m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Friday, August 26, 2016

You Light my Fire (Part 3)

By: Lord Iris

Chapter 3: Comfort

Raypaul POV

Ilang linggo na din kaming magkaibigan ni Kith at masaya ako na kasama ko siya palagi, close na nga kami eh. Minsan pinagseselosan na ako ni Peter pero alam naman niya na may girlfriend ako at loyal ako sa kanya.

Di ko inakala na magiging bestfriend ko siya binago niya ang paningin ko sa mga bading dahil napakabait niya kaya na-realize ko na mali ang mga iniisip ko tungkol sa kanya.

Pagkatapos ng klase humiwalay na ako sa kanila dahil makikipagkita ako sa girlfriend ko kaya exited na ako. Matagal na rin kasi kaming di nagkikita miss na miss ko na siya pero di ko nga alam kung na miss ba niya ako kasi lagi daw siyang busy pero ngayon magde-date na kami.

kanina pa pala siya nandun sa resto pero may kasama siyang lalaki na di ko kilala, sana mali ang iniisip ko pero nakaramdam ako ng paninikip sa dibdib habang lumalapit ako sa kanila.

"oh Ray...paul ka..nina ka pa ba diyan?" Nauutal niyang sabi pero sumisikip talaga ang dibdib ko may masama akong kutob.

"Miss na miss na kita I love you" sagot ko.

"Ah! Raypaul gusto ko ng linawin ang lahat dahil di ko na kaya to" ano uli ang sinabi niya?

Ano bang nangyayari ayokong marinig ang mga sasabihin niya pero ano ba ang ibig niyang sabihin?

"Minahal din kita pero ayoko na sayo may bago na akong mahal sana maintindihan mo!" bumagsak ang luha ko sa sinabi niyang yon di ako makapagsalita sumisikip ang dibdib ko

"Pero mahal na mahal kita parang awa mo na wag mo kong iwan" pagmamaka-awa ko.

"Tama na ayoko na sayo di na kita gustong makasama". Di ko na napigilan ang galit ko habang tumutulo ang mga luha ko kasabay nito ang pagbugbog ko sa bago niyang boyfriend pero di ito nanlaban.

Pinaalis ako sa resto ng mga guard habang nakikita ng dalawang mata ko ang pagyakap niya sa boyfriend niya.

At wala akong ibang nagawa kundi humagulgol at mag-inom sa isang bar at pagkatapos napaupo na lang ako sa isang tabi sa kalye madaling araw na kaya wala ng ibang tao.

Lasing na ako pero ang sakit sakit pa din ng nararamdaman ko, sana bigla na lang may sumaksak sa akon dito para matapos na ang paghihirap ko.

Kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pag-agos ng luha ko wala na akong pakealam basang-basa na ako hanggang sa maramdaman ko ang pagpayong ng isang tao sa akin.

Kith POV

Galing ako sa cafe pabalik na ako sa condo, umulan ng malakas buti na lang may payong ako.

Nabigla ako ng may makita akong lalaki na nakaupo sa kalsada basang-basa na siya at umiiyak pero ng lapitan ko si Raypaul pala yun.

Agad ko siyang niyakap para maramdaman niyang di siya nag-iisa dahil ayokong makakita ng taong umiiyak at nasasaktan lalo na kapag kaibigan ko.

Mahigpit ang yakap ko at wala akong pakialam kahit basa na siya pero amoy ko ang alak sa kanya.

"Ray wag ka nang umiyak please nandito lang ako di kita iiwan".
naiiyak kong sabi

"Kith sobrang sakit, niloko niya ako pero mahal na mahal ko siya". humahagulgol niyang sabi

"Ray ito ang tandaan mo hindi mo dapat iyakan ang isang manloloko, tumayo ka na at ipakita mo sa kanya na kaya mong mabuhay ng wala siya". Nakayakap pa rin ako sa kanya pero pinunasan ko ang luha niya at tumayo na kami pareho.

Lasing na lasing na siya kaya dinala ko na lang siya sa condo pinagbihis ko na siya ng damit para walang malisya.

Sa pagkakataong ito nakatulog na siya sa kama ko, aalis na sana ako at sa sofa na lang matutulog pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko

"Di ba sabi mo di mo ako iiwan? Dito ka lang sa tabi ko" natuwa ako sa sinabi niya akala ko kasi tulog na siya kaya humiga na ako sa tabi niya.

Di ko maintindihan ang iniisip niya unti-unti niyang nilalapit ang mukha niya sa mukha ko at hindi ako makagalaw dahil mahigpit ang hawak niya pero biglang tumunog ang cellphone ko kaya binitiwan niya ako at natulog na.

Nang sagutin ko si James pala ang tumatawag...

"Kith!!! di ko makita yung pinsan ko balita ko break na daw sila ng girlfriend niya at nag-aalala na ako baka kung anong gawin niya". Halos mabingi ako ang lakas ng pagkakasabi niya.

"Kasama ko siya ngayon kaya wag ka mag-alala ako na bahala sa kanya"
Sagot ko para di na siya mag-alala

"Naku mabuti naman wag mo siya pabayaan ha? alagaan mo ang pinsan ko suicidal yan!" Binaba na niya ang phone pero nag-alala ako kay Raypaul kaya tumingin ako sa kanya.
Akala ko tulog na siya pero nakatitig siya sakin.

"Giniginaw ka ba? Gusto mo bawasan ko yung aircon?" Tanong ko kasi kanina pa siya nakatitig sakin.

"Oo... pero wag kana tumayo dito ka lang". Sabi niya habang nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya. Siguro kailangan niya talaga ng kasama.

Nilalamig na siya kaya niyakap ko na lang siya at naramdaman ko na nanginginig siya pero huminto siya nung niyakap ko.

Raypaul POV

Kagabi dinala ako ni Kith sa condo niya at pinagbihis ako, halatang wala siyang pagnanasa sa akin.

di ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero gusto ko siyang halikan, gusto kong malaman kung may nararamdaman ako para sa kanya, gusto kong malaman ang ibig sabihin ng mga pagseselos ko pero biglang nag-ring ang phone niya kaya binitiwan ko siya.

sinabi ko na giniginaw ako, nanginginig na ako sa lamig kahit nakakumot pero ayokong umalis siya sa tabi ko.

Niyakap niya ako at nawala ang panginginig ko, naramdaman ko ang init ng katawan niya at kumabog ng malakas ang dibdib ko.

Buti na lang nakita niya ako sa kalye dahil baka nagpasagasa na ako kung di siya dumating.

Natulog ako ng nakayakap siya sa akin, pakiramdam ko di ako nag-iisa kaya medyo gumaan ang pakiramdam ko.

Kaninang umaga ng minulat ko ang mga mata ko wala na siya sa tabi ko
pero bigla siyang sumulpot sa harapan ko.

"Sorry ha, umalis ako saglit para bilhan ka ng gamot kanina kasi nakapa ko yung noo mo at nilalagnat ka na" pinainom na ako ng gamot ni Kith at halatang nag-aalala siya sa akin kasi masama ang pakiramdam ko.

"Sorry Kith kasi naabala kita" sabi ko

"Ano ka ba? Kaibigan kita di kita pwedeng pabayaan" nahiya tuloy ako sa sinabi niya

"Thank you ha, nakakahiya tuloy sayo" pagpapasalamat ko

"Bat ka naman mahihiya diba bestfriend mo ko? Aalagaan kita hanggang sa maging ok ka na" malambing niyang sagot.

Umalis muna siya saglit magluluto lang daw siya gusto niya na magpahinga muna ako di kasi ako makatayo sa kama ang sama ng pakiramdam ko ngayon.

Sinusubuan niya ako ng mainit na sopas at di ko alam na masarap pala siya magluto. Ramdam na ramdam ko ang pag-aalaga at pag-aasikaso sa akin ni Kith. Lagi din niyang chini-check kung bumaba na yung lagnat ko..Siya Lang din ang tumatawag sa akin ng "Ray" pakiramdam ko tuloy special ako sa kanya.

Isa lang ang alam ko nung araw na yun "mahal ko na si Kith"

Pero paano ko aaminin? baka masaktan si Peter alam ko kasi na seryoso siya kay Kith, pero paano ako? gusto ko na nasa tabi ko lang ang taong mahal ko.

Sa school....

Abala ang lahat sa pagpapractice may school program kasi kami kaya busy lahat exempted daw sa ibang subject sa exam kapag nag-perform.

Balak ko munang sabihin kila Peter ang nararamdaman ko bago ko sabihin ito kay Kith, pero mas close kami ngayon ni Kith siya ang lagi kong kasama.

lagi niya akong pinapanood mag-practice sumayaw pero di ko pa siya nakitang mag-practice sa condo daw niya ginagawa.

Samantala wala ngayon si Kith kasi may inuutos sa kanya ang adviser namin kaya pagkakataon ko nang umamin kasi kami lang naman anim ang nandito.

Ni lock ko ang pinto para walang ibang makarinig at nag salita na ako

"alam niyo na-confuse ako kung anong naramdaman ko nung una kong makita si Kith natulala ako"
Sabi ko sa kanila na ikinagulat nila

"Anong ibig mong sabihin?" pagtataka ni vincent

"Nung una di ko pinansin kasi akala ko wala lang pero nung inalagaan niya ako nagliwanag ang lahat sakin kaya..."di pa ko tapos magsalita pero sumabat si Kagura

"Ok gets ko na! Medyo halata naman kasi good luck sayo!". Nakangiti siya sakin nung sabihin niya yun

"Ituloy mo na yung sasabihin mo!"
Seryosong sabi ni Peter

"mahal ko siya! Mahal na mahal ko si Kith!" Pag-amin ko pero mukhang nalungkot si Peter gaya ng inaasahan ko kaya tinanong ko siya

"Peter sorry pero mahal ko siya, galit ka ba sa akin?" Tanong ko

"Hindi ako galit, malungkot lang ako kasi may kakumpitensya na ako kay Kith. Pero di naman kita masisisi kung magkagusto ka sa kanya". malungkot niyang sabi na pero natuwa ako.

"Salamat sa understanding mo pre".
Pagpapasalamat ko kay peter

"Ang bait kasi ni Kith, mala-anghel pa, kahit ako na turn on sa kanya" sabi ni James kaya bigla kaming napatitig ni Peter ng masama sa kanya.

"Relax lang! wala akong interes sa kanya... babae lang gusto ko yung sexy at malaki dede". Natawa na lang kaming lahat.

Baliw kasi to si James, pero ako din naman sa babae lang nagkakagusto nung di ko pa nakilala si Kith...

"Basta kung sino man ang piliin sa atin ni Kith magkaibigan pa din tayo? May the best man win".

At agad kaming nag-shake hands ni Peter tanda ng kasunduan...

"Pero di ako susuko sa kanya". Dagdag pa ni Peter.

"Lalo na ako!". Pagbabanta ko.

Nakakagulat ng biglang tumawa si Kagura pano ba naman seryoso kami tapos bigla siyang hahalakhak...

Ayaw niya magpaawat sa kakatawa nakahawak pa siya sa tiyan niya...

"Good luck na lang sa inyong dalawa! baka mamaya pareho pa kayong ma-busted niyan hahahha. Kung gusto niyo talagang ligawan si Kith magpaalam muna kayo sakin, sa papa ko kasi tatay-tatayan na siya ni Kith at ang pinaka-importante magpaalam muna kayo kay Rogue". Seryoso na siya habang sinasabi yun.

Narinig ko na naman yung pangalang "Rogue" sino ba talaga siya?

"Sino ba si Rogue?". Sabay naming tanong ni Peter.

"Secret!!!! Pero makikilala niyo na siya, ipapakilala siya sa inyo ni Kith". Natatawang sabi ni Kagura

Sino ba kasi yun?

Ano ba kasi siya kay Kith?

Si Kagura naman pa suspense... Ayaw pang sabihin... Hay! nakakainis talaga!

"Baka mamaya ma-insecure kayo pag nakita nyo na si Rogue". Natatawang sabi ni Kagura na talaga namang nakaka-curious.

Sa di inaasahan may kumatok sa pinto, ng buksan ko si Kith pala kaya napangiti na ako.

"Oh? Bat kayo nakatitig lahat sakin? May nangyari ba?" Tanong ni Kith

"Wala naman may pinag-uusapan lang kami dapat kanina ka pa nandito eh". Sagot ni Kagura

"Kith sino si Rogue?" Seryoso kong tanong kasi naguguluhan talaga ako

"Diba sinabi ko na sayo? baby brother ko siya. Huwag ka mag-alala ipapakilala kita sa kanya malapit na at matutuwa yun sayo kasi binabantayan mo ako habang wala pa siya dito." yun lang ang paliwanag ni Kith

"Diba sabi mo siya ang pinaka-importanteng lalaki sa buhay mo? Kung ganun pang-ilan ako" di ko mapigilan ang sarili ko kaya yun ang lumabas sa bibig ko

"Pangalawa" kinilig ako sa sinabi ni Kith kaya napakagat ako sa labi ko at kinindatan ko si Peter pero nainis siya

Tuwang-tuwa na ako nun pero bigla na lang nagtanong si Kagura

"Edi pang-ilan pala si papa?"
Pataray ang pagkakasabi

"Anu bayan! Kailangan ba may ranking ha?" Natatawang sagot ni Kith pero napansin ko tahimik lang si Peter.

"Gagawin ko ang lahat para ako ang maging pinaka-importanteng tao sa buhay mo" yun na lang ang sinabi ko kaya biglang nag-blush si Kith na ikinatuwa ko.

"Naku! Mahihirapan ka diyan tsk tsk tsk" sabi ni kagura

"maliban na lang kung mapasayo ang puso ni Kith" dagdag pa ni Kagura

Tinitigan ko si Kith pero di siya makatingin sa akin at nag-blush talaga siya kaya doble-doble ang saya ko nung mga oras na yun.

Biglang sumigaw si vincent ng
" 1 - 0 " at talagang may score pa kami ni Peter.

At lumipas ang ilang araw ng pagporma ko kay Kith ganun din si Peter. Dumating na ang araw ng program at kami na ang magpeperform...

Kith POV

Sila Raypaul na ang mag-peperform pero habang sumasayaw sila nakatingin lang sakin si Ray at bigla niya akong kinindatan, di ko talaga sure kong ako yun pero bigla akong nakaramdam ng tuwa at kilig.

Pero nakakainis kasi nagtitilian ang mga babaeng studyante nabibingi na ata ako.

Ang galing niya sumayaw, sa kanya lang ako nakatingin at nakangiti pa siya, sana di na matapos ang sayaw niya na ito.

At nung natapos na para akong nabitin pero ako na ang kasunod kaya pinalagay ko na yung piano kasi kakanta ako pero iba ngayon isang malungkot at isang masaya.

Sana makaya kong kantahin ito ng hindi maluluha pero bago ako tumugtog may message muna ako.

Raypaul POV

Kinindatan ko si Kith sana matuwa siya o di kaya kiligin kasi naman nagtitilian ang mga katabi niya pero alam kong nakatingin lang siya sakin.

Siya na ang magpe-perform kaya naman na curious ako sa kakantahin niya kasi never ko siya nakitang mag-practice pero yung mga ka-group niya palagi nag-papractice.

Kung sa amin parang dance group sa kanila naman banda at si Kith ang vocalist pati piano, pero bago sila mag-start may message si Kith.

"I will dedicate this song for my close friends specially to Raypaul".

Nabigla ako sa sinabi niya at lahat ata ng tao nakatingin sakin pero ngumiti ako sa sobrang saya kasi tingin ko special ako sa kanya.

Umubo muna siya bago tumugtog...

When the days are cold
And the cards all fold
And the saints we see
Are all made of gold

When your dreams all fail
And the ones we hail
Are the worst of all

Pagkabanggit niya ng line na yun tumitig siya sa akin at biglang pumikit

And the blood's run stale

I wanna hide the truth
I wanna shelter you
But with the beast inside
There's nowhere we can hide

No matter what we breed
We still are made of greed
This is my kingdom come
This is my kingdom come

Parang may gustong ipahiwatig si Kith sa bawat lyrics pero di ko alam kung ano yun

When you feel my heat
Look into my eyes
It's where my demons hide
It's where my demons hide
Don't get too close
It's dark inside
It's where my demons hide
It's where my demons hide

At the curtain's call
It's the last of all
When the lights fade out
All the sinners crawl

So they dug your grave
And the masquerade
Will come calling out
At the mess you made

Don't wanna let you down
But I am hell bound
Though this is all for you
Don't wanna hide the truth

No matter what we breed
We still are made of greed
This is my kingdom come
This is my kingdom come

When you feel my heat
Look into my eyes
It's where my demons hide
It's where my demons hide
Don't get too close
It's dark inside
It's where my demons hide
It's where my demons hide

Parang may gustong sabihin si Kith pero puro lungkot ang nasa mata niya

They say it's what you make
I say it's up to fate
It's woven in my soul
I need to let you go

Your eyes, they shine so bright
I wanna save that light
I can't escape this now
Unless you show me how

When you feel my heat
Look into my eyes
It's where my demons hide
It's where my demons hide
Don't get too close
It's dark inside
It's where my demons hide
It's where my demons hide

Natapos niya yung kanta at nag-enjoy kaming lahat lalo na ako kasi narinig ko na naman ang mala-anghel niyang tinig...

Nagtitilian lahat at alam kong namangha sila sa boses ni Kith pero di pa pala tapos may kasunod pa siyang kanta pero mukhang masaya ang kanta ngayon...


You've got me feeling emotions
Deeper than I've ever dreamed of
You've got me feeling emotions
Higher than the heavens above

"grabe di ba mataas yang kanta na yan? Kaya kaya niya?" Usapan ng nasa likod namin.

I feel good
I feel nice
I've never felt so
Satisfied
I'm in love
I'm alive
Intoxicated
Flying high
It feels like a dream
When you touch me tenderly
I don't know if it's real
But I like the way I feel
Inside

Napanganga kaming lahat sa narinig namin yung iba naghiyawan. Grabe ngayon lang ako nakarinig ng ganon kataas na kanta whistle tone daw yun

You've got me feeling emotions
Deeper than I've ever dreamed of
You've got me feeling emotions
Higher than the heavens above

In the morning
When I rise
You are the first thing
On my mind
And in the middle
Of the night
I feel your heartbeat
Next to mine
If feels like a dream
When you love me tenderly
I don't know if you're for real
But I like the way I feel
Inside

Inulit niya uli yung whistle tone at sumigaw yung lalaki sa likod namin

"Grabe pano mo ginagawa yun? Halimaw ka!" Halata naman na amaze kami, si James ginagaya pa pero di niya magawa natatawa tuloy kami.

You've got me feeling emotions
Deeper than I've ever dreamed of
You've got me feeling emotions
Higher than the heavens above

You know the way to make me lose control
When you're looking into my eyes
You make me feel so
High

Sobrang taas na nung ending at nung matapos sila mag-perform nagtanong yung MC...

"may ibon ka ba sa bibig? Akala ko babae lang nakakagawa ng whistle tone" natatawa si Kith pero di pa rin natatapos ang palakpakan ng mga tao

Inaamin ko sila ang may pinaka-magandang perfomance nung gabing yun. Andaming nag-congratulate samin lalo na kay Kith kaya dumami ang mga nagkaka-crush sa grupo namin.

Di ko pinapansin ang mga nagpapadala ng love letters pero sabi nila kay Kith sayang daw ang look niya Gay pala siya pero di halata baka may pag-asa pa daw pero tinatawanan lang ni Kith...

No comments:

Post a Comment