m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, July 17, 2016

Here and Now (Part 53)

By: Chaster Rassel 

Chapter 53: A Friend Or A Foe?...

SI RASSEL......

Finally, my big day has come. Ang plano ko ngayon, isama si Skylar sa tambayan. I know it’s a bit too early na dalhin siya sa special place na iyon. But if I’m really going to open up myself to him, I will be doing it anyway. So I might as well do it now.

Para di na siya mahirapan, nag-volunteer na rin ako na sunduin siya sa kanila. Pumayag naman siya at ibinigay niya sa akin iyong address nila. Pagdating ko, he’s already waiting right in front of their house.........

    “Hi!”bati ko habang pababa ko ng kotse.
   
Hindi siya sumagot. He just stare at my face like there’s no tomorrow. Which is medyo weird.......

    “Ahmmm....Why are you staring at me like that?”
    “No...Nothing! I think we should be going,”sagot niya sabay bigla nang iwas ng tingin.
    “Okay, tara na.”

Pabalik na dapat ako sa kotse. But I remember na di nga pala siya nakakalakad........

    “Hey! Baka naman gusto mo kong tulungan?”
    “Right, but didn’t you say na hindi mo kailangan ng tulong from someone like me?”
    “You know what, kalimutan na lang natin itong lakad na toh. Tatawagin ko na lang iyong maid namin at babalik na lang ako sa loob.”
    “Napikon naman toh agad, I’m just kidding dude.”
    “Hmph!”

Napaiwas na lang siya ng tingin sa akin. Binuksan ko iyong pinto ng passenger seat. Tapos inilapit ko siya dito. This is actually the first time na mag-aassist ako ng taong may disability. I don’t have any idea kung ano ang dapat na gawin. So I just offer my hands to him, literally!

    “What are you doing?”napapangisi niyang tanong.
    “Trying to help you?”
    “Not like that, kailangan buhatin mo ko,”this time, medyo natatawa na siya.
    “Ha? Do I really have to do that?”
    “Look, hindi ako nakakatayo. So you need to do it para maisakay ako sa kotse mo, okay?”

I see that I got no choice, kaya ginawa ko na lang iyong sinabi niya. But the heck! Ang awkward ng feeling ko habang ginagawa ito. Though cooperative naman siya. Siya na iyong kusang kumapit sa akin, para mas mapadali. After ko siyang maisakay, tinuro naman niya sa akin kung paano i-fold iyong wheelchair niya. Pagka-fold ko nito, nilagay ko toh sa may trunk. Tapos sumakay na rin ako.......

    “So, where are we going?”
    “You’ll see.”sagot ko sabay ngiti sa kanya.

Pinaandar ko na iyong kotse at umalis na kami. Damn, my heart is pounding while I’m driving. I don’t know kung kaba ba toh o feeling overwhelmed lang ako na siya ang katabi ko ngayon dito. But anyway, naisip ko na idaan na lang toh sa pangiti-ngiti sa kanya. After all, that’s my special weapon.........

    “Hindi kaya mabangga tayo niyan sa ginagawa mo?”he finally reacted and he sounds mad again.
    “Don’t worry, sana’y ako mag-multitasking.”sagot ko sabay ngiti na naman sa kanya, tapos tingin din ulit sa may kalsada.
    “I guess there’s nothing I can say na pwedeng makapigil sa iyo noh?”
    “I guess so, but why are you mad anyway? Bawal ka bang ngitian o tignan? Is it against the law?”
      “No, but it’s against my will!”

Natawa ko sa sinabi niyang iyon.........

    “That’s a good one.”
    “Hmph!”

But not it an insulting way. Dahil baka mapikon na naman siya. A moment later.........

    “Mind if I turn on the stereo? Masyado kasing tahimik, tsaka para naman mabawasan iyong inis ko,”tanong niya.
    “Go on.”

At sinindi na niya agad iyong stereo........

    .....Then a moon peeks from the clouds....
.....Hear my heart that beats so loud....

Slowly,  napatingin ako sa stereo sa narinig ko. Of all the songs na pwedeng tumugtog, iyan pa talaga. Such a nice timing.
   
    .....Try to tell her simply....

Now, nagkatinginan kami.
   
    .....That I’ve got all that I need....
    .....Right here in the passenger seat....

Hindi maipinta iyong mukha niya. But I noticed that he is kinda blushing.

    .....Oh, and I can’t keep my eyes on the road....
    .....Knowing that she’s inches from me....
   
    “What? Ikaw iyong may gustong magmusic di ba?”sambit ko sabay ngiti na lang ulit.

He didn’t speak a word. Tapos tumingin na lang siya sa may front........

    .....Oh, and I’ve got all that I need....
    .....Right here in the passenger seat....

    “Hey! It’s a red light! Stop the car, baka mabangga mo iyong nasa harapan!”bigla niyang bulalas.

As he said that, napalingon ako right away sa kalsada. He is right! Muntikan ko nang mabangga iyong kotse right in front of us! Good thing, I was able to step on the brake in time. Pero few inches na lang iyong agwat namin, nung huminto ang kotse ko. And thanks to the seatbelts, hindi kami nasaktan sa biglaang pagbrake ko.........

    .....Oh, and I can’t keep my eyes on the road....
    .....Knowing that she’s inches from me....

    “Do you have some kind of a death wish?! Ayusin mo naman iyang pagdradrive mo!”
    “Technically, I’m already dying in here.”

    .....Oh, and I know this love grow....

They said na lahat ng sobra, masama. And that’s exactly what happened. Nasobrahan ako ng katitingin sa kanya, so muntikan tuloy kaming mapahamak. Damn! Bat kasi ang cute at sarap niyang titigan?

I can’t help but to just laugh dahil sa mga kapalpakang pinaggagawa ko......

    “You are one crazy guy, do you know that?”

I just continue laughing. While nakatingin lang siya sa akin. Although parang nagpipigil lang siya na mahawa sa pagtawa ko.

SI HYROMIN......

Naghintay muna ako sa susunod na mangyayari. Kung bababa ba si Inspector ng kotse or what. Pero walang siyang ginawa, he just stayed inside. It seems like he is just staking out.

But I wonder, alam na ba niya ang lugar na toh all this time? At kung ganun nga, bakit hindi niya sinabi sa amin? Malaking bagay toh para itago niya.

I’m already having a bad hunch, kaya nilabas ko iyong phone ko. I set it on silent mode, then nagtext ako kay Inspector..........

    “Hi there Inspector! Tanong ko lang po kung may update na ba kayo tungkol kay Primo?”

After masend ng text ko, tumingin ako kay Inspector. He is looking at his phone, he is reading my text.........

    “Pasensya na Hyro, wala pa kong maibabalita sa iyo.”iyan iyong reply niya.
    “I see, sana po matunton niyo siya. Para di na po magulo iyong fashion show namin nina kuya.”
    “Huwag kang mag-alala, ginagawa ko at ng mga tao ko ang lahat.”
    “Sige po Inspector, thank you.”

Nagsinungaling siya! Bigla ko tuloy naalala iyong weird niyang reaction dati; nung nag-uusap usap kami sa condo, bigla na lang siyang nagalit dahil gusto nang ihinto ni kuya Oryo ang papapanggap. And then now, he did this. I wonder, nagkamali ba kami ng taong pinagkatiwalaan?

BALIK KAY RASSEL......

    “What in the world is this place?!”that is his reaction.

Nasa entrance na kami right now ng tambayan. And I am pushing his wheelchair for him.........

    “I thought pupunta lang tayo sa isang restaurant or somewhere that is decent....But this, this is weird.”
    “Calm down, will you? Actually, naisip ko rin naman iyang mga sinabi mo. But I realized that it would be better if dadalhin kita sa isang place na tahimik at relaxing.”
    “What do you mean relaxing?”
   
Instead of answering him, I just continue with the pushing. Until nakarating na kami sa loob at nakita na niya iyong itsura ng tambayan.......

    “This is what I mean.”
   
And he wasn’t able to speak. Natigilan na lang siya. Inilapit ko na siya dun sa may ilalim ng puno. Napatingin siya right away sa mga naka-engraved dito.........

    “I assume that you are that Rassel, pero sino si Chaster?”
    “He’s...He’s my ex-boyfriend.”
    “I see...”

Napatango-tango siya..........

    “So just out of curiousity, where is he now? Nagbreak ba kayo or what?”
    “No, we didn’t break up. He passed away, 3 years ago.”
    “Oh, I’m sorry...Then it means special itong lugar na toh for you. So bakit dinala mo ko dito ngayon? No offense, pero parang nakakahiya kasi.”
    “I told you, I want you to feel relax. Besides, bestfriend ka ng cousin ko. Kaya deserve mo rin na makapunta rito.”

Inexplain ko sa kanya na pati sina Oryo ay nagpupunta rin dito. That just like me, this is also special for them.........
   
    “Well if you’re saying na okay lang talaga, then so be it; besides, nandito na rin tayo eh.”    
“Okay then, umupo na tayo sa damo.”
“What? Kailangan pang gawin natin iyon? Okay naman na ko dito sa wheelchair ko eh.”
“Nah, paano ka naman marerelax kung nandiyan ka lang? Iba pa rin iyong feeling, kapag sa damo ka nakaupo. So let me help you again.”

He let me do what I have to do. Pagbuhat ko sa kanya, nanotice ko na parang mas comfortable na siya ngayon sa pagkapit sa akin. Unlike kanina na parang naiilang siya. Nang maiupo ko na siya sa ilalim ng puno........

    “Anong iyang dala mo?”

Nakatingin siya sa bag na nakasabit sa balikat ko..........
    “Oh, foods! Gawa ni auntie, di naman pwede na tatambay tayo dito nang walang nginunguya right?”

I open up the bag, para makita niya iyong laman..........

    “Pie, anong filling niyan?”
    “Tuna with some veggies.”
    “Hey! That’s my favorite!....Wait a minute, paano mo nalaman?”
    “Ahmmm, I actually don’t have any idea na favorite pala ito...And like I told you, ginawa toh ni auntie, so coincidence lang ang lahat.”
    “Really huh?”napapangiti niyang sambit.
    “Anyway, let’s dig in...I also got juince in here by the way.”

Inabutan ko siya, para naman kumakain kami while we’re talking. Tinikman naman niya right away iyong pie.........

    “Wow! This is good! Magaling pa lang magluto si tita Divine ah,”nakangiti pa rin niyang reaction.
    “Yeah, she’s the best.”

While he’s eating, napatitig na lang ako sa kanya. Iba iyong ngiti niya, mukhang naeenjoy talaga niya iyong food........

    “Hey, bakit nakatitig ka lang diyan sa akin? Don’t you wanna eat?”
    “Ah, of course I’m going to eat! Medyo nanibago lang kasi ko sa iyo.”
    “Naninibago?”
    “Kasi kinakausap mo na ko ngayon nang maayos...Eh ever since nung first time tayong nagmeet sa may parking lot, sinusungitan mo ko eh.  Kahit kanina sa kotse di ba?”
    “So are you telling me na mas magusto mong sinusungitan kita?”
    “No! Although, mas cute ka kapag nagsusungit.”
   
Okay, medyo buwis-buhay iyong sinabi kong iyon. But I just want to see kung ano magiging reaction niya. Surprisingly, hindi siya nagsungit; tinawanan lang niya ko..........

    “Haha! Loko ka rin ah!”
    “Hehe! Pero, okay din naman kapag nakangiti ka eh,”sagot ko sa kanya, sabay kuha na rin ng slice nung pie.
    “Look who’s talking, ikaw nga itong may killer smile diyan eh.”

Natigilan ako, at napatingin sa kanya sa narinig ko........

    “Did you just give me a compliment?”napapangiti kong tanong.
    “No! A big no! Hindi iyon compliment, I’m just...I’m just stating a fact, so don’t get me wrong,”sagot naman niya sabay iwas ng tingin sa akin.

Something tells me na nadulas lang siya sa nasabi niya. Napangiti na lang tuloy ako, tapos itinuloy ko na ang pagkain........

    “Rass, would you mind if I ask you something personal?”
    “No, it’s okay...Ano ba iyon?”
    “What happened to Chaster?”
   
Well, expected ko na rin na tatanungin niya toh. And If I want us to become friends for starters, then I think I have to tell and entrust him about it.......

    “He...He sacrificed himself for me.”
    “Wait, Oryo told me something...3 years ago raw naaksident ka, and he happened to donate some blood on you...May kinalaman ba iyon dito?”    “Yeah; after the blood transfusion, I’ve undergone on a kidney transplant...Si Chast iyong kidney donor ko, but unfortunately nakaroon ng complications sa kanya...And there it was, nung magising ako wala na siya.”
    “I see, that was a tough one...You are one lucky guy, dahil may tao na nagmahal sa iyo nang ganun katindi.”
    “Lucky? Yeah right!”
    “I guess you are one hell of a boyfriend huh?”

I was about to get emotional already dahil sa topic ng usapan namin. Pero bigla na lang akong natawa, dahil sa banat niyang iyon......

    “Hmph, and what is that suppose to mean?”
    “What I mean to say is...If you’re worth sacrificing his life for, then you must be a great person or boyfriend to be specific...And I guess, mali iyong naging first impression ko sa iyo...Kaya, sorry kung medyo naging hard ako sa iyo.”
    “Well that was touching, and a little encouraging.”
    “Encouraging?”
    “Yeah, alam mo kasi minsan...Iniisip ko pa rin kung worthy ba ko para sa sacfrice na ginawa niya.”
    “I think the fact that you’re here, alive and kicking; is enough para mapatunayan mo na worthy ka...Kasi kung di ka nabuhay, eh di hindi mo natulungan iyong auntie mo na hanapin ang mga pinsan mo; right?”
   
Napangiti at tango na lang ako sa kanya.........

    “Anyway, bakit puro ako yata ang pinag-uusap natin? Enough with the stuff about me...Ikaw naman, tell me something about you.”

I started eating already, while waiiting for him to talk. Napakamot naman siya ng ulo, parang naghehesitate ata siya or something.........

    “There’s...There’s actually nothing interesting about me...And if you’ve met me earlier, malamang kaiinisan mo; maybe masapak mo pa ko, hmph.”
    “What? Bakit?”
    “Hmph...Before kasi kami naging magkaibigan ng pinsan mo,  I used to be a jerk; jerk na punong-puno ng inggit sa katawan at gustong maging center of attention.”
    “And who’s the unlucky fella na kinainggitan mo?”
    “Si Hunsel, iyong bf ng cousin mo.”
    “Oh, namention mo nga pala before na nagwork ka rin as model in their company right?”
    “Yup...Hunsel and I were known as rivals, pero lagi namang obvious na siya iyong mas magaling...So there I was, always doing things to put him down; ginamit at dinamay ko pa nga si Oryo eh...Kinailangan pa talaga humantong ang lahat sa disgrasya, para lang matauhan ako. ”
    “So, what exactly happened to you?”
   
Tumango lang siya sa akin........

    “We were having a fight in the middle of a road, Hunsel and I; nang mabundol kami ng kotse...I almost died back then, but luckily I survived.”
    “But at least, we now have something in common.”
    “Huh?”
    “Don’t you get it? Pareho tayong muntikan nang mamatay dati...And now, we’re both living on our second life.”

Natahimik siya sa sinabi ko. Napatitig lang siya sa akin. Kahit ako rin naman kasi, nasuprise rin ako sa nalaman ko. And I kinda find it creepy; it feels like we’re both meant to survive the accidents, so we can meet each together.

We remain silent for a minute I think. Until bigla na lang akong may naramdaman sa batok ko, iyo na naman! Iyong hangin na mainit! This is the third time already!........

    “Rass, you felt that warm air right?”
    “Yeah...Wait! It means...Naramdaman mo rin talaga iyong dati sa....”
    “PARKING LOT!”sabay naming bulalas.
   
Suddenly, naalala ko bigla iyong nangyari sa amin sa rehearsal.......

    “Okay, here we go again,”ngingisi-ngisi kong sambit.
   
Natawa siya sa sinabi ko, looks like ganun rin siya........

    “So, what the hell was that? Don’t tell me minumulto tayo ng ex mo.”


Sabay kaming napatingin sa puno na sinasandalan namin, tapos nakatinginan kami at natawa na lang.........

    “Haha! Anyway, where were we?”

Thank you Chast! Iyon na lang ang naibulong ko sa sarili ko at that point.........

    “Ahmmm, nandun tayo sa something in common natin,”napapangiti kong sagot.
    “Oh! But I don’t think na pareho tayo, hindi ka naman kasi kontrabida na naging bida right?”
    “Haha! But still, we’re on the same boat.”
    “Yeah right! Kung may something in common tayo, maybe that would be the condo?”
    “Oo nga pala noh...And speaking of, how did  you end up buying it anyway?”
    “Well, before the accident...My mom and I were actually not in good terms too...Gaya ng sinabi ko, I was a jerk...So madalas nagtatalo kami, kaya para magkaroon sana kami ng space at mabawasan iyong tension between us....She thought na mas mabuting humiwalay muna ko ng place sa kanya, so she bought the condo unit for me....But then, nangyari nga iyong accident.”
    “I see...”
    “Everything was changed dahil dito sa nangyari sa akin.”
   
Medyo biglang naging serious iyong mood niya.........

    “So, what did your doctor say about your condition? May chance pa ba na makalakad ka ulit or bumalik sa normal?”
    “That’s the sad part...I suffered from a spinal injury...Dahil dun, naparalyze iyong legs ko...Kaya malabo na na makalad ako ulit.”
   
Weirdly, napangiti naman siya bigla pagkatapos niyang sabihin iyon..........

    “You know what, I want to thank you,”sambit niya.
    “Thank you para naman saan?”
    “Lately kasi, I was so focus on helping Oryo and the others...Pero dahil sa pagtatanong mo right now, you made me realize that I’ve forgotten myself...That I need to help myself too...To move on living a life with this condition...Although I don’t know alam kung saan magsisimula...”
    “Nah, I don’t think na magiging mahirap para sa iyo ang magmove on.”
    “Are you kidding me? Tignan mo nga ko; all my life, modeling ang naging passion ko...But now, that passion is ruined! I mean, hindi na ko makakarampa...Let alone, iyong chance na magkalove life ako...Do you think may papatol pa sa akin kung ganito ko?”
    “Ruined? How? Eh as far as I know, hindi lang naman iyong pagrampa ang klase ng modeling na meron...So I think you can still be a model...And as for your love life, hindi naman legs iyong tumitibok at naiinlove right? Unless na lang kung alien ka at nasa legs ang puso mo.”
   
Napakamot siya ng ulo sa naging sagot ko. Until natawa na lang siya, pati ako natawa na lang rin.

KINABUKASAN, SI HYROMIN......

I wasn’t able to sleep well last night, dahil sa kakaisip sa mga nangyari kahapon; especially iyong tungkol kay Inspector Preston. It’s really puzzling me! I want to tell kuya Oryo and the others about it. Pero at the same time, I don’t want to alarm them. Dahil baka mamaya nagkamali pala ko ng akala sa mga pangyayari, at masira pa iyong lahat ng mga pinagplanuhan namin.

After kong makapag-isip, nagdecide ako na kay Revy na lang muna ipaalam ang lahat. But I prefer to tell it to him personally; kaya after kong magbreakfast, naligo at nagbihis agad ako.

Palabas na ko ng mansion, but suddenly may nagsalita...........

    “Going somewhere?”

Si Mommy, napahinto ko then nilingon ko siya.........

    “Ma....Ahmmm, pupunta lang po ko kina Revy.”
    “This early? And why are you leaving already nang hindi man lang nagpapaalam sa akin?”
    “But, I just told you na kina Revy po ko pupunta right?”
    “Yeah, pero sinabi mo lang iyan dahil nahuli kitang paalis...Hyro anak, you know how perilous our situation right now...At napag-usapan na rin natin toh, so sana hindi ka umaalis nang basta-basta lang...Especially kung di naman importante.”
   
That’s exactly the point, I know our situation and I know what is really going on around here. Kung pwede nga lang sana, wala na lang akong alam..........

    “Ma, can we please not make a big deal out of this? Besides, wala naman po kong ginagawang masama eh...I just want to visit Revy, and I don’t see anything wrong with that...Unless na lang po kung may problem kayo sa kanila ng Mom niya na hindi sinasabi.”

Natigilan siya sa mga sinabi ko........
    “And another thing Ma...I don’t exactly get what you mean sa sinasabi niyong di importante...Pero para sa akin po, importante si Revy...Excuse me.”

After that, di na ko nagpapigil. Lumabas na ko.

PAGDATING SA CONDO, SI HYROMIN......

I was expecting na makakausap ko nang solo si Revy. But after kong magdoorbell, si tita Divine iyong nagbukas ng pinto.

    “Ay tita, good morning po.”
    “Oh Hyromin, ang aga ata ng pagdalaw mo ah.”
    “Pasensya na po tita, kailangan ko lang po kasing makausap si Revy eh,”napapakamot sa ulo kong sagot.

Pinatuloy na niya ko.........

    “Nasa bathroom pa si Revy eh, naliligo sandali,”sambit niya habang papunta kami sa may sala.....
    “Sige po, puntahan ko na lang po siya sa bedroom.”
   
I was about to go, nang tapikin ako ni tita sa balikat.......

    “Ah Hyromin, I actually wanted  to talk you...May gusto lang sana kong sabihin.”

Napalingon ako sa kanya.......

    “If it’s okay with you...Since di pa naman lumalabas si Revy eh.”

I don’t like the sound of this. Pero di naman magandang tignan, kung di ko pagbibigyan si tita. And so, hindi na muna nga ako tumuloy sa bedroom. Naupo na lang muna kami sa may couch........

    “Ahmmm...Ano po ba iyon tita?”
    “It’s about you and my son...With our current situation, you do know kung anong pwedeng mangyari sa inyo right?”
   
Napatango lang ako.........

    “Don’t get me wrong, I am not going to ask you na layuan siya....For now....Dahil naiintindihan ko naman ang mga nararamdaman niyo...But as a mother, I don’t want my son to suffer from so much pain...So, there’s just one favor that I want to ask of you...”
    “Po?”
    “When the time comes...Please, make it easier for him.”

I got what tita is trying to say to me, pero di ko na siya nasagot.........

    “My labs!”

Nakalabas na pala kasi ng banyo ang bf ko. Napalingon ako at napatayo. Lumapit naman siya sa akin, and then inakap niya ko......

    “My labs,  bat di ka naman nagsabi na pupunta ka pala?”
    “Sorry, biglaan lang kasi eh.”
    “Biglaan? Bakit, may nangyari ba?”

Napatingin ako kay tita Divine, then tumingin ulit ako sa kanya. Well, no choice na ko. Anyway, may kinalaman din naman toh kay tita. So, it would be better that I let her know about it too.........

    “Yes, meron...Pinuntahan ako ni Primo kahapon sa school.”    “Ano! Pati ba naman dun ginugulo ka na rin niya? Hayup na iyan, wala talaga siyang patawad!
    “He asked me kung may alam na ba si tita sa lahat.”

Nakatinginan silang dalawa, then tumingin ulit si Revy sa akin........

    “But of course, wala akong sinabi sa kanya; then nung umalis na siya, nagdecide ako na sundan siya.”
    “Ha? My labs naman! Bat ginawa mo pa iyon?”
    “Naisip ko kasi na malaking ang maitutulong kung malalaman natin ang hideout niya ngayon...We might find out kung ano ang magiging next move niya, dahil mababantayan na natin siya.”
    “Okay naman sana iyang naisip mo eh...Pero ang problema, hindi mo dapat ginawa iyon nang mag-isa dahil delikado! Pwede mo naman kaming tawagan di ba? O kaya mas mainam, ipinaalam mo kay Inspektor!”
    “Iyon, good thing na binanggit mo na siya...Because he is actually the reason, kung bakit ako nandito ngayon in the first place.”
    “Huh?”
    “Nung makarating na ko sa hideout ni Primo, tatawagan ko na dapat siya...But then, bigla na siyang dumating.”

Napatayo si tita because of what I said.........
   
    “What do you mean na bigla na siyang dumating?”usisa niya.
    “Dumating po siya dun on his own, and it looks like he was staking out Primo...or something else.”
    “My labs...Sinasabi mo ba na alam na ni Inspektor kung nasaan si Primo, pero di niya toh ipinaalam sa atin?”
    “Exactly, sinubukan ko pa nga siyang itext eh...Just to test kung anong sasabihin niya...I asked him kung may update na ba siya tungkol kay Primo, at nagsinungaling siya!....He told me na wala!”
    “Pero bat naman niya gagawin iyon?”
    “I don’t know, and that’s the same question na gumugulo sa akin. Revy, what if...what if kung mali tayo ng taong pinagkatiwalaan?”
    “Huh? My labs, ang oa naman ata niyan...Tsaka paano mo naman nasabi iyan?”

I explain to him all about my hunch.......

    “Sige, sabihin na natin na nagsinungaling nga siya sa iyo...Pero paano kung may maganda naman pala siyang rason?”
    “Aba, something’s different huh...Dati nung si tita Divine iyong nagsinungaling sa iyo, todo react ka agad....But now, ayaw mo agad maniwala.”
    “Iyon na nga my labs eh...Masyado kong nagpadalos-dalos nun kay Mama, kung anu-ano tuloy na di maganda ang nasabi ko sa kanya....Kaya ngayon, gusto ko munang manigurado.”
    “Actually, I feel the same...I’m a little worried na baka masira iyong mga napagplanuhan natin for the fashion show, tapos mali pala ko...Kaya nga, sa inyo ko unang lumapit eh...Di ko pa toh sinabi kina kuya.”
    “Kung ganun, dapat may gawin tayo para malaman iyong totoo.”

Then suddenly, an idea came up to me. Something na tatapos sa mga doubts namin. Napahawak na lang ako sa baba ko, as I think about it........

    “Hmmm....Alright then, bakit di natin siguraduhin? Let’s investigate Inspector Preston.”
    “Hmph! Iimbestigahan natin iyong dapat na nag-iimbestiga para sa atin? Ano iyan, joke?”
    “Siryoso ko! Bat di tayo magpunta ngayon sa headquarters nila? Since, wala naman akong pasok ngayon sa school...At wala rin tayong rehearsal.”
    “Hold your horses boys! Hindi ako papayag na gawin niyo iyan, that could be potentially dangerous!”
    “Tita, relax lang po kayo...Hindi naman kami ang haharap kay Inspector eh...In fact, hindi niya po malalaman na nandun kami ni Revy.”

I explained to them my plan. First, kailangan namin ng tao na kakausap kay Inspector; to keep him busy and take him somewhere else. Then Revy and I will sneak in to his office, to see kung may mahahanap kami dun na makakasagot sa mga tanong namin.........

    “Iho, that is still risky! At isa pa, sino naman ang kakausap kay Inspector?”
    “Bat di na lang po kayo Mama?”
    “No! Ayaw ko nga kayong payagan di ba? Tapos isasali niyo pa diyan sa kalokohan niyo.”
   
Napakamot na lang ng ulo si Revy, sa naging sagot ng Mama niya.........

    “Teka, bat di na lang kaya si kuya Oryo o si kuya Hunsel?”
    “Huwag! Huwag muna sa kanila...Like you said, hindi pa tayo sure...Mag-aalala lang sila.”
    “Eh sino?”

For a moment natahimik lang kami, until sabay kaming nagsalita ulit..........

    “Si kuya Rass!”

Nandiyan lang pala si kuya Rass. And with that idea, pinuntahan namin siya sa kabilang unit. We explain to him everything, as well as iyong naisip kong gawin........

    “I see...So that was the case...Actually ginawa na rin ni Inspector iyan dati...But, we’re on a very critical situation right now...So dapat hindi niya itinatago sa atin iyong mga ganitong bagay,”sambit niya.
    “So ano kuya Rass, matutulungan mo ba kami?”usisa ni Revy.
    “Well, I think your plan would work...So why not?”
    “Rass! I cannot believe that you’re actually considering this!”bulalas ni tita Divine.
    “Pero auntie, police headquarters naman po iyong pupuntahan namin...I don’t think something will happen to us there...At may point din po sila...We need to find out if Inspector Macaraig is our friend or foe, before it’s too late.”

Lumapit si Revy sa mama niya, then umakap siya dito........

    “Mama, huwag na po kayong mag-alala...Mag-iingat naman po kami eh.”
    “May magagawa pa ba ko? Eh kahit naman ayaw ko, matigas ang mga ulo niyo eh.”

So there it is, hinayaan na rin kami ni tita Divine. Then nakangitian na lang kaming tatlo........
    “Okay, it’s settled then...Wait, do guys know kung saan banda iyong office ni Inspector dun?”

After kuya Rass said that, napatakip na lang ako ng kamay sa mukha ko. Holy crap! I forgot about that, hindi pala namin alam kung saan banda dun iyong office ni Inspector dun sa building. And we cannot ask around about it, dahil mabubuking kami............

    “Oh, I guess sa reaction niyong iyan...Obvious na iyong answer...But don’t sweat it, I know where exactly it is....Buti na lang pala at nakapasok na ko dun dati.”

SA POLICE HEADQUARTERS, SI HYROMIN......

    “Hmph, kailangan talaga distorbohin at isama pa natin dito si kuya Skylar?”ngingisi-ngisi usisa ng bf ko.

Kotse ni kuya Rass ang ginamit namin, because Inspector Preston might recognize mine. Nakapark na kami ngayon right in front of the headquarters. Nasa may backseat kaming dalawa ng bf ko; si kuya Rass nasa driver’s seat, at katabi niya sa passenger’s seat si kuya Skylar. Suddenly, naisip  niya na sunduin siya at isama sa amin. We already explained to him what’s going on........

    “Ahmmm....I just want to make everything easier...May masama ba dun?”
    “Sus! Palusot!”

I completely understand why everything would be easier, kung kasama namin si kuya Skylar. But I am smelling something else in here. And obviously, ganun din itong bf ko...........

    “Easier huh? Para sa atin ba kuya? O exclusive lang sa iyo hehe,”tatawa-tawa kong dagdag.
    “Shut up! Hindi ito ang time for that, okay?”
    “Hindi raw,”ngingisi-ngisi pa ring bulong ng bf ko.
    “So what now? Should we go on with the plan?”usisa niya.
    “Uhmmm...Excuse me, I didn’t agree with this remember? And besides, hindi niyo dapat pinagdududahan nang ganito ang uncle ko to begin with...After all the help he gave you,”sambit ni kuya Skylar......
    “Well, if you’re that confident about your uncle....Let me ask you then, how well do you know him?”

Di nakasagot si kuya Skylar kay kuya Rass...........

    “See, di ka makasagot...Because you’re not sure of his character either, right?”
    “Kuya Skylar pleaseeee! Pumayag ka na na tulungan kami,”sambit ko.

After a few seconds, sumagot na rin siya finally...........

    “Fine! Pero pagmali kayo, we’re going to tell him about this and apologize.”
    “Sure!”sagot ko.
    “Wow, how casual...Parang wala lang na office ng police inspector iyong plano niyong pasukin ah...Bilib din naman ako sa guts niyo.”

Ngumisi lang kami ng bf ko sa kanya.......

    “Okay, let’s go Sky.”

Nakatinginan kami ng bf ko dun. Wala lang, ang cute lang kasi  ng tawag ni kuya Rass kay kuya Skylar hehe.

Bumaba na si kuya Rass. He grab the wheelchair from the trunk, then pinagbukasan niya ng pinto si kuya Skylar para alalayan. Nang maiupo na niya si kuya Skylar dun............

    “Guys, just wait here...Don’t do anything yet, until I give guys a cue.”
 
And there it goes, tumuloy na sila at pumasok sa loob ng headquarters.

SI RASSEL......

After we entered the building.........

    “What are you waiting for? Call him already.”sambit ko.
    “Wait, bakit ako?”
    “Because you’re the nephew.”

I can still see in his face, na medyo reluctant pa rin siya dito sa gagawin namin. Pero tinuloy pa rin naman niya iyong dapat niyang gawin.........

    “Hi uncle...”

Nilapit ko iyong tenga sa phone niya, so I can hear what Inspector is going to say. Napatingin naman siya sa akin, as if naasiwa siya............

    “Oh Skylar, napatawag ka.”
    “Uhmmm, I’m here in the lobby with a friend...Busy po ba kayo right now? Gusto sana namin kayong iinvite somewhere.”
    “Iinvite? Paraa saan?”

Inilayo niya iyong phone sa amin for awhile.........

    “What am I gonna tell him?”pabulong niyang tanong......
    “Ah, tell him you...you just want to talk about something personal,”pabulong ko ring sagot.

He continue talking on the phone..........

    “I...I just want to talk about something personal uncle....Kung okay lang po sa inyo.”
    “Hmmm....May problema ka na naman ba na di mo masabi sa Mama mo?”
    “Uhmmm, parang ganun na nga uncle,”looks like iyon na lang ang naisipan niyang isagot.
    “Oh sige, bababa na ko diyan.”

Good, we actually able to convince him easier than I thought.  A few minutes later, dumating na si Inspector.........

    “Skylar....”

At nang makita niya na ako ang kasama ng nephew niya, natigilan siya. Maybe nabigla.........

    “Rassel! Mag...Magkakilala na pala kayo nitong pamangkin ko?”

Napangiti at tango na lang ako sa kanya.

ITUTULOY.......

No comments:

Post a Comment