m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, July 31, 2016

Here and Now (Part 54)

By: Chaster Rassel 

Chapter 54: The Investigation Romance...

SI HYROMIN......

We waited, until bumalik na sina kuya.........

    “Kuya, what happened?”sambit ko......
    “We’re going on a nearby restaurant....Habang wala kami, iyon na iyong chance niyo,”sagot ni kuya Rass.
    “Teka, nasaan na si Inspektor?”usisa ng bf ko.
   
Napatingin ako sa labas, then I notice someone coming over us........

    “He’ll be using his own car so—”si kuya Skylar.
    “Si Inspector!”bulalas ko.

Napalingon si kuya Rass, and then napalingon din ulit sa amin.........

    “Go! Get out of here! Bago pa niya kayo makita!”

We quickly get out of the car. Sa opposite side kami bumaba, para di kami makita ni Inspector. Then, nagtago muna kami somewhere na pwede namin silang panoorin secretly.They just did a short talk. After that, umalis na sina kuya. Si Inspector naman, naglakad pabalik sa loob ng headquarters.

Tumunog iyong phone ko, si kuya Skylar nagtext...........

    “Don’t go inside yet...Babalik si uncle sa office niya, he said he forgot something...Pumunta kayo sa may parking lot sa likod; from there, hintayin niyo ang paglabas niya...After he left, saka kayo tumuloy sa fire exit...And don’t forget the unsafe spots with CCTV,  that I told you.”

Pumunta nga kami sa parking lot. Di naman nagtagal at lumabas din agad si Inspector, and that’s the chance that we are waiting for.

SI RASSEL......

While we’re on our way papunta sa restaurant........

    “So, any idea kung anong sasabihin natin later sa uncle mo?”usisa ko.
    “Not a clue.”
    “Well you don’t have to worry, dahil may naisip na ko.”
    “Really? Ano?”
    “Nah, I rather not tell you about it right now...Baka kasi kumontra ka pa.”

What I have in my mind is a little bit crazy. Actually, baka ikagulat nilang pareho ni Inspector toh. But on the other hand, magkakaroon din ako ng chance na malaman kung may interest din ba siya sa akin; in the way that I want him to.........

    “Basta later, sakyan mo na lang ang lahat ng sasabihin ko...And please, don’t react violently.”
    “Hmph, it the depends sa kung anong sasabihin mo.”

BALIK KAY HYROMIN......

We were able to make it nang wala nakakanotice sa amin. Nasa tapat na kami right now nung kwarto na sinabi ni kuya Rass, na office raw ni Inspector Preston. But before doing anything else, kinuha ko muna mula sa pocket ko iyong baon kong disposable gloves. Then I wear it..........

    “Kailangan talaga may ganyan pa?”usisa ng bf ko.
    “Yeah, we need to be precautious...Mahirap na, police inspector ang iniisahan natin...So dapat wala tayong maiwan na kahit anong trace.”

Nagdala rin ako ng extra pair for my bf.........

    “Oh, ikaw rin,”sambit ko sabay abot nito sa kanya.
    “Para naman tayong magnanakaw nito,”napapakamot sa ulo niyang sagot, sabay kuha sa gloves.
    “Oh c’mon! Sa iyo pa talaga nanggaling iyan ha,”natatawa kong sambit.

Napangisi na lang siya. While he’s wearing the gloves, sinubukan ko nang buksan iyong pinto..........

    “Uh-oh, nakalock.”
    “No problemo my labs!”ngingiti-ngiti niyang sagot.

Nagcrouch siya, then may something siyang hinugot mula sa side ng mediyas niya. It’s two pieces of hair pin..........

    “Inasahan ko na na mangyayari iyong ganito eh, kaya pinaghandaan ko,”nakangiti pa rin niyang patuloy, then tumayo na siya.

May idea na ko sa balak niyang gawin, pero naisip ko na may weak point iyon........

    “Wait! Ipapasok mo ba iyan sa keyhole?”
    “Oo, bakit?”
    “Baka kasi magmarka iyan; for sure mapapansin iyan ni Inspector, malalaman niya na may nangyaring forced entry dito.”
    “Hmph, relax my labs akong bahala.”

Oh yeah, I forgot; dati nga pala niyang gawain iyong mga ganito. In other words, expert na siya. So, pinanood ko na lang kung anong gagawin niya.

Binaluktot niya iyong isang pin para maging L-shape toh, then iyon iyong una niyang ipinasok. Para itong nakasampay ngayon dun sa pinakababang part ng keyhole. Iyong pangalawa naman ang pinangsundot niya. And amazingly, nabuksan niya iyong pinto without leaving any scratches........

    “Oh di ba? Walang marka, walang ebidensya.”
    “Ang galing ng mahal ko ah!”napapangiti kong sagot.
    “Sabi sa iyo eh, ikaw lang eh...Iyong puso mo nga nabuksan at napasok ko, ito pa kayang pinto lang.”
    “Hmph, humugot daw ba...Ang corny, promise!”

Napakamot na lang siya ng ulo.......

    “Wait a minute, kung ganito ka pala kagaling magpick ng lock...Why didn’t you do it nung ikinulong ka ni Primo sa kwarto?”
    “Unang-una, walang door knob iyong pinto sa bahay niya...Tsaka hindi naman ako handa nun eh...Ni di ko alam na ikukulong pala niya ko...At higit sa lahat, takot pa ko sa kanya nung mga oras na iyon.”
    “I see...Anyway, let’s go inside already.”
    “Teka, hindi pwede na pareho tayong pumasok.”
    “Why?”
    “Eh sinong magiging lookout dito? Mamaya biglang may dumating na parak, eh di natiklo pa tayo.”
    “Oo nga noh...Okay then, ako na lang muna ang papasok.”

Nagdouble okay sign siya sa akin, then pumasok na ko sa loob.

BALIK KAY RASSEL......

Nasa restaurant na kami. We just order some drinks, tapos nagstart na ang aming munting palabas........

    “Paano pala kayong nagkakilalang dalawa?”tanong ni Inspector.
    “Oryo introduced us to each other...Isn’t that right Rass?”   

I didn’t speak yet, bumubwelo pa kasi ko para sa mga sasabihin ko. It’s like preparing myself sa magiging reaction nila. Pero tinatapik na ko ni Sky, so I speak up already........
   
    “Ah, yes! Nung...Nung first rehearsal po ng fashion show nila.”
    “Siya nga ah...So, ano ba iyong pag-uusapan natin? May kinalaman ba toh sa kaso ng mga De Chavez?”
    “No uncle...Ahmmm, gaya po nung sinabi ko sa inyo kanina sa phone...It’s something personal.”
   
Sinerve na iyong drinks.......

    “Sige, makikinig ako,”sagot ni Inspector sabay kuha sa order niyang iced tea.
    “Great, go tell him about it now...Rass.”

Tumingin sa akin si Sky, tapos ngumiti nang pilit. Here we go, I took a deep breath and started the talking..........

    “Actually Inspector, gusto ko lang po sanang magpaalam...I mean, namin na magpaalam.”
    “Magpaalam para saan?”
    “If is it okay with you, gusto ko po sanang ligawan ang nephew niyo.”

He’s in the middle of drinking, nang sabihin ko iyon. So di lang siya nasamid, nasinghot din niya iyong iced tea accidentally. Napatakip siya ng panyo sa ilong, tapos panay ang ubo niya.

Meanwhile, naramdam ko naman na parang may nagapang sa hita ko. Pagtingin ko, iyong kamay ni Sky! Napatingin ako sa kanya, he have that “what the F” look in his face again. At bigla na lang niya kong kinurot sa singit!

It hurts like hell! But I stopped myself from screaming. Hindi ko kasi pwedeng gawin iyon, dahil mabibisto kami. Balik iyong attention namin kay Inspector. Di naman niya kami napansin, dahil panay pa rin ang ubo niya........

    “Uncle, are you okay?”
    “Damuhong bata!...Nag...Nagtanong ka pa!”

Nagpaalam muna siya sandali, para magpunta ng restroom. And as soon as he was gone, di ko na napigilang matawa.......

    “Hahaha! Kita mo iyong reaction niya? It’s so epic, isn’t it?”tatawa-tawa kong usisa.
    “Stop laughing! Dahil hindi ka nakakatawa!”
    “Eh ano? Nakakakilig?”
    “Ugh! You’ve gone crazy again, haven’t you? Ang daming pwedeng sabihin, iyong ganun pa talaga?”
    “Well kinurot mo ko, so we’re even.”

Speaking of, matagal na rin walang kumukurot sa akin sa singit. Ngayon lang ulit iyon nangyari, at siya pa ang gumawa. I don’t know pero, mas lalo ko tuloy siyang nagugustuhan........

    “Now, what are we going to do pagbalik niya?”
    “Like I told you, sakyan mo lang ang lahat ng mga sasabihin ko.”
    “Hmph, easier said than done...Seriously Rass, ano bang klaseng biro toh?”
    “Who said na biro iyon?”
    “Huh?”

Suddenly, naging paimpit iyong boses niya. Now let’s see; kapag nagreact or umangal agad siya dito sa susunod kong sasabihin, it means no chance ako sa kanya. Pero kapag natahimik lang siya, alam na.
   
    “What if...What if I told you na gagawin ko for real iyong mga sinabi ko sa uncle mo? Na...Na liligawan kita, would you let me?”napapangiti kong tanong.

His face turn red, and he wasn’t able to speak. Hindi siya nagreact! But unfortunately, bumalik na si Inspector.

BALIK KAY HYROMIN......

It’s just a typical office, may office table, chairs and other stuff. But I don’t have much time, kaya sinimulan ko na agad ang paghahanap. First thing that I thought of eh iyong filing cabinet. Usually kasi, dun nilalagay ng pulis iyong mga files na related sa mga case na hinawakan nila. So there must be something in there, na makakasagot sa mga tanong namin.

Naghanap na nga ko dun, but it’s negative. Walang akong napala; because of that, lumipat naman ako sa office table. There’s a pile of folders and documents in here. Pero wala ring something na related sa family ng bf ko or sa amin.

May dalawang drawer iyong table, and that’s the next thing that I check. Iyong unang drawer, puro gamit panulat at pang office lang. Iyong pangalawa naman, nakalock. Tinawag ko sandali iyong bf ko........

    “Ano? Kaya mo bang buksan iyan?”
    “Yakang-yaka, mas madali nga toh eh.”
    “Wait...Once na binuksan mo ba iyan, kaya mo ring ibalik ulit sa dati? I mean ilock ulit?”
    “Oo naman, ako pa.”

I let him do his thing, then ako na muna ang nagbantay sa labas. After a few seconds, narinig ko na lang pagtawag niya sa akin. Medyo malakas iyong boses niya kaya nainis ako. Pumasok naman ako agad ulit at pinuntahan siya........

    “What the hell Revy! Ang lakas ng boses mo!”inis at pabulong kong sambit.
    “Sorry naman, di ko sinasadiya.”
    “Hmph, ano ba iyon ha? Anong nangyari?”
    “Nakita ko dito sa drawer itong folder na may nakalagay na apelyido namin.”

He’s right, it says “De Chavez”..........

    “Tapos nalalag toh mula sa loob.”

Inabot niya sa akin iyong hawak niya. It’s an old picture of Inspector Preston with someone familiar.........

    “Si...Si tito Ritz?”
    “Kung pagbabasehan iyong mga pictures niya na pinakita ni Mama sa amin ni kuya Oryo, si Papa nga iyan...Pero ang tanong, bakit  magkasama sila ni Inspektor diyan?”
    “Obviously magkakilala sila....But why didn’t he tell us about this?”

And I suppose na hindi lang sila basta magkakilala, because they look pretty close in the picture. Magkaakbay pa nga sila........   

    “Oo nga...At bat di rin binanggit ni Mama sa atin?”
    “Hindi sa di niya binanggit...Maybe, hindi rin siya aware tungkol dito?”

Ngayon, mas nadagdagan pa iyong mga tanong namin.......

    “Iyong folder, let me see it.”

Inabot rin niya sa akin iyon. Finally, ito iyong kanina ko pa hinahanap. Iyong mga files tungkol sa case ng family nila. Nilapag ko toh sa table, binuksan, then nilabas ko iyong phone ko.........

    “Oh, anong iyang gagawin mo?”
    “I’m going take pictures of it, para mamaya na lang natin babasahin...Aabutin tayo ng Christmas kung dito natin babasahin toh noh.”

While I’m taking pictures, pinabalik ko na muna si Revy sa labas. Pati iyong nakita naming picture nina Inspector at tito Ritz, sinama ko na rin. Para mapakita namin kay tita Divine.

After I was done, nanotice ko na may isa pa palang folder sa drawer; it also says “De Chavez”...........

    “Okay, why there is two of it?”pagtatako.

Because of that, I decide to just take pictures of what’s inside it as well.

BALIK KAY RASSEL......

    “Iho, mag...magkaliwanagan nga tayo dito ano...Siryoso ba kayo?”
   
Sky didn’t speak up, and his face still red. Tapos umiwas na lang siya tingin sa uncle niya. This is actually getting good. Mas naging convincing kasi kami dahil sa itsura niya right now.......

    “Inspector,  I never hide the fact that I am a gay, so siryoso po ako sa mga  sinasabi ko.”

He laugh, pero parang napipilitan lang. Tapos napakamot siya ng ulo........

    “Hmph, ngayon naiintindihan ko kung bakit di mo masabi toh sa Mama mo...Hmph, siguradong hihimatayin iyon,”sambit niya habang nakatingin kay Sky.
    “So, ano po? Are...Are you gonna gives us your blessing po?”usisa ko.
    “Alam mo iho hindi pa rin ako makapaniwala dito eh...Sabi mo kamo eh nung first rehearsal lang kayo nagkakilala, tama ba?”
    “Opo.”
    “Oh, eh kailan lang iyon di ba? Tapos ngayon, gusto niyo na agad magligawan? Hindi ba parang ang bilis naman ata.”
    “Ahmmm, ligaw pa lang naman po ang pinag-uusapan natin dito eh...It’s still up to your nephew here, kung pabibilisin or pagtatagalin niya ang mga bagay-bagay,”sagot ko, tapos tumingin ako kay Sky.

Napatango-tango siya at napakamot ulit ng ulo. It’s very clear na asiwa pa rin siya. Well, I can’t blame him. I created an awkward situation for both of them..........

    “Ang masasabi ko lang diyan iho eh...Wala sa kamay ko ang desisyon diyan...Kahit naman kasi kumontra ko, dito pa rin sa pamangkin ko nakasalalay ang lahat....Gaya na rin ng sinabi mo...Puso niya iyan eh.”
    “So, you mean to say...Wala na pong problema sa inyo na ligawan ko siya?”napapangiti kong tanong.

Napatango lang ulit sa akin si Inspector. At napangiti naman ako kay Sky. I know that this is not even official yet, but still I’m feeling so glad.

BALIK KAY HYROMIN......

Nakaalis na kami ng police headquarters. We went somewhere a little bit far away, just to be sure na walang makakita sa amin. Then nagtext na ko kay kuya Rass, para magpasundo.

After a few minutes, dumating na sila. Agad kaming sumakay sa kotse para makaalis na..........

    “So, did you guys find out anything?”usisa ni kuya Rass.
    “Nakita namin iyong files tungkol sa nangyari dati kuya,”sagot ng bf ko.    
    “I took pictures of it on my phone, hindi naman kasi pwede na dun namin basahin iyon...And, we also found something odd.”
    “And what is that something odd?”
    “Picture ni Inspektor kasama si Papa, mamaya kuya papakita namin sa inyo.”
    “Oh, interesting.”

Napasulyap si kuya Rass kay kuya Skylar........

    “So paano iyan Sky?...It looks like your uncle is not exonerated yet.”

And speaking of, kanina pa ata tahimik si kuya Skylar........

    “Kuya Skylar, why are you so quiet? Did something unusual happened habang kausap niyo si Inspector Preston?”napapangisi kong usisa.
    “Very unusual,”nagsalita siya, pero pabulong.
    “Huh?”
    “Don’t mind him...Affected lang iyan sa mga pangyayari,”ngingisi-ngising sambit ni kuya Rass.

    “Affected? Really huh.”

PABALIK SA CONDO, SI HYROMIN......

Ibinaba lang kami ni kuya Rass sa may condo, he told us na ihahatid na muna niya si kuya Skylar sa kanila. Pag-akyat namin sa unit nila, pinakita namin agad kay tita Divine iyong mga pictures.........   

    “This is just the records for the investigation, about the incident years ago...Wala namang unusual dito.”
    “Eh Mama, paano naman po iyong sa picture ni Inspektor kasama si Papa?”
    “To tell you the truth anak, nasurprise rin ako.”

Napaupo si tita sa sofa, after saying that..........

    “Tita, ibig niyo pong sabihin...Tama iyong hunch namin ni Revy, na di niyo rin po alam na magkakilala sila ni Inspector Preston?”
    “Yes, he never mention anything to me.”
    “Eh ano na pong gagawin natin ngayon Mama?”
    “For now, kailangan nating maging maingat kay Inspector Preston...Until malaman natin kung kakampi ba talaga natin siya o hindi.”

Nagkatinginan na lang kami ng bf ko, then napatingin ulit kami kay tita Divine.

KINAGABIHAN, SI ORYO......

Tinawag kaming dalawa ni Hunsel at pinapunta sa may balkonahe ni Hyro. Meron daw kasi siyang importanteng sasabihin. . Pero sa totoo lang, alam ko na kung ano ang sasabihin ng magaling na batang toh. Katatapos lang din kasi namin mag-usap ni Skylar sa telepono.........

    “Ah, kuya—”
    “Alam ko na kung anong sasabihin mo!”inis kong sambit.
    “Huh?”
    “Katatapos lang namin mag-usap ng kuya Skylar mo! Tol, alam mo ba na gustong-gusto kitang bigwasan ngayon? Ha!”
    “Hmph! Can somebody tell me what the hell is going on?”sambit ni Hunsel.
    “Wait kuya Oryo, ano bang nabanggit sa iyo ni kuya Skylar?”
    “Sinabi lang naman niya na kinasabwat niyo ng kapatid ko silang dalawa ni Rass, para yayaing lumabas iyong uncle niya...Tapos, pinasok niyo iyong opisina ng tao!”
    “That’s it?”
    “Oo, sabi niya sa iyo ko na lang daw itanong iyong iba...Ngayon, magpaliwanag ka!”

At nabigla na lang ako sa sunod niyang sinabi; pinuntahan pala siya ni Primo kahapon sa eskwelahan, at tinanong tungkol kay Mama. Ang masaklap pa, kumilos siya nang mag-isa. Sinundan lang naman niya iyong tatay niya, para alamin iyong hideout nito. Takteng iyan!

Tapos nung tatawag na raw dapat siya kay Inspektor, bigla rin daw itong dumating dun. Lumalabas na alam na pala nito kung saan nagtatago si Primo, pero di ipinaalam sa amin.........

    “Hmph! Why am I not surprised with this anymore? That you didn’t even bother to let me know about it, before you did something stupid! Na mas pinili mo lang sabihin, kung kailan tapos na ang lahat.”

Hay, medyo wala rin sa lugar iyong mga hirit nitong si Hunsel. Pero ayaw ko na muna siyang patulan ngayon...........

    “Pero tol, ang di ko maintindihan eh kung bakit? Bakit kailangan na pasukin niyo iyong opisina ni Inspekto?”
    “We just want to know if he is hiding something from us...Kuya, remember iyong naging reaction niya nung gusto mo nang huminto sa pagpapanggap?”

Naaalala ko iyong sinasabi niya, at aminado rin naman ako na nakaramdam ako ng pagdududa nun.........

    “Kuya gusto lang namin malaman, kung kakampi ba talaga natin si Inspector Preston.”
    “Naiintindihan ko naman iyang sinasabi mo tol eh...Pero delikado kasi iyong kalokohang ginawa niyo.”

At bigla na lang tumawa ang pasaway.........

    “Pektusan kaya kita? Tatawa-tawa ka pa diyan, bat may nakakatawa ba sa mga sinabi ko? Ha?”
    “It’s not like that kuya, natawa lang naman ako dahil hawig na hawig iyong sermon niyo ni tita Divine...May namana ka rin pala sa kanya haha!”

Nairita ko sa hirit niyang iyon. At sa irita ko naman, napakamot na lang ako ng ulo. Pero meron din akong napagtanto..........

    “Teka lang, ibig mo bang sabihin eh hindi rin kayo pinayagan ni Mama?”
    “Yup, nagpumilit lang kami.”
    “Langya naman talaga oh! Pasaway talaga kayong magsyota kahit kailan eh noh!”
    “Kuya Oryo will you please calm down...Walang namang nangyari sa amin eh, okay kami! Tsaka iyang boses mo, mamaya marinig ka ni Mommy.”
    “Hmph!”
    “Enough of that!”pagalit na pagsingit ni Hunsel.

Natahimik naman kaming pareho........

    “Now, mind telling us what did you find out?”
    “Iyong records sa investigation ng incident dati...Tsaka picture ni Inspector with tito Ritz.”
    “Ha? Magkakilala ba sila ni Papa dati pa?”nagtataka kong usisa.
    “We don’t know...At eto pa, hindi rin alam ni tita Divine na may connection pala sila...So, dapat daw maging maingat tayo sa kanya ngayon.”

Ngayon na narinig ko iyon, bigla akong nakaramdam ng pangamba. Posible nga ba na may itinatago sa amin si Inspektor?.........

    “Well this is not a new story anymore...In fact, hindi na nga kayo dapat nabibigla eh...Because it seems like he is no different from you too, expert sa panggagago at panloloko ng tao! Why don’t  you give him a warm welcome to your club?”
    “Kuya...”
    “Hmph, so anything else? Kasi kung wala ka nang sasabihin, then I’ll be going to bed.”

Hindi kami nakaimik, dahil na rin sa pagkabigla sa mga nasabi niya. Kaya umaalis na nga siya........

    “I wonder, hanggang kailan kaya magiging ganito iyong sitwasyon natin kuya? Hanggang kailan magagalit sa atin si kuya Hunsel?”

Kahit ako, ganun din ang tanong ko sa isipan ko. Pero sa kabila ng lahat, ayaw kong sumuko. Hindi ko susukuan si Hunsel, kahit ano pang pagmamatigas ang gawin niya.........

    “To tell the truth kuya...I miss him...I miss kuya Hunsel...Namimiss ko iyong dati naming closeness...Iyong dati nating closeness sa kanya.”
   
Napaakbay na lang ako sa kanya.........

    “Huwag ka nang malungkot diyan tol, lilipas din iyang topak ng utol mo...”
   
Medyo natawa siya sa banat kong iyon..........

    “Hmph, how I wish na sana nga topak lang niya ang lahat....Kaso kuya, hindi eh.”
    “Alam mo tol, maniwala ka sa akin...Hindi tayo kayang tiisin niyan, nagpapabebe lang iyan!”
    “Hahaha...”
    “Siya nga pala, iyong sinasabi mo kanina na records ng investigation kamo na nakita niyo...Nasaan na iyon?”
    “Nasa phone ko...I only took pictures of it, di naman kasi namin pwedeng kunin iyon...Bakit kuya?”
    “Gusto ko sanang makita eh, tol pwede pasuyo na lang sa cellphone ko? Pakisend na lang.”
    “Sure.”

BAGO MATULOG, SI ORYO......

Nasa kwarto na ko, nakaupo sa kama, at binabasa iyong kopya ng records na sinend sa akin ni Hyro. Nakalagay dito lahat ng mga detalye sa mga nangyari nun. Mula sa lugar, oras, iyong pagkuha sa aming magkapatid, pati na rin iyong kung anong ikinamatay ni Papa; nakalagay iyon dito lahat. Gaya ng napapanaginipan ko, tama ng bala ang naging sanhi ng pagkamatay niya.

Nakalagay din dito na dalawa lang sa mga suspect ang natukoy at napangalanan ng mga pulis. Si Primo, tsaka si Melissa Quintos na napag-alaman nga ni Mama na si Madam pala.

Ayon dito, nahirapan silang hanapin iyong iba pa. Bukod kasi sa di nila napaamin si Primo, wala ring makapagsabi sa itsura ng mga toh. Kahit si Mama hindi rin sila nagawang ilarawan. Base sa pahayag niya dito, hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na makita sila. Dahil hinarang siya ni Melissa o ni Madam. Nagpambuno sila, tumama iyong ulo niya sa sahig, at nawalan siya nang malay.

Malinaw sa lahat ng toh, na ako nga lang iyong nag-iisang saksi sa mga nangyari dati. Pero iyong tungkol sa pagkuha nila pati sa buhay ni Papa, hindi. Wala akong naiisip na rason para gawin nila iyon. Maliban na lang siguro...kung parte talaga ng plano nila iyon sa simula pa lang.

Baka gising pa si Mama; naisip ko na tawagan siya, para tanungin tungkol dito sa gumugulo sa akin..........

    “Hello Mama?”
    “Oryo, it’s already late ah...Bakit gising ka pa?”
    “Ah, binabasa ko po kasi iyong records ng investigation na nakuha nila Hyro.”
    “So alam mo na pala iyong kalokohan na ginawa nila ng kapatid mo.”
    “Opo...Nag-init nga po iyong ulo ko kanina nung nalaman ko eh.”
    “Hmph...”
    “Mama...Naisip ko lang po, paano kung plinano pala iyong pagpatay kay Papa?”
    “What? Paano mo naman nasabi iyan? Did you figure out something from the records?”
    “Hindi po sa records...Hinala lang...Ilang taon din po kong naging parte ng grupo ni Primo...Kami ni Revy...At nakita ko kung paano siya trumabaho...Malinis, hindi bara-bra...At hindi rin po siya iyong tipo na titira na lang ng tao nang basta-basta.”
    “Anak, are you telling me that this is more than just a case of robbery? Na merong personal motive sa likod nito, bukod sa pera?”
    “Posible po.”

Natahimik bigla si Mama sa kabilang linya............

    “Mama?”
    “Ah, I’m sorry...Napaisip lang ako sa mga sinabi mo...You actually got a point there...But please don’t stress yourself about it anak.”
    “Pero Mama...”
    “Listen to me, you need to concentrate on the fashion show...So hayaan mo na lang na si Mama ang mamrublema diyan sa sinasabi mo, okay?”
    “Opo.”

Matapos iyon ay napagpaalam na si Mama, para makapagpahinga na raw ako. Nakakainis! Bakit ba kasi di ko matandaan ang lahat ng mga nangyari nun? Kung maaalala ko lang sana!

Napayuko na lang ako at napahawak sa aking ulo. Ipinagpatuloy ko ang pagbabasa; hanggang sa nakita ko naman, iyong litrato nina Papa at Inspektor.

SA HULING REHEARSAL, SI ORYO......

Sa makalawa na ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang  pinaghahandaan namin, ang araw ng Ebony and Ivory Fashion Show. Iyon din iyong araw na pinangangambahan at kinakatakutan ko. Sana, malampasan namin ang lahat ng mga magaganap sa gabing iyon nang ligtas.

Ngayon, huling rehearsal na nga namin........

    “Okay, pagdating sa middle, don’t forget the eye to eye contact,”sambi ni Direk.......

At heto na naman si Hunsel, ayaw pa rin umayos. Hindi namin makumple-kumpleto iyong routine namin, dahil ayaw pa rin niya kong tignan sa mga mata. Kaya eto, pinahinto na naman kami ni Direk. Alam na kung ano ang kasunod nito........

    “For crying out loud Hunsel! The day after tomorrow, fashion show niyo na! Until now, nagpapaulit-ulit pa rin tayo dito...Tell me, meron ka bang personal issues dito kay Oryo? Kaya nagkakaganyan ka?”

Nagkatinginan kami nina Hyro at Revy sa tanong na iyon ni Direk. Tapos napatingin din ako kay Mama, pati na rin kina Insan at Skylar. Nasa may audience area kasi sila........

    “Ano Hunsel? Answer me!”

Naloko na! Baka mabisto kami nang wala sa lugar nito, kapag nagkamali ng sagot si Hunsel.........

    “What’s going on here?”

Nagulat at napalingon ako sa narinig kong boses. Kahit sila ganun din. Si Madam! Takte! Bakit nandito siya? Ang alam ko, may appointment siya ngayon sa opisina niya.

ITUTULOY......

No comments:

Post a Comment