m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, October 11, 2015

Here and Now (Part 42)

By: Chaster Rassel 

Chapter 42: A Show Within A Show...

SI REVY.......

Pagdating namin sa condo.........

    “Matagal mo na pa lang alam na may mga ganung kailangan eh...Bakit di mo sinabi sa akin noon pa?!”bulalas ko.........

Dumiretso ko sa kusina habang nakasunod sa akin si Hyro. Kumuha ako ng pitsel ng tubig sa ref. Nilapag ko toh sa may hapag, tapos kumuha ko ng baso at uminom na muna, para pagkalmahin ang sarili ko. Natataranta kasi ko sa problemang toh eh. At habang umiinom ako..........

    “Oo nga alam ko, pero hindi ka naman kasi agad nagkaroon ng project, nung time na inaccept mo verbally iyong offer ni Mommy na maging model...So ayun...Nawala sa isip ko”napapakamot sa ulo niyang sagot.....

Tapos na kong uminom, nilapag ko na hapag iyong baso. Lumapit naman siya akin, kinuha at hinawakan niya ang dalawa kong mga kamay at........

    “Actually po kasi, kung fashion show lang ang gagawin mo, pwede kahit walang contract at permit...Pero dahil may kasamang photoshoot para sa billboard, magazines at kung anu-ano pang kaartehan ni Mommy iyong project natin, kailangan mo talagang dumaan sa ganun”
    “Eh! Bwiset na iyan!...At isa pa iyang Dole na iyan...Ang alam ko delatang pinya iyon ah!”   
    “Hmph!...Hindi iyon iyong brand ng pinya! Iyong dole na tinutukoy namin ni Ms. Fita eh Department of Labor and Employment...At ibang usapan naman iyon...Dahil mapamodel, artista o singer ka man, kailangan mo iyon as long as hindi ka pa lumalampas ng 15 years old”sagot niya na nagpipigil pa ng tawa.....
    “Eh bakit hindi mo nga sinabi iyon sa akin dati pa?”
    “Nawala nga po sa isip ko, tao lang rin naman ako noh...Tsaka sabi nga nila di ba...Kapag gwapo, makakalimutin”ngingisi-ngisi niyang sambit......
    “Mali! Kapag gwapo, mahina sa ingles! Haha”

Tuluyan na siyang natawa sa sinabi kong iyon.............   

    “Ahahaha! Iyan ang gusto ko sa iyo eh!”

Bumitaw na siya mula sa mga kamay ko, tapos inakap naman niya ko.........
   
    “Even though may problems tayo, nagagawa mo pa ring magpatawa!”

Napaakap na lang din ako sa kanya. At matapos ang ilang sandali ng tawanan namin, balik ulit ako sa pagsisiryoso.........
    “Pero my labs....Ano nang gagawin natin?...Gaya ng sinabi ni Ms.Fita, kapag nawala ako, malalagay sa alanganin iyong project...Di lang iyong lahat ng mga pinaghirapan natin ang mauuwi sa wala...Pati na rin iyong kay kuya Oryo...At lalong lalo na sa kuya Hunsel mo”

Bago pa man siya makasagot, biglang tumunog iyong doorbell. Sabay kaming napalingon.........

    “May inaasahan ka bang bisita?”usisa niya........
    “Wala naman...Hmmm....Teka! Baka si tita Divine iyon o kaya si kuya Rass!....Tamang-tama, mapapakilala na kita sa kanila”

SI HUNSEL.......

I was frozen for a minute, nang makita ko kung anong klaseng training ang ginagawa ng boyfriend ko. Kaya pala may hawak siyang tabo na may tubig kanina,     dahil ilalagay niya sa ibabaw ng ulo niya while practicing.........

    “So...How do you find this training that I’m giving him?”usisa ni Skylar........
    “Hmph!...Fascinating...But freaking clever!”   
    “Hehehe”

At tatawa-tawa pa ang isang ito. Well, sinakyan ko na lang iyong pagtawa niya, nakitawa na lang din ako sa kanya. Pero, iyong plastic na tawa!.........

    “Isn’t this great? Because in this way, mas mabilis siyang natuto na ayusin ang body posture niya...Not to mention, nakakarampa na siya agad”sambit niya........

I must say, it’s indeed amazing na nagawa ni Oryo na magpractice like this. I mean hindi madali ang ginagawa niya. I remember when I was still a newbie in modelling, balancing a pile of books over my head was hellish for me. So what more with something like this one na mababasa ka, oras na magkamali ka ng move........

    “Aside from that...He looks really hot”

Napatingin ako bigla sa kanya because of what I just heard........

    “Did you just say hot?!”
    “Ah...Yeah I did...But it doesn’t mean anything malicious...Ang sinasabi ko lang naman eh...It’s a model’s prerogative to look hot...And...And Oryo has that...And...And it’s been emphasized by the skills he’s showing right now....”

Prerogative my butt! Sinasabi ko na nga ba eh! Sumisimple ang isang toh, kaya ganito ang pinagawa niya sa boyfriend ko!........

    “Sorry ka! Dahil hanggang tingin ka na lang...I’m the one only who can have a taste of him”napapangiti kong bulong sa aking sarili..........

Kahit na naiinis ako, I have to keep my word on Oryo. Hindi ako magsusungit at mas lalong hindi ko aawayin si Skylar. I know for myself, that I’m not ready yet to become friends with this guy. But for him, susubukan ko na makasundo siya kahit paano........

    “Anyway, gaano niyo na katagal na ginagawa toh?”
    “Actually, iyong last session namin ang unang beses”
     
Nagtaka ko bigla sa sagot niyang iyon.......

    “Seriously?! At ganito na agad siyang kagaling?!”
    “As a matter of fact, kahit ako nabigla at nagtaka....Would you believe, that your boyfriend was able to do that balancing thing in less than 3 hours?”
    “Less than...Ano toh lokohan? Impossible iyang sinasabi mo Skylar”
    “Well, it’s not my problem kung ayaw mong maniwala...But I am telling the truth...That’s how good he is, as if he was naturally born for this”

I wasn’t able to argue any further with what he said. Napatingin at nanood na lang ulit ako sa ginagawa ni Oryo. As I continue watching him, may napansin ako. Iyong way ng paglakad niya, pati na rin iyong gestures niya, pamilyar toh sa akin.

Hindi ako pwedeng magkamali, I saw that exact same thing before. After a few minutes, it came to me! Nakita ko iyong ginagawa niya sa video footage ng isang male supermodel. But that person perished 11 years ago, though. Pero bakit ganun? Bakit parehong-pareho sila ng galaw?!

Dahil sa pagtataka ko, napakalabit na lang ako kay Skylar. And then...........

    “Sky...Skylar look at Oryo...”
    “I’ve been looking at him already”
    “Hindi iyon ang ibig kong sabihin!..I mean, look at his gestures and the way he walks thoroughly”

He follows what I said. Tinitigan din niya nang maigi iyong mga kilos ni Oryo.......

    “Well, isn’t that familiar to you?”tanong ko.....
    “Hmmm...I think you’re right Hunsel...I’ve seen that from someone else before”
    “So, napanood mo din iyong footage na iyon?”
    “Yup, that person is my inspiration in modelling”
    “Same here, but....Are we thinking of the same person?”
    “Ritz De Chavez?!”sabay naming bulalas....

BALIK KAY REVY.......

Agad kaming nagtungo sa pinto. Nang buksan ko na ito, si tita Divine nga! Pero wala si kuya Rass, mag-isa lang siya. Tapos may dala siyang plastik na lalagyan.......

    “Hi!”nakangiti niyang bati.....
    “Kayo po pala tita...Magandang hapon po...Napadalaw po ata kayo”
   
Kahit na nababagabag ang kalooban ko, pinilit ko na lang na ngumiti sa harap ni tita. Siyempre, nakakahiya naman kasi.........

    “Gumawa kasi ko ng masarap na merienda...Baka kako gusto mo, kaya eto dinalhan kita...”

Biglang nawala ang ngiti sa mukha si tita. Natigilan siya at tila natulala kay Hyro na nakatayo sa likuran ko. Tatanungin ko na siya, kung bakit. Pero naunahan niya kong magsalita..........

    “Eh tamang-tama naman pala ang dating ko eh! May kasama ka ngayon dito”
   
Napangiti lang ang boyfriend ko sa kanya, tapos.......

    “Naku tita, nag-abala pa po kayo....Ah tara po...Tumuloy muna po kayo”

Tumuloy na siya, tapos bumalik kami sa may hapag nang kasama siya. Nilapag niya sa mesa iyong dala niya, tapos pinaupo ko siya. Naupo din kami ni Hyro nang magkatabi sa tapat niya..........

    “Ah tita...Siya nga po pala iyong boyfriend ko”
    “Good afternoon po”nakangiting bati ni Hyro.....   
    “So he’s the one na ikinukwento niyo sa akin ng pamangkin ko...Abay kegwapo at cute naman pala nitong batang to eh...Now wonder bumigay ka...Tisoy na tisoy oh...Artistahin”banat ni tita.....

Pabiro naman ang pagkakasabi niya nun, pero pakiramdam ko bigla akong namula. Napakamot na lang tuloy ako ng ulo.........

    “Ahmmm....Actually po...I’m...I’m a fashion model”
    “Talaga iho...Well, that explains a lot...Ano ngang pangalan mo?”
    “Hyro po...Hyromin Amethelli”
    “Amethelli?!...Wait, are you that same Hyromin Amethelli na bunsong anak ni Mariana Amethelli? The proprietress of the famous brand, Amethelli Apparels?”
    “Opo...Kilala niyo na po pala ko”
    “Of course!...Eh di ba sikat kayo ng kuya Hunsel mo”

Tumingin sa akin si tita.........

    “Wow Revy ha...Ibang klase ka pala pumili ah...Big time!”
    “Naku! Sinabi niyo pa tita! Talagang ibang klase po itong si my labs ko...Kaya nga lab na lab ko toh eh!”sambit ko sabay akbay sa boyfriend ko at dikit ng pisngi ko sa pisngi niya........
    “Ang sweet niyo naman...Pero iho paalala lang ah...Hindi naman  masamang magboyfriend...Pero masyado pa kayong mga bagets...Kaya hinay-hinay lang”

Nagkatinginan lang kami sa sinabi niyang iyon at........

    “Oh siya, tikman niyo na itong ginawa ko”
    “Ano po ba iyan?”usisa ni Hyro.....

Binuksan na niya iyong lalagyan, para makita namin ang laman nito.......

    “It’s mango graham cake!”

Nagkangitian kami ng boyfriend ko. Mukhang iisang bagay at tao, ang bigla naming naalala sa pagkaing dala ni tita.......

    “Tita thank you po...Favorite po namin toh ni Revy eh...Di ba?”ngingisi-ngisi niyang sambit sabay tingin sa akin........
    “Oo naman...Lalo na iyong maraming durog-durog na graham hehe”    “Really?...Kung ganun sakto pala talaga iyong timing ko”sambit ni tita....
    “Opo”sagot ko....
    “Then what are you waiting for? Tikman niyo na”

Tumayo ako sandali para kumuha ng mga platito at kutsara, nang sa ganun ay matikman na namin ito. Nang maglalagay na sana ko nung graham cake sa mga platito.........

    “Let me do it iho...Maupo ka na lang diyan, ako nang bahala”
    “Salamat po”
Pinaubaya ko na lang nga sa kanya. Tapos naupo na ulit ako sa tabi ng boyfriend ko. Habang nilalagyan niya ang mga platito........

    “Nasaan nga po pala si kuya Rass?”usisa ko.....
    “Ah...Umalis...Inutusan ko kasi na bumili eh”
    “Naku sayang...Hindi po sila nagkita ni my labs”
    “Hmph...Don’t worry....Marami pa namang ibang time di ba”

Nang malagyan na ang mga plato namin, agad namin itong tinikman........
   
    “Tita ang lupet ng lasa nito! The best talaga kayo! Pwedeng-pwede na po kayong maging cook!”

Natawa si tita sa akin. Akala ko naman, sa sinabi ko siya natatawa. Iyon pala..........

    “Revy may...May cream ka sa pisngi mo”

Tumingin sa akin si Hyro. Napangisi siya at......

    “Hihi...Uy meron nga!”sambit niya.....

Dahil dun ay agad akong tumayo. Kumuha ako ng tissue sa may gilid ng ref, tapos.......

    “Saan banda? Kaliwa o kanan?”usisa ko sa kanila na mga nakangisi pa rin sa akin........
    “Sa may kaliwa”sagot ni tita.....

Pinunasan ko nga ang kaliwa kong pisngi.......

    “Meron pa ba?”muli kong usisa....
    “Meron pa!”sagot ni tita.....

Pinunasan ko ulit toh......

    “Oh iyan?”
    “Ahihihi! Ano ba iyan! Meron pa rin!”banat naman ng boyfriend ko.....    “Ako na nga!”biglang sambit ni tita.....
    “Tita huwag na po...Kaya naman na po eh”
    “Kaya? Eh nakakailang ulit ka na nga diyan....Kaya huwag nang matigas ang ulo...Ako na”sambit niya ulit sabay tayo na at lapit sa akin.......

Hindi na nga ako nakaangal, kinuha na niya iyong tissue mula sa akin at pinunasan ako. Sa puntong iyon, bigla ko na namang nadama iyong naramdaman ko dati, nung napaso iyong kamay ko at nilapatan niya toh ng bimpo. Di ko maintindihan, basta bigla ko na lang naramdaman ito.

Kasabay noon ay medyo naiilang din ako. Parang ang dating kasi ng mga pangyayari, eh binibaby ako ng nanay ko sa harap ng boyfriend ko. Pero nakakatawa din, paano hindi ko naman nanay si tita Divine, tapos ganito ang mga naiisip ko.........

    “Oh iyan...Malinis na iyong pisngi mo...Dahan-dahan ka lang kasi sa pagkain”sambit niya na may kasamang pag-akbay sa akin......
    “Parang mahirap po atang gawin iyan tita...Lalo na kung luto niyo ang lagi kong kakainin! Hehe”
    “Sus! Itong batang toh oh!”nakangisi niyang tugon sabay gulo sa buhok ko.....

Natawa na lang ako. Nauna siya umupo ulit. At bago naman ako sumunod, napadantay muna ko sa mesa at........

    “Kayo pala tita? Di po ba kayo kakain?”
    “Later na lang ako...Tsaka para sa inyo talaga iyan, kaya kayo na lang muna”
    “Sige na po tita...Sabayan niyo na kami...Sige kayo, magtatampo po ko sa inyo”
    “Aba at tinakot mo pa ko ah...Hahaha....Oh siya, sige na nga...Pasalamat ka at malakas ka sa akin”
    “Hehe...Teka lang po, kuha ko rin kayo ng platito”

Matapos kong kumuha ay agad akong bumalik sa kanila at naupo na ulit. Sinabayan na nga din kami ni tita. Habang patuloy kami sa pagkain, nakahalata ako na parang di na naimik ang katabi ko mula kanina. Kaya tumingin ako sa kanya.

Pagtingin ko, mukha siyang ewan na nakangiti, habang nakatitig lang sa amin ni tita.........

    “Anong nangyari sa iyo diyan?”nagtataka kong usisa......
    “Wala naman...Nalibang lang kasi ko sa panonood sa inyo”
    “Huh?”
    “Eh kasi, may similarities iyong mga kilos at mannerisms niyo...Kaya nakakatuwa kayong tignan”
   
Nagkatinginan lang kami ni tita sa sinabi niya, tapos ay natawa.......

    “By the way Hyro...Just out of curiousity, alam ba ng mother mo iyong tungkol sa inyo?...I mean, sa relationship niyo?”
    “Ahmmm...Hindi po...Kahit po iyong sa mga kuya namin, di rin niya alam...Mahirap na po kasi tita eh...Alam niyo naman iyong mga tao ngayon...Especially, galing po kami ng kuya ko sa isang influencial family”
    “Wait!...Mga kuya niyo?!”
    “Ah tita...Hindi ko nga pala nasabi sa inyo...Nabanggit ko po na may boyfriend din si kuya Oryo di ba?...Si...Si kuya Hunsel po iyon...Iyong kuya niya”
    “So that’s how it is...Ayos din kayong mga bagets ah...Pang teleserye lang ang peg? Hehe...Pero, paano kayo nagkakila-kilala?”
   
Napatingin ako kay Hyro sa tanong na iyon ni tita........

    “Nung...Nung minsan po kasi pinagkaguluhan po ko ng mga reporters...Then Revy rescued me...Since then, naging close po kami...Until nagkagustuhan na kami”

Kinabahan ako dun, buti na lamang at magaling itong boyfriend ko sa pag-iwas sa mga di namin dapat sabihin..........

    “Hmmm....If you don’t mind me asking...Pwede ko rin bang malaman kung paano nagkakilala ang mga kuya niyo?”

Si Hyro naman ngayon ang napatingin sa akin.........

    “Pasensya na kayo kung matanong ako ah...Natutuwa kasi ko sa young love stories niyo eh...Pero kung ayaw niyo sumagot, I’ll respect it”

Oo nga, pwede ngang huwag kaming sumagot. Pero gaya ng napag-usapan namin dati ni kuya Oryo, hindi pwede na lagi na lang iiwas sa mga tanong ni tita. Dahil magmumukha kaming kahina-hinala.........

    “Ah tinulungan po kasi ni Mommy si kuya Oryo”biglang sagot ni Hyro....

Nagulat ako sa sinabi niya, kaya pasimple akong napatapik ng siko ko sa braso niya.........

    “Don’t worry...Sakyan mo lang ako, ako nang bahala”pasimple niyang bulong.....
    “What do you mean tinulungan?”usisa ni tita........
    “Di ba po wala na silang mga magulang?...Bale kinupkop po ni Mommy si kuya Oryo...Then naging personal assistant siya ni kuya Hunsel...Iyon, dun po sila naging close at nagkadevelopan”
    “Pero teka, bakit si Oryo lang ang tinulungan niya? Bakit si Revy hindi?”

Halos pigil na ang paghinga ko sa pinatutunguhan ng usapan namin. Pero itong si Hyro, relaks na relaks pa rin.........

    “Dahil...Dahil itinago po ni kuya Oryo ang tungkol sa kanya...He was afraid po kasi na kapag nalaman ng mga taga DSWD na may kapatid siya...Eh ipapaampon sila sa magkaibang family...Ayaw po niya na magkahiwalay sila...Kaya po naging ganito ang setup nila”
    “I see...So kaya pala magkahiwalay sila ng tirahan”
    “Nung una nga po, di ko alam na magkapatid pala sila eh...Nagalit po ko nung natuklasan ko...Pero dahil sobrang mahal ko po si Revy...Nagawa ko silang mapatawad...Then nag-agree din po ko na itago iyong secret nila...”
    “Wow...You’re a very sweet and romantic young man, Hyro”

Nakampante na ko matapos iyon. Wala na, wala na talagang tatalo dito sa boyfriend ko, pagdating sa pagpapalusot........

    “So ikaw naman Revy!”
    “Po?!”
    “Napansin ko puro itong si Hyro ang sumasagot sa akin eh...So ikaw naman ang tatanungin ko”
    “Ano po iyon?”
    “Well...Hyro and his kuya Hunsel were into modelling di ba?...Eh kayo ba ni Oryo hindi interested na magmodelo?”
    “Ahmmm...Ang totoo po niyan eh...Kinuha rin po kami ni Madam Marie para magmodel sa Amethelli Apparels...May first project na nga po kami eh...”
    “Makakasama po nila kami...I’m sure nabalitaan niyo po na naaksidente iyong kuya ko dati...Bale comeback project niya po iyon...And at the same time, ilalaunch din po namin sila as the new models of our brand...So magkakaroon po kami ng fashion show, tsaka photoshoot for printed materials”dagdag ni Hyro........
    “But wait...How come na nakasama si Revy? Unlike his brother Oryo, wala siyang legal guardian...So sino ang pumirma para sa contract niya? Tsaka iyong working child permit niya, paano iyon?”
    “Alam niyo din po iyong tungkol dun?”pagtataka ko....
    “Ahmmm...Dati rin kasi kong nagwork sa fashion industry”

Nagkatinginan kaming dalawa ni Hyro sa nalaman namin. Kasunod noon ay pasimple na lamang siyang napabulong sa akin ng.......

    “Baka matulungan niya tayo Revy”

At dahil dun..........

    “Ang...Ang totoo...Iyon po iyong prinoproblema namin ngayon eh...Kanina lang po kasi namin nalaman iyong tungkol sa kontrata tsaka sa working child permit...Ang masaklap po, gusto nang makipagkita ni Madam sa mga magulang ko para dun...Eh wala naman po kong maihaharap sa kanya....At kapag nawala po ko, malalagay raw sa alanganin iyong show...Dahil wala raw pong pwedeng pumalit sa akin”
   
Sa kalagitnaan noon, biglang napatayo at napatapik nang malakas si Hyro sa mesa, na ikinagulat pa naming dalawa ni tita Divine..........

    “I have a brilliant idea!”bulalas niya......
    “Huh?”usisa ko.....
    “Tita Divine...What if kung kayo na lang po ang humarap kay Mommy?...I mean, magpanggap po kayo na nanay ni Revy! Pati po dun sa working child permit...Baka pwede rin po na matulungan niyo siya...Since may experience po kayo sa ganun ”
    “What?!”gulat na reaksyon ni tita....
    “Nasisiraan ka na ba my labs?! Paano kung mabuking kami diyan sa iniisip mo?!”
    “Hindi...Gaya ng sinabi ko kanina, may similarities iyong mga kilos at mannerisms niyo...And if you can only see yourselves awhile ago, para kayong totoong mother and son tandem! So I believe that you guys can pull it off!”napapangisi niyang paliwanag........

Napatitig na lamang ako kay tita Divine. Habang siya naman ay napangiti sa amin ng boyfriend ko, isang ngiti na makahulugan.

KINAGABIHAN, SI RASSEL........

Medyo late na ko nakauwi, dahil sa matinding traffic. Pagpasok ko sa may condo, I saw auntie in front of the window again. Like her usual, it looks like malalim na naman ang iniisip niya. Nilapitan ko na siya...........

    “Auntie...”

Napatingin siya sa akin.......

    “Rass...Salamat at dumating ka na...There’s something that you have to know”
    “What is it?”
    “Dumaan ako kanina diyan sa kabila, para magbigay ng food...And it happened to be na kasama ni Revy iyong boyfriend niya...I found out who really he is”
    “That’s good auntie”
    “Actually, it’s better...Because he is Hyromin Amethelli, the youngest son of Mariana...”   
    “What?!...That means...Iyong boyfriend naman ni Oryo ay iyong...”
    “Yeah...Iyong panganay niya...Matagal ko nang alam actually ang tungkol sa mga anak niya...Dahil kasama sila sa mga naresearch ko about her...But I didn’t expect na sa ganitong lugar ko makikita ang isa sa kanila”
    “So...Ano pong ginawa niyo nung nakita niyo iyong Hyromin kanina?”
    “At first I was surprised, pero syempre nagkunwari ako na di ko pa siya kilala...Para di sila maghinala...Eto pa, would you believe na kinupkop pala ni Mariana si Oryo...At sila pala ni Revy ay mga model din ng Amethelli apparels...And the funny thing was they asked me for help”napapangiti niyang sambit....
    “What kind of help? And for what for?”

SAMANTALA, SI ORYO.......

Napagod ako sa training kaya diretso kong higa sa kwarto ko. Ilang saglit lang ay tumawag ang kapatid ko.............

    “Oh tol...Bakit?”
    “Kuya, may importanteng bagay kasi ko na kailangang sabihin eh”
    “Sige...”

Lupaypay na talaga ang katawan ko. Ayaw ko nang magsalita, kaya hinayaan ko na lang siya ang magsalita. Nakinig na lamang ako sa kanya. Pero nang marinig ko na iyong gusto niyang sabihin, nanlaki ang mga mata ko at napatayo ko bigla mula sa kama nang dahil sa gulat.........

    “ANO?! Anong magpapanggap si tita Divine na nanay mo?! Bakit?! Para saan tol?!”
    “Eh kasi kuya....”

Ipinaliwanag niya sa akin ang mga nangyari. Gusto daw ni Madam na makipagmeet sa magulang niya. Dahil may kontrata daw na kailangan pirmahan at permit na kailangan asikasuhin para sa kanya. Kapag hindi nagawa iyon, hindi siya makakasama sa project namin.

At hindi raw siya pwedeng mawala, dahil walang modelo na pwedeng pumalit sa kanya. Sa madaling salita, namimiligrong hindi matuloy iyong comeback project ni Hunsel nang dahil dito!

Takte! Oo nga naman! Wala na kaming mga magulang, kaya sino nga naman ang ihaharap ng kapatid ko kay Madam di ba?! Bakit ba hindi ko naisip na pwedeng may mangyaring ganito! Pero nandito toh eh. Ayaw ko rin namang maunsiyame iyong project. Kaya lang, medyo nag-aalangan ako sa naisipan niyang gawin...........   

    “Pero tol bat naman si tita Divine pa?...Wala na ba tayong ibang pwedeng gawin? Wala na bang ibang paraan?”

BALI KAY RASSEL.......

    “This is the only way Rass!”

Iyon na lang ang naisagot sa akin ni auntie, after ko siyang tanungin about sa pagpayag niya na tulungan sila. I am totally shocked nang sabihin niya sa akin na hiniling nila na magpanggap siyang mother ni Revy. At pumayag naman siya nang ganun-ganun lang.......

    “Pero auntie, hindi tamang manloko tayo ng tao...Of all people, kayo po ang dapat na nakakaalam nun!...So please, sa ibang way na lang natin sila tulungan!”
    “NO!...You don’t understand Rass...”

BALIK KAY ORYO.......

    “Oh sige na! Naiintindihan ko na! Eto na lang talaga ang paraan”

Hay, kahit naman kumontra pa ko nang paulit-ulit, wala na ring silbi. Dahil nagdesisyon na siya nang hindi ako kinukunsulta. At nakapagplano na rin siya......

    “Teka pala, ano palang sinabi mo kay tita? At paano mo siya napapayag?”
    “Ahmmm...”

BALIK KAY RASSEL.......

    “After kong malaman na related at konektado sila kay Mariana...I took the opportunity...So I bombarded them with some stunning questions...Nang sa ganun, sila mismo ang magbuking ng mga bagay na tungkol sa kanila....”
    “And obviously, it worked...Kaya nasabi nila sa inyo ang lahat ng mga nalaman niyo”
    “Exactly!...And now, we have a way para makapasok sa kumpaya ni Mariana...Para mabantayan ang mga kilos niya...”
    “But I’m worried about you auntie...Baka po hindi pa kayo handa na makita ulit iyong taong sumira sa buhay niyo”
    “On the contrary my nephew, I think it’s about time para magkaharap na kami ulit...It’s time, para bulabugin ang huwad na reyna sa tronong kinauupuan niya”napapangiti niyang sagot.....
    “Pero paano po iyong mga bata? Si Oryo?”
    “Don’t worry, I will make sure na hindi sila madadamay sa gulo...Lalong lalo na sina Revy at Oryo...So please...Just support me in this...”

I don’t know about this. Pero umoo na lang din ako sa kanya. But still, I’m not comfortable with it.

BALIK KAY ORYO.......

    “Sinabi mo kay tita na kinupkop ako ni Madam?! Bakit mo ginawa iyon?! Tol naman!”
    “Kalma lang kuya...Tsaka...Hindi naman talaga ako iyong nagsabi nun sa kanya eh...Si Hyro”

Ah! Kaya naman pala, kasama pala niya ang magaling na bata. Sinasabi ko na nga ba eh! Hindi ang kapatid ko iyong tipong gagawa ng mga ganitong bagay..........

    “At wala ka na ring dapat ipag-alala kuya...Dahil nagawan na ng hari ng mga palusot ng paraan ang lahat...”
    “Anong ibig mong sabihin?”
    “Sinabi lang naman niya kay tita na itinatago mo ko sa mga taga DSWD...Dahil takot ka na ipaampon ako sa ibang pamilya at na magkahiwalay tayo...Oh di ba kuya? Nasagot ng henyo kong boyfriend iyong tanong na di natin maisipan ng sagot”
    “Hmph!”
    “Oh dahil dun, naintindihan ngayon ni tita Divine ang sitwasyon natin...Kaya mas naging madali para sa kanya ang pumayag na tulungan tayo...Kaya huwag ka nang mag-alala kuya”
    “Hmph...Huhulaan ko, siya rin ang nakaisip na manggap si tita na nanay mo noh?”
    “Eh sino pa nga ba? Hehe...”

Napangiti na lamang ako sa sagot niya. Tapos ay napakamot na lamang ako ng ulo.

PAGLIPAS NG ILANG ARAW, SI REVY.........

Gaya nga ng napagplanuhan at napag-usapan namin, nagpanggap si tita Divine na nanay ko. Sinimulan niya ito sa pagtawag kay Ms. Fita sa telepono, para alamin kung kelan sila magkikita ni Madam Marie.

Sinabi ko kay tita na dapat maghanda at magpractice kami. Pero ito namang si Hyro, ang kulit. Sabi niya kahit huwag na raw, dahil nga parang mag-ina na raw iyong mga kilos namin sa simula’t sapul. Pero syempre, maganda na rin iyong sigurado.

At ngayon, dumating na iyong takdang araw para makipagkita kami kay Madam. Nasa labas na kami ng building...........

    “Oh anak, are you ready?”usisa niya habang nakaakbay sa akin....
    “Sa...Sa totoo lang po...Medyo kinakabahan po ko tita eh”
    “Anong tita ka diyan!”
    “Ay!...Ma...Mama pala! Ehehe...”
    “Ito talagang batang toh...Parang di tayo nagpractice ah”
    “Sorry po...Kinakabahan lang po talaga ko eh”napapakamot sa ulo kong sagot.....
    “Okay ganito...Para marelaks ka at mawala iyang kaba na iyan...Huminga ka muna nang malalim...”

Sinunod ko ang sinabi niya. Matapos iyon ay pinaharap niya ko sa kanya. Tapos hinawak niya ang isa niyang kamay sa balikat ko at iyong isa pa ay sa pisngi ko naman..........

    “Ngayon naman, ipikit mo ang mga mata mo”

Ipinikit ko nga ang mga mata ko. Habang nakapikit ako, nadama ko ang paggapang nung kamay niyang nasa pisngi ko, pababa sa gilid ng aking leeg. Dahan-dahan ay hinaplos-haplos niya ko, mula dito patungo sa aking batok. Nang huminto na siya.........

    “Oh iyan...Okay na ba ang pakiramdam mo anak?”

Napadilat na ko at.......

    “Opo...Ayos na po ko...Mama”napapangiti kong sagot......

Nawala na iyong kaba ko at gumaan din ang pakiramdam ko. Bigla ko kasing naalala ang inay nung hinahaplos niya ko kanina. Pakiramdam ko, si Inay mismo iyong humaplos sa akin. Samantala, napansin ko na may dala pala siyang malaking brown na sobre.......

    “Mama...Ano pong laman niyang dala niyong sobre?”
    “Nandito iyong mga kailangan para sa working permit mo”
    “Ah...Saan po nanggaling iyan?”
    “Hmmm...Let’s just say na minagic ko gamit ang pera”
   
Nagets ko ang ibig niyang sabihin, kaya napangisi na lang ako.......

    “By the way, to be sure na hindi nila malalaman na magkapatid kayo ni Oryo, iniba ko ang apelyido mo dito ah...So kapag may magtanong sa iyong ng full name mo, ang sasabihin mo ay Revy De Chavez...”
    “De Chavez?”
    “Apelyido iyon nung una kong asawa na pumanaw na...Bale palalabasin natin na anak kita sa kanya...Okay?”
    “Sige po”
    “Let’s go”

Napaakbay na lang siya ulit sa akin. Pagkatapos ay pumasok na kami sa loob. Pagpasok namin, nakita namin sina kuya Oryo at Hyro!...........

    “Oh...Anong ginagawa niyo dito?”pagtataka ko......
    “Gusto ko lang po masure na magiging okay ang lahat”nakangising sagot ng boyfriend ko.....
    “Ako rin tol...Ganun din ang ipinunta ko dito”dagdag ni kuya Oryo....
    “Hmph...Huwag na kayong mag-alala! Yakang-yaka na namin toh ni Mama!”
   
Napangisi na rin si kuya Oryo dahil sa sinabi kong iyon......

    “Ah tita...Salamat nga po pala ulit sa tulong ah..Iba talaga kayo”sambit niya.....
    “No need to thank me Oryo...Masaya din naman ako na nakakatulong ako sa inyo”sagot ni tita este Mama.....

Mayamaya pa ay dumating na si Ms. Fita at may kasama siya, si kuya Hunsel.......

    “Bro what are you doing here?”
    “Ah naisip ko kasi na baka need ni Revy ng moral support”
    “Contract signing lang magmomoral support ka pa? Style mo rin eh noh”

Nginisihan lang siya ng kapatid niya. Tapos kay kuya Oryo naman siya dumako.......

    “Eh ikaw?”
    “Si...Sinamahan ko itong utol mo”
    “Yeah right”
    “Eh ikaw naman? Kala ko ba bibisita ka sa branch niyo?”
    “May dinaanan lang ako kay Mommy...So...Want to come with me?”
   
Tango lang ang isinagot ng kuya ko sa kanya........

    “Ah kuya...Si tita Divine nga pala...Mommy ni Revy”sambit ni Hyro....

Dun siya napatingin sa amin at......

    “Ah...Good afternoon po”
    “Good afternoon...So ikaw pala si Hunsel...It’s so nice to finally meet you...You know what, I still can’t believe that my son will be working with someone as famous as you already, on his first project”
    “Ganun po...Actually, I’m glad that I’ll be working him...Dahil napakagaling po ng anak niyo”   
    “Really? Thank you iho ah...Dahil naaappreciate mo iyong kakayahan ng anak ko”
    “Ahmmm sige po...May kailangan pa po kasi kong puntahan eh, mauuna na po kami ni Oryo”
    “Okay”

Lumakad na silang dalawa. At sa pag-alis nila, pasimple kong binulungan ni kuya Oryo ng “goodluck tol”. Matapos iyon ay si Ms. Fita na ang kumausap namin.......

    “Mrs. Goodman...I’m Fita...Ako po iyong nakausap niyo sa phone”
    “I see...So where is Mrs. Amethelli?”
    “May kausap lang po siya sandali sa office niya...Dun na lang daw niyo po siya hintayin sa meeting room...And binilin po niya na samahan ko raw  kayo papunta dun”
    “Alright then, let’s go”

Lumakad na rin kami at nagpaiwan na lamang iyong boyfriend ko. Habang lumalakad ay napalingon ako sa kanya.     Nginitian niya ko. At ang loko, bigla pang nagflying kiss sa akin! Buti na lang walang taong nakapansin sa ginawa niya. Napangiti ako, tapos pasimple ko din siyang ginantihan. Ayos! May pabaon na kilig! Haha.

Pagdating namin dun sa sinasabi ni Ms. Fita na meeting room, pinaupo niya lang kami sa tapat ng isang malaking mesa. Pagkatapos ay nagpaalam na siya agad. Heto na, mangyayari na, sana hindi kami mabuking. Makalipas ang ilang minuto, narinig na namin ang muling pagbukas ng pinto. Dahilan para sabay kaming mapalingon.

ITUTULOY.......

No comments:

Post a Comment