m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Friday, July 8, 2016

Sigaw ng Pugad Lawin (Part 5)

By: Bobbylove

Kinaumagahan… mas nauna akong nagising kaysa kay kumag. Lumingon ako sa side niya, timing naman na naka harap rin siya sa akin. Tulo  laway siya, pero hindi yun naka bawas sa kagwapuhan niya. Mas likable nga siya nun eh… he was not that proper… masyadong cowboy yung itsura niya… ragged… pero sa kabila nun ay parang ang bango-bango niya pa rin, at higit sa lahat walang magulong convo at catfight…

“I don’t wanna witness a rape scene ng ganito ka aga ha…” nagulat ako sa taong biglang nagsalita sa likod ko. napabalikwas naman ako at dun ko nalaman na si Patrick pala yung nagsalita. Halatang bagong ligo dahil sa basa pa ang kanyang buhok.

“Baliw!” sabi ko sabay upo sa edge ng kama.

“Naistorbo ba kita sa pag-da-day dream mo???” nag flash siya ng isang naughty smile, saka umupo sa sofa upang maayos na maisuot ang sapatos. Hindi ko nalang siya sinagot.

Tahimik…

“Patrick…” pagsisimula ko ulit.

“You can call me Pat…” nag smile siya.

Gumanti din ako ng smile. “Pat… sorry kagabi ha…”

“Okay lang yun… Im actually happy na Makita kayong magkatabi na matulog…”

Nag smile lang ako.

“Tuloy niyo yan ha… mas cute kayo pag hindi nag tatalo at nag bubuhatan ng bangko eh…” nag smile siya ulit… “Saka… mas peaceful…” dugtong pa niya.

Tumango lang ako…

“Pwede mo ng gamitin yung shower…” tumingin siya sa akin habang pino-fold yung long-sleeves niya. “Kaso mukang busy ka pa sa katititig eh.” Nag smirk siya.

Nahiya naman ako.

Ilang sandali pa ay, nagpaalam na siyang bababa na. “Mag shower ka na!!!” sabi niya bago lumabas ng pinto. Taga manila lang din si Patrick at galing din sa isang University na kasali rin sa UAAP, meron siyang kaibigan na team leader din ng isa pa’ng participating school at yun yung palagi niyang kasabay.

Sinunod ko naman ang sabi ni Patrick. Tinungo ko ang banyo para nga mag shower, nung mga time na yun ay mahimbing pa rin ang tulog ni kumag.

Pakanta-kanta pa ako nun habang pinapasadahan ng sabon ang buo ko’ng katawan. Confident akong mag hubo’t hubad dahil ni lock ko naman ang pinto. 

Nasa kalagitnaan ako ng paliligo nun ng biglang bumukas ang pinto. “AHHHHHHHHHHHHHHHHH!!!!!” sigaw ko nung Makita si Richard na naka pasok na sa loob ng banyo. Nagkukuskos pa siya ng kanyang mga mata nun, ngunit kita ko rin ang pagkagulat nung marinig ang sigaw ko.

Agad ko’ng hinila ang towel at agad tinakpan ang nakabilad ko’ng katawan. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko nun, para akong babae na pinagtatangkaang gahasain. “Animal ka!!!! Gawas!!!!” (Hayop ka!!! Labas!!!) bulalas ko. hindi na ako mapakali nun… hindi ko alam kung paano ko itatago ang katawan ko… pero nanatili lang siyang nakatayo at tumatawa. “Pinagtatawanan niya lang ako!!!” sa isip ko.

“labas na!!!” sigaw ko.

“Ang sexy mo!!!” tumatawa niyang sagot.

Nasa corner lang ako ng banyo. “Labas na!!!” pag-uulit ko. pero tawa lang pa rin ang sukli niya. Kaya binuksan ko yung shower… I was thinking na kung hindi siya matinag sa pagbubunganga ko ay baka sakaling sumuko siya sa tubig. But I was wrong… mas nagulat ako nung hinubad niya ang t-shirt niya at lumapit sa shower… “Sabay na tayo…” sabi niya.

“NNNNnnnnnOOOoooooooo!!!!!” sigaw ko. inayos ko ang pagkakabalot ng tuwalya sa bewang ko, pinatay ang shower saka siya tinulak palabas.

“Ano ba??? Maliligo na ako… late na eh…” Pagtutol niya.

“Ala akong pake!!! Labas!!!” nakikipagtulakan na rin siya sa akin, nagpupumilit na maka lapit ulit sa shower. “Ano ba??? Labas na!!! Babayagan kita!!!” naibulalas ko ulit dahil sa sobrang inis.

“What’s babayagan???”

“Ikaw yung taga manila dapat mas alam mo yun!!!”

Hinawakan niya ako sa gilid ng mga balikat ko… “Ano nga???” tanong niya…

“Im gonna kick your balls…” nahihiya ko’ng sagot… “OH!!! Labas na!!! Langya ka!!!” tumawa lang siya.

“Kasalanan ko bang hindi mo ni lock ng maayos ang pinto???”

“Anong hindi ni lock!!! Naka sara yan!!!” pinakita ko sa kanya na naka baon yung maliit na button sa door knob. “Talagang may sa demonyo lang yang mga kamay mo!!!”

“You need to push it as hard as you can…” tinulak niya ng malakas yung door at totoo ngang mas kumagat yung lock.

“Hindi ko alam… maayos yung pinto sa room ko dati…. Malay ko bang pinaglihi sa utak mo yang pintong yan!!!!’

“What do you mean???”

“Pareho ng utak mo yang pinto……. SIRA!!!” binuksan ko uli yung pinto.

Tumawa lang siya… “So you mean??? Sabay na tayo???”

“Leche ka!!! Labas na!!!” sabay tulak ko na naman sa kanya.

“Sabay na tayo… malalate ako eh…”

“Pakialam ko kung malate ka??? Labas na!!!” tinulak ko siya palabas, sabay malakas na sinara yung pinto.

Naka hinga ako ng maluwag…

Maya-maya’y narinig ko nanaman siyang nagsasalita.

“Ang sexy mo talaga…. Na ho-horny ako…” kasunod nito’y mga mahihinang halakhak

“Tumigil ka nga!!! Manyakis ka!!!”

“Lalake ka ba talaga??? Kung may boobs ka lang, papasa yang katawan mo sa FHM eh…. Hehehe”

Pinalo ko lang yung pinto. Alam ko kasing nasa likod lang siya nun.

“Ang kinis mo!!!” tumawa siya. “May mga muscles ka, pero mukhang pang babae talaga yung built eh.” Totoo ngang ganun yung built ko before, hindi naman super skinny, may laman naman ako kahit papano.

“You also have a big butt… nakaka horny talaga!!!” sabi niya ulit. Yung boses eh parang pinaghalong nalilibugan at nang-aasar.

Noon hindi ko na napigilan ang sobrang inis, kaya na paiyak na lang ako. Hindi na kasi ako comfortable sa ginagawa niya. (Ganon talaga kasi ako eh… sa kanya lang naman ako may guts sumagot-sagot… yung totoo kasi pag inis na ako ay bigla-bigla nalang akong naiiyak.)

Marami pa siyang sinasabi, pero hindi ko nalang pinansin. Binilisan ko nalang ang paliligo. Inis na inis ako sa kanya nun, yung sweet guy na nakilala ko last night ay tila naglaho na naman.

Binalot ko ang katawan ko sa bath robe, saka lumabas sa pinto. Naroon pa rin siya nakatayo. Nakita ko pa siyang naka ngiti. “Finally!!! you’re done sex…..???” hindi na niya natuloy yung sasabihin nung makitang tumutulo ang luha ko…

“Excuse me…” walang gana ko’ng sabi.

“Hey I was just joking…” halata yung pag-aalala.

Nilagpasan ko lang siya. Pero bago pa ako tuluyang maka layo sa kanya ay hinawakan niya ang kaliwa kong kamay.

“Im sorry… It was just a joke!!!”  sabi niya na may halong lambing. Tuloy tuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko. Lumapat yung mga daliri niya sa pisnge ko – pinupunasan niya ang mga luha ko.

“Tama na… Sorry na… joke lang talaga yun….” Halata pa rin yung pag-aalala sa boses niya. Niyakap niya ako. Naka feel ako ng warmth and comfort… alam niyo yung feeling na panatag ka… ganun yung feeling… naiinis pa rin ako nun dahil sa kahihiyang inabot ko at pambabastos niya sa akin pero parang nawala lahat dahil sa yakap niya. Naka hilig lang ang ulo ko sa dibdib niya, habang ang mga kamay naman niya ay patuloy na nagtataas baba sa likod ko (yung usual na ginagawa pag may pinapatahan). Ramdam ko rin ang mga butil ng tubig na pumapatak sa ulo ko galing sa mga buhok niya. Ramdam ko rin ang pagkabog ng puso niya… ang bawat pintig ay parang music na kinakausap yung puso ko.

Hindi usual sa akin na maramdaman na vulnerable ako… OO mababaw ang luha ko… pero ako yung tipo ng tao na ayaw maka ramdam na kinakaawaan. Pero nung niyakap niya ako, pakiramdam ko ang fragile ko… Kawawa… noon naramdaman ko na I need him. Na I need someone like him who could give me a warm caress… comfort… a safe place… everytime na pakiramdam ko mahina ako…

Maya-maya ay bumulong siya “Sorry talaga… Akala ko kasi okay lang eh… kasi……... Close na tayo…” para namang bumalik ang ulirat ko dahil sa sinabi niya.

“Ganun ka pala sa mga ka close mo???” sabi ko sabay tulak sa nakalingkis niyang katawan sa akin.

“it’s not like th….”

“Kasi kung ganun ka… pasensya ayaw ko’ng makipag close sayo….”

“Bob… hind…”

“Mag bibihis na ako…. Late na…”

Tumalikod na ako sa kanya at agad na tinungo ang cabinet upang mag hanap ng damit na isusuot. Narinig ko nalang na nag salita siya. “Okay… Shower muna ako… Usap tayo mamaya ha…. Mag i-explain ako…” malumanay niyang sabi. Batid ko pa rin ang pagaalala sa boses niya. kasunod nun ay ang pag sara ng pinto.

**********************

Pagdating ko sa mezzanine ay agad kong hinanap ang dati kong mga roommates. Nakangiti ko silang nilapitan nung mahanap ko na ang table nila.

“Daya ah… ‘di niyo ako hinintay…” bungad ko sa kanila sabay upo sa tabi ni jayson.

“Akala ko kasi naghanda na naman ng breakfast yung destiny mo…” tugon naman ni Jude.

Inabutan naman ako ni jayson ng pancake at nilagyan na din ng hot coco yung tasa sa harap ko. nagpasalamat lang ako.

“Nga pala… kamusta yung hapunan kahapon???” tanong ni jayson na may kakatuwang accent.

“Okay lang…” sagot ko sabay subo ng pancake.

“OH??? Okay lang??? anong sagot yun???” si jude.

“Ano ba’ng gusto mo’ng isagot ko???”

“Masaya…. Romantic…. Magical…. Kakakilig…. (binabanggit niya yung mga salita with a very passionate voice yung tipong pang fairytale) You know… something like that… something na isasagot ng IDEALISTIC person na tulad mo.”

“Nako Mr. Know it all na masyadong pushy at…… Ma-abs…. Dinner yun!!! Kumain lang kami… Saka ano ba dapat ang mararamdaman sa dinner??? Una Gutom ka… so kakain ka… tapos mabubusog ka… tapos!!! Walang magic, romance at kilig na pinupush mo….”

“Hindi ko naman pinupush… ito naman…. Saka diba, things get a little magical when you’re on a date??? Baka nga hindi ka nakakain ng maayos eh…… sa sobrang……. Kilig!!!” tumatawa siya habang nag aacting na kinikilig.

“Tsk… Stop it!!! It was just a dinner… It was not a date!!!” medyo malakas ko’ng sabi.

“Hey!!! Relax my English speaking friend….” Nag grin siya… “Okay hindi na… hindi ko na ipipilit…” nag grin siya ulit sabay tuon ng atensiyon kay Jayson na pinipigilan ang tawa. “Jay!!! Kausapin mo yang englesero mo’ng kaibigan…” tinuro niya lang ang direksyon ko gamit ang nguso niya.

Nag smirk lang si jayson saka bumaling sa akin. “Kain ka na… wag mo na pansinin yan!”

Kumain nalang kaming tatlo ng tahimik. O atleast ako tahimik… kasi pa minsan ay nakikita ko silang dalawa na nag sesenyasan.

Maya-maya ay…

“Uy!!! Nihilak ka nuh???” (Umiyak ka ano???) sabay angat ng ulo ko’ng naka yuko. Nagulat ako at I know kahit si Jayson ay nagulat din. Tinitigan ko lang siya, sabay hawi ng kamay niya na nasa ilalim ng baba ko. napansin niya siguro na namumula pa ang mga mata ko. “Kanina pa kami magkaharap ngayon lang napansin na umiyak ako…” sa utak ko.

“Wala ah…” sagot ko… yumuko ulit ako para ikubli yung mga mata kong namumugto.

“Unsang wala uy??? Paminaw nimo sa akua mango??? Nganong naga pula man na imong mata??? Gi-unsa ka atong dautan???” (Anong wala? Anong tingin mo sa akin tanga? Ba’t ang pula ng mga mata mo? anong ginawa sayo nung masamang yun?)

Hindi ko lang siya inimik. Kaya pinalo niya yung kanan kong kamay. “Hoy!!! Tubag!!!” (Hoy!!! Sagot!!!)

“Agay!!! Pag pula yung mata umiyak agad??? ‘di ba pwedeng adik lang???”

“Tarunga ko’g tubag ha!!!” (Umayos ka ng sagot!!!) medyo kinabahan din ako sa reaksyon niya. First time ko siyang makita ng ganon… Intense… sobrang intense… kakatakot…

“Wala man jud!!! Katulugon ra ko… wa kaayo ko’y tulog…” (Wala talaga… inaantok lang ako… di ako nakatulog masyado eh…) pagsisinungaling ko.

May naramdaman akong biglang humawak sa likod ko. sinundan ito ng mga mahihinahong salita. “Let’s talk???” nilingon ko yung tao sa likuran ko – si Richard…

“Im eating…” sagot ko sabay iwas ulit ng tingin, hindi lang sa kanya kundi pati na rin sa dalawa kong kaibigan.

“After you eat… I’ll wait…” narinig ko ulit na sabi niya.

“Time na!!!” biglang sabi ni Jayson. Nakita ko yun as an opportunity para umiwas sa kanya.

“Time na!!!” pag-uulit ko. agad akong tumayo pagkatapos uminom mula sa tasa ko.

************

Tinutungo namin ang hall nun. Tahimik lang kami, lalo na yung dalawa kong kaibigan. Mukhang pinakikiramdaman kung ano’ng nangyayari sa amin ni kumag. Sumusunod lang sa amin si Richard.

Nung makapasok na kami’y, agad kong tinungo yung upuan ko. sumunod naman si Richard.

“Usap tayo…” mahinahon niyang sabi.

“Mag sta-start na tayo maya-maya..”

“After???”

“May lakad kami eh…” pagdadahilan ko.

“Saan???”

“Hindi ko alam kay Jude eh…”

“Magkasama kayo??? Kayo lang??? tanong niyang, may halong pagkabigla pero mahinahon pa rin yung delivery niya.

“Uhmmmm… date…. May date kami…” medyo nauutal kong sagot. Hindi ko alam kung bakit ko sinabi yun, pero yun lang kasi talaga ang naisip ko eh…

“Date??? May boyfriend ka diba???”

“OO…. Bakit???” expressionless ko’ng sagot… hindi rin talaga kasi ako ready sa mga pinagsasabi ko. isa pa, naka limutan ko’ng sinabi ko sa kanya’ng may boyfriend ako.

“Wala!!!” inalis niya ang mga tingin niya sa akin. Nung nilingon ko siya ay napansin ko’ng nawala na yung pag-aalala sa mukha niya. Noon ay naka salubong na ang mga kilay niya at tila malalim ang iniisip.

Wala na naman kaming imikan.

Hindi ganun ka ganda yung team-up namin nun. (as usual) pero hindi naging hadlang yun for us to win the activity. Well, honestly si Richard lang talaga yung nagpapanalo.  He answered most, if not all of the questions… (Matalino nga kasi siya sobra) at dahil nga partner kami hati pa rin kami sa prize kahit na siya lang naman talaga yung nagtrabaho. Ang premyo namin ay ticket sa isang science exhibit na inorganize ng isang sikat na Brand ng gatas. It happened in MOA, 3pm the day after. Excuse naman kami sa afternoon part ng orientation.

Hindi niya ako kinausap kahit nung lunch break…. Pansin ko rin na mukhang umiiwas siya.

Nung matapos ang orientation ay agad ko’ng inaya si jude sa mall na katabi nung hotel na tinutuluyan namin. Gusto ko kasi panindigan yung sinabi ko kay kumag na may date kami. Pero siyempre hindi ko sinabi kay Jude… (nahihiya ako… wink!!!) para lang akong nagpasama sa kanya na maghanap ng wala. Inubos namin ang oras dun, I know may mga times na nabobored siya, pero ‘di siya kahit kelan nag reklamo. Ikot-ikot lang kami, tingin-tingin ng mga kung ano-ano at walang humpay na kwentuhan. Nung mapagod kami’y nag decide na kaming dun na mag dinner.

Mag na-nine na ng gabi nung maisipan naming umuwi. Hinatid ako ni Jude sa room ko. malayo pa kami nung Makita ko si Richard sa harap ng pinto ng kwarto namin. May ka text si kumag. Bumalik na naman sa utak ko yung mga nangyari nung umaga.

Papalapit na kami nung mapatingin siya sa amin. Wala’ng expression yung mukha niya. Masyadong empty pati yung mga mata niya. Tumango lang siya sa amin ni Jude.

Inaya ko si Jude na pumasok muna saglit.

“Tulog  na si Patrick!!!” malamig na pagtutol ni kumag.

Natahimik lang kami ni jude at nagka-tinginan.

“Nga pala… hindi ako pupunta sa MOA bukas…” sabi ni Richard. Malamig pa rin yung boses niya.

“Bakit?”

“May activity yung sister ko.”

“Ganun? Pwede akin nalang yung ticket???”

“Why???”

“Ipapagamit ko kay Jude. Para may kasama ako…”

“Hindi pwede eh…. That was my prize…” tumingin siya kay Jude, expressionless pa rin. Tapos binaling ang tingin sa akin “So its either you go alone… or never go instead.”

Nagkatinginan ulit kami ni Jude. Wala kasi sa amin yung may balak na sumagot sa kanya.

“Anyways??? How’s your date???” tanong niya ulit.

Tumingin ulit si Jude sa akin. Yung tingin niya ay wariy humihingi ng explanation. Alam ko nalito at nagulat siya sa narinig pero mukhang na gets naman niya kung ba’t ko ginawa yun. Kaya sinakyan nalang rin niya yung ginawa ko’ng drama.

“Its Fun… yah…. We had fun…” sagot ni jude…. Halata pa rin na confuse siya.

“Ikaw??? nag enjoy ka ba??? Sa ‘DATE’ NATIN???” sarcastic na tanong ni Jude sa akin. Na nuon ay may nakakaloko’ng ngiti.

“OO naman…” kinakabahan kong sagot. Na gi-guilty rin kasi ako sa mga pinag-gagagawa ko.

“That’s good to hear… sana lang hindi malaman ng boyfriend mo…” sabi ni Richard, saka pumasok sa kwarto.

“Boyfriend???” si jude. Halatang sobrang nagulantang sa mga nalaman.

Nagkamot nalang ako ng ulo… I was caught off guard… I never expect na yun yung magiging result ng mga lies ko.

“Wala akong boyfriend… mag papaliwanag ako sayo…”

“dapat lang…”

“Pero pwede ba’ng bukas nalang??? Late na eh…”

“Okay…. Date pala ha…” pinisil lang niya yung pisnge ko, tapos ngumiti ng sobrang kulit.

Pinalo ko naman yung kamay na pinangpisil niya. “Sige na alis ka na….”

“Oh??? Matapos mo’ng sabihin yun sa destiny mo…. ganun nalang??? Walang Goodnight???”

“Fine!!! Goodnight!!! Explain ko sayo bukas…” sagot ko naman. Naiilang pa rin.

“Walang Kiss???” nag smirk siya, sabay turo sa kaliwa niyang pisnge. Alam ko niloloko niya lang ako.

“Kadiri ka!!!”

“Kadiri??? Eh pinag-kalat mo ng nag date tayo…. Kiss na!!!” sabay turo uli sa pisnge.

Tinulak ko nalang siya. “Sige na alis na…. antok na ako…”

Tumawa siya. “Next time sabihin mo kung gusto mo’ng makipagdate sa akin. Para ready ako, at mas mag enjoy ka!!! Mukha tayong tanga kanina… Good night na!!!” nag flying kiss siya sabay talikod.

Na tulala lang ako.

*****************

Pagkapasok ko’y nakita ko si Richard na naka higa na sa kama. Pero inoccupy niya yung space ko kagabi. Tinapik ko siya sa braso, ginigising siya para palipatin sa side niya. Alam kong hindi pa ganun ka lalim ang tulog niya.

Alam ko nagulat siya… ‘di siguro ina-asahan na lalapitan ko siya.

“You’re done flirting???” tanong niya.

Alam ko ang pino-point out niya pero, hindi ko na pinatulan. Noon kasi napag-tanto ko na hindi ko na siya papatulan… iiwas nalang ako sa kanya… tama… iiwas ako…

“Urong ka….” Pakiusap ko sa kanya.

“This is my bed… dun ka sa sofa… dun mo naman talaga gusto diba???” malamig niyang sabi.

Tumalikod na siya sa akin, pagkatapos niyang sabihin yun. Pilit ko’ng pinakalma ang sarili ko; agad ko’ng kinuha ang isang unan at tinungo ang sofa.

Pinilit ko’ng maka tulog kahit na sobra akong nilalamig.

To be continued…

No comments:

Post a Comment