m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, January 10, 2016

Tales of a Confused Teacher (Part 7)

By: Irvin

Nasa ganon kaming pag-uusap nang magsalita si Kenn Lloyd, “E sir ipapasok ko na po ba ang mga ito?”

“Ahh, siyanga nga pala Gigi, si Kenn Lloyd,  estudyante ko.  Kenn, you know  Gigi  right?” Tumango lamang siya sa akin at tumingin kay Gigi.  “Good afternoon po, nakangiti niyang bati. At muli ay binitbit ang mga pinamili namin.

“So ikaw pala si Kenn Lloyd nabanggit nga ni Miss Mendoza na ikaw daw ang kasama ng sir mo sa pamimili.  Good afternoon din ang cute mo naman.” ang natutuwa niyang sagot na ikinapamula naman ng mukha ni Kenn Lloyd sabay napakamot na naman sa kanyang ulo tanda ng nahihiya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko nang mga oras na iyon.  Parang nahihiya ako na natatakot.

“O siya, tayo na muna sa loob, at nang maipasok ang mga ito.”  pagyayaya ko na lamang para matapos na ang awkward moment na iyon.  Nang makaalis si Kenn Lloyd, nag usap kami ni Gigi, marami siyang sinabi at ipinaliwanag.  Hanggang nauwi ang lahat sa isang mainit na paghahalikan.  Matagal, mainit,  maalab, puno ng kasabikan, sa halos tatlong taon di namin pagkikita parang walang oras na dapat masayang.  Natagpuan ko na lamang na nasa kwarto na kami, parehong walang damit at ginagawa ang mga bagay na dati naming ginagawa sa kwarto ding iyon.  Matagal, masarap at ilang ulit din naming pinagsaluhan ang ligaya dulot ng pag-iisa ng aming mga katawan. Ganoon pa rin siya after three years. Nang humupa ang aming nararamdaman, at makapag ayos ng aming mga sarili.  Naghanda ako ng meryenda at muli kaming nag-usap tungkol sa mga bagay-bagay .  Gusto ko sanang ihatid siya pauwi pero hindi na siya pumayag, may sasakyan naman daw siya at alam niyang marami pa kaming gagawin kaya inihatid ko na lamang siya hanggang sa harapan ng gate. 

Nang makasakay siya, hindi muna ako pumasok sa loob.  Inisip ko ang lahat ng nangyari.  Si Kenn Lloyd, yung malungkot niyang pag papaalam pagkatapos ipasok ang mga pinamili namin.  Kitang kita ko sa mukha niyang ang pagka dismaya kahit pilit niyang itinatago. Alam kong nasaktan siya dahil naikwento ko na sa kanya ang tungkol kay Gigi. Ayokong muli siyang saktan pero ayoko din magsinungaling sa kanya.  Si Gigi masayang masaya at umaasa sa muli naming pagsasama. Pero gaya ni Kenn ayoko din siyang masaktan, alam ko namang hindi niya kagustuhan ang lahat ng nangyari at heto siya gumagawa ng paraan para maayos ang lahat. 
Muli na naman akong naguluhan.. Ano ba ‘tong kaguluhang pinasok ko.  At muli pumasok sa isipan ko ang nga sinabi ni Gigi.  Ang Mama lamang niya ang may gusto na ipakasal sila.  Sa kagustuhang maisama doon ang mga kapatid niya.  Ilang beses na kasing na deny ang application nila for visa at iyon na lamang ang natitira nilang pag-asa. Hindi naman niya alam kung ano ang nararamdaman sa kanya ng step brother niya dahil gaya niya may girlfriend din iyon sa London pero dahil sa respeto sa kanyang ama ay hindi magawang tumutol bagaman pwede naman kung tutuusin. Pero hindi naman daw nagpaparamdam na ayaw sa kanya at hindi rin sinasabing gusto niya ang plano ng kanyang ama. Mabait naman ang taong iyon at hindi mahirap mahalin pero hindi pa rin daw niya ako ipagpapalit. Siyempre nakakataba ng puso na malaman ang ganong katotohanan na after ng lahat ay hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman niya para sa akin.

Humingi siya ng ilang buwang bakasyon, para ayusin na rin yung mga papeles na kailangang ayusin bago siya bumalik doon at maghanda para sa kanilang kasal. Iyon ang plano ng  mama nila pero iba ang plano niya, wala siyang balak na bumalik doon, magpapakasal kami dito at dahil nasa tamang edad na naman siya hindi na kailangan ang parental consent, Madali na ang mag ayos ng mga papel namin dahil na ihanda na naman ito  dati at kung may kailangang i renew may oras pa naman kami.  Kapag kasal na kami mag aabroad kami upang umiwas na rin sa paninisi ng kanyang mga kamag-anak.  Kung ayos na ang lahat at tanggap na nila ang ginawa namin saka na lamang kami babalik upang humingi ng tawad sa kanyang ina. Iyon ang kanyang plano.  Iyon daw ang ipinapaalam niya sa akin sa Facebook, pero dahil nga hindi ako madalas nag oonline o kung online man ako hindi nagbabasa ng mga messages hindi ko nabasa ang mga iyon.

Sa mga oras na iyon nanatili lamang akong nakikinig sa kanya, hindi ko magawang kontrahin ang mga plano niya dahil ayong ma-disappoint siya dahil ramdam na ramdam ang excitement habang siya ay nagkukuwento. At bagamat hindi ko diretsang sinasabi sa kanya na payag na ako.  Siguro nababasa niya sa facial expression ko na okay lamang sa akin ang mga suggestions niya.  Dahil nang mga oras na iyon ay may excitement naman talaga akong nararamdaman na sa wakas matutuloy na rin ang pangarap naming kasal.  Ilang taon kong binuo sa isipan ko ang mga pangyayaring iyon.  Ilang taon naming pinlano at pinaghandaan kung kaya parang sasabog ang puso ko nang malamang hindi na iyon matutuloy.  Pero ngayong muling nagkaroon ng pag-asa, Kakaibang saya rin ang hatid sa akin ng balitang iyon. Dahil matutupad na ang pangarap kong bumuo ng isang masayang pamilya. Pero nang makaalis siya saka ako nag-isip.  Tama ba ang gagawin namin.  Alam kong masaya ako sa lahat ng sinabi niya, alam kong masaya ako at sa kabila ng lahat ay mahal pa rin niya ako at gaya ng dati, ipaglalaban pa rin niya ang nararamdaman niya para sa akin.  Naalala ko tuloy noong mga college pa kami, kinausap ako ni Kuya James ang eldest brother ni Gigi na tigilan muna namin ang pagkikita at mag focus muna sa aming pag-aaral.. Hindi naman siya tutol sa relasyon namin ang gusto lamang niyang i-prioritize namin ang studies. Siya na kasi tumayong Padre-de-Familia dahil maaga silang naulila sa ama.  Pero gumawa siya ng paraan, kinaibigan niya ang girlfriend ng kuya niya upang siyang magsabi na hayaan na lamang kami at madalas nagiging dahilan ng kanilang tampuhan.  At hindi ko malilimutan noong minsang puntahan namin ang girlfriend ng kuya niya sa trabaho at tawa nang tawa ang dalawa na bagaman girls’ talk daw iyon ay dinig ko namang sinasadya daw niyang awayin ang kuya ni Gigi batay sa mga suggestions ni Gigi hanggang pumayag na huwag na kaming pakialaman.

“Sir!” boses ni Kenn Lloyd mula sa may gate. “Sir pwede po ba akong pumasok? Ang lalim yata ng iniisip ninyo.””

“O andyan ka pala, halika pasok, eto naman nagtatanong pa e dati ka na namang pumapasok dito.  May susi ka nga dito di ba?  Akala ko umuwi ka na kanina.” Tanong ko habang binubuksan ang gate.

“Di ba sabi mo po tulungan kita mag wrap nong mga prizes saka magprepare nong mga ihahanda natin. Dala ko na rin po yung mga CD’s para sa sounds natin bukas, I transfer na lang natin sa USB para madali magamit kasi hindi ako sure don sa player nila Enzo baka hindi magplay tong mga ‘to don, saka sir pupunta din si Rose at si Arvin mamaya dito kasi sila yung may Christmas Songs, pagsasamahin ko na lamang sa isang USB para hindi nakakalito, pero sir better siguro kung  i back up natin sa computer nyo para in case mag error di na tayo mamroblema, ise save ko na sana sa laptop ko kaso ang bagal na e di pa ako nakakapag delete ng ibang games at movies  kaya naisip ko sa laptop mo na lang sir…”

“Teka, teka ang daldal mo, ang dami mo agad paliwanag wala pa naman ako tinatanong.” Natatawa kong sagot kasi sa totoo lang ang ine expect kong sasabihin niya ay yung tungkol sa amin ni Gigi.  Inaasahan ko na magtatampo siya o sasama ang loob sa nangyari, pero parang hindi ganon ang reaction niya.

“Bakit sir may problema ba kayo? Di ba inassign mo po sa kin yung mga yun, sabi mo kanina ensure ko  na maayos ang lahat.  Di ba kayo ang paulit-ulit nagre-remind kanina habang nag sa shopping tayo na dapat i-prepare ko na lahat ngayon kasi bukas tiyak busy na tayo at wala ng time sa ganon saka mahirap yung nagmamadali madaming nalilimutan.” Naka kunot ang noo niya habang nagsasalita papasok na kami noon.

“Hindi mo ba ako tatanungin tungkol kay Gigi, hindi mo ba aalamin kung ano nangyari o ano pinag usapan namin?”ang nahihiya kong tanong sa kanya.

“Alam ko naman po sir, kung gusto mo pong may malaman ako, ikaw mismo magsasabi non, kahit hindi po ako magtanong sasabihin mo sa akin iyon.” Ang nakangiti niyang sagot. “Pero sir, hindi naman po yung nangyari o yung pinag-usapan ninyo gusto ko malaman kung  gusto ninyo akong magtanong.”

“Ano pala ang itatanong mo?” bigla kong putol sa kanya.

“Mmmmahal  mo pa  po ba siya sir?” ang tanong niya pagkatapos ng ilang hinga ng malalim.

“Caught off guard, hindi iyon ang ineexpect kong itatanong niya, ang ni-ready ko ay yung mga plans niya, Gusto ko sanang sabihin na wala pa naman kaming pormal na usapan na pumapayag na ako o nangako ako na pag-iisipan ko muna o hindi ako pumayag. Pero nabigla talaga ako sa tanong niya. Hindi ko alam paano sasagutin ang tanong niya.

Naramdaman ko na lamang ang sarili ko na umiwas ng tingin sa kanya bagamat nakaharap ako sa kanya.  Gusto kong sabihing hindi para hindi siya masaktan pero hindi ko kayang lokohin siya.  Ayoko mang makita siyang umiyak nang dahil sa akin ayoko ring magsinungaling sa kanya at kahit bata pa siya ayokong bigyan siya ng maling pag-asa dahil alam kong lalo lamang siyang mahihirapan sa bandang huli. At tumango na lamang ako na ibig sabihin ay oo.

“Ayos lang yan sir, don’t worry, at least now, hindi na po ako mag aalala, kasi lagi kita naiisip pag magkasama po  kami ni Paula, nagi guilty po ako kasi alam ko nasasaktan ka pag nakikita mo kami alam ko po naman kahit hindi ka nagsasalita o nagrereklamo nahihirapan ka po sa nakikita mo.  Kahit nakangiti ka po sa amin nararamdaman ko pa rin po ang lungkot sa mga mata mo sir.  Pero now e fair na po tayo may girlfriend ako, may girlfriend  ka na po ulit,  hindi ka na masasaktan kasi maiintindihan mo na po ako di ba? Sabay kindat sa akin at ang pamatay niyang pa cute smile.

Napangiti ako sa sinabi niya pero deep inside labis akong humanga sa kanya kasi I am not expecting him to be like that,  na  ganon kalawak ang pananaw.  Naisip ko ito nga siguro ang isa sa mga advantages ng lumaking independent.  Maaga niyang natutunan ang maging matapang at harapin ang mga sitwasyon ng tama. At lalo ko siyang minahal. Lumapit ako at yumakap sa kanya patalikod. 

“Sabi mo dati mas mahal mo ako kesa kay Paula.  Ngayon kahit hindi mo ako tanungin kusa kong sasabihin, mas mahal na mahal kita kesa kay Gigi. And if I have to choose between you and her, 101% I will choose  you, I love you very much.”

“I love you more sir, kahit hindi ko po yan sinasabi sayo, basta iyon ang lagi kong naiisip para sayo. Hindi ko man po maipakita sa iyo sir lalo na pag may ibang tao tayong kasama sa sarili ko sigurado po ako iyon ang nararamdaman ko sir”at hinawakan niya ang kamay kong nakayakap sa kanya.  Nang humarap siya sa akin.

“So okey na po tayo? lets start moving na po sir, baka maabutan pa tayo nina Rose  at Arvin na ganito masira pa po diskarte natin hala kayo, matsitsismis kayo pumapatol sa estudyante hahaha” sabay kiliti sa tagiliran ko. Malakas talaga kiliti ko doon kaya napaigtad ako, di naman ako nagpatalo kiniss ko siya sa may ilalim ng tenga niya dahil alam kong naroon ang malakas niyang kiliti.  Namilipit siya sa kakaiwas sabay sigaw ng “Sir ‘wag po, wag po…. Wag mo pong tigilannn…hahaha…..” tawa kami nang tawa bago kami nag –umpisa ng pag ra wrap ng mga prizes habang nagbibiruan.  Marami na kaming nabalot ng dumating yung dalawa.  Dala yung tinext kong take out from Jollibee at sabay-sabay kaming kumain. 

Past 9:00 pm,  sinundo na yung dalawa, magpinsan naman kasi sila kaya isang sundo lamang, si Kenn Lloyd gusto pang magpaiwan kaso sinabihan ko siya na aabutin siya ng curfew at walang maghahatid sa kanya kaya napilitan lumabas na rin kahit nagkakamot na naman ng ulo alam kong gusto niyang sa bahay matulog pero hindi ko na siya pinayagan dahil alam kong mapupuyat kami sa harutan namin. Kailangan maaga kaming  pumunta sa school bukas dahil bukod sa classroom ay kami rin ang naka assign sa pag-aayos ng stage kung saan may program sa hapon.

Maayos naman ang naging program, masaya ang lahat as usual marami din akong natanggap na gifts mula sa mga students.  Hindi na naman bago yun sa amin talaga namang nagbibigay ng gifts ang mga parents ng students namin at hindi iyon bawal sa school.  Paraan na rin daw kasi yun nga mga magulang sa pag appreciate sa ginagawa namin sa kanilang anak.  Iyon ang isa sa mga hiniling ng PTA sa admin.

Saturday night sa bahay natulog si Kenn Lloyd, “Sir. mamimiss kita,  tiyak solo na naman ako, wala na naman akong  kasabay sa pagkain.” ang reklamo niya habang nanood kami ng TV.  Nakaunan siya sa hita ko, at kumakain kami ng dala niyang grapes. Iyon ang favorite niyang pwesto, kung tutuusin ay ako lamang naman ang nanonood ng TV dahil kung hindi iPad ay cellphone ang madalas hawak niya habang naka headset siya.  Minsan naglalaro kung minsan ay nagsa sounds lang at madalas ay may ka text.

“Nagpapa cute ka ba o nagpapaawa?, sama ka na lamang  kaya sa scouting.  Di ba may regional training kami sa Antipolo?” Sagot ko sa kanya habang pinipisil ilong niya na bale wala lamang sa kanya sanay na siya na pinipisil ko ang ilong niya pag natutuwa ako sa kanya.

“Eh sir gusto ko po sana, kaso diba sabi nyo dati Board of Review for Eagle Scouts yon, Puro nasa 4th year kasama at advanced  training na yon, Di ba kayo po nagsabi na sa summer na lamang ako sumama kasi yon ang may basic at may kasama pang lower years?”

“Hindi ka naman mag training e, samahan mo lamang ako mag-assist ka sa kanila, sa pagluluto, pamimili ng pagkain etc, kasi mahirap din pag ganong training pag nagdi discuss ako nale- late pagpre- pare namin ng foods. At least kung may tao sa tent, at mag prepare pagbalik namin magluluto na lamang at kakain may konting oras pa para mag pahinga.”

“Ganon po ba sir, sige po, gusto ko iyon,  dati hindi ko gusto sumasama sa camping dahil boring pero kasama ka naman  po sir,  tiyak hindi naman po ako ma babato don. Pero sir wala po akong Type A uniform ha, kasi Type B lamang naman po sinusuot ko pag Friday.”at  tumingala siya para humarap sa akin.

“Ayos lamang yun, dahil hindi ka naman mag training , basta huwag ka lamang maglalayo sa tent pag wala ako para hindi ka sitahin ng mga staff. Madalas kasi naglelecture at nagdedemo din ako especially ng knots and lashings, kaya umaalis din ako ng tent, pero sanda-sandali lang naman yun sa tent pa rin ako nag stay pagkatapos.  Paalam ka na rin sa Daddy mo para alam niya kung nasaan ka.”

“Sige po sir, December 27-30 yon ano?” Tumango ako, “ Sir kung sa inyo po kaya ako mag Christmas, tapos sabay po tayo lumuwas ng 26 para kinabukasan sabay na po tayo papuntang camping? Kasi sina Tita magbabakasyon daw po sa province nina Tito sa Quezon, wala na po akong kasama.” Lihim na naman akong naawa sa batang ito kaya wala na akong nagawa. Kahit sa ganitong mga special occasion naghahanap pa rin ng kalinga.  Kung iyong mga nasa malalayong lugar nagpipilit gumawa ng paraan kahit sa ganitong panahon man lamang, ito namang batang ito ay halos magpalimos ng attention.

“Hmmm dami mo pa  paliguy-ligoy, yun lamang naman pala ang gusto mo, sige para makilala mo na rin bunso kong kapatid tiyak matutuwa yon gaya mo adik din yun sa basketball.  Pati sina Mama at Papa, pati yung solo naming babae. December 24 ako uuwi kasi may meeting pa kami sa Council sa Tuesday para sa camping.  Be ready at pag nakausap mo Daddy mo sabihin mo tawag sa akin kasi ipagpapaalam kita.”at bahagya kong ginulo ang buhok niya.

“Whoa, talaga po sir, isasama mo po ako sa inyo, wow, ang saya non, we will spend our Christmas together.” Bumangon at sabay kiss sa akin. Hindi ko na lamang pinansin dahil sanay na ako sa kanya, lumalabas pa rin pagka isip bata kahit sabihing magkasing laki na kami. At muli ay nahiga siya na tuwang-tuwa.  Sa isip ko paano ko ipagdadamot  ang kasiyahang niyang iyon.  Sa mga simpleng ganon lamang ay napakalaking bagay na para sa kanya. Napakahalaga na sa kanya ang magkaroon ng kasama.  Lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya at lalo ko siyang minamahal dahil alam ko kailangan niya ako at kailangan niya ang pagmamahal ko,

December 24, maaga kaming nagready kasi nga mahirap ang pagsakay punuan na mga bus. Mabuti na lamang at maaga rin siyang dumating gaya ng bilin ko sa kanya dahil tiyak maya-maya lamang ay may pila na ang mga pasahero pauwi ng probinsiya.  Hindi na rin ako nagdala ng maraming gamit o namili pa ng pasalubong ,  pag uwi na lamang may mabibilhan naman kami.  Siya lamang ang may malaking pack bag dahil sa mga damit niya, iPad at cell phone na hindi pwedeng mapalayo sa kanya. “Dami mo naman yatang dalang gamit. Hindi ko naman sinabing sa amin ka titira, 2 days lamang tayo don.” Pagbibiro ko sa kanya nang makita ko siya.

“Konti nga lang po ‘to sir, nagdala nga din pala ako ng chocolate para sa sister mo sir, baka gaya mo po mahilig din siya sa chocolate saka sir may mabibilhan po ba tayo ng cake? Ibili natin parents mo ha ano po bang gusto nila, yung kapatid mo pong bunso sir, ano po ba gusto niyang pasalubong?”

“Tigilan mo nga yan, Ok na yung cake, bibili tayo may madadaanan tayong bilihan ng cake sa may kanto doon na  lang para hindi mahirap dalhin. Huwag ka ng mag-isip ng kung anu-ano pa.   O siya tayo na at aabutan pa tayo ng traffic.”

Nakarating naman kami ng maaayos, at dahil na inform ko na si Mommy about him, di na sila nabigla.  Nang mag mano ako kay Mama, nagmano din siya pagkatapos iabot ang dala niyang cake. Tuwang-tuwa si Irish ang sister ko kasi ang cute daw niya. Saka may pasalubong pa sa kanya. Pero nang malaman na kaka 15 pa lamang ni Kenn Lloyd e parang na disappoint kasi 22 na siya.  Tawa naman ako nang tawa. Dahil itong kapatid ko kahit may boyfriend na puro kalokohan pa rin.  Yung youngest naman namin na 19 na ay masaya rin dahil may makakasama raw siya sa basketbolan. Nasabi ko na kasi sa kaniya na iyon din ang sports ni Kenn.

“Sige Lester, bahala ka na sa kanya, pareho naman daw kayong mahilig sa bola, pero hatid mo na muna siya sa taas para makapag palit ng damit, and be sure na ikaw ang bahala diyan ha, wag mong iiwan, wala yang kilala dito sinasabi ko sa iyo. Baka pag nakita mo mga barkada mo malimutan mong may kasama ka,” si Mommy.

“Relax, mother trust me,” sabay kindat pa sa akin. “Bro, tara na, siguraduhin mo lang na totoo sabi ni kuya na magaling ka sa basketball ha, ipinagyabang na kita, wag mo ako ipapahiya..” sabay akbay niya kay Kenn Lloyd.  Tumingin muna si Kenn Lloyd sakin na parang nagpapalam saka naglakad papuntang hagdan ang dalawa.

Nang maka-alis sila saka dumating si Papa.  Gaya ng dati ang inalam niya ay ang tungkol kay Gigi.  Nakwento ko na sa kanya sa phone ang pinag-usapan namin pero ganon talaga si Papa ipapa detail pa ulit lahat para sure na tama yung narinig niya.

“So ano na plano mo?” tanong niya. “I’m not yet decided ‘Pa, naguguluhan talaga ako, kung ako lamang talaga gusto ko sana kaso hindi ko alam kung tama iyon. Dami ng dapat i-consider now. Ayoko din naman na magkaroon ng galit sa akin ang pamilya niya.”

“Irvin, malaki ka na, naniniwala akong anuman ang decision mo ay pag-iisipan mong mabuti. Kung maaari ay huwag kang pabigla-bigla, Mahirap ang magkamali. Buhay at kinabukasan mo yan, kung anut-ano man ay narito lamang kami ng Mama huwag kang mahiya kung may kailangan ka.”

“Saka anak, natatakot akong maulit yung nangyari, mabuti na lamang at matatag ka sobra kaming nag-alala sayo lalo na noong 2 buwan kang hindi umuwi.  Kung ako lamang ang nasunod noon doon muna sana ako sa Maynila ayaw lamang nitong ama mo. Hayaan ka lamang daw namin na makapag-isa at makapag isip ng tama” si Mama hindi ko alam na nasa likod lamang pala namin.

Nakaalis na sila pero hindi ko pa rin malimutan  ang pinag-usapan namin.  Gusto ko sanang sabihin sa kanila na kaya lalo akong naguguluhan ay dahil may iba akong nararamdaman at hindi ako sure kung tama nga bang pakasalan ko si Gigi. Pero paano ko ba ipapaalam sa kanila ang totoo.  Tiyak magtatanong sila at hindi ko pwedeng aminin ang tungkol kay Kenn Lloyd.

Christmas eve, gaya ng dati  naghanda ng marami si Mommy lahat ng putaheng alam niya ay available sa mesa.  Tradition na yata namin yon kahit alam na hindi kayang ubusin ay magluluto pa rin.  Naalala ko tuloy ang Lola ko, kung buhay pa siya ay masayang-masaya iyon.  Sa kanya namana ni Mama ang ugaling iyon na dapat ipaghanda ng marami ang Pasko dahil iyon ay birthday ni Jesus.  Ilang Pasko ng wala si Lola pero hindi ko pa rin malilimutan ang lahat ng tungkol sa kanya.  Dahil siya ang nagpalaki sa akin.  Sakitin daw kasi ang kuya ko kaya nang ipanganak ako napilitan si Lola ang mag-aalaga sa akin dahil madalas nasa hospital si Kuya at si Mama ang nagbabantay. Kaya lumaki akong si Lola ang nilalapitan kung naguguluhan ako.  “Sana nandito ka ‘La,” ang bulong ko sa aking sarili, dahil kahit papaano pag nasabi ko sa kanya dati ang mga dalahin ko wala man siyang maitulong o wala man siyang mabigay na advice pag hinaplos na niya ang ulo parang gumagaan ang anumang dalahin ko. Ayokong maging emotional pero madalas ko pa ring iniiyakan ang pagkawala ni Lola lalo na at may ganitong okasyon.

Ako naghanda ng salad. Yun ang specialty ko.  At iyon din lagi ang participation ko pag ganitong may handaan. Pinatikim ko kay Kenn ang lahat ng special salads na alam ko. Sigurado naman ako na nagustuhan niya.  Kitang kita ko sa mukha ni Kenn Lloyd ang saya kasama ang family ko.  Pero nararamdaman ko din ang lungkot pag nakikita niya kung paaano bine baby nina Papa at Mama  si Lester. Kulang lamang ay subuan pa ni Mama ng pagkain si Papa naman panay pakikipagkulitan. Si Lester kasi malaki lamang pero ang kilos pag nasa loob ng bahay ay pambata pa at ubod ng kulit. Mula sa mga gifts nila hanggang sa mga pangaral na mag-aral na mabuti, pati yung pag-aasikaso ni Irish sa kanya. Lalo na nang tumawag si Kuya from Canada. Bidang-bida sa amin si Lester kasi nga bunso kaya kahit may kakulitan ay kinakatuwaan sa pamilya. Kita rin niya kung gaano kami ka-close na dalawa. Sa aming magkakapatid kami talaga ni Lester ang magkasundo.  Noong bata pa kami laging kaming dalawa ang magkakampi at maging sa paglaki namin hindi rin iyon nagbago.

“Hindi ka yata masaya,” nakita ko si Kenn Lloyd sa terrace past 2 am na tulog na lahat ng tao.  Ako kasi nag volunteer magligpit at magpasok sa ref ng mga hindi naubos na pagkain. “yung gift ko nasa room ko bukas na lamang ng hapon ko ibigay sayo sa bus.”

“Masaya po ako sir, sobrang saya, medyo naiinggit lamang po kasi ganon pala ang may family.  Hindi ko po kasi yon naranasan,  Buti pa po ang family mo sir solid, nakakainggit.  Naiinggit po ako kay Kuya Lester ang  dami nagmamahal sa kanya.”  Napapansin ko  namumula na mga mata niya. “Ako last ko po nakasama si Mommy… ah hindi ko na rin po  matandaan, kasi madalas naman po kina Tita kami nag ki Christmas tapos after po  kumain uuwi na rin kami at matutulog.  Wala na pong ganyan-ganyan na bigayan ng gifts.”at nakita ko tuluyan ng nalaglag ang mga luha niya.

“Oh, wag ka ng umiyak, nandito naman ako ah…’ marami pa sana akong sasabihin kaso nag call si Gigi.  Binati ako at nagyayayang manood ng sine sa umaga. Hindi ako pumayag dahil napag-usapan na namin ni Kenn Lloyd na manood kami ng My Little Bossing at Kimmy Dora.  Halatang disappointed lalo na ng sabihin ko na pupunta ako sa camping. Kasi lalo raw wala kami chance lumabas.  Pero hindi ko na pinansin ayokong masira ang mood ko dahil Christmas. Kinabukasan kasama namin si Lester nanood kami ng sine.  Kahit dalawang araw pa lamang ay close na sila at nagbibiruan na. Nakakatuwa ‘tong si Lester palibhasa di nakaranas magkaroon ng baby brother. Kaya excited. Pinilit pang manood kami ng 10,000 hours. Madalas sila pa nga ang nauuna sa paglalakad at ang daming kwento kay Kenn.  Kita ko rin naman kay Kenn ang saya kaya hinayaan ko na lang sila.

Sumunod na hapon, nagpaalam na kami para hindi na abutan ng gabi sa biyahe.  Maaga rin ang alis namin papuntang camp site at ang meeting place namin ay sa school.  Nakausap ko naman ang school driver at ihahatid kami ng school bus hanggang Antipolo. Nang dumating kami ay naka ready na lahat, naisakay na raw sa sasakyan ang lahat ng gamit na dadalhin.  Hawak na rin ng isang scout ang checklist at alam kong vine-verify lang kung wala ng naiwan.

“Sir, sina Erik at Simon daw sa tapat na lamang nila maghihintay kasi along the way naman yung bahay nong magpinsan kaya hindi na pumunta rito.” Report agad ni Topher. Tumango lamang ako. “Uyy, Kenn Lloyd kasama ka nga, akala ko nagbibiro lamang si PJ na sasama ka, ayos buo ang team natin sa basketball.” Ang pahabol niya ng makita si Kenn.

“Pero hindi ako magti-training, isinama lamang ako ni sir, para may makatulong daw mag-prepare ng foods.” Ang nahihiya namang sagot ni Kenn.

“Kahit na, may time pa rin tayo magbasketball pag hindi kami busy.” Sabay akbay sa kanya.  Ako naman ay sumilip sa sasakyan para i check kong maayos ang mga gamit pati makita mga kasama namin.  Nag greet lang sila lahat at sinabing kumpleto na at yun na nga lamang magpinsan ang kulang kaya pwede na kami bumiyahe.n Inabot naman sa kin ng isang scout ang mga Parents’ Permit.

    Nang makarating kami sa campsite ang dami ng nakatayong tent.  Kaya  nagtayo na rin kami agad at habang ang iba ay naghahanda ng pagkain.  Nagdala ako ng pagkain namin ganoon din yung mga kasama kong boy scouts.  Bale 16 ang kasama ko  pang 17 si Kenn,  6 ang aming tent at sanay sila na lagi akong solo sa tent,
   
    “Sir may problema sira ang isang tent kulang ng pole,” Si PJ yung pinaka senior sa kanila.  “’Di nyo ba na check? ‘Di ba sabi ko isa-isahin nyo lahat ng dadalhin natin base sa checklist, kasi nga mahirap pag nandito na tayo saka malalaman ang ganyan.“ alam nilang iyon ang pinaka ayaw ko sa lahat ang aalis kami na may kulang o mali sa aming dala. Nakita ko ang takot sa mukha ni PJ nag-isip muna bago nagsalita ulit.

    “ Pasensiya na po sir, sinabihan ko sila sir,  kasi nagpapirma kami ng forms bago nag Christmas Party kaya di ko personal na nagawa, kaso hindi pala nila binuksan isa-isa, tiningnan lang kung may pole, kasi yung last daw namang ginamit functional lahat, kaya lang napaibabaw pala yung mga luma, kasi diba nong naglinis tayo ng scouting room napalabas lahat yun?” ramdam ko pa rin ang takot niya kahit alam ko namang hindi niya kasalanan ang nangyari.
   
    “So paaano ang gagawin natin ngayon?”  iyon na lamang ang naitanong ko kasi alam kong hindi kami pwedeng bumalik sa school para lamang palitan ang tent, isa pa nakaalis na ang service namin.

    “E si Kenn sir, kasi pwede na ako makisiksik sa tent nitong tatlo, dapat kasi kami ni Kenn ang  magkasama sa isang tent.   Isa na lamang ang natirang tent para sa pagkain na lamang natin yun” sagot niya. “Pwede na ako don, hindi naman ako mag ti-training,” biglang sagot ni Kenn Lloyd.

    “Nako mahirap don kasi don nilalagay pagkain pati mga lutong ulam, mag-aamoy ulam ka pati mga gamit mo. Saka bukod sa pagkain tambakan din yun ng iba pang gamit natin para pwedeng isara pag aalis tayo.  Mahirap din nag-iiwan ng gamit sa kitchen minsan pagbalik wala na.” sagot niya kay Kenn, saka tumingin sa akin, “ Sir, sama mo na lamang po si Kenn Lloyd sa tent mo malaki naman yun,  diba  pang 4 persons naman yun, wala na po talaga sa amin oh, sa gamit lang ng mga ito.’ Sabay turo sa mga gamit na hindi pa napapasok sa tent.

    “Okey, no choice.” Sagot ko habang nagbibilang kami ng pera ng isa pang scout para sa registration. Sinulyapan ko lamang ang itinuro niyang mga gamit na nasa may pintuan pa nga ng tent.

    “Basta Kenn Lloyd, wag ka lang makalat sa tent at maligo ka lagi, kung hindi paaalisin ka ni sir, ang lamig pa naman sa labas.” Banat ng isang nasa tagiliran ng tent. Tawanan sila. Hindi ko sila pinansin kahit alam kong natatawa si Kenn dahil totoo naman yun kaya lagi akong nagsosolo sa tent dahil naiinis ako sa amoy ng mga boyscouts, laging amoy ginamit na medyas ang loob ng tent.  At ang hirap matulog pag ganon ang amoy sa loob.

    Sa apat na araw na training, madalas maiwan si Kenn sa tent.  Pagkatapos naming  mamalengke ay naghahanda siya ng mga gagamitin sa pagluluto. Ako naman ay nagreready kasi may lecture ako. Hindi siya gaanong marunong magluto kaya hanggang sa paghihiwa lamang ginagawa niya at pagsasaing.  Pero napakasipag niya.  Lagi siyang nagwawalis, nag iigib ng tubig at palibhasa kabiruan naman niya ibang scouts nagpapaturo din siya ng mga knots at lashings at napapansin ko nagme memorize din ng mga lessons. Madalas ko rin siyang nakikitang nagpapaturo ng mga pagtatali kaya natutuwa din sa kanya ang mga kasama namin.

    Sa gabi nagkukukwentuhn muna kami sa labas pag antok na saka papasok sa tent.  Nagagawa din naming maghalikan ng tahimik at minsan ay magyakapan dahil nasa loob naman kami ng tent.  Hindi ko rin malilimutan ng isang gabi ay aksidente kong nahawakan yung sa kanya dahil inaabot ko yung flashlight.

    “Hoy bakit gising yan ha?” bulong ko sa kanya.

    “Ang likot mo po kasi sir, saka ginising mo, hinawakan mo po kasi”

    “At ako pa talaga ha, baka kung anu-ano iniisip mo ha,” pero sa pagkakahawak na iyon ay parang kumislot din ang sa  akin at ramdam ko nagigising na rin at bumabakat na sa short ko.

    “ Sige nga sir, hawakan ko rin po iyang sayo tingnan natin kung hindi magising.” Sabay hawak din sa akin. “Kita mo na sir, mas gising nga din po yan oh. Ikaw sir ha” ang bulong niyang tumatawa. At hinawakan ko na din ulit sa kanya.  Tawa kami nang tawa lalo pa medyo pinipisil niya at nakikiliti ako.  Pero hanggang doon lamang iyon.  Maya maya ay natulog na rin kami. Bagamat mababaw ang tulog ko dahil aaminin ko kinikilig ako sa ginawa namin at nasarapan ako sa paghawak niya. 

    Natapos ang camping at naghiwa-hiwalay na kami sa school.  Sa bahay ko balak umuwi ni Kenn Lloyd pero nasa school pa kami nang tumawag tita niya pinapauwi siya dahil may package daw ang Mommy niya.  Nauna na siyang lumabas ng school sinigurado ko munang wala kaming maiiwang pagkain sa scouting room dahil ilang araw na walang pasok baka dagain at sirain pati ang mga tent.  

    “Paano sir, Happy New Year na lang po, antok na talaga ako,” si PJ

    “Happy new year Pi, kita na lamang tayo next year, hehe.” Biro ko dahil 2014 na sa pasukan.
   
    Nagtext ako kay Kenn Lloyd na pauwi na ako at nasa terminal na, baka kasi abutan pa ako ng traffic.  Holiday kasi yun at tiyak uwian ang mga taga probinsiya.  Diretso ako sa kwarto ko pagkadating dahil sa pagod at puyat sa camping.  Kahit naman kasi anong sabihin iba pa rin ang tulog sa bahay compare sa tent.  Saglit lamang akong nakakapahinga nang kumatok si Lester. Hindi ko na binuksan diretso na siyang pumasok.   “Kuya, totoo ba magpapakasal ka na?” sabay tanong niya pagkapasok.

    “Saan mo naman nakuha ang balitang iyan?” “Sabi ni Ate Gigi, nakita ko noong isang araw sa mall, hayy sa wakas magagamit ko rin yung barong ko, aba sayang yun ang mahal ng bili namin ni Mama non sa Laguna” ang pagyayabang niya.

    “Hoy, pinabili ko lamang yun sa inyo ano, ako kaya nagbigay ng pambili non.”   Tawa siya nang tawa habang nakalapat ang likod sa kama ko ang mga paa ay nasa sahig.  “Kahit na, akin pa rin yun, tagal ko na kayang gustong magbest man. Akala ko nga hindi na matutuloy,  buti na lamang…”

    “Akala ko pa naman excited ka kasi ikakasal ako, yun pala dahil gusto mo lang magbestman.” Kunwari e pagtatampo ko saka ako umiling-iling.

“Emotero! Hahaha. Pero kuya, magpapakasal ka ba talaga sa kanya.  Sure ka ba after what happened?” ang parang wala naman sa loob niyang tanong dahil nakatingin sa kisame habang nakaunan sa mga kamay niya.

    “Oo naman, girlfriend ko naman siya.”  Saka na postpone lamang naman kasal namin ah, dapat nga last June pa yun. Bakit mo naitanong?

    “Wala naman kuya, curious lamang ako. Sige alis na ako may lakad pa kami, gagawa kami ng kanyong kawayan, mamaya maririnig mo ang lakas ng putok non.” Sabay takbo palabas.  Naalala ko nga ginagawa din namin yung ganon noong highschool pa ako. Natigil lamang nong mag college na kasi hiwa-hiwalay na kami ng barkada ko, hindi gaya ni Lester dahil dito sa province nag college kaya sila-sila pa rin ang magto tropa.   Pero hindi doon napako ang isip ko kundi sa sinabi niya.  Parang kagaya ng kay Papa, makahulugan din.  Bakit parang may gusto silang sabihin sa pagpapakasal na iyon.  Parang meron silang alam na hindi nila masabi.

    New Year’s eve, habang abala ang lahat, ang iba ay nagpapaputok, sina Irish at Mommy ay nasa kusina.  Samantalang si Papa at si Lester at hindi magkasundo kung alin ang uunahin sa mga pinamili nilang paputok. Kinukulit na naman ni Lester si Papa.

    “Sinabi ng mamaya na yan pag 12 na, ang kulit mo talaga Lester.” Si Papa, kunwari ay napipikon na kay Lester. Nakatingin sa akin si Lester na natatawa.

    “Kuya, KJ pa rin si Papa ano, ang dami naman ng paputok tingnan mo, ang daming fountain tas ayaw pabawasan mga to, mga kwitis lang naman samantalang ako din naman magpapaputok mamaya.” Tawa pa rin nang tawa. Iyon talaga ang hindi mawawala kay Papa tuwing New Year  pupunta pa siya  sa Bulacan gaano man kahirap makabili lamang ng paputok.

    “KJ pala ha.” Hinataw niya ng isang maliit na lusis sa ulo si Lester. “Nasaan yung ipinagyayabang mong kanyon ninyo ng barkada mo? Akala ko ba taob ang Goodbye Philippines sa lakas non. Ni hindi ko yata narinig kahit isang putok.”pang aasar ni Papa.

    “Kasi ‘Pa, ang pumutok yung kawayan ayun  sira, sabi ni Tatay Jun, mura daw yung ginamit namin, dapat daw pumili kami ng mas maganda sayang ang kalburo ang dami pa naming binili.” Ang nahihiya sagot ni bunso.

    “Ayun inunahan mo kasi ng kwento, kaya nakalpot. Hahaha” ang saya talaga panuorin ng dalawang ito.  Nakakatuwa si Papa talagang pinapatulan ang kakulitan ng bunso namin. Nakikita ko din inilalayo niya mga paputok kay Lester habang kunwari ay may itinuturo si Lester tapos dudukot ulit pag nalingat si Papa.  Napapangiti na lamang ako nang biglang may bumusina.  Kilala ko ang kotseng iyon---ang gray na kotseng iyon.  Dahil ako ang malapit, ako ang pumunta sa gate. 

    “Happy New Year! bati niya na may dalang cake.” Sabay halik sa pisngi ko.

    “Happy New Year Gigi,” yun lamang nasabi ko sa pagkabigla.  Diretso siya kay Papa at nagmano.

    “Ayy kuya, nalimutan ko nga pala yun ang sasabihin ko kahapon kaya ako pumunta sa room mo, sinabi ni Ate na dito siya magcelebrate ng New Year. Dahil umalis daw yung brother niya at solo siya sa kanilang bahay”

    “So hindi mo pala nasabi, Lester, kaya pala mukhang na surprise ang kuya mo.” Si Gigi.”di bale marami pa akong surprises sa kanya.” Hindi ko alam kung ano ibig niyang sabihin.

    Nagyayang pumasok si Papa, kaya naiwan si Lester na kumikindat sa akin alam ko na dahilan nalimutan ni Papa ang pagbabantay sa kanyang mga paputok.

    Mga 11 pm ka text ko si Kenn Lloyd lumabas daw siya kasi naiinip, Hindi pa rin daw umuwi ang mga Tita niya kaya nagsosolo siya sa bahay,  Sinabihan ko na bumalik na lamang ng bahay dahil delikado sa labas lalo pa at maraming nagpapaputok.  Pinag-ingat ko rin siya sa pagpapaputok at baka madisgrasya. Oo lamang siya n goo pero ramdam ko pa rin ang lungkot sa boses niya.  Muli akong nakaramdam ng awa kung pwede lamang ay sunduin ko siya o doon na lamang ako sa kanila.  Medyo naiinis si Gigi sa akin dahil ang dami ko daw katext.  Sinabi ko sa kanya na nga students ko naggi greet lamang. Nang mag countdown sa TV sinabayan na namin.  Pinabayaan na ni Papa si Lester sa pagsisindi ng fountain at kwitis, samantalang si Mommy at Irish ay naghahanda ng pagkain,  Nang matapos sila, naupo si Irish sa tabi ni Papa samantalang nasa tabi ko si Gigi.  Si Mama naman ay saway nang saway kay Lester pag pinaglalaruan ang pagpapaputok. Lalo namang nangulit si Lester.  Kaya lalong sinasaway ni Mama. Pagkatapos kumain kami ng sabay-sabay.  Naalala ko si Kenn Lloyd, tinatawagan ko pero ang hirap maka connect, puro all lines are busy. Medyo nalungkot ako dahil alam kong nag-iisa siya.

Nagsubside na ang ingay, mga 1:00 am na noon, tulog na rin sina Mama at Papa, si Irish nasa kusina, si Lester nangungulit sa mga barkada niya sa harap ng gate, may dalang gitara yung isa at nakaupo sa tabing kalsada.  Ganon talaga mga yun pag new year, sa harapan namin tumatambay at kung gaya ng dati  ang plano nila, tiyak aabutan na sila ng umaga don magkakantahan lamang at kakain nang kakain.  Kakantiyawan ang mga dumadaan at pag mga babae e haharanahin kunwari ng mga lumang love songs.  Halos taun-taon yun ang trip nila. At talaga namang nakakaaliw panoorin. Makikita rin na maraming nanonood sa kanila  sa kabilang kalsada sa harapan ng tindahan at kinakatuwaan sila.

    Nasa terrace kami ni Gigi, as usual ang topic ay ang pagpapakasal, gusto na niyang mag set kami ng date ASAP.  Dahil baka daw magduda na sa kanya kung magtatagal pa siya dito.  Muli niyang inisa-isa mga plans nya at  details ng gagawing kasalan. Sa resort daw ang gusto niya,  pero simple lang ilang friends at close relatives lang iinvite, etc, etc… nakikinig lamang ako dahil wala naman akong ma i suggest o kahit mag comment lamang.  Pero sa isip ko kala ko dati civil wedding ang gusto niya pero ngayon sa resort na. Hindi pa rin ako umimik hinayaan ko lamang siya. Nang biglang mag ring ang phone ko.  Landline ang nakaregister na number. Sinagot ko.
  
    “Sir, pinasok po ang bahay.” Mahina niyang sabi na hindi na nag hello. Alam kong boses yun ni Kenn Lloyd

    “Kenn,  bakit, anong nangyari,  kumusta ka na, ayos ka lamang ba, nasaan ka?” Sunud-sunod kong tanong

    “Sir nawalan po ako ng malay, pinukpok po nila ako sa ulo,” halata sa boses ang pag-iiyak at takot dahil nanginginig.  “Ngayon lang ako nagising at naisip ko pong  tawagan agad kita, kaso sir kinuha po nila ang  phone ko kaya landline po ang ginamit ko.”

    “Shit! may sugat ka ba, sinaktan ka ba nila, saka humingi  ka na ba ng tulong sa mga kapit bahay mo, ang tita mo tinawagan mo na ba, ang Daddy mo nasabihan mo na? Hindi ko na alam ang itatanong ko dahil sa pagkalito.

    “Ikaw pa lang po sir ang tinawagan ko, number mo lang po ang kabisado ko, masakit po ng ulo ko may konting dugo sa may batok ko”ramdam ko pa rin ang pag-iyak niya.

    Pagkarinig ko ng salitang dugo bigla akong nataranta. “Gosh! Huwag ka munang mag gagalaw, pupunta ako diyan now.  Hintayin mo ako.  Mag-iingat ka ha.”Inend ko na ang call.

“Lester, kunin mo susi kay Papa, samahan mo ako luluwas tayo, may problema si Kenn Lloyd, pinasok daw ang  bahay niya, may sugat yung bata, dalian mo!” Mabilis na tumakbo papasok si Lester ako naman ay pumasok sa kwarto ko at kinuha ko ang wallet ko at paglabas ko naroon na si Lester,  sumakay na ng kotse ni Papa, “Ako na magda drive kuya, sakay ka na.” Hindi na ako tumanggi dahil tense na tense na rin ako hindi ko alam kung kaya kong  mag drive. May lisensiya naman si Lester kaya hinayaan ko na.  Yung mga barkada na niya ang dali-daling nagbukas ng gate.
       
    Naiwang walang kibo si Gigi.  Nakatingin lamang sa amin.  Tulala.

No comments:

Post a Comment