m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Monday, March 7, 2016

May Extrang Brief Ka Ba? (Part 4)

By: DreamCatcher

Ako: Ken…I’m ending this shit between us.

Saktong dumating ang driver ko..sumakay ako at iniwan ko si Ken na umiiyak….. hawak ang isang pamilyar na bagay…

Ang unang extrang brief na pinahiram ko sa kanya ….

Habang bumabyahe parang wala ako sa sarili ko, nakatunganga, di nagsasalita, at nangingilid na ang luha. At nang marating ko na ang bahay dumiretso ako sa aking kwarto, humagulgol, umiyak, hanggang sa nakatulog dahil sa sobrang kalungkutan.

Alam nila mommy na may problema kaya’t inasikaso talaga nila ako nung nag-umaga na. Tinanong nila ako kung ano ang problema pero di ko sila sinagot, kaya’t di narin nila ako pinilit…. Pero ramdam ko ang pag-aalala nila. Gusto kung sabihing puputok na ang dibdib ko sa sakit…. Nababakla na ako…. Lulong sa drogang tinatawag na KEN LIM! Buong weekend nagmukmok lang ako sa kwarto…iniisip kung anong mga susunod kong gagawin.

At humantong ako sa harap nang isang flowershop.

Ako: Miss magkano to? (sabay turo sa isang bouquet nang bulaklak na puno nang white roses)
Kahera: 2,000 pesos po sir. (sagot niya na may kasamang ngiti)
Ako: Eto na bang pinakamalaking bouquet dito? (baka mas tanggapin ni Ken ang sorry ko kung mas maraming bulaklak ang ibibigay ko)
Kahera: Opo Sir, tsaka yan na po ang huling ganyan na bouquet ngayong araw. Para po ba sa girlfriend niyo sir?
Ako: Hindi, para sa boyfriend ko. (nakangiti kong sinagot)
Kahera: Nako sir, palabiro pala kayo. Ang gwapo niyo kaya. (sabay tapik niya sa balikat ko)
Ako: Gwapo din yung boyfriend ko. (nakabukaka ang bibig nang kahera, tinapik ko pa nga para magising lang)

Nung nasa labas na ako nang school parang nagdadalawang isip na ako.. kasalanan ko ba talaga? Dapat ako ba ang mag sorry? At nung may nakita akong matanda na namamalimos…. Bigla kong binigay ang bouquet na hawak-hawak ko.

Ale: Nako anak, salamat… pero aanhin ko to? (inosenteng tanong ni Nanay)
Ako: Nako… tanggalin niyo po sa lalagyan..paghiwa-hiwalayin niyo po ang mga bulaklak at ibenta niyo po para magkapera kayo Nay. (mahinhin kong paliwanag kay Nanay)

Nung papalayo na ang matanda… gusto ko syang habulin para kunin ulit ang bulaklak. Ewan ko ba kasi! Pero mas kelangan nya yun kesa ni Ken.

Dumiretso ako sa classroom naming walang dalang roses, walang bouquet, at walang planong mag-sorry. Nabigla ako nang pumasok ako sa classroom dahil may tatlong red roses na nakalagay sa upuan ko, pero wala naman si Ken. Kinuha ko to at pinasok sa bag.

At nung pumunta ako sa may boys locker room wala nang ibang tao maliban kay Ken… nakasandal ang likod niya sa likod at nakapikit. Umupo ako sa tabi niya at sumandal din sa pader. Nagulat ako nang bigla nyang hinalikan ang pisngi ko.

Ken: Salamat sa flowers. (nalito ako sa sinabi niya) Sorry nadin, di ko sinasadya…. Nagalit lang talaga ako kase ayaw kong nasasaktan ka (sinabi niya na puno nang sinseridad)

Nakatingin lang ako sa mukha niya nang bigla akong tinawag nang kaklase namin na si Alex dahil pinapatawag daw ako ni Miss Mendez. At bago paman ako lumabas sa locker room…

Ako: Hindi galing sa akin yung flowers (pag-amin ko sa kanya na ikinagulat niya)
Ken: Shit!
Ako: Pero kung gusto mo, isasauli ko nalang yung kiss na binigay mo.. (hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya at hinalikan siya sa ilong.) Pero salamat sa Red Roses. (matapos ko syang halikan)
Ken: Hindi din galing sa akin yun.
Ako: Shit!

Di parin talaga kami nag-usap ni Ken hanggang matapos ang klase… at nagpag-alamanan kong yung mga kaklase naming babae ang naglagay nang roses sa locker ni Ken. Sorry daw dahil hinayaan nilang gamitin ko si Ken bilang ganti sa kanila, sorry daw kasi naniwala agad sila na bakla raw si Ken. At ang tatlong roses na nakalagay sa upuan ko ay galing kay T*ng Inang Brandon, tatlo daw kasi “Pasensya na Lee”..pwede din daw “I love you” tsaka “I’ll fuck you”.

Gagong Brandon yun… binugbog ko ang gago para tigilan ako, at kung di ko pa pinagbantaang pasasabugin ko ang ilong niya, di pa sana titigil. At dahil dun naging mailap na sa akin si Brandon nahuhuli ko syang tumitingin pero hanggang dun lang, ganun din ang ginawa ni Ken kahit magkatabi kami.

Di niya ako kinakausap, hinawakan, ni kinukulit. Baka tumigil nadin siya sa pagmamahal sakin. Nanatiling ganun si Ken sa loob nang dalawang buwan at di ko narin pinagsiksikan ang sarili ko sa kanya. At matapos ang dalawang buwang walang pag-uusap naabutan ko nalang siyang natutulog sa kwarto ko. OO ALAM KO KUNG ANONG INIISIP NIYO!! Papaano umabot sa kwarto ko si Ken? Nung gabing-gabi na akong umuwi dahil nanood ako nang movie na last full show ang sched ay inabutan ko si Mommy na naghihintay sa sala..parang may problema…

Ako: Mom, are you alright? (pag-aalala ko)
Mom: Nak, si Ken… uhmm (parang di nya alam kung anong sasabihin)
Ako: Ma….. (parang naiiyak ako kasa akala ko naaksidente, nabaril, nakidnap, namatay!)
Mom: Nasa kwarto mo, lasing na lasing at umiiyak nang pumunta dito. Parang anlaki nang problema at ikaw daw hinahanap niya. Sinabihan ko siyang dun muna siya sa kwarto mo at di ka pa nakakauwi….

Tumakbo na ako paakyat sa kwarto ko at nandun nga ang mokong nakahiga at amoy alak…. Isang bagay lang ang inisip ko. P*ta! Magiging teleserye to.. kagaya nung sa TV huhubarin ko damit niya, isusunod pantalon niya, tapos pupunansan nang maligamgam na tubig…tapos matutulog sa dibdib niya. OO NA!!! AAMININ KO NA!! GANUN NGA ANG NANGYARI!!! Teleseryeng-teleserye!

Nagising ako dahil sa paggalaw niya..aalis sana ako sa pagkakahiga sa dibdib niya, pero hinawakan niya ang ulo ko at pinigilan ako sa pagtayo.

Ken: Wag ka munang tumayo please… (maamo niyang sinabi)

Dinig na dinig ko ang heartbeat niya at pakiramdam ko synchronize ang pintig nang mga puso namin, dahil dun naidlip na naman ako.

Ken: Lee…(sabay alog alog sa akin para magising)
Ako: What?
Ken: Naiihi ako…tumayo ka muna please.

Klarong-klaro na naiihi siya kasi fini-flex niya yung mga paa niya. At nung nakaalis ako sa pagkakahiga dali-dali siyang tumakbo sa banyo at nagpalabas nang napakatagal natapos na water fountain, at napakalakas na AHHHHHHH~~~ (sarap na sarap niyang sinigaw) kanina pa pala siya nagtitiis ayaw niya lang akong gisingin, pero di na daw talaga niya mapigilan.

Ken: Sensya na, ang dami kung nainom kagabi eh.. (sabay kamot sa batok niya)
Ako: Bakit naman?
Ken: Ewan ko ba kasi sayo… magdadalawang buwan mo na akong di kinakausap..at di pinapansin.
Ako: Bakit? Kinausap mo ba ako? Nagpapansin ka ba?
Ken: Wala din…
Ako: Edi patas lang..
Ken: Hindi nga kasi.. syempre nasaktan ako..kasi nakipag break ka sakin, tapos di ka pa nag-sorry.
Ako: Nakipag break…ni di nga tayo mag nobyo! Tsaka ako pang mag so-sorry..fuck you!
Ken: Ayan ka na naman… nag-uusap lang tayo pero “fuck” na agad ang gusto mo..
Ako: ahhh (shit! Nagulat ako sa sinabi niya)
Ken: Ano, gusto mo tuloy natin?
Ako: Ang ano? Iyot?
Ken: gago! Yung usapan!
Ako: Ikaw kasi! Bastos nang bunganga mo! (sabay tapon nang unan) tsaka ambaho pa! Mag-toothbrush ka nga para mahalikan kita.
Ken: YES!!

Parang nung una lang kaming naghalikan…. Ganung ganun ang ginawa niya tumakbo sa banyo, nag toothbrush gamit ang toothbrush at toothpaste ko. Tumalon sa kama at sinunggaban ako nang halik…. Sinasabunutan na ako nang mokong…halos di na ako makahinga..tsaka basang basa na yung mukha ko.

Ako: Ano ba naman yan Ken (sabay tawa at tulak nang mahina sa kanya)
Ken: Ano? Anong problema (pag-aalala niya)
Ako: Basang-basa na yung mukha ko oh! Dinilaan mo kasi…baka magka rabies pa ako nito.
Ken: Hayaan mo na..ulol-na-ulol kasi ako sayo. (sabay dila sa pisngi ko)
Ako: ehhh!! (pero hinayaan ko siya at muli na naman kaming naghalikan.)
Ken: Pero di nga, tayo na ba? (ang laki na nang ngiti niya)
Ako: teka lang ha! (sabay tulak sa kanya) nanligaw ka ba?
Ken: Kelangan pa ba yun? Ano bang tawag sa ginagawa natin.. Friends with benefits? Ayoko ko nito!
Ako: EDI LIGAWAN MO NGA AKO!!!!! (pasigaw kong sinabi sa kanya)

Dun siya nag-umagahan at bago paman siya umalis nagpasalamat siya kay Mama dahil di raw siya nito pinabayaan kagabi. Hinawakan ni mama ang pisngi ni Ken at sinabihang “Alagaan mo ang puso mo ijo”. Di ko naintindihan ang sinabi ni Mommy kay Ken, pero di narin ako nagtanong.

Nung dumating ang Lunes di ko inakalang seseryoshin talaga ni Ken ang panliligaw na sinabi ko. Dito nagsimula ang ISANG LINGGONG PAGLIGAW ni Ken. Pasakay na sana ako nang kotse papuntang school nang bigla siyang tumigil sa harap nang gate namin habang nakasakay sa kulay itim na motorsiklo at inabot sakin ang helmet na kulay itim din…

Ako: Para san to? (hawak-hawak ang helmet)
Ken: Sakay na.
Ako: Baka magalit si Mommy… tsaka baka madisgrasya tayo! (pag-aalala ko)
Ken: Meron na po akong student’s license, tsaka I texted tita earlier…. So okay na ba?
Ako: Fine… wag mo lang lalakasan ang takbo okay?!
Ken: Got it!

Nagpaalam na ako sa driver ko at sinabihang magpahinga nalang muna sa bahay at si Ken ang maghahatid sakin sa school. Sumakay na ako sa likurang bahagi nang motor ni Ken. Humawak ako dun sa pwetan nang motor at di sa bewang ni Ken…. Disappointed na disappointed ang mukha ni Ken nung pinili kong di siya hawakan.

Ken: Hoy…dito ka humawak! (sabay turo sa bewang niya) nagpabango pa naman ako para sa sitwasyong to.
Ako: Ayoko… nakaka-asiwang tingnan.
Ken: bahala ka….

Pinaandar niya ang kanyang motorsiklo at pakiramdam ko mahuhulog ako. At ang mas ikinatakot ko ay ang sunod niyang sinabi..

Ken: Naaalala mo ba yung sinabi ko tungkol sa student’s license ko?
Ako: Anong tungkol dun?
Ken: Bago ko lang yun nakuha! Binayaran ko yung gumagawa nang lisensya! (sabay tawa)
Ako: P*ta! (sabay kapit ko sa bewang niya) kung mamamatay ako..isasama kitang gago ka!!!!!! AHHHHH

At mas binilisan niya ang takbo….ang lakas nang hangin pero pinagpapawisan ako sa kaba, pero siya tawa lang nang tawa. Nung tumagal nagtiwala nalang ako sa kanya, kung madidisgrasya man ako, at least masaya kahit papano. Mas hinigpitan ko ang hawak sa bewang niya at inamoy amoy ang mabangong damit niya. Para akong baliw na nakangiti lang sa kabuuan nang biyahe kasama siya. Habang bumabiyahe bigla kong hinaplos ang harap nang pantalon niya…at biglang gumewang ang pagpapatakbo niya. Pinagalitan niya ako..dahil baka madisgrasya daw kami…kaya’t ngayon ako naman ang tawa nang tawa.

Nung Martes inaya niya akong mag-dinner, medyo private ang place kaya’t kakaunti lang ang mga tao. Nasa bandang dulo kami nang restaurant. Nung matapos kaming kumain nang main course, umorder siya nang panghimagas… dalawang slice nang chocolate cake at isang platito nang leche flan. Sarap na sarap ako sa pagkain ko nang bigla niyang hinawakan ang baba ko at dinilaan ang labi ko… GULAT NA GULAT AKO! At nakakahiya kasi NAKATITIG SAMIN YUNG BABAE SA KABILANG LAMESA! Gulat na gulat din yung mukha niya……

Ken: Yung chocolate kasi naiwan sa gilid nang bibig mo. (sabay ngiti nung Gago)
Ako: Fuck! (sabay bulong sa kanya) nakita tayo nung babae sa kabilang table.
Ken: Ano ngayon? (lumingon siya sa direksyon nang babae at kinawayan ito)

Mukhang nagising yung babae at kumaway din ito nang napakahina. Tumawa nalang kami ni Ken.
Huwebes nung nag-aya siyang manood nang pelikula. Wala nang magandang movie maliban nalang sa isang horror movie. I’m a sucker for horror movies gustong-gusto ko yung nakakatakot nag i-enjoy ako. Siya ang bumili nang drinks at popcorn at siya din ang nagbayad nang tickets… PASIKAT! Last full show yung pinili namin kaya’t kakaunti lang din ang nanonood at nasa gitnang-gitna kami nung sinehan. Nung nagsisimula na ang palabas lalo yatang lumalapit sakin si Ken, baka giniginaw lang. At nung lumabas nayung multo literal na natapon ni Ken ang pocorn na hawak niya. TUMILAPON TALAGA!!! Halos wala nang natira sa lalagyan, pati buhok ko nalagyan nang popcorn.

Ken: Shit!Shit!Shit!  (parang di siya makahinga at humihigpit ang hawak niya sa braso ko)
Ako: Hoy! Okay ka lang??! (sabay tingin sa mukha niya)

Ang mas nakakatawa nakapikit yung mokong… tuluyan niyang binitawan yung popcorn at kumapit lang talaga siya sakin, takot pala yung gago. Inilibing niya yung mukha niya sa leeg ko..at sumusulyap sulyap lang sa pelikula. AKo tuwang-tuwa, siya naman takot na takot. Nung matapos ang pelikula lumabas kami at halos kinakaladkad ko na siya mukhang naiwan yata yung kaluluwa niya sa loob at ang putla na nung labi niya.

Ako: Hoy! Andyan ka pa ba (sabay kaway sa harap nang mukha niya, pero walang reaksyon)

Hinatak ko siya sa banyo nang sinehan at dahil walang tao bigla ko syang hinalikan na ikinabuhay niya.

Ken: Anong nangyari?
Ako: Hahahaha! Akala ko sumakabilang buhay ka na talaga?! (tuwang tuwa kong sinabi)
Ken: Ba’t kasi horror?
Ako: Sinabi mo sana na hindi mo kaya! (sabay tawa ko nanaman)
Ken: Naaalala mo ba ako ang nanliligaw?…lahat nang gusto mo kakayanin ko! (pagmamayabang niya)
Ako: Halos naubos nga yung dugo sa mukha mo dahil sa takot!

Umihi muna siya at una na akong lumabas nung banyo at nung lumabs siya..bigla ko siyang ginulat. Napasigaw siya at tumakbo palabas nang sinehan! Tuwang-tuwa ako syempre, pati yung mga guards na nakakita!! Para siyang manok… nakataas pa yung kamay niya nung tumatakbo siya!

Huwebes nung plinano niyang mamasyal sa night market pero nung papunta na kami….biglang bumuhos ang ulan. Wala po kaming mga raincoats na dala…tsaka raincoats…ano yung pang ELEMENTARY!!? Lumakas ang buhos nito at na stranded kami sa isang waiting shed. Pinili ni Ken na dumaan sa isang shortcut…sabi niya shortcut!!!! Tuloy na trap kami sa isang waiting shed na malayo sa centro at walang katao-tao. Mukhang ilang Segundo lang lalabas ang isang killer at pagsasaksakin kami… ganun ang ini-imagine kung mangyayari. At ramdam kong mas nakakatakot yung iniisip niya kasi palingon-lingon siya.

Ken: F*ck! Papano to (malungkot niyang sinabi)
Ako: It’s Fine.
Ken: Mata-trap tayo dito… at di na matutuloy yung lakad na plinano ko.
Ako: At kung makakapunta tayo dun…sa tingin mo may aabutan pa ba tayo? Panigurado nakapagligpit nayun dahil sa ulan.
Ken: Tama nga no. (BOBO talaga yung mokong!)
Ako: Tsaka may payong ako…. At plano kung iwan ka na dito (tinatakot ko lang si Ken)

Nilabas ko yung payong ko sa bag, tumayo ako binuksan ang payong at lumakad na parang iiwan siya. Bigla siyang napatalon at inagaw ang payong ko…sinirado niya ito, hinulog sa sahig at tinapak-tapakan! At ang huli nyang ginawa ay sinipa ito sa gitna nang daan.

Ako: Gago ka ba?! Ba’t mo yun ginawa! (Pag da-drama ko, pero di talaga ako galit)
Ken: Magalit ka na kung gusto mo, pero I won’t let you walk alone..lalo pa’t umuulan.
Ako: Pwede mo naman akong samahan ah!
Ken: OO nga no (SABI ko nga diba! BOBO talaga yung gago)
Ako: Papano nayan ngayon.
Ken: Umupo ka nalang kaya dito sa tabi ko. (sabay tapik sa upuang nasa tabi niya)
Ako: Ayoko. (sabay talikod sa kanya)

Bigla niya akong hinatak kaya’t bigla akong napaupo…. Pilit niya akong pinahiga sa bandang legs niya at hinaplos haplos ang buhok ko. Ginawa niya akong parang baby kulang nalang…

Ken: Alam mo babe… kulang nalang yung gatas magmumukha ka na talagang baby.
Ako: Mukha nga.
Ken: Alam mo may gatas ako sa oten ko, baka gusto mong humigop.
Ako: Gago! (aayos sana ako nang upo kaso pinigilan niya ako)

At ramdam ko ang naninigas niyang ari sa ilalim nang tenga ko. Ginalaw galaw ko ang ulo ko…at dahil nasasarapan siya bumitaw siya sa pagkakahawak sa ulo ko. Kaya’t dali-dali akong umupo nang maayos. Di ko tinuloy kung ano man ang gusto niyang mangyari, nasa public parin kami na lugar baka may makakita pa. Anong akala niya sa ulan..TRAPAL na kaya kaming takpan sa mga taong dumadaan?

Biyernes inaya niya nanaman akong mag dinner. Dinner above the city raw, di ko na gets pero nung nakarating kami sa venue naintindihan ko kung anong ibig niyang sabihin. Dinala niya ako sa Jack’s Ridge, isa tung pagkainang matatagpuan sa bunduking part nang Davao at dahil nasa taas ito tanaw na tanaw mo ang city lights.

Ako: How did you know na gustong gusto ko ang city lights?
Ken: I actually don’t. I also love city lights…and it’s a bonus to know na gusto mo din yung gusto ko.
Ako: I find city lights romantic and beautiful.
Ken: Then you’re my city lights, romantic ang beautiful. (at hinalikan niya ako sa pisngi)

Sabado dinner na naman daw, pero surprise daw yung venue. Umuwi raw muna ako at magbihis nang napaka pormal at susunduin lang daw niya ako sa bahay. Nung tumawag siya bumaba na ako at nung dumating ako sa may sala andun na siya…

Ako: Oh…san ba tayo kakain?
Ken: Sa lugar na tatawagin kong best venue to have dinner!
Ako: San naman?! (excited na ako)
Ken: Dito!
Ako: Puta! Anong dito?! (galit kong tanong)
Ken: Tumuloy ka na sa dining area.

At anak nang p*ta nakahanda na nga dun sa lamesa lahat nang pagkain at nandun din sila Mommy at Daddy. NAKAKAHIYA!!! Di ko alam kong anong iisipin nila! Gago talaga!

Mommy: Oh anak..tara….hinanda to lahat ni Ken.
Ken: Tara na raw! (sabay tawag sa akin ni Ken)
Daddy: Oh nak! Ba’t ang pormal nang damit niyo?! May party ba anak? (paguusisa ni Daddy)
Ako: Ahh wala po! (pagpapalusot ko) Pinagtripan lang talaga ako nitong anak nang topak (sabay turo kay Ken na may halong sama nang loob)
Ken: Ganun nga po Tito. (sabay tawa nang mokong, at tumawa din sila Mommy at Daddy dahil nakakatawa talagang tingnan)

Kumain kaming dalawa na naka TUXEDO!!!! MUKHANG MGA GAGO!! Iba’t-iba ang pinag-usapan namin, tuwang-tuwa din ang parents ko… nag si-share sila nang experiences nila at kami din, sumakit na ang tiyan namin sa kakatawa. Natapos ang gabi at umiwi si Ken..nagpasalamat siya sa parents ko dahil sa pagpayag nila at pagsakay raw sa trip niya. Nagpasalamat din sila Mommy kay Ken dahil sa masarap na dinner na hinanda niya.

Linggo, plano ko na siyang sagutin pero di siya tumawag, di bumisita, di nagpakita. Dun ako nagsimulang mag-alala. Di ganun ang kilala kong Ken..di siya nang iiwan, kung pwede niya lang akong tawagan bawat oras alam kong gagawin niya, pero ba’t wala ni isang text?…….. WALA!

1 comment:

  1. Author gawa ka na ng part5 ang ganda ng storing ginawa mo....Nabasa ko na lahat ng part at nabitin talaga,ako ehh...I publish na yan....Ilang buwan na ang lumipasss.....hindi mo na na dugtungan....Plssss author...Na inlove nA talaga ako sayo.....

    ReplyDelete