m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Friday, December 25, 2015

Turtledoves

By: Chaster Rassel

Turtledoves...turtledoves...turtledoves....Taon-taon na lang, tuwing dumarating ang panahon ng kapaskuhan, iyan ang hinahanap ko sa tindahan ng mga Christmas decoration. Nakakarating pa ko ng divisoria at sa kung saan-saang tiyangge, pero di pa rin ako pinapalad na makatiyempo nito.

Ang sabi ng mga kakilala ko, mas madali raw kung hahanap ako sa internet. Tama sila, may nakita nga ako dun. Pero ang mahal naman, tapos ang tagal pa bago dumating dito kasi galing ba sa ibang bansa. Malamang, tapos na ang Pasko eh di ko pa rin toh nahahawakan.

Ako pala si Jolly, Jolly Nicholas, 23 years old. Huwag niyo nang tanungin at isipin kung gwapo o cute ba ko. Dahil hindi niyo naman ako mamemeet in person eh. Sorry pero hanggang dito lang sa story niyo ko makikilala haha.

At para may suspense, ito na lang ang sasabihin ko, hawig ko “raw” si Nathaniel, iyong batang anghel sa TV haha. Tsaka iyong makintab kong buhok at mata ko ang laging napapansin sa akin ng mga tao. Maraming nagkakagusto sa akin dahil dito. Pero lahat sila, dinededma ko dahil sa isang personal na rason.

Anyway, tama na iyang tungkol sa pisikal kong aspeto. Nagtratrabaho pala ko bilang isang delivery boy sa isang fast food chain. Saang fast food chain? Saan pa, eh di dun sa katunog ng pangalan ko! Kung saan bida ang sarap hehe.

Pero, day off ko ngayong araw. Kaya ang gagawin ko ngayon eh susubukan ko ulit humanap ng turtledoves. Mga bandang alas diyes ng umalis ako sa amin. Nagtungo ako sa isang mall na maraming tiyangge. Naglibot-libot ako dito.

Hay grabe! Ang gaganda ng mga iba’t ibang kulay at nagtitingkarang mga christmas lights at parol. Isama mo pa iyong mga kung anu-anong decorations na itinitinda. Oo, masarap at nakakaaliw silang pagmasdan. Pero nandun pa rin iyong feeling na parang may kulang. Siguro dahil hanggang ngayon, di ko pa rin nakikita iyong hinahanap ko. Mayamaya, sa gitna ng paglalakad ko, biglang...........

    “Pssst! Pogi!”
Napalingon-lingon ako, hinanap ko kung saan nanggagaling iyong boses. Naka naman eh noh! Nagfeeling agad na ako iyong tinatawag na pogi eh noh. So iyon nga, hinanap ko. Hanggang sa napansin ko ang isang chubby na becky na kumakaway sa akin.  Oh iyon naman pala eh, ako naman pala talaga ang tinatawag.

Nagpapacute sa akin ang hinayupak at may pakindat-kindat pa. Pinapalapit niya ko sa stall niya. Naaalibadbaran ako sa kanya, pero naisip ko na baka meron siyang turtledoves. Kaya lumapit na rin ako. Paglapit ko........

    “Hi fafa! Bili ka naman dito sa akin, bibigyan kita ng special discount at may kasama pang kiss from mwah!”bati niya......

Taena! Mas lalo kong naasiwa sa sinabi niya! Pilit na ngisi na lamang ang naging tugon ko sa kanya. Tapos........

    “Meron ka bang turtledoves?”
    “Teka...Turtledoves....”

Napadampi siya ng isang hintuturo niya sa baba niya at napatingala. Napapaisip siya.......

    “Ayun ba iyong sa kanta?...Iyong....Two turtledoves and a chorva chorva eklabern tree! Ganern?!”

Tinanguan ko lang siya.......

    “Eh!...Di ko naman alam iyong itsura nun eh”
    “Never mind...Titignan ko na lang dito sa mga paninda mo kung meron”napapakamot sa ulo kong sagot sa kanya........

Binusisi ko na nga ang mga paninda niya. Nagsimula ako sa bandang kaliwa ng stall niya. Nakapasok sa magkabila kong bulsa ang mga kamay ko, habang nakatungo at tumitingin. Papunta ko nang papunta sa aking kanan, habang nagpapatuloy.

Hanggang sa bigla kong naramdaman na may nabangga ko. Napaangat ako at napalingon. Taena! Daig pa sa mga jump scare scenes sa horror na pelikula iyong gulat ko! Pero di ako makakahiyaw. Di ako makakahiyaw dahil may labing nakasalampak sa labi ko! Labi ng isang lalake!

Oo, isang aksidenteng halikan ang nangyari! Langya! Para kaming Mitsubishi Montero na nag-sudden unintended acceleration! Hindi ako makakakilos. Wala akong ibang nagawa, kung di ang tumitig lang sa mga mata niya, habang patuloy na magkadikit ang mga labi namin. At ganun din siya sa akin.

Pero bat ganun? Hindi ko man direktang naaaninag, feeling ko parang lalong nagliwanag at nagtingkaran ang mga Christmas lights at parol na nakapaligid sa amin. Tapos, tapos parang may naririnig din akong mala magical na chimes na di maintindihan. Siguro tunog galing sa Christmas lights? Pero para ding may...........

    “Teka, pamilyar sa akin ang pakiramdam na toh....”bigla kong nabulong sa aking sarili........

Tama, ganito din iyong naramdaman ko nung mga panahon na iyon! Pero, may kulang. Dahil noon, nandun iyong bagay na hinahanap ko, nandun iyong turtledoves..........

    “AY NAKAKALOKA! Ang mga poging fafa nagkikissing scene sa tapat ng tindahan ko!”

Dun kami natauhan pareho. Napakalas at napaatras kami sa isa’t isa. Hindi pa rin ako makaimik. Napapalunok lamang akong napatitig sa kanya. Siguro dahil na rin sa sobrang pagkagulat sa mga pangyayari. At mukhang pareho lang din siya ng nararamdaman. Hindi rin kasi siya nakibo at nakatitig lang din siya sa akin.

Samantala, dun ko napansin nang matino iyong itsura niya. Hindi na masama, magandang lalake naman siya kahit paano. Hindi siya payat, hindi rin mataba, tama lang. Iyong buhok niya eh iyong nauuso ngayon na style ng undercut. Tapos moreno siya at makinis. At mukhang kaedad ko lang. EH! Tama na nga toh! Kailangan pa ba idescribe ko siya mula ulo hanggang paa?!..........

    “Ang taray ng titigan! Lumi-Leah at Clark lang?”

Sabay kaming napatingin dun sa becky na tindera. Taena talaga! Kahiya-hiya na nga iyong nangyari sa amin tapos babanatan pa kami ng ganung hirit! Pakiramdam ko tuloy eh namumula na ko at nang tumingin ulit ako sa kanya, namumula na din siya..........

    “On the wings of la.....”

At binalak pa nung hinayupak na bakla na kumanta. Iyong pagkanta pa niya eh iyong nakakarinding falsetto na garalgal na ewan. Buti na lang nahinto siya. Paano, pumulot iyong lalake ng isang Christmas ball mula sa paninda niya at ibinato sa kanya. Sakto naman sa bunganga niya naglanding!

Nagkatinginan na lang kami ulit. Pero bago pa man magsalubong ang mga mata namin, agad na kaming napaiwas sa isa’t isa. Matapos iyon, dali-dali na siyang lumakad papaalis. Papunta sa may kaliwa nung stall kung saan ako nanggaling.

Napasunod pa ko tingin sa kanya, di ko alam kung bakit.  Tapos napatingin na lang ulit ako dun sa becky na tindera. Sabay lumakad at umalis na rin ako. At dun naman ako dumaan sa kasalungkat na direksyon, sa may kanan.

                                                          #


Matapos ang ilang araw, mga bandang alas sais y medya ng gabi, nasa trabaho ko at nagtungo ako sa isang executive village para magdeliber. Pagdating ko sa tapat nung bahay na nakalagay sa address na ibinigay sa akin, namangha ako sa tumambad sa akin.

Tadtad kasi ito ng mga Christmas lights at kung anu-ano pang decorations. Hindi naman ito kalakihan, pero masasabi ko na mayaman sa pambayad sa Meralco iyong may-ari. Dahil ito na ata iyong pinakamaningning na bahay dito sa village.

Nakita ko rin na bukas na bukas iyong gate nito. Meron pala kasi silang garage sale. At puro mga Christmas decorations ang mga itinitinda nila. Inalis ko na iyong suot kong helmet. Bumaba na ko ng motor at binitbit iyong delivery bag. Paglapit ko ng gate, may babae na agad na sumalubong sa akin........

    “Good evening po Ma’am”pagbati ko......

Nilabas ko na iyong mga pagkain sa bag at inabot sa kanya. Kasunod nun ay inabot ko na rin iyong resibo at kinumpirma sa kanya iyong total cost ng inorder niya.........

    “Ay...Nakalimutan ko pala iyong perang pambayad sa loob...Teka muna ha”

Pumasok nga siya ulit  sa loob at dinala na rin niya iyong pagkain. Habang naghihintay, napatingin ulit ako dun sa mga tinda nila. Lalapit na dapat ako dun para tignan kung may turtledoves sila. Pero napahinto at napalingon ako bigla, nang makarinig ako ng tunog ng motor.

May dumating na isa pang delivery boy. Pero galing siya dun sa kalaban namin na fast food chain. Oo, dun sa “love ko to”. Nang alisin na niya iyong helmet niya, nanlaki na lamang iyong mga mata ko sa pagkabigla. PUCHA! Iyong lalake na nakahalikan ko nung isang araw!

Natigilan na lamang ako. Hindi pa naman niya ko napapansin. Bumaba na siya ng motor niya at binibitbit iyong delivery bag niya. Nang lumapit na siya sa gate, dun na niya ko nakita. Nanlaki rin ang mga mata niya at natigilan din siya. Tapos hindi maipinta iyong itsura ng pagmumukha niya.

Mayamaya pa, may lumabas na na tao. Pero hindi na iyong babae kanina, kundi isang lalake na may hawak na wallet. Tumayo siya sa pagitan namin........

    “Uy! Nagpang-abot pala kayo...Alam niyo kasi, hindi kami magkasundo ng wifey ko sa kakainin namin...Gusto niya ng Chickenjoy at Palabok...Ako naman napapatikim ng Big Mac tsaka Shake Shake Fries...Kaya para walang away, dalawa na lang inorderan namin...Hehe...”ngingisi-ngising sambit nung lalake habang kumukha ng pera sa wallet niya.....

Napahinto siya sa ginagawa niya, nang mapansin niya ang reaksyon naming dalawa na delivery boy sa isa’t isa........

    “Teka...Bakit ganyan kayo magtitigan?....May something ba sa inyo?”

Hindi kami umimik pareho.......

    “Naku mga brad...Baka mamaya bigla kayong magsuntukan dito ah!...Huwag ganun...Magpapasko kaya dapat so happy together lang tayo”

Napatingin kaming dalawa sa kanya sa sinabi niya. Ngumisi naman siya sa amin at........

    “Ah! Alam ko na....Para di na kayo magkailangan, pipitsuran ko na lang kayo!...Tsaka, minsan lang din iyong ganitong moment...Kaya dapat may remembrance di ba?...Kukunin ko lang sandali iyong cellphone ko ah”

At pumasok nga siya sa loob ng bahay. Taena! Siryoso ba siya sa mga pinagsasabi niya?! Kung pwepwede lang sana na lumayas na ko, kanina ko pa ginawa eh. Kaso di pa naibibigay sa akin iyong bayad.

Ilang sandali lang, bumalik iyong lalake nang dala na nga iyong cellphone niya........

    “Oh dali magtabi kayo”sambit niya......

Nagkatinginan kaming dalawa. Tapos wala na kaming nagawa kung di ang sumunod na lang.........

    “Ngumiti naman kayo diyan”

Ngumiti ako, pero dahil napipilitan lang akong sumunod sa kalokohan niya, pilit din iyong ngiti ko. Kanina pa nakatutok iyong cellphone niya sa amin. Akala ko tapos na siyang magpitsur, pero biglang niya itong ibinaba at..........

    “Teka...Parang nakukulangan ako eh...Hmmm....Ah! Ikaw Jollibee, akbayan mo si Mcdo...Ay hindi, dapat pala magkapareho kayo...Tama! Mag-akbayan kayo!”sambit niya sabay ngisi.......

Pota! Pinagtritripan na kami ng gagong toh ah!........

    “Kaunting pasensya Jolly...Magtimpi ka...Mahirap maghanap ng trabaho ngayon....”bulong ko sa sarili ko....

Tumingin sa akin si Mcdo delivery boy. Sa titig pa lang niya, halatang bwisit na rin siya. Pero parang sinasabi din niya na gawin na lang namin, para matapos na. Napakamot na lang ako ng ulo. Sa bandang huli, nag-akbayan na nga lang kami. At sa wakas, natapos rin........

    “Oh iyan!...Ayos di ba?”sambit niya sabay pakita nung picture sa amin......
   
Isang sarkastikong ngisi na lang ang isinagot ko kay gago, sabay iwas ng tingin dun sa picture. Buset talaga! Tuwang-tuwa pa siya! Basta ko, ayaw ko tignan iyon........

    “Eh kung iupload ko kaya toh sa facebook at twitter? Tapos itag ko sa inyo...Tiyak maraming mapapangiti dito...Ano sa tingin niyo?”
    “HUWAG!!!”sabay kaming napabulalas ni Mcdo......

Nagulat naman at napaatras si gago sa naging reaksyon namin........

    “Mga brad...Huwag naman kayong masyadong oa...Kung ayaw niyo, eh di huwag!”

Matapos iyon, inabot na niya sa akin iyong bayad para sa pinadeliber ng asawa niya. Pagkakuha ko nito, kinalimutan ko na iyong pagtingin sa mga tinda nilang decorations. Dali-dali na kong bumalik at sumakay sa motor ko. Nagsuot na ko ulit ng helmet at lumarga na. Nilayasan at hinayaan ko na lamang silang dalawa. Nang tuluyan na kong makalayo, napabuntong-hininga na lamang ako.

                                                         
                                                         #


Makalipas ang isang linggo, isang araw na naman sa aking trabaho. This time, magdedeliber naman ako sa isang condo building. Bitbit ko na iyong delivery bag ko. Gaya ng madalas mangyari sa mga ganitong lugar na pinagdedelibiran ko, pinahinto ako ng guard sa may entrance. Kailangan muna kasing itawag at kumpirmahin dun sa unit na pagdedelibiran ko.

Nang papasukin na ko ng guard, dumiretso ko agad sa may elevator. Pagdating ko sa dapat nito, nagulat ako at napahinto! Taena si Mcdo! Sa lalake ng Pilipinas, bakit ba nagtatagpo at nakakasabay kami?!

Napalingon siya at ayun nagulat din siya, nang makita akong nakatayo sa may tabi niya. Hindi na lang ako umimik, sa pinto ng elevator na lang ako tumingin para walang gulo. Pero..........

    “Oi! Sinusundan mo ba ko?! Stalker ka siguro noh?!”

Uy! For the first time, kinausap niya ko. Ayaw ko sanang makipag-away o makipagtalo sa kanya eh. Kaso, ang angas ng tabas nung dila niya! Kaya napatingin ako sa kanya at........
   
“Stalker talaga agad?!...Hmph! Bro...FYI lang ah...Ginagawa ko lang iyong trabaho ko...Ano ba naman ang malay ko na magkakapareho tayo ng lugar na pagdedelibiran...Ni hindi ko nga alam dati na delivery boy ka rin pala...”bwisit kong sagot......
    “Huwag mo kong tatawaging bro!...Hindi kita kapatid at mas lalong hindi tayo close!”
    “Buset!...Siya na itong nag-SUA sa akin, siya pa itong maangas...”bulong ko sa aking sarili sabay iwas ng tingin sa kanya.....

Akala ko di niya ko narinig, kasi nga bumulong lang ako. Pero.........

    “Anong SUA?”usisa niya.........

Napatingin ulit ako sa kanya.........

    “SUA hindi mo alam? Eh  trending iyon ngayon sa balita...Sudden Unintended Accelaration! Gets?!”
    “Ahh...So kung ganun...Sa iyo na mismo nanggaling...U as in Unintended...Kaya hindi mo ko pwedeng sisihin”hirit niya......

May kasama pa iyong nakakalokong ngisi, kaya naman mas lalo akong nabadtrip sa kanya........

    “Anong hindi? Eh bigla kang sumulpot sa tabi ko nun!”
    “Anong ako? Ikaw iyong biglang sumulpot at humarang sa tabi ko!”
    “Hmph! Ako po iyong naunang dumating dun sa stall, kaya ikaw iyong sumulpot!”
    “Teka nga muna...Bakit ba napakabig deal sa iyo nito ha? Para aksidenteng halik lang eh...Siguro...Nasarapan ka sa halik ko noh?”

Langya! Pinipikon ako ng isang toh ah. Kung akala niya uubra sa siya akin, pwes nagkakamali siya! Dahil hindi ko siya uurungan!.......   

“Ako ba o ikaw? Kasi nananahimik lang naman ako dito kanina di ba, tapos bigla mo kong inangasan...So bro, baka ikaw iyong nag-enjoy sa mala-chickenjoy kong kiss!”ngingisi-ngisi kong sagot sa kanya para asarin din siya.......

Natameme siya bigla at napansin ko rin na namula ang mokong........

    “Ano bro? Langhap sarap ba iyong kiss ko?”dagdag ko pa.....

Dun na siya nagreact.......

    “Sa...Sabi ko di ba huwag mo kong tatawaging bro!”at talagang sinegwey na naman niya dun ang usapan......
    “Bro! Bro! Bro! BRO!”

Alam ko para na kaming mga bata dito. Pero nag-eenjoy ako na asarin siya eh. Samantala, tuluyan na nga siyang napikon........

    “TARANTADO KA AH!”malakas niyang bulalas.....

Muntik na niya kong hilain sa damit ko. Pero hindi ito natuloy dahil bigla nang tumunog iyong elevator. Sabay kaming napalingon. Pagbukas nito, isang tao lang iyong lumabas. Pero, ang awkward! Bakit? Delivery boy lang din naman siya, taga “so good”.........

    “Uy mga bro! Musta kayo diyan?”nakangiti niyang bati........

Hindi kami nagsalita, napakamot lang kami ng ulo at napaiwas ng tingin sa isa’t isa........

    “Aba!...Mukhang may LQ na nagaganap dito ha...”pabiro niyang banat....

Hindi na lang kami ulit umimik........

    “Uy mga bro biro lang iyon ah! Hehe...Oh paano? Una na ko sa inyo”sambit niya with matching saludo pa.........

Umalis na nga siya. At ang ganda rin pala ng timing nung paglabas niya ng elevator. Napansin ko kasi na ang sama na ng titig sa amin nung guard. Mukhang umabot ata sa kanila iyong lakas ng pagbulyaw nitong si mokong sa akin. At kung nagkataon na natuloy iyong dapat na gagawin niya sa akin, yari kami!

At dun ko lamang biglang naalala, may 30 minutes guarantee time nga pala kami sa mga customers! Baka mamaya lumampas pa ko nang dahil lang sa pakikipaggaguhan sa isang toh. Naku! Mga pabebe at reklamador pa naman ang mga tao ngayon!

Dahil dun, pumasok na ko sa elevator. Si mokong naman lutang pa rin, ni hindi niya napansin na nasa elevator na ko. Habang nakatingin ako sa kanya, bigla akong nakaisip ng pahabol na pang-asar........

    “Psst! Mcdo!”

Natauhan siya sa pagtawag ko sa kanya at napalingon.......

    “Mauna na kayo sa iyo ha...Byeeee!”nakangisi kong sambit na may kasama pang pagkaway......

Nanlaki ang mga mata niya, tila nahalata niya ang balak ko......   

“Hoy teka! Papasukin mo ko!”bulalas niya......

Pero syempre inunahan ko siya, pinindot ko na agad iyong door close button. At iyon, nasarahan siya! Sinubukan pa niyang katukin iyong pinto, pero bat ko naman siya pagbubuksan haha.........

    “Bahala ka diyan”tatawa-tawa kong bulong sa aking sarili sabay pindot na dun sa floor na pagdedelibiran ko.......

Matapos iyon ay panay pa rin ang tawa ko.

                                               
                                                           #


Ilang araw na lang ay Pasko na. Ibig sabihin, kaunti na lang ang oras ko. Kaya padating ng gabi, nang matapos na ang shift ko sa trabaho. Umuwi ako agad ng bahay. Nagbihis lang ako ng damit, tapos lumabas ako ulit. Ginamit ko ang sarili kong motor at nagpunta ko sa isang Christmas night market, na hindi naman kalayuan sa amin. Alam na kung bakit. Makikipagsapalaran na naman ako sa paghahanap ng turtledoves.

Siguro mga mahigit dalawang oras, naikot ko na iyong buong market. Pero malas dahil wala akong napala, wala akong nakita. Gutom at pagod lang ang inabot ko. May nakita akong nagtitinda ng bibingkang Pasko. Naisip ko na bumili na lang nun. Para may makain ako at para may maipasalubong na rin sa Mama ko. Tapos uuwi na lang ako.

Pagkabili ko, bumalik na ko sa kung saan ko ipinark iyong motor ko. Gutom na talaga ko, kaya pagsakay at upo ko sa motor, nagpasiya ko na lantakan na iyong isang bibingka.

Pasubo na ko, iyong tipong nakanganga na ko at isasalpak ko na iyong bibingka sa bibig ko. Nang bigla na lamang akong nakaramdam ng malakas na pagsagi sa likuran ko! Nagulat ko! At sa gulat ko, nasubsob iyong pagmumukha ko sa bibingka!

Kakaangat ko lang ng aking ulo, nang bigla naman akong tapikin ngayon! Ang lakas nung tapik na halos itulak na ko. Nabitawan ko tuloy iyong bibingka, pati iyong supot na may laman na para sana kay Mama. Ang mas nakakabwisit pa, sumalpok iyong noo ko sa dashboard ng motor ko!...........

    “Ah...Bro...So...Sori!...”

Boses iyon ng isang lalake na tila humahangos. At parang pamilyar........

    “PUT.......!”

Mapapamura na sana ko nang malakas. Pero paglingon ko, natigilan ako at halos malaglag ang panga ko sa kung sinong nakita ko. SI MCDO!........

    “IKAW?!”sabay naming bulalas......
    “Alam mo, lagi ka talagang epal sa buhay ko eh noh?!...Tignan mong ginawa mo oh...Wala na iyong pagkain ko, pati iyong bibingka na dapat ipapasalubong ko sa Mama ko...Wala na! Hindi na mapapakinabangan, NANG DAHIL SA IYO!”

Napatingin siya sa pagkain ko na nalalag sa simento, tapos tumingin ulit sa akin. Napahawak ako sa noo ko. Pagtingin ko sa kamay ko, may kaunting bahid ng dugo. Kainis, nasugatan pala ko........

    “Idagdag mo pa toh!”pagpapatuloy ko na may kasamang pagturo sa noo ko......

Kinuha ko iyong panyo ko mula sa bulsa ko. Pinunasan ko muna iyong mukha ko, dahil nga nadumihan nung bibingka. Hindi naman siya umimik at napansin ko na medyo humahangos pa rin siya. Napalingon siya sa likuran niya. Mukhang may trobol atang napasukan ang gagong toh. Para kasi siyang tumitingin kung may nakasunod ba sa kanya...........

    “Bro....Pabor naman oh...Paangkas diyan sa motor mo...Kailangan ko lang kasing makaalis dito...Baka...Baka maabutan ako nung mga kupal na humahabol sa akin eh....”sambit niya sabay lingon ulit sa akin.....
   
Tama nga ako..........

“HMPH!...Ngayon ikaw itong wagas makabro sa akin...Ang kapal mo din namang mokong ka noh...Pagkatapos nang ginawa mo sa pagkain ko, gusto mo pang bigyan kita ng pabor?! ASA KA MEN!”
    “Sige na bro...Parang awa mo na...Tulungan mo na ko!”
    “Nek nek mo! Wala akong pake kung may mangyari man sa iyo!”

Akala ko lulubayan na niya ko pagkatapos ng mga sinabi ko. Pero sumakay at umupo pa rin siya sa likuran ko. Nilingon ko siya agad at.......

    “HOY! Bingi ka ba?! Bumaba ka diyan, kung hindi ako mismo ang uupak sa iyo ngayon din!”

Pagkasabi ko nun, nagulat na lang ako nang bigla niya kong hawakan sa damit ko at hilain palapit sa kanya. Sakto, nagtapat at naglapit ang mga mukha namin! Nanlaki ang mga mata ko at natigilan na lamang ako.......

    “Makinig kang mabuti sa akin, BRO! Iaangkas mo ko dito sa motor mo, sa ayaw mo man o sa gusto...At kapag nagmatigas ka pa, makakatikim iyang labi mo ng isang mala-McFlurry NA HALIK mula sa akin!” 

Ewan ko kung bakit, pero biglang tumalon ang dibdib ko sa sinabi niya. Tapos naging pigil ang paghinga ko at napalunok ako. Bago pa man ako makapagsalita, biglang.........

    “HOY!!!”

Sabay kaming napalingon dun sa sumigaw. May dalawang mala-bouncer na mama sa may di kalayuan........

    “Taena! Nandiyan na sila!”bulalas ni mokong.....
    “Tarantado kang gago ka! IBALIK MO SA AMIN IYONG KINUHA MO!!!”bulalas naman nung isa sa mga mama.......

Tumatakbo na sila papalapit sa amin. Sa totoo lang, pati ako kinabahan na rin. Bukod kasi sa mga dambuhala sila, nakakatakot din iyong itsura ng mga pagmumukha nila!  Parang mga goons! At halos umuusok pa iyong mga tenga at ilong nila sa galit!.........

    “Ano pang tinutunga-tunganga mo diyan?! Paandarin mo na iyong motor!”
    “Eh...OO NA!...Eto na! Iyong isang helmet isuot mo!”natataranta kong sagot......

Dali-dali niyang sinuot iyong extrang helmet tapos humawak siya sa katawan ko, sa may bandang tiyan. Sinuot ko na rin iyong akin at inistart ko na iyong motor........

    “Bilisan mo na! UMARANGKADA KA NA!!”

At pinaarangkada ko na iyong motor. Medyo binilisan ko toh hanggang sa tuluyan na nga kaming nakatakas mula dun sa mga mala-gorilyang goons na iyon.

                                                          #


Habang patuloy kong pinapatakbo ang motor, naramdaman ko na parang masyado nang humihigpit iyong pagkakahawak niya sa akin. Halos yakapin at pisilin na ng mokong ang tiyan ko. Nahihirapan na tuloy akong huminga. Kaya nagpasiya ko na tumabi na muna sa ilalim ng isang poste ng ilaw. Tsaka wala na rin naman na iyong mga humahabol sa kanya..........

    “Oh bakit hininto mo?”usisa niya........

Tumingin ako sa kanya at........
   
“Anong bakit? Eh hindi ako makahinga sa ginagawa mo!...Ikaw ba talagang nananadiyang mambwisit o gusto mo lang namnamin iyong katawan ko?!”
    “Ay grabe siya oh...Oi bro kilabutan ka naman diyan sa mga pinagsasabi mo...Tsaka piling mo naman ang macho-macho mo”
    “Sus! Kanina nga gusto mo kong halikan eh”
    “Panakot ko lang po iyon para paangkasin mo ko”
     “Oh siya! Pwede ba bitiwan mo na ko at bumaba ka na muna?”

Hindi na siya kumontra, bumitiw na nga siya sa akin at bumaba. Nag-alis na rin siya muna ng helmet. Ganun din ako.........

    “Nga pala...Ano bang kinuha mo dun sa dalawang gorilya na iyon at nagbi-beast mode sa iyo?”

Kumamot lang siya ng ulo.........

    “Teka...Huwag mo sabihin sa akin na part-time snatcher ka?Hmph!”
    “Sa cute kong toh magiging snatcher ako? Excuse me ha...Iyong dalawang gorilya po na iyon ang mga snatcher!”
    “Huh?”
       
Ipinaliwanag niya sa akin ang lahat. Nakita raw niya iyong mga gorilya na nandurukot ng wallet. Ang ginawa niya, hinablot niya iyon mula dun sa dalawa. Tapos nung makatakas siya, hinanap niya iyong may-ari at ibinalik. Pero nung palabas na siya ng night market, para sana umuwi na, kamalas-malasan na nasalubong pa niya iyong mga asungot. Kaya ayun, hinabol siya........

“Eh shunga ka pala...Bat di ka na lang sana lumapit sa pulis di ba? Kesa naman sa ako pa iyong dinistorbo mo”
“Eh sa ikaw iyong una kong nakita eh”
“Ano pa nga ba...Oh sige na...Bahala ka na diyan...Uuwi na ko”

Magsusuot na sana ko ulit ng helmet, pero...........

    “Oi teka lang bro!...Lalayasan mo na lang ako basta? Ganun na lang ba iyon?”

Napaisip ako bigla sa sinabi niyang iyon. Kaya naman ibinaba ko ulit iyong helmet at pinatong sa kandungan ko..........

    “Ay!...Oo nga pala noh...Iyong isa nga pala diyan ang rason, kaya nawalan ako ng pagkain...At kaya hanggang ngayon eh gutom na gutom pa rin ako...Naku bro...Magpapasko na....Pa-Cheeseburger ka naman!”ngingisi-ngisi kong hirit.......

Hindi maipinta iyong pagmumukha niya sa banat ko.........

    “Alam mo, ang awkward na ikaw ang nagsabi niyan...Tsaka sa pagkakaalam ko, may atraso ka rin sa akin...Kaya dapat, quits lang tayo! At kaya wala ring dahilan, para magpa-Cheeseburger ako!”
    “At paano naman ako nagkaatraso sa iyo?”
    “Kunwari ka pa na nakalimutan mo...Oh sige ipapaalala ko sa iyo...Sinarahan mo ko ng elevator nung huli tayong nagkita di ba? At dahil dun sa ginawa mo, kinailangan kong magmadali sa pag-akyat ng hagdan para lang umabot sa 30 minutes guarantee delivery time...”
    “Umabot ka ba?”usisa ko habang nagpipigil ng tawa.......
    “HINDI!...At natapon pa iyong drinks na inorder nung customer! Kaya pagbalik ko sa branch namin, napagalitan lang naman po ako ng manager!”
    “Oh eh bakit ako ang sinisisi mo? Kasalanan mo iyon dahil shushunga-shunga ka”

Sa puntong iyon, hindi ko na napigilan na matawa. Na halata namang ikinairita niya.........

    “Sige! Tawa pa more!...Ang sama din talaga ng ugali mo eh noh”
    “Oi! Kung masama ang ugali ko, sana hindi kita tinulungan kanina di ba?...At dahil pinaangkas kita dito sa motor ko, hindi tayo quits! Kaya magpapa-Cheeseburger ka pa rin!”

Ang kulit ng itsura niya matapos kong sabihin iyon. Para siyang nanggigigil na hindi maintindihan. Akala ko nga magbi-beast mode na siya eh. Pero kumalma lang siya at..........

    “Oh sige na nga! Para matapos na toh...Ililibre na kita!”
    “Iyon! Eh madali ka naman palang kausap bro eh”
    “Hmph! Tara na...Dun tayo sa branch namin”
    “Anong sa inyo, ayaw ko noh!...Gusto ko dun sa amin”   
“Huh?...Eh akala ko ba gusto mo Cheeseburger?”
“Meron din naman nun sa amin ah...Tsaka...Napapatikim rin kasi ko ng...Chicken, spaghetti at french fries”
“Wow! Hindi ka rin naman gaanong garapal noh?”
“Sige na bro...Magpapasko naman eh”

Alam ko mas lalo siyang naaburido sa akin. Pero dinaan ko na lang siya sa isang matamis na ngiti. At mukhang tumalab naman ito. Nanatili pa rin kasi siyang kalmado. Napansin ko rin na medyo napapangiti na rin siya. Agad nga lang siyang umiwas ng tingin sa akin. Ayaw ata niya ipahalata iyon hehe.........

    “Teka...Eh halos lahat naman ng meron kayo, meron din kami di ba?”
    “Hindi ah...Mas espesyal iyong chicken namin, kasi merong joy..Iyong sa inyo, wala”
    “Hmph, mas masarap naman ang french fries namin”
    “Mas masarap ang spaghetti namin!”
    “Meron kaming Aldub...Tamang Panahon, 41 million tweets!”
    “Retweet kamo! Hmph!...Tsaka ano naman ngayon? Meron kaming JaDine...OTWOL, trending gabi-gabi!”

Muntanga nga lang, dahil medyo nawawalan na ng konek sa pagkain iyong mga pinagsasabi namin. Nagiging non-sense na toh at nagmumukha na naman kaming mga bata. Pero sa totoo lang, nag-eenjoy ako. Nag-eenyoy ako sa pagkikipagtalo sa kanya nang ganito. Feeling ko para lang kaming naglalambingan........

    “Nasa amin ang king of the Gil!”pagpapatuloy niya......
    “Nasa amin ang pop star princess! Hehe...”
    “Buset! Alam mo, hindi tayo matatapos nito eh...Ang mabuti pa, magbato-bato pick na lang tayo! Kapag ako nanalo, dun tayo sa amin...Kapag ikaw, dun tayo sa inyo...Call?”
    “Call!”

Nagbato-bato pick na nga lang kami. Pero ang masaklap at nakakaloko na nakakatawa, laging pareho iyong drino-draw ng mga kamay namin. Nakakapitong-ulit na siguro kami at laging ganun ang nangyayari............

    “Nyeta naman bro! Umayos ka naman, para matapos na tayo”sambit niya na kasamang pagkamot ng ulo.....
    “Bakit ako? Eh hindi ko rin naman gusto na magkapareho lagi tayo ng draw....Tsaka kanina pa kalam nang kalam iyong sikmura ko dito noh...Gustong-gusto ko na rin na makalamon” 
    “Fine! Kung hindi uubra sa atin ang matinong usapan at bato-bato pick...Then, wala na tayong choice...Isa lang ang naiisip ko na pwede nating kainan....”

                                                         
                                                          #


Hindi niya sinabi sa akin kung saan kami mismo kakain. Basta sinabihan lang niya ko na lumarga na kami at ituturo na lang niya iyong daan. So sumunod na nga lang ako sa kanya. Hanggang sa nakarating na kami sa gusto niyang kainan namin.........

    “Dito tayo”sambit niya......

Ewan ko, pero di mawala ang ngisi sa labi ko nang makita ko iyong kainan na tinutukoy niya.........

    “So good?”reaksyon ko.....
    “Oo...Eh di ba, nung nag-aaway tayo sa may tapat ng elevator last time...Si so good din iyong nagkapagpatigil sa atin? Kaya dito iyong naisip ko...”
    “Haha...Oo nga pala noh...Isa kang henyo bro!”
    “Hehe...”
    “Pero di ba awkward?”
    “Bat naman...Eh hindi naman tayo nakauniporme”
    “Sabagay...So...Sa Kathniel ang naging bagsak natin”
    “Ahahaha!”sabay na lang kaming natawa......

Ipinark ko na nang maayos iyong motor ko. At habang nagtatanggal na kami ng helmet..........

    “Eh bro...Mas mahal dito di ba...Okay lang ba sa iyo?”usisa ko.....
    “Sus...Ayos lang iyon noh...”

Di ko alam kung nagkamali lang ba ko, kung guni-guni ko lang ba o ano, pero parang may narinig akong ibinulong niya pagkatapos nun........

    “Basta makasama kita ulit”

Kaya pagkatanggal ko sa helmet ko, napalingon ako sa kanya at.........

    “May ibinulong ka ba?”usisa ko.....
   
Natanggal na rin niya iyong helmet niya, ibababa na sana niya toh pero napahinto siya dahil sa pagtatanong ko..........

    “Wa...Wala...Baka minumulto ka lang diyan bro”

Ibinaba at tinabi na niya iyong helmet. Matapos iyon ay bumaba na kami ng motor at pumasok na sa loob. Habang naghahanap kami ng pwesto na mauupan, nakarinig ako ng tunog ng cellphone. Sa kanya pala, so sinagot niya muna habang ako naman iyong nagpatuloy sa paghahanap.

Nang makahanap na ko ng pwesto, nauna na kong umupo. Mayamaya ay sumunod na rin siya. Nagpapaalam pa siya dun sa kausap niya. Nang tuluyan na siyang matapos..........

    “Kaibigan ko...May tinatanong lang”

Nilapag niya iyong cellphone niya sa mesa.........

    “Oh dito ka na lang ha...Ako nang oorder...Ano nga ba iyong gusto mo?”usisa niya......

Sasagot pa lang sana ko, pero bigla niya kong pinigilan........

    “Ayyy huwag mo na palang sagutin iyan! Naalala ko na iyong gusto mo...Baka mamaya eh dagdagan mo na naman...Mahirap na...”

Napangisi na lang ako sa sinabi niya. Matapos iyon ay lumakad na siya para umorder na. At naiwanan niya iyong cellphone niya sa mesa. Habang naghihintay ako kay mokong, tumunog ulit iyong cellphone niya. Pero pang text lang iyong tunog nito.

Napatingin ako dito. Nakailaw iyong screen nito dahil nga sa katatapos lang nito tumunog. At nagulat na lamang ako sa nakita ko. Iyong wallpaper niya, PICTURE NAMING DALAWA NA MAGKAAKBAY! Bigla kong naalala, ito malamang iyong kinuhaan dati nung customer namin na malakas mangtrip!

Taena! Bigla na namang tumalon iyong dibdib ko. Tapos bumibilis iyong pintig nito. Di ko maintindihan kung bakit. Mayamaya, nang bumalik na siya.........

    “Heto na po iyong pagkain niyo kamahalan...Pwede na kayong lumamon...Pakabusog kayo ha”sambit niya sabay lapag nung tray ng pagkain sa mesa.....

At talagang kinumpleto niya iyong mga sinabi ko kanina. May chicken, spaghetti tsaka french fries. Pero dahil walang cheeseburger dito, iyong available na lang nila na burger ang ipinalit niya.

Okay na rin, pero parang hindi ata ko makakakain nang maayos neto dahil sa nakita ko sa cellphone niya. Kahit gaano pa ko kagutom ngayon, hindi ako mapapalagay nang di ko siya tinatanong tungkol dito.........

    “Oh...Bakit ayaw mo pang kumain?”usisa niya, tapos umupo na rin siya sa tapat ko.......

Imbis na sumagot, dinampot ko iyong cellphone niya at.........

    “Ano toh?”usisa ko sabay pakita sa kanya nung wallpaper niya.....

Natigilan siya at napanganga.........

    “Bro! Mag...Magsalita ka, anong ibig sabihin nito?”
    “Ah...Eh...Ano...Eh....Eh di re...remembrance!”nauutal-utal niyang sagot sabay bigla agaw nung cellphone mula sa akin......
    “Remembrance mo mukha mo! Paano ka nagkaroon niyan?!”
     “Ano ba namang tanong iyan? Eh di syempre hiningi ko dun sa customer na nagpicture sa atin...Tsaka remembrance naman talaga iyan di ba? Iyon din iyong rason kaya pinitsuran tayo nun nung customer...At narealize ko na tama naman siya....Minsan lang iyong ganung moment....Kaya...Kaya ito...”
    “Eh bat...Bat kailangan mo pang gawing wallpaper diyan sa cellphone mo?!”
   
Hindi siya makasagot. Pero halata naman sa itsura niya na hindi lang toh basta remembrance para sa kanya. Pano, namumula na naman siya!.........

“Bat ka ba! Eh sa gusto ko eh!...Wala namang basagan ng trip bro”at nagsalita na siya........

Anak naman ng tokwa! Walang basagan ng trip, eh parang hindi na trip toh eh! Biruin mo, nakadisplay iyong pagmumukha mo sa cellphone ng tao na ni di mo naman kilala o close! Nakakaasiwa! Nakakagago! Higit sa lahat, nakakapanghilakbot. Oa na ko kung oa, pero para sa akin hindi ito dapat.........

    “Alisin mo iyan!”
    “Ayaw ko nga!”
    “Ah ayaw mo...Pwes! Amina iyan! Ako ang mag-aalis!”

Sinubukan kong agawin mula sa kanya iyong cellphone niya. Pero hinawi niya palayo iyong kamay niya. Tapos dali-dali niyang pinasok sa bulsa niya iyong cellphone..........

    “Beh!”at dinilaan pa niya ko sabay ngisi.........

Sa puntong iyon, alam ko wala na kong magagawa. Kaya sa badtrip ko, napakamot na lang ako ng ulo........

    “Alam bro...Nasasayang lang iyang oras mo diyan sa pagbi-beast mode...Tsaka mahiya ka naman...Nasa public place tayo oh...Ang mabuti pa, ikain mo na lang iyan”ngingisi-ngisi niyang banat.......

Inalis na niya iyong mga pagkain mula sa tray. Nilagay niya sa tapat ko iyong mga para sa akin at sa tapat niya iyong kanya. Sunod ay iyong mga kubyertos. Ano pa nga ba ang magagawa ko kung di ang kumain na lang.

Inuna ko iyong burger, kinuha ko ito at binuklat iyong balot na papel. Mula pa nung maliit ako, ayaw na ayaw ko na ng condiments. Kaya naman dinampot ko iyong kutsara ko, tapos kumuha ko ng tissue para alisin muna sana toh. Pero bago ko masimulan toh........

    “Ano iyang gagawin mo?”
    “Aalisin iyong condiments...Di ako ako kumakain eh”
    “Di na kailangan...Sinabi ko na kanina nung umoder ako na huwag nilang lagyan...”

Nagtaka ko sa sinabi niya...........

    “Teka...Paano mo nalaman na di ako kumakain ng condiments?!”
    “Ahmmm...Ah...Ano, pareho kasi tayo bro...Kaya nakasanayan ko na  na di pinalalagyan kapag bumibili ako....Eh...Nawala sa isip ko na sa iyo nga pala iyan...Iyon”   

Duda pa rin ako sa sagot niya, para kasing nagpapalusot lang iyong dating. Sa totoo lang, nawiwirduhan na ko sa taong toh.

Tinuloy ko na lang ang pagkain. Habang kumakain, napansin ko na panay ang sulyap niya sa akin. Syempre nakakailang iyon di ba, kaya hindi tuloy ako makakain nang maayos. Hays.........

    “Ano ba naman iyan?! Tingin ka nang tingin sa akin, nakakairita! Hindi ba pwedeng kumain na lang tayo nang matino? Ha?!”
   
Akala ko, ngingisihan na naman niya ko o kaya gagatanungan ng pang-aasar. Pero hindi iyon ang ginawa niya, naging siryoso siya this time..........

    “Ah...Tinitignan ko kasi iyong sugat mo sa noo...Dumudugo pa pala....Ahmmm bro...Sorry ha...Dahil sa mga kapalpakan ko, nasaktan at naabala pa kita...Pasensya na talaga kung...Kung puro perwisyo ang dinala ko sa iyo”

Naramdaman ko ang pagkasinsero niya dun. Kahit sa mga mata niya, nakita ko ito. Matapos iyon ay bigla na lamang siya tumayo at lumapit sa tabi ko.......

    “Oh bakit?”
    “Naalala ko...May band-aid nga pala ko dito...Eto oh”sambit niya sabay labas ng isang pirasong band-aid mula sa bulsa niya......
    “Sa...Salamat bro”

Kukunin ko na sana iyon. Pero imbis na iabot sa akin, binuksan na niya toh.........

    “Ako nang magdidikit”
    “Ha?! Di mo na kailangang gawin iyan...Kaya ko naman mag-isa eh”
    “Talaga? Eh paano mo naman malalaman kung nasaan banda mismo iyong sugat? Eh di mo naman nakikita at wala ring salamin dito”

Hindi na ko nakapalag. Pagkabukas kasi niya sa band-aid agad na niyang hinawi iyong buhok ko at dahan-dahang hinawakan nang dalawang kamay ang noo ko.

Kasunod nun, bigla akong kinabahan. Unti-unti kasi niyang inilalapit iyong mukha niya sa akin. Nang magtapat ang mga mukha namin, nginitian niya ko. Dahan-dahan umangat siya sa may bandang noo ko. Putek! Akala ko hahalikan niya ko. Pero, hangin ang naramdaman ko. Hangin na tila marahan na humahaplos sa sugat ko.

Dun ko napagtanto iyong ginagawa ng mokong, iniihipan niya iyong sugat ko. Langya ang awkward ng itsura namin. Tapos may mga ibang tao pang nakakakita..........

    “Ah bro...Kai...Kailangan ba talagang samahan mo pa ng ganyan?”usisa ko habang nakatingin lang sa kanya.......
    “Syempre, para maalis muna iyong mga dumi di ba”
    “Pinaglololoko ata ko ng isang toh ah...Kailan pa naging paglinis ng sugat ang pag-ihip?”bulong sa aking sarili.........
    “Bro, huwag mo sabihin sa akin na nahihiya ka?”
    “Natural! Ikaw pa nga itong nagpapaalala sa akin kanina na nasa public place tayo eh...Tapos ngayon ganito ginagawa mo...Baka mamaya kung ano pa isipin ng mga tao sa atin”

Huminto siya at tumingin-tingin sa paligid namin. Pero bumalik din siya agad sa pag-ihip........

    “Sus! Hayaan mo nga sila...Hayaan mo sila, na mainggit sa kasweetan natin hihi”
    “Siraulo!”

Hinayaan ko na lang din siya. Narerelax din naman kasi ko sa ginagawa niya eh. Ewan ko ba, pero nawala bigla lahat nung bwiset at badtrip ko sa kanya. Iyon nga lang, napalitan iyon ng muling pagbilis ng pintig ng dibdib ko. Tapos, nahuli ko na lang ang sarili ko, na pasimpleng napapangiti.

Mayamaya ihininto na rin niya ang pag-ihip at sinimulang idikit iyong band-aid. Nang matapos na siya.........

    “Oh bro...Ayos na...Natakpan ko na iyong sugat mo...At gagaling na iyan dahil sa magic ihip ko hehe”

Natawa ko nang mahina dahil dun sa huli niyang sinabi.......

    “Hmph, salamat ha...”

Bumalik na siya sa kinauupuan niya kanina.........

    “Hmmm...Eh bro, iyong sugat kaya sa puso ko...Kaya mo kayang takpan at paggalingin?”

Siryoso iyong pagkakatanong ko nun.........
   
“Bro...”

At natagilan ang mokong. Eh pinagtritripan ko lang naman siya. Gusto ko lang tignan kung ano magiging reaksyon niya. Kaya naman natawa na lang ako..........

    “Ahahaha! Joke lang iyon bro!”
    “Hmph...Ayos ah...Nadale mo ko sa hugot na iyon ah...Hehe”
    “Pinapagaan ko lang naman iyong sitwasyon natin eh...Kasi nga...Kanina pa ko nagbi-beast mode di ba?...Pero mali ako...Hindi dapat puro init ng ulo ang pinaiiral ko...Hindi dapat kita binulyawan...Pasensya ka na rin sa akin bro ah”napapangiti kong sambit......
    “Huwag mo nang isipin iyon...So ano? Kain na tayo”

Napatango at ngiti na lang ulit ako sa kanya. Matapos iyon ay ipinagpatuloy na namin ang pagkain.

                                                        
                                                         #


Nang matapos na kaming kumain at lumabas na kami ng fast food chain..........

    “Sige bro...Medyo lumalalim na kasi ang gabi eh...Mauna na ko sa iyo...”pagpapaalam niya.......
    “Teka...Bakit di ka na lang sumabay sa akin, kung gusto mo bro ihahatid na lang kita sa inyo”
    “Ha?!”

Parang nagulat siya sa alok ko........

    “Huwag...Huwag na...Okay na ko...Maaabala na naman kita...Tsaka Ma...Malapit lang din naman ako dito...Mag...Magji-jeep na lang ako”nauutal niyang sagot......
    “Sigurado ka?”
    “Ahmmm....”

At sakto naman, may paparating nga na jeep...........

    “Sige ha...”

Agad niyang pinara ito. Gusto ko pa sana siyang pigilan, di ko mawari kung bakit. Pero dali-dali na siyang tumakbo at sumakay, para bang nagmamadali siya na makaalis na. At ayun, nakaalis na nga siya.

Pumunta na ko sa motor ko. Napadantay ako sa upuan. At dun ko lamang biglang naisip, iyong dahilan kaya gusto kong pigilan kanina na umalis si Mcdo. Ampucha! Hindi ko nagawang itanong iyong pangalan niya! Ni hindi ko nagawang hingiin iyong number niya!

At napasabunot na lamang ako ng dalawa kong kamay sa buhok ko. Iyong feeling na...nakasama mo na nang matagal-tagal iyong tao, tapos nilibre ka pa ng pagkain. Sabay hindi pa pala kayo nakakapagpakilala sa isa’t isa!........

    “Arrrgh! Kung di ba naman ako shunga’t kalahati!...Jollyyyyy! Isa kang malaking bobo! Utak-biya! Walang utak! Arrrgh!..........”


                                                          #


At dumating na nga ang araw ng Pasko. Naging okay at masaya naman ang noche buena namin kagabi sa bahay. Pero, nandun pa rin iyong pakiramdam ko na parang may kulang. Ang totoo, nakakaganito talaga ko lagi taon-taon. Lalo na kapag nabibigo akong makahanap ng turtledoves.

Napuyat man ako kagabi, nagpasiya ko na magising nang maaga ngayong araw. Naisip ko kasi na hindi pa naman tapos ang Pasko. At itong araw na toh, ito ang last chance ko para maghanap. At tamang-tama rin, dahil wala akong pasok.

Mga bandang alas diyes, bihis na ko. Paalis na ko at nakasakay na ko sa motor ko. Pero, ayaw nitong magstart. At ngayon pa toh nagloko! Nakailangang subok ako, pero ayaw talaga. Nagtanggal na ko ng helmet, bumaba na ko at napakamot na lang ng ulo.........

    “Ano ba namang buhay toh oh! Ang aga-aga, kamalasan agad ang sumalubong sa akin...”

Ayun, nagcommunte na lang tuloy ako. Kahit na mahirap at nakakapagod toh, tumuloy pa rin ako sa paggagala. Kung saan-saang mall at tiyangge ako narakating hanggang sa inabot na ko ng dilim. Kahit na napakaraming tao, pinilit kong makipagsiksikan. Pero nakakabwisit! Hindi pa rin ako pinapalad!

Matapos sa mga mall at tiyangge, napadpad ako sa isa na namang Christmas night market. Pero last na toh, dahil ayaw ko na, napapagod na ko! Nagulat ako, dahil pati rito ang dami ring tao. Kung tutuusin kasi ay patapos na ang Christmas rush. Kaya ang inaasahan ko ay kaunti na lang ang mga namimili sa ganitong lugar. Pero mali pala ko.

This time, hindi na ko nag-ikot o nakipagsiksikan sa mga tao. Lumakad na lang ako sa kung saan banda man ako dalhin ng mga paa ko. Hanggang sa bigla akong napahinto. May nakita kasi kong batang lalake na may kung anong nilalaro sa kamay niya. Turtledove! Hindi ako pwedeng magkamali, turtledove iyong hawak-hawak niya!

Nilapitan ko siya para makita ko ito nang mas maigi. Nasa bagay na hawak niya iyong atensyon niya, kaya di niya napansin na nakatayo na ko sa likuran niya. Pero tama nga ako, turtledove nga iyong nilalaro niya. 

Tatapikin ko na sana siya para kausapin. Pero may ale na dumating at hinawakan siya. Mukhang nanay ata niya........

    “Ano ka ba namang bata ka!...Sabi ko di ba huwag kang lalayo sa akin!...Halika na at uuwi na tayo”sambit nung ale........

Naku hindi pwede toh, kailangan maitanong ko muna kung saan nila nabili iyong turtledove niya, bago sila makaalis. Kaya naman......

    “Ah ate...Sandali lang po!”

Napatingin sila sa akin.........

    “Tatanungin ko lang sana kung...Kung saan po nabili iyong turtledove na hawak niyang bata?”usisa ko na may kasamang pagturo dun sa turtledove......

Napatingin si ate sa bata. Iyong bata naman hindi umimik. Pero, lumingon siya sa kanan niya. Tapos inangat niya iyong kamay niya at may kung anong itinuro. Sinundan ko ito ng tingin. Itinuturo pala niya ang isang maliit na stall na malapit lang.

Bigla akong nabuhayan ng loob. Dahil mula sa kinatatayuan ko, natanaw ko na may turtledoves nga na tinda dun. Kakaunti na lang iyon, pero ang importante ay nakakita na rin ako sa wakas! Napangiti na lamang ako. Tumingin ulit ako sa kanila at..........

    “Salamat ha”

Matapos iyon ay lumakad na ko papunta sa stall. Masyado kong excited na makabili, kaya hindi ko magawang alisin ang mga mata ko sa stall. Mga ilang hakbang na lang ako mula dun, nang biglang.......

    “ANO BA!”bulalas ng isang boses na pagkalaki-laki at galit.......

May nabangga ako. Malakas ang pagkakabangga ko sa kanya, pero ako iyong napaatras pagkatapos. Pagtingin ko, nagulat ako’t nanlaki ang mga mata ko! IYONG DALAWANG GORILYA!...........

    “Teka...Parang namumukhaan kita ah!”sambit niya......
    “Siya iyong nakamotor na kasama nung......!”putol na dagdag ng kasama niya.......

Nagkatinginan silang dalawa, tapos tumigin silang pareho sa akin nang masama........

    “Ah...Mga bro...Ba...Baka napagkamalan niyo lang ako na kakilala niyo....Kita niyo naman, ang pogi-pogi ko di ba?....Artistahin...Kaya marami talaga kong kamukha...Ehehe...”pagpapalusot ko na may kasamang pilit na tawa.......

Hindi umubra iyong palusot ko. At sinimulan na nilang patunugin iyong mga kamay at daliri nila na parang kating-kati na sila na banatan ako! Sa puntong iyon, napalunok na lamang ako dahil sa kaba.

Napatingin ako dun sa stall, pati sa mga turtledoves. Tapos napalingon ulit ako sa kanila. Bwiset! Wrong timing naman kasi sumulpot ang mga toh! Pero, hindi pwede na tumayo lang ako dito. Dahil tiyak na malalamog ako sa dalawang toh. Tsaka di ko rin pwedeng hayaan na magkagulo kami dito. Maraming tao at stall na madadamay.

Naks! Parang Dragon Ball lang ang peg eh noh. Hahanap muna ng safe na lugar, bago makipaglaban sa mga mukhang dyukul na toh haha. Pero siryoso, wala akong ibang pagpipilian ngayon kung di ang magpahabol na lang sa kanila at lumayo na muna sa lugar na toh.

Dahil dito, agad na nga kong tumakbo. Gaya ng inaasahan ko, hinabol nila ko. Tumakbo ko papunta ng parking lot. Pagdating ko, dun ko lamang naalala na........

    “NALINTIKAN NA! Wala nga pala kong dalang motor!”bulalas ko.......

Napalingon ako sa likuran ko. Pagtingin ko, natanaw ko na nakasunod na pala agad iyong dalawa. Ang mga walang hiya, ang bibilis! Tumakbo na lang ako dun sa exit ng parking lot na sakto ay kalsada na ang labas. Paglabas ko, nagpaikot-ikot ako sa mga kalye. Para lang mailigaw sila.

Hindi ko namalayan na mali na pala ang nadaanan ko.  Nagulat at napahinto na lang ako dahil dead end na pala ang binagsakan ko. Pero hindi iyong dead end na may pader ah. Nasabi ko lang na dead end dahil may nakatenggang hukay sa harapan ko.
Under construction pala dito.  Langyang di man lang nila nilagyan ng sign man lang. Tapos pundido pa iyong ilaw ng poste banda dito, kaya hindi ito basta mahahalata. Kung di pa siguro ko huminto, malamang nashoot na ko.

Syempre, wala akong magagawa kung di ang bumalik. Pero paglingon ko, nakatayo na pala sa likuran ko iyong dalawa!...........

    “Pinahirapan mo kami ah....TAPOS KA SA AMIN NGAYON!”

Pasugod na sila sa akin pero.........

    “HEP! Teka muna!”pag-awat ko sa kanila na may kasamang pag-angat ng dalawa kong mga kamay.........

Napahinto sila dahil sa ginawa ko.........

    “Magkalinawan nga muna tayo mga bro...Bakit niyo ba ko hinahabol? Eh hindi naman ako iyong may atraso inyo di ba?”
    “Anong hindi....Eh kasama ka nung gagong sumabotahe sa amin, DI BA?!”sagot nung isa..........
   
Ibinaba ko na ang mga kamay ko at napakamot na lang ako ng ulo.........

    “Oh siya...Kasama na niya ko, kung kasama....Pero tapos na iyon eh...Move on move on din pag may time...Tsaka Pasko naman ngayon mga bro...Dapat nagmamahalan tayo”
    “HEH! Wala kaming pakialam kung Pasko ngayon! Hindi ka namin titigilan hangga’t di kami nakakabawi!”sambit naman nung kasama........
    “Eh di wow! Kayo na ang bitter...Kayo na ang mga Ms. Germany dyukul plus gorilya version!”
    “TALAGANG INIINIS MO KAMI AH!”

Sinugod na nga ko nung isa! Sapak dapat ang aabutin ko mula sa kanya. Pero nakailag ako. Pag-ilag ko, nasubsob ang loko dun sa hukay. Agad na sumunod iyong isa, pero nagawa ko naman siyang patirin. Dahilan para sumunod din siya sa hukay.

Tignan mo nga naman, kelalaking mga bakulaw, hukay lang pala ang katapat! Ayun, panay ang daing nila mula sa ibaba. Ako naman, di ko napigilan na matawa............

    “Oh ano mga bro? Nakarma kayo ngayon!....Alam niyo, may bagay na kanta sa inyo eh....”

At sinabi ko ito nang pakanta..........

    “Kaya ngayong Pasko...Kulungan bagsak niyo! Pakyu! Pakyu! Buti nga sa inyo!”

Tawa na lang ako nang tawa matapos iyon.........

“Haha...Oh paano mga dyukul na gorilya? Hintayin niyo na lang iyong mga pulis na susundo sa inyo ha? Babyeeee!”ngingisi-ngisi kong pang-aasar sabay kaway sa kanila.....


                                                        #


Kasunod noon ay nagpunta muna ko sa pinakamalapit na police station, para ireport iyong mga dyukul na gorilya. Matapos kong magreport, nagdamali akong bumalik sa night market. Pero pagdating ko sa stall, laking gulat ko dahil wala na iyong mga turtledoves sa tinda! Dahil dito, agad akong nagtanong sa babae na nagbabantay.........

     “Ah ate...Kanina kasi nakita ko na may tinda kayo ditong turtledoves...Meron pa ba kayo?”
    “Ay naku naubos na eh...Kakaunti lang talaga kasi iyon”

Feeling ko, para kong salamin na bigla na lang nabasag, matapos ang mga narinig ko.......

    “Pero alam mo...Kaaalis-alis lang din nung lalake na bumili nung huling dalawang piraso nun eh...Nagkasalisi lang kayo”
    “Sige ate...Salamat na lang”

Dahan-dahan akong naglakad paalis nang nakayuko. Lutang ako habang naglalakad, dahil di ko matanggap ang kagaguhang toh. Abot-kamay ko na kanina, nawala pa ulit. Mayamaya pa, may nakita akong bakanteng bangko. Naupo na lamang muna ko.

Pagkaupo ko, hindi ko na napigilan na maluha. Marahil para sa iba, napakababaw nito para iyakan, kasi Christmas decor nga lang naman toh. Pero sa akin hindi, dahil may sentimental value ang turtledoves para sa akin.

Sa puntong iyon, habang patuloy ang pagbagsak ng mga luha ko. Muling bumalik sa akin ang dahilan ng lahat ng ito. Ang dahilan, kung bakit ba mahalaga sa akin ang turtledoves.............

Mga 12 years ago na rin pala iyon at 11 years old lang ako nun. Kapaskuhan din, December 25 mismo. Nasa bahay ang best friend kong si Mackey Nubles pati ang mga magulang niya. Sina Mackey ay kapitbahay din namin.
Habang nagkakasiyahan ang mga magulang namin sa may hapag, kami naman ni Mackey ay katatapos lang manoond nung movie na Home Alone 2. Dun namin nalaman iyong tungkol sa turtledoves.

Kailangan may dalawa ka nun. Iyong isa, ibibigay mo sa isang taong espesyal sa iyo. At iyong isa pa, itatago mo naman.  Sabi dun, hangga’t itinatago at iniingatan niyo iyong mga turtledoves niyo, mananatili ang pagkakaibigan niyo.

Tamang-tama nun, dahil may turtledoves kami sa Christmas tree namin nun. So niyaya ko si Mackey sa sala namin, para kumuha nun. Naaalala ko pa nga, nagpapatunog pa sina Mama nun ng cd ni Jose Mari Chan. At natatandaan ko pa rin, iyong kanta na tumutugtog habang nasa tapat kami ng Christmas tree.

    ........Give me your heart for Christmas........
    ........Wrap it with joy and cheer........

    “Ayun Mackey oh! Tignan mo, meron kami nung kagaya sa movie!”sambit ko sabay turo sa turtledoves na nakasabit sa may bandang itaas na bahagi nung Christmas tree namin.....

Sinundan naman niya ng tingin iyong itinuturo ko........

    “Oo nga noh!”sagot niya tinginan ulit sa akin......
   
    ........Let every beat sing to repeat........
    ........Our love will last each moment of the year........

    “Gawin din natin iyong ginawa sa movie”
    “Sige ba...Pero Jolly, paano naman natin maabot iyan? Eh ang taas eh”

Pero kaming maliit para sa edad namin nun. Kaya talagang hindi namin basta maabot iyon. Pero nakaisip naman ako ng paraan, kumuha ako ng stool na matutungtungan.........

    ........Just...Give me your heart for Christmas........
    ........Only your love will do........

    “Medyo umuuga itong stool, hawakan mo ha...Ako na lang ang kukuha”sambit ko.....

Tumuntong na nga ako. Nakakuha naman ako agad ng dalawang piraso ng turtledoves. Agad ko inabot iyong isa kay Mackey........

    “Oh ito iyong parang sa iyo”

Napangiti siya at kinuha naman niya toh.........

    “Wow! Ang ganda pala nito!”sambit niya......

Tuwang-tuwa siya habang pinagmamasdan ito. Pero nang dahil naman sa tuwa na iyon, bumitiw siya sa stool.......

    “Oi Mackey!”
   
    ........And with each sigh, you’ll know that I........

Nagpauga-uga iyong stool habang nakatungtong pa ko. Hanggang sa tuluyan itong nawalan ng balanse at natumba. Dahi dun, nalaglag ako. Napapikit ako nun sa pagkakalaglag ko. Pagdilat ko ng mga mata ko, laking gulat ko dahil nasa ibabaw ako ni Mackey at magkadikit na ang mga labi namin! Napansin ko rin na saktong nagdikit iyong tuka ng mga hawak naming turtlesdoves.

    ........Have given you my heart for Christmas too........
   
Mga ilang segundo din iyon. Dun, dun ko unang naramdaman iyong feeling na parang biglang nagliwanag ang paligid ko. Tapos may mala magical na chimes. Bukod pa dun, dun ko rin unang naramdaman na bumilis ang pagpintig ng dibdib ko.

Nang tumayo na kami, hindi kami nagkibuan. Naupo lang kami sa sahig. Nakaindian seat kami, tapos magkatalikod at nakasandal kami sa isa’t isa.
Para kaming biglang nagkahiyaan nun. Tapos ako, di ko alam kung ano ang gagawin o sasabihin.

    ........And when it’s Christmas eve........
    ........We’ll sit around the tree........
   
Mayamaya pa, siya na iyong bumasag sa katahimikan namin..........

    “Jo...Jolly....”
    “Oh?”nagsalita na rin ako......
    “Paano iyan? Nagkiss tayo....Ibig sabihin ba nito, mag-asawa na tayo?!”
    “HA?! A...Ano ba iyang pinagsasabi mo Mackey?! Hindi naman tayo kinasal ah....Tsaka pwede ba iyon? Eh pareho tayong boys......”

    ........And hear the church bells ring........
    ........They’re ringing for you and me........
Sa totoo lang, nakakatawa kami nun. Hindi kasi namin lubusang nalalaman at naiintindihan iyong mga pinagsasabi namin.

Habang nakasandal pa rin kami sa likuran ng isa’t isa, sabay kaming napalingon. Namumula siya, malamang ganun din ako nun. Unti-unti sabay rin kaming napangiti.........

    “Basta...Magkaibigan pa rin tayo...Kahit ano pa iyong nangyari....”sambit ko....
    “At kahit ano pa ang mangyari”

    ........So...Give me your heart, darling for Christmas........
    ........Open it wide for me........

Matapos iyon, naramdaman ko na lang ang pagkuha at hawak nang mahigpit ni Mackey sa isa kong kamay. Iyong isa ko pang kamay, hawak naman iyong turtledove ko. Inangat ko ito at ganun din ang ginawa niya.........

    “Ingatan mo iyan ah...”nakangiti kong sambit.......
    “Ikaw din, dapat ingatan mo rin iyan”nakangiti rin niyang sagot

    ........And in return my love will burn........   
    ........As bright as every candle on the tree........

Kasunod nun ay pinagdikit ulit namin iyong tuka ng mga turtlesdoves namin, na para bang pinaghahalik namin ang mga toh.

Nang matapos ang Pasko at bagong taon nun, nagulat na lang kami nina Mama. Dahil nawala na bigla sina Mackey. Lumpit sila ng tirahan ng di nagsasabi at nagpapaalam man lang sa amin. Lungkot na lungkot ako dahil di na kami nagkita pa ulit.

Dumating iyong time na pati kami ay kinailangan ding lumipat ng bahay. Pero kahit na umalis na kami sa lugar iyon, nanatili pa rin sa akin iyong mga memories namin ni Mackey. At iyong turtledove na itinatago ko ang siyang laging nagpapaala sa akin sa kanya.

Pero isang araw, nang dahil sa kapabayaan ko, nasira iyong turtledove ko at di ko na nagawang ayusin pa. Hindi na ko nakahingi ng pampalit kay Mama. Dahil ipinamigay na niya pala iyong mga luma naming decorations nung naglipat kami.

Alam ko na iyong turtledoves ay simbolo lang ng pangako ng pagkakaibigan namin ni Mackey. Pero sa paglipas ng panahon, napagtanto ko na hindi pala basta  pagkakaibigan lang ang naramdaman ko nun para sa kanya. Kung di higit pa dun.

Oo, nahulog ang puso ko sa isa ring lalake. At ito iyong dahilan na sinasabi ko, kaya tinatanggihan ko iyong mga babaeng nagkakagusto sa akin. Kahit sina Mama, nahalata na rin toh. Pero natanggap naman nila ito.

Umaasa pa rin ako na magkikita pa rin kami ulit ni Mackey. Alam ko naman na sa panahon ngayon na may Facebook na at kung anu-ano pang social media, madali na lang maghanap ng tao. Pero ang gusto ko kasi, kapag dumating iyong time na magkita na kami muli, may maipapakita pa rin ako sa kanya na turtledove. At iyon ang rason, kaya naghahanap ako nito hanggang ngayon.

Pero heto ko ngayon, bigo na naman. Sa kalagitnaan nun, biglang na lang sumagi sa isipan ko si Mcdo. Bigla ko siyang naalala...........

    “Teka....Si Mcdo...”bulong ko sa aking sarili.......

May mga napagtanto ko bigla. Kung pagtatagni-tagniin kasi iyong mga nangyari sa amin, parang may ipinapahiwatig ito. Una, nung nag-SUA kami, naramdaman ko sa kanya iyong saktong naramdaman ko kay Mackey. Pangalawa, iyong narinig kong ibinulong niya nung papasok kami sa fast food ng so good..........

    “Basta makasama kita ulit”

Pangatlo, iyong ginawa niyang wallpaper sa cellphone iyong picture namin. Pang-apat, iyong tila alam niya na hindi ako kumakain ng condiments. At panghuli, dalawang beses nangyari na nagkita kami sa isang lugar, kung saan naghahanap ako ng turtledoves........

    “Nagkataon lang ba ang lahat ng iyon?...O di kaya....”putol kong pagpapatuloy.......

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko, bigla na lamang akong nakarinig ng kumakanta.......

    ........Just...Give me your heart for Christmas........
    ........Only your love will do........

Nagmumula lang ito sa tabi ko. Kaya dahan-dahan akong napalingon.

........And with each sigh, you’ll know that I........

Si Mcdo! Nakangiti siyang kumakanta, habang mamasa-masa ang mga mata niya.........   

........Have given you my heart for Christmas too........

    “Iyon iyong kantang pinapatugtog ni Tita nun di ba?....Bro...”usisa niya.....
    “Ma...Mackey?!...Ikaw na ba iyan?!”

Ngumiti lang siya sa akin ulit at.........

    “Hmph...Akala ko di mo na ko makikilala eh”napapakamot sa ulo niyang sambit.......
    “TAENA KA! Bakit hindi ka agad nagpakilala sa akin?!”
    “Ahmmm...Kasi...Kasi may kasalanan ako sa iyo eh....Nasira ko iyong turtledoves na binigay mo sa akin...Kaya nga nagmadali akong lumayas last time eh...Dahil natakot ako na makilala mo ko”

Langya, kung ganun pareho lang pala kami. Bigla tuloy akong natawa.........

    “Ahaha....Tignan mo nga naman.....Pareho pa tayo”
    “Ahh...So kaya pala panay ang punta mo sa mga ganitong lugar...Kasi naghahanap ka rin ng nagtitinda nun”

Napatango na lang ako sa kanya.......

    “Pero huwag ka nang mag-alala...Kasi....Eto oh...”sambit niya sabay angat ng isa niyang kamay.....

Meron siyang dalawang turtledoves!.........

    “Buti na lang, naabutan ko pa iyong last na dalawang piraso”

Matapos niyang sabihin iyon, naalala ko iyong sinabi sa akin nung babaeng nagbabantay sa stall.........

    “Teka...Sabi sa akin nung tindera kanina...Nakasalisi ko lang daw iyong huling bumili ng ganyan...So ikaw pala iyon?”
    “Oo...Ang totoo, kanina pa kita nakita dito....Kaso bigla ka na lang nawala”
    “Ah iyon ba...Hinabol lang naman kasi ko nung mga tropa mong mukhang dyukul na gorilya!”
    “HA?! Nandito sila?!”bulalas niya sabay tingin-tingin sa pagilid.......    “Kanina!...Pero ngayon, malamang nasa kulungan na sila”
    “Mabuti naman”
   
Kasunod noon, inalok at inabot niya sa akin iyong isa niyang turtledove........

    “Oh...Di ba dati ikaw iyong nagbigay sa akin?...Ngayon, ako naman ang nagbibigay sa iyo”

Hindi ako nagdalawang isip na tanggapin ito. Agad ko itong kinuha. Pagkakuha nito, nakangiti ko itong pinagmasdan. Tapos, napatingin ulit ako sa kanya........

    “Mackey...Paano mo pala nalaman na ako toh? Paano mo ko nakikilala?”
    “Hmmm...Bukod dun sa ayaw mo sa condiments...Nakilala talaga kita nung....Nung nag-SUA tayo....Kasi....Sa iyo lang ako nakakaramdam ng ganung klaseng halik...Iyong parang may magic hehe...Tsaka kahit na di ka man makilala ng utak ko...Itong puso ko...Sure ako makikilala ka....Sa tagal mo na ba namang nakatambay dito eh”

Taena! Tumalbog-talbog ang dibdib ko sa mga narinig ko. Hindi ako nakapagsalita at napatitig na lang ako sa kanya. Siya naman ay dahan-dahang hinawakan ng isa niyang kamay ang pisngi ko. Kasunod nun, nahuli ko na lang na unti-unti nang naglalapit ang mga mukha namin. Hanggang sa muli na naman ngang naglagpat ang mga labi namin.

Sa halik na iyon, dun ko naramdaman na nakumpleto na sa wakas ang Pasko ko na matagal nang may kakulangan. Nakumpleto na dahil narito na iyong taong inaasam-asam ko na makapiling ulit. Matapos iyon ay napayakap na lang ako sa kanya nang pagkahigpit-gipit. Nang kumalas na ko sa kanya.........

    “Mahal kita...MAHAL KITA JOLLY NICHOLAS...Ma...Mahal mo rin ba ko?”maluha-luha niyang sambit.....
    “Oo...YES!....Mahal din kita Mackey Nubles...Mula pa noon....Hanggang ngayon....Mahal kita”
    “Hmmm....Mahal in all forms o...Mahal with reservations?”
    “Huh?...”pagtataka ko......

Pabagsak na sana ulit iyong luha ko eh. Pero parang biglang umakyat ulit pabalik sa mga mata ko, dahil sa banat niya.......    
   
    “Kailangan pa bang sagutin iyan?”napapakamot sa ulo kong usisa.....
    “Of course!...Puso ang pinag-uusapan natin dito bro”
    “Teka muna...Pinapahirapan mo ko ah!”
    “Pero...Mas okay nga iyon di ba? Kasi, mas masarap sa pakiramdam, kapag pinaghihirapan mo iyong mga bagay na nakukuha mo”
    “BASTA! Mahal din kita...Iyon na iyon...Mahal...Mahal...MAHAL! Huhugot pa kasi eh!”
    “Ahahaha!”

At natawa na lang din ako sa kanya. Kasunod nun, inangat niya iyong hawak niyang turtledove.........

    “Mula ngayon, hindi na lang magiging simbolo ng pagkakaibigan natin itong mga turtledoves....”sambit niya.......
    “Umph...Kung di pati na rin ng pag-iibigan at pagmamahalan natin”dugtong ko sabay angat din nung akin.....

Matapos iyon, nakangiti naming pinagdikit ulit iyong tuka ng mga turtledoves namin. Kagaya ng ginawa namin dati, nung mga bata pa kami.........

    “Kaya lang Mackey...Hindi ba parang late na tayo? Tapos na kasi ang Pasko eh...”
    “At sino naman ang may sabi?”

Tinignan niya sandali iyong suot niyang relo. Tapos tumingin din agad siya ulit sa akin...........

    “Alas diyes pa lang...May dalawang oras pang natitira, bago matapos ang Pasko....Tsaka....”

Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at pumuwesto sa harap ko........

    “Pasko man o hindi...Parang Pasko pa rin...Basta ikaw ang kasama ko...Jolly”

Pagkasabi niya nun, inabot at inalok niya sa akin iyong isa niyang kamay.......
   
    “So ano?...Uupo ka na lang ba diyan? O magsi-celebrate ka kasamang ang best....Ay mali pala!...Kasama...Ang boyfriend mo?”

Nakapangiti na lamang ako sa kanya. Pagkatapos nun, humawak na ko sa kamay niya at tumayo na rin. Naglakad kami nang magkahawak ang kamay. Habang sa kabilang kamay ko naman, yapus-yapos ko iyong turtledove ko. At nag-celebrate nga kami nang magkasama.

Hay, sa tinagal-tagal ng panahon, nahanap ko rin sa wakas ang hinahanap ko. At nakita kong muli ang gusto kong makita. At sinong mag-aakala, na ang magiging susi rin pala sa lahat ng ito, ay walang iba kung di ang turtledoves.
                                       The End
Merry Christmas and a happy new year to all.
At sa lahat po ng mga patuloy na sumusuporta sa mga stories ko.  Thank you, Thank you for the love xD.

No comments:

Post a Comment