m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, December 13, 2015

Here and Now (Part 47)

By: Chaster Rassel 

Chapter 47: Avoidance...

SI HYROMIN.........

Napatingin na lang ulit ako sa dalawa. Hindi pa rin kumikibo si Inspector! So I still have a chance! With that, tumingin ulit ako kay Revy at........

    “Ah Revy...Halika! Samahan mo muna ko!”
    “Saan naman?”
    “Basta sumama ka na lang sa akin!”
     “Huh?!”

Hinila ko na siya sa braso niya. Until tuluyan na kaming nakalayo from them........

    “Anong bang nangyari My labs? Bakit bigla mo na lang akong kinaladkad dito?”
   
Instead of answering him, napatitig na lang ako sa kanya. I feel like crying again, dahil naguiguilty ako sa ginawa ko. Kaya naman napayakap na lang ako sa kanya nang mahigpit. Hindi na rin naman niya ko tinanong ulit. Niyakap na lang din niya ko.

Mga 15 minutes siguro ang lumipas, perhaps tapos nang mag-usap iyong dalawa. Kaya inaya ko si Revy na bumalik na ulit dun sa may lobby. As I thought, tapos na nga sila nang dumating kami. Agad namin silang nilapitan.......

    “Oh ano Revy? Tapos ka na bang magpaalam sa kuya mo?”
    “Tapos na po Mama”
    “Okay...Let’s go, uwi na tayo”
    “Sige My labs mauna na kami...”

Tinanguan ko na lang siya. Then tumingin naman siya kay Inspector.......

    “Inspector sige po...Tsaka salamat din po pala sa tulong niyo”

Just like what I did, tinanguan lang din siya nito. After that, they go ahead.......

    “Ingat kayo”sambit ko.......
Lumabas na sila ng building. Sinundan namin sila ng tingin, until nakasakay na sila ng taxi at tuluyang nakaalis........
    “Kayo po Inspector...Di pa ba kayo aalis?”usisa ko habang nakatangin pa rin sa labas......
    “Nagpapahintay pa ang Mommy mo eh...May sasabihin pa raw siya sa akin”
    “By the way, I overheard your conversation with Tita Divine awhile ago...And actually, muntikan na rin kayong marinig ng boyfriend ko”

Dun na ko lumingon sa kanya. Looks like nashock at kinabahan siya sa mga sinabi ko..........

    “Relax Inspector...Like what I said, muntikan lang naman...It’s a good thing na nagawa ko po siyang hatakin agad paalis...And besides, base sa itsura ni Tita bago sila umalis...I assume na wala rin naman po kayong sinabi sa kanya di ba?...”
    “Oo...Mahirap man sa kalooban ko...Pero mas mabuti na iyong tayo na lang muna ang nakakaalam nito Hyro...Dahil kapag ibinunyag natin toh ngayon, para na rin nating tinulungan si Primo sa maiitim niyang balak...”
    “Inspector...Tell me, kayo po ba iyong pulis na nag-investigate dati nung...Nung nangyari iyong sa family nila?”

Natigilan siya for awhile sa tanong ko..........   

    “Oo...Iyong nabanggit ko sa inyo dati na kasong hinawakan ko na sangkot si Primo...Iyong sa kanila iyon”
    “And you also told us that there was this person na pwedeng magdiin sa kanya...Pero nawawala until now kaya naabsuwelto siya...Which would be kuya Oryo...Or rather, kuya Joaquin...Right?”
   
Napatango siya sa akin..........

    “Paano mo nalaman ang lahat?”
    “I just figured it out sa mga narinig ko sa inyo ni Tita Divine kanina...”
   
Kung tutuusin, okay di naman pala na narinig ko ang pag-uusap nila. Because now, I can quite understand kung bakit kinailangan pang kunin nila ang dalawa. Pero, may something pa rin na gumugulo sa akin.......

    “Hmph...Matagal na po pala kayong may alam tungkol dito...Pero bakit di niyo po agad sinabi sa amin?!”
    “Oo nga’t matagal ko nang alam iyong sa kaso ng mga De Chavez....Pero kailan ko lang napag-alaman na ang mommy mo pala ang isa sa mga kasamahan ni Primo...”
    “Hindi ko po kayo maintindihan”
     “Nung mga panahon na naganap iyong insidente...Si Primo lang ang nag-iisang suspect na nahuli namin...Dahil iyong iba, nakatakas at nakapagtago na...At iyong mommy mo, ibang katauhan ang gamit niya”
    “Ibang katauhan?!”
    “Naging secretary siya nun ni Divine....At Melissa Quintos ang pangalan na ginamit niya....”
    “It means...Siya pala iyong naging espiya”
    “Oo...Ang totoo, si Divine ang nakatuklas na naging Mariana Amethelli na pala siya ngayon...At nasabi lang niya sa akin toh, nung dumating siya dito sa Pilipinas galing states”

After hearing all of that, nagstart na namang bumigat ang pakiramdam ko. Then napayuko na lang ko. Totoo ba talaga itong mga naririnig ko? Talagang ba ginawa ni Mommy ang lahat ng mga nalalaman ko ngayon?..........

    “Ahmmm...Hyro...May dapat ka pang malaman”
    “Ano po iyon Inspector?”usisa ko nang hindi inaangat ang aking ulo.....
   
Here we go again. Hindi na naman siya nasagot. And this time sa akin naman. He’s starting to iritate me already! Especially now that I’m getting emotional again!..........

    “Mawalang galang na po Inspector...But I had enough mind games for today! Kaya kung pwede po, diretsuhin niyo na ko!”

Napaangat na ko ng ulo at napatingin sa kanya.......

    “Please lang!”
    “Hin...Hindi lang basta pera ang ninakaw ng Mommy mo...Iyong Amethelli Apparels...Ang kumpanya niyo...Iyong business plan at unang designs na ginamit niya para dun...Lahat iyon pagmamay-ari ni Divine”

Nanginig ang mga tuhod ko sa sinabing iyon ni Inspector. Everything that I’ve got and the kind of life that I have, doesn’t actually belong to me! Dahil ang lahat-lahat ng ito ay isang malaking nakaw lang!..........

    “Pasensya ka na Hyro...Alam ko na hindi madaling tanggapin para sa iyo ang lahat ng toh...Pero kailangan mong malaman eh...Tsaka nakita ko naman kung gaano ka katalinong bata...At alam ko, pasasaan pa’t magagawa mo ring unawain toh....”

SI ORYO.........

Humiwalay si Hunsel sa amin para kunin at iikot iyong kotse niya sa harapan ng building. Kami naman ni Madam ay pumunta na sa may lobby kung saan naroon si Hyro at naghihintay sa amin. Pagdating namin, kasama ni Hyro si Inspektor. Hindi pa pala siya umaalis.........

    “Inspektor, bakit nandito pa po kayo?”pagtataka ko......
    “May...Sasabihin pa raw sa akin si Mrs. Amethelli”
    “Inspector, now that you don’t have to hide anything from me anymore...I would like to ask for your assistance, para sa security ng family ko.....”sambit ni Madam.....

Sa kalagitnaan noon, napansin ko na tila biglang nawala sa tabi namin si Hyro! Akala ko ay umalis na naman siya nang walang paalam. Pero nang tumingin ako sa paligid, nakita ko na nakatayo at nayuko lang pala siya sa isang tabi........

    “There’s already a new schedule for the photoshoot...Ang gusto ko sana, magpadala kayo ng mga pulis na magbabantay sa amin....At kung pwede, pati na rin sa rehearsal ng fashion show nila....And most especially, sa mismong gabi ng fashion show...Dahil ayaw ko nang maulit ang mga nangyari ngayon”pagpapatuloy ni Madam........

Nag-aalala ko kay Hyro. Kaya hinayaan ko na lang muna sina Madam at nilapitan ko siya. Magsasalita na dapat ako. Pero bago ko pa man magawa iyon, bigla siyang nag-angat ng ulo at tumingin sa akin........
   
    “Kuya Oryo please...Huwag mo muna kong kausapin...Hayaan mo na lang muna ko....”sambit niya sabay iwas agad ng tingin sa akin........

Naluluha at namumutla siya! Bakit siya nagkakaganito? May nasabi ba si nong Primo sa kanya kanina, bago kami dumating ni Hunsel?

Sa puntong iyon ay gustong-gusto ko siyang tanungin. Pero nakikita ko na hindi talaga ito ang tamang oras para kausapin siya. At isa pa, ayaw ko rin naman siyang pilitin kung di niya kaya. Ilang saglit pa, dumating na si Hunsel........

    “Tol, nandiyan na si kuya Hunsel mo...Kailangan na nating umalis”iyon na lang ang nasabi ko sa kanya.......

Hindi siya umimik, pero dali-dali siyang lumakad at sumukay na sa likuran ng kotse. Bumalik na ko kina Madam........

    “Huwag ho kayong mag-aalala Mrs. Amethelli...Makakaasa kayo sa pagdating ng mga tao ko”
    “Alright then, we’re gonna go ahead”
Sumakay na si Madam sa kotse. Matapos iyon ay nagpaalam na rin ako kay Inspektor at sumunod na sa kanila. Nakauwi kami nang hindi man lang nagkikibuan. Pagpasok na pagpasok namin sa mansyon, diretsong akyat agad sa hagdan itong si Hyro. Ni hindi siya tumingin o nagpaalam man lang sa amin..........

    “Hyro wait! We still need to......”

Naputol ang pagsasalita ni Madam, dahil tinapik siya sa balikat ni Hunsel at pinigilan........

    “Ma...Sa kanya po naging pinakamahirap ang mga nangyari kanina...So it’s better that we just let him be for now....”

Hindi na siya kumontra. Pagkatapos nun ay nauna na rin siyang umakyat sa amin. Pasunod na rin sana si Hunsel, pero ako naman ngayon iyong pumigil sa kanya. Hinawakan ko siya sa braso at...........

    “Teka muna Hunsel....”

Napatingin siya sa akin at..........

    “Bitiwan mo ko!”
    “Pero Hunsel kailangan nating mag-usap”
    “Mag-usap?!”

Nagpumiglas siya sa akin, kaya binitawan ko na lang siya. Tuluyan na siyang lumingon at humarap sa akin..........

    “Alright then...Let’s talk!...Start it by explaining kung paano mo ko nagawang gaguhin!  Kung paano mo nakaya na pagmukhain akong tanga!”
    “Ano pa bang kailangan mong paliwanag Hunsel? Malinaw naman iyong mga sinabi ni Inspektor at ng utol mo kanina di ba? Kaligtasan lang nating lahat ang iniisip namin!”
    “Yeah! I know! But it still doesn’t change the fact na sinaktan mo ko!”
    “Akala mo ba naging madali para sa akin ang lahat? Ha?!...Hunsel hindi lang ikaw iyong nasaktan dito! Masakit din sa akin na maglihim sa iyo!...Pero wala akong magawa, wala akong choice! Dahil....”

Hindi niya ko binigyan ng pagkakataon na tapusin ang sinasabi ko. Bigla na niya kong siningitan.........

    “Yes you do Oryo! YOU DO HAVE A CHOICE! You could have told me everything if you want to...Pero pinili mo pa rin na saktan ako! At iyon ang mahirap tanggapin para sa akin!”

Natigilan na lamang ako sa mga sinabi niyang iyon. Gusto ko pa sanang ipagtanggol sa kanya ang panig ko. Pero hindi ko na alam ang sasabihin. Nag-aalala kasi ko na baka mas lalo lang siyang magalit, sa kung anumang sasabihin ko pa. At baka mas lalo lang kaming mag-away..........

    “Now, if you have nothing to say anymore...Then let’s stop this...Dahil mukhang wala di namang patutunguhan ang usapan na toh!”

Tinitigan niya ko sa mga mata ko. Maluha-luha na siya at kitang-kita dito iyong galit niya. Kaya hindi na nga ako nakipagtalo pa sa kanya. Hinayaan ko na lamang siya na umakyat na.

SI REVY.........

Nakarating na kami ni Mama sa condo. Hindi pa pala nakakauwi si kuya Rass, kaya sinususian niya iyong pinto ng unit nila. Bubuksan ko na rin sana iyong pinto ko. Pero di ako mapalagay tungkol dun sa kanina eh. Lalo na nung nakita ko na nag-uusap sila kanina ni Inspektor, nang sila lang. Kaya naman.........

    “Mama...”

Napatigil siya sa ginagawa niya at lumingon sa akin. Nilapitan ko naman siya...........

    “May...Tatanungin lang po sana ko”
    “Sige...Ano iyon?”
    “Dati na po ba kayong magkakilala ni Inspektor?”
    “Hmph...Paano mo naman naisip iyan?”medyo napapangiti niyang usisa......
    “Eh kanina po kasi parang nagkagulatan kayo nung nagkita kayo...Tsaka, di ba po nag-usap kayo kanina”
    “Ah ayon ba anak? Oo kakilala ko siya....At kaya kami nag-usap, kasi tinanong ko sa kanya kung ano bang nangyayari kanina...Kasi nga di ba nagsinungaling tayo dun sa harap nina Mrs. Amethelli at nung panganay niya...”

Kinabahan ako bigla sa naging sagot niya. Sinabi na ba ni Inspektor sa kanya iyong totoo tungkol sa amin ni kuya?!...........

    “Ahmmm...Mama...Ano pong sinabi sa inyo ni Inspektor?”
    “Ipinagtapat na niya sa akin iyong...Iyong tungkol sa koneksyon dun sa Primo...Tsaka sa totoong kalagayan niyo ngayon”

Hindi ako nakapagsalita, napatingin na lang ako kay Mama. Hinawakan naman niya ko sa isa kong balikat at..........

    “Huwag ka nang mag-alala diyan...Naiintindihan ko naman kayo ng kuya mo eh...Pati na rin ang mga ginagawa niyo ngayon”

Napabuntong-hininga na lamang ako. At nakampante na rin ang kalooban ko, sa narinig ko mula sa kanya..........
   
    “Salamat po Mama...Ang totoo natakot po ko eh...Akala po kasi, mag-iiba ang tingin niyo sa amin ng kuya ko....Dahil sa...Dahil sa klase ng pamumuhay na pinanggalian namin”
    “Ano ka ba...Bakit naman mag-iiba ang tingin ko sa inyo? Eh hindi niyo naman kasalanan iyong mga nangyari sa inyo eh...Biktima lang naman kayo ng mga maling gawain nung Primo na iyon...Tsaka...Love na love ko kayo ng kuya mo noh”
    “Salamat po talaga Mama...Thank you! Thank you for the love!”napapangisi kong sambit.......
    “Uy! English iyon ah!”
    “Hehe...Narinig ko lang po iyon sa TV”
    “Uhmph! Alam ko na kung saan mismo...Ikaw talagang bata ka oh...”sambit niya sabay gulo sa buhok ko......
   
Matapos iyon ay natawa na lang kaming pareho at napayakap siya sa akin. Syempre, niyakap ko din siya dahil sa tuwang nararamdaman ko. Pero alam ko, dito pa lang magsisimula ang mas malalaking problema na haharapin namin. Dahil ngayon na alam na ni Mama ang lahat, tiyak pati sila ni kuya Rass ay madadamay na rin sa mga pwede pang gawin ni nong Primo.
   
BALIK KAY ORYO.........

Umakyat na lang din ako sa kwarto ko. Pagpasok ko, napaupo na lang ako sa kama ko. Napasabunot ako ng dalawa kong kamay sa aking buhok at napayuko..........

    “Unti-unti nang nangyayari ang kinatatakutan ko...Ano nang gagawin ko ngayon?”bulong ko sa aking sarili.......

Sa kalagitnaan nun, narinig ko ang pagtunog ng cellphone ko. Inilabas ko ito mula sa bulsa ko. Si Skylar pala, tamang-tama din ang pagtawag niya, dahil kailangan ko talaga ng makakausap. Sinagot ko na toh..........

    “Oh Skylar...”
    “Oryo! Uncle Preston informed me tungkol sa mga nangyari sa inyo kanina...So I call as soon as I heard...Anyway, how are you guys?”
    “Eto...Magulo...Ang gulo-gulo”
    “Ahmmm....What about....What about you and Hunsel?...If you know what I mean....”
   
Bago ko sagutin ang tanong niya, huminga muna ko nang malalim.........

    “Ayun...Nagbeast mode, nagsuper saiyan...Lahat na....Galit na galit na siya sa akin Skylar”
    “I’m sorry to hear that.....So...Ano nang balak mo ngayon?”
    “Ewan ko...Sa totoo lang, hindi ko na alam kung anong gagawin ko ngayon...Natatakot ako...Kung ngayon na ito pa lang iyong natutuklsan niya eh ganito na siya kagalit, paano pa kaya kapag iyong pagiging magkapatid na namin ni Revy at iyong koneksyon namin kay nong Primo”
   
Matapos kong masabi ang mga nararamdaman ko, unti-unti na kong naging emosyal. Nagsimula na ring mamasa mga mata ko.........

“You know what Oryo...There’s actually nothing we can do about that big secret of yours...In time, talagang malalaman at malalaman na rin iyan ni Hunsel...But think of the bright side na lang....”
    “Anong ibig mong sabihin?”
    “I mean, sa mga nangyari ngayon...At least you already had a taste of what is about to come...Kaya maihahanda mo na ang sarili mo for the worst...”
    “So...Ano ngang gagawin ko? Skylar ayaw kong mawala ang kung anumang meron kami ni Hunsel ngayon...Ayaw kong mawala siya!”

Bigla siyang natamik.........

    “Skylar? Nandiyan ka pa?”
   
Ang buong akala ko naputol iyong linya. Pero makalipas lang ang ilang saglit........

    “Ah Oryo....For the mean time, mas okay siguro na hayaan mo munang lumamig iyong ulo ng boyfriend mo...Then, saka mo itry ulit na kausapin siya...Besides, if he truly love you, di siya mawawala nang ganun-ganun lang”

May punto ang mga sinabi niya. At kung tutuusin, tama siya. Dahil dun, gumaan kahit paano ang kalooban ko. At medyo napangiti din ako. Tapos napaisip ako.

Akalain mo iyon, minsan kong kinainisan at kinabwisitan ang isang toh. Pero ngayon, siya na iyong kaibigan kong matalik. Kaibigan na maaasahan at nandito sa mga ganitong pagkakataon, para sa akin. Natawa na lang tuloy ako bigla.........
   
“Hey, why are you laughing? May nakakatawa ba sa mga sinabi ko?”
    “Wala...Ano kasi...Hindi lang ako mapaniwala, kasi di ba dati bwiset na bwiset ako sa iyo?...Pero tignan mo ngayon, ikaw iyong na nagpapagaan ng loob ko at nakakapagpangiti sa akin sa gitna ng mga problema....”
    “Oh yeah...I remember siniko mo pa nga iyong ilong ko dati nung nasa restaurant tayo...During the rehearsal break nung fashion show namin for the fashion week....”
    “Oo...Tapos pinagpalit mo iyong pagkain niyo ni Hunsel nung nalingap ako...Hahaha....”
    “Hahaha...Those were the times when I was still a jerk....At ni hindi ko alam ang mga pinaggagawa ko sa buhay ko”
    “Oo nga eh...Mabuti na lang, umalis na sa katawang lupa mo iyong kupal na iyon...At nakapagbagong buhay ka na...Nag-iba ka na...Ikaw na ngayon iyong bespren ko...At iyon ang importante...”
    “Bestfriend....”

At bigla na naman siyang natahimik..........

    “Oh bat natahimik ka na naman?”
    “Nothing...It’s just...Ahmmm...Napakaunexpected lang nitong mga nangyari sa atin...Di ba?...”
    “Sabagay...Kahit ako eh, di ko rin inaasahan na kung sino pa iyong naging kaaway ko...Siya pa pala iyong magiging kaibigan ko sa bandang huli.....Teka! Maiba nga pala ko...Eh ikaw? Kumusta naman kayo ng Mama mo diyan? Anong nangyari sa lakad niyo?”
    “Nah!...I don’t wanna talk about it....”
    “Oi Skylar huwag kang madaya diyan ah! Nagkwento ko sa iyo, kaya dapat lang na magkwento ka rin sa akin! Hehe...”

Kahit paano naging maayos na ang pakiramdam ko. Ang kaninang mamasa-masa kong mga mata, pinahiran ko na rin habang patuloy siyang kinukulit......

    “Fine! I’ll tell you...Let’s just say na isinumpa siguro ang araw na toh, kaya nagkalat sa paligid ang mga bad vibes”
    “Ahh...So may kabwisitan ding nangyari sa iyo? Kaya naman pala...”
    “Yeah...There was this annoying dude kasi na walang respeto sa mga gaya kong may disability...”
    “Aba! Bakit anong ginawa sa iyo? Gusto mo resbakan natin?”
    “Ahaha....”

At napahiga na lamang ako sa kama, habang patuloy na nakikipagkwentuhan at kulitan kay Skylar.
   
BALIK KAY HYROMIN.........

Mula nung pagpasok ko kanina until now, panay ang tingin ko sa buong kwarto ko. From the small and simple things, hanggang sa mga luho na meron ako.

Lumapit ako sa pc gaming set ko at tumayo in front of it. It is a complete set with 3 monitors, high-end cpu, gaming keyboard, mouse and other paraphernalia that came with it.  Isama na rin natin iyong malupet na table at super comfy na gaming chair.

Napahawak ako sa sandalan nung chair. Then umupo ako dito. Pinaikot ko iyong chair habang nakaupo ako. Huminto ito nang nakaharap ako sa pc. Once again, pinagmasdan ko ito. I remember, ito iyong gift sa akin ni Mommy nung 10th birthday ko. Ito rin iyong pinakamamahaling bagay na naibigay niya sa akin.

She gave me almost everything that I needed and wanted. But it turns out that these, all of these are not supposed to be mine. Dahil hindi ako iyong dapat na nagkaroon ng buhay na ganito. Hindi ako iyong dapat na nandito.

Si Revy, siya iyong dapat na nandito sa position ko right now. Siya iyong dapat na nakakatikim ng kaginhawaan. Pero ninakaw ng mga magulang ko iyong chance na iyon mula sa kanya, mula sa kanila ni kuya Oryo.

A moment later, narinig ko iyong boses ni Mommy...........

    “Hyro?...Hyro?”

Hindi ako nagsalita. She started knocking on my door. Pero hindi rin ako tumayo para pagbuksan siya. Until, narinig ko iyong pagbukas ng pinto. Siya na iyong kusang pumasok. Then lumapit siya sa tabi ko......

    “Hyro, kanina pa kita tinatawag ah...Our dinner is ready...”

Hindi ko pa rin siya kinibo........

    “Ayaw mo bang sumabay sa amin?...If you want, papaakyatan na lang kita ng food dito”

Still, hindi ko pa rin siya kinausap. Actually, ayaw ko talaga siyang kausapin. Ni ayaw ko siyang tignan! Because right now, wala akong ibang nararamdaman sa kanya kung di galit!  Hinding-hindi ko matatanggap iyong mga nalaman ko tungkol sa kanya. Lalong-lalo na iyong mga pinaggagawa niya!!

Tumayo ako mula sa gaming chair. Then pumunta ko sa kama ko at dito naupo. Sumunod siya, kaya napaiwas na lang ako ng tingin mula sa kanya.........

    “Anak, mag-usap nga tayo...I know something’s been bothering you...And I know that it has something to do with your father! May nasabi ba siya sa iyo kaya nagkakaganyan ka?!”
   
At that point, gustong-gusto ko nang magwala sa galit! Gusto kong isambulat sa pagmumukha niya ang lahat ng mga nalaman ko! But I chose to stop myself from doing it. And instead, lumingon ako sa kanya at tumayo..........

    “What do you mean na baka may nasabi siya sa akin? Bakit po Ma? Meron pa po ba kong dapat malaman?”tanong ko while looking at her straight in the eye......

Gusto ko siyang paaminin tungkol sa mga ginawa nila ni Primo! I want to hear everything right from her own mouth!.........

    “Huh?! Ahmmm....”
    “What Ma?...Tell me...Meron po ba?”
    “Wa...Wala....Ang ibig ko lang namang sabihin eh...Baka may nasabi siya sa iyong masama...”
    “Masama? Masama like what Ma? Masama about him? Eh malinaw naman na po sa akin kung gaano siya kasama...Unless it’s about someone else...Perhaps about you?”
   
Natigilan siya bigla. Looks like she got stunned by what I just said..........

“Anak, ano ba iyang mga sinasabi mo?”
    “Well Ma, nililinaw kung lang naman po iyong itinatanong niyo sa akin...”
“I’m just...I’m just worried about you Hyro...Because you don’t look okay...And...Wala kang kibo mula pa kanina....”
    “Ma...Kahit sino naman pong tao ang humarap sa isang demonyo...Talagang hindi magiging okay...But don’t worry about me...Kaya ko po toh”
    “Well, if you say so...I guess I’m just going to let you be...Just like what your kuya Hunsel told me”
    “So Ma, kung wala na po kayong itatanong sa akin....Baka pwede pong ako naman ang magtanong?”
    “Okay, what is it?”
    “Do you know someone by the name........Melissa Quintos?”

Natigilan na naman siya. Pero this time, nanotice ko na namutla din siya........

    “Where...Where did you hear that name from?”usisa niya na napapalunok pa......
    “Narinig ko lang po somewhere”
    “Ahmmm...No...Wala akong kilalang ganun”

She denied it! But I can see how nervous she is. Ni hindi nga siya makatingin nang maayos sa akin.......
   
“Ma...You don’t look so well...Okay lang po ba kayo?”
    “Yes...I’m okay.....Anyway, sasabay ka ba sa amin magdinner or what?”
    “Hindi pa po ko nagugutom...Mamaya na lang po ko”
    “Okay, sige....Basta anak....If ever there’s a problem or guluhin ka ulit ni Primo, huwag mo na sanang itago sa amin ng kuya Hunsel mo...We want to help you too...Okay?”sambit niya sabay hawak sa isa kong pisngi.......

Tango lang ang isinagot ko sa kanya. After that, niyakap niya ko. Habang nakayakap siya sa akin, napasara na lang ako ng dalawa kong kamay. And then.........

    “SINUNGALING KA! Paano mo nakakagayang magpanggap at magkunwari sa amin ni kuya Hunsel na mabuti kang tao, sa loob nang matagal na panahon?! Paano mo nasisikmurang palakihin kami sa nakaw na karayangyaan at kaginhawaan?!”nanggigigil kong bulong sa aking sarili........

BAGO MATULOG, SI HUNSEL.........

Kanina sa Dinner, it feels like bumalik kami ni Oryo dun sa time na halos di niya ko pinapansin. Those times when he was avoiding so bad. Pero ako naman ngayon iyong ayaw kumausap sa kanya. But can you blame me? Masakit iyong ginawa niya sa akin! Pinagmukha niya kong tanga! And come to think of it, maybe this is the reason why he was avoiding me back then.

Sa totoo lang, I don’t like what I’m feeling right now. Ayaw ko naman talaga kasi na magkagalit kami ulit, especially now that he is already my boyfriend. But...But there’s so many things that’s bothering me about all of these. Iyong kakaiba niyang closeness kay Revy, iyong pagtawag nila kay Primo ng “nong Primo” at iyong mga sinabi sa akin ni Primo kanina..........

    “HMPH! Eh malay ko ba na may sakit pala siya sa puso...At isa pa, wala kang karapatang husgahan ako, dahil hindi mo alam kung anong nangyari nun!.....Pero sa bagay, hanggang ngayon naman eh wala ka pa ring alam sa mga nangyayari sa paligid mo...Ni hindi mo nga alam na pinagmumukha ka nang tanga! HAHA!”

I have a strong hunch na may itinatago pa siya. Hindi lang siya, kung di silang dalawa ni Revy! Well, there’s only one way to find out. And that is to talk to him again.With that, nagdecide ako na puntahan siya sa kwarto niya. I knock on his door para icheck kung gising pa siya...........

    “Sino iyan?”
   
Good, gising pa siya..........

    “It’s me”sagot ko.....

After a few seconds, binuksan na niya iyong door. And I got suprised sa nakita ko! My boyfriend is wearing nothing but a light blue boxer shorts! Then medyo basa-basa pa iyong katawan niya. Natigilan na lang tuloy ako at napatitig sa kanya.........

    “Darn it Oryo!...If this is your way para makuha ulit ang loob ko...At mapatawad kita sa mga pinaggagawa mo....Well...Well it might actually work...”bulong ko sa sarili ko......

Habang titig na titig ako sa kanya, napatingin na lang din ang loko sa sarili niya. Then.......

    “Ah...Pasensya na sa itsura ko...Kagagaling ko lang kasi ng shower eh...”napapakamot sa ulo niyang sambit........

Dun na ko natauhan at napaiwas ng tingin sa kanya.......

    “May I come in?”

He let me in. Pumunta siya sa kama niya at sumunod naman ako . I notice that there’s a first aid kit lying on it..........

    “So....Bakit ka nandito? Akala ko ba galit ka sa akin?”
    “Ahmmm....”

Dinampot niya yong first aid kit, then naupo sa siya sa kama at ipinatong ito sa lap niya..........

    “What are you doing?”tanong ko.....
    “Bilin kasi nung doktor,  pahiran ko ng gamot itong sugat ko...Tsaka palitan daw ng gauze, pagkatapos kong maligo...Kaya ito....”
    “Magpapakahirap ka pa...Ako ka nang gagawa niyan for you”

He gave me the first aid kit. Naupo ko sa tabi niya. Kumuha ako ng disposable gloves from the kit then I put in on..........
   
“Ayan ang napapala mo...Nagpapakasuperhero ka kasi...Feeling mo ikaw si kuya Cardo, ang probinsyano...Hay naku!”
    “Hindi naman po sa ganun Onyok! Tsaka kung di ko ginawa iyon...Baka kayo ni Hyro ang napahamak”
    “Go on...Mangatuwiran ka pa! Lalo mo lang akong binabadtrip eh!”
   
Inabot niya sa akin iyong gamot, then I started doing the thing, by removing the old gauze from his wound first. As I do that, di naiwasan na mas lumapit at dumikit ako sa kanya. He smells so freaking good! Amoy na amoy iyong scent ng sabon from him! Bagong shower nga talaga siya.........

    “Badtrip ka pa nga ba talaga?”

Napatingin ako sa kanya sa tanong niya. Pagtingin ko, he is grinning at me.......

    “Walang nakakatuwa...So stop that!”
    “So galit ka pa rin”
    “Isn’t it obvious?!”

I already removed the old gauze. Now, pinahiran ko na ito ng gamot with a cotton wool......

    “So kung galit ka pa pala....Bakit ka nga nandito ngayon?”
    “I just have some questions that need answers”
    “Huh?”
    “Tell me...Itong mga nalaman ko ngayon...Ito ba ang reason kaya iniiwasan mo ko dati? Ito ba iyong di mo masabi-sabi sa akin?”

Hindi siya nagsalita. Nang tumingin ulit ako sa kanya, tumango siya sa akin. Well, hindi siya makasagot nang diretso. Looks like I am right after all, may itinatago pa siya sa akin. Pero di ako pwedeng magpadalos-dalos. I need to be careful and I need to be sure first. Dahil ayaw kong mawala nang ganun-ganun lang ang kung anong meron na kami.

Natapos ko na iyong pagpahid. So, kumuha na ko ng panibagong gauze. While I’m already putting it on him, bigla na lang akong nakaramdam ng mainit na hangin sa bandang tenga ko. And then..........

    “SORRY....Alam ko gago ako...Alam ko pinagmukha kitang tanga at nasaktan kita...Sana mapatawad mo ko Hunsel.....ARRRGH!”

Nagulat ako, kaya di sinasadyang napadiin ang pagdikit ko nung gauze sa kanya..........
   
    “Ano ba! Dahan-dahan naman!”
“So...sorry! Ikaw naman kasi ginulat mo ko eh!”

Biglang bumilis iyong pintig ng puso ko. I don’t know why, but there’s something sa boses niya nung nagsosorry siya. Para bang naramdaman ko iyong guilt niya.

Then, ang cute pa ng facial expression niya nung bigla siyang napaaray. Napapangiti na ko, pero pinigilan ko ang sarili ko. Then umiwas na lang ako nang tingin from him at tinapos iyong paglalagay ng gauze..........

    “Nagsosorry lang naman iyong tao eh....”sambit nya......
    “There you go...Tapos na”

After that, inalis ko na iyong disposable gloves sa mga kamay ko........
   
    “Uy! Huwag ka na kasing magalit sa akin...”
   
Instead of answering him, inatupag ko iyong pag-ayos at sara sa first aid kit. Pero nangungulit pa rin siya.......

    “Hunsel!”

Still, hindi ko pa rin siya sinagot...........

    “Oh sige...Kung ayaw mo na kong kausapin, amina na lang iyang first aid kit...Para maibalik ko na...At para makapagpahinga ka na rin”

Lumingon ako para iabot na sana sa kanya ito. Pero paglingon ko, saktong nakatapat pala iyong pagmumukha niya sa akin! And without a word, he give me a quick kiss on the lips! Saglit akong natigilan. Then..........

    “Hmph! Galawang breezy ka rin eh noh?!”

He just grins at me again...........

    “Ano? Galit ka pa rin?”
    “Well...I never actually said na galit ako...”
    “So hindi ka galit sa akin?”
    “Ay paulit-ulit?! Do I have to say it a hundred times ha?!”
    “Naninigurado lang naman po...”
    “Hindi ako galit okay...But maybe...Sama ng loob meron”
    “Sama ng loob ba kamo? Eh di palabasin natin...Para wala nang problema”

At bigla na lang niya kong inakap at hinawakan sa lower back ko. Inilapit niya ulit iyong mukha niya sa akin. At that point, hindi ko na napigilang mapangiti at matawa........

    “Sira ka talaga! Hindi ganyang sama ng loob ang ibig kong sabihin! Hahaha....”
    “Sus! Kunyari ka pa diyan na ayaw mo....Ano? TLD? Hihihi...”
    “Are you crazy?! May sugat ka po oh! Baka mamaya mapano pa iyan eh”
    “Eh di dahan-dahanin lang natin...Sige ka, minsan lang nasa mood ang boyfriend mo”

After he said that, napatingin ako sa may ibaba niya. Hmph, nasa mood nga! Now, I’m the one who grins at him. Then hinawakan ko siya sa magkabila niyang pisngi.........

    “Hmph! Plinano mo talaga toh noh?”
    “Uy hindi ah! Nagkataon lang haha”
    “Yeah right! Gantihan kita diyan ng kiss eh!”
    “Tagal naman! Kanina pa ko naghihintay ahaha!”

We both laugh and then I kiss him already.

SI HYROMIN.........

I don’t think I can sleep tonight nang dahil sa kakaisip. So, naupo na lamang ako sa tapat ng computer ko. I checkout the internet. Binasa ko ulit iyong mga articles about the incident 11 years go.

I still cannot believe na nagawa ng mga magulang ko ang ganito bagay, especially si Mommy. I know I’m just a kid and I might not understand their reasons. But I think I’m old and smart enough para malaman kung alin ang tama at mali. At iyong ginawa nila, mali! Maling-mali!............

    “I know malaking gulo kapag lumabas ang lahat ng ito...For sure, affected dito ang relationship namin ni Revy...Pati na rin ang sa mga kuya namin...Pero hindi ko kayang patuloy na mamuhay sa nakaw na yaman na toh...At hindi rin pwede na hambuhay na pagtaguan ni Mommy ang mga kasalanan nila ni Primo......Something has to be done!”bulong ko sa sarili ko as I continue reading.....


ITUTULOY.......
ABANGAN ANG NEXT CHAPTER...DAHIL MAGAGANAP NA ANG PINAKAHIHINTAY....

No comments:

Post a Comment