m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, July 17, 2016

Shut Up Ka Na Lang (Part 3)

By: Chaster Rassel 

Chapter 3: Ang Mahiwagang Shut Up Pills

Patalim? Hmph, kahit kailan hindi ako natinag sa mga ganitong bulok na style. At bago pa man siya makalapit sa akin, sinalubong ko siya ng isang mabilis na tobi ushiro mawashi geri(jumping back roundhouse kick). Sa mukha ko siya pinuntirya para tapos agad. Tilapon ang loko pabalik sa counter. Natabig at nagbaksan ang mga nakapatong dun sa paglanding niya. Tapos nashoot siya sa loob.
Lumapit ako sa counter. Naupo ako at sumilip.
“Ay nawalan ng malay.”
Dun na lang ako tumingin sa isa.
“Oh ano boss? Pili ka na lang, kung saan mo gustong ihatid ko kayo. Sa pulis o sa ospital?”ngingisi-ngisi kong usisa.

                          #

Matapos iyon, tinulungan ko na iyong tao sa backroom. Isang babae na parang gypsy girl ang peg. Kulot na mahaba iyong buhok niya. May bandana sa ulo, nakasuot ng makulay na bistida, tapos may malalaking hikaw, mahahabang kuwintas at makakapal na porselas. Medyo match sa dating ng shop niya. Hindi rin siya katandaan, parang nasa early 30’s lang ata ang edad niya. Mukhang siya na ata si Madam Nessy.
Inalis ko iyong tape sa bibig niya at kinalagan siya.
“Naku pogi, thank you ha. Tiyak natsugi na ko, kung di ka dumating,”ngingiti-ngiti niyang sambit habang kinakalagan ko siya.
Medyo nailang lang ako sa pagtawag niya sa akin ng pogi.
“Ah, walang ano man ho iyon. Ginawa ko lang naman ang nararapat.
Pagkakalag ko sa kanya, tinulungan ko naman siyang makatayo.
“Kayo ho ba si Madam Nessy?”
“Oh yes! I am Madam Nessy, Nessy Balasi.”
“Ahmmm, sino ba sila? I mean, iyong dalawang ulupong ho na pinatumba ko sa labas. Sino ba sila? Bakit ho nila ‘to ginawa sa inyo?
Hindi siya agad sumagot. Napatingin muna siya sa may pinto, tapos may bahid ng pagkalito sa mukha niya.
“Ac-Actually hindi ko sila kilala. Sila ay mga strangers. Bigla na lang silang pumasok dito sa tindahan ko. Then ayun, tinatakot nila ko. Sasaktan daw nila ko, paghindi ko sila binigyan ng datong. Sabi ko naman, baka pwede katawan ko na lang. Alam mo ba kung anong sagot nila? Hindi raw sila pumapatol sa mga mukhang witch. Ang salvage di ba?”
Napatango na lang ako sa kanya. Di ko kasi alam kung mabwibwiset ba ko o ano sa sagot niya.
“Ah, sapalagay ko po dapat tumawag na muna po tayo ng pulis.”
“Ay, oo nga pala noh. Wait lang ha.”
Tumawag na muna nga siya ng pulis. Makalipas lang ang ilang minuto, dumating na sila at dinampot iyong dalawa. Matapos akong makuhanan ng statement, si Madam Nessy na lang iyong kinausap nila. Naghintay na lang ako sa isang tabi. Medyo magtagal din silang nag-usap. By how I look at it, parang nagne-negotiate sila tungkol sa kung ano.
Pagkaalis ng mga pulis, bumalik na kami sa loob ng shop.
“Pasensya na nga ho pala kayo, kung nasira ko iyong ibang paninda niyo dito.”
“Okay na iyan, tinulungan mo naman ako eh. Siya nga pala, narinig ko kanina iyong pangalan mo nung kausap mo iyong pulis. Bat di mo naman agad sinabi na ikaw pala iyong alaga ni Ate Gigi. Sandro? Tama ba?”
“Bat alam niyo ho ang tungkol sa akin?”pagtataka ko.
“Oy hindi pa hula iyon ah! Tinawagan ako ng yaya mo, ininform niya ko na darating ka today.”
Kaya naman pala. Meron pa palang isang kwarto dito sa shop. Nasa gilid iyong pinto nito. Natakpan ng shelves na may mga paninda, kaya di ko napansin kanina. Niyaya niya ko dun.
May kadiliman ang kwarto na ‘to. Dim light lang kasi iyong ilaw dito. At iyong bintana niya, natatakpan ng makapal at makulay na kurtina. Wala akong ibang napansin na gamit kung di isang bilog na wooden table lang at mga armchair.
“Iyan, dito ko ine-entertain ang mga special customer ko. At dahil alaga ka ng bff ko, special ka. Let’s go, upo ka na.”
Umupo na nga ko at umupo rin siya katapat ako.
“Ahmmm, bakit parang wala ho kayong crystal ball o kahit baraha man lang? Di ba lagi hong may ganun ang mga manghuhula?”
“Ah iyon ba? Well, masyado na kasing bulok iyong mga ganung style. 2016 na ngayon, kaya techie na ang lola mo.”
May hinila siya mula sa ilalim, may drawer pala dun. May nilabas siya mula dun at pinatong ito sa table.
“Iyan, iyang ang ginagamit ko.”
Tablet computer! Hmph, may pagkasosy din pala ang isang ‘to.
“Ano? Gusto mong itry?”
“Ang sabi ho ni Yaya Gigi eh matutulungan niyo ko sa problema ko. So kung ito po iyong paraan niyo, bakit hindi.”
Actually, nacucurious ako sa kung paano niya gagamitin itong tablet sa panghuhula, kaya pumayag na rin ako. Sinindi na niya iyong tablet. Pinanood ko naman kung ano ang next step na gagawin niya. May binuksan siyang app at may kung ano siyang sinet. Tapos may lumabas na life-size na grayish na print ng kamay sa screen.
“Ayan. Ngayon, ipatong mo iyong dormant hand mo diyan.”
Dormant, pero nagets ko naman na dominant ang ibig niyang sabihin. Hindi na lang ako umangal, ginawa ko na lang iyong sinasabi niya. Pagpatong ko ng kamay ko, umilaw iyong screen. Hanggang sa bigla itong tumunog nang parang bell.
“Okay na, pwede mo na siyang alisin.”
Pag-alis ako, iyong grayish na print ng kamay kanina, may iba’t ibang kulay na ngayon. Sa pinakagitna nung palad may maliit na spot na naghalo ang kulay yellow at orange. Tapos nababalot ang paligid nun ng red. Iyong natitirang part ng palad hanggang sa ibabang bahagi ng mga daliri, parang light purple. Iyong gitna, dark na purple. At panghuli, iyong dulo ng mga daliri ay black naman.
Pinagmasdan niya ‘to. Mukhang nag-iistart na siyang basahin ‘to. Bale parang advanced style na palm reading ang peg niya.
“Omg! Siryoso ba ‘to? Yummy papa ka pa naman, iyon pala papa rin ang hanap mo?”
At talagang iyon pa ang unang naungkat niya. Naging awkward tuloy ang feeling ko.
“Ah, diyan niyo ba nalaman iyon o sinabi rin sa inyo ni Yaya Gigi?”usisa ko, naninigurado lang.
“Of course dito noh! Legit ako, di ako fake.”
Tinuloy na niya ang pagbabasa.
“Hmmm...Parang gusto kitang kantahan.”
“Po?”
“Gusto kitang kantahan ng...Muling ibalik ang tamis ng pag-ibigggg! Muling pagbigyan ang puso nagmamahalllll!”
Shet! Parang di ko ata gusto ang tinutumbok nito ah.
“Kasi may nagbabalik mula sa nakaraan mo na may kinalaman sa pag-ibig.”
Sabi na eh! Bwiset! Kailangan ba talaga kasama ‘to sa topic?
“Ex-Men po,”inunahan ko na siya.
“Huh? Sino iyon? Kalaban ni Batman?”
“Ex-boyfriend ko po!”
“Ah, oh eh di tama ako.”
“Teka, paano niyo ba nakita iyon diyan sa kamay?”
“Iyong mga kulay. Nakikita mo ba iyang pinakamalaki sa lahat, iyang light purple? Ang pinapahiwatig niyan ay romantic at nostul...nos...nosferatu? Ay! Ano ba iyon?”
“Nostalgic.”
“Iyon! Nakuha mo! At kaya siya ang pinakamalaki, dahil diyan sa nostalgic feelings ka na iyan nao-overwhelm ngayon.”
 Ayaw ko ng usapan na ‘to. Hindi ako nagpunta rito para pag-usapan ang past love life ko.
“Then kung mapapansin mo, ito namang mga nasa loob niya—”
“Ah Madam, excuse me lang po.”
Napahinto siya sa pagsingit ko.
“Baka ho pwedeng huwag na nating pag-usapan iyang part na iyan? Hindi naman ho kasi iyan ang pinupunta ko dito. Ang gusto ko ho, iyong sagot sa prinoproblema ko ngayon.”
“Uhmmm, bitter siya oh. Pero sige, kung iyan ang gusto mo irerespeto ko. Actually, nakita ko rin naman iyong problema mo dito eh.”
“Talaga ho?”
“Yes! Iyong black color sa dulo ng mga daliri mo, sinasabi nito na naghahanap ka ng katahimikan. Dahil nga muling nagulo ang life mo sa pagbabalik nung alam mo na, iyong sa ayaw mong pag-usapan. Tama ba?”
“Opo.”
“Pwes! May sagot ako diyan sa katahimikan na hinahanap mo. Wait ka lang dito ha.”
Lumabas siya sandali. Pagbalik niya, may dala siyang maliit na bote. Meron din ‘tong selyo na kagaya nung nakita ko kanina. Pagpaupo niya ulit, binuksan niya ‘to at pinakita sa akin iyong laman. Kulay black na capsule. Kumuha ako ng isa at tinignan itong maigi.
“Ano ho ito?”
“Iyan ang aking mahiwagang Shut Up pills.”
“Shut Up pills?”
“Eh di ba gusto mong shumat up iyong Ex-Men mo na nanggugulo at nagkwekwento ng kung anu-ano tungkol sa iyo? Oh iyan. Ibubuhos mo sa kamay mo iyong laman niyan, tapos ibudbod mo sa foods o inumin niya. Tiyak, shashut up na siya.”
Natigilan ako sa mga sinabi niya. Hindi ko pa naman kasi namention sa kanya iyong specific kong problema, pero nalaman na niya ‘to nang sakto. Parang naniniwala na ko ngayon na magaling talaga siyang manghuhula, gaya ng sabi ni Yaya Gigi.
“Oh iho, anong nangyari sa iyo diyan? Okay ka lang ba?”
Dun na ko natauhan.
“Na-Naamaze lang ho ko sa inyo. Natukoy niyo kasi iyong mismong problema ko. Tama nga ho iyong sinabi ni Yaya Gigi, magaling kayo.”
“Wow! Nakakaflattened naman iyang sinabi mo. Thank you ha. Well, ginagawa ko lamang naman ang trabaho ko noh.”
Oo, magaling siya sa panghuhula. Pero sa english, diosme naman. Sakit sa ulo!
“Hmph, baka ang ibig niyo hong sabihin eh flattered. Iyong flattened sa dede ho iyon eh. No offense ho ha.”
Ayan, di ko na napigilan. Kaya kinorek ko na siya.
“Ay! Oo nga noh, haha sorry,”tatawa-tawa niyang reakyson.
“Ah, magkano naman ho ‘tong Shut Up pills na ‘to?”
“Murang-mura lang, 800 pesos.”
“Isang bote?”
“No, isang pill.”
“800 isang pill! Hmph, di ho ba masyadong mahal iyon? Baka naman ho may Rite Med nito?”usisa ko na may kasamang pilit na tawa.
“Oy excuse me ha! Lahat ng mga gamot ko, exclusive lang dito. At ako mismo ang gumawa. 100% effective ‘to at hindi puchu puchu.”
Napakamot na lang ako ng ulo. Mukhang wala na kasi kong choice eh.
“Tsaka big time ka naman di ba? So for sure, coins lang sa iyo ang 800.”
“Eh legal ho ba ‘to?”
“Of course! Sa ganda kong ‘to, mukha ba kong gagawa ng ilegal? Tsaka di naman ako pagkakatiwalaan ng Yaya Gigi mo, kung may ginagawa akong hindi tama di ba?”
Napatango na lang ako sa kanya, sabay ngiti na pilit.
“Oh sige ho, bigyan niyo ko ng mga lima.”
Binawasan niya iyong laman ng bote at nagtira lang ng lima, tapos iyon na iyong ibinigay niya sa akin.
So, gaano naman ho katagal ang effect nito kapag napainom ko na sa kanya?”
“It depends. The more na mas gusto niyang dumaldal nang tungkol sa iyo, the more na tatagal ang epekto. At! Tandaan mo ‘to, isang pill lang dapat ang ipainom sa kanya. Iyan ang very strict dosage nito. One pill kada isang tao, hindi pwedeng lumagpas! Okay?”
“Sige ho, naintindihan ko.” 
Napatingin siya ulit sa tablet. Bigla niya itong inikot. Tila pinagmamasdan niya ‘to nang mas maigi. Pagtingin niya ulit sa akin, siryoso na iyong expression ng mukha niya. Para bang nag-iba iyong mood niya.
“Bakit ho?”
“Ah, may...may iba pa kong nakita dito. Something na hindi ko agad napansin kanina.”
“Ano hong ibig niyong sabihin?”
“Iho, kailangan mong maging handa. Isang mapanganib na pagsubok ang naghihintay sa iyo. At isang mahalagang desisyon ang gagawin mo tungkol dito. Dapat kang mag-ingat. Dahil kapag nagkamali ka ng pagpili, maaaring mapahamak ang isa sa mga taong pinagpapahalagahan mo.”
Cryptic at may pagkacliche iyong mga sinabi niyang iyon. Iyong tipong madalas nang marinig sa mga movies at tv show. Pero, tumama iyong mga una niyang hula kanina. Kaya paano kung tumama rin ang isang ‘to?

                           #

Kinabukasan, pumasok na ulit ako sa dojo. Pagpasok ko pa lang main entrance, nakaabang na si Mayor sa akin.
“Hmph! Mabuti naman at nagpakita ka ngayon.”
“Mayor, kumusta?”
“Kumusta kumusta ka diyan, anong nagyari sa iyo? Bakit hindi ka pumasok kahapon, nang di man lang nasasabi?”
“Oo nga Sandro,”biglang pagsingit ng isang dumating na asungot na alam na kung sino.
Lumapit siya amin at tumayo sa tabi ni Mayor.
“Bakit wala ka kahapon? May problema ba? O may gusto kang iwasan?”ngingisi-ngisi niyang usisa, nang-aasar talaga.
Napatingin naman si Mayor sa kanya sa sinabi niya.
“Iwasan? At ano naman ang iiwasan niya dito?”
“Aba, malay ko mayor. Di nga natin alam kung ano o sino eh.”
Grrr! Kung kagaya lang ako ni Mayor, mumurahin ko na talaga nang malakas itong si Baste ngayon. Dahil nanggigil na ko sa inis sa kanya!  
Lumingon na ulit sa akin si Mayor, at masama iyong titig niya. Naging pigil ang paghinga ko. Natatakot kasi ko sa kung ano mang iniisip niya sa akin ngayon. At kapag tinanong na naman niya ko, di ko na alam kung paano malulusutan ang isang ‘to. Himala na lang siguro, kung bigla na namang tumawag si Senyora.
Lumapit siya sa akin. At bigla akong tinapik sa balikat.
“Hmph! Oh sige; para wala na masyadong daldal ganito lang, papatawan na lang kita ng parusa dahil sa pag-absent mo nang walang pasabi,”napapangisi niyang sambit.
Okay, lusot naman ako mula sa pagtatanong niya. Medyo  nakahinga na ko nang maluwag. Pero ano naman kaya iyong parusa na ‘to?
“Ah, Mayor anong parusa?”
“Hmph, malalaman mo mamaya sa birthday party ni Jomar.”
Tradition ni Mayor dito sa dojo na kapag may estudyanteng may birthday, nagkakaroon ng salu-salo pagtapos ng klase. At siya iyong sumasagot. Hindi siya pumapayag na iyong may birthday ang gumastos. Hangga’t maaari rin, ayaw niya na may nag-aambag.  Pero kung mga seniors iyong nagpriprisinta, pumapayag naman siya.
“So birthday pala ni Jomar ngayon, ayos iyan mayor. Okay lang bang sagutin ko iyong inumin?”
“Hoy! Kung iniisip mo na makakalusot ka na mula sa parusa kapag ginawa mo iyan, sorry ka dahil parurusahan pa rin kita!”
“A-Ah alam ko naman iyon mayor eh. Gusto ko lang namang makatulong para dun sa bata. Tsaka kailan ba ko umiwas sa mga parusa niyo? Never naman di ba? Hehe,”sagot na kasamang pilit na tawa.
Bigla ko lang kasing naisip, magandang chance iyong party mamaya para mapainom ko kay Baste iyong pills.
“Sabagay, nag-alok din naman itong si Baste na makihati sa akin sa pagkain. Sige; kung iyan ang gusto mo, gawin mo.”

                         #

Nagbigay ngayon si Mayor ng written quiz para sa mga bata. Para subukan kung may natutunan ba talaga sila sa mga nagdaang araw at linggo. Habang nagsasagot sila, nakabantay siya sa may bandang harapan nila. Kami naman ni Baste, inatasan niya sa magkabilang side. Mas maraming matang nakabantay, mas madaling makikita kung may gagawa sa kanila ng kalokohan.
Kaso di naman ako makapagfocus. Iniisip ko kasi iyong gagawin ko mamaya. Kanina kasi, binadtrip lang ako nang husto ni Baste. Kaya gigil na gigil akong mapainom siya ng pills. Pero ngayon na napakalma ko na ang sarili ko, nagdadalawang-isip na ko.
Kailangan ba talaga kasi na umabot ako sa ganun? Ni hindi ko pa kasi alam kung ano talaga ang kayang gawin nung pills na iyo. Baka mamaya may kakaibang side effect pala. Oo, bwiset na bwiset ako sa kanya. Pero di naman ako masamang tao, para hangarin na mapahamak siya.
“Mayor!”
Natauhan at napalingon ako dahil sa nagsalita. Si Marco iyon na nakaupo lang halos sa tapat ko. Nakataas iyong isa niyang kamay. 
“Huh? Oh anong problema mo diyan Marco?”
“Si Jomar po merong notes!”
Magkatabi kasi silang dalawa ni Jomar. At nagtinginan ang lahat sa kanila sa sinabi niya. Dun ko lang rin napansin; meron ngang hawak na extrang papel iyong isa, bukod pa sa pinasasagutan sa kanila. Tumingin ‘to sa kanya.
“Oy sumbungero! Hindi totoo iyan!”
Sabay tingin din kay Mayor.
“Hindi po totoo iyon totoo Mayor.”
Nanlisik ang mga mata ni Mayor at naglalakad palapit sa kanilang dalawa.
“Hindi pala totoo ah, eh ano iyang hawak mo?”usisa niya nang kasama naman iyong sarcastic niyang ngisi.
“Ah...Eh...Ano po—”
“Hmph! May sinabi ba ko na pwede kayong mag open ng notes? Ha!”
“Hi-Hindi po notes ‘to, do-documents po.”
Hinila niya sa damit sa Jomar. Kinuha niya iyong papel at nilamukos.
“Hoy batang pusit! Huwag mo kong pinagloloko! Hindi porket birthday boy ka ngayon eh pwede ka nang gumawa ng kabalastugan! Documents documents, baka gusto mong padalhan ko ng documents ng expulsion mo ang mga magulang mo?”    
“Hu-Huwag po mayor, baka mayari ako sa kanila.”
“Ah! So sa kanila takot ka, pero pagdating sa akin na master mo, matigas ang mukha mo.”
“Hi-Hindi naman po sa ganun. Please mayor! Pa-Patawarin niyo na po ko, di na po ko uulit.”
“Hmph! Sayang naman; alam mo, plano ko pa naman sana na bumili ng magarbong cake sa birthday mo. Pero dahil gumawa ka ng kasalanan, wala kang cake mamaya! Bukod pa iyon sa magiging parusa mo.”
“Pa-Parusa?”
“Oo, sasama ka sa isang bugok dito na nakanganga lang kanina pa; at hindi ginagawa nang maayos iyong trabaho na inatas ko sa kanya!”
Tumingin si Mayor sa akin bigla na ikinagulat ko naman. Sabay binitawan na niya iyong bata. Napakamot na lang ako ng ulo. Di na rin ako nagsalita, dahil baka mas lalo pa kong malintikan. Naging pabaya rin naman kasi ko talaga eh.

                           #

Kababalik ko lang ng dojo; mula sa pamimili ng mga inumin tsaka paper cups, para sa party ni Jomar. Heto na, mag-iistart na ang party. Pero di pa rin ako makapagdecide, kung itutuloy ko ba ang plano ko o hindi.
Pagpasok ko sa training hall, may nasetup na silang mesa. Nandun na rin ang mga pagkain. Nauna pa lang nakabalik sa akin iyong bumili ng pagkain, alam na kung sino. Gaya ng sinabi ni Mayor kanina, talaga ngang walang cake lol. Isang bilaong pancit, pizza pie, isang bucket na chicken at pork barbecue, iyon ang mga nakahain.
“Ayan na pala ang Master Sandro niyo, kumpleto na tayo,”sambit ni mayor.
Sinalubong ako ni Mayor.
“Langya naman Sandro; inumin lang ang binili mo, inabot ka pa ng siyam-siyam. Saan ka ba nakarating ha? Bakit ang tagal mo?”
“Pasensya na mayor, medyo mahaba ang pila sa cashier eh,”napapakamot sa ulo kong sagot.
“Oh siya, handa ka na ba sa parusa mo?”usisa niya sabay ngisi.
“Ay oo nga pala noh! May isa nga pala diyan na mapaparusahan, kasama ni Master Sandro,”hirit ni Marco na obvious na nang-aasar, sabay tingin kay Jomar.
Lumapit sa amin si Allen.
“Mayor, ready na po iyong music para sa kanila.”
“Music?”pagtataka ko.
“Kailangan iyon para sa parusa niyo ni batang pusit. Sige na, ayusin mo na iyang mga dala mo dun sa mesa. Nang makapagsimula na tayo,”sagot niya sabay ngisi na naman.
Pumunta na ko sa table. Nilagay ko sa tabi ng mga pagkain iyong mga binili ko. Isang malaking softdrinks, tsaka tatlong malaking ready to drink na juice. Hindi kasi nainom ng softdrinks iyong kumag. At ang paborito niya eh pineapple juice. Kaya iyon ang binili ko. Whoa! Bakit naaalala ko pa iyon?
Matapos iyon, tumalikod muna ko mula sa kanila. Hinawakan at sinilip ko mula sa bulsa ko, iyong bote ng pills. For the last time, tinanong ko ulit ang sarili ko. Itutuloy ka ba ‘to o hindi?
“Wow! How sweet of you, so naaalala mo pa rin pala ang favorite kong inumin.”
Si Baste! Ipinasok ko nang maigi iyong bote sa bulsa ko at dali-daling inalis ang kamay ko mula dun. Bago pa man ako makalingon, naramdaman ko ang pagdampi ng mga kamay niya sa magkabila kong bewang. Nagulat ako, agad kong hinawi iyong mga kamay niya at nilingon siya.
Tumingin din ako sa iba. Busy iyong mga bata sa pagkukuwentuhan, habang si Mayor naman nakatutok sa kanila. Mukhang di naman nila napansin iyong ginawa niya.
“Ano bang ginagawa mo! Pasalamat ka at hindi ka nila napansin!”pabulong kong sambit.
“Ako ba talaga ang dapat na magpasalamat o ikaw?”ngingisi-ngisi niyang usisa.
Hindi ako nakaimik.
“Anyway, mukhang pareho lang pala tayo na hindi nakakalimot ha.”
Pagkasabi niya nun, tumingin siya sa table. Dahan-dahan rin akong napatingin. Dun ko lang napagtanto; iyong pancit, miki bihon. At iyong pizza, pepperoni. Pareho kong paborito!
“Hmph, mukhang magiging masaya ang party na ‘to noh? Especially, kung sasamahan natin ng pasabog.”
 Bigla kong napatingin sa kanya sa sinabi niya. Ngumisi lang siya sa akin. Tapos bumalik na ulit siya dun sa iba. Kung ganun, may maitim pala siyang balak dito sa party. At for all I know, bahagi rin ng plano niya ‘tong pagkain. Pero di na ko magpapaisa ulit sa kanya. Not this time! Dahil uunahan ko siya!

                          #

Nagsimula na ang kasiyahan. At itong si Mayor, talagang inuna pa ang parusa namin ni Jomar. Pinaupo niya iyong mga bata; except kay Allen na siyang inatasan niya na magplay nung music, kapag sinabi na niya. Tapos, pinatayo niya kami sa harap nila.
“M-Mayor, ano po bang gagawin namin?”usisa ni Jomar na halatang kabado.
“Simple lang naman, sasayaw kayo ng Tatlong Bibe habang nagra-running man.”
“Eh!”sabay naming reaksyon ni Jomar.
“Mayor naman! Alam niyo naman na pinakaayaw ko sa lahat ang sumayaw eh!”bulalas ko.
“Iyon nga iyon eh. Wala naman kasing kwenta ang death squat sa iyo, dahil malakas ka pa sa sampung kalabaw. Kaya naisip ko na ipagawa na lang sa iyo, iyong ayaw mo,”sagot niya sabay ngisi.
“Pero pwede ba iyon? Pagsasamahin iyong dalawa?”
“Bakit hindi? Running man sa baba, tapos Tatlong Bibe sa taas. Sige na! Nang masiyahan naman kami.”
Ampucha! Magmumukha kaming katawa-tawa nito! Pero wala naman akong choice, tsaka kasalanan ko rin naman eh.
“Oh Allen, patugtugin mo na iyan at baka patugtugin pa ng iba!”
Nagsimula na nga ang tugtog at sumayaw na kami. Mukhang gago lang kaming dalawa. At ang mas masaklap pa nito, ginagawa ko ‘to sa harapan ng isang Ex-Men! Actually, pumikit na nga lang ako habang sumasayaw eh. Pero, naririnig ko pa rin iyong mga tawanan nila. Sana bangungot na lang ‘to, para pwede akong magising! 

                          #   

Matapos ang kahindik-hindik na pagsasayaw namin, hindi kami makaharap at makatingin ni Jomar nang maayos sa kanila. Pinayagan na ko ni Mayor na umalis sa harapan. Pero si Jomar, pinaiwan niya. Agad akong lumayo sa kanila. Pumunta muna ko sa table. Uminom ako ng juice, para pakalmahin ang sarili ko. Pagkainom ko, napabuntong-hininga na lang ako.
“Oh ngayon naman, kung meron sa inyo ang gustong magbigay ng mensahe sa ating birthday boy; bibigyan ko kayo ng pagkakataon isa-isa.”
Nabigla ako sa sinabing iyon ni Mayor. Naisip ko kasi, baka gamitin ni Baste ang chance na ‘to; para gawin iyong balak niya! Kailangan ko itong pigilan! Kailangan, mapainom ko muna sa kanya iyong pill!
“Ah, Mayor!”bulalas ko habang naglalakad pabalik sa kanila.
Napalingon naman si Mayor sa akin.
“Hin-Hindi ba mas okay kung gagawin natin iyong special messages habang kumakain? Baka kasi nagugutom na sila eh. Tsaka para makantahan na rin muna natin si Jomar.”
“Hmph, sabagay. Oh sige.”
Tumayo na iyong mga bata at nagpuntahan na sa table. Sumunod si Mayor; at kaming dalawa naman ni Baste, ang siyang nahuli. Sabay kaming napatingin sa isa’t isa. Nginisihan lang niya ko, tapos nauna na siya.
Dahil walang cake, sa pizza naglagay ng candle si Mayor. Lol, ang kulit lang ng itsura. Pero mas okay na rin, kesa naman sa walang ihipan iyong bata. Pumalibot na kaming lahat kay Jomar.
“Happy birthday to you! Happy birthday to you...”nagsimula na kaming magkantahan.
Matapos na makaihip si Jomar.
“Yes! Kainan na!”bulalas ni Marco.
Lahat sila, unang lumapit sa pancit tsaka pizza. Ako lang iyong nauna sa inumin. Sinamantala ko na ang chance, habang busy sila. Kumuha ko ng isang paper cup at nagsalin ng juice. Dali-dali akong kumuha ng pills sa bote; at ginawa ko iyong instruction na binigay sa akin ni Madam Nessy. Ibuhos sa kamay ko ang laman at ibudbod. Naalala ko rin iyong sinabi niya na dapat isang pill lang kada isang tao.
Pero, desperado na kong pigilan si Baste sa binabalak niya. Gusto kong makasure na hindi niya maisasambulat ang mga sikreto ko. Kaya ginamit ko ang lahat ng pills. Bahala na kung anong mangyari, hindi naman ako ang iinom eh. Agad ko nang itinago iyong bote, pagkatapos nun.
“Pizza?”
Napangisi ako sa narinig kong boses. Si Baste kasi iyon; sakto, mas mapapadali ang lahat para sa akin. Paglingon ko, may inooffer siya sa akin na slice ng pizza na nakapaper plate. Nagpakitang tao na lang ako at tinanggap ‘to. Dinampot ko iyong juice mula sa table.
“Kukuha ka rin ng inumin di ba? Ito na lang ang kunin mo,”sambit ko sabay abot sa kanya nito.
Tumingin siya sa juice, tapos tumingin din agad ulit sa akin. Akala ko di siya kakagat, pero kinuha niya ‘to.
“Baka may lason ‘to ah,”napapangisi niyang usisa.
“Hmph, di ba ako dapat ang nagsasabi niyan? Kasi kanina, pinagbabantaan mo ko; tapos ngayon, heto ka’t binigyan ako ng pizza.”
Actually, kinabahan ako sa tanong niya. Kaya idinaan ko na lang sa pambabaliktad, gaya ng ginawa niya sa akin kanina.
“I think you’re getting the wrong idea. Hindi naman talaga kasi sa akin galing iyan. Pinaaabot lang po iyan ni Mayor,”sagot niya sabay ngisi na naman. 
 Lumayas na siya. Ako naman, kumuha ng inumin para sa sarili ko.
Nakihalubilo na ulit ako sa kanila. Kumuha na rin ako ng pancit. Pero, pasimple kong binabantayan iyong kilos ni Baste. Kumakain na siya; pero iyong juice, hindi pa niya binabawasan.  Nakalapag ‘to sa table sa tapat niya. Inumin mo na! Inumin mo na!
Kumain na rin muna ko. Habang kinakain ko iyong pizza, dun ko nakita na ginagawa na niya iyong pinakahihintay ko. Dinampot at ininom na niya iyong juice! At halos maubos na niya ‘to, bago niya nilapag ulit.
Mga ilang minuto ang lumipas, pero wala pa ring kakaibang nangyayari. Napeke ba ko?
“Oh, sino na ang gustong magsalita at magbigay ng mensahe sa birthday boy?”usisa ni Mayor.
“Mayor ako na ang mauuna!”si Baste.
Nilapag niya na muna iyong pagkain niya sa table. Tumingin siya akin at ngumisi na naman. Pero iyong ngisi niya ngayon, tila hudyat na para sa pagsasawaga niya nung plano niya. Naloko na!
“First of all, gusto ko muna ulit batiin si Jomar ng happy birthday.”
“Thank you po Master Baste!”
“Secondly, may gusto kong sabihin para kay—”
Bigla siyang napahinto. Napahawak siya sa leeg niya, at sandaling hinimas-himas ‘to na parang hinihilot.
“Ehem, ah may gusto kong sabihin para kay San—”
Hindi na naman natuloy iyong sasabihin niya. Pero this time di lang siya napahawak sa leeg niya, namaluktot na siya at napahawak ng isa pa niyang kamay sa may tiyan niya.

No comments:

Post a Comment