m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Wednesday, August 17, 2016

Here and Now (Part 55)

By: Chaster Rassel 

Chapter 55: Holding On To What They Have...

SI ORYO......

Sa may audience area galing si Madam, pumunta at lumapit siya sa amin sa stage.........

    “What’s happening here, why are you scolding my son?”
    “Madam...I’m sorry, but I just need to ask your son kung anong problema niya...Since nung first rehearsal kasi nila, hindi niya magawang makipagcooperate nang maayos dito kay Oryo...It’s like distracted siya or may issues siya sa kanya,”sagot ni Direk.
    “What? Hunsel, totoo ba toh?”usisa ni Madam sabay tingin kay Hunsel.

Takte! Parang ako pa iyong mas kinakabahan eh. Si Hunsel naman walang imik. Nakayuko lang siya at iwas ng tingin sa amin. Hanggang sa bigla na lang siyang umalis at tumakbo.......

    “Hunsel! Bumalik ka rito!”bulalas ni Madam.

Sumunod sa kanya si Madam. Napatingin ako kina Hyro at Revy. Tapos sumunod din kami ni Hyro sa kanila.

SI HYROMIN......

We ended up in the backstage..........

    “Speak up Hunsel! Ano bang nangyayari sa iyo?”usisa ni Mommy.

Ayaw pa ring magsalita ni kuya. Nakayuko at dantay lang siya sa dresser niya. This is not getting good. If hindi magsasalita si kuya Hunsel, then I have to think of something para malusutan si Mommy..........

    “Ma! Please lang...I am not in the mood right now para sermonan niyo....In fact, I don’t wanna speak with anyone! Just leave me alone!”

There it is, nagsalita na si kuya Hunsel. But after that, he grab his car keys. Then bigla na naman siyang nag-walkout........

    “Hunsel sandali lang!”sambit ni kuya Oryo.

Tumingin si kuya Oryo kay Mommy.........

    “Madam, ako na po ang kakausap sa kanya.”

Sinundan nga niya si kuya Hunsel. And now, ako naman ang nilapitan ni Mommy.........

    “Hyro, do you anything about this? Anong bang nangyayari sa mga kuya mo?”
    “Ahmmm...Kaunting tampuhan lang po, Ma.”
    “Kaunti? May kaunti ba na pati iyong work niyo affected, and why didn’t you tell me about this!”
    “Because...I think this is a personal thing between them, Ma...And besides, hindi rin naman po ito ang first time na nagkaproblem sila di ba? So it would be better, if we just let them handle it by themselves.”

She just let out a sigh of disappointment. Well, at least nakaisip na naman ako ng palusot. But I think this is not enough. Masyado kasing naging careless si kuya Hunsel. Sa mga pinakita niya kanina, di malayong magduda na si Mommy.

BALIK KAY ORYO......

Sinundan ko si Hunsel, hanggang sa makarating kami sa parking lot kung saan nandun ang kotse niya...........

    “Hunsel ano ba! Mag-usap nga tayo!”

Nakabukas na iyong pinto ng kotse, at pasakay na dapat siya. Pero, napahinto siya. Nakahawak iyong isa niyang kamay sa pinto; iyong isa pa, nakadantay naman sa ibabaw ng kotse..........

    “Hunsel huwag na tayong maglokohan dito...Alam ko naman iyong totoo eh...Alam ko na hindi iyong galit mo sa panloloko namin sa iyo ang dahilan, kaya ka nagkakaganyan...Kung di ako! Ako mismo! Tama ba?”
    “Hmph!”

Dinabog niya iyong ibabaw ng kotse, tapos lumingon siya sa akin.........

    “You know what, it sounds so freaking funny na sa iyo pa talaga nanggaling iyong huwag na tayong maglokohan! Ang kapal mo rin talaga noh?”
    “Huwag mong ibahin iyong usapan...Kung may problema ka sa akin, diretsuhin mo ko! Hindi iyong ilalagay mo pa sa alanganin ang kaligtasan nating lahat, huwag kang maging makasarili!”
    “Makasarili? Kung meron mang makasirili dito, it’s not me!...It’s you, Hyro, si Mommy, even your brother...Lahat kayo! Pare-pareho kayo! And don’t act like you know everything, because you have no idea what I am feeling right now!”

Matapos iyon ay hindi ko na siya napigilan. Sumakay na siya sa kotse niya at lumarga. At muntikan pa kong mahagip ng loko. Buti na lang ay nakaiwas ako.

KINAGABIHAN, SI RASSEL......
   
    “Rass, I think we should do something.”

I’m on the phone with Sky. It seems that I wasn’t the only who got worried about what happpened awhile ago, sa last rehearsal nila Oryo. So now, pinag-uusapan namin toh..........

    “What do you mean something?”
    “Something to help them na makapag-usap, na magkaayos.”
    “Sky...You do know that there are personal issues involve here, right? Kaya di tayo pwedeng manghimasok na lang basta.”
    “May sinabi ba ko na manghihimasok tayo? All we are going to do is to set them up...So they can talk and fix whatever issues they have, once and for all!...Just like us.”

Suddenly, napangiti na lang ako sa pahabol niyang iyon........   

    “Wait, us?”
    “Yeah, di ba nagkita tayo? Then we did some talking, kaya nagkabati tayo...Ganun lang din naman ang kailangan nila, iyong magkausap nang maayos.”
    “I see...Kala ko kung ano na eh,”ngingiti-ngiti kong sagot.
    “Huh? Bakit may iba ka bang iniisip sa mga sinabi ko?”
    “No, nothing!”
    “Look Rass, wala na tayong sapat na time...We cannot let history repeat itself on the fashion show...Baka ikapahamak pa nila iyon.”

He’s actually right, we cannot afford to make any mistakes on that night. And I don’t see anything wrong with his idea either, as long as hanggang set up lang ang gagawin namin.......

    “Okay, what are we going to do?”
    “Like I said, we need to make them talk...Pero dapat iyong tipo na  walang magwo-walkout sa kanila.”
    “So what do you suggest? Pilayan sila a day before their fashion show?”
    “Hmph, iyan talaga iyong unang pumasok sa isip mo eh noh? Are you trying to tease me again?”
    “No, I’m just asking kung meron ka nang plan.”

Maayos iyong pagkakasabi ko nun, but still napangisi pa rin ako......

    “Oh...Yeah, meron na.”
    “Alright, I’m listening.”

KINABUKASAN, SI ORYO......

Hapon, nakatanggap ako ng text galing kay Insan. Magpunta raw ako ng tambayan mamayang alas siyete ng gabi. Nagreply naman ako at tinanong siya kung bakit. Ang sagot lang ng mokong eh basta, at importante raw na makarating ako.

Kung tutuusin, pahinga lang dapat ako ngayon buong araw. Para bukas eh ready na ready ako sa mga mangyayari. Pero hindi naman niya ko siguro sasabihan ng ganito, nang walang matinong dahilan. Kaya umoo na lang ako.

Pagdating ng bandang ala sais, nagbihis na ko. Habang nagbibihis ako, may kumatok sa pinto ko. Binilisan ko na iyong pagbibihis at binuksan iyon.........

    “Sandali, heto na.”

Pagbukas ko, si Hyro. At nakabihis din siya.........

    “Oh tol, aalis ka rin? Saan ang punta mo?”

Pinatuloy ko muna siya. Pumasok ako sa sandali sa closet, para kumuha ng  sapatos. Tapos naupo ako sa kama, para suotin toh. Siya naman, nakatayo sa tapat ng salamin at inaayos iyong buhok niya..........

    “Nagtext sa akin Revy eh, he told me na puntahan ko raw siya right away sa tambayan...Ipapaalam ko lang sana sa iyo kuya, eh ikaw? Saan ang lakad mo?”
    “Ha?”

Napahinto ko sa pagsasapatos, at napalingon sa kanya sa sinabi niya.........

    “Eh nagtext din sa akin si Insan kanina eh, at pinapapunta rin ako dun ngayon.”
    “Hmph! Wait a minute!”

Siya naman ngayon iyong napalingon sa akin.........

    “I am having a huge deja vu here! Parang nangyari na iyong ganito dati eh...Isn’t that right, kuya Oryo?”napapangisi niyang sambit.

Oo nga! Tama siya; parang kagaya nito iyong nangyari dati, nung nagpunta kami ng Tagaytay.........

    “Pero, parang may kulang.”

Alam ko na kung ano o sino ang iniisip niya........

    “Imposible iyan tol, hindi papayag iyon na pumunta dun nang kasama tayo...Hmph!”sagot ko sabay tuloy na ulit sa pagsasapatos.
    “Then why don’t we go and check on him? Para lang malaman natin.”

Napatingin na lang ulit ako sa kanya. Pagkatapos kong magsapatos, pumunta nga kami sa kwarto ni Hunsel. Kinatok namin siya, para malaman kung nandun siya o wala..........

    “Kuya Hunsel?”
    “Hunsel, nandiyan ka ba?”

Walang nasagot. Sinubukan ni Hyro na buksan iyong pinto, di naman toh nakalock. Pumasok na kami, at walang tao! Wala siya!..........

    “Nasaan siya!”pagtataka ko.
    “Don’t tell me, nagpunta rin talaga siya dun?”
    “Tol, isa lang ang paraan para masagot ang tanong na iyan.”

Dahil dun, nagmadali na kaming umalis. At pumunta na kami sa tambayan.

PAGDATING SA TAMBAYAN, SI ORYO......

Nagulat na lang ako, dahil kakaibang tambayan ang nadatnan namin. Pag ganitong gabi, halos wala ka na dapat makikita dito. Pero ngayon, napakaliwanag ng buong paligid. Punong-puno kasi ito ng mga ilaw. May mga nakalawit sa mga puno na hugis bolang parol, tapos meron ding Christmas lights; parang Pasko tuloy. At may mga nakaayos din na pagkain, sa isang pahabang mesa........

    “Hehe! It looks like they got us again,”tatawa-tawang sambit ni Hyro.

Napatingin ako sa kanya, di ko kasi gusto iyong tono ng tawa niya eh..........

    “Tawa ka diyan...Iyong totoo tol, alam mo iyong tungkol dito noh?”
    “Huh? No! Wala kong alam dito kuya, promise!”
    “Hoy! Sa talino mong tao, di ako maniniwala na magpapaisa ka ng dalawang beses!”
    “Kuya, I’m just a human...Nabobobo rin ako, especially pagdating sa kapatid mo,”ngingisi-ngisi niyang sagot.
    “At last! Dumating na rin kayo!”

Napalingon kami sa biglang nagsalita. Si Insan, kasama ang magaling kong kapatid. At pati rin si Skylar na tulak-tulak niya! Lumapit sila sa amin. Iyong kapatid ko, ngingisi-ngising dumiretso at umakbay sa syota niya.........

    “Ikaw ha, naisahan mo naman ako,”sambit ni Hyro.
    “Ayos ba my labs? Hehe!”
    “Insan, ano toh? Anong ibig sabihin nito?”napapangiti kong usisa.
    “We just want to help you guys..Nagworry kasi kami ni Sky, dun sa nangyari kahapon...Kaya naisip namin na iarrange toh para sa inyo...Para makapag-usap kayo at maayos niyo ang dapat ayusin.”
    “Not only that, gusto rin namin na makapagrelax kayong apat before the big day...Because we know that lately, puro na lang mga problema at stress ang inaabot niyo...So for tonight, we want you guys to just enjoy,”dagdag ni Skylar.
    “Kayong apat? Eh kuya Skylar...Paano naman magiging apat, if kulang ng isa ang main cast hehe?”usisa ni Hyro.

At dun ko lang naalala ulit, iyong dahilan kaya nagmadali kaming magpunta dito ni Hyro..........

    “Oo nga pala, nasaan nga pala iyong bf ko? Ang akala namin pinapunta niyo rin siya dito, kaya nagmadali kaming makarating,”usisa ko.
    “He’s here too...In fact, kanina pa siya nauna dito sa inyo,”sagot ni Insan.
    “Ha? Paano niyo siya nakumbinsing sumama?”
    “Ahmmm, we didn’t actually convince him...It’s more like we forced him,”sagot naman ni Skylar.
    “Hmph, parang di ko gusto iyong tono niyan ah.”
    “Well, bakit di ka na lang sumama sa amin...We’ll show you where he is,”si Insan.

Sumama nga ko sa kanila. Sumunod din sa amin iyong dalawang pasaway. Dinala nila kami sa isa sa mga puno. Ibang puno ito, nasa may bandang kaliwang likuran ito nung puno nina Insan at Chaster. Nandito nga si Hunsel, pero laking gulat ko! Dahil bukod sa nakaupo sa damuhan, nakagapos lang naman siya sa mismong puno at walang malay!.........

    “What the...”napapangising reaksyon ni Hyro.
    “Takteng iyan! Bat niyo naman ginanito iyong bf ko!”
    “I don’t see anything wrong with it kuya...Mas cool pa nga toh kesa dun sa handcuffs ko eh,”hirit ni Hyro.
    “Cool ka diyan...Ganyan na nga iyong tisura ng utol mo, nakukuha mo pang magbiro.”
    “Toh namang si kuya masyadong serious,”at sumagot pa ulit.
    “Well, this is the only way we could think of to bring him here...So sorry,”sagot ni Skylar.
    “I would like to say sorry too...Because I had to hit him, para mawalan siya ng malay,”napapakamot sa ulong dagdag ni Insan.

Napakamot na lang din ako ng ulo. Sa totoo lang, hindi pa rin ako sang-ayon dito sa ginawa nila kay Hunsel. Kahit na galit siya sa akin ngayon at medyo nagkakalabuan kami, bf ko pa rin siya. Kaya ayaw kong nasasaktan siya. Pero nandito na toh eh, wala na kong magagawa.......

    “So paano kuya? I think, we better leave you two alone,”sambit ni Hyro sabay ngisi na naman.
    “Tama si my labs! Para naman may moment kayo di ba?”
    “Alright, we’re leaving it all to you...We hope na maging okay na kayo,”sambit ni Insan.

Nauna nang lumayas sina Insan at Skylar, nagpunta sila dun sa punong tambayan. Si Revy, hinila na rin si Hyro at sa ibang puno naman sila pumuwesto. Kabaliktaran nung sa amin iyong kanila. Nasa kanang likuran toh nung kina Insan. Ang galing din naman pala ng ideya na toh, tig-iisa kami ng puno.

Yumukyok ako, inilapit at itinapat ko ang mukha ko kay Hunsel. Pinagmasdan ko siya. Hmph, parang mas okay pa yata na ganito lang siya. Tahimik lang at mabait. Pero kailangan naming mag-usap, kaya kailangan ko rin siyang gisingin...........

    “Psst! Hunsel!...Gising oy!”sambit ko habang tinatapik-tapik siya sa pisngi.

Ilang saglit lang, iginalaw at inangat na niya iyong ulo niya. Dahan-dahan siyang dumilat. At nang makita niya iyong kalagayan niya, nanlaki ang mga mata niya..........

    “What the hell! Ano toh? Nasaan ako!”bulalas niya habang tumitingin-tingin sa paligid.

SI HYROMIN......
   
    “Hehe! Ang lupet ng naisip nila kuya Rass noh, my labs?”
    “Yup! Wala akong masabi, except na lang sa ang daya niyo dahil di niyo ko sinama sa plano niyo!”
   
Pumunta si Revy sa likuran ko, then niyakap niya ko from there.........

    “Eh kasi po,  ang gusto ko masurpresa ka rin.”
     “Hmph.”
    “My labs...Sana lagi tayong ganito noh...Iyong walang iniisip na problema....Masayang magkasama.”

After hearing that from him, naalala ko suddenly iyong naging usapan namin ni tita Divine sa condo.......

    “Don’t get me wrong, I am not going to ask you na layuan siya....For now....Dahil naiintindihan ko naman ang mga nararamdaman niyo...But as a mother, I don’t want my son to suffer from so much pain...So, there’s just one favor that I want to ask of you...”
    “Po?”
    “When the time comes...Please, make it easier for him.”

I don’t know if I can even do what she’s asking me. Kung kakayanin ko ba. To begin with, kailangan ba talaga na sa ganun kami humantong ni Revy?........

    “Oy my labs! Anong nangyari sa iyo diyan? Hello? Earth to Hyromin Amethelli!”
    “Did...Did I hear that right? Nag-english ka ulit!”

Hindi lang ako natauhan, nagulat ako sa kanya then napatingin.........

    “Haha! Gulat ka? You see, Mama has been teaching me how to speak english.”
   
He did it again! The heck! Iba iyong dating niya kesa dun sa dati. He has this weird American kid accent. It sounds like ibang tao ang kaharap ko at hindi siya. Napapumiglas tuloy ako sa pagkakayakap niya.........

    “Stop that! Kinikilabutan ako sa iyo!”
    “Ah ganun...Bakit ikaw lang ba ang pwedeng mag-english ha?”
    “Basta, stop it! Hindi ako sanay.”
    “Hahaha! Eh bakit ba kasi natutulala ka diyan ha, my labs? May iba ka bang iniisip?”

Instead of answering him right away, naupo na lang muna ko sa ilalim ng puno. Sumunod naman siya at naupo rin sa tabi ko.........

    “Oy! Bakit ba? Magsalita ka naman.”
    “Revy...”
    “My labs ha...Kung ang iniisip mo eh iyong mga mangyayari bukas, pwede tigilan mo muna iyan? Nandito tayo ngayon para magrelax...Tsaka ikaw nga itong unang nagsabi sa akin na huwag magworry di ba? Na ienjoy lang iyong every moment na magkasama pa tayo...Tapos ngayon magdradrama ka diyan.”

Oo nga pala, how can I forgot what I said to him that night. That’s right, kailangan kalimutan ko muna toh for now. After a few moments, naramdaman ko na lang iyong pagdampi ng kamay niya sa ibabaw ng isang kamay ko. Then tuluyan na niya itong hinawakan.........

    “Huwag ka nang matakot...Nandito pa ko oh...Isa pa, sinabi mo na di mo hahayaan na mawala tayo sa isa’t isa di ba?...Well, I’m holding on to those words of yours dude, so you better keep it!”

Mapapangiti sana ko eh, but then he did that thing again.......

    “Hmph, okay na sana ko eh...Kaso humirit ka pa ulit ng english!”sambit ko sabay bitiw sa kamay niya.
    “Hahaha!”at tinawanan lang niya ko.
    “Lika na nga lang dito.”

Pinapwesto ko siya right in front of me. Then this time, ako naman iyong yumakap sa kanya. Niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit. Kung pwede nga lang, huwag ko na siyang bitiwan pa.

BALIK KAY ORYO......
   
    “Kumalma ka lang hoy! Nandito ka lang sa tambayan.”
    “You! Ano na naman bang kalokohan toh ah? Why did you tie me up like this!”
    “Una, hindi ako may gawa sa iyo niyan...Sila,”sagot sabay turo kina Insan.

Napatingin din siya sa kung saan ako nakaturo. Natigilan siya.........

    “Pangalawa, hindi toh kalokohan Hunsel...Nandito tayo ngayon, para mag-usap!”
   
Tumingin na siya ulit sa akin.........

    “Mag-usap? Hmph! It isn’t clear to you yet na ayaw kong makipag-usap sa iyo? And I told you before na wala na rin tayong dapat pag-usap pa, especially kung tungkol sa atin! So you better let go of me!”
    “Hindi! Dito ka lang, hangga’t di pa ko tapos sa mga sasabihin ko sa iyo.”
    “Hmph!”
    “Kahapon, sabi mo walang akong ideya sa mga pinagdadaanan mo...Iyon ang akala mo...Oo, niloko ka namin...Niloko kita...Pero hindi lang ikaw ang nabuhay dito sa kasinulangan! Gaya mo, niloko rin kami. Niloko kami ni Primo, ng mga taong akala namin eh magulang namin....At si Hyro, akala mo ba madali para sa kapatid mo ang lahat ng toh? Mabuti pa nga siya, kahit mas bata siya sa iyo, pinipilit niyang initindihin ang mga bagay-bagay...Hindi siya nagpapabebe na gaya ng ginagawa mo! Hunsel, pare-pareho lang tayong biktima dito!”
    “No matter what you say, it will all be useless! Dahil hindi magagamot ng mga salita mo, iyong sakit na nararamdaman ko.”

Napansin ko na mamasa-masa na ang mga mata niya, sa pagkakasabi nun..........

    “Ganyan ka na ba talaga katigas ngayon? Bale wala na ba sa iyo ang kung anumang nabuo sa atin? Ayaw mo na ba na magkaayos tayo?”
    “Magkaayos? For what for? At the end of the runway, hindi rin naman tayo pwedeng magkasama di ba? So I think this is better, at least we are able to have some kind of practice for whatever is going to happen,”sagot niya sabay iwas ng tingin mula sa akin.
   
Napatayo ako sa mga sinabi niyang iyon. Tumalikod ako sa kanya, at huminga nang malalim.........

    “Ngayon naiintindihan ko na...Iyan pala ang dahilan kaya nagkakaganyan ka...Alam mo Hunsel, ganyan na ganyan din iyong naramdaman ko nung nagtapat ka sa akin...Kaya natakot ako nung una na maging tayo...Pero, nagkaroon ako ng lakas na loob na sumugal...Dahil pinaramdam mo sa akin na totoo iyong pagmamahal mo.”
   
Humarap na ulit ako sa kanya........

    “Siguro nga, tama ka...Kailangan nating maghiwalay sa dulo ng runway...Pero pagtapos nun, di ba babalik naman tayo ulit sa gitna at magkikita ulit?...At iyon, iyon ang pinanghahawakan kong pag-asa...Kaya hindi ako sumusuko...Kaya hindi kita sinusukuan.”

Yumukyok ako ulit.......

    “Kaya sana naman...Huwag mo rin akong sukuan Hunsel,”sambit ko sabay hawak sa kanang pisngi niya, dahilan para mapatingin ulit siya sa akin.
    “Tell me something...Paano mo nakakaya ang lahat? Where the hell are you getting that damn strength to hold on?”
     “Hmph, eh di sa pagmamahal...Kasi nga, mahal kita! Ganun lang kasimple iyon.”

Dahan-dahan, inalis ko na iyong kamay ko mula sa pisngi niya........

    “Oh ayan...Tapos na ko, wala ka man lang bang sasabihin?”

Hindi man lang umimik ang loko, sa halip umiwas na naman siya ng tingin mula sa akin.........

    “Takte naman! Magmamatigas ka pa rin ba?”
    “Hmph!”
    “Pwes! Sige...Bahala ka na!”

Tumayo na ko. Paalis na sana ko.........

    “Hoy! Saan ka pupunta!”

Pero bigla siyang bumanat ng ganun, kaya napalingon ulit ako sa kanya.........

    “Uuwi na lang...Tutal gusto mo namang magmatigas di ba? Kaya manigas ka na lang diyan!”
   
SI RASSEL......

Like before, binaba ko si Sky mula sa wheelchair. Tapos naupo kami sa may damuhan at sumandal sa puno.........

    “Who would have thought that this triple date will turn out great...Galing mo Sky ha.”
    “Tri...Triple Date? In your dreams Rassel Almoneda! This is just a double date...Para lang toh sa kanila, hindi tayo included! Is that clear?”
    “Really huh? Eh kung ganun, ano itong ginagawa natin dito ngayon?”ngingiti-ngiti kong tanong.
    “Just hanging out...Tumatambay...Is something wrong with that? Ikaw din naman iyong nagsabi na dapat ko ring irelax iyong sarili ko right?”

I didn’t answer him anymore, idinaan ko na lang siya sa ngiti kong malupet. Namula naman siya, tapos umiwas ng tingin sa akin.

BALIK KAY ORYO......

    “Don’t you dare leave me here!”
    “Ha? Eh ano pang silbi na manatili ako dito? Parang hangin lang din naman ang kausap ko...Sayang ang oras, kaya uuwi na lang ako!”sagot ko sabay talikod na ulit sa kanya.
    “Hmph, and I thought you said na hindi mo ko susukuan...And then now, aalis ka?”

Napahinto ako sa narinig ko. Sa pangalawang pagkakataon, nilingon ko siya ulit........

    “Kung di mo ko susukuan, then I guess....I have a reason para di ka rin sukuan.”

Unti-unti siyang napangiti sa akin, pagkasabi niya nun. Dahan-dahan naman akong napayukyok ulit, at napahawak sa magkabila niyang pisngi. Nang tignan ko siya sa mukha, dun, dun ko nakita na ginawa na niya ulit iyong bagay na iyon. Tinitigan na niya ko ulit sa mga mata ko! At dun, dun ko rin naramdaman na nagbalik na iyong Hunsel Amethelli na minahal ko.

Di ko na napigilan ang pagbuhos ng luha ko. Kasunod nun, napangiti na lang din ako sa kanya. At kahit na nakagapos pa siya puno, di ko na rin napigilan ang sarili ko na yakapin siya.........

    “Hey, maybe you want to get me out of here first...Para naman mayakap mo ko nang mas maayos di ba.”
   
Bumitiw na ko mula sa pagkakayakap sa kanya.........

    “Ay, parang ayaw ko.”
    “Huh?”

At naupo na lang sa tabi niya........

    “Eh mukhang mas ayos kasi iyang nakaganyan ka diyan eh, mas good boy ka,”ngingisi-ngisi kong sagot.
    “That is so mean!”
    “Hahaha!”

At natawa na lang ako nang malakas sa kanya.

BALIK KAY HYROMIN......

After several minutes na nasa ganung position kami ng bf ko, nakarinig kami ng malakas na tawa. Patingin namin, it was kuya Oryo! Tumatawa silang dalawa ni kuya Hunsel, habang kinakalagan niya iyong pagkakatali nito.......

    “Revy, is this true or am I just seeing things?”
    “Totoo! Bati na ulit sila!”
    “Hmph!”

Nagkangitian kami...........

    “Isang lang ang ibig sabihin nito my labs.”
    “Ano?”
    “Magiging ayos na rin kayo ng kuya mo.”

It would be really great, kung ganun nga ang mangyayari. But I doubt it........

    “I don’t know here...Hindi naman kasi porket okay na sila, ibig sabihin eh mapapatawad na rin niya ko...And don’t forget, kahit sa iyo galit din siya di ba?”
    “Hmph, isa lang ang paraan diyan para malaman natin.”

Bigla siyang kumawala sa pagkakayakap ko, at tumayo. Hinila niya iyong isang kamay ko! Because of that, napatayo na rin ako. And then he drag me, until nakarating kami kina kuya........

    “Ehem! Mukhang ayos na kayo dito ah,”bulalas niya.

Napatingin silang pareho sa amin. Si kuya Hunsel, natahimik lang........

    “Oi, napatawad mo naman na ko...Baka naman pwedeng patawarin mo na rin sila?”sambit ni kuya Oryo sabay tingin sa kanya.

Napatingin siya kay kuya Oryo; napakamot siya ng ulo, and then tumingin siya ulit sa amin. I don’t know if I should say something or what. Baka mamaya kasi, hindi pa rin siya receptive sa akin........

    “I’ll think about it.”

Well, as I expected, hindi pa rin talaga niya ko kayang patawarin. Napatingin na lang ako kay Revy. I am about to ask him na bumalik na lang ulit sa pwesto namin, pero bigla ko na lang narinig iyong pagtawa ni kuya Hunsel!

Pagtingin ko, bigla niya kong hinila palapit sa kanya. Then inakap niya ko, sabay gulo sa buhok ko. Damn! He really got me there! Pero ang laki ng iginaan ng loob, knowing na okay na ulit kami ng kuya ko. My eyes are actually starting to get teary, pero idinaan ko na lang din toh sa pagngiti at tawa kay kuya..........

    “Nice one kuya Hunsel! You got me there!”
    “See bro, hindi lang ikaw ang marunong manloko.”
    “Hahaha!”

After that, umakbay na lang siya sa akin. Then tumingin kami sa bf ko. And now, it’s his turn.........

    “And you, who are you again?”usisa ni kuya Hunsel sa kanya.
    “Ay sabay ganun, si kuya Hunsel talaga oh,”sagot naman niya sabay kamot ng ulo.
    “Hmph, I’m just kidding.”

Natawa na lang kaming apat. Then gaya ni kuya Hunsel sa akin, umakbay din si kuya Oryo sa kanya.

And a momenter later, the third love team came to us..........

    “Hey guys, looks like nagkakasayahan na kayo dito ha,”si kuya Rass.
    “See, I told you my plan will work,”dagdag ni kuya Skylar sabay tingin sa kanya.
    “So nandito ka rin pala...And you got something to do with this?”usisa ni kuya Hunsel.
    “Yeah...This is all my idea.”
    “Hmph, so tell me...Does me getting hit by this guy here, a part of your plan too?”usisa ulit ni kuya Hunsel, na may kasama pang pagturo kay kuya Rass.
    “Ah, I’m taking the blame for that...Wala naman kasi siyang kinalaman dun totally...That was all my decision, because you left me with no choice...Sorry dude,”sagot ni kuya Rass.
    “Oh, nagsosorry na iyong tao...Baka naman mang-away ka pa.”si kuya Oryo.
    “Of course not, wala naman akong sinabi na galit ako, right?”

After that, napangiti na lang si kuya Hunsel sa kanila. Ganun din naman sila sa kanya, syempre kami rin ng bf ko.........

    “Alright, since okay naman na ang lahat ngayon...I guess it’s time to start the party!”si kuya Rass.

Lumakad siya papunta dun sa table ng mga pagkain. He is checking out something. Nanotice ko na iyong phone pala niya na nakapatong din dun. I thought he is just texting, pero bigla na lang nagkaroon ng music. Nakaattach din pala iyon sa speakers. And about the music, I don’t actually know the song. But it sounds so sweet, even though nasa piano intro pa lang.

Bumalik na siya sa amin........

    “So, what are you guys waiting for?”
    “Insan, bat naman ganyan iyong soundtrip mo? Para naman iyang pang sweet dance.”
    “That’s exactly the point.”

Nakatinginan na lang sina kuya Oryo at Hunsel. As for me, napangisi na lang din ako sa bf ko...........

    “Shall we?”usisa ko.
    “Huh?”

Di ko na siya hinintay na sumagot, hinila ko na siya sa mas malapit dun sa table, para mas mafeel namin iyong music........

    “Teka my labs!...Di naman ako marunong sumayaw eh, lalo na iyong ganito!”
    “Really? Then just go along with me,”tatawa-tawa kong sagot.

I guide him sa kung paano iyong dapat na position ng mga kamay niya. And as the song literally starts, sakto na nagstart na rin ang paggalaw namin ng bf ko.

    .....You and I may never be the perfect pair....
    .....The kind most people dream themselves to be....

Just for tonight, I just want to be with Revy, without having to worry about anything.

    .....Just as long as you and I are both aware....
    .....That life is what we make it to be....

BALIK KAY ORYO......
   
    .....Then we won’t care what others have to say....
    .....Our love will guide us and show the way....
    .....Oh baby....   

    “Paano iyan? Sumasayaw na sila,”nakangisi kong sambit sabay tingin kay Hunsel.
    “So?”
   
    .....From this moment on, it’s me and you....
    .....The road of life ahead, we’ll journey through....

    “Eh di tayo rin.”
    “No way! We don’t need to copy them!”
   
    .....And though, it may be winding....
    .....We’ll go right on reminding....

    “Huwag ka nang kj!”

Matapos iyon ay hinila ko na nga siya. Para masabayan namin, iyong mga utol namin. Minsan lang naman iyong ganito eh hehe.

    .....That we both have each other....
    .....Cherish every moment darling hold me fast....
   
BALIK KAY RASSEL......

    .....Move each day as though it were the last....
    .....The only time and place that we are certain of....

    “Look at them, don’t they look great?”tanong ko.
    “Yeah...Definitely.”

    .....My love is here and now....   

I take a look at him, nakangiti lang siya habang pinapanood sila. Suddenly, may pumasok sa isip ko na idea. Another crazy idea from me!

Lumapit ako sa tabi niya. Nilapit ko iyong bibig ko sa tenga niya, to whisper something........

    .....We had yesterday but now it’s come and gone....
    .....Tomorrow’s still to come belongs to none....

    “Hey, wanna join them?”

He give me an irritated look........

    “You’re kidding right?”
    “No, I’m serious.”
   
    .....We have found the miracle of love today....
    .....If we try hard enough, it’s here to stay....
     “Hmph, first of all...Hindi tayo magboyfriend....And can’t you see my situation?...You’re just trying to piss me off again, aren’t you?”

    .....Our rainbow’s end, may just be ‘round the bend....
    .....I know we’ll find it, but until then....
    .....Oh baby....

Instead of answering him, pumisisyon ako sa may likuran niya. I bend down na parang nakaakap ako sa kanya. I grabbed both of his hands, para di na siya makaangal...........

    .....From this moment on, it’s me and you....
    .....The road of life ahead, we’ll journey through....

    “Now, just close your eyes....Feel the music...And imagine na kasama nila tayo dun.”

Ginawa naman niya iyon, without saying a single word. And while his eyes are close, I take a closer look at his face.

BALIK KAY ORYO......

    .....And though, it may be winding....
    .....We’ll go right on reminding....

    “What are those two doing?”

Sinundan ko kung saan siya nakatingin, kina Insan at Skylar. At aba! May kakaibang trip na ginagawa ang dalawa........

    “Hmph, hayaan mo sila...May sarili silang mundo hehe.”           
Tumingin na siya ulit sa akin.........

    “Are they.....?”
    “Siguro,”ngingisi-ngisi kong sagot, alam ko na kasi kung ano iyong ibig niyang sabihin.

Hay, napakasaya ko ngayon. Kung pwede nga lang sana, huminto ang pag-andar ng oras, at huwag nang matapos ang gabi na toh.

ITUTULOY.......

No comments:

Post a Comment