m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Wednesday, November 18, 2015

College Life Love Story (Part 2)

By: Babyboy

Nagising ako sa pagkakaidlip sa kama ni Yuan nang naramdaman kong tumalon sya sa akin at dinaganan ako. Bigla ko syang tinulak palayo para makaalis ako at makatayo na. Pero hindi ko kinaya. Napakalakas ni Yuan. Ang higpit ng yakap nya sa akin. Nag pupumiglas ako at pasigaw na sinabi;
Ako: "Sira ulo ka Yuan! Pakawalan mo na ako! Hindi ako makahinga!"
Parang walang narinig si Yuan. Mas hinigpitan pa nya ang pag yakap sa akin at naramdaman kong parang may tumitigas sa harap nya. Sinubukan kong magpumiglas pa pero hindi ko talaga kaya. Hanggang sa hinayaan ko nalang sya na nakayakap sa akin. Mayamaya pa ay may kakaiba akong naramdaman. Parang nalilibugan ako na ewan. Hindi ko ma explain. Amoy na amoy ko ang katawan ni Yuan dahil na nga sa naka topless lang sya at naka boxer. Pilit kong nilalabanan yung kakaibang nararamdaman ko dahil ayokong mahalata ni Yuan. Biglang nilapit ni Yuan yung mukha nya sa mukha ko. Tinitigan ako. Sa mata, ilong at pababa sa Lips.
Hindi ko naman alam ang gagawin ko dahil nahihiya ako kasi nga nakatitig sya sa mukha ko. Malapit na malapit. Amoy na amoy ko ang mabango nyang hininga na nakadagdag naman sa kakaiba kong nararamdaman nung panahong yun.
Inilapit pa ni Yuan ang mukha nya sa akin at mukhang gusto nya akong halikan. Kaya umiwas ako. Pero hinawakan nya ulit yung mukha ko para makaharap ulit ako sa kanya at hahalikan nya na ulit ako at sa pangalawang pagkakataon ay nakaiwas nanaman ako sa halik nya. Hinawakan na nya ang mukha ko gamit ang kanyang dalawang kamay upang hindi na talaga ako makaiwas sa gusto nyang gawin. At hindi na nga ako nakaiwas at hinayaan ko na nalang sya sa gusto nyang gawin. Sa isip ko; "bahala na. Andito na eh. Wala na akong ligtas. Tsaka, parang gusto ko rin nman eh. Ang gwapo kaya ng hahalik sa akin."
Pumikit nalang ako at naghintay sa maaring gawin sa akin ni Yuan at kung kanina ay ayaw kong gawin nya yun, eh ngayon ay napalitan na. Naeexcite na ako. Kaya habang naghihintay sa halik ni Yuan, itinaas ko na yung nguso ko para salubungin yung halik nya.
Pero nagtaka ako dahil parang wala namang balak si Yuan na halikan ako. Kaya bigla kong minulat ang aking mga mata. At doon ko nakita si Yuan na parang sasabog na ang mukha dahil sa kanyang pagpigil na tawa.
Wala palang balak ang loko na halikan ako. Para naman akong matutunaw sa sobrang kahihiyan na nararamdaman ko nang mga oras na yun. Sobrang nahiya ako sa ginawa ko at dahil doon, bigla kong tinulak si Yuan at nakawala naman ako sa kanya.
Tumawa na ng pagkalakas lakas si Yuan at biglang namula na yung mukha ko sa labis na kahihiyan. Pagkatapos nya tumawa ng tumawa, nagsalita na sya;
Yuan: "Ang cute cute mo talaga Babyboy! :""> " at pinisil nya nanaman yung mukha ko.
Nakayuko na ako ng mga panahong yun dahil nga sa sobrang hiyang hiya ako sa ginawa ko. Para bang sasabog na ako ano mang oras. Kaya tumayo na ako at aalis na sana para makauwi na pero hinila nya nanaman yung kamay ko at napaupo nanaman ako sa kama nya.
Ako: "Ano ba Yuan, uuwi na ako! Kung wala kang magawa sa buhay mo, wag ako ang pag tripan mo!"
Yuan: "Eto naman, ang High-blood! Porke hindi lang kita nahalikan, ang init na agad ng dugo mo sa akin. Sorry na Babyboy! " Sabay tawa ng malakas.
Pakiramdam ko mas lalong pumula yung mukha ko dahil sa sinabi ni Yuan.
Ako: "Tumigil ka nga! Hindi ka nakakatuwa! At tsaka wag mo nga akong matawag tawag na Babyboy! Nakakadiri ka!"
Yuan: "Talaga? Nandidiri ka? Eh kung halikan kaya kita dyan!?"
Ako: "Subukan mo at susuntukin ko yang mukha mo!"
Yuan: "Aba, ang tapang ng Babyboy ko! Yan ang gusto ko, palaban!"
Ako: "Babyboy mo mukha mo! Uuwi na ako!"
Yuan: "Mamaya na please? Samahan mo muna ako. Mag isa lang kasi ako dito. Wala man lang akong makausap." sabay pakawala nya ng nakakaawang mukha.
Ako: "Tigilan mo ako sa paawa awa mo at hindi ako nadadala! Uuwi na ako!"

At pagsabi ko nun eh tumayo na ako at lumabas na ng kwarto nya. Tinatawag ako ni Yuan pero hindi na ako nakinig pa sa mga sinabi nya. Bumaba na ako ng hagdan at lumabas ng bahay nila. Nasa gate na ako ng maisip ko kung paano ako makakauwi. Hindi ko nga pala alam kung ano yung sasakyan ko. Hindi ko alam yung daan pauwi sa amin. Dahil nga sa di naman ako laki sa Manila. Nag isip muna ako ng ilang minuto at naiinis na nasabi sa sarili; "Walang hiyang lalaki to. Kaya pala hindi na ako hinabol nung sinabi ko na uuwi na ako kasi alam nya na hindi ko alam kung saan ako sasakay pabalik sa bahay ko."
Kaya mabigat man sa loob ko, eh bumalik nalang ako sa loob ng bahay ni Yuan. Umakyat ng hagdan at pumasok sa kwarto nya.
Yuan: "Oh, sabi ko na nga ba hindi mo ako matitiis Babyboy eh!" sabay kindat.
Ako: "Kapal ng mukha mo! Bumalik ako kasi hindi ko alam kung paano ako makakauwi! Hindi ko alam kung ano ang sasakyan ko at kung saan ang sakayan!"
Yuan: "Sabi ko naman sayo eh. Samahan mo na muna ako dito. Please? Promise mamaya ihahatid kita sa inyo. James, please?" sabay paawa epek.
Hindi ko nanaman maintindihan yung nararamdaman ko. Ang gwapo gwapo ni Yuan nung nagmamakaawa sya sa akin. Para namang may nagtatakbuhan sa loob ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan. Kinakabahan ako na parang kinikilig? Hindi, mali. Lalaki ako. Hindi dapat ako makaramdam ng ganun. At ang tanging naisagot ko nalang ay;
Ako: "No choice naman eh, bahala ka na nga."
Yuan: "Yehey! Salamat babyboy!" at niyakap nya ako.

Iba nanaman ang naramdaman ko sa yakap nyang yun. Parang bigla nabuhay yung alaga ko dahil sa yakap nya. Kaya tinakpan ko ng kamay ko para hindi nya mapansin na bigla akong tinigasan.
Yuan: "Anong gusto mong gawin James?"
Ako: "Aba malay ko. Ikaw tong nagpapunta sa akin dito eh. Hindi ko alam kung ano ang gagawin natin!"
Yuan: "Ang suplado naman nito. Manuod na nga lang tayo ng movie, gusto mo?"
Ako: "Ikaw ang bahala."
Tumayo na si Yuan sa pagkakahiga at pumunta sa may aparador nya at kumuha ng sando at kanyang isinuot.

Yuan: "Dyan ka lang muna Babyboy ha? Sabihan ko muna si Manang na maghanda ng meryenda natin para may makain tayo habang nanonood tayo ng movie. At magpapahanda na rin ako ng Dinner. Dito ka na kumain ha?"
Ako: "Oo na. Sige."

Lumabas na si Yuan.
Naiwan akong mag isa sa kwarto nya. Inisip yung mga nagyari kanina. Mabuti naman at mukhang nakalimutan na nya yung kahihiyang ginawa ko kanina nung akala ko ay hahalikan nya ako. Bigla kong naalala yung sinabi nya na mag isa lang sya dito sa bahay nila at walang makausap. Napaisip ako; "Mag isa? Asan naman kaya mga magulang nya? Ang laki laki ng bahay nila tapos mag isa lang sya? Ah baka gumagawa lang ng dahilan yun para di ako umalis."
Biglang bumukas ang pinto. Bumalik na si Yuan. Parang model ang katawan. Pang artista yung looks. Ang taba ng hinaharap. Ah, mukhang nasa sa kanya na ang lahat.
Yuan: "Oh, anong tinitingin tingin mo dito sa alaga ko? Ikaw ha, ang lagkit ng tingin mo." sabay takip nya ng kamay sa kanyang harap.
Ako: "In your dreams! Nakakasuka ka!" pero deep inside, tama yung sinabi nya.
Yuan: "If I know, gusto mo akong matikman no? Sabihin mo na Babyboy. Hindi naman ako magagalit. Malay mo, pagbigyan pa kita." sabay ngisi.
Ako: "Ang kapal ng mukha mo! Anong akala mo sa akin, bakla?"
Yuan: "Bakit, sinabi ko ba? Sige nga kung di ka bakla hawakan mo nga ito."

Hinila nya yung kamay ko at tinapat nya sa alaga nya. Nagulat ako at bigla kong hinila yung kamay ko. Ang laki ng alaga nya. Kahit di pa ganun katigas eh malaki talaga. Parang nakuryente yung kamay ko sa pag dampi nito sa harap nya.

Ako: "Aba, tarantado ka talaga no? Ano bang trip mo sa buhay? Adik ka ba!?"
Yuan: "Ikaw ang trip ko. At for your information, hindi ako adik! Adik sayo, pwede pa!" sabay kindat ;)

Magsasalita na sana ako ng biglang may kumatok sa pinto at bumukas ito. Kasambahay nila. Dala dala yung pagkain namin at Juice.
Yuan: "Salamat po manang. Yung dinner po ha? Pakitawag nalang po kami kapag okay na. Salamat po ulit."
Manang: "Sige sir."

Sa isip ko, mabait at magalang naman pala ang lokong to pero bakit kapag sa akin eh parang walang modo kung umasta?
Umalis na s manang at kinuha na ni yuan yung mga pagkain at binigyan ako ng isang basong Juice.
Yuan: "Inum ka muna. Para malamigan ka. Kanina pa mainit ulo mo eh."
Ako: "Salamat!" di ko na pinansin yung sinabi nya.

Uminum din si Yuan tapos binuksan nya nya yung TV at kinuha yung mga DVD nya sa may lamesa malapit sa TV.
Yuan: "Ano gusto mong panuorin?"
Ako: "Kahit ano. Ikaw na bahala."
Yuan: "Kung ganun eh gusto ko manuod ng porn. So, gusto mo rin!?"
Ako: "Loko loko! Ako na nga lang ang pipili ng papanuorin natin!"

At naghalungkat na ang sa mga DVD na nakalapag sa mesa. Horror ang pinili ko kasi hilig ko talaga ng horror. Pagkatapos ko pumili, binigay ko na kay Yuan at sinabi ko;
Ako: "Eto nalang panoorin natin. Mukhang maganda."
Yuan: "Sabi mo eh. Sige relax ka na dyan. Mahiga ka kung gusto mo. Play ko na para makapag simula na tayo."
Ako: "Sige."

At nahiga nga ako sa kama nya. Pagkatapos nya ma play yung papanoorin namin, tumabi na rin sya sa akin. Humiga na rin sya sa akin. Nagkadikit yung mga siko namin pero umusog ako para di kami magkalapit.
Nagsisimula na ang movie at habang nanonood, bigla akong nakaramdam ng lamig. Naka aircon kasi yung kwarto ni Yuan. Napansin nya na nilalamig ako kaya inabot nya sa aking yung kumot. Tiningnan ko sya, hindi man lang nakaramdam ng lamig. Samantalang naka boxer at sando lang. Sa isip ko. "Sa bagay, sanay na siguro sya."
Naeenjoy ko ang movie na pipanood namin dahil na rin sa ganda ng storya. Palibhasa Thai horror movie ang pinapanood namin. Alam nyo naman kapag Thai Horror Movies, siguradong maganda yun.
Habang nasa kalagitnaan na kami ng movie ay nakaramdam ulit ako ng lamig kahit na naka kumot na ako. Sobrang lamig. Tapos tumingin ulit ako kay Yuan. Langya, wala atang pakiramdam ang taong to. Di ata tinatablan ng lamig!
Napansin ulit ni Yuan na nilalamig ako kaya nagsalita sya.
Yuan: "Nilalamig ka nanaman? May kumot ka na't lahat eh!"
Ako: "Oo kaya. Pakihinaan naman yung Aircon mo. Please?"
Yuan: "Nakakatamad tumayo eh. Hug nalang kita."

Dumikit sya sa akin at bigla akong niyakap. Nakadapa ako sa kama tapos niyakap nya ako ng nakatalikod. Nagulat ako. Pinapaalis ko sya kasi di ako comfortable.
Yuan:"Ang arte mo. Bahala ka, manigas ka dyan hanggang mamaya." lumayo sya sa akin ng bahagya
Hindi na ako sumagot pa. Maya maya, ganun na nga ang nangyari. Sobrang nilalamig na talaga ako. At napansin nanaman ni Yuan yun.
Lumapit na ulit sya sa akin at niyakap ako patalikod. Nagsalita sya;
Yuan: "Wag ka nang tumanggi. Para di kana ginawin."
Ganun na nga ang nangyari. Niyakap nya ako at mayamaya ay hindi ko na naramdaman yung lamig. Effective talaga ang Human Blanket sabi ko sa isip ko. Salamat kay Yuan :D
Habang nakayakap si Yuan sa akin, hindi ako makaconcentrate sa pinapanood namin. Nakaramdam nanaman ako ng kakaiba. Nabubuhay yung alaga ko dahilan upang kelangan kong kumilos para ayusin sya sa loob ng brief ko dahil naiipit sya kasi nga nakahiga ako.
Napansin ni Yuan na hinawi ko yung alaga ko. Kaya ngumiti sya ng makahulugan. Di ko nalang pinansin at nagpatuloy na ako sa panonood. Nakayakap parin si Yuan sa akin kahit pa hindi na ako giniginaw.
Hinayaan ko nalang kasi parang nagugustuhan ko naman na nakayakap sya sa akin.
Mayamaya gumalaw si Yuan. Humawak sya sa braso ko. Hinihimas nya ng pataas baba yung kamay nya sa braso ko. Yun bang sweet ang dating. Parang may gustong sabihin yung mga himas nya sa akin. Tapos minsan pinipisil nya yung braso ko. Hindi ko nalang pinapansin yung ginagawa nya kasi gusto ko rin naman. Ewan. Bakit parang nag iiba na yung ihip ng hangin. Kanina lang puro tanggi ako. Tapos ngayon, wala na.

Sa tuwing may nakakagulat na eksena eh napapayakap ako kay Yuan at ganun din sya sa akin. Kung titingnan mo, para kaming mag syota sa ginagawa namin pero hindi. Syempre pareho kaming lalaki.

Itutuloy.....

No comments:

Post a Comment