m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, April 24, 2016

Here and Now (Part 51)

By: Chaster Rassel 

Chapter 51: Rehearsal...

KINAGBIHAN, SI REVY......

Katatapos ko lang maligo at mabihis. Pupunta kasi kami kina Mama. Maghahanda raw kasi siya ng espesyal at masarap na gabihan. Parang selebrasyon na rin daw iyon. Dahil nakita na niya ulit kami ni kuya Oryo, pagkalipas ng maraming taon nang pagkakahiwalay namin sa kanya. Sayang nga lang at hindi namin makakasama si kuya.

Hinihintay ko na lang si my labs na matapos ring maligo at magbihis. Habang naghihintay, naglaro na lang muna ko ng psp sa kama. Pero, hindi rin ako makapaglaro nang maayos. Puro dedz ang inaabot ko. Gumugulo kasi sa isip ko iyong mga sinabi kanina ni kuya Oryo, nung kausap namin si Mama........

    “Dati…Ang tanging gusto ko lang po ay ang makaahon at makalaya kami ng kapatid ko, mula sa masamang pamumuhay na pilit pinasikmura sa amin ni Primo…At iyon po ang dahilan, kaya pumayag ako na magpagamit sa mga plano niya…Na magpanggap…Pero…Di ko po inakala na hahantong pala ang lahat sa ganito kakumplikadong sitwasyon…Natatakot po ko sa mga pwedeng mangyari…Lalong-lalo na po sa magiging epekto nito sa amin ni Hunsel….”

Ang tinutukoy ba ni kuya na magiging epekto ng sitwasyon namin ngayon sa kanila ni kuya Hunsel, eh iyong pwede silang magkahiwalay? Kung iyon nga, ibig sabihin ba nun kami rin ni my labs ganun?

Nadedz na naman ako at nagame over na nga. Kaya pinatay at inilipag ko na lang iyong psp. Sunod ay napayuko na lamang ako at…….

    “Pagkatapos nung fashion show…Siguradong babaliktad ang mundo naming lahat…Paano kung…Kung dumating nga kami sa puntong ganun?...Paano kung kailanganin naming mamili…Hindi ko yata makakaya na mawala si Hyro sa tabi ko….”bulong ko sa aking sarili…….
   
Mayamaya pa……..

    “I’m done”

Napaangat ako ng ulo at napalingon. Lumabas na pala ng banyo si my labs, di ko namalayan. Agad siyang lumapit at tumabi sa akin........

    “Oh, bakit ka nakabusangot diyan?...Don’t tell me beastmode ka na naman diyan sa psp”

Hindi ko sinagot iyong sinabi niya. Pero napangiti niya ko dun........

    “So, ano bang problema?”muli niyang usisa......
    “Ha?”
    “Anong huh ka diyan...Revy, kahit ngumiti at magpacute ka pa...I can still see in your eyes na may inaalala ka...Ano ba kasi iyan ha?...Di ba dapat masaya ka dahil may magulang na kayo ulit ng kuya mo”
    “Masaya naman ako para dun eh....Kaso lang my labs...Naiisip ko rin kung ano iyong mga pwedeng mangyari sa atin ngayon...Sa ating dalawa...”
    “Mangyari?...I thought you said na ayaw mo muna hangga’t di pa tayo eighteen”

Napatapik ako bigla nang malakas sa kama sa narinig kong sinabi niya. Medyo nabigla rin kasi ko........

    “Hindi iyan iyong ibig kong sabihin! My labs naman siryoso ko eh!”
    “Eh di sorry...Well actually, nagets ko naman kung ano iyong sinasabi mo...And believe me, hindi lang ikaw iyong nag-aalala at natatakot...Pero, ayaw ko na lang muna sana isipin iyon...Ang gusto ko, ienjoy lang iyong every moment ngayon na kasama ko ang mahal ko...Kaya nga dinaan ko na lang sa biro eh”sambit niya sabay akbay sa akin......
    “Alam mo...Akala ko dati, simple lang ang pumag-ibig...Akala ko, basta mahal mo iyong tao at mahal ka rin niya, iyon na iyon...Ayun pala, ang dami mga...Mga mekekekkwek! Di ko alam na pati pala iyong mga taong nasa paligid niyo eh damay din”
    “Hmph...Kahit naman ako ganun din eh...Pero ngayon na naranasan na nga natin...At least alam na natin na ganito pala iyon di ba...Siguro, part of growing up lang talaga toh para sa mga gaya natin”

May katuwiran naman siya. Pero, hindi pa rin mawala iyong pangamba ko eh......

    “Anyway...Let’s go? Sigurado naghihintay na iyong mama mo sa atin”

Inalis na niya iyong pagkakaakbay niya sa akin. Tumayo na siya at tumayo na rin ako. Lumakad na siya, pero hinawakan at hinila ko siya pabalik. Sa paghila ko sa kanya, napalingon siya sa akin........

    “Oh bakit na naman?”
    “Hyro...Gusto kong ipangako mo sa akin...Kahit ano pa man ang mangyari, hindi tayo magkakahiwalay...”

Bigla na lang naging malungkot iyong timpla ng mukha niya. Tapos inalis iyong kamay ko sa kanya.......

    “I’m sorry Revy...Pero...Hindi ko magagawang ipangako iyan....”sagot niya, sabay napaiwas siya ng tingin mula sa akin.......

Natigilan na lamang ako sa narinig ko. At parang gusto kong maiyak na lang.   Pero paglipas ng ilang saglit, tumingin siya ulit sa akin........   

    “Kasi hindi naman kailangan...”
    “Ha?”pagtataka ko.....

Hinawakan niya ko ng isang kamay sa baba ko at dahan-dahang inilapit ang mukha ko sa kanya........

    “Dahil sisiguraduhin ko na hinding-hindi ako mawawala sa iyo...At hinding-hindi ka mawawala sa akin”napapangiti niyang pagpapatuloy......

Ang ganda nung sinabi niya. Nakakakilig na sana ng tumbong eh. Kaso mas nabwiset ako! At dahil sa bwiset ko, dinakot at kinurot ko iyong isa niyang utong sa ibabaw ng damit niya!........

    “ARRRRGHH!”
    “Lokoloko ka rin eh noh?! Kinakausap kita nang matino, tapos pagtritripan mo ko? At muntikan pa kong maiyak sa iyo!....Huwag kang ganun pre!”nagigigil kong bulalas habang hawak pa rin iyong utong niya......

Pero syempre, agad ko rin naman siyang binitiwan. Pagbitiw ko, panay ang kiskis niya dun sa kinurot ko.......

    “Pakshet ka Revy! Ang sakit!”
    “Hmph! Sa susunod kasi, ilagay mo sa lugar iyang mga biro mo”
    “And who says na biro iyon?...Galing po iyon sa puso ko noh...And If I know, kinilig ka naman diyan eh”napapangiti niyang banat.....
    “Hindi ako kinilig, nabwiset ako! Hmph”sagot sabay talikod mula sa kanya......
    “Hindi raw oh”
   
At naramdaman ko na lang ang pagyakap ng syota ko sa akin, mula sa likuran ko. Tapos dinikit niya iyong pisngi niya sa pisngi ko, gaya ng pamatay niyang gawin. Sa totoo lang, ito iyong pinakagusto kong lambing na ginagawa niya sa akin, kaya naman di ko na napigilang mapangiti hehe........

    “Kunyari ka pa eh! Pero obvious naman sa itsura mo na napakilig kita hehe”
    “Basta...Huwag mo nang uulitin iyon ah”
    “Ikaw naman kasi...Do you really think na susukuan kita nang ganun-ganun lang? Of course not, never!”
    “Oh sige na nga...Ayos na”
    “So, tara na? Punta na tayo sa kabila?”
    “Hmmm...Sandali muna...Hintay muna tayo ng mga limang minuto”
    “Huh?Bakit?”
    “Eh gusto ko pang yakapin mo ko eh...Ang bango-bango mo kasi, fresh na fresh!”
    “Haaay! Heto na naman po ang boyfriend kong mala-aso!”
    “Ahahaha...”

Natawa na lang ako sa sinabi niya. Pagkatapos nun, naramdaman ko ang paghigpit ng yakap niya sa akin.

PAGLIPAS NG MGA ARAW, SI ORYO......

Nairaos at natapos na rin namin iyong photoshoot. Sa awa ng itaas, nagawa namin ito nang hindi kami ginugulo ni Primo. Siguro dahil na rin sa napakaraming bantay na ipinadala ni Inspektor, kaya di siya nakaporma. Pero sigurado ko, nagplaplano na iyon. Gaya ng mga sinabi ni Hunsel, malamang iyong mismong gabi ng fashion show ang pinupuntirya niya.

Samantala, bumalik na rin ng mansyon si Hyro. Pero, hindi pa rin nagiging okay ang lahat sa amin. Hindi pa rin kami kinakausap ni Hunsel. Maliban na lang kung kaharap namin si Madam o kumakain kami kasama siya. Sa madaling salita, nababalot ngayon ang mansyon ng mga Amethelli ng panlilinlang. Dahil ni wala isa sa amin ang nagpapakita ng totoo.

Gabi, nasa may tapat ako ng swimming pool. Hawak ko iyong cellphone ko at tinatawagan ko si Skylar. Unang rehearsal na kasi namin bukas, para sa fashion show. At gusto kong tanungin kung makakapunta ba siya para manood. Nang sagutin na niya iyong tawag ko........

    “Hey! Sakto iyong pagtawag mo...I was actually about to call you para iclarify iyong time ng rehearsal...Because I don’t want to be late...It’s 2 pm right?”
      “Oo, alas dos...Eh mukhang hindi ko na pala kailangang tanungin kung makakapunta ka...Sinagot muna eh...Hehe...”
    “Of course I will go!...There’s no way that I will miss the chance na mapanood, ang unang pagtungtong sa runway ng firstborn son ng nag-iisang Ritz De Chavez noh!”   
    “Hmph, kailangan talaga sabihin mo pa iyan?”

Sa totoo lang, halos mapraning at himatayin ang loko na toh. Nung sinabi ko sa kanya iyong mga natuklasan ko, tungkol sa pagkatao namin ng kapatid ko. Hindi ko naman kasi inakala na ganun pala kantindi iyong paghanga niya kay Papa..........

    “What’s with that attitude? Bat parang di ka natutuwa?...Oryo dapat maging proud ka”
    “Ewan ko...Medyo naiilang ako eh...O siguro di lang ako sana’y...Kasi nga di ba ordinaryong tao lang naman ako dati...Tapos ngayon, alam mo na....”
    “Hmmm...Why do I have a feeling na hindi iyan iyong totoong dahilan mo......Oh my, may hindi siya sinasabi sa akin”
   
Kahit na sa telepono lang kami nag-uusap, nahalata pa rin pala niya ko. Mabuti pa nga siguro, sabihin ko na lang iyong totoo.......

    “Ahmmm...Ang totoo, naiisip ko kasi na....Mas magiging madali siguro ang lahat para sa amin ni Hunsel...Kung si Oryo Pagala lang ako at hindi si Joaquin De Chavez”
    “Just as I thought...So, iniisip mo iyong incident years ago? Na iyon iyong nagiging hadlang ngayon sa inyo? Right?”
    “Ganun nga...Kasi pakiramdam ko, parang kailangan kong mamili eh...Nanay pa rin naman kasi ni Hunsel si Madam...At para mabigyan ko ng katarungan iyong pamilya ko, kakailanganin kong ipakulong ang nanay ng taong mahal ko...Kumusta naman iyon di ba?”
     “You know what Oryo, you are just thinking way too much...Iyon ang ang problem mo...Masyado kang busy sa pag-iisip about what lies ahead...Kaya wala ka nang time para mag-appreciate at maging masaya sa kung anong meron ka right now”
   
Medyo napangiti niya ko sa sermon niyang iyon..........

    “Hmph...Pagdating sa pamilya siguro, tama iyang mga sinabi mo....Pero kung sa amin ni Hunsel...Ano pa bang meron    ? Sa tindi ng galit niya sa akin ngayon, halos sira na ang kung ano mang nabuo sa amin dati”
    “Well, he might seem mad at you...But, he’s the one who convinced you na ituloy ang pagpapanggap mo di ba?...At sabi mo sa akin, iyon lang din iyong pinakasafe na bagay na pwede mong gawin...So it could mean na ayaw ka niyang mapahamak...Oryo, he still cares about you! So please, please stop being overdramatic!...Isipin mo na lang na magiging okay din kayo....And besides, you need to relax and free you mind from stress....Sige ka, baka di ka niyan makarampa nang maayos bukas”
    “Huwaw pre! Ikaw na! IKAW NA ang bespren na dakilang manermon! Wala na kong masasabi...Dahil sasabihin ko pa lang, nakontra mo na eh”
    “Hahaha...Now you got what you deserve! Actually kung kaharap mo ko ngayon, babatukan din kita sa ilong...Para mas matauhan ka lalo!”
    “Sa ilong talaga? At kailan pa nagkaroon ng batok sa ilong? Loko ka ha”

Tinawanan lang ako ng mokong. Pero, nagising din naman talaga ang ulirat ko sa mga narinig ko sa kanya. Lahat naman kasi nung mga lumabas mula sa bibig niya eh may punto.......

    “Alam mo Skylar, dapat sa iyo may lovelife eh”
   
Heto na naman siya. Bigla na naman siyang natahimik sa kabilang linya, gaya nung dati.......

    “HUY! Buhay ka pa ba diyan?”
    “Yeah! Ahmmm...Teka! Bakit naman lovelife ko ang bigla mong napagtripan?!”
    “Wala lang...Naisip ko lang...Ang lupet kasi ng mga ano mo eh...Ano bang tawag dun?”
    “Words of wisdom?”
    “Ayun! Tama! Kaya sigurado ko, swerte ang magiging syota mo”
    “And who the hell would fall sa isang katulad ko?”
    “Oi huwag kang ganyan...Malay mo, bukas makalawa makilala mo bigla iyong para sa iyo...Tapos pagnahulog siya iyo, at least pwede mo siyang saluhin ng wheelchair mo di ba? Hehe”ngingisi-ngisi kong banat.......
    “Haha...Yeah right!”
    “Eh matanong ko nga lang pala...Ano bang trip mo? Lalake o babae?”
    “Hmph, hindi rin gaanong straight forward iyang tanong mo eh noh?”
    “Ay pasensya na po...Nadulas lang po iyong dila ko”
    “Okay, just to answer your question...Honestly, I don’t think it matters...Dahil sa kalagayan ko ngayon, wala ako sa position para maging choosy pa...Oh iyan, masaya ka na?”
    “Hahaha...Oh siya...Magpapahinga na ko para may lakas ako bukas...Kita-kits na lang”
    “Okay...Oh tantanan mo na iyang kadramahan mo ha”
    “Opo boss!”

Binaba ko na iyong telepono. Paglingon ko, natanaw ko si Madam na nakatayo sa may pintuan. Nakatingin siya sa akin na para bang nabigla siyang makita ako na nandito. Pabalik na rin naman na ko sa loob, kaya nilapitan ko na siya.........

    “Oryo, ano ginagawa mo dun sa may pool?”
    “Ah...Tinawagan ko po kasi si Skylar...Tinanong ko kung makakapanood po siya bukas sa rehearsal”
    “I see...”
    “May...May tanong pa po ba kayo Madam? Aakyat na po kasi ko sa kwarto ko eh”
    “No, wala na”

Kasunod nun ay isang pilit na ngiti ang nakita ko sa kanya. Lumakad na ko, pero bago ko tuluyang umakyat ng hagdan, napalingon ulit ako sa kanya. Nasa may pintuan pa rin siya at nakatingin sa swimming pool.

    “Kakaiba ang mga naging kilos niya...Mukhang tama nga ang hinala namin, alam na niya na si Joaquin ako”

KINABUKASAN, SI RASSEL......

Nakarating na kami sa venue ng rehearsals. Nasa front entrance na kami. And as expected, there are a lot of cops lurking around......

    “Oh sige kuya, mauna na kami sa loob...Kita na lang tayo pagpasok niyo”sambit ni Revy na kausap ang kuya niya phone......

Pagbaba niya nung phone.......

    “Nagpapark na lang sina kuya...Pasok na daw tayo”
    “Okay, let’s go”sagot ni auntie.....

Pumasok na kami. But we’re not quite familiar with the place. So tumayo lang muna kami sa isang tabi, para hintayin sina Oryo.........

    “There you are Oryo!...Bat nandito kayo? Bat wala kayo sa loob?”

Sabay-sabay kaming napalingon, dahil dun sa biglang nagsalita out of nowhere. At na-surprised na lang ako sa kung sinong nakita ko. Actually, I feel more like shocked right now. Pati mga mata ko nanlaki! Because it was that guy in a wheelchair! It was that stunningly cute foreign looking guy na umaway sa akin dun sa.........

    “WHOA! You are not Oryo...Wait a minute! I remember you...Ikaw iyong sa......”
    “SA MAY PARKING LOT!”sabay naming bulalas.......
    “Kuya Rass, magkakilala kayo ni kuya Skylar?”

Napatingin kaming pareho kay Revy. But before we were both able to speak, dumating na si Oryo, kasama si Hyromin na agad tumabi kay Revy........

    “Uy Skylar! Nandito ka na rin pala”masayang bati ni Oryo sa kanya.......
I cannot believe this, magkakilala pala sila ng mga pinsan ko. And looks like pati si Hyromin din.......

    “Oh why there’s only two of you? Nasaan ang kuya at mommy mo Hyromin?”
    “Di po makakapunta si Mommy...She said she have some errands to run...Si kuya naman po, ayaw lang niya talagang sumabay sa amin....”

Napatango na lang si auntie kay Hyromin.......

    “Ah Mama, Rass...Gusto ko nga pa lang ipakilala sa inyo...”sambit ni Oryo......

Pagtapos nun, tumabi siya kay Mr. Padyak. Medyo yumuko siya, tapos umakbay sa kanya........

    “Si Skylar, bespren ko”pagpapatuloy niya while looking at me and auntie.....

Now, they look at each other and.......

    “Skylar...Si Mama...Tsaka si Rassel, pinsan ko”
    “Pi...Pinsan?”reaksyon niya as he slowly face to me......   
    “Hmph...Bestfriend?”reaksyon ko naman....
    “You have got to be kidding me!”again, sabay na naman kaming nagsalita.....
   
And although sabay nga kaming nagsalita, magkaiba naman iyong facial expressions namin. Napapangiti kasi ko. While he got this kinda pissed “what the F” look in his face.......

    “Nagsasalita sila in chorus...How cute!”ngingisi-ngising sambit ni Hyromin......
    “Hmph!...May naaamoy ako...”dagdag ni Revy na tila nagpipigil ng tawa.....
    “Parang ako rin...Magkakilala na ba kayo?”usisa naman ni Oryo na napapangisi pa lang......
    “Yes!”sagot ko.....
    “No!”sagot niya.....

Okay for the third time, nagchorus na naman kami, magkabaliktad nga lang ang mga sinabi namin.........

    “Wow...You two need to get a room”reaksyon ni auntie na napapangisi na rin......
    “Teka Skylar...”sambit ni Oryo....

Inalis na niya iyong pagkakaakbay. Tapos, dumantay siya dun sa sandalan ng wheelchair.......

    “Huwag mo sabihin na iyang pinsan ko iyong....”
    “Don’t you dare na ituloy iyang sasabihin mo Oryo”
    “Sabi ko nga eh”
   
Pagtapos nun, umiwas na ng tingin sa akin si Mr. Padyak at kay auntie na lang tumingin......

    “Anyway...Ahmmm....Good afternoon po Mrs. De Chavez...It’s nice to finally meet you”nakangiti niyang pagbati.....
    “Hmph, pagdating kay auntie kala mo naman kung sinong anghel makangiti...Pero pag sa akin parang siyang si Hulk, nasaan ang hustiya?”bulong sa sarili ko while looking at them......
    “Oh! Please...Just call me tita Divine...We might get in trouble kapag may nakarinig sa iyo dito na tinatawag ko with that name...I suppose you know everything right? Since bestfriend ka ng anak ko”
    “Oh yeah...I forgot...Sorry po”
    “Ah Mama...Di niyo po natatanong pero...Siya rin po iyong nabanggit ko sa inyo na kaibigan na nagturo sa akin sa pagmomodel”sambit ni Oryo......
    “I see...So you are a model too iho?”
    “Was...Actually, dito rin po ko sa Amethelli Apparels nagtrabaho dati”
    “Oh is that so...Then I would like to thank you sa pagtulong sa anak ko”
    “At hindi lang po iyan ang dapat niyong ipagpasalamat kay kuya Skylar, Mama....Kasi, siya rin po iyong tumulong sa amin na lumapit kay Inspektor...At kung di rin po dahil sa kanya, hindi ako mapapadpad dun sa condo at di tayo magkakakilala”sambit ni Revy.....
    “Really? Is that true?”usisa ni auntie sabay tingin kay Mr. Padyak.....
    “Yeah...Uncle ko po kasi si Inspector Preston...And then nung nailigtas na po si Revy kay Primo...They were looking for a safe place for him to stay...So pinatuloy ko po muna siya dun sa condo unit ko...”
    “Hmph! Condo unit mo?...You mean you are the new owner of my former unit?!”bigla kong pagsingit.......
   
At bigla ring napatingin ulit sa akin si Mr. Padyak........

    “Did you just say your former unit?!”

With that itsy-bitsy bombshell, natigilan na lang kaming dalawa. Of all people na pwedeng magmay-ari ng condo ko, siya pa talaga?! I don’t even know what to say and think now.......

    “Nicely done Chast....”iyon na lang ang naibulong ko sa sarili ko......
    “EHEM!...As much as I want to continue watching this...This interesting meet and greet show...I think kailangan na naming tumuloy sa loob?....”sambit ni Hyro.....
   
Napatingin iyong bf niya sa kanya sa sinabi niya. Tapos tinapik siya nito sa braso with his elbow........

    “My labs ano ka ba! Sinisira mo naman iyong moment nila eh”
    “Hindi ah...It’s not like that...Tsaka, kailangan naman na talaga nating tumuloy eh...Baka kasi pagalitan tayo ng director, kapag nalate tayo sa call time natin...And I bet, tita Divine and kuya Oryo will agree with me...Right?”

As he said that, tumingin siya kina auntie at Oryo na may kasamang weird na ngiti. At nanotice ko na parang sinesenyasan rin niya sila, gamit ang mga mata niya. Now I get it, I know what this very clever boy is trying to do. He wants me and Mr. Padyak to be alone. Which is I don’t think I’m in the mood for right now.........

    “Ah oo nga, tama...”nakangising sagot ni Oryo.....
    “Well, let’s go then”dagdag ni auntie sabay ngiti pa sa akin....
    “This is not good...This is not freaking good!”bulong ko sa sarili ko......
    “Hey wait! Don’t tell me iiwanan niyo ko kasama toh?!”reaksyon ni Mr.Padyak......
    “Ah! Alam ko na! Ganito na lang.....”sambit ni Oryo......

Sa akin naman siya ngayon tumabi at umakbay........

    “Insan, mabuti pa...Ikaw na lang ang magtulak kay Skylar...Para naman makapagbonding kayo habang sumusunod sa amin...Di ba? Hehe”sambit niya sabay tapik sa braso habang nakaakbay pa rin sa akin......

And there it goes, nauna na silang lahat at naiwan nga kaming dalawa. Masama pa rin iyong titig niya sa akin. But I have to work this out with him somehow.........

    “Don’t even think of it!”bigla niyang bulalas......

Wew! Aalukin ko pa lang sana siya tulong, pero naunahan na niya ko ng pagtanggi.......

    “I don’t need help, not from someone like you!...Kaya ko ang sarili ko”

Well, iniwanan na rin niya ko. Napakamot na lang ako sa ulo ko. Then I decide to just follow him quietly, para di ako maligaw.

SI REVY......

Pagpasok namin, una kong napansin na iba iyong itsura ng stage, kesa dun sa ginamit nung Fashion Week. Mas malawak kasi ito, lalo na iyong runway. Tapos parang letrang T iyong hugis nito.

Hindi na sumama si Mama sa amin sa pagpunta sa backstage. Uupo na lang daw siya sa pwesto ng mga manonood at dun hihintayin ang simula ng rehearsal namin.

Hindi nga ito ang unang pagkakataon na nakapasok sa ganitong lugar, pero kakaiba ang pakiramdam ko. Dati kasi hinatak lang ako ni my labs. Pero ngayon kasama na ko sa mga modelo, totoong modelo. At isa pa sa apat na pangunahin!

Napatingin na lang ako sa paligid ko. Pagdating naman dito sa likod ng stage, hindi gaanong nalalayo dun sa dati. Maraming mga tokador na nakahilera. At sa bawat tokador, may upuan.

Humiwalay na sa amin si kuya Oryo. Dun daw kasi siya sa hilera na kasama iyong mga mas matandang modelo. Mga modelo, na kaedad nila ni kuya Hunsel. Nagpunta na rin kami sa pwesto namin.

Pagkalapag namin ng mga gamit namin, pinagmasdan ko iyong pwesto. At lumingon-lingin rin ulit ako sa paligid. Dun ko napansin na mas maluwag, maganda at kumportable pala ang sa amin, kaysa sa pwesto nung ibang mga modelo..........

    “Bakit naiiba itong pwesto natin sa kanila?”nagtataka kong usisa......
    “Well, isa na naman sa mga kaartehan ni Mommy...Pag lead iyong model sa project, dapat maging comfortable...Although pwede naman kahit wag na...Kung ako nga ang tatanungin...I prefer to have a normal spot just like the others”

Umupo na muna kaming pareho. Habang nakaupo, tumingin ako sa salamin at napansin ko na nagulo pala iyong buhok. Kinuha ko iyong suklay ko sa dala kong bag at inayos toh.........

     “So here comes one of the so called new faces of Amethelli Apparels”at bigla na lang may nagsalita.......

Napahinto ko sa pagsusuklay at napalingon. May isang matangkad pero may kapayatan na bata, mas matangkad kaysa sa amin ni my labs. Sa itsura at tindig palang niya, halatang modelo rin siya.........

    “Revy?...Revy De Chavez right?”
   
Sinagot ko lang siya ng pagtango......   

    “Alam mo ba na halos lahat sila dito eh gustong-gusto na mameet ka?...Kesyo magaling ka raw dahil nagawa mong tapatan itong si Hyromin...Well not for me!...Hmph! If I know nakatsamba ka lang”sambit niya na may kasamang nakakabwiset na ngisi.......
    “Ang angas ng isang toh ah”bulong ko sa sarili ko.....
    “And look at you, ni wala ka ngang height ng isang model gaya ko eh...So I say na isa ka lang trying hard na tsambahero!”

Napatingin ako kay my labs sa sinabi niyang iyon. Si my labs naman, hindi naimik. Pero para siyang natatawa. Ako, di ko alam kung matatawa ba ko o mabwibwiset sa hangin nitong mokong na toh. At para matapahimik na siya, tumayo ako mula sa kinauupuan ko, humarap ng tuluyan sa kanya at.......

    “Alam mo pre, ang dami mong dinadakdak eh...Ang mabuti pa...Sa runway na lang tayo mamaya magtuos...Dun, magkakaalaman tayo...Pero sana lang, handa kang makabangga ako”sambit ko na may kasamang pekeng ngiti sabay tapik-tapik sa balikat.....

Pero habang tinatapik-tapik ko siya, bigla niyang hinawi iyong kamay ko.......

    “Don’t touch me!”bulalas niya......

Matapos iyon ay lumayas na siya. Pero sa bwiset ko eh sinundan ko pa rin siya ng tingin. At nang medyo nakalayo na siya........

    “Oo, matangkad ka nga! Hmph, pero may ABS ka ba?! Tangkad lang lamang mo sa akin! Taena mo!”bulalas ko.....
    “Hahaha!”

Tuluyan na ngang tumawa si my labs ko. Napatingin na lang tuloy ako sa kanya at......

    “Oh, bakit ka tumatawa diyan?”
    “Wala lang, ang cute mo kasi magbeastmode eh...Hahaha...”
    “Ang angas eh...Kala niya siguro matatakot niya ko porket malaki siya”
    “Pero abs talaga? Haha”
    “Bakit? Malupet naman talaga ang abs ko ah...Naglalaway ka nga dito di ba?’ngingisi-ngisi kong sagot sabay angat ng damit ko at turo sa abs ko....”

At natawa na lang siya ulit sa akin.   

SI ORYO......

Malapit na ko dun sa pwestong nakalaan para sa amin ni Hunsel. Nang bigla na lamang........

    “Look, Hunsel Amethelli’s assistant is here already”
    “Correction! Ex-assistant”
   
Pamilyar sa akin iyong boses ng mga nagsasalita. Kaya napahinto ko sa paglalakad........

    “And suddenly, he is now a lead model of Amethelli Apparels....”

Nilingon ko na sila. Sabi ko na nga ba, kilala ko sila. At di ko sila basta malilimutan, dahil sila lang naman iyong dalawang kupal na nang-insulto kay Hunsel nung Fashion Week!.......

    “Yeah...And I’m still wondering why...I mean, ano ba naman ang alam ng isang dating magnanakaw sa fashion modelling right?”tatawa-tawang sambit nung isa.......

Dahil sa sinabi niyang iyon, nilapitan ko na sila at hinarap.......

    “Hindi pa rin pala kayo nagbabago noh? Hanggang ngayon, matatabil pa rin ang mga dila niyo! Hmph!”sambit ko....
    “So what? We’re in a democratic country men! Kaya pwede naming sabihin ang anumang gusto naming sabihin”sagot nung kasama niya na tatawa-tawa rin.....
    “So tell us...Anong milagro ang ginawa mo para makuha dito?”
    “Hmph, you guys disgust me!”biglang pagsingit ng isang boses......

Napalingon kaming tatlo. Si Hunsel!.......

    “Oryo has never done those hideous things that you were thinking!...He was personally picked by Ms. Fita...And If I were you, I will shut my mouth...Hindi niyo kilala kung sino ang taong binabangga niyo...Kayo rin, baka magsisi kayo”napapangisi niyang pagpapatuloy.......

Matapos iyon ay nauna na siya. Nanahimik din bigla iyong mga kupal. Napatingin na lang ako sa kanila. Pagkatapos ay sumunod na rin ako kay Hunsel.

Tama ba iyong pagkakaintindi ko sa mga nangyari? Ipinagtanggol ba niya ko sa kanila? Pagdating ko    sa pwesto namin, nagsisimula na siyang maghanda para sa rehearsal.........

    “Ahmmm...Hunsel....Sa...Salamat”

Napahinto siya sa ginagawa niya at napatingin sa akin..........

    “For what?...Kung ang iniisip mo eh iyong pagtatanggol ko sa iyo sa dalawang iyon...Well, you did the same thing for me before right? So quits lang tayo...It doesn’t mean anything else...And another thing, we have a different director for this project...Not that idiot one before...Kaya di mo na kailangang magworry tungkol sa magnanakaw issue na iyan”

Pagkasabi niya nun, ipinagpatuloy na niya ulit iyong ginagawa niya. Ako naman, pasimple na lang na napangiti. Mukhang, mukhang tama nga iyong mga sinabi ni Skylar.

BALIK KAY RASSEL......

Now, we’re sitting here together in the audience area, waiting for the rehearsal to start. Nah, not quite! May dalawang vacant sit kasi na namamagitan sa amin ni Mr. Padyak. To be honest, I’m still confuse at the moment dahil sa mga nalaman ko kanina. Ni hindi ko alam kung ito na ba talaga ang tamang time, para maggagaganito ulit ako.

But there is also this part of me na gustong makipag-usap sa kanya. Di ko alam ang gagawin ko. And so, napatingin na lang ako kay auntie na nakaupo sa isang sulok, na medyo me kalayuan sa amin. Obviously, sinadiya rin talaga niya na lumayo sa aming dalawa.

Looks like narealize naman na pala niya all along, kung ano ang nangyayari sa akin. Habang nakatingin kasi ko sa kanya, panay ang senyas niya. And she’s also moving her mouth saying.........

    “Go on! Kausapin mo siya...Do your move!”

Pilit na ngiti na lang ang naisagot ko kay auntie. Tapos tumingin na ko kay Mr. Padyak. Nakatuon lang siya sa stage mula pa kanina. Ni hindi niya ko tinitignan, let alone sinungitan na niya ko. So what are the chances the papansinin pa niya ko ulit?

Pinag-isipan ko na muna ang lahat, habang pasimpleng sumusulyap-sulyap sa kanya. Until finally........

    “Well, wala namang mawawala sa akin....So why shouldn’t I give it a shot?”bulong ko sa sarili ko........

So, nakapagdecide na ko. Kaya tumayo na ko at dahan-dahang lumipat sa mismong tabi niya. And I thought everything’s going to be fine. Pero pag-upo ko, meron siyang biglang nilabas mula sa bulsa niya. It’s a cellphone. Sinaksakan niya toh ng earphones and then kinabit lang naman sa magkabila niyang tenga........

    “Hmph, great...Just great! Don’t tell me nakikiramdam lang din ang isang toh kung tatabihan ko siya o hindi”iritable kong bulong sa sarili ko, sabay iwas ng tingin mula sa kanya.....

Tumingin na ulit ako sa kanya. Nakita ko na pinatong pala niya sa lap niya iyong phone. Dun ako biglang may naisip........
    
    “So that’s how you want to play it huh...Well you’re on!”

Busy ang mga mata niya sa stage, so I take advantage of it. Dahan-dahan kong ipinasok iyong isa kong kamay sa gilid ng wheelchair niya. I try to reach for the phone. Nang dumapi na iyong mga daliri ko dito, tinulak ko ito.

I was only planning to drop it on the floor. Pero napalakas iyong tulak ko, so tumilapon ito. And of course, pwersahang napasama iyong earphones. Napatingin na lang siya sa akin with matching nganga effect. And by the look of his eyes, looks like I just pissed him off again.

ITUTULOY.......

No comments:

Post a Comment