m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Wednesday, August 24, 2016

Here and Now (Part 56)

By: Chaster Rassel 

Chapter 56: The Beginning Of The End...

SI ORYO......

Tapos na kong magbihis at maghanda, paalis na kasi kami para magpunta na sa paggaganapan ng fashion show. Lumabas na ko ng kwarto at bumaba. Lumakad ako papunta sa sala, walang tao. Nasa taas pa pala silang lahat, ako pala ang nauna.

Napatingin ako sa labas, at natanaw ko na naman iyong swimming pool. Naisipan ko na pumunta muna dun, tutal wala pa naman sila. Pagdating ko sa tapat ng pool, yumukyok ako. Isinawsaw ko iyong isa kong kamay at hinawi-hawi iyong tubig. Kasunod nun, napabuntong-hinanga na lang ako. Sa totoo lang, kinakabahan ako.

Mayamaya, napasulyap ako sa may pintuan. Parang may nakasilip mula sa kanang gilid nito. Napatayo at lapit ako dun. Sumilip ako sa kanang gilid, para alamin kung may tao ba. Pero wala namang tao. Paglingon ko sa kabilang gilid, nagulat na lang ako dahil biglang nakatayo na dun si Hunsel!..........

    “Takte naman Hunsel!”
    “Haha...Did I scare you?”usisa niya, na may kasamang mahinang hagikgik.
    “Hmph...Kanina ka pa ba diyan?”
    “No, I just got here...Eh ikaw? Ano bang ginagawa mo diyan sa labas?”
    “Wala, nagpapahangin lang dito sa pool habang hinihintay kayo.”

Bumalik na ko sa tapat ng pool, sumunod naman siya..........

    “Are you okay? Or don’t tell me, you had another one of those nightmares last night?”
    “Hindi naman...Pero, kinakabahan ako eh.”
    “Hmph, you’re not the only one.”

Sa kalagitnaan nun, natanaw ko si Hyro sa pinto. Hawak niya iyong cellphone niya. Lumabas din siya at lumapit sa amin.........

    “Kuya, si Revy nasa phone.”
Inabot niya sa akin iyong cellphone. Bago ko pa toh idikit sa tenga ko, bigla ko na lang narinig iyong boses ni Revy. Nasayaran pala ng daliri ko iyong loudspeaker button, nang di sinasadiya. Hinayaan ko na lang, para lahat kami makausap niya........

    “Oh tol...”
    “Paalis na kami dito kuya.”
    “Ah, sakto kami rin eh...Hinihintay na lang namin si Madam,”malamya kong sagot.
    “Sige, kita kits na lang mamaya...Ingat kuya ha....Pakisabi kay my labs I love you hehe...”

Hindi alam ng loko na nakaloudspeaker. At ito namang isa agad sumingit......

    “I love you too! Hehe!”bulalas niya.

Binaba ko na iyong telepono, tumingin sa kanya, at sinauli ito........

    “Kuya, okay lang ba? You don’t look so well?”usisa niya, sabay kuha sa telepeno.
    “Wala toh tol, kinakabahan lang.”
    “Uhuh!...Alam mo kuya, I have a remedy for that,”ngingisi-ngisi niyang sambit.
    “Ano?”
    “Iyan oh...Kiss lang mula sa boyfriend mo ang katapat niyan hehe,”tatawa-tawa niyang sagot, sabay turo sa kuya Hunsel niya.
    “Loko! Magtigil ka nga diyan...Mamaya niyan bumaba na si Madam, marinig ka pa.”

Eto namang bf ko, sinakyan iyong biro ng loko niyang utol. Bigla ba naman akong ninakawan ng halik sa pisngi, sabay tawa. Imbis na matuwa, eh nairita tuloy ako.

Napaiwas na lang ako ng tingin sa kanya. Nadako ulit ang mga mata ko sa may pintuan, at nanlambot na ang mga tuhod ko sa tumambad sa akin. Nandun si Madam na nanlalaki ang mga mata! Natigilan na lamang kaming tatlo.

Lumabas na si Madam at dali-daling lumakad papunta sa amin. Hindi na nagawa pang makapagsalita ni Hunsel, dahil bigla na siyang sinampal ng nito!........

    “How could you do this to me!”
    “Madam...”kabado kong sambit.   

At sinalubong din ako ni Madam ng sampal........
    “And you! After kitang tulungan na magkaroon ng mas maayos na buhay, ito pang igaganti mo!”

Hindi ako alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga sinabi iyong ni Madam. Kung tutuusin kasi, sa aming dalawa, ako iyong talagang mas may karapatan na manumbat.........

    “Hmph, so this is what has been going on here...Kaya nagkakagulo kayo.”               
    “Ma, huwag niyo naman po sana kaming ijudge ag—”
   
Hindi rin pinatapos ni Madam si Hyro sa pagsasalita........

    “Isa ka pa! Ang bata-bata mo pa, tumutulad ka na sa katarantaduhan ng kuya mo! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao sa atin? Hindi niyo na ko binigyan ng kahihiyan!”
    “Hmph! Kahihiyan Ma? Bakit, dahil sa lalake rin kami nagkagusto? Dahil bakla kami? So what! At least kami nagmahal lang...Come to think of it, mas kahiya-hiya pa nga iyong mga taong nananakit at nanlalamang ng iba para lang makaangat sa buhay! So I say that we have nothing to be ashame of...We’re not doing anything wrong, this is just who we are,”sagot ni Hunsel.
    “You don’t know what you are saying!”
    “What don’t I know Ma? Tell me, what’s wrong kung mahal ko si Oryo...At kung mahal ni Hyro si Revy?”

Natigilan na lang si Madam. Delikado na magpatuloy pa toh, baka kung saan pa toh mauwi. Kailangan may gawin ako.

Ipinatong ko sa kaliwa balikat ni Hunsel iyong kaliwa kong kamay. Iyong kanan naman, pinanghawak ko sa kanang brason niya........

    “Hunsel tama na, huwag ka nang makipagtalo.”

Pagkasabi ko nun, bigla na lang bumalik sa akin iyong kakaibang pakiramdam ko dati, nung unang beses akong nagpractice rumampa sa tabi ng pool. Iyong parang pamilyar sa akin iyong bagay na ginagawa ko. Pero ngayon, parang nandun ako mismo sa eksena.

Hindi ko maintindihan, pero tila bahagi na naman ito ng mga alaala ko dati. Nakita ko iyong sarili ko, iyong batang ako. Habang panay ang hagulgol ko, tumakbo ko papunta kay Papa. Nakadapa siya sa simento at sugatan na. Umakap ako sa kanya, tapos umawat ako na parang kagaya ng ginagawa ko ngayon. Panay ang sigaw ko ng “tama na! huwag niyo nang saktan si daddy!” 

Matapos iyon, napabitiw ako mula kay Hunsel. Napaatras ako, at napaupo sa may gilid ng pool. Dahil naman sa ingay na gawa ng biglaan kong pag-upo, napalingon sila sa akin.

Si Hunsel, napayukyok sa tapat ko at inalalayan ako...........

    “Oryo, anong nangyayari sa iyo? Are you okay?”usisa niya.
    “A...Ayos lang ako....Huwag mo kong...Huwag mo kong alalahanin,”medyo nauutal kong sagot.

Tumayo kong mag-isa, at hinarap muli si Madam..........

    “Madam...Naiintindihan ko ho ang galit na nararamdam niyo sa amin...Kung tutol man kayo sa relasyon namin ni Hunsel at nina Hyro at Revy...Wala na kaming magagawa dun...At  wala na ring kayong magagawa, dahil di niyo pwedeng pigilan ang mga puso namin...Pero, isa lang ho ang gusto kong ipakiusap sa inyo...Huwag sana nating idamay dito iyong bagay na matagal nating hinintay at pinaghandaan lahat, iyong fashion show.”

Inunahan ko na si Madam. Naisip ko kasi na maaaring kanselahin niya iyong fashion show mamaya, dahil sa mga nangyayari ngayon..........

    “Oryo is right...Ma, please lang...We can just talk about this later...For now, kailangan nating unahin iyong fashion show,”dagdag ni Hunsel.

Hindi naman tumutol si Madam sa hinihingi namin, napatahimik na lang siya. Matapos iyon ay lumabas na kami ng mansyon. Sa kotse ni Hunsel ako sumakay, umupo ko katabi niya sa harap. Gusto rin sana ni Hyro na sa amin na lang sumabay. Kaso hindi siya pinayagan ni Madam. Kaya napilitan na lang siya na dun sumakay sa kotse ng mommy niya.........

    “So, what really happened back there?”usisa ni Hunsel.
    “Huh?”
    “Oryo, I know sinabi mo lang kanina na okay ka, dahil kaharap natin si Mommy.”
    “Ang totoo, hindi ko rin maintindihan...Basta, bigla na lang may bumalik na alaala sa akin nung bata ko...Nung gabing...alam mo na...”

Kasunod nun, napatingin na lang ako sa bintana. Tapos napadantay ng kanang braso ko sa pinto.........

    “You had a flashback?”
    “Kung iyon ang tawag dun...Malamang ganun na nga...Sige na,  larga na muna tayo.”   
    “Fine, let just talk about this later...If there is still going to be a later.”

Napatingin ako sa kanya sa hirit niyang iyon. Ngumisi siya sa akin, pero kita naman sa mukha niya na pinipilit lang niya........
    “Loko ka, nakukuha mo pang mabiro.”

Tumingin na lang ulit ako sa bintana. Pagkataps nun, lumarga na kami.

SA VENUE, SI HYROMIN......

Pinauna na ko ni Mommy sa backstage. Pagpasok ko, I saw Revy and tita Divine. As expected, nauna na silang nakarating dito kesa sa amin. Paglapit ko sa kanila, aakap dapat si Revy sa akin. But I stopped him........

    “Oh my labs, bakit?”
    “Revy...Alam na ni Mommy iyong tungkol sa atin...Pati na rin iyong kina kuya...”
   
Natigilan na lang siya, then nakatinginan sila ni tita Divine.......

    “Pa...Paano na iyong mga plano natin mamaya?”
    “Tuloy pa rin...Everything will go as we planned.”

A moment later, dumating na rin si Mommy. Masama iyong titig niya sa amin, so humiwalay na lang muna ko sa kanila ng pwesto.

SI HUNSEL.....

Before going to the backstage, I decide to let Oryo go ahead of me and walk around the place for a while. Well, the police are all over the area. Sa una tingin, you can quickly assume na mahihirapan talagang makapasok dito si Primo. But knowing that guy, for sure makakagawa pa rin siya ng way para makalusot dito.

As I continue checking out, nagring iyong phone ko. It’s Rassel............

    “Hey, how is it going?”
    “Still here in the place that your brother told us.”
    “Si Primo?”
    “So far, di ko pa rin siya nakikitang luma—”

What happened to him? Bat napahinto siya?..........

    “Rass?”
    “Ah...Sorry for that...Si Primo kasi, lumabas na siya....Heto, sumasakay na siya ng motor...I think he’s going to head there already.”
     “Okay, thanks for the help...Sumunod ka na rin dito.”
   
Binaba ko na iyong phone.......

    “Hunsel.”

Napalingon ako, dahil sa tumawag sa akin. And here’s another one of our problems, Inspector Macaraig..........

    “Inspector.”
    “Bakit nandito ka? Di ba dapat nasa backstage ka na at naghahanda?”
    “I’m just checking things out...So, how is it going with the security measures?”
    “Wala na kayong dapat pang ipag-alala Hunsel...Napapaligiran na ng mga tao ko ang lugar na toh...At lahat ng mga entrance at exit, bantay-sarado na...Siguradong hindi na makakalusot iyang Primo na iyan ngayon.”
    “Hmph, don’t be too complacent Inspector...Si Primo ang pinag-uusapan natin dito.”

I was thinking of going to the backstage already, so lumakad na ko. Pero paglampas ko sa kanya, I remember that there’s something that I’ve been wanting to ask him about. Kaya napahinto ko, then lumingon ulit ako sa kanya..........
   
    “Inspector, do you mind if I ask you something?”
   
Nilingon din niya ko, and then he just knod at me...........

    “You’ve known Primo for a very long time, right? And I bet, alam na alam niyo na kung paano siya kumilos...So tell me, bakit hindi niyo siya mahuli-huli until now?”
    “Hunsel, alam naman nating pareho kung gaano kadulas iyang si Primo di ba?...At...At tutal nabanggit mo na rin iyan...Hindi ba’t timbog na sana siya dati, nung nanggulo siya sa photoshoot niyo? Ang problema lang, tinulungan siyang makatakas ng anak niya...Ng kapatid mo.”
    “Are you blaming my brother, Inspector?”
    “Hindi...Gusto ko lang naman ipunto sa iyo iyong mga posibilidad at senaryo na nagiging dahilan, kaya nahihirapan kaming mga pulis na mahuli ang mga gaya ni Primo.”
    “I see...”
    “Oh bueno, kailangan ko nang mauna sa iyo,”sambit niya na may kasamang pang pagtapik-tapik sa balikat ko.

Umalis na siya. Well, he had that nervous look in his face. Looks like my brother is right about him after all.

SI RASSEL.....

I thought I’m not going to make it, medyo naipit na naman kasi ko sa traffic. But thank God, I arrived at the venue 15 minutes before the fashion show’s start. Pagpasok ko, dumiretso na ko agad sa sit na nakareserve for me. Kung saan makakatabi ko rin si auntie and of course si Sky.

Si Sky lang iyong nadatnan ko. Malamang nasa backstage pa si auntie with Revy.........

    “Hey, why are you alone here? I thought kasama mo iyong mom mo ngayon?”tanong ko, sabay upo na sa tabi niya.
    “She didn’t make it...Apparently, something came up.”
    “I see...Kaya pala parang badtrip na naman iyang dating mo.”
    “Hmph...On the plus side, okay na rin na wala siya dito...At least, hindi na siya madadamay sa kung ano mang pwedeng mangyari later.”
    “Wait, you’re planning to stay until the end of the show?”
    “Yeah.”
    “Sky, this is going to be dangerous!”
    “So?...Look, I can’t just leave you guys here.”

Napakamot na lang ako ng ulo sa sinabi niya.........

    “Fine...But no matter what you do, just stick with me.”
    “As if naman makakaalis ako nang ganun-ganun lang.”

Oh, I forgot about it again. Napangisi na lang tuloy ako sa kanya. Nilabas ko iyong phone ko. Nagtext ako kay Oryo, to let him and the others know na nandito na ko. Pagtapos nun, naisip ko na icheck ulit iyong copy ng records na hiningi ko kay Hyro. I thought that we might have missed something in it. Besides, hindi pa naman nag-iistart iyong show.........

    “What are you doing?”
    “Just a re-check on the invesitgation records.”
    “Rass, of all the time na pwede mong gawin iyan...Ngayon pa talaga? Kung kailan pastart na iyong show?”
   
I wasn’t able to answer him, because I just noticed na merong discrepancies sa records........

    “Damn! Why didn’t I notice this before?”pabulong kong reaction.
    “What?”
    “Here, take a look at it.”

Pinakita at inexplain ko toh sa kanya........

    “It says here na merong five suspects dun sa nangyari before...Pero dito sa second folder na nakita nina Hyro, it says six...Not only that, dun sa first folder it says na namatay si tito Ritz from a single gunshot wound...While the other one says two.”
    “Are you trying to imply na minanipulate iyong results ng investigation?”
    “It could be....Wait, five suspects...So that would be Primo, Mariana....Iyong adoptive parents nina Oryo at Revy and....”
    “I assume the fifth one could be Hunsel’s dad, right?”
    “Yeah, probably...But if there would be a sixth member of their group...”

I actually have an idea already about the sixth person. Pero hesitant ako na na sabihin iyon in front of him. So, I just look at him........

    “Oh c’mon Rass! I refuse to believe what you’re thinking, hindi magagawa ng uncle ko iyan!”
    “Well, sa office niya galing toh di ba...So if he indeed have done some kind of magic with this...It means may gusto siyang pagtakpan.”
    “Still, this is just a speculation...Wala ka paring solid proof, so hindi pa rin ako maniniwala diyan sa sinasabi mo.”
    “Fine, di huwag kang maniwala...But I think, I have to let the others know about this.”
    “Rass, this is so not the time.”
    “No, I need to tell them now! Dahil kung tama ko, pwedeng isabotage ni Inspector iyong mga plano namin.”

SI ORYO.....

Suot ko na iyong unang damit na irarampa ko. At heto, inaayos na lang iyong buhok ko. Nariring iyong cellphone phone ko. Gusto ko sanang sagutin muna toh, pero bigla nang dumating si Ms. Fita...........

    “Boys! Hurry up! Mag-iistart na tayo.”

Hindi ko na nga nasagot iyong cellphone. At ilang sandali pa, nagsimula na nga ang Ebony & Ivory fashion show. Habang nagsimula na sa pagrampa iyong ibang mga modelo, pinapwesto na rin kaming apat para sa unang paglabas namin.

Sa kabila ng mga mangyayari mamaya, nananabik pa rin ako. Nananabik akong rumampa, at makita kung ano ang magiging reaksyon ng mga tao sa akin. Naaalala ko pa, noon nakikinood lang ako mula sa malayo. Pero ngayon, kasama na ko sa mga rarampa..........

    “Kuya, ready ka na ba?”usisa ni Revy.
    “Oo naman tol, excited na nga kong rumampa eh.”

SI RASSEL.....

    “Rass! Bakit ngayon mo lang sinabi toh?”iyan iyong reaction ni auntie, pagtapos kong sabihin iyong nanotice ko sa records.
    “Cause I only discovered it just now, auntie...And I tried to call Oryo, but obviously di na siya nagkaroon ng chance na sagutin iyong phone niya...Tatawagan ko pa lang din po sana kayo, but you’re already here.”
    “This is not good...Kailangan mapaalam natin toh sa kanila.”

In the middle of that, dumating na iyong moment na hinihintay ng mga tao dito........

    “There they are!”si Sky.

Napalingon na lang kami ni auntie in front. And there’s Revy and Hyromin already in the runway........

    “I guess we can’t do that at the moment, auntie.”
    “Yeah, and going to the backstage right now would be useless...Ganito na lang, itext mo na lang silang apat...Para kung sino man sa kanila ang unang magcheck ng phone, ipaparating na lang nila sa iba.”
    “No, I think isa lang po sa kanila ang kailangan...And I know exactly who it should be,”napapangiti kong sagot.

I sent the text message to Hyromin. Tapos sakto, nang nasa pinakafront na sila ng runway, I look at him. Good thing he noticed me right away. Sinenyasan ko siya; tipat ko iyong isang kamay ko sa tenga ko, as if I am speaking  on the phone.

BALIK KAY ORYO.....

Sa wakas, heto na, nasa runway na ko at rumarampa na. Napakaraming tao ang nanonood at nakitingin sa amin. At nang makita ko ang bakas ng pagkamangha sa mga mukha nila, tila nawala na iyong kabang nararamdaman ko kanina. Kaluguran at galak, iyan na ang nararamdaman ko ngayon.

Napagtanto ko rin, na unti-unti na rin talagang napamamahal sa akin itong pagmomodelo. At para sa akin, hindi lang ito basta propesyon. Isa itong pamana, pamana galing kay Papa. Kung anuman kasing natural na kakayahan ang meron ako para dito, nakuha ko iyon mula sa kanya.

At kahit na di na ko nagkaroon ng pagkakataon na makilala at makapiling siyang ulit, parang nandito na rin siya, parang kasama ko na rin siya. Dahil ginagawa ko iyong bagay na pinagpapahalagahan niya nang husto, ginagawa namin ng kapatid ko. Kung nanonood man siya sa amin ngayon, tiyak na proud na proud siya.

Pagdating namin ni Hunsel sa dulo ng runway, sa wakas nagawa na rin namin ng maayos iyong routine. Dahil tinitignan na niya ko ulit sa mga mata ko. Pero imbis na dalawang pose lang, kinailangan naming gawing tatlo ito. Iyon ay para maisagawa ang isang parte ng plano namin, ang pagsipat sa kahina-hinalang tao sa audience. Sa madaling salita, para alamin kung nandito na ba si Primo.

Kahit ang mga kapatid namin, ganun din ang ginawa kanina. Dito kasi sa runway ang pinakamagandag pwesto, para makita ang bawat sulok ng kinalalagyan ng mga manonood. Matapos iyon ay naghiwalay na kami at ginawa iyong mga sunod na parte ng routine. Kasabay nun, tuloy pa rin ang pasimpleng paggala ng mga mata namin sa buong paligid. Hanggang sa matapos na namin ang unang bahagi ng fashion show.

Bumalik na kami ulit sa backstage, para sa pagpapalit namin ng damit. Habang iyong ibang mga modelo naman ulit ang lumabas. Itong si Hyro, tila doble-doble ang pagmamadali...........

    “Oi tol, may problema ba?”usisa ko.
    “I will explain it to you later kuya!”sagot niya sabay biglang takbo na.

Napatingin na lang ako kina Revy at Hunsel, pagkatapos nun. Hinayaan na lang muna namin siya. Kailangan din kasi naming makapagbihis agad, bago matapos iyong mga modelong rumarampa sa runway.

BALIK KAY HYROMIN......   

Dahil sa senyas ni kuya Rass, dumiretso ko agad sa dresser ko. Then I grab my phone and check it. May text message, and obviously galing kay kuya Rass...........

    “There are discrepancies on the investigation records...It seem like minanipulate toh...The Inspector might actually be an accomplice to Primo...We need to do some changes to our plans quick! Tell the others!”

So that’s why there are two folders, fake iyong isa! But if this is true, it means Inspector Preston has been deceiving us all this time. Wait, this doesn’t make any sense! Kung kasama siya sa grupo nila, bakit gusto niyang mahuli sina Mommy at Primo?

In the middle of that, nagulat na lang ako. Dahil biglang may tumapik sa akin balikat. Paglingon ko, natigilan na lang ako nang makita ko kung sino iyon.

BALIK KAY ORYO.....

Tapos na kaming makapagbihis. Nakapwesto na rin ulit kami, para sa muling pagrampa. Pero si Hyro wala pa........

    “Revy, nasaan si Hyro?”usisa ni Hunsel.
    “Di ko siya napansin kuya eh, humiwalay kasi siya ng pwesto sa akin.”

At sa kalagitnaan nun, dumating na iyong taong     hinahanap namin. Mabuti at nakapagbihis na rin siya.........

    “Bro, what happened to you? Bat bigla kang nawala?”
    “Kanina sa runway, sinenyasan ako ni kuya Rass from the audience area...He was trying to tell me to check my phone, so I did...There was a text message from him.”
    “Tol anong sinabi ni Insan?”
    “He found some discrepancies on the investigation records...Kuya Oryo, it looks like nagkamali tayo ng taong pinagkatiwalaan!”

Medyo naguguluhan pa ko sa mga sinasabi ni Hyro. Ang daming tanong ngayon na tumatakbo sa isipan ko tungkol kay Inspektor. At kung talaga ngang naonse kami, malaking problema toh! Dahil alam ng taong iyon ang lahat-lahat ng mga gagawin namin ngayon!

Magtatanong pa sana ko kay Hyro, kaso bigla na kaming sinabihan na kami na ang rarampa. Dahil dun, naudlot ang pag-uusap namin. At bumalik na muna kami sa trabaho namin.

Mula kanina, hanggang ngayon sa pangalawa naming rampa, wala pa rin akong napapansin na kahina-hinala sa audience. Isa pa parang hindi ko rin napansin si Inspektor, eh dapat nandito rin siya. Nasaan kaya siya? Anong ginagawa niya?

Matapos ang pangalawa naming rampa, dun lang kami ulit nagkaroon ng tsansa na ituloy ang naudlot naming usapan............

    “Ano, meron na bang nakakita sa inyo kay Primo?”usisa ko.
    “Negative, I didn’t see him yet,”sagot ni Hunsel.
    “Ako rin kuya, di ko pa rin siya nakikita...Di kaya wala pa siya dito?”dagdag ni Revy.
    “I don’t think so...Rass told me na nakita niyang umalis si Primo kanina dun sa hideout,”si Hunsel.
    “Di maganda toh, kahit si Inspektor di ko rin nakikita...Tila nawawala rin siya,”sambit ko.
    “Don’t bother looking for Primo...”
Napalingon kaming tatlo sa sinabing iyon ni Hyro..........

    “Dahil di na kailangan,”pagpapatuloy niya.
    “Tol, anong ibig mong sabihin?”
    “Nandito na siya...Pinuntahan niya ko kanina sa dresser ko, nung binabasa ko iyong text ni kuya Rass.”
    “What!”bulalas ni Hunsel.
    “Don’t worry guys...Kinausap lang niya ko.”
    “Anong sinabi mo sa kanya?”usisa ko.
    “Everything...I told him na ibibigay natin sa kanya ngayon iyong bagay na gusto niya, para matapos na ang panggugulo niya sa mga buhay natin...Just to make things easier.”

Iyon nga ang plano namin ngayon. Ang ilantad ang dapat na mailantad. Bagay na siyang ring minimithi ni Primo na gawin ko, sa simula’t sapul pa lang. Pero gagawin din namin ito, dahil ito ang sa tingin naming nararapat. Para maitama, ang mga maling nangyari sa nakaraan.

Sa kabilang banda, tiyak na hindi palalampasin ni Primo iyon. Gugustuhin niya na makita ng dalawang mga mata niya, ang paghihiganting inaasam-asam niya. At iyong pagkakataon na iyon sana, ang gagamitin ni Inspektor para tuluyan na siyang masukol........

    “Pero paano na ngayon?...Ano nang gagawin natin, kung di pala natin maasahan si Inspektor?”usisa ko.
    “Well, hindi lang naman siya iyong pulis na nandito ngayon right? In fact nakausap ko na si kuya Rass about this...Mamaya, when it’s about time...He will go para humingi ng tulong sa mga pulis na nasa labas,”sagot ni Hyro.

Hay, buti na lang talaga, matalino at mabilis mag-isip itong bata na toh........

    “And another thing...I want to make sure na matatapos ang lahat ng toh nang walang masasaktan sa atin...So, I came up with a plan B,”si Hyro ulit.
    “What plan B?”usisa ni Hunsel.
    “I made an agreement with Primo...After ng fashion show, tatakas ako...I will go with him.”
    “Ha? My labs naman! Bakit kailangan mo pang gawin iyon?”
    “Revy I have to...Just in case na hindi siya mahuli, don’t do anything more...Hayaan niyo na lang muna ko na sumama sa kanya...I will bring my phone with me, para malaman niyo kung nasaan kami via GPS...Just like before nung niligtas natin si Revy.”
    “Tol, delikado iyang gusto mong gawin!”
    “Kuya Oryo...He is still my father...And somehow, narealize ko na rin na di ko na mababago iyon...After all, I am one of the reasons why he became a monster...Because I was taken away from him...Pero ngayon, I am hoping na meron pa ring natitirang pagkatao sa kanya...Pagkatao, para maconvince ko siya na sumuko na lang nang maayos.”

Dahil sa mga rason na iyon na ipinaliwanag niya sa amin, napagdesisyunan naming tatlo na hayaan na lamang siya sa gusto niyang mangyari.  

BALIK KAY HUNSEL.....

After we’re done talking, we quickly proceed to changing our outfits. Then tumuloy na ulit kami sa fashion show. Until, we’re finally down to the last pair of outfit from the Ebony & Ivory clothing line. It means, dito na matatapos iyong fashion show.

I call this part “the finale walk”. This part has always been my favorite. Ito  kasi iyong kino-consider na pinakaimportanteng part ng fashion show. Ever since, kami ng brother ko ang laging rumarampa para dito. Not knowing na hindi pala kami ang dapat na nandito.

But now, the time has come to finish this huge pile of lies. We have to give away the finale walk, to those who truly deserve it.

Here comes the De Chavez brothers, wearing the last outfits.......

    “This is it...Are you guys ready?”tanong ko.
    “Di ba kami dapat iyong nagtatanong niyan sa iyo?”si Oryo.
    “Maybe...Or I think pare-pareho lang tayo?”

We just both laugh sa mga pinagsasabi namin.........

    “To be honest, I don’t think I will be ever ready for this....I mean, ipagkakalulo ko lang naman ang sarili kong ina for the sake of doing what is right...It’s not that much of a big deal.”
    “Ikaw talaga oh...Dinadaan mo na naman sa biro eh.”
   
I am just actually trying to cheer myself up. Pero deep inside, I am scared as hell para sa kung anong mangyayari kay Mommy at sa family namin, after this........

    “Anyway, what about you...Joaquin?”
    “Hmph...Parang nakakapanibago ata na tawagin mo ko sa pangalang iyan ah...Ni hindi ko pa nga nalulunon nang maayos iyong totoong pagkatao ko eh...Hehe....”
   
After a few seconds, the staff is already giving the cue para sa finale walk.......
   
    “That’s your cue guys...Paano? Goodluck sa iyo kuya Joaquin...Lalo na sa iyo, mahal kong Johnray,”sambit ng brother ko with a pale smile.

Napasmile na lang rin si Revy sa kanya. As for me, I took a very deep breath. I ask for a wireless microphone, then lumabas na ko para gawin ang big announcement. Slowly, lumakad ako papunta sa dulo ng runway. Then dun na ko nagstart.........

    “Good evening everyone....First of all, I would like to thank you all for coming to my comeback fashion show...I actually thought na kamay na ang gagamitin kong pangrampa sa susunod kong show...But here I am.”

Some of them actually laugh from that joke, eveng though may pagkacorny........

    “Well, I just hope this wouldn’t be my last.”

Before continuing, I take a thorough observation on the audience. Aside from tita Divine and the other two, nakita ko si Mommy of course. Nakatingin siya sa akin with a confuse look in her face. Pero si Primo, I still didn’t spot him yet. Where the hell could he be?.........

    “Ahmmm...You must be all wondering kung bakit nag-iisa lang ako dito right now at nagsasalita lang...Instead of doing the finale walk with my brother, like what we always do...That’’s because...We won’t be doing the finale walk this time.”

Almost all of them, nakatinginan because of what I said.........

    “There are two other models, that will do it in place of us.”

Even before I can continue, umakyat na si Mommy sa runway at nilapitan ako..........

    “Hunsel, what are you doing! What is the meaning of this!”pagalit, pero pabulong niyang tanong.

I wasn’t able to speak, I just stare at her.

ITUTULOY.......

No comments:

Post a Comment