m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Monday, March 7, 2016

Here and Now (Part 50)

By: Chaster Rassel 

Chapter 50: To Continue Or Not...

SI ORYO......

    “Inspector bakit po parang nashock ata kayo?...Did I say something wrong?”usisa ni Hyro…..
    “Ah...Wala…Hin…Hindi ko lang kasi inaasahan na ganyan ka pala talaga katalas…Na magagawa mong pagdugtong-dugtungin nang ganun kabilis ang mga bagay-bagay…Kahit na…Bata ka pa…Pero...Sapalagay ko tama naman ang lahat ng mga naisip mo…At mukhang ganyan nga talaga ang mga nangyari dati”
    “Kung ganun Inspektor…Ngayon, halos malinaw na ang lahat-lahat...Alam na natin ang tunay na pulo’t dulo ng gulo na toh…Ano nang gagawin natin ngayon?”usisa ko……

Bago pa man makasagot si Inspektor, biglang humakbang si tita Divine papunta sa harapan namin ni Revy at……..

    “Ahmmm…Inspector Macaraig…And to you too Hyromin...If you both don’t mind…Bago sana natin pag-usapan ang susunod nating hakbang…I would like to take my sons next door for a moment and speak with them privately first…Kung okay lang”sambit niya sabay lingon sa amin at lingon ulit sa kanila……

Wala naman itong problema sa kanila. At dahil dun, sumama na nga muna kami sa kanya at nagpunta sa kabilang unit.

Pagpasok namin, dumiretso siya sa may tapat ng bintana. Sumunod naman kaming magkapatid. Binuksan niya iyong nakasarang kurtina at biglang nagliwanag ang aming paligid, dahil sa sinag ng araw na ngayo’y nakatambad sa aming kinatatayuan……….

    “Mama…”si Revy na ang siyang naunang magsalita……

Napatingin si tita sa kanya…….

    “Bago po ang lahat…Gusto ko po sanang magsorry…Dahil napagsalitaan ko kayo kanina nang di maganda…Nabigla lang po kasi ko sa lahat-lahat…”
    “It’s okay anak…Naiintindihan ko naman eh”sagot ni tita sabay hawak sa isang pisngi niya…..
    “Sa totoo lang po…Kahit di pa man po natin nalalaman iyong totoo…Minahal ko na po kayo…Nang dahil po kasi sa inyo, naranasan ko ulit ang magkaroon ng magulang…
Kaya po ngayon, ang saya-saya ko…Dahil natupad iyong hiling ko na akala ko dati imposible…Ang maging totoong nanay ko po kayo…At gusto ko pong malaman niyo, na ikinagagalak ko po na maging anak niyo! Na maging si Johnray De Chavez!”nakangiti at maluha-luhang bulalas ng kapatid ko…....

Maluha-luha rin si tita, napangiti na lang rin siya at napayakap sa kanya. Hindi ko na rin napigilan na mapangiti at matuwa para sa kapatid ko. Habang magkayakap pa rin sila, napatingin sa akin si Revy…….

    “Uy kuya! Ang tahi-tahimik mo diyan…Wala ka man lang bang sasabihin sa Mama natin ha?”

Hindi ako nakapagsalita. Sana nga, ganun lang kadali ang lahat. Pero magkaiba kasi kami ng nararamdaman ni Revy. Sa kanya parang ang simple lang ng mga bagay-bagay. Pero para sa akin, napakumplikado.

Samantala, kumalas na si tita sa pagkakaakap sa kanya. Pagkatapos kinuha at hinawakan niya ang dalawa kong mga kamay………

    “I know na naguguluhan ka pa…Kung kailangan mo ng oras, handa akong ibigay iyon sa iyo…Hindi naman kita minamadali na tanggapin ako sa buhay mo eh…”

Napatango ako sa kanya at…….

    “Tama po kayo…Naguguluhan pa po talaga ko…Hindi ko po alam kung anong dapat kong isipin…Sa dami ng hirap na dinanas ko sa buhay…Hirap na pinilit kong malampasan para sa kapatid ko…Ito na po ata iyong pinakamabigat…At hindi ko po alam kung paano haharapin toh….”
    “Well, ngayon na nandito na ko…Hindi mo toh haharapin ng mag-isa, dahil dadamayan kita anak…Tutulungan kita na maintindihan ang lahat”
    “Dati…Ang tanging gusto ko lang po ay ang makaahon at makalaya kami ng kapatid ko, mula sa masamang pamumuhay na pilit pinasikmura sa amin ni Primo…At iyon po ang dahilan, kaya pumayag ako na magpagamit sa mga plano niya…Na magpanggap…Pero…Di ko po inakala na hahantong pala ang lahat sa ganito kakumplikadong sitwasyon…Natatakot po ko sa mga pwedeng mangyari…Lalong-lalo na po sa magiging epekto nito sa amin ni Hunsel….”

Pagkasabi ko noon, napansin ko ang pagtalikod ni Revy. Kasunod nun, dahan-dahan ay medyo lumayo siya sa amin. Ako naman ay nagsisimula na namang maluha. Pero bumitiw si tita sa akin at pinahiran ng kamay niya ang mga mata ko…….

    “Huwag ka nang umiyak…I know that things would be harder for you from now on…Pero you need to be strong…Sa iyon na rin mismo nanggaling…Marami ka nang nalampasan…Ngayon ka pa ba susuko?”sambit niya habang hawak-hawak at hinahaplos ang mga pisngi ko.….

Napaisip ako sa mga sinabi niya. Mayamaya, bumitiw na rin siya ulit mula sa akin at ibinaba ang mga kamay niya……..

    “Tungkol nga pala diyan sa pagpapanggap mo…Actually, iyan ang dahilan kaya gusto ko kayong makausap privately…Ang gusto ko sana…Huwag ka nang bumalik sa mansyon ng mga Amethelli…Ihinto mo na ang pagpapanggap mo”
    “Po? Pero…Hindi ko po pwedeng gawin iyang sinasabi niyo”
    “Bakit hindi?…Alam mo na ang katotohanan sa likod nito…Pati na rin ang mga plinano ni Primo…Anak, wala nang dahilan para ipagpatuloy mo pa ang lahat ng toh…Dumito ka na lang…Magsasama-sama tayo ng kapatid mo at ng pinsan niyo...Tutulungan ko kayo na makapagsimula ng bago at mas maayos na buhay…Ibibigay ko sa inyo iyong klase ng pamumuhay na ninakaw at ipinagkait sa inyo nang napakatagal na panahon”
    “Napakasarap man po sa tenga niyang mga sinasabi niyo pero…Sa tingin ko po, hindi tayo magkakaroon lahat ng maayos na buhay, hangga’t hindi natatapos ang lahat ng gulo…Hangga’t hindi nananagot ang mga dapat managot”
    “Sa tingin ko rin po tama ang mga sinabi ni kuya, Mama…”at muli nang umimik ang kapatid ko……

Napalingon kami sa kanya. At lumapit naman na ulit siya sa amin……..

    “Tsaka…Gusto ko rin po sanang mabigyan ng katarungan ang nangyari kina Inay at Itay…Sabihin man po kasi na kasama sila sa grupo ni Primo…Naging mabuting magulang pa rin po sila sa amin…At kung di dahil sa kanila…Baka wala po kami ngayon dito sa harap niyo”pagpapatuloy niya……
    “Ganun din po ako…Hmph…Parang sa runway lang naman po iyan eh…Hindi kami pwedeng rumampa na mga model, kapag maraming nakahambalang na mga kalat…Dapat po linisin muna”napapangiti kong dagdag……

Unti-unti ay napangiti rin si tita, hanggang sa napatawa na lang siya bigla nang mahina…….
   
    “Ba…Bakit po kayo natatawa? May nasabi po ba ko na comedy?”nakangiti ko pa ring usisa…..
    “Nope…It’s just…You’re sounding like your father…Alam niyo kasi, ganyan na ganyan din siya kapag may pinagtatalunan kaming problema…Palagi niyang inirerelate sa fashion at modelling…Hugot kumbaga....And I think hindi pa man nauuso iyang hugot-hugot na iyan, eh hari na talaga ng hugot iyong tatay niyo hehe…”
    “Ahh…Kaya naman pala…So ibig sabihin po pala niyan tita eh nagmana ko sa kanya hehe….”
    “Tita….”reaksyon niya…..

Parang siyang biglang nalungkot. Oo nga naman kasi, alam ko na nga’t lahat-lahat iyong totoo naming kaugnayan sa isa’t isa, panay pa rin ang tita ko sa kanya. Nakakapanibago din naman kasi ito para sa akin. Pero, hindi ata tama na ganun pa rin ang itawag ko sa kanya……..

    “Pa…Pasensya na po”
    “It’s okay…Like I told you, hindi kita minamadali…At hindi mo rin kailangang magmadali”
     “Hindi po…Napagtanto ko rin po kasi…Na kung gusto ko po talaga na magkaroon ng bagong buhay kasama ninyo…Dapat ngayon pa lang, sinisimulan ko nang buohin iyon…At sisimulan ko po iyon, sa pagtawag sa inyo nang tama....”

Huminga kong nang malalim, ngumiti sa kanya at…….

    “MAMA”nakangiti kong sambit…..

Napangiti at napayakap na lang ulit siya sa akin. Kanina, di ko alam ang gagawin. Pero ngayon, di ako nag-alinlangan na yumakap din sa kanya……..

    “Teka…Eh kayo po pala Mama? Anong pangalan ang itatawag niyo sa amin ni kuya?”

Napakalas kami mula sa isa’t isa sa mga sinabing iyon ni Revy at napalingon sa kanya. Nakahawak iyong isa niyang kamay sa baba at mukhang nag-iisip…….

    “Well, I would want to call you in your real names…But for your security, I think mas makabubuti na Oryo at Revy na lang muna ang itawag ko sa inyo ngayon”sagot ni Mama…..
    “Hmmm…Pero…Pwede rin nating pagsamahin eh…Joaquin Oryo De Chavez…Jo kapag pinaikli…Tapos Johnray Revy, JR for short!...Astig di ba? Ano sa tingin mo kuya?”ngingisi-ngisi niyang banat…..

Natawa si Mama sa banat niya. Ako naman, imbis na sumagot, hinawakan ko siya sa ulo sabay gulo sa buhok niya……..

    “Ang dami mo ring alam eh noh!”
    “Ahaha!”tawa naman siya…...

At nagtawanan na lamang kaming tatlo. Hindi namin namalayan ang pag-andar ng oras sa pag-uusap naming mag-iina. Sa totoo lang, napakarami pa sana naming gustong pagkuwentuhan. Gaya ng kung ano iyong buhay namin dati bago kami nagkahiwa-hiwalay at kung sino kami bilang sina Joaquin at Johnray.

Kahit si Mama, interesado rin na malaman kung ano ang mga pinagdaanan namin ni Revy, habang lumalaki kami nang wala siya. Kaso nga ay naghihintay sa amin sina Inspektor at Hyro. Kaya nagpasiya kami na balikan na muna sila.

Pagbalik namin, agad na tumabi si Revy sa boyfriend niya na nasa supa at umakap sa braso nito. Kasunod nun ay nagkangitian sila. Si Inspektor, nakatayo na naghihintay. At sa kanya naman kami lumapit ni Mama……

    “Oryo…Habang wala kayo kanina, pinag-isipan ko ang tungkol sa magiging hakbang natin…Kung pwede sana…Huwag mo munang kumprontahin si Mariana, kahit na nalaman mo na iyong katotohanan…Ipagpatuloy mo pa rin ang pagpapanggap mo”
    “Ang totoo po, napag-usapan rin namin iyang tungkol diyan sa pagpapanggap ko…Gusto ni Mama na huminto na po ko…Hindi po ko sumang-ayon sa kanya kanina pero…Nakapag-isip isip din po ko…Naisip ko po na baka…Baka panahon na nga po para tapusin ko na ang palabas na toh”   
    “Oryo hindi pwede…Hindi pa ngayon!”
    “Inspektor, hindi ba’t kayo rin po iyong nagsabi sa akin dati, na dapat hindi ako pumayag sa mga gusto ni Primo sa simula pa lang?…Ngayon gusto ko na pong itama iyong mga mali kong desisyon”
    “Pero bakit naman ngayon pa? Ayaw mo bang mabigyan ng hustiya iyong nangyari sa inyo? Sa tatay mo?....Pati na rin iyong sa Inay at Itay mo!”
    “Gusto ko po…Gustong-gusto….Pero Inspektor…Nakakapagod na  eh…Pagod na pagod na po kong mabuhay sa pagsisinungaling!”
    “Hmph! Baka naman nasasabi mo lang iyan, porket nabisto ka na ng boyfriend mo! Masyado ka nang nagpapadala diyan sa kabaklaan mo Oryo!”

Nabigla ako at napaatras sa mga sinabi ni Inspektor. Maging sina Hyro at Revy ay napatayo rin bigla mula sa supa. Iyong dating at tono kasi ng pagnanalita niya, parang ibang tao siya. Ni hindi ko inakala na magagawa niya kong pagsalitaan nang ganito. Natigilan na lamang tuloy ako. Si Mama naman ay napaakbay sa akin at.…..

    “Inspector! How could you talk to my son like that! Wala ka man lang bang konsiderasyon? Sobra-sobra na ang pinagdaanan niya kay Primo…He was forced to do something against his will!…Balak mo pa bang dagdagan iyon?!”inis na bulalas ni Mama……
    “So…Sorry ho Mrs.Goodman…Na…Nabigla lang ho ako…Sa…Sa iyo rin Oryo, pasensya ka na…Hindi ko sinasadiya na personalin ka…Ang sa akin lang naman kasi eh iyong kaligtasan niyong lahat…Kung aalis ka kasi sa mansyon ng mga Amethelli nang ganun-ganun lang, baka pagmulan iyon ng mas malaking problema…”
    “Then why don’t we find another way…Baka naman pwede nating mapapanagot sina Primo at Mariana nang di na kinakailangang magpanggap pa ng anak ko”
   
Nagkatinginan kami ni Mama, tapos ay napatingin ulit kami sa kanya……..

    “Tama po si Mama…Inspektor baka naman po may iba pang paraan na pwede nating gawin?”sambit ko…..
    “HMPH! HELL NO! There is no other way!”biglang pagsingit ng isang pamilyar na boses mula sa aking likuran…

Napalingon kaming lahat sa nagsalita…….

    “Kuya!”bulalas ni Hyro…..

Si Hunsel! Bumalik siya kasama ni Rass! Hindi ako makapaniwala, nandito siya ulit ngayon!........

    “Hun…Hunsel”iyon na lang ang nasabi ko…..
    “Rassel here filled me in about everything…He told me na pinilit ka lang daw ni Primo na magpanggap?”

Napatingin siya kay Rass, tapos tumingin ulit sa akin.……

    “He even explained to me about what I heard awhile ago,  iyong tungkol sa ginawa nila ni Mommy sa family niyo…Which was like 11 years ago, right?”pagpapatuloy niya habang naglalakad palapit sa akin………

Nakangisi siya, pero iyong ngisi na mapanuya.……

    “Hmph…Do you really think na hahayaan ka lang basta ni Mommy na umalis ng mansyon? Oh c’mon Oryo, gamitin mo naman iyang utak mo!”
   
Nagkamali ako, akala okay na sa kanya ang lahat. Pero ngayon na nasa tapat ko na siya mismo nagsasalita, nararamdaman at nababakas ko iyong galit mula sa kanya……
    “Di ko alam kung narinig mo iyong mga sinabi ko kanina, kaya uulitin ko…Pagod na kong magpanggap, ayaw ko na Hunsel!”
    “Wow! Ang galing!! BRAVO!!!”bulalas niya na may kasama pang pagpalakpak ng mga kamay niya……

Unti-unting bumagal ang pagpalapak niya hanggang sa tuluyan niya itong hininto. Tumingin siya nang diretso sa mga mata ko. At agad kong napansin na mamasa-masa iyong kanya……….

    “Really Oryo?! Ngayon mo pa talaga naisip iyan, kung kailan nagawa niyo na kong pagtulungang lokohin at saktan ng kapatid ko at kapatid mo! HA?!”
    “Kasasabi mo lang di ba? Pinilit lang ako ni Primo…Kahit kailan, wala akong ginusto sa mga ginawa ko…Kahit ang mga kapatid natin, walang ginusto sa lahat ng toh! At para sabihin ko sa iyo, kailanman hindi ko naging intensyon ang saktan ka…Dahil bago pa man ako tumuntong sa mansyon, mahal na kita…Nung nakasama pa lang kita sa tambayan dati, minahal na kita Hunsel”

Sa puntong iyon, nagsimula na ring mamasa ang mga mata ko…….

    “Hmph! And now you’re blubbering that cliché crap! Alam mo Oryo kupas na iyang linyang iyan…Ilang beses ko nang narinig sa mga movies at tv series iyan! Ano? Nagpapaawa ka sa akin? Nakokonsensya ka?...Well, it’s too late for you to play the guilty guy role…Hindi na uubra iyan…”
    “ENOUGH! Hindi ito ang tamang oras at lugar para pag-usapan niyo ang couple issues niyo!…Just tell us what you have in your mind”bulalas ni Mama…..
   
Napahinto kaming pareho bigla dahil sa pananaway ni Mama. Hindi ko na sinagot iyong mga sinabi niya, nanahimik na lamang ako. Siya naman ay napasingap at umiling-iling……..

    “I just thought that if may balak po si Mommy na magpahuli, she could have done that already a long time ago…At di niya kakailanganin pang baguhin pati iyong buong pagkatao niya….”

Mas kalmado na iyong pagsasalita niya ngayon……..

    “Aside from that, I have always wondered kung bakit napakabilis niyang nagtiwala dito kay Oryo...I mean, hindi po normal na tanggapin mo ang isang tao sa bahay mo nang ganun-ganun lang…Especially, kung ninakawan ka na dati nung taong iyon…Unless….”pagpapatuloy niya……
    “Unless alam na ni Mommy dati pa kung sino talaga si kuya Oryo…Is that what you were trying to say kuya Hunsel?”biglang sambit ni Hyro…..

Lumingon siya sa kapatid niya at…….

    “Exactly”sagot niya……

Samantala, dahil sa mga sinabi nilang dalawa, bigla kong naalala iyong mga kataka-takang nasabi sa akin dati ni Madam. Nung araw na dumating ako sa mansyon, nung sinamahan niya ko sa kwarto ko.......

    “Madam...Sa kwarto lang ng katulong ayos na po ko...Sobra naman po ata kasi kung dito ko magkwakwarto....Tsaka baka kung anong isipin ng mga anak niyo...Nakakahiya naman....”
    “Don’t worry about them...Mas maliit naman actually tong kwarto mo kaysa sa kanila eh....And tiyak ko makakasundo mo sila dahil mababait naman sila....At sabi ko naman sa iyo di ba, ang gusto ko maging maayos ang buhay mo kaya ko ginagawa ko toh....”
    “Madam sigurado po ba kayo na okay lang sa kanila ang lahat?...”
    “OO nga...And after all....Sa iyo naman talaga ang lahat ng ito...”
    “PO?!....”
    “Ahmmm....I mean sa iyo na ang lahat ng ito...Kasi nga binigay ko na.....”

Ngayon ko lang naisip toh. Paano kung nadulas lang pala siya nun? Posible nga ba na alam na niya na ako si Joaquin noon pa?........

    “Wait, if that is true...Ibig sabihin matagal na niya tayong naunahan...Kahit si Primo, naisahan niya”sambit ni Hyro.....
    “See...That’s what I am talking about...And she might probably have something under her sleeve...Kaya hindi kayo pwede magpadalos-dalos...So now Oryo”

Lumingon na ulit sa akin si Hunsel at......

    “Naiintindihan mo na ba?...The safest option for you is to continue doing your thing”
    “And then what? Let’s say na pumayag nga ang anak ko na ituloy ang pagpapanggap niya...What’s going to happen?”usisa ni Mama......
    “Itutuloy po namin iyong Ebony and Ivory project....We’re going to finish the photoshoot...And most importantly, do the fashion show”
   
Nang banggitin niya iyong tungkol sa fashion show, agad kong nabatid kung ano ang marahil na iniisip niyang gawin.........

    “Continue the project, pero para saan?”muling usisa ni Mama......
    “Mama...Si Primo po...Tiyak na magpapakita siya sa gabing iyon”sambit ko......

Napatingin si Mama sa akin sa sinabi ko........

    “Kailangan po naming apat na ituloy iyong fashion show, dahil iyon iyong gagamitin nating pain sa kanya at kay...Madam...”pagpapatuloy ko......
   
Matapos iyon ay napalingon na lamang ako ulit kay Hunsel......

    “That’s right...Now you got it...On that night, TATAPUSIN na natin ang lahat ng toh”sambit niya.....
       
At dahil dito, pumayag na nga ako na ipagpatuloy ang pagpapanggap ko. Kasunod nun, ipinagtapat sa amin ni Rass na may nabuo na pala silang plano ni Hunsel, para sa gabing iyon.

Ipinaliwanag nila ito sa amin. Maganda naman iyong naisipan nila, kaya lang medyo peligroso. Pero sa bandang huli, napagkasunduan pa rin namin na subukan ito. Maging si Inspektor ay pumayag din. At handa siyang alalayan kami sa mga gagawin namin.

Sana nga, maging matagumpay ito. Sana nga, matuldukan na ang lahat ng mga gulo sa buhay namin, sa gabing iyon.

SI HYROMIN......

After all the talking and planning, nauna nang magpaalam si Inspector Preston sa amin. Sina kuya Oryo at Revy kausap pa sina tita Divine at kuya Rass. Meanwhile, lumabas muna ko sa hallway kung saan naghihintay ang kuya ko.

Paglabas ko, sakto nagkatinginan kami. But then, agad siyang umiwas. I’ve been wanting to talk him alone, since nung bumalik siya kanina dito. So, dahan-dahan ko na siyang nilapitan..........

    “Ku...Kuya...”

Tumingin siya akin without saying a word.......

    “Hin...Hindi ako sasama sa inyo ni kuya Oryo...I will stay here for now...Bukas na lang siguro ko uuwi...Hindi ko pa kasi talaga kayang humarap kay Mommy eh...Baka...Baka mapagsalitaan ko lang kasi siya nang di maganda, kapag pinilit ko ang sarili ko...Just tell her that I’m fine here”
    “Bahala ka sa buhay mo...Do whatever you want...Total magaling ka naman di ba...And why don’t you just call her and tell her that yourself?...I bet, magagamit mo na naman ang expertise mo sa paglalaro ng LoL...LoL as in League of Liars”
I knew it, hindi talaga niya magagawang patawarin kami nang ganun-ganun lang, sa lahat ng mga panlolokong ginawa namin sa kanya. At sa pagkakakilala ko kay kuya Hunsel, it might take long bago maging okay ulit ang lahat sa pagitan namin........

    “Kuya...Sorry...Sorry sa lahat-lahat...Sorry dahil niloko kita...Sorry dahil nagsinungaling ako sa iyo...”

This is the reason why I wanted to talk to him. Gusto kong magsorry kay kuya. Actually, ito dapat iyong unang-una kong ginawa kanina nung malaman niya iyong totoo........

    “Are you done?”

Hindi ako nakakibo sa naging reaksyon niya.........

    “Just tell Oryo na sa kotse ko na lang siya hihintayin”

He already went ahead. And I was left with teary eyes. Bakit ganun? Parang wala lang kay kuya iyong pagsosorry ko.

BALIK KAY ORYO......

Nakaupo kaming tatlo nina Mama at Revy sa may supa........

    “Well anak, gustuhin ko man na makasama ka pa sana, I think kailangan niyo nang tumuloy ni Hunsel...Kanina pa naghihintay sa inyo si Mariana...Mahirap na, baka mamaya mapasugod pa iyon bigla dito”

Pagkasabi nun ni Mama, napatingin ako sa suot kong relo. Tama nga siya, inabot na pala kami ng ala una ng tanghali. Kaya pala naghihimagsik na rin iyong sikmura ko..........   

    “Sige po Mama…Kailangan na nga po naming makauwi”sambit ko sabay tayo na……

Napatayo rin silang dalawa…….

    “Okay, sige…”sagot ni Mama sabay akap sa akin…….
    “Uy kuya ingat ka ha”sambit ng kapatid ko…..
    “Syempre!”

Matapos iyon ay kay Rass naman ako lumapit. Nakatayo siya sa may gilid ng bintana at nakasandal sa dingding.…….

    “Paano? Alis na muna ko ha…Ahmmm…Salamat nga pala sa lahat-lahat ng mga tulong na ginawa at ginagawa mo…”
    “Nah…It’s actually nothing, kung ikukumpara dun sa ginawa mo para sa akin…You saved my life remember?”

Oo nga pala, iyong sa ospital dati. Ngayon, alam ko na rin kung bakit ganun na lang iyong malasakit at pag-aalala na naramdaman ko nun para sa kanya. Kung bakit gusto ko na makaligtas siya. Siguro, iyon na iyong sinasabi nila na lukso ng dugo……..

    “Sa totoo lang, hindi para rin ako makapaniwala…Biruin mo, pinsan ka pala namin…At ang malupet pa nun, parang pinagkrukrus pa talaga iyong mga landas natin…Una iyong dun nga sa ospital…Pagkatapos sa tambayan...Hmph”nakangiti kong sambit……
    “Yeah…And who would have thought na sa dati ko pang condo tutuloy si bunso di ba….”

Nakangitian at natawa na lamang kami……….

    “It’s really amazing…Para bang….”

At natigilan na lang siya bigla…….

    “Bakit?”pagtataka ko…..
    “I haven’t mentioned this to you yet pero…Nung nasa states pa kasi ko, madalas kong mapanaginipan si Chast...Paulit-ulit niyang sinasabi sa akin na bumalik ako sa tambayan at dito sa condo…At iyon iyong isa pang reason, kaya nagdecide akong umuwi ng Pilipinas…Bukod pa dun sa hanapin kayo…Then unexpectedly, ganito pala ang mangyayari…”
   
Napalapit sina Revy at Mama sa amin, pagkasabi niya nun…….

    “Tototo ba iyan kuya Rass?”usisa ng kapatid ko….
    “Yeah”
    “Alam niyo ba na halos mabaliw iyang pinsan niyo sa kakaisip diyan sa mga panaginip niya…But now, come to think of it…Maybe ito iyong talagang reason kaya gusto ni Chast na umuwi ka…Right Rass?”
    “I think your right auntie”napapangiting sagot ni Rass……
    “Siguro, nalaman niya dun sa itaas iyong tungkol sa amin…Kaya naisipan niyang timbrehan ka”sambit ko….
    “Hanep din pa lang magmahal iyang si kuya Chast ah…Kahit na nasa kabilang buhay na siya, hindi ka pa rin niya pinababayaan kuya Rass”
    “Hmph, oo nga eh”
    “Hmmm…Mas malalo tuloy akong nagiging interesado sa kwento niyo…Insan, pagbalik ko dito kwentuhan mo naman ako diyan…”ngingisi-ngisi kong sambit……
    “Sure, ikaw pa…Haha”
    “Oh siya sige, tutuloy na ko”sambit ko sabay tapik sa braso ni Rass…..

Matapos iyon ay lumakad na nga ko.

SA MANSYON, SI ORYO......

Nang dumating kami ni Hunsel sa mansyon, diretsong salubong agad sa amin si Madam…….

    “Finally! I’ve been worried sick about you!...Kanina pa ko tawag nang tawag pero wala akong makontak ni isa sa inyo…”
   
Nakalimutan ko, nagpatay nga pala ko ng cellphone, bago dumating si Inspektor kanina……. 

    “Relax Ma…Everything is fine”sagot ni Hunsel…..
    “Pasensya na po Madam…Di ko po kasi nacharge iyong cellphone ko…Nalowbat ako”nagpapalusot kong dagdag……
    “Wait…Where’s Hyro? Bakit di niyo siya kasama?!”
   
At napansin na ni Madam na dalawa lang kaming umuwi……

    “Well Ma, ayaw pong sumama ng magaling mong bunso”
    “What?!”
   
Tumingin sa akin si Hunsel. Hindi ko gusto iyong titig niya, para na naman siyang nanunuya……

    “Right Oryo? Why don’t you explain kung anong nangyari? Para naman maintindihan ni Mommy ang lahat di ba”sambit…..

Napalunok na lang ako at…….

    “Ahmmm….Gaya po ng sinabi sa inyo ni Hunsel kanina…”

Napahinto ako at napasulyap saglit sa kanya. Pero agad ko ring itinuloy iyong sinasabi ko kay Madam…….

    “Naapektuhan po masyado si Hyro sa mga nangyari kahapon…Sa tingin ko po Madam, mas okay na rin na dun muna siya…Para malibang siya kasama iyong kaibigan niya…Isa pa po…Mas ligtas din siya dun, dahil hindi po alam ni Primo iyong lugar na iyon di ba?...Tsaka sinabi naman po niya na baka bukas uuwi na siya...” 
    “See Ma…You heard it loud and clear…You have nothing to worry about…Besides, nandun naman po si tita Divine to look after him…”napapangisi niyang dagdag……

Okay na sana kanina eh. Parang kumakalma na si Madam. Pero nang banggitin ni Hunsel si Mama, bigla na namang nag-iba iyong itsura niya. Para na naman siyang natatakot na hindi maintindihan………

    “Madam, ayos lang po ba kayo?”usisa ko…..
    “Yes…I’m…I’m fine….Well, base diyan sa mga sinabi niyo…Mukhang hindi ko na rin naman talaga makukumbisi si Hyro na bumalik, kahit puntahan ko pa siya…So I guess…Hahayaan ko na lang muna siya…Anyway, hindi pa kayo naglulunch for sure…Sumabay na kayo sa akin”

Tila pigil ang paghinga ni Madam habang sinasabi ang mga iyon. Pagkatapos nun, agad na siyang nauna sa amin. At ngayon na kaming dalawa na lang…….

    “Ano ba gusto mong palabasin dun sa ginawa mo? At bakit kailangan mo pang banggitin si Mama? Ano?! Gusto mo kong pahirapan dahil galit ka sa akin? Ha?!”inis pero mahina kong sambit……
    “Hmph!...I just want to see kung gaano ka talaga kagaling magsinungaling at manloko…Oh! I almost forgot, matagal mo na nga palang ginagawa iyon sa akin nang harap-harapan…Well…Naghihintay sa atin si Mommy…So we better follower her in the dinning, dahil baka mamaya maghinala pa siya”

Lalakad na dapat siya, pero pinigilan at hinawakan ko siya sa isa niyang braso. Dahilan para mapahinto siya at lumingon sa akin……

    “Hindi pa tayo tapos mag-usap Hunsel!” 
    “I believe we’re already done with that…Malinaw na iyong mga napag-usapan nating lahat kanina”
    “Hindi iyan ang ibig kong sabihin…Iyong sa atin…Sa ating dalawa”

Sa puntong iyon, nagsisimula na namang mamasa ang mga mata ko……

    “Wala na tayong dapat pag-usapan…And let me get this straight with you…I might be cooperating with this lying game of yours, but it doesn’t mean na pinatawad ko na kayo…I’m only doing this dahil gusto kong itama iyong mga maling ginawa ni Mommy…At hanggang dun lang iyon!”
    “So ganun na lang iyon? Paano na tayo?”

Hindi siya sumagot, tumingin lang siya sa akin. Unti-unti na ring naiipon ang mga luha sa mga mata niya. Hanggang sa………
    “Honestly speaking, hindi ko na alam Oryo…Paulit-ulit mo kong niloko at sinaktan…And I’m telling you, SINAGAD MO NA KO!...Ni hindi ko na nga alam, kung makakaya ko pa ba na ipagkatiwala pa ang puso ko sa iyo”

Hindi na ko nakapagsalita pa. Pakiramdam ko, parang nabasag iyong dibdib ko sa lahat nga mga sinabi niya. Kasunod nun, naramdaman ko na lang ang dahan-dahan niyang pagtanggal sa pagkakahawak ko sa kanya.

Umalis na siya. At sa pag-alis niya, hindi ko na napigilan ang mga luha ko, mula sa tuluyan nitong pagbagsak.



ITUTULOY.......

No comments:

Post a Comment