrace ang daliri ko sa tribal tattoo sa kanyang kanang dibdib na umaabot hanggang sa may braso niya.
     "Ano'ng ibig sabihin nitong tattoo mo?" tanong ko.  Hindi raw siya sigurado, basta ang alam niya'y halong design ng isang tribe sa Apayao at tribe sa Mindanao.  May kaibigan siyang tattoo artist na may sinalihang pa-contest noon at pumayag naman siya.
     "Ang ganda ng hita mo, parang sa babae..." anas niya na patuloy ang paghimas sa mga hita ko.  Ako naman ay patuloy sa pagdama ng kaniyang dibdib.  Maya-maya pay itinaas niya ang mga braso niya at inuunan ang mga bisig.  Tumambad ang makapal na buhok sa kanyang kili-kili na lalong nakapagpainit ng pakiramdam ko.  Hindi ko na napigil ang aking sarili.  Hinalikan ko ang kanyang dibdib na may tattoo.  Dampi lang. 
     Walang reaksiyon si Kuya Nanding.  Kung kaya't lumakas ang looob ko at ang kaliwang dibdib naman ang aking hinalikan.  Ang balikat.  Biceps.  Mga damping halik lang.  Lalakeng-lalake ang amoy niya.  Halong amoy ng sabong panligo (Safeguard na Beige, hahaha) at ang natural na musk ng lalake.
     Ibinaba niya ang kanyang mga braso at ngayo'y ang bandang puwitan ko naman ang kanyang hinihimas.  Madidiin ang pagpisil niya. Naramdaman ko rin ang unti-unting pagbilis ng hininga niya.
     Ang kanyang mukha naman ang hinaplos ko.  Kahinaan ko talaga sa lalake ang mga balbon, na isa sa katangian ng ex ko.  Ang sarap padaanan ng palad ang kanyang pisnging balbas-sarado.
     Itinuloy ko ang paghalik sa kanyang kanang leeg, and this time ay ibinubukas ko na ang aking mga labi. Hindi ko na rin inaangat ang labi ko at patuloy ang paghalik mula sa leeg paakyat sa kanyang tainga.  Dinilaan ko ng bahagya ang kanyang earlobe at nagtuloy sa paghalik sa kanyang pisngi, patungo sa baba niya.
     Bahagya akong nag-angat ng mukha para huminga pansumandali at tignan ang kanyang reaksiyon, bago lumipat sa kaliwang bahagi ng hawakan niya ako sa leeg at hinila pababa sa kanya para magtagpo ang aming mga labi.  Ilang segundo akong hindi nakahuma dahil hindi ko inasahan.  Mainit ang paghalik niya.  May pananabik.  Kung kayat gumanti na rin ako at ibinukas ang mga labi para tanggapin.
     "J-Jet..." anas niya ng pansumandaling maghiwalay ang mga labi namin pero muli siyang nanibasib ng halik.  Pinaliguan niya rin ng halik ang leeg at tainga ko kaya naman napaungol ako sa sarap lalo pa't ramdam ko rin ang facial hair niya.
     Parang sabik na sabik sa paghalik si Kuya Nanding dahil mamamalim at matagal niya ako halikan.  Pagkuwa'y itinaas niya ang damit ko at hinubad.  Pagkatanggal ng damit ko'y ang kanang utong ko ang kanyang niromansa.  Napayakap ako sa kanyang ulo at isang malalim na ungol ang pinawalan ko.
     Pagkuwa'y lumipat siya sa kaliwang utong habang halos pigain naman ng kamay niya ang kanang dibdib ko.  Nang magsawa'y paakyat niyang dinilaan ang leeg ko at muli akong hinalikan.
    "K-Kuya Nanding..." halos nagdedeliryo kong nasabi sa sarap.  Bahagya siyang tumayo at inihiga ako sa sofa.  Pagkuway pumatong siya at muli akong hinalikan.  Napayakap naman ako sa matipuno niyang katawan at dinama ang kanyang likod.  Ang mga hita ko naman ay iniyakap ko na rin sa baywang niya.
     "S-Sandali, Kuya Nanding..." awat ko nang muli niyang hinahalikan ang leeg ko.  Tumigil naman siya at binigyan ako ng smack, "bakit?"
     "Kuya, teka lang, kasi di ba't may asawa ka?" sabi ko, bagamat hindi ko inaalis ang mahigpit kong pagkakayakap sa katawan niya.  "Mahirap kasi yang ganyang may sabit... nakakahiya kapag nalaman pa ng iba..."
     "Hiwalay na kami.  Nung nagbisyo ako sumama siya sa ibang lalake, tsaka hindi naman kami kasal..." paliwanag niya at pagkuway nag-smack uli sa mga labi ko.
     "Talaga, Kuya Nanding... hindi naman sa seryosohan ito o ano, ayoko lang na may nasasagasaan..."
     "Wala..." at pagkuway hinalikan na naman niya ako ng matindi.  Halos magtagisan ang mga dila namin sa tindi ng halikan namin.  Nararamdaman ko ang matigas na harapan niya kung kayat bumaba ang pagkayakap ko sabandnag puwitan niya para lalong idiin iyon.  Nang si Kuya Nanding naman ang tumigil...
     "Teka, ikaw ba?  Baka may magalit sa ginagawa nating ito?"  nakangisi niyang tanong sa akin.
     "Wala... wala akong boyfriend o karelasyon..."
     "Buti naman... tsaka kahit naman may boyfriend ka, pagsasamantalahan pa rin kita hahaha" at nagpatuloy kami sa mainit na romansahan nang biglang tumunog ang cellphone ko.  Sa una'y nagpatuloy lang kami pero hindi tumitigil ang pag-ring.  Dinukot ko ang cellphone sa shorts ko at nakitang ang tatay ko pala ang tumatawag.  Agad ko iyong sinagot.  Nagtatanong ito kung hindi pa ba ako uuwi habang tumila ang ulan.  Nagaalala ito na baka mamaya ay magpatuloy ang malakas na pag-ulan.  Tinatanong kung gusto ko bang magpasundo sa motor niya.  Sinabi raw ng Kuya Joko ko na nasa gym pa ako. Tsk!
     Noon ko lang napansin na tumigl na pala ang pag-ulan.  Sabi ko'y huwag na akong sunduin dahil nagpapatila lang.  Natapos ang usapan namin.  Nakapatong pa rin sa akin si Kuya Nanding.
     "Kuya..."
     "Tsk! Bitin!" Nakangiting sabi niya.  Ako ma'y nanghihinayang.  Ayoko naman magtagal pa, bukod sa baka umulan pa nga ay ayoko namang maghinala sila o mag-isip ng kung ano kapag nalamang may kasama akong lalake.  Hinalikan akong muli ni Kuya Nanding at pagkuway tumayo na.  Inalalayan din ako nito sa pagtayo.
     Napabuntung hininga na lang ako habang isinusuot ang t-shirt ko.  Narinig iyon ni Kuya Nanding na agad naman akong niyakap at masuyong hinalikan.
     "Di bale, balik ka nalang dito bukas... ituloy natin."  Gumanti na rin ako sa paghalik na naging mainit na naman.  Ilang munuto ring nagtagal ng tumigil kami.  Pinatay na namin ang mga ilaw sa gym at ikinandado ang mga pinto.  Pumunta kami sa bandang likod ng gym kung saan nakaparada ang motor niya.  Mukhang second hand na bagamat maayos naman.  Natatawa ko pang binasa ang nakasulat na "barako" sa motor niya.
     Bago sumakay ay niyakap niya akong muli at hinalikan.  Madilim naman sa lugar na iyon at sarado na nag mga katabing stalls/shops.  Gumanti ako sa paghalik at nagpaka-agresibo na rin.   Natatawa kaming tumigil makaraan ang ilan pang minuto.
     Pagsakay sa motor at pagkaistart ay kumapit na ako sa balikat niya.  Pero inalis niya ang mga kamay ko, sa isip ko'y baka may kiliti pero kinuha niya at iniakap sa kanya.  Malamig ang simoy ng hangin pero kanina pa nag-iinit ang pakiramdam ko.  Hingipitan ko ang pagkayap kay Kuya Nanding.
     Wala pang kinse minutos ay nakarating na kami sa amin.  Lumabas ang tatay ko kasama ang kapatid kong bata ng marinig ang pagbukas ng gate.  Niyayang magkape ng tatay ko si Kuya Nanding pero tumanggi na ito at nagpaalam na. 
     "Bukas uli, balik ka ha?" sabi ni Kuya Nanding bago muling inistart ang motor at umalis na. 
     Humiling ang kapatid ko na maglaro muna kami ng computer games bago matulog, tutal ay wala namang pasok kinabukasan ay pumayag ako.  Para na rin makapagbonding kami.  Habang isineset-up niya ang PS ay saka ko lang naisip na hindi ko pala nakuha ang cellphone number ni Kuya Nanding. 

   Gayun pa man ay masaya pa rin ako.  Hindi naman ako naghahanap ng bagong relasyon, pero parang pantasya para sa akin ang  nangyari sa amin ni Kuya Nanding.  Kahit nasa kalagitnaan ng paglalaro ng video game ay naiisip ko ang mga halik ni Kuya Nanding... ang matipuno niyang katawan... ang pakiramdam ng kanyang balat sa aking mga palad.
     Nagdesisyon akong babalik kinabukasan at itataon kong muli sa gabi at magpapaiwan na lang ulit.  Tatawag na lang ako sa gym kinabukasan para makausap si Kuya Nanding at tuloy makuha na rin ang cellphone number niya.  Isa lang ang pangamba ko na sana'y hindi ako pinapaasa lang ni Kuya Nanding at huwag naman sana niya ako ipahiya o ano.

No comments:

Post a Comment