m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Friday, July 8, 2016

Shut Up Ka Na Lang (Part 2)

By: Chaster Rassel 

Chapter 2: “Ex-Men: Rise Of The Daldalerong Lips”

Hindi ako nakakibo, napatitig na lang ako sa kanya. Naging pigil ang hininga ko, kasabay ng di mapigilang pagbilis ng pintig ng dibdib ko.
“Oh ano Sandro, natahimik ka ata. Don’t tell me na hanggang ngayon, nangangarag pa rin ‘to sa akin,”sambit niya na may mapanuksong tono, sabay dakot at pisil sa kaliwa kong dibdib.
Nagising ang ulirat ko sa ginawa niyang iyon. At agad kong inalis at hinawi iyong kamay niya. Tapos tinulak ko siya palayo sa akin.
“Huwag na huwag muna ulit akong hahawakan. Kung ayaw mong magkagulo tayo!”
“Hmph!”
At tinawanan lang niya ko. Nakakainis talaga!
“Sabihin mo nga sa akin, ano bang ginagawa mo dito sa Shotopyu? Ha? Sa dami ng lugar na pwede kang mapadpad, bakit dito pa!”
“Excuse me lang ha, huwag mo kong pagsasalitaan na para bang sinadiya kong puntahan ka dito. Dahil unang-una, hindi ko naman alam na nandito ka rin pala sa dojo ng ninong ko; let alone na naging karateka ka pala. Dahil sa pagkakaalam ko, lampa ka di ba? Actually, nagulat din ako nung nakita kita kanina.”
At nang-asar pa ang Ex-Men na ‘to! Hindi ko tuloy alam kung dapat ko ba siyang paniwalaan. Ni hindi ko alam kung nagsasabi ba siya ng totoo eh. Hindi naman kasi siya mukhang nagulat kanina.
“Well, sa itsurang iyan ng mukha mo, mukha ngang ayaw mo talaga kong kausapin. Fine, hindi naman ako maipilit na tao eh. Ikaw lang naman iyong ganun, di ba? So if you don’t mind, shower na ko ah,”pagkasabi niya nun, tumalikod na siya.
“Sebastian!”
Pero napahinto siya dahil sa pagtawag ko.
“Kung talagang mananatili ka dito, sige lang. Pero huwag na huwag mo kong guguluhin. Back off!”
Hindi siya sumagot o lumingon ulit sa akin. Tumuloy lang siya sa paglakad papunta sa isa sa mga shower. Nagtanggal na siya ng tuwalya at sinindi iyong shower. Nang magsimula nang dumaloy iyong tubig sa kahubdan ng katawan niya, dun na ko napaiwas ng tingin. Tapos pumunta na ko dun sa shower na malayo sa kanya. Kahit na awkward sa feeling na nandito rin siya, nagtanggal pa rin ako ng tuwalya at tinuloy ko pa rin ang pagshashower. Tutal, nakatalikod naman kami mula sa isa’t isa.

                           #

“Ayusin niyo iyang pagwawarm-up niyo! Paano iinit at pagpapawisan iyang mga katawan niyo, kung lalamya-lamya kayo! Lakihan niyo ang mga galawa niyo!”
Katatapos ko lang magbihis ng suit. At malakas na bulyaw agad ni Mayor ang narinig ko, habang papasok ako ng training hall. Sinisimulan na kasi siya iyong lessons ng mga bata.
“Mayor hinay-hinay lang, mga bago pa lang naman sila eh,”sambit ko habang naglalakad palapit sa kanya.

“Hmph, ano naman ngayon kung baguhan sila? Hindi sila magkakaroon ng displina, kung magiging malambot ako sa kanila. Alam mo na dapat iyan, dahil ganyan rin ang ginawa ko sa iyo dati. At ngayon sila naman,”napapangisi niyang sagot sabay lingon sa mga bata.
Napaisip ako sa sinabi niya. At bigla kong kinutuban sa kung anong ipagagawa niya sa kanila.
“Teka! Huwag niyo sabihin na ipagagawa niyo agad sa kanila iyong bagay na iyon?”
“Oo, para maging mas mabilis ang pagpapakundisyon nila.”
“Siryoso ba kayo Mayor? Baka mabigla ang katawan nila.”
“Hmph, kailan ba ko di nagsiryoso pagdating sa karate. Tsaka ano bang inaangal mo diyan ha Sandro? Hindi ba’t pabor pa nga ‘to sa iyo. Mas magiging madali ang trabaho mo, kung lalakas agad ang mga binti nila.”
May punto iyong sinabi niya, exercise kasi sa lower body iyong tinutukoy namin. Pero nag-aalala ko sa mga bata eh. Hindi kasi biro iyon. Naaalala ko pa, kamuntikan na kong sumuko nun dahil sa katakot-takot na exercise na iyon. 
“Oh, bilisan niyong kumpletuhin iyang mga warm-up exercise! Dahil may isa pa kayong gagawin, bago ko ituro sa inyo ang mga kihon(fundamentals).”
“Huh? Magluluto po ba tayo ng pancit Mayor?”hirit ni Marco sabay tingin sa amin.
“Kihon hindi bihon! Ugok!”iritableng sagot ni Mayor.
“Mayor iyan na naman kayo. Ang number 5 niyo, baka makalimuntan niyo,”hirit naman ni Anton.
Napatahimik bigla si Mayor. Tapos lumingon na lang sa akin.

                           #

 Pinagawa nga ni Mayor sa kanila iyong exercise. Actually isa itong klase ng squat. Ito iyong kilala sa tawag na shrimp squat, kung saan nakataas patalikod iyong isang paa mo. Tapos nakahawak dun iyong isang kamay mo, habang iyong isa pa eh nakaturo paharap para mas madaling mabalanse iyong katawan.
Pero iyong version ni Mayor, may twist. Sa kanya kasi, bawal gamitin iyong isang kamay pambalanse. Dapat nakahawak pareho dun sa paang nakataas, kaya super hirap. At kaya rin binigyan niya ‘to ng pangalan na mas nababagay dito lol.
“Shotopyu Death Squat! Iyan ang tawag ko diyan! Hihi,”ngingisi-ngising bulalas ni Mayor.
At eto na nga, manginig-nginig ang mga binti nila habang pilit na bumabalanse. Samahan pa ito ng mga daing.
“Ang Shotopyu Dojo ay isang k-karate school; nandito kaming mga estudyante p-para matuto ng karate, pero bakit po ganito mayor? Parang pinarurusahan niyo kami, g-ganito po ba ang magiging papel ng mga kababaihan dito sa school niyo?”sambit ni Gracielle.
“Tama po si Gracielle, h-hindi po makatarungan ‘to para sa mga babaeng tulad namin,”dagdag ni Lani.
“Hindi makatarungan? Hmph! Magtigil kayo! Paano kayo matuto niyan? Hindi pa man kayo nagsisimula, puro angal na kayo! Isa pa, pagdating sa karate hindi mahalaga ang kasarian niyo. Kung anong ginagawa ng mga lalake, ginagawa rin ng mga babae. Kung anong kaya ng lalake, kaya rin ng babae. Kailangan lang, magsikap kayo na palakasin ang mga katawan niyo!”sagot ni Mayor.
“Eh Mayor, para saan po ba ‘to? Anong kinalaman nitong death squat sa karate lessons namin?”usisa naman ni Marco.
“Oo nga po Mayor, paano naman po naging parte ng karate ‘to?”dagdag pa ni Jomar.
Matapos iyon, bumigay na nga sila. Nagsibagsakan sila sa floor mat at panay ang hangos nila. Kumukunot na naman ang noo ni Mayor. Baka magwala na naman siya. Kaya tinapik ko siya sa balikat at kinausap.
“Mayor, chill. Ako na munang kakausap sa kanila.”
“Hmph!”
Lumapit na ko sa kanila.
“Kids, makinig kayo. Sa maniwala kayo’t sa hindi, malaki ang maitutulong nitong Death Squat sa inyo. Dahil pinalalakas nito ang lower body. At the more na malakas ang lower body, the more na malakas rin ang pagsipa. Bukod dun, naprapraktis rin dito iyong pagbalanse sa katawan. Bagay na napakaimportante sa karamihan ng mga techniques sa karate na ituturo namin sa inyo.”
“Tama si Master Sandro. Okay nga ‘to eh oh.”
Si Allen iyon. Napatingin ako sa kanya. Nagagawa niya iyong death squat! Pinagpapawisan man siya, pero di siya mukhang nahihirapan.
“Relax lang kasi kayo. Kung iisipin niyo kasi na mahirap, mahihirapan talaga kayo. Ikalma niyo iyang mga ulo niyo. Alalahanin niyo iyong number 5 sa Dojo Kun, kontrol sa sarili,”dagdag ni Anton.
Pareho sila ni Allen. Nagagawa rin niya iyong death squat nang parang walang hirap.
“Hindi ba po Mayor?”sambit niya ulit sabay tingin kay mayor.
Okay na sana iyong una niyang sinabi eh. Pero ngayon, di ko alam kung nagpapayo lang ba talaga siya sa mga kasamahan niya o gusto niyang asarin si mayor. Si Mayor naman, nakangisi lang na napatango sa kanya. Pero iyong ngisi niya eh sarcastic na ngisi. Tapos lalong kumunot iyong noo niya.

                            #

Ilang linggo na ang lumipas. Medyo nakakasanayan na rin ng mga bata iyong mga pamamaraan ni Mayor. At nakakasunod naman sila nang maayos sa mga itinuturo namin. Hindi na rin sila nagrereklamo tungkol dun sa death squat. Mabibilis silang matuto actually. Kaya bukod sa kihon, nagstart na rin sila sa pagperform ng mga basic na kata(prearranged exercises).
Katatapos lang ng lesson nila sa akin. Iyong iba nagpunta na muna ng changing room. Pero itong si Jomar lumapit sa akin.
“Oh Jomar, bakit?”   
“Master meron lang po sana kong gustong itanong sa inyo.”
“Okay, sige. Tungkol ba sa lesson natin? May di ka ba naintindihan?”
“Ah hindi po, tungkol po sa inyo.”
“Huh? Anong tungkol sa akin?”
“Totoo po bang malupet kayo nung high school kayo?”
Nagtaka at nabigla ako sa tanong niya, medyo personal kasi.
“Teka Jomar, saan mo naman nakuha iyan?”
“Nabanggit po sa amin kanina ni Master Baste. Sabi niya, may pagkasalbahe raw po kayo dati.”
Ano ‘to? Akala ko malinaw na ang usapan namin ni Baste. Pero bakit siya nagkwekwento ng tungkol sa akin habang nakatalikod ako? At sa mga bata pa! Anong gusto niyang palabasin?

                          #

Hindi ko nagustuhan iyong ginawa ni Baste. Pero ayaw ko nang palikihin pa iyon. At mas lalong ayaw ko na kausapin pa siya ulit. Kaya minabuti ko na palampasin na lang. Nagpalusot na lang rin ako sa mga bata. Sinabi ko sa kanila na nangtritrip lang ang master Baste nila at kaya hindi dapat magpaniwala sa kanya.
Isang hapon, nasa changing room ako at nagbibihis ng suit. Nang bigla akong makarinig ng ingay mula sa labas.
“Sandrooooo!”
Si Mayor iyon. Hindi maganda iyong timbre ng boses niya. Mukhang beastmode activate na naman ang peg niya. Ano kayang nangyari? Ilang sandali pa, pumasok na nga siya.
“M-Mayor bakit po?”
“Sa tinagal mo dito sa Shotopyu, hindi ako makapaniwala na magagawa mo pa lang maglihim sa akin!”
“Po? Mayor ano ba iyang pinagsasabi niyo? Kahit kailan hindi po ko nagsekreto sa inyo.”
Heto na naman iyong sarcastic niyang ngisi. Pagkatapos, tinapik niya ko sa balikat at inakbayan nang mahigpit.
“Hmph! Kung ganun, ipaliwanag mo sa akin ngayon din itong naririnig ko na bakla ka raw! At may boyfriend ka dati!”
Nanlambot ako sa mga narinig ko. Pati dalawang tuhod ko nanginig. Hindi ko alam kung paano haharapin iyong tanong niya. Kaya nagkunwari na lang ako na natatawa.
“Hahaha! Si Mayor talaga oh. Sa kisig kong ‘to, mukha ba kong papatol sa kapwa ko? Hmph.”
“Hehehe! Hoy! Potaenang iyan Sandro, tantanan mo ko diyan sa pag-arte mo. Para sabihin ko sa iyo, sa panahon ngayon mas mukha pang lalake iyong mga bading kesa sa mga tunay na lalake! Kaya magsabi ka na sa akin ng totoo!”
“Mayor, hindi po ko nagsisinungaling sa inyo. Lalake ako, straight! Saan niyo ba kasi narinig iyang ganyang klaseng tsismis at nagpaniwala naman kayo agad?”
 “Hmph, narinig ko lang naman sa mga bata habang nag-uusap sila dun sa—”
 Biglang may tumunog na cellphone, kaya napahinto siya sa pagsasalita. Kanya pala iyon. Inilibas niya ‘to mula sa bulsa niya at tinignan.
“Si kumander! Teka, sasagutin ko muna ‘to.”
Dali-dali na siyang lumabas. Dahil dun, nakalusot ako mula sa pagtatanong niya. Hindi ko gusto na magsinungaling sa kanya, lalo na nang harap-harapan. Dahil pangalawang tatay na ang turing ko sa kanya. Pero, kailangan eh.
Napabuntong-hininga na lang ako. Hmph! Tiyak ko, pakana na naman ‘to ng magaling na Ex-Men! Pinalampas ko iyong una niyang ginawa, pero ito hindi na. Sumusobra na siya, hindi na nakakatuwa! Dapat nang patahimikan ang daldalero niyang bunganga!

                           #

Madalas magpahuli si Baste, kaya hinintay ko na muna na makaalis ang lahat ng mga tao. Nauna ko sa changing room at inabangan ko ang pagpasok niya. Pagpasok niya, hindi ko na napigilan iyong inis ko. Sinunggaban ko siya ng sipa mula sa likuran niya. Pero napalingon siya at nakailag.
Agad ko iyong sinundan ng sunod-sunod na atake. Ngayon imbis na pag-ilag, puro blocking ang ipinangtapat niya sa akin. Bagay na ikinagulat ko. Bukod kasi kay Mayor, siya lang iyong taong nagawang makasabay sa bilis ko. At iyong mga blocking techniques na ginagawa niya, laging sakto sa mga technique ng pagsipa na ginagawa ko. No wonder na pinili siyang magturo ng ganito sa mga bata. Pero, nakitaan ko pa rin siya ng butas.
“Nagsasayang ka lang ng pagod. Kahit anong gawin mo, hindi mo ko matatamaan. Alam ko na ang galawan mo Sandro, kaya kaya kong salagin lahat ng—”
Nahinto siya sa pagdadaldal. Muntik na kasi siya sa ura mawashi geri(hook kick)ko, kung hindi rin ako huminto. Iyong paa ko nakataas pa rin at saktong nasa gilid na ng ulo niya. Kita sa pagmumukha ng hinayupak ang pagkagulat at takot sa nangyari. Pinagpawisan din iyong noo niya.   
“Hmph, masyado mo kong minamaliit Baste. Pasalamat ka, naging mabait pa ko kaya di ko itinuloy,”napapangisi kong sambit.
Ibinaba ko na iyong paa ko.
“Wew! Teka, ano bang problema natin ha? Bakit bigla ka na lang nanunugod?”
“Bakit?”
Hinila ko siya sa damit niya at pabalibag na isinandal sa isa sa mga locker.
“May usapan tayo na hindi mo ko guguluhin, pero hindi ka tumupad! Bakit mo ko sinisiraan dito? Bakit kailangang idaldal mo pa sa kanila kung ano ko dati!”
“Correction, hindi naman ako nag-agree diyan sa sinasabi mong usapan, di ba? Pangalawa, paano magiging paninira iyong mga sinabi ko, kung totoo naman?”ngingisi-ngisi niyang sagot.     
Oo nga pala, ni hindi nga pala niya ko sinagot nung time na iyon na nasa shower kami. Technically tama siya. Pero nairita pa rin ako dahil sa pamimilosopo niya!
“Ano ba talagang gusto mong mangyari ha!”bulalas ko.
“Thank you for that wonderful question. Alam mo, simple lang naman ang gusto ko eh; titigil ako sa pagkakalat ng mga kwento tungkol sa iyo, kung susunod ka sa lahat ng gusto ko. Iyong tipo na anumang salita ko, magiging batas para sa iyo.”
“Hmph, I’m not stupid para gawin iyang sinasabi mo! Ano ko, alipin mo?”
“Masyado naman atang harsh iyong word na alipin, hindi ganun Sandro. Ang gusto ko lang eh iyong maramdaman mo na para bang nasa ilalim ng martial law hindi lang iyong puso mo, kung di pati buong pagkatao mo. Gaya ng pinaranas mo sa akin nun.”
Natigilan ako at napabitiw sa kanya sa mga sinabi niya. Unti-unti ring bumigat iyong pakiramdam ko. Napatingin na lang ako sa kanya. Hanggang sa nauwi kami sa eye to eye contact. Mama-masa ang mga mata niya. At nahuli ko na lang ang sarili ko na ganun din. Napailing-iling ako habang dahan-dahang umaatras mula sa kanya. Tapos ay dali na dali kong umalis ng changing room.

                            #

Gabi, nasa bahay na namin ako. Nag-Hong Kong trip sina Mama at Papa kaya mga maid lang ang kasama ko ngayon. Nasa may patio ako at nakatambay sa table dito. Pero di ako mapakali. Iniisip ko kasi iyong mga nangyari kanina. Natatakot ako, natatakot ako sa mga susunod na pwedeng ikalat ni Baste tungkol sa akin.
Iyong naging nakaraan namin at naging pagkatao ko dati ang pinakatatago-tago kong sikreto. Matagal ko nang isinara iyong chapter na iyon ng buhay ko, dahil tapos na iyon. At ang tapos na ay tapos na, hindi na dapat balikan o ibalik pa.
Pero heto siya ngayon eh, binubuksan ulit ang bagay na pinaghirapan kong maisara. At ang hinayupak, humihingi pa ng kapalit para sa pagtigil niya. Hmph, no way! No way na susunod ako sa mga gusto niyang mangyari! May ibang paraan naman siguro para mapigilan siya, para mapashut up ko siya.
Mamaya pa, may lumabas mula sa bahay. Si Yaya Gigi, iyong mayordoma ng mga maid namin. Siya rin iyong yaya ko since nung maliit pa ko, kaya close ako sa kanya. Parang pangalawang nanay ko na rin siya.
Nilapitan niya ko. May dala-dala siyang snacks, sandwich tsaka juice.
“Oh, ikain mo muna iyang prinoproblema mo,”sambit niya sabay lapag nito sa table.
“Salamat po Ya,”napapangiti kong sagot.
Naupo siya sa tabi ko.
“Teka, paano niyo po pala nasabi na may problema ko?”
“Eh, kanina pa kaya kita tinatanaw mula dun sa loob. Kahit malayo, bakas diyan sa mukha mo na merong labis na gumugulo sa iyo. Nagtaka nga ko eh, ngayon lang kasi kita ulit nakitang nagkaganyan. Iyong huli eh nung naghiwalay pa kayo ni—”
Napahinto siya, siguro dahil worried siya na baka maoffend ako. Pero obvious naman na kung kaninong pangalan ang dapat na sasabihin niya. Alam kasi ni Yaya ang lahat ng mga pinagdaanan ko dati. Dahil siya iyong nag-iisang tao na pinagkakatiwalaan ko ng mga sikreto ko.
“Okay lang po na sabihin niyo iyong pangalan niya Ya. Ang totoo niyo po niyan, siya naman talaga ulit iyong problema ko ngayon eh.”
“Ha?”gulat niyang reaksyon.
“Ya, nagkita na po ulit kami ni Baste. Worse, madalas kaming nagkakasama.”
“Anong nangyari? Paano nangyari?”
“Apparently, ninong pala niya si Mayor. Naging karateka rin po siya. At gaya ko, nagtuturo rin po siya sa mga bata dun sa Shotopyu.”     
“Naku kaya naman pala. Eh kumusta naman ang sitwasyon niyo ngayon?”
“Iyon na nga po ang problema eh, hindi maganda.”
Ikinuwento ko kay Yaya iyong mga pinaggagawa ni Baste, pati na rin iyong nangyari kanina.
“Nagawa talaga ni Baste iyon?”
Napatango na lang ako.
“Parang ang hirap naman atang paniwalaan, hindi naman kasi ganun ang pagkakakilala ko sa kanya.”
Nung time na kami pa ni Baste, halos lagi siyang nandito sa bahay. Kaya naman naging malapit din sila ni Yaya.
“Ya, marami na rin pong nagbago sa kanya sa anim na taong lumipas. Parang di ko na nga po siya kilala ngayon eh.”
“Sabagay, kahit ikaw rin naman malaki ang pinagbago di ba? At kung matagal rin tayong di nagkita, malamang di rin kita makikilala.”
“Hmph, salamat kay Mayor,”medyo napapangiti kong sagot.
“Oh, eh mabalik na tayo dun ulit sa muli niyong pagkikita ni Baste. Ikaw, kumusta ka naman? Meron pa bang—”
“Ya, don’t even say it! Matagal na pong tapos ang lahat sa pagitan namin. And no, wala na kong feelings para sa kanya. Ang tanging gusto ko lang ngayon eh iyong mapashut up siya.”
“Sigurado ka ba?”
May kasamang makahulugang titig at ngisi iyong pagkakasabi niya nun.
“Si Yaya Gigi naman nang-aasar pa.”
“Kasi naman, sa nakikita ko parang masyado ka pa ring apektado sa kanya.”
“Natural lang naman po iyon eh. Syempre, dahil gusto niyang guluhin ulit iyong buhay ko. Natatakot po ko na baka isambulat niya sa mga tao dun sa dojo ang lahat, lalo na kay Mayor.”
“Oh siya, wala na kung wala.”
“Sa totoo lang po, parang ayaw ko na muna ngang magpunta sa dojo eh.”
“Paano naman iyong mga batang tinuturuan mo, aber?”
Hindi ako nakasagot, hindi ko pa kasi talaga alam kung anong gagawin ko.
“Eh ano po bang dapat na gawin ko Ya?”
“Gusto mo ba kamo na mapatahimik si Baste?”
“Opo.”
Napangiti siya bigla, with matching paggalaw pa ng mga mata niya. Mukhang may naiisip na yata siyang magandang solusyon.
“Alam ko na! Teka ha, may kukunin lang ako sa loob.”
Tumayo siya at pumasok muna nga ulit sa loob. Habang naghihintay, nilantakan ko na muna iyong snacks na dinala niya. Umiinom ako nung juice nang bumalik na siya.
“Oh iyan,”sambit niya sabay abot sa akin ng kapirasong papel.
Nilpag ko muna ulit sa mesa iyong juice at kinuha ko iyong papel. May pangalan at address na nakasulat.
“Madam Nessy Balasi? Sino po ‘to?”
“Kaibigan ko iyan at matutulungan ka niya.”
Napahawak ako sa baba ko, napapaisip kasi ko.
“Hmmm...Madam...Manghuhula po ba siya?”
“Parang ganun.”
“Yaya naman eh. Paano naman masosolve iyong problema ko sa pagpapahula?”
“May sinabi ba kong magpapahula ka sa kanya? Iho, higit pa sa panghuhula ang kayang gawin ng taong iyan para sa iyo. Kaya puntahan mo siya. Sigurado, masosolve iyang problema mo,”ngingisi-ngisi niyang sagot.
Napakamot na lang ako ng ulo. Nag-aalangan naman kasi ko dito sa taong inire-rekomenda niya.

                           #

The next day, hindi na muna nga ko nagpakita sa dojo. At nagpasiya ko na puntahan iyong address na ibinigay ni Yaya Gigi. Naisip ko na wala namang mawawala sa akin kung itra-try ko.
Isang maliit na shop ang nadatnan ko. Binuksan ko iyong bintana ng kotse ko at dumungaw. Medyo ibinaba ko iyong suot kong shades. Binasa ko iyong signboard. “Nessy’s Wonder Pharmaceuticals and Fortune Telling” iyon iyong pangalan ng shop. Hmph, pharmacist din ba siya?
Pinatay ko na iyong makina ng kotse at bumaba na. Pagdating ko sa may tapat ng pinto, nabasa ko iyong sign na “come in, we’re open” pati na rin iyong store hours na 10am – 7pm. Kaya tumuloy na ko. Pagpasok ko, medyo kinilabutan ako. Ang creepy kasi ng ambience sa loob. Iyong itsura ng mga panindang nakadisplay, ang weird. May mga nakagarapon at bote na di maintindihan kung potion ba o ano. Meron ding mga nakabox na may selyo pa na bungong may isang mata. Kulang na lang may sumulpot na undin lol.
May dalawang matipunong lalake na nakabantay sa counter. Mas matangkad at malaki sila nang kaunti kesa sa akin. Nilapitan ko sila.
“Ah boss, nandito ho ba si Madam Nessy?”
“Sorry brad, nagkasalisi kayo. Kaalis lang niya, meron daw siyang family emergency eh.”
“Ah, ganun ba?”
Napatingin ako sa nakabukas na pinto sa may kaliwang likuran nila. Biglang umurong ng pwesto iyong isang lalake at hinarangan iyong view ng pinto.
“Brad, mabuti pa umalis ka na. Magsasara na kami eh,”sambit niya na tila galit pa.
“Huh? Nakalagay dun sa may pinto 7pm pa ang closing time niyo.”
Tumingin ako sa suot kong relo.
“Eh 2:30pm pa lang ho.”
“Ah...Eh...I-Inutusan kami ni Madam na magsara nang maaga,”nauutal niyang sagot.
Napatango na lang ako sa kanila at tumalikod na. Pero, may pakiramdam ako na merong di tamang nangyayari dito. Isa pa, nakapagtataka. Sabi nung isa, nagkasalisi raw kami ni Madam Nessy. Eh di ako agad bumaba ng kotse nung dumating ko. At wala naman akong nakitang tao o babae na lumabas. 
Lumakad ako nang kaunti, para isipin nung dalawa na talagang aalis na ko. Inalis ko iyong shades ko. Hinawakan ko ‘to nang pabaliktad. Mula sa salamin, pinagmasdan ko iyong reflection ng kung ano man ang nangyayari sa kanila sa likuran ko. Naaninag ko iyong pag-alis nung isang lalake sa tapat ng pinto. At dun, napansin ko ang silhouette ng isang tao sa backroom na nasa sahig at parang nakagapos. Sinasabi ko na nga ba!
Di ko na muna sinuot iyong shades, sinabit ko na lang muna sa neckline ng t-shirt na suot ko. Bumalik ulit ako sa kanila. Sinara na nung isa iyong pinto. Iyong kasama naman niya, lumabas mula sa counter at lumapit sa tapat ko.
“Brad, mahirap bang intindihin na magsasara na kami?”ngayon maangas na iyong tono ng boses niya.
At todo tindig at angat pa siya ng dibdib. Medyo tumingala naman ako, kasi nga mas malaki siya.
“Eh boss, sayang naman kasi ang pagpunta ko dito kung di ko mabibili iyong gamot na kailangan ko,”napapakamot sa ulo kong sagot.
“Ano bang gamot iyon?”
“Pampabuti lang naman ng loob, para sa mga gaya niyo!”bulalas ko sabay banat sa sikmura niya ng tumataginting na mae hiza geri(front knee kick).
Sa sikmura ko siya pinatamaan, kaya agad siyang bumagsak sa sahig. Namaluktot siya at namilipit sa sakit. Iyong isa, lumabas na rin ng counter. Naglabas siya ng patalim at dali-dali akong sinugod.

No comments:

Post a Comment