m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, November 29, 2015

Here and Now (Part 46)

By: Chaster Rassel 

Chapter 46: Suspicions...Suspicions Everywhere

SI HUNSEL.........

We went through the fire exit. Paglabas namin ng building, we caught Primo grasping my brother. With that, hindi na ko naghesitate na sumugod para tulungan siya.........

    “LET GO OF MY BROTHER!”

I pull Hyro away from him, then agad ko siyang sinunggaban ng isang malakas na suntok sa pagmumukha! Dumugo ang nguso niya at bumagsak siya. Pero gigil na gigil ko siyang hinila ulit pataas sa damit niya........

    “At last! Nagkaharap din ulit tayo! Ang tagal ko ring hinintay ang pagkakataon na  toh!”
    “HMPH!”

Five years, I’ve waited five years for this chance na maconfront ang taong toh, na siyang dahilan kaya nawalan ako ng tatay. And then ganito lang ang magiging reaksyon niya?! He will just grin at me, as if parang wala lang sa kanya ang lahat?! NO! Hindi ako papayag na ganito na lang ang mangyayari!..........

    “Wala akong nagawa nun dahil bata pa ko....But now, I will make sure....NA MAGBABAYAD KA SA PAGKAMATAY NG DADDY KO!”

Mas lalo ko pa siyang pinanggigilan. Pinagsusuntok ko siya! But this time, hindi lang sa mukha, pinatamaan ko din siya sa sikmura. I’m about to give him another hit, pero bigla akong hinawakan at inawat nina Oryo at Hyro........

    “Kuya tama na!...Baka mapahamak ka lang sa ginagawa mo!”mangiyak-ngiyak na pag-awat ng brother ko......
    “Tama si Hyro! Hunsel hindi mo alam kung anong klaseng tao iyang kinakanti mo!”

At that point, nakabangon at nakatayo na nang maayos si Primo. And despite of what they said, nagpumiglas pa rin ako sa pagkakahawak nila. I’m about to hit him again, pero bigla siyang humugot ng baril at itinutok ito sa akin!..........
   
    “ANO?!...Sige ituloy mo! Hmph!....Bilib din naman ako sa tapang mo ah...Kaya lang....Haha! TATANGA-TANGA KA NAMAN!”bulalas niya sabay dura at pahid ng dugo sa nguso niya.........
   
Ibinaba ko ang kamay ko, then we all stand back.............

    “Tsaka...Bakit ba ako ang sinisisi mo sa pagkamatay ng tatay mo?”    “Because IT’S YOUR DAMN FAULT! Kung hindi ka nagpumilit na kunin sa amin ang kapatid ko, hindi aatakihin si Dad!”
    “HMPH! Eh malay ko ba na may sakit pala siya sa puso...At isa pa, wala kang karapatang husgahan ako, dahil hindi mo alam kung anong nangyari nun!.....Pero sa bagay, hanggang ngayon naman eh wala ka pa ring alam sa mga nangyayari sa paligid mo...Ni hindi mo nga alam na pinagmumukha ka nang tanga! HAHA!”
    “What is that suppose to mean?!”

Instead of answering me straight, he just grin at me again. Tapos tumingin siya sa likuran ko. Napalingon ako, that’s when I realized na nakatingin siya kay Oryo! Umiwas naman si Oryo, then nagkatinginan silang dalawa ng brother ko. What is this? It feels like, there’s something going on na ako lang ang hindi nakakaalam........

    “IBABA MO IYANG BARIL MO PRIMO!”

And suddenly, this guy appeared right behind him. He’s wearing a black polo shirt and a blue jeans. May baril din siya, na ngayon ay nakatutok at nakadikit sa ulo ni Primo...........

    “INSPECTOR!”bulalas ni Hyro........

Napatingin ako sa brother ko and then.........

    “You know him?!”
    “Yes kuya! He’s with the police...”
    “You’re coordinating with the police nang hindi ipinaalam sa amin ni Mommy?!”inis kong usisa......
    “Ahmmm....”iyon lang naisagot niya.....
    “Hunsel, ano ka ba naman! Hindi mo ba nakikita iyong sitwasyon natin?!”sagot naman ng magaling kong boyfriend.....
    “Alam mo din ang tungkol dito?!”
    “O...OO!...Pero hindi ito ang tamang oras para mag-usisa at makipagtalo tayo sa isa’t isa!”
    “FINE! But you too got some explaining to do later!”sagot ko with matching pagduro pa sa kanilang dalawa, nang dahil sa inis ko.......

Balik ang attention namin kay Primo at dun sa guy na tinatawag ng brother ko na “Inspector”. Nadikit at nakatutok pa rin iyong baril niya sa ulo ni Primo. Tapos si Primo, hindi pa rin ibinaba iyong sa kanya at nakatutok pa rin sa amin........

    “Ibababa mo ba iyang baril mo o gusto mong kumalat ang utak mo dito?!”
    “Hmph! Relax ka lang Macaraig...Masunurin naman ako eh”

Dahan-dahan nga ay nagbaba ng baril si Primo. Meanwhile, bigla na lamang pumuwesto si Oryo sa harapan at iniharang ang sarili niya sa amin ng brother ko.........

    “Oryo what are you doing?!”
    “Huwag ka nang magtanong...Basta diyan lang kayo dalawa sa likuran ko!”sagot niya......

I notice na nakaclose fist siya.......

    “What is he planning to do?”bulong sa sarili ko......

Back to the two guys......   

    “Sipain mo iyong baril mo at yumukyok ka!”utos ni Inspector......

Primo did what he asked. Pero pagcrouch nito, bigla itong bumwelta sa kanya! Papatirin sana siya nito, pero nakaatras at ilag siya. Next, sinubukan naman siyang suntukin. Pero nagawa din niyang saluhin ang kamay nito.........

    “HMPH! Ano akala mo sa akin Primo, tanga?....Alam mo brad, huwag ka nang mag-aksaya ng pagod na magmatigas...Nakapalibot na ang mga tao ko dito...Kaya hindi ka na makakaalis sa lugar na toh!”

After he said that, biglang nagsilabasan ang mga kasamahan niyang pulis. From his back and from ours. Napatingin sa paligid si Primo.........

    “Wala ka nang takas ngayon! KAYA SUMUKO KA NA!”bulalas ni Oryo......
   
Naglabas na siya ng posas. But even before he was able to put it on Primo, the guy did something unexpected. May itinatago pala itong patalim! At bigla siyang sinaksak nito sa right thigh. Because of that, napabitaw siya mula sa kanya.

As soon as he was freed, hinugot ni Primo iyong patalim at kami ang sinugod niya! Oryo tried to stop him, pero tinamaan din siya nito ng patalim sa tagiliran. He even tried to hit me too, but I was able to dodge him.

Everything happened so freaking fast! The next thing I knew, hawak na niya iyong brother ko at ginamit niya siya as a hostage! Yeah! Sarili niyang anak, ginamit niya at tinutukan niya ng patalim sa leeg! And because of that, hindi nagawang makalapit sa kanya ng mga pulis!...........
   
    “TOL!”bulalas ni Oryo.......
    “SIGE! Subukan niyo lang lumapit! Tignan lang natin ang galing niyo, KAPAG MAY NANGYARI SA BATANG TOH!”bulalas ni Primo
    “DON’T YOU DARE hurt my brother Primo!”bulalas ko......
    “WALANG HIYA KA TALAGA PRIMO! Pati buhay ng sarili mong anak, IKINAKASANGKAPAN MO!”bulalas naman ni Inspector......
    “TAMA NA!...Hayaan niyo na lang kami!”

Nabigla at natigilan kami, because of what Hyro just said........

    “Hyro....Ano ba iyang sinasabi mo?!”usisa ni Inspector.......
    “Inspector...I know what I’m doing....Kaya please po...Utusan niyo ang mga kasamahan niyo na mag-give way...Just let us get out of here!”
    “Bro....”

With that, inutusan nga ni Inspector ang     mga kasamahan niya. Then iyon na nga, pinadaan sila........

    “Huwag kayong magkakamaling sumunod!”bulalas ni Primo.....

Tuluyan na silang nakaalis. After that, bigla na lang napacrouch at napaghawak sa kanyang tagiliran ang boyfriend ko.......

    “Ahhh...”daing niya.......

Tinulungan at inalalayan ko naman siya right away.........

    “Oryo, kailangang macheck-up iyang sugat mo...May clinic sa loob...I’m taking you there!”sambit ko......
    “Ikaw nang bahala sa kanya...Susundan namin sila....”sambit ni Inspector......

Even though sugatan din siya at di makalakad nang maayos, sumama pa rin si Inspector sa mga kasamahan niya sa pagsunod dun sa dalawa. After they were gone.........

    “Hunsel....Ka....Kaya ko pa....Sumunod din tayo sa kanila....Kailangan nating iligtas iyong utol mo....”

The heck?! Ganito na nga iyong kalagayan niya, pero gusto pa rin niyang sumunod sa kanila!.........   
   
    “ORYO NO! I’m taking you to the clinic!”pagpipigil ko sa kanya.....
    “Pero Hunsel!”
    “Listen to me!...I am worried as much as you do Oryo...Kapatid ko iyong nandun eh!...BUT LOOK AT YOURSELF! Ni hindi ka makatayo nang matino!”
    “Hindi mo kasi naiintindihan Hunsel! HINDI PWEDENG MAKATAKAS NA NAMAN ANG PRIMO NA IYON!”

Natigilan kaming pareho sa sinabi niya. He just said “na naman” , does it mean na something happened before nang hindi ko nalalaman?!

Regardless of that question on my mind, hindi pa rin ako pumayag na sumunod kami sa kanila. Instead, dinala ko na siya sa clinic.

SI HYROMIN.........

Nalakayo na kami from them, but he is still dragging me. Nasasaktan na rin ako sa ginagawa niya. And so........   

    “We are now far away from them...Baka naman pwede mo na kong bitawan?!”inis kong usisa.........

I know that what I did was crazy. But I had to, para hindi na siya makapanakit pa ng iba pang tao.........

    “Hindi mo naman siguro gustong lumabas sa highway, nang ganito ang itsura natin di ba?”pagpapatuloy ko........

After I said that, inalis na niya iyong braso niya sa leeg ko at binitawan na ko........

    “Ano toh? Bakit mo tinulungang makatakas?!”
    “Don’t be stupid...Hindi ko toh ginawa para tulungan ka...Ginawa ko toh, para mailayo ka sa kanila! Para di mo na masaktan pa ang mga kuya ko!”
    “Hmph! Akala ko ba matalino ka? Eh alam mo naman na kahit anong gawin mo, hindi ako titigil!”
    “Oo nga...And after what you did to me today, I realized na wala talagang makakapigil ka sa iyo...Kahit siguro bakal na rehas pa!...Gagawa at gagawa ka lang din naman ng way para tumakas, kapag ipinakulong ka namin...Am I right?...So ito, pinadali ko na lang ang lahat”

Napailing-iling siya, then nginisihan niya ko in a very mocking way.........
   
    “If I were you, imbis na ngumingisi-ngisi pa ko nang ganyan dito...Aalis na ko...Ikaw rin, baka maabutan ka pa nila”

Ngingisi-ngisi pa rin siya. But this time, tumalikod na rin siya at lumakad. At bago siya tuluyang makaalis.......

    “Primo...” 

Napahinto siya sa pagtawag ko, pero hindi siya lumingon.........

    “Kung wala man sa amin ang makapigil sa mga balak mo...I swear, I’m gonna make sure na pagsisisihan mo ang mga ginagawa mo at gagawin mo!...TANDAAN MO IYAN!”

Lumakad na siya ulit, sinundan ko siya ng titig until tuluyan na siyang nakaalis. My tears start falling again, pero agad ko itong pinahiran ng mga kamay ko. After a minute or two, natanaw ko na ang pagdating ni Inspector at ng mga kasama niyang pulis.

SI REVY.........

Hindi na ko mapakali sa kinauupuan ko. Kinakabahan na kasi ko para kay Hyro at sa mga kuya namin. Panay din ang tingin ko sa cellphone ko, hanggang sa bigla itong tumunog. Si My labs tumatawag! Agad ko itong sinagot.........

    “Oh Hyro ano nang nangyari?!”

Napatayo si Mama sa kinauupuan niya, si Madam Marie naman ay lumapit sa akin........

    “Nandinto kami ngayon sa may clinic sa ground floor”
    “CLINIC?! Teka, bakit kayo nandiyan?!”
    “Dito na namin ipapaliwanag ang lahat, basta pumunta na lang kayo dito nina Mommy”

Binaba na niya agad iyong cellphone.........

    “Did I just hear clinic?! Anong nangyari sa kanila?”
    “Ang sabi po niya pumunta na lang daw muna po tayo dun...At dun na lang nila ipapaliwanag ang lahat”
    “Okay let’s go”sagot niya.......
    “I’m worried about them too, kaya sasama na rin ako sa inyo”dagdag ni Mama.....

Lumakad na nga kami at sumakay ng elevator pababa sa ground floor. Pagdating namin, nakatayo sina kuya Hunsel at Hyro sa tapat ng clinic. Si Madam, agad na lumapit kay Hyro at.........

    “Hyro! Thank god you’re okay!”bulalas ni Madam sabay akap sa kanya.......

Hindi siya umimik, ni hindi siya makatingin sa mommy niya na kanina pa alalang-alala sa kanya. Tapos napansin ko na namumugto ang mga mata niya. Umiyak ba siya? Ano bang nangyari sa muling paghaharap nila ng tatay niya?

Samantala, may isa pa kong napansin. Bakit wala ang kuya ko?........

    “Teka...Nasaan si kuya Oryo?”usisa ko......
    “He’s inside, pinapagamot iyong sugat niya”sagot ni kuya Hunsel......
    “HA?!”

Nang marinig ko iyon, agad akong napatakbo papasok sa loob ng clinic. Syempre, kuya ko iyon kaya mag-aalala ko. Pagpasok ko, nakahinga ko nang maluwag dahil okay naman pala siya. Tapos na siyang gamutin at naabutan ko siya na nagsusuot na ng damit. Nagkaroon lang pala siya ng maliit na sugat sa tagiliran.

Pero nabigla naman ako, dahil nandito rin pala si Inspektor! At mukhang nagpambuno na naman sila ni nong Primo. May sugat kasi siya sa hita at ginagamot siya ng isang nurse habang nakaupo sa kama.........

    “Kuya anong nangyari?!”
    “Ano pa nga ba? Eh di natakasan na naman tayo ng....”

Huminto si kuya, tapos inilapit niya ang bibig niya sa isa kong tenga at.........

    “....ng demonyo nating ninong!”bulong niya........
    “Eh kuya, paano na toh? Nakita na ni kuya Hunsel si Inspektor...At kapag lumabas tayo dito...Kakailanganin natin paliwanag di lang para sa kanya, pati na rin kay Madam”
    “Tol...Sa palagay ko...Ito na ang panahon para...”
    “HINDI!...Hindi pa ito ang tamang oras, para gawin iyang iniisip mo Oryo”biglang pagsingit ni Inspektor......
    “Pero Inspektor, anong sasabihin natin sa kanila?”usisa ni kuya.......
    “Ano pa, eh di iyong nangyari dati...Iyong tungkol dun sa nangyaring pagliligtas natin dito kay Revy...At pagharap ni Hyro sa ama niya”
    “Ha?! Inspektor paano po kapag nagtanong sila, kung bakit ako dinukot ni nong Primo?”usisa ko.....
    “Huwag na kayong mag-aalala...Nang tinawagan ako ni Hyro kanina at sinabi niya sa akin na nandito si Primo...Inasahan ko na na may mangyayaring ganito...Kaya naghanda kami...Alam na rin niya kung anong sasabihin niya...Sumakay na lang kayo”

Ganun naman pala, may plano na sila. At sa pagkakakilala ko sa boyfriend ko, wala na kaming dapat ipag-alala pa. Dahil dun, sumang-ayon na lang kami ni kuya sa mga sinabi ni Inspektor.

Matapos naming makapag-usap, pinauna na nila kong lumabas. Para daw hindi ako magmukhang kahina-hinala kina Madam at kuya Hunsel. Pagkalabas ko............

    “Revy how’s Oryo?”usisa ni Madam.......
    “Ayos na po siya Madam...Maliit na sugat lang naman pala...Susunod na din po sila dito”
    “Sila?”pagtataka ni Madam.....
    “Yes Ma! Sila!...As in sila nung police inspector na hiningian nila ng magaling mong bunsong anak ng tulong...Without letting us know”sambit ni kuya Hunsel........
    “What?!”

Tumango lang si kuya Hunsel. Napatingin naman si Madam kay Hyro na hindi na naman umimik at umiwas lang ulit ng tingin mula sa kanya.  Matapos iyon ay tumingin naman sa akin si kuya Hunsel. Hindi ako umiwas sa kanya, pero napakamot ako ng ulo........

    “Oh, bakit ganyan ang reaction mo? Don’t tell us na pati ikaw may alam din dito?!”usisa niya.....

Hindi ako nakasagot. Ang bagsik naman kasi nitong kuya ng boyfriend ko. Nakakatakot!........

    “Don’t just look at me, SAGUTIN MO ANG TANONG KO!”
    “Hey!”biglang singit ni Mama.....

Lumapit siya sa akin at inakbayan ako.........

    “Stop interrogating my son like he is some kind of a criminal!...Kung may nagawa man siya na sa tingin mo ay mali...Let him explain first, better yet, wait for that police inspector to come out...Then let him do the explaining”

Matapos kong marinig ang pagtatanggol sa akin ni Mama, dun ko lamang naisip na wala nga pala siyang alam sa lahat! Hindi pa kasi namin siya nakikilala nun. Anak ng! Lagot na! Ang alam nila siya ang nanay ko, kaya di malayo na tanungin din nila siya. At ang malalala nito, hindi rin alam ni Inspektor ang tungkol sa kanya! Paano na toh?!

Ilang sandali pa, lumabas na si kuya Oryo at si Inspektor na iika-ika maglakad, mula sa loob ng clinic.........

    “Well it’s about damn time!...Siguro naman, pwede na kayong mag-explain ngayon?!”aburidong sambit ni kuya Hunsel......

Imbis na sumagot agad, napatingin si Inspektor kay Mama. Di ko maintindihan kung bakit, pero tila nabigla siya. At nang tumingin ako kay Mama, bakas din ang pagkabigla sa mukha niya.........

    “Ano toh? Magkakilala ba sila?”bulong sa aking sarili......

Agad din namang lumingon ulit si Inspektor kina kuya Hunsel at Madam.........

    “Ah... Mrs. Amethelli...Hunsel...Bago ang lahat, hayaan niyo muna kong makapagpakilala....”

Inilabas niya ang tsapa niya, kasama na rin iyong ID niya para ipakita sa kanila.........

    “Inspector Preston Macaraig...”

Itinago na niya ulit iyong tsapa at ID niya. Samantala, napansin ko na tila natigilan si Madam.......

    “Inilapit sa akin si Hyro ng pamangkin ko nun, tungkol kay Primo Amadeo...”
    “Wait!...Pamangkin?”usisa ni kuya Hunsel......
    “Ah...Hunsel...Di pala namin nasabi iyo kanina...Uncle nga rin pala siya ni...ni Skylar”napapakamot sa ulong pagsagot ni kuya Oryo......
    “Oh...Skylar’s uncle....Hmph! Why am I not surprised with this anymore?!”

Tila mas lalong nabwiset at nairita si kuya Hunsel sa nalaman niya.........
    “Pumayag akong tulungan siya, dahil hindi na lingid sa akin ang pagkatao ni Primo...At nataon din naman na tinutugis ulit namin siya sa panibago na namang kaso...”pagpapatuloy ni Inspektor.......
    “Well, the question still remains...Bakit hindi niyo toh ipinaalam sa amin ni Mommy?! While Oryo and Revy, seems to know about this all along...”
    “Alam nila toh, dahil kasama sila ni Hyro nung lumapit siya sa akin...At nung mga panahong iyon...Hangga’t maaari, ayaw naming makatunog si Primo na may ginagawa kami laban sa kanya...At na may alam na ang anak niya, tungkol sa kanya...Kaya minabuti naming itago ang lahat...”

Sa puntong iyon, tila natauhan na si Madam at.........   

    “Ahmmm...Inspector...I already got what you just said...Pero sana kahit man lang sa akin, ipinaalam niyo ang tungkol dito...For crying out loud, I am his mother!...I deserve to know kung anong nangyayari sa anak ko!”
    “Mrs. Amethelli...Pagpasensyaha niyo na...Pero kinailangan lang naming maging maingat....Alam niyo naman siguro na hindi birong kalaban si Primo di ba?”
    “Alright then, kung matagal naman na palang aware ang kapulisan about Primo...Then what happened? Bakit hanggang ngayon malaya pa rin siyang nakakapanggulo sa amin?!”
    “Maganda naman ho ang naging simula ng pakikipagtulungan ng anak niyo sa amin...Dumating sa punto na muntikan na naming mahuli si Primo, pero naisahan niya kami”
    “What do you mean na naisahan kayo?”usisa ni kuya Hunsel........

Hindi sumagot si Inspektor, sa halip ay tumingin siya kay Hyro. Tinanguan lang siya nito. Matapos iyon ay sa akin naman siya tumingin. Mukhang heto na, sasabihin na nga niya sa kanila. Huwag lang sana nilang tatanungin si Mama.........

    “Dinukot niya si Revy”sambit ni Inspektor
    “ANO?!”sabay na bulalas nina Mama at Madam......
    “Alam niyang malapit si Hyro sa kanya...At ginamit niya ang katotohanang iyon, para mapilitan ang anak niya na harapin siya”pagpapatuloy niya........
    “Anak, WHAT IS THE MEANING OF THIS?! Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol dito?!”pagalit na usisa Mama.....

Nabigla ako at napalingon sa ginawa na iyon ni Mama. Paglingon ko, nanlalaki ang mga mata niya at parang sumesenyas ang mga toh sa akin. Mukhang nauunawaan pala niya ang ginagawa namin nina Inspektor. At sinasakyan niya toh.........

    “Ah...So...Sorry po Mama...Ayaw kong mag...mag-alala kayo kaya wala akong sinabi sa inyo....Tsaka.....”
    “Tsaka gaya ng mga sinabi ni Inspector Preston...It would be better if kami-kami na lang ang may alam sa mga nangyayari”

Napalingon ako sa ginawang pagtuloy ni Hyro sa sasabihin ko. Maging sila ay napatingin din sa kanya. Sa wakas! Kumibo na rin ang taong kanina pa tahimik at tila wala sa sarili.......

    “Ako na ang magpapaliwanag ng lahat Revy...Para di na humaba pa ang usapan na toh”sambit niya......

Gaya ng gusto niya, hinayaan ko na lamang na siya ang magtuloy ng lahat.......

    “First of all, gusto ko munang magsorry sa inyo Kuya Hunsel, Mommy...Pati na rin po sa inyo tita Divine...Dahil nadamay pa pati ang anak niyo sa gulo namin...AND YES, hinarap ko nga nun si Primo for the first time, para mailigtas si Revy...That was actually the night na umalis ako ng mansion and I told you na sinamahan ko siya sa hospital...Which was actually true dahil nagtamo naman talaga siya ng sugat during the rescue”
    “Was this the same night na sinabi mo sa akin na matutulog ka kina Hyro? Then nung makita ko iyong sugat mo the next day, sinabi mo na sa basketball mo nakuha? Ha? Anak?”usisa ni Mama.....
    “Ah...Opo Mama”iyon na lang ang sinagot ko....
    “And that same night, sinubukan din ni Inspector Preston na masukol si Primo...But obviously, nakatakas siya! Kaya heto siya ngayon, nagbabalik para manggulo na naman...And then once again, nadamay na naman kayo...This is actually the reason kung bakit ginusto ko rin na itago sa inyo ang lahat eh...Dahil ako ayaw ko na nadadamay pa kayo...Ako lang naman iyong habol ni Primo...So dapat ako lang din iyong mamrublema di ba?!...It’s as simple as that! Period!”

Mangiyak-ngiyak  si Hyro habang sinasabi ang lahat ng iyon. Matapos iyon, hindi na siya kinuwestiyon pa nina Madam at kuya Hunsel. Sa madaling salita, nakumbinsi na niya sila at nakalusot na naman kami. Pero kung tutuusin, halos totoo naman talaga ang kabuuan ng mga sinabi niya sa kanila. Lalo na iyong tungkol sa nararamdaman niya sa mga nangyayari.

MAKALIPAS ANG KALAHATING ORAS, SI HYROMIN.........

Nagdecide si Mommy na ipostpone na muna ang photoshoot namin, because of what happened. Irereschedule na lang daw sa ibang araw iyong mga shots na kailangan pang kunan. Well, mas okay na rin iyon. And I don’t think anyone of us can focus anyway, especially me.

Si Revy, nauna nang natapos na magpalit ulit sa regular clothes niya. And right now, nasa kabilang dressing room siya at nagpapaalam kay kuya Oryo. Mauuna na kasi silang umalis ni Tita Divine.

Meanwhile, I just finished changing my clothes, nang dumating si Mommy. After ng mga nangyari kanina, I don’t feel like talking to anyone. I just want to be alone. Kaya hindi ako umimik, hinayaan ko na lang siya na lumapit sa akin.......
       
    “Anak, may aasikuhan lang kami sandali ng kuya Hunsel mo...And then uuwi na rin tayo...Okay?”
    “Sige po...Dun na lang po ko sa may lobby maghihintay sa inyo”malamya kong sagot.....

I grab my things already. Then nauna na ko sa kanyang lumabas ng dressing room. Sumakay ako ng elevator. Pagkapindot ko sa ground floor button, napalingon na lang ako sa kaliwa ko. Then, napayuko ako at napadantay sa wall.

I don’t know what am I gonna do right now. I don’t even know kung paano pa ko haharap ulit ngayon kay kuya Oryo, lalong lalo na kay Revy! After ng lahat ng mga nalaman ko. Gustong-gusto kong sabihin sa kanila ang katotohanan, because they deserve to know who they really are.

But if I do that, sarili ko namang pamilya ang malalagay sa alanganin. Pero, kailangan ding managot ng mga magulang ko sa ginawa nila sa mga De Chavez! Dahil iyon ang tama!.........

    “ARRRGH!”

At that point, out of confusion, I burst into tears at napasuntok na lang ako. Until narinig ko nang tumunog iyong pinto ng elevator at bumukas na toh.

Lumabas ako nang nakayuko. Habang naglalakad, pilit kong pinatahan ang sarili ko. Until nakarating na ko ng lobby......

    “Wala na tayo ngayon sa harap ni Mariana...Kaya kung pwede lang Inspector Macaraig, tigilan niyo na iyang pag-arte!...Tell me, what was that drama all about?!”

Napahinto ako at napaangat ng ulo because of what I heard. Sina Tita Divine at Inspector Preston! Nag-uusap sa may tabi ng pinto! Well, hindi na ko nagtataka na magkakilala sila.........

    “Mrs. Goodman...Hindi ba’t ako dapat ang siyang nagtatanong sa inyo...Anong ginagawa niyo dito at bakit kayo nagpapanggap na ina ni Revy Pagala?!”

I quickly stand back, then pumuwesto ko sa lugar na hindi nila ko mapapansin, while listening to them.......
 
    “Kinailangan nung bata ng magulang na pipirma at mag-aasikaso sa mga requirements, para maging legit ang pagmomodel niya sa Amethelli Apparels...So I took advantage of his situation, para magkaroon ako ng access kay Mariana”
    “Hindi niyo ba alam kung gaano kadelikado itong ginagawa niyo?!”
    “I know what I am doing Inspector...And besides, I already told you before...Wala na kong tiwala sa kakayahan ng kapulisan...Hmph! Ngayon nga lang eh natakasan na naman kayo ni Primo di ba? That’s why I did a move of my own!”
    “Teka...Paano pala kayo nagkakilalang dalawa?”
    “We’re neighbors...Nakatira iyong bata sa katabi naming unit....But anyway, I believe I already explained enough to you...It’s now your turn to do the same”

Hindi siya sinagot nito.........

    “Inspector, let me remind you...Kung hindi ko kayo sinakyan dun kanina, malamang nabulilyaso na ang kung anumang ginagawa niyo nung mga bata...So I think I deserve to know what’s going on here”

Napailing-iling si Inspector at napabuntong-hininga, then saka siya nagstart na mag-explain.......

    “Naaalala niyo ba iyong nabanggit ko sa inyo na mga bata? Iyong mga ginamit ni Primo para makapag-espiya kay Mariana?...Sina Oryo at Revy iyon...Sila iyong tinutulungan ko”
    “What?! But they told me na tinulungan at kinupkop ni Mariana si Oryo mula sa DSWD”
    “Bahagi lang iyon ng palabas ni Primo...Para makapasok si Oryo sa buhay ng mga Amethelli...Walang nagawa iyong bata nun kung di ang sumunod sa kanya...Dahil hawak nito si Revy, ang kapatid niya...Natakot din siyang magsumbong sa otoridad dahil ayaw niyang magkahiwalay silang magkapatid”

Natahimik na lamang si tita Divine sa mga sinabi sa kanya ni Inspector.......

    “Pero gaya ng sinabi ko dati...Hindi nagtagumpay si Primo dahil sa pakikipagtulungan nung mga bata sa akin”
    “Iyong pagdukot kay Revy? Was that true?”
    “Oo...Pero ginawa iyon ni Primo, para sana siguraduhin na hindi siya aatrasan ni Oryo...Iyong nga lang, hindi niya inasahan na haharapin pala siya ng anak niya dahil dun...At na may alam na ito tungkol sa kanya...”
    “So that was true as well?!  Anak ni Mariana sa kanya si Hyromin?!”

Napatango lang si Inspector........
   
    “Dahil sa mga nangyaring iyon...Tuluyan nang nasira ang mga plano niya at natuldukan na rin ang panggagamit niya sa magkapatid”
    “Hmph!...If that was the case, then bakit hanggang ngayon nagpapanggap pa rin iyong mga bata?!”
    “Nakiusap sila sa akin...Gusto daw muna nilang matapos iyong fashion show nila, bago sila lumantad”
    “I see....”

After that, nabalot sila ng katahimikan. Si Tita Divine, mukhang napapaisip siya nang husto sa mga nalaman niya. A moment  later, she suddenly looks shocked. Then her eyes became teary........

    “Oh no!.....Mukhang napasobra ata ang nasabi ni Inspector....Mukhang naghihinala na siya tungkol kina kuya Oryo at Revy.....”bulong ko sa aking sarili......
   
At bigla na lamang siyang tumawa.........

    “Hahaha!...This is so outrageous! Don’t you think Inspector?!...Two orphan boys na kaedad ng mga anak ko...And they happened to be abused and used by Primo for a diabolical plot against Mariana...Si Primo na isa sa mga suspect sa pagkawala nila!”
    “Mrs. Goodman...Alam ko kung ano ang iniisip niyo, pero....”
    “NO!...I don’t wanna hear any excuses! I just want you tell it to me straight Inspector Macaraig!....Sila ba?...Sila ba sina Joaquin at Johnray?!”
    “Mrs. Goodman....”
    “Sabihin niyo sa akin iyong totoo Inspector! SILA BA ANG MGA ANAK KO?!!”

Inspector wasn’t able to speak and answer her. At that point, parang gusto ko nang lumabas at pigilan ang pwedeng mangyari!.......

    “Uy My labs! Nandiyan ka lang pala eh!”

Nanlaki ang mga mata ko at napalingon ako sa nagsalitang iyon! SI REVY! At naglalakad na siya towards me! Paglapit niya........

    “Anong ginagawa mo? Bakit ka nagtatago dito?”

I wasn’t able to answer him,  then napalunok na lang ako. And to make it worse, agad niya silang nanotice........

    “Ayun pala si Mama...Kanina ko pa rin siya hinahanap eh...Teka.... bakit sila magkausap ni Inspektor? Anong pinag-uusapan nila?”

ITUTULOY.......

No comments:

Post a Comment