m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Wednesday, October 7, 2015

Here and Now (Part 41)

By: Chaster Rassel 

Chapter 41: Your Presence Sounds Familiar...

SI ORYO.......

Natiglan ako sa biglaan niyang paghawak sa pisngi ko. Pero hindi ako nainis o naalibadbaran. Sa halip parang gumaan pa nga ang pakiramdam ko. Hindi ko maintindihan kung bakit..........

    “May...May dumi po ba ko sa mukha?”napapangiti kong usisa habang nakatingin pa rin kami sa isa’t isa......
    “No...I just found it amazingly weird...”
    “Ang alin po?”
    “Magkamukha kasi kayo”
    “Po?!”
    “Magkamukha kayo ni Rass!...Ng pamangkin ko”

Bumitaw na siya sa akin. Nagkatinginan na lang kami ni Rass hanggang sa natawa kaming pareho. Pero totoo naman ang sinabi niya. Kahit ako eh, nung una ko palang na makita ang mukha ni Rass, napansin ko na agad ang malaki naming pagkakahawig sa isa’t isa.

Kaya nga nung tinanong ako ni Hunsel tungkol sa itsura niya, diretsong “may hawig ko” ang naging sagot ko sa kanya hehe........

    “That’s exactly what I am about to say to him, bago po kayo dumating auntie”sambit ni Rass.....
    “See...Pati ikaw napansin mo rin...But this is really uncanny isn’t it? I mean...Hindi lang kayo sa mukha may hawig...Pati na rin sa pangangatawan”
    “Pero syempre tita...Mas pogi pa rin po ang kuya Oryo ko! Hihi”banat na naman ni Revy sabay akap sa akin......

Natawa na lang kaming tatlo sa kanya. Matapos iyon ay niyaya na namin si tita na umupo at saluhan kami. Agad naman niyang tinabihan ang pamangkin niya.......

    “Mukhang masarap toh ah...”sambit ni tita.....
    “Ahmmm...Dala ko po iyan tita...Pasasalamat lang po sa ginawa niyong pagtulong sa kapatid ko...”
    “Oh I see...Your welcome then...And don’t worry iho...Habang nandito pa kami...We will watch your brother for you...Kaya kapag nangailangan ulit siya ng tulong, kami nang bahala ng pamangkin ko sa kanya”
    “Naku, salamat po ah”napapakamot sa ulo kong sambit.....
    “Oh siya...Let’s eat guys...At habang kumakain, magkwento naman kayong magkapatid tungkol sa inyo...”

Nakatinginan kaming dalawa ng kapatid ko sa sinabi ni tita. Ang totoo niyan, inasahan na namin na pagkukwentuhin nila kami nang ganito. Nabanggit kasi sa akin ni Revy na tinanong nila siya dati, kung bakit magkahiwalay daw kami ng tirahan. At hindi raw siya nakasagot nang maayos.

Kaya naman pinag-usapan at pinaghandaan namin ang mga sasabihin namin sa kanila ngayon. Nang sa ganun ay di kami magmukhang kahina-hinala..........

    “Sige po...Ano po bang gusto niyong malaman?”nakangiti kong sagot.....
    “Let’s start with your age...Ilang taon ka na ba iho?”
    “Disi-sais po”
    “Ikaw Revy, ilang taon ka na nga?”usisa ni Rass.......
    “Trese...Ay! Katorse na nga pala! Nagbirthday na nga pala ko kamakailan lang...At iyon iyong naging pinakamasaya kong birthday sa lahat!...Di ba kuya?”ngingiti-ngiting sagot ni Revy sabay tingin sa akin.........
    “Oo na...Ikaw na ang nagkaroon ng pinakamasayang birthday! Ehehe”

Natural, nangyari lang naman kasi nun iyong unang halik nila ni Hyro. Samantala, tila biglang natahimik si tita........

    “Ahmmm...Auntie...May problema po ba?”usisa ni Rass sa kanya......
     “Wala...It’s nothing...Ah so, you’re 14 Revy...At itong kuya mo ay kaedad pala ni Rass”
    “Oo nga po eh”sambit ko.......
    “So mukhang close na close kayong magkapatid ano?”
    “Sinabi niyo pa tita! Talagang solid na solid na po kami nitong kuya ko!”
    “Siya nga ah”
   
At nagpatuloy lang ang aming pag-uusap, habang kumakain.

KINAGABIHAN SA MANSYON, SI ORYO.......

Nasa may balkonahe ko. Kausap ko ang kapatid ko tungkol kina tita Divine at Rass........

    “Oh di ba kuya? Sabi sa iyo mabait iyong tiyahin ni kuya Rass eh”
    “Oo tol...Tama ka...Pero alam mo, hindi lang iyon eh...Nung nakasama ko siya kanina, pamilyar iyong naging pakiramdam ko eh”
    “Ay kuya ikaw rin? Akala ko ako lang ang nakaramdam nang ganun eh...Iyong parang....”

SI RASSEL.......

    “Parang sila ang mga anak ko....Pero...Paano kung sila sina Joaquin at Johnray....?”

At bigla na lang sinabi iyon ni auntie out of the blue, habang pinag-uusapan namin sina Oryo at Revy. Napatayo tuloy ako mula sa sofa bed at napalapit sa kanya sa may tapat ng bintana........

    “Auntie...Aaminin ko po sa inyo...Gaya niyo, magaan din ang loob ko sa kanila...But I don’t think it means something else like that...”
    “Well it’s just a thought...Because...Because I’m having this familiar feeling with their presence...Rass, naramdaman ko sa kanila kanina, iyong naramdaman ko dati nung masaya at kumpleto pa ang pamilya namin ni Ritz”
    “Huwag po sana kayong magagalit sa sasabihin ko auntie...Pero...Pero I think masyado lang po kayong napaparanoid...Siguro po dahil sobra niyong namimiss iyong mga anak niyo”
    “I don’t know Rass...I don’t know...Maybe you right....”

BALIK KAY ORYO.......

     “Tama!...Tama ka diyan tol!...Ganun nga din iyong naramdaman ko kanina...Pakiramdam ko kasama ulit natin si Inay!”
    “Pero kuya...Matanong ko lang...Bakit kay Madam Marie parang di ka naman naexcite nang ganyan?...Eh kung tutuusin di ba, parang siya na iyong tumatayong nanay mo ngayon?”

Natigilan at napaisip ako sandali sa sinabing iyon ng kapatid ko. Napatanong din ako sa sarili ko. Pero..........

    “May punto ka tol...Pero hindi rin eh...Wala kasi kong naramdam na ganun kay Madam...Kahit nung una pa, wala talaga....Tsaka iba si Madam...At mas lalong iba rin si tita Divine...”
    “Sabagay...Pero kuya...Sapalagay mo, anong klaseng buhay kaya ang meron tayo ngayon, kung di maagang kinuha sa atin sina Inay at Itay?”
    “Eh di syempre masaya...Mamumuhay tayo nang kagaya ng isang normal na kabataan...Walang inaalala...At walang kinatatakutan”medyo napapangiti kong sagot.....

Sa kalagitnaan noon, bigla ko na lamang naramdaman na may yumakap sa akin nang mahigpit, mula sa likuran ko. Nagulat ako at napalingon! Takte si Hunsel pala! At habang nakayap siya sa akin nang ganun, hinalikan pa ko sa pisngi ng loko. Kaya naman........

    “Ah sige tol...Kailangan kong ibaba muna iyong telepono...Nandito kasi iyong pasaway kong boyfriend eh!”iritable kong sambit sabay tingin sa kanya.....
    “Hahaha....Hala ka kuya! Lagot ka!”tatawa-tawang banat ng kapatid ko.....
    “Ehehe...Mang-aasar ka pa eh...Sige na!”

Tawa pa rin siya nang tawa. Mas lalo naman akong nairita dahil dun, kaya binabaan ko na siya ng telepono. At pagkatapos........
   
    “Ano bang pinaggagawa mo? Loko ka, mamaya niyan mahuli pa tayo ng mommy mo eh!”sambit ko.....
    “Nasa loob na ng room niya si Mommy, kaya safe na po tayo...And so, I can caress you as long as I want...Hihi”
    “Sus! Iyong mga style mo eh noh!”sambit ko sabay patong ng mga kamay ko sa ibabaw ng mga kamay niyang nakaakap sa akin.......
    “Anyway...Sino pala iyong kausap mo kanina?”
    “Huh?...Ahmmm...Si...Si Revy! Nangungumusta lang iyong bata”

Iyon na lang ang sinabi kong palusot. Mas mabuti na rin kasi na hindi niya muna malaman, na nagkakilala na kami ni Rass. Mahirap na, alam nung tao na magkapatid kami ni Revy at baka mamaya mabuking pa niya ang lahat di oras.........   

    “I see...Alam mo, pinapahanga mo talaga ko”
    “Bakit?”napapangiti kong usisa....
    “Because you got what it takes, para makakuha ng loob ng tao...Kasi una, nakuha mo iyong sympathy ni Mommy...Kaya tinulungan ka niya...Next,  nagawa mo kong mapafall sa iyo...Then, naging close kayo ng kapatid ko...And now, pati iyong bf niya nakuha mo rin ang kiliti....”

Hay, kung alam lang ng taong ito kung ano ang pinagsasabi niya. Kung alam lang sana niya iyong puno’t dulot ng lahat ng toh. Maiintindihan niya, kung bakit naging ganun kalapit sa akin iyong dalawang bata....... 

    “Now tell me, what’s the secret of my dear Oryo? Huh?”pagpapatuloy niya.....
    “Secret secret ka diyan...Alam mo kasi, bawas-bawasan mo po iyang pagiging masungit mo...Nang sa ganun, hindi natatakot lumapit ang mga tao sa iyo!”
    “Oi hindi na ko masungit ah”
    “Ows? Talaga?...Kahit iharap pa kita kay Skylar, hindi ka magiging masungit?”ngingisi-ngisi kong usisa.....

Natahimik ang loko at napalunok. Tapos ngisi lang ang tanging naisagot niya sa akin, isang ngisi na tila may bahid ng alinlangan. Natawa na lang tuloy ako sa reaksyon niya.

BAGO MATULOG, SI ORYO.......

Pahiga na sana ko sa kama ko, nang tumunog bigla iyong cellphone ko. Nang silipin ko toh, lumabas ang pangalan ni Inspektor. Naisip ko na baka may importante siyang sasabihin, kaya napatawag siya nang ganitong oras. Kaya agad ko na itong sinagot..........

    “Inspektor, bakit po kayo napatawag? May balita na po ba kay nong Primo?”
    “Wa...Wala pa...Pasensya na Oryo kung nadistorbo kita...May mga bagay lang sana ko na gustong tanungin sa iyo eh”
    “Sige po, ano po ba iyon?”
    “Ahmmm...Ano bang buhay ang meron kayo dati ng kapatid mo? Nung...Nung mga panahong nabubuhay ang mga magulang niyo?”
    “Simple at tahimik lang naman po ang buhay namin dati sa probinsya...Kumbaga po iyong normal lang...Di kami mayaman...Pero hindi rin naman kami naghirap...Nakakaraos at nakakakain po kami nang maayos sa araw-araw kahit paano...May tindahan kasi ang Inay at Itay noon eh”    “Wa...Wala ka bang natatandaan na kakaiba o kahina-hinala na ikinilos ng mga magulang niyo ni Revy noon?”
    “Wala naman po...Tsaka Inspektor, matitinong tao po ang mga magulang namin...Hindi sila gaya ni nong Primo...”
    “Ganun ba...Ah Oryo, kung di mo mamasamain...Maaari mo bang ikuwento sa akin kung anong nangyari sa kanila?...Ah...Ang ibig kong sabihin eh...Iyong ikinamatay nila”

Nakakahalata na ko ah, bakit ganito ang mga tanong sa akin ni Inspektor? Bakit puro tungkol kay Inay at Itay?.........

    “Ang totoo po eh...Hindi ko po alam iyong mismong detalye ng mga nangyari sa kanila...Nasa eskwelahan po kasi kami nun ni Revy eh...Kinahapunan, nagtaka na lang po kami dahil si nong Primo ang sumundo sa amin...Tapos sinama niya kami sa isang ospital....At dun namin sila nadatnan na wala ng mga buhay...Wala na sila...Ang sinabi lang po sa amin ni ninong, naaksidente daw iyong sinasakyan nilang tricycle papuntang palengke....”

    “Anong nangyari sa inyo matapos iyon? Si...Si Primo, may ginawa ba siyang kaduda-duda?”
Sinubukan kong balikan sa isipan ko, ang mga sumunod na nangyari. Bata pa kami ni Revy noon, kaya madali kaming naging sunud-sunuran kay nong Primo. At dahil na rin siguro sa lungkot sa pagkawala ng mga magulang namin, hindi na namin nabigyang pansin ang mga bagay-bagay.

Pero ngayon, napagtanto ko na tila may mga kaduda-duda nga sa mga pangyayari noon..........

    “Inspektor may mga kaunti po kong naaalala!”
    “Sige, makikinig ako”
    “Nagmamadali po si nong Primo noon...Hindi na siya nag-antay ng bukas...Dinala na niya kami agad ng kapatid ko dito sa Maynila...Hindi na kami nakapagpaalam sa eskwelahan namin...Ni hindi na nga rin po namin nagawang bigyan nang maayos na burol ang Inay at Itay eh...Para bang....”
    “Para kayong may tinatakasan? Iyon ba ang gusto mong sabihin Oryo?”
    “Opo...Ganun nga po! Tapos hindi niya kami pinapayagan na makalabas ng bahay noon...Siguro, mga mahigit isang buwan po bago niya kami binigyan ni Revy ng pagkakataon na makalabas...At na makadalaw sa puntod ng mga magulang namin”

Natahimik bigla sa kabilang linya. Kaya naman........

    “Inspektor?...Nandiyan pa po ba kayo?”
    “Oo...Ah...Huling katanungan na toh Oryo...Base kasi sa mga ikinuwento mo...Nakakasama niyo na si Primo, kahit nung nabubuhay ang mga magulang niyo...So...Talagang matagal niyo na siyang kilala?”
    “Opo...Mula pa nung maliit kami...Isang beses sa isang buwan, dumadalaw po siya para kumustahin ang pamilya namin...Lalong lalo na po ko...Ako ang lagi niyang nilalapitan...Kaya inakala ko po na mabait siya...Na mabuti siyang tao...Iyon pala, pagkukunwari lang po ang lahat”
    “Okay...Ahmmm sige Oryo...Magpapaalam na ko para makapagpahinga ka na”
    “Sandali lang po Inspektor! Ako naman ho ang may itatanong sa inyo”

Syempre, hindi naman pwede na hayaan ko na lang siyang ibaba ang telepono, nang di ko nalalaman ang dahilan ng pagtatanong niya sa akin ngayon ng mga ganito.........

    “Gustong lang po sanang malaman iyong totoo...Ano na ho ba talaga ang nangyayari? Bakit pati po iyong tungkol sa mga magulang namin ni Revy, gusto niyo na ring alamin?”
    “Wa...Walang nangyayari...Gusto ko lang tignan at masiguro ang lahat ng anggulo ng kaso...Huwag kang mag-alala iho...Di magtatagal, malalaman na rin natin ang katotohanan sa likod ng lahat ng ito...”
    “Ano pong ibig niyong sabihin?”
    “Basta...Magtiwala ka lang sa akin...At oras na matapos ko ang imbestigasyon ko, ipatatawag ko kayo agad ng kapatid mo...Pati na rin si Hyro”
   
Balot man ako ng pagtataka, wala na rin akong ibang magagawa, kung di ang maghintay sa kahihinatnan ng imbestigasyon.........

    “Sige Inspektor, salamat po”
    “Salamat din sa iyo Oryo...Malaki tulong ang mga impormasyong ibinigay mo sa akin ngayon...Ah siya nga pala, muntik ko nang makalimutan...Kailangan ko sana iyong buong pangalan ng mga magulang niyo ni Revy...Kung pwede pakitext na lang sa akin”
    “Sige po”

Pagkababa niya ng telepono, agad ko nang itinext iyong kailangan niya. Matapos iyon, inilapag ko na ang cellphone ko. Itinuloy ko ang paghiga at natulog na ko.

ISANG GABI, SI HUNSEL.......

Hinahanap ko iyong boyfriend ko, wala kasi siya sa room niya. I check the balcony, but he’s not there too. I decide to look for him downstairs. Pagbaba ko, the first person I saw was my little brother in our living room. Nakaslouch siya sa may sofa habang naglalaro ng psp. Nilapitan ko siya..........

    “Hey bro!”

He look at me.........

    “Napansin mo bang umalis iyong boyfriend ko? Wala kasi siya dun sa taas eh”

And he just gave me an annoying grin, imbis na sagutin ako nang matino. Here we go again.........

    “Sana sinasagot mo ko nang maayos di ba”
    “Hmph...What’s with the wimpy attitude kuya?...Para nawala lang sandali sa paningin mo si kuya Oryo eh natataranta ka na diyan”
    “Mahirap na noh...Baka mamaya niyan eh nagpunta pala siya dun kay.....”
    “Kay kuya Skylar? Ha?...Sus! Iyan ka na naman kuya, nagjejelly-jelly ka na naman diyan”
    “Well I have all the rights to get jealous now, haven’t I?”
    “Ahaha...Don’t worry kuya, hindi naman umalis iyong bf mo eh...Nandiyan lang po siya may poolside”
    “WHAT?!”

Kinabahan ako bigla sa sinabi niya. Because I remember that Oryo has a phobia on swimming pools.......

    “Kuya bakit ganyan ang reaction mo?”
    “May phobia si Oryo sa swimming pool!”

Agad akong tumakbo palabas sa poolside, pati si Hyro ay napasama na rin sa akin. Nakahinga ko nang maluwag, nang makita namin na safe naman pala siya. Nakacrouch lang siya right in front of the pool, while staring at it quietly. Lumapit kami sa kanya..........

    “Eh mukhang okay naman pala siya eh”sambit ni Hyro.....

Napalingon sa amin si Oryo and then.......

    “Oh nandiyan pala kayo”

He’s smiling as he was saying that, pero feeling ko merong hindi tama. I can see it in his face, something is bothering him........

    “Kuya Oryo, sabi sa akin ni kuya Hunsel may phobia ka raw diyan sa pool? Is that true?”
    “Oo tol...Pero...Sinusubukan kong labanan iyon ngayon”
    “Labanan? Pero bakit?...And since when did you start doing this?”usisa ko......

Napatayo siya and then napakamot ng ulo.........

    “Hindi ko pa nga pala nasabi sa inyo”
    “Ang alin kuya?”
    “Ahmmm...Bago iyon eh...Hunsel, kalma huh...Huwag kang magwawala sa sasabihin ko”
    “Well just spill it? Bago pa ko mabadtrip”sambit ko.....
    “Nagsimula nung...Nung huli kong training kay Skylar...Kasi...Kasi sa tabi ng pool nila niya ko tinuruang rumampa”
    “WHAT?!”
    “Kuya, kalma...Hayaan mo na nating siya makapag-explain pwede?”

Well Iike what my brother said, pinakinggan nga muna na namin iyong explanation niya sa buong pangyayari. He said na until now, hindi pa pala aware si Skylar tungkol sa phobia niya. And during that time, inaayos daw iyong chandelier sa living room nila. So they have no choice, but to do the training on the pool side.

Tiniis na lang daw niya iyong takot. Then while he was practicing already, he suddenly felt strange and nostalgic. Sabi niya parang ginawa na raw niya iyon dati. After that, bigla pa daw siyang nakaramdam ng pagkahilo at pagsakit ng ulo. And that part made me worry......

     “Oryo what were you thinking?!...Alam mo naman iyong kahinaan mo, so why did you still continue with the training?...You could have just re-schedule it”
    “Dahil gusto kong harapin iyong takot ko...Gusto kong malaman kung bakit nagkakaganito ko...Ganun lang iyon kasimple Hunsel, sana maintindihan mo”
    “I agree with kuya Oryo...Tama rin naman kasi iyong hinaharap nating iyong mga fears natin kuya eh”
    “Fine! If that’s what you want, then go on with it...Pero babantayan kita”
     “Ha?! Bakit pa? Eh hindi mo naman na kailangang gawin iyon eh”
    “Because I’m worried about you! Ayaw kong maulit ulit iyong nangyari sa iyo”

Hinawakan at hinaplos ko siya sa mga pisngi niya.........

    “Naintindihan mo?”usisa ko sabay unti-unting ngiti..........

After that ay napangiti na lang siya..........

    “Oh sige na nga...Toh talagang boyfriend ko oh, masyadong protective!”   
    “Hehe...So kailan ang next session niyo?”
    “Bukas”
    “That’s good...Tamang-tama dahil maiksi ang sched ko sa school tomorrow, then after that libre na ko...So, we will go there together”
    “Oh siya sige”

And then, napaakap na lang siya sa akin.

PAGDATING NG MADALING ARAW, SI HUNSEL.......

I check the clock, it’s already 2:30 am in the morning, pero di pa rin ako makatulog nang maayos. I’m still worried about Oryo kasi, dahil nga dun sa kinuwento niya sa akin kanina. Kaya paputol-putol tuloy ang tulog  ko. Di na ko nakatiis, I decide to get out of the bed to check on him.

I’m right in front of his door already nang makarinig ako ng ingay mula sa loob. Parang uumungol siya, but not in a naughty way. It sounds more like nahihirapan siya! Because of that, I immediately open the door and enter the room.

He is just lying in his bed pagpasok ko. Pero nangangatog siya at pawis na pawis siya! Binabangungot siya! I’m about to wake him up, but he suddenly starts to mumble something...........

    “Dad...Dad....DADDYYYYYY!!!”

Halos sumigaw na siya, so naupo na ko sa kama at tuluyan ko na siyang ginising. Panay ang iyak niya nang magkamalay siya. Then napabangon siya at napayakap sa akin nang mahigpit. I can see and feel na takot na takot na siya. And I want  to comfort him. Kaya niyakap ko na lang din siya at hinaplos ang likuran niya. Nang medyo okay at kalmado na siya, siya na rin mismo iyong kumalas sa pagkakayakap sa akin. And then...........

    “Ano ba iyong napanaginipan mo?”
    “Na...Nakakatakot...May...May batang lalake, may buhat siyang sanggol....Nag...tatago siya sa isang sulok...Tapos...Tapos may.....”

Napahinto siya at tumingin sa akin. His eyes are starting to get teary again..........

    “May lalakeng....Lalakeng binaril sa tapat ng isang swimming pool”
    “Swimming pool....”
    “Nakita nung bata iyong pagbaril....Takot na takot siya”
    “Wait ...Is that why you were mumbling ‘Dad’ repeatedly?”
    “Huh?”
    “Awhile ago, bago kita gisingin...Panay ang tawag mo ng Dad...Maybe...Maybe ikaw iyong batang iyon?”
    “Hunsel ano ba iyang pinagsasabi mo? Kung nagjojoke ka para patawanin ako, pwes hindi ka nakakatawa...Isa pa, sa aksidente namatay ang mga magulang ko...Hindi sila pinatay!...Tsaka...Ni hindi ko nga nakita iyong itsura ng mga mukha nung tao sa panaginip ko eh...Kahit iyong sa bata...Medyo malabo kasi eh...Ewan ko....”
    “Okay...I’m sorry...I didn’t mean to offend you....Well kung di ganun...Maybe it’s just a side effect? Kasi nga di ba, sinusubukan mo nang harapin iyong takot mo sa swimming pool...Anyway....”

Umusog ako sa may likuran niya at inakap siya. Idinantay ko iyong baba ko sa right shoulder niya and.........

    “It was just a bad dream...Kaya huwag ka nang matakot ha....”napapangiti kong sambit........ 

Napangiti na rin siya........

    “Hmmm...Oh sige...Pero samahan ko...Dito ka na lang matulog, tabi tayo”
    “Sabay ganun? Haha”
    “Dali na please...”

Wow! For the first time, nakita kong nagpacute sa akin si Oryo hehe. I thought wala sa personality niya iyong ganitong tipo at style. With matching haplos pa sa pisngi ko ah. Which makes me remember na parang ganito din pala ako sa kanya, nung time na nasa hospital kami. Natawa na lang tuloy ako.......

    “Hahaha...Fine! Sasamahan na kita...But first, magpalit ka muna ng shirt mo at pawis na pawis ka...Baka magkasakit ka”
    “YES! Iyan ang gusto ko sa iyo eh! Kaya kita mahal eh!”

Hinalikan niya ko sa pisngi ko. Then he quickly get out of the bed para magkapagbihis na.

KINABUKASAN, SI ORYO.......

Gaya ng napagkasunduan namin ni Hunsel, kasama ko nga siyang nagpunta sa training ko kay Skylar, pagdating ng hapon. Nang dumating kami sa bahay nila, sinalubong kami ng isa sa mga katulong nila. Sinabi nito na naghihintay na sa akin si Skylar sa labas, sa may tabi ng swimming pool........

    “Why is he waiting at  the pool side? Don’t tell me dun na naman kayo magtretraining”sambit ni Hunsel na tila bwisit na agad.....
    “Dun nga...”
    “Oryo naman!”
    “Oi! Bago ka magbeast mode diyan, pwede pakinggan mo muna ko?”
    “Hmph!”
    “Una sa lahat, ipinaliwanag ko na kay Skylar kanina sa telepono, iyong tungkol sa problema ko sa swimming pool...Pangalawa, ako ang nagsabi sa kanya na dun ulit namin gawin ang training ko...Bakit? Dahil dun sa mga rason na ipinaliwanag ko sa iyo kahapon...Maliwanag ba?”
    “Crystal clear”sagot niya.....

Sumagot nga, pero halata namang bwisit pa rin siya. Pero sa totoo lang, may iba pang dahilan kaya nagpasiya ko na sa tabi ulit ng pool magtraining ngayon.

May isa pa kasi kong napanaginipan, na hindi ko sinabi kay Hunsel. Tungkol uli dun sa bata. Pero sa panagainip na iyon, nag-aaral siyang rumampa sa tapat nung swimming pool na nabanggit ko dati. Tapos may lalake at isang babaeng may kugos na sanggol na nagtuturo sa kanya. Para silang isang pamilya.

Pinaalala sa akin ng panaginip na iyon, iyong nangyari sa akin nung huli. Iyong naramdaman ko na parang ginawa ko na ang training na toh dati. Naguguluhan ako, gusto kong malaman kung sino iyong batang iyon. Kung bakit ko siya napapanaginipan. At kung anong kinalaman niya sa akin at sa takot ko.

Naisip ko, baka may mangyari ulit kapag inulit ko iyong ginawa ko dati. Baka may makuha akong sagot kahit paano. Samantala, nauna na kong lumakad, pagdating sa may swimming pool...........

    “Skylar....”pagtawag ko habang naglalakd palapit sa kanya....
    “Oryo...Ahmmm....Parang iba ata ang aura mo ngayon ah...You look more handsome...At iyong posture at walking mo, nag-improve na...Hmmm...Anong meron?”
    “Sinasanay ko na rin kasi iyong sarili ko sa mga tinuro mo eh...Tsaka...Tungkol dun sa kung anong meron ngayon...Meron nga pala kong kasama...........

At lumabas na nga iyong boyfriend ko........

    “Hu...Hunsel!...What a pleasant surprise....”
    “And we meet again, Skylar Van Der Bren”
    “So...What brings you here?”
    “Ah....”

Magsasalita dapat ako para sagutin iyong tanong ni Skylar, pero bigla na lang akong siningitan ni Hunsel........

    “Well...Sinasamahan ko lang naman ang boyfriend ko...Because he told me what happened during your last session...So I just want to make sure that nothing will happen to him this time”sambit niya na may kasama pang nakakalokong ngisi......
   
Langya! Diretsuhin daw ba nang ganun si Skylar. Hay, kahit kailan pasaway talaga itong si Hunsel oh!........

    “Bo...Boyfriend?!....Wow, looks like I missed a lot huh”
    “Oh yeah...A lot has happened between us...You have no idea” 

At parang nambwibwiset pa talaga siya. Samantala, natahimik naman si Skylar. Napansin ko din na parang nanamlay siya bigla........

    “Skylar...Natigilan ka ata diyan, ayos ka lang ba?”
   
At tila natauhan siya pagtatanong ko........

    “Ah...I’m...I’m fine!...Anyway, about sa nangyari last time...I want to personally say sorry...If I only knew na may phobia ka pala...Di ko na lang muna sana itinuloy iyong training natin”
    “Wala na iyon sa akin...Tsaka tapos naman na iyon eh...”sagot ko...
    “Well at least he know how to say sorry...Right Skylar?”banat ni Hunsel.......
    “Oh siya! Tama na po iyan at baka mamaya eh magkapikunan pa kayo...Maghahanda na ko at nang makapagsimula na....”

Naglakad-lakad na muna sa gilid ng swimming pool si Hunsel. At habang wala sa amin ang atensyon niya........

    “Did he find out already?”pabulong na usisa ni Skylar......
    “Hindi pa...Kaya ingat-ingat pa rin tayo”pabulong ko din na sagot....
    “What?! Akala ko ba....”
    “Skylar...Mahirap nang pigilan kapag puso na ang rumampa...Kahit ilang beses pa itong patirin ng utak...Babangon at babangon ito ulit, para ituloy ang paglakad...”iyon na lamang ang nasabi ko......

Hindi na siya umimik pa at hinayaan na lamang niya kong makapaghanda sa training. Nilapag ko na ang dala kong bag sa mesa. Naghubad na ko ng suot kong polo shirt. Syempre, napansin toh ng boyfriend ko. Dahilan para sundan niya ko ng tingin.

Dinampot ko na ang nakahandang tabo at sumalok na ko ng tubig mula sa timba, gaya ng dati. At dito na siya nagkaroon ng reaksyon........

    “What the!...Oryo! Ano iyang ginagawa mo?!”gulat niyang usisa sabay lapit sa akin.........
    “Ito ang training ko”nakangisi kong sagot........

Hindi maipinta ang mukha niya. At napanganga na lamang siya..........

    “Relax Hunsel...And just watch your boyfriend’s amazing training.....”sambit ni Skylar na medyo napapangisi din.....

Lumakad na ko at iniwan silang magkatabi, pero may nakalimutan akong sabihin sa dalawa. Kaya lumakad ulit ako nang paatras pabalik sa kanila...........

    “Teka muna pala...Kayong dalawa, huwag kayong magulo ha...Gusto kong magconcentrate sa training ko ngayon...Kaya utang na loob! Huwag kayong mag-aaway...Dahil kung hindi, di ko lang kayo pagbababatukan, pag-uuntugin ko pa kayo! Naintindihan niyo?! Behave!”

Napatango na lamang sila nang sabay sa mga sinabi ko. Sunod ay nagkatinginan sila, pero iyong tingin na parang napipilitan lang. Ewan ko sa dalawang toh. Matapos iyon ay tumuloy na ko sa pagsisimulang magpractice.

SI REVY.......

Maaga naming tinapos ni Hyro ang training ko. Napag-usapan kasi namin na sasamahan niya ko ngayon sa condo. Nakakabagot din naman kasi na lagi na lang akong mag-isa dun. Habang naglalakad kami papunta sa labasan ng building........

    “My labs...Matanong ko lang...Hanggang kailan ba ko magtretraining sa iyo na magmodel?”
    “Honestly speaking, sa palagay ko pwede na nating ihinto ang training mo”
    “Huh? Bakit naman?”
    “Eh kasi po, ang galing-galing mo! Parang wala lang sa iyo iyong magpose at rumampa”
    “Sus! Nambola ka pa...”
    “Oi di bola iyon ah...Actually, dun pa lang sa Fashion Week dati nafeel ko na eh”
    “Nafeel ang alin?”
    “Na para sa iyo talaga ang pagmomodel....Kasi di naman lahat ng tao, kayang gawin iyong ginawa mo dati...Imagine, less than 30 minutes lang kita tinuran pero nagawa mo na kong sabayan sa runway...It’s like magic...It’s like nasa dugo mo ang pagiging isang model”
    “Sabagay, kakaiba din iyong naramdaman ko nun, nung rumarampa na ko sa harap ng maraming tao eh...Iyong parang...Entablado na mismo ang tumatawag sa akin para rumampa...Ang saya lang hehe”
    “Oh di ba? So if you ask me, pwedeng-pwede ka nang sumabak sa photoshoot natin at sa rehearsal ng fashion show”napapangiti niyang sambit.....

Palabas na kami ng building, nang biglang may tumawag sa pangalan ko........

    “Revy iho!....Wait!”

Napalingon kaming pareho ng boyfriend ko. Pagtingin namin, si Ms. Fita pala, iyong organizer ng project namin..........

    “Ms. Fita, kayo po pala....Bakit po?”
    “May importanteng kasing ipinapasabi si Madam Marie for you”
    “Ano po iyon?”
    “Gusto niyang makipagmeet sa parents mo or guardian mo”
    “PO?!”sabay naming bulalas ni Hyro.....

Nabigla kaming pareho ni Hyro sa sinabng iyon ni Ms. Fita. At nagkatinginan kami, tapos........

    “Ahmmm...Ba...Bakit daw po?”usisa ko.....
    “Alam mo kasi iho, iba na ang case mo ngayon...Aside from the fashion show,  magiging isa ka na rin sa mga models ng Amethelli Apparels for print materials...So para magawa mo ang lahat ng iyon, kailangan nating dumaan sa due process”
    “Due process?...Wait...Iyong talent contract!...Tsaka working child permit from DOLE! Wala ka pa nun Revy!....Arrgh! How could I forget about that!”bulalas ni Hyro......

Napatingin ako sa kanya at..............

    “Ano iyong mga iyon?”pagtataka ko.....
    “To make it simple...Kai...Kailangan mo ang mga magulang mo dun!...May mga pipirmahan sila...Tsaka may mga requirements silang kailangan ibigay para dun sa permit”sagot niya........

Napatingin ako ulit kay Ms. Fita..........

    “To...Totoo po ba iyong sinasabi niya?”
    “Yes...Tama ang lahat ng mga sinabi ni Hyro...And that’s the reason kung bakit gustong makipagmeet ni Madam sa parents or guardian mo...Naimpressed kasi siya sa skills mo...Kaya ang gusto niya, siya mismo ang humarap sa kanila para dun”
    “Pa...Paano po kung...Kung di makapirma ang mga magulang ko? A...Ano pong mangyayari?”kabado kong usisa......
    “Well, I’m sorry to say iho...Pero hindi ka pupwedeng magmodel for Amethelli Apparels...And that would be a disaster...Dahil wala kaming ibang nakikita na pwedeng pumalit sa iyo”

Hindi toh maganda! Anong gagawin ko?! Wala akong mga magulang na maihaharap kay Madam Marie. Malalagay sa alanganin ang comeback project ni kuya Hunsel, nang dahil sa akin!

ITUTULOY.......

No comments:

Post a Comment