m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, October 25, 2015

Patay Malisya (Part 4)

By: Pansit Anton

Gising na kami ng mga 5 am nun at siksikan na sa isang van para sa isang out of town na org activity, pero puta tirik na yung araw sa resort nang bigla na lang sumigaw itong si Lucas, galit.

“Oy tarantadong to! Tshirt ko yan ah!”

Napatingin lang si Kelly sa kanya, tapos sa suot niyang tshirt at balik kay Lucas – yung expression ng mukha niya hindi man lang nagbago sa buong duration nun, ‘lampake.’

“Plain black na vneck lang to Luc. Siguro tayong apat, meron tayong 500,000 na ganito. Hindi mo naman siguro masusure na sa yo nga to tangina.”

Ni hindi man lang tumingin sa kanila si Mike, hindi ko malaman kung may katext yung gagung yun or nagtwetweet or nagpapanggap lang. Pero ako pinanood ko tong impromptu na face to face, madalas kasing walang pakealam itong si Lucas kung sino ang may suot ng ano, at walang nananalo kay Kelly sa mga away, so siguradong interesting to.

“Puta tignan mo to oh!” Nagtataas na ng boses si Lucas, hinook niya yung daliri niya sa maliit na butas sa may neckline dun sa tshirt, at hinatak yun, “Ito yung nabutas ni Anton nung kinagat niya ko dahil inubos ko yung sour worms niya nung nakaraang linggo. Ito yung current fave kong tshirt, Kel.”

Napadila ako sa ngipin ko habang nirereminisce yung moment na yun, pati si Kelly napatigil sa sinabi ni Lucas na nakapamewang pa ngayon.

“Putang ina, hubarin mo yan! Akin yan!” Hindi naman fullblown tantrum, pero wala sa boses niya na nagjojoke siya at mas lalong rare yun base sa ugali niya.

Inisip ko na hindi naman siguro magiging regular ang mga ganitong eksena – bigla na lang may hubaran kapag may away sa damit damit. Nafeature na kasi kaming apat sa crush/confession page ng university namin; ayoko nang mabawasan yung natitirang privacy namin. Nagkibitbalikat lang itong si Kelly at tumingin sa akin sandali sabay roll ng eyes, inabot yung parte ng shirt sa batok at hinatak papahubad yung tshirt. Nabato si Lucas nung tshirt sa mukha, pero tumango lang siya at tinupi yun, ibinulsa sa likod ng pantalon at bumalik sa kwarto, tahimik ang kumag kasi alam niyang panalo siya. Tumabi sa akin sa sofa si Kelly, hubad, at wala akong clue kung san kami hahagilap ng damit sa kanya pag nagsimula yung program.
Hindi pa rin natitinag si Mike sa phone niya tapos kinuha na rin ni Kelly yung phone niya sa bulsa, napadampi sa braso ko yung mga biceps niya – fuck, makapanindig balahibong tagpo. Nakatitig lang ako sa pader, tinatry ibaling yung attention ko
sa painting ng flower siguro, or vagina. Ewan, masyado akong distracted.

“So, sino may suot ng boxer briefs ko ha?” Nagsalita si Mike sa hangin, sabay pagbalik ni Lucas galing kuwarto, wala na yung tshirt na nagsimula netong sagutan na to. Seryoso pa rin yung itsura niya at nakahalukipkip yung kamay niya sa bulsa nung hoodie niya. Napangiti siya sa joke ni Mike, ngumiti rin ako.

“Commando ako ngayon, bro,” bulong sa akin ni Kelly. Napahigpit kapit ko sa tuhod ko dahil sa libog. Nang makabalik na kami ng QC, gumimik kami ng pamorningan. Nauna na akong umuwi dahil may mga aasikasuhin pa ako na school work. Patulog na ako nun, nakaboxershorts na lang at nakatalukbong ng kumot nang biglang dumating na si Lucas sa room namin, kasunod si Kelly, parehong lasing na lasing. Nagsisikuhan pa kung sino ang mauuna sa kanila makatabi at makasiksik sa akin.

“Hindi makatulog nang mag-isa si Kel, Ton-ton,” bulong sa akin ni Lucas habang nakaspoon na naman siya sa likuran ko. Tulad nga ng sabi ko dati, touchy touchy kaming barkada, pero grabe naman na to. Shit. Hindi naman na bago sa amin yung tabi tabi matulog, lalo na at may nangyari na sa amin ni Kelly at sa amin ni Lucas. Hindi ko lang alam kung alam na nilang dalawa, wala rin naman akong pagkakataon na magpaliwanag. Hindi na kami mag-on ni Kelly nung mga panahon na to; hindi pa rin kami nakakapag ‘define the relationship’ ni Lucas after nung Baguio outing namin. Humigpit lang yung yakap sa akin ni Lucas bago pa ako makasagot nang maayos, hinihimas himas na niya yung tagiliran ko. Nanginig ako ng kaunti kaya nanahimik na lang ako. Umayos na rin ako ng pwesto para mayakap si Kelly papadikit sa dibdib ko. May binulong ulit si Lucas pero hindi ko na nagets, parang approval yata or something. Lalo na lang akong napasandal sa yakap niya. Hinalikan ulit
ni Lucas yung balikat ko, parang yung sa Baguio ulit. Tipong good night kiss. Si Kelly naman, hinihimas himas yung mga kamay ko, tinit-trace yung mga ugat ugat ko sa braso hanggang sa nagsettle na siya sa pag-iintertwine nung mga daliri namin.

“Thank you ha,” sabi ni Kelly. Napangiti ako sa batok niya, narealize ko kasi na hindi naman lagi kami ganito ni Kel at hindi lagi na ganito kami matulog. Nasa kalagitnaan ng isang focused group discussion nang ma-sure ko na parehong more than friends nga ang pagtingin ko kina Kelly at Lucas.  Seryosong seryoso na nga yung usapan nung parang nabangga ako ng MRT dahil sa realization ko. Ayun, uutal utal tuloy ako kapag ako na yung nagdidiscuss. Kaso yung dalawa, hindi naman nakatingin sa akin; narealize ko rin na ayoko nang ganun. Gusto kong magsumiksik sa gitna nila, gusto ko na lagi ko silang katabi. Hindi ko alam kung forever kaming magkakasama pero matagal pa yun. Wala akong pasensya sa araw na to ngayon tanginashit. Nabilaukan ako sa tubig na iniinom ko kakaisip. Instantly, tumingin sa akin sina Kelly. Tumayo pa nga at tinapik tapik ni Lucas yung likod ko. Inubos ko na yung laman nung maliit na mineral water. Pansin ko rin yung titig nung dalawa
sa akin hindi na concern, medyo mas bastos at malibog na yata yung emosyon na kinoconvey.

‘Bahala na’ sabi ko sa sarili ko at tuluyan na akong sumiksik sa pagitan nila. Winelcome naman nila ako with open arms na may matching pa na tapik tapik sa tuhod. Hanggang sa matapos yung FGD, nakahook sa paa ko yung isang binti ni Kelly. Muntanga lang, nahuli kasi ako ni Mike na nakatitig sa kawalan at nakangiti na parang gago lang. Pag uwi namin sa boarding house, nag-one on one kami ni Mike na usap. Ang naalala ko na lang na sinabi niya, “So nahalata mo rin ano?”

So ayun na nga, nagshare na ako ng mga saloobin ko sa kanya. Hindi naman ako takot na in love ako sa kalahati ng barkadahan namin, pero natatakot ako sa iisipin nila kapag nagkabukingan na. Sure ako na wala pang may alam na may namagitan sa amin ni Lucas. Hindi ko lang sure kung mutual ang feelings nila Kelly at Lucas sa akin, pano sila yun, isang party boy extraordinaire at isang gwapong university scholar. At ako, ako lang si Anton, struggling artist wannabe.

“Thanks bro,” sabi ko, walang hesitation, kasi hindi naman nabubullshit itong si Mike. “Gets ko na gagawin ko ngayon.”

Ang gago, binato lang ako ng ballpen. “Akala mo ba alam mo na, hinde hinde hinde!” Taena, love ko rin naman si Mike pero gago lang niya. Fuck.

“Putang inang dalandan,” ang aga agang murahan session na naman with Lucas kinabukasan. “Putang inang dalandan at mga putang inang saging. Ano bang kelangang mangyari para magka-orange naman dito sa boarding house? Tangina kelan ba matatapos ang paghihirap ko na to?”

Intense talaga itong rommate ko kapag tungkol sa pagkain ang issue, kaya hinayaan ko na lang siya sa pagrarant niya. Ginulo niya buhok ko bago siya umalis ng kwarto namin, siguro bibili ng orange sa may MiniStop. Nginitian ko lang siya mula sa pwesto ko sa sahig sa paanan ng kama ko, habang kandong kandong yung almusal ko sa isang tray. Inaalala ko ko kung san ko naiwan yung cable ng iphone ko nang bumukas ulit yung pinto, pero hindi si Lucas ang pumasok. Sinara ni Kelly yung pinto at umupo sa harapan ko, naka-Indian sit din sa sahig. Nakaupo siya at nakatitig sa akin, tahimik lang pero halatang alert.

“Okay ka lang brad?” Tanong ko sa kanya. Ang bilis na naman ng tibok ng puso ko. Pano kung alam na ni Kelly, pano kung andito siya para sabihin sa akin na itigil ko na ang kahibangan ko sa kanya? Pano kung ayaw na nila akong tumira dito sa boarding house? Kaya ko naman siguro ang buong buhay na unrequited love kung kapiling ko pa rin silang dalawa, yung buo yung barkada. Pero shit hindi ko yata kayang mamili.

“Oo naman,” sagot ni Kel, magaspang pa yung boses niya, kagigising lang siguro. Tahimik lang na nakishare sa almusal ko. Pinalo niya ng mahina yung kamay ko sabay agaw sa huling piraso ng saging, pero inipon naman niya lahat ng chicken nuggets para ibigay sa akin, alam niya kasing favorite ko yun.

“Okay ka lang ba talaga?” Tanong ko ulit. Hindi naman kasi ganito katahimik itong gagong to kahit anong oras. Pero siguro hindi na niya naintindihan kasi pinadilatan niya lang ako at tumango. Umurong siya nang kaunti papunta sa akin at tinanggal yung tray mula sa tuhod ko. Nilapat niya yung mga palad nila dun at idiniin yung mga labi niya para magkiss kami.

Ang tamis ng lasa ng bibig niya habang sinisibasib ng dila ko yun, to think na nagrereact lang ako sa pace na sinet niya sa laplapan namin. Ang hirap sabayan pero yung halik niya sa akin, feeling ko pang forever na. Ang lambot ng buhok niya sa mga daliri ko, ramdam ko sa mga palad ko sa pisngi niya yung pag-hum niya saglit. Umayos siya ng pwesto at kumandong sa akin ulit, just like old times, nakayakap sa bewang ko yung mga braso niya at naka-straddle na naman siya sa akin.

“Wow, rude,” dumating na pala si Luc. Halos mapatalon ako sa gulat, nyemas, pero hindi umalis si Kel sa pagkakandong niya sa akin. Nakasimangot at nakatitig sa akin, ni hindi man lang makuhang tumingin sa roommate ko. Hindi ko maiwasan na mapatingin sa mga labi ni Kelly at i-admire yung afterglow niya mula sa halikan session namin, pero shit, tinatanong pala kami ni Lucas.

“Ano eh ah,” napalulon ako ng laway. Ni hindi ko nga agad natanggal yung mga kamay ko sa pagkakayakap kay Kelly.

“Ano to eh ah,” gusto kong sabihin na walang ibig sabihin yon pero kasi meron naman talaga at saka ayoko sa cliches. Nakatayo pa rin si Lucas sa may pintuan, hindi pumapasok sa kuwarto, hindi rin naman umaalis. Hindi rin siya mukhang galit, pokerface ang puta. Gusto ko sana siyang ireassure na okay lang naman lahat.

“Wala to, patay malisya lang.” Yun yung nasabi ko, verbatim. Syempre nakakatawa kasi pathetic. Pero for a split second, nakita ko ang selos sa mga mata ni Lucas. Sinara niya yung pinto at tuluyang pumasok na sa kuwarto namin. Inabutan niya rin kami ni Kelly ng tig-isang orange, tapos umupo sa kama ko habang nagbabalat nun.

“Wala to, patay malisya lang,” inulit niya yung mga sinabi ko, pero hindi naman siya umalis sa tabi namin.

“Wala to, patay malisya lang,” si Kelly naman ang nagsalita. Umalis siya sa pagkakakandong sa akin at umupo na rin sa kama ko, yung pwestong tapat niya. Umupo rin ako sa kama, sa gitna nilang dalawa. Tahimik lang kaming kumain ng mga orange, tense na tense, pero siguro ako lang yun. Nagsisipaan kasi yung dalawa na para bang wala ako dun sa gitna nila. At promise, nakita kong nagthumbs up si Lucas kay Kelly.

“So… ok na to,” sabi ko, nung natapos kami at nagkanya kanya. Shower time na kasi at may pasok pa kami. Dinodouble check ko lahat kung panaginip lang ba tong nangyayari sa aming tatlo or totoo na. pwede rin naman akong umabsent ngayon kung kelangan ulit ng seryosohang barkada meeting.

“Oo naman,” nginitian ako ulit ni Kelly bago ako i-kiss sa pisngi, malapit sa mga labi ko. He’s the worst ever, tarantado siya, pero siya rin ang paborito kong tao.

“Lagi naman tayong ok di ba, Anton?” Dagdag ni Lucas, halik naman sa kabilang cheeks ko bago pumunta ng shower. Tinapik pa niya ng malakas yung pwet ni Kelly. Bangungot talaga tong barkadahan na to. Fuck. Kinagabihan, mag-isa na naman ako sa kwarto. Tinext ako ni Kel, takot na naman yata mag-isa kasi wala si Mike.

“Punta ka dito,” para bang ang lawak lawak ng hallway at hindi na lang pumunta sa akin para magsabi. Saka kakausap lang namin kanina mga isang oras lang.

“No,” nireply ko, tinatamad na ko eh at saka ang ayos na ng pagkakahiga ko sa kama at nasa kalagitnaan na ko ng panonood ng movie. Any moment pwede na ko makatulog ng mahimbing.

“Nandito si Lucas,” ang bilis ng reply niya. May dumating pa ulit na text bago pa ko makareply.

“Maghuhubad daw siya para sa atin kung gusto mo raw.”

Gusto ko sana pero antok na antok na talaga ako. Or umaarte. Ewan.

“Sry, tulog,” yung huling reply ko kasi feeling ko yung mga chances na gusto kong kunin eh puro bad idea lang or mapapasama lang ako kung puro libog lang ang papairalin ko.

“:(“ yung message sa phone ko kinaumagahan, galing kay Luc. Nung linggong din na yon, tinry ko lang na mag-aral araw-araw. Midterms na eh, nagpapatutor at nagpapasama ako nang madalas kay Mike. Hindi halata pero kahit classic jock siya, magaling siya magturo. Mas ok na rin na umiwas muna ako kina Kelly at Lucas para magconcentrate sa school work, kesa naman mafocus na naman yung isip ko sa mga walang kwentang bagay tulad ng mga feelings ko sa dalawang bestfriends ko. Umalis minsan si Mike para bumili ng lunch naming dalawa. Makaraan ng ilang saglit, may nagwawave na paper bag ng Subway sa mukha ko. Inagaw ko yun at tumingala mula sa pagkakasalampak ko sa sahig para magthank you kay Mike… pero si Kelly pala ang andun.

“Hindi ka naman si Mike,” ang bobo lang ng sentence ko, gutom na gutom siguro, plus ang pogi pa ni Kelly ngayon tignan. Tinitigan niya lang ako ng intense.

“Pinapractice mo naman ba yang powers mo na pagkakaroon ng mata, Ton-ton? Baka pag namaster mo yan, kunin ka na ng Xmen papalayo sa amin.”

“Tang ina ka,” sagot ko sa kanya. Promise sinusubukan ko na iminimize ang pagmumura sa everyday living. Sabay kami kumain ng Subway, tahimik lang. Kung makikita kami ng ibang tao, siguro normal behavior lang. Food before dudes.

“Nasan pala si Mike? Hindi niya pa ako tapos itutor eh,” tanong ko habang nilalamukos yung papel ng sandwich sabay bato sa basurahan.

“Pinahitman ko na siya para magkasama na tayo forever,” sagot ni Kelly sa akin, nagsasalita siya kahit na puno pa ng sandwich yung bibig niya. Hindi ako makapaniwala na eto na nga yung pinasok ko na sitwasyon. Eto na.

“Babagsak ako sa exam neto eh,” sabi ko, para maiwasan na lang kung ano mang awkwardness na namumuo sa utak ko.

“Wag kang mag alala, akong bahala sa yo bro,” reassurance ni Kel sa akin, nilinis na niya yung mga pinagkainan namin at sinimulan ako tutoran.

“Ang galing mo na mag compute ah,” remark sa akin ni Kelly matapos ng session namin. Nasabihan naman na niya ako ng ganun, pero iba kapag yung mga kamay niya eh nasa bulsa sa likod ng pantalon ko. Iba kapag tumingala lang ako ng kaunti eh maayos kaming makakapaghalikan ng torrid.

“Ikaw rin naman eh, magaling ka rin” sagot ko, hindi na ako maka-isip ng iba pang sentence na mas okay.

“Hindi tulad mo. Hindi mo kasi nakikita kung gano ka kagaling, at puta, ang annoying ng ganun.” Hindi ko alam kung anong ibig sabihin niya dun, pero nakalubog yung ilong niya sa collarbones ko nung sinasabi niya yan. Ewan. Kinilig ako dahil dun, gusto ko ganito na lang kami forever. Mula sa pagkakatayo, nagkandungan na naman kami sa sofa ng common area. Nakastraddle na naman siya papaharap sa akin. Hindi kami naghahalikan, more like na nakatitig lang siya sa mga mata ko.

“Dati pa naming pinag-aawayan ni Lucas to. Nagdedebate kami kung sino ang mas may gusto sa yo, sino mas makakapag-alaga sa yo, sino yung mas deserving para sa yo. Wala siguro kaming dalawa dun.” Ang emo ng sentence na yan, unti-unti niya ako ni-nose to nose, nakakaduling. Mejo napadiin yung mga daliri ko sa bewang niya. “Pero parehas ka naming gusto. Gusto mo rin naman kaming dalawa di ba? Okay lang din naman kung hindi.” Nun ko lang nakita na gaano hindi ka-sure si Kelly sa mga sinasabi niya sa akin. Ang intense ng mga chocolate niyang mga mata at makakapal na kilay. Hinimas himas ng hinlalaki niya yung cheek bone ko habang inaantay ang sagot ko. “Gusto mo di ba?”

Seryoso, pwede na kong mamatay right there and then. Hindi ko malaman kung ano gagawin ko. Hindi ko alam kung pano sasabihin na baka hindi nila magets na nag-uumapaw yung feelings ko sa kanilang dalawa, na aapaw yun sa lahat ng uri ng harang at bara. Puta sagad na sagad na.

“So… alam nyo parehas ang lahat?” yan lang ang nabuo kong sentence. Napangiti lang ako. Ngumiti lang din siya.

“Noshit. Gusto ko lang maka-sure ball, Ton-ton. Complicated ka kasi, ikaw yung pinaka-mysterious sa ating apat.”

“Ah ganun? Eh gano to ka-complicated?” Tinulak ko siya papahiga sa sofa, patihaya, at pumatong ako sa ibabaw niya, face to face.

“Ok lang naman masanay sa ganitong complicated,” Sagot niya sa akin sabay ng angat ng ulo para makapag halikan kami.

Dumaan pa ang ilang araw at linggo ng school work at org activities, kaya wala kaming naging oras para makapagharap harap at mapag usapan ang set up naming tatlo. Hindi ko alam kung matatawag ko na bang boyfriend itong mga kabarkada ko, pero fuck, bigla na lang kasi akong nahahatak sa mga sulok sulok, cubicle at mga kwarto either ni Lucas or ni Kelly or sabay silang dalawa. Naabutan ko na rin silang nagtotorrid isang gabi. Kung hindi lang may importante kaming lakad ni Lucas nun, inaya na nila ako sa kung anuman na naabutan ko sa kanila. Natutunan ko na rin na ang pinakamadaling pagpapatahimik kay Kelly eh sipsipin yung isang nipple niya, kakagatin kung mejo nakakainis yung ingay niya. Nasasanay na rin ako na magising sa mga bisig ni Lucas tuwing umaga, nakadiin sa singit ko yung tarugo niya. At higit sa lahat, ramdam ko yung need na dagdag na oras at opportunity na mahawakan lahat ng parte ng katawan nilang dalawa. Mas maraming oras at mas kaunting
damit pa in the future.

No comments:

Post a Comment