m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Monday, September 12, 2016

Here and Now (Part 57)

By: Chaster Rassel 

Chapter 57: The Second Bombshell...

SI HUNSEL.....

I guess, it is really easier to say than done. Ngayon kasi na nandito na ko runway, at kaharap si Mommy in this way, mas naramdaman ko iyong sakit. I know na sobra-sobra ko rin siyang masasaktan dito, but I have to do it..........

    “Ma...We already know everything...Alam na namin ni Hyro ang lahat ng mga kasalanan sa batas na ginawa niyo dati.”

Natigilan na lang siya.........

    “I’m sorry Ma...I have to do this, dahil ito po iyong tama.”

I said that, as my eyes start to get filled with tears. Then, humarap na ulit ako sa audience.

    “Ladies and gentlemen...For the finale walk...I would like to present to you, these two naturally talented models who have been joining us since the beginning of the show...After all, sila ang mga anak ng dalawa sa mga itinuturing na haligi ng Philippine fashion industry...They are the sons of the late, Ritz De Chavez....And Divine De Chavez, who is here as well.”

Tinuro ko ng kamay ko si tita Divine. I thought she will just knod and smile at me, pero tumayo siya. Then tumingin siya sa mga tao, at sa kanila nagsmile. After nun, umupo na siya ulit..........

    “Yes, you heard it right...After being lost for eleven long years, they are back...I introduce you, Joaquin and Johnray De Chavez!”

Finally, lumabas na silang dalawa. But instead of doing the suppose to be routine of the finale walk, sinamahan lang nila kami ni Mommy sa dulo ng runway. I see that Rass is already making his move as well. And it looks like he’s taking Skylar with him. That’s it! It’s time to end this right now!   

SI RASSEL.....

We got out of our sits. Nasa may pathway na kami sa gilid ng audience area, at papunta na sa exit...........

    “Everyone! I want all of you to know...These two are the rightful ones for the runway...At hindi po kami ng kapatid ko...Dahil kung ano man po ang meron kami ngayon, sila ang dapat na nagmamay-ari nun...Dahil lahat ng meron kami, ninakaw lang po ng pamilya namin sa kanila! Ang pamilya po namin, ang sumira sa pamilya nila!”
   

And there it goes, the bombshell was emotionally dropped down by Hunsel already. Hindi ko naiwasan na mapahinto sa pagtulak kay Sky, at mapatingin sa kanila sa runway.

It immediately created a commotion within the audience. Even iyong mga media na nabigyan ng accomodation, nagkagulo. Nagsilapitan ang mga toh sa tapat nila, at nag-unahan sa pagkuha ng mga pictures.

While I’m observing, I noticed this guy standing at the very back of the audience area. He’s wearing a hooded jacket, with the hood down and covering his face. Given na nasa loob kami ng building, kaduda-duda iyong itsura niya. Tapos, nakapasok pa iyong mga kamay niya sa magkabilang bulsa ng jacket. As if he is hiding something there. Wait! Could he be... Primo!.........

    “Let’s go! We need to get out of here right now!”sambit ko.
    “Wait, bakit ba kailangang isama mo pa ko? I’m just going to be a hindrance to you.”
    “Because I’m gonna bring you somewhere safe...I want to make sure na hindi ka madadamay, just in case na—”
   
Suddenly, there was a loud bang! It sounds like may something sa sumabog! Tapos nagdilim ang buong paligid! 

SI ORYO.....

Sinubukan kong lumingon-lingon, pero halos wala akong makita dahil sa sobrang dilim! Bigla kong naisip iyong cellphone ko, pwede ko nga pa lang gamitin iyong pailaw. Pero bago ko pa man mailabas toh, naunahan na ko ni Revy.

Napansin ko na lang na medyo lumiwanag sa tabi ko, dahil hawak na niya iyong cellphone niya. Una niya itong itinapat sa akin.........

    “Kuya okay ka ba?”
    “Okay lang tol.”

Sunod, hinawi naman niya toh papunta kina Hunsel. Napatingin naman ako sa audience. Gumamit na rin ng cellphone ang karamihan sa kanila. Kaya medyo nagliwanag na rin sa pwesto nila. Dun ko naaninag na parang may pigura ng taong nakatayo sa likuran nila, kaya natigilan ako. Si Primo?

Tumingin ako sandali kina Hunsel. Akap niya si Madam, at ayos naman sila. Kaya tumingin na ulit ako agad sa audience. Nandun pa rin iyong tao, hindi ko gaanong makita iyong mukha niya. Pero tila nakatitig din siya sa akin. Napansin ko rin, may parang goggles na nakakabit sa isa niyang mata.

Ilang saglit pa, nagulat na lang ako nang bigla niyang iangat iyong isang kamay niya. Meron siyang baril! At nakatutok toh sa akin! Hindi ko magawang kumilos, dahil na rin sa matinding pagkabigla........

    “Kuya Oryo!”

Nagulat na lang ako sa paghiyaw ni Revy. Naging mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Nahuli ko na lang na nakaharang na sa akin iyong kapatid ko. Itinulak niya ko. Kasabay ng pagtulak niya sa akin, ang malakas na ingay ng pagputok. Na naging dahilan para mapasigaw ang mga tao.

Naramdaman ko na parang may tumama sa braso ko, tapos bumagsak na kaming pareho sa sahig. Kasunod nun, nagliwanag na ulit ang paligid...........

    “Tol!”bulalas ko.

Natakot ako, ang buong akala ko ay may nangyari nang masama sa kapatid ko. Pero nakahinga ko nang maluwag, nang bigla siyang gumalaw at dahan-dahang bumangon............

    “Ayos lang ako kuya.”

Habang nakatingin siya sa akin, nanlaki bigla ang mga mata niya..........

    “Kuya! May sugat ka!”
   
Napatingin na lang ako sa braso ko. Iyon pala iyong naramdaman ko, ako pala ang nadali. At dahil sa mga pangyayaring iyon, tuluyan nang nagkagulo ang mga tao. Nagsitayuan at takbuhan sila palabas. Tumingin ako ulit dun sa pwestong kinatatayuan nung taong nagtangka sa akin. Pero wala na siya dun!

Tinulungan naman ako ng kapatid ko na bumangon. Bumalik na kami ng backstage, ganun din sina Hunsel at Madam..........

    “Oryo, we need to take you to the ospital!”bulalas ni Hunsel.
    “Hindi na kailangan Hunsel...Daplis lang toh, kaya ko toh.”

Sa kalagitnaan nun, dumating si Mama. Dali-dali siyang lumapit sa amin.........

    “Are you two okay?”usisa niya.

Agad niya syempreng napansin ang kalagayan ko..........

    “Oryo...May...May tama ka!”

Hindi ako agad nakasagot kay Mama. Saglit akong natigilan at napatingin kay Madam na nakatayo lang sa may tapat namin. Nagkatinginan rin sila ni Mama, pero di naman sila nagkibukan. Eto na nga, dito na nga nagwawakas ang pagpapanggap ko. Pati na rin ang mga kasinungalingan, na bumabalot sa aming lahat..........

    “Huwag na po kayong mag-alala...Daplis lang naman po toh, ayos lang ako...Mama.”

At sa kauna-unahang pagkakataon, tinawag ko ngang Mama si Mama, sa harap ni Madam. Hindi na siya kinakitaan ng pagkabigla. Malamang, napagtanto na rin niya ang mga bagay-bagay, dahil sa paglantad na ginawa namin ng kapatid ko kani-kanina lang.

Mayamaya pa, umiwas na lang siya ng tingin mula sa amin. Marahan siyang napalingon-lingon sa paligid, sabay tingin kay Hunsel..........

    “Hunsel...Where’s your brother?”

BALIK KAY RASSEL.....

Everyone is already in chaos. Nagdecide ako na unahin na muna iyong safety ni Sky. On the way na kami sa back entance ng building. Dun kasi iyong parking area, kung saan pinark ko iyong kotse ko........

    “Rass, we need to go back there!”
    “No! Nagkakagulo na dun, it’s too dangerous!”
    “Di mo ba nakita iyong nangyari sa pinsan mo!”
    “Sky I saw it! I even saw the guy who shot him before it happened!”
    “What?”
    “I already noticed that he was acting suspicious, pero wala akong nagawa para pigilan siya...Wala akong nagawa para sa safety nila Oryo! So now, I want to make sure na hindi mauulit iyon sa iyo!...Kaya dadalhin na muna kita sa kotse ko, dun ka na muna.”   

Hindi na siya nakipag-argue pa sa akin. Pagdating namin sa kotse, binuksan ko na agad iyong pinto ng passenger seat. Isinakay ko na siya.........

    “Just wait here, ako na lang muna ang babalik sa loob.”

Tumango siya sa akin. Isasara ko na iyong pinto, nang mapasulyap ako sa likuran ko. I think I saw someone, kaya tumingin ulit ako. And I was right, may tao ngang nakatayo sa di kalayuan sa amin. And to my surprise, it’s that guy wearing a hooded jacket! Si Primo!

BALIK KAY ORYO.....

Pinaupo na muna ko ni Mama. May dala pala siyang towel sa bag niya. Inabot niya toh kay Revy, at ito ang ginamit na pangtali para sa sugat ko. Habang inaayos ng kapatid ko iyong pagkakatali, patuloy naman iyong pag-uusap nina Hunsel at Madam...........

    “Answer me Hunsel! Where is your brother!”

Hindi agad nakasagot si Hunsel. Pero kung wala na nga talaga si Hyro dito, iisang lang ang ibig sabihin nun.........

    “He...He must have gone with Primo already.”
    “What do you mean gone?...Are you saying na kusa siyang sumama sa tatay niya, and you knew about it!”
    “Yes.”
    “Hunsel! Bakit mo hinayaan na gawin niya iyon!”
    “Because he have to! It’s all part of our plan....He’s going to try to convince Primo na sumuko nang maayos...Para matapos na ang lahat ng gulo na toh nang walang nasasaktan sa atin...Gulo, na kayo ni Primo ang nagsimula! Isn’t that right?”

Natigilan na lang si Madam sa mga sinabi ni Hunsel. Mamasa-masa na rin ang mga mata niya, tapos napalunok na lamang siya. Pero ilang saglit lang, nagsalita na rin siya ulit.........

    “Hmph, and how can you be so sure that he can convince Primo to turn himself in? Hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin! Tignan mo na lang iyong nangyari kanina sa runway!”
    “We already thought of that Ma...That’s why Oryo and I will go, to follow them.”
    “What!”
    “We will track their location using gps...So if you don’t mind Ma, nasasayang ang oras sa pagtatalo natin na toh...Kailangan na naming umalis!”

Dahil sa mga naririnig ko sa usapan nila, bigla akong napaisip tungkol dun sa pagtatangka sa buhay ko kanina. Para kasing may mali, may mga bagay na hindi nagtutugma..........

    “Pero bakit kailangang kayo pa ang gumawa niyan? Why don’t you ask the police outside? That’s their job!”
    “Hmph, funny....Now you want to go to the police huh, Ma? After hiding from them so hard for eleven years.”

Tapos nang itali ng kapatid ko iyong towel sa braso ko, kaya tumayo na ko. Nilapitan ko sila, para sabihin iyong napagtanto ko.........

    “Hindi natin pwedeng sabihin toh sa mga pulis Hunsel.”

Napalingon silang pareho sa akin........

    “Naisip ko ngayon-ngayon lang...Kailangan ako ni Primo para matupad iyong pinakaaasam niyang paghihiganti sa Mommy mo...Kaya bakit niya pagtatangkaan ang buhay ko?”
    “Are you telling us na hindi si Primo iyong bumaril sa iyo?”usisa ni Hunsel.
    “Ganun na nga.”
    “Wait, kung hindi siya...That means....”

At natigilan na lamang sila. Si Madam, biglang namutla.

BALIK KAY RASSEL.....

    “Rass, anong problema? What are you looking at?”
    “Sky...That guy over there...He was the one I saw, siya iyong bumaril kay Oryo!”

Napatingin na lang din si Sky sa kanya. A moment later, ibinaba niya iyong hood ng jacket. And I was totally shocked! Dahil hindi pala siya si Primo!.........

    “U...Uncle Preston!”

Napalakas iyong boses ni Sky, so napatingin sa amin si Inspector. Nanlalaki ang mga mata niya. Obviously, he was shocked upon seeing us as well. Slowly, nilapitan niya kami..........

    “Skylar, Rassel...Ka...Kanina pa ba kayo nandito?”tanong niya na may kasamang pilit na ngiti.
    “You tried to kill my bestfriend...You tried to kill Oryo!”instead of answering him, diniretso na siya ng nephew niya.

    “Hmph, Skylar...A...Ano ba iyang pinagsasabi mo? Pulis ako, nandito ko para protekhan kayong lahat.”
    “Huwag na kayong magdeny Inspector! I saw you with my very own eyes!”

Suddenly, natawa na lang siya.......

    “Akalain mo iyon...Sumablay na nga ko na patamaan si Oryo, may peste pang nakakita sa akin!”
    “Pinagkatiwalaan namin kayo! Iyon pala, niloloko niyo lang kami all this time? Why uncle! Why are you doing this!”
    “Isn’t it obvious already Sky? He’s doing this, para walang makaalam ng involvement niya sa mga nangyari dati sa family ni Oryo...And that’s also why he took a lot of effort, para imanipulate iyong investigation...Tama ba Inspector?”sambit ko.
    “Paano niyo nalaman ang tungkol diyan?”
    “That doesn’t matter anymore...What matters now, eh iyong alam na namin ang tunay niyong kulay!”sagot ko.
    “Tignan mo nga naman...Kahit pala mga uto-uto kayo, may mga utak pa rin pala kayo...Oo, tama kayo! May kinalaman ako sa nangyari sa mga De Chavez...Dahil ako, ako lang naman ang utak ng lahat...Ang boss ng grupo!”
   
Okay, none of us saw this coming; ang akala naming lahat si Primo ang mastermind, walang nakaisip na pwedeng siya pala!..........

    “I don’t believe that!...Hindi kayo ganung klaseng tao uncle! And besides, di ba nalaman niyo lang iyong tungkol kay Oryo, after kong tumawag sa inyo about him?”mangiyak-ngiyak na bulalas ni Sky.
    “Skylar, nakalimutan mo ata....Bago napunta si Oryo kay Mariana, nahuli muna siya ng mga pulis...Dun pa lang, nagduda na ko sa pagkatao niya...Dahil kamukha siya ng magaling niyang ama! Kaya nga noon pa lang, kating-kati na ko na dispatiyahin siya!”
    “What? What do you mean!”

He didn’t answer properly, instead parang bumaba iyong titig niya kay Sky. Pagtingin ko, I realized that he’s looking at his legs! Sky realized it too..........

    “No! It can’t be! Sumuko nang maayos iyong driver na nakabundol sa amin ni Hunsel.”
    “Dahil inutusan at binayaran ko siya para gawin iyon! Para hindi ako sumabit! Kung di ba naman kasi tanga iyong gunggong na iyon...Ang utos ko, iligpit si Oryo...Pero kayong dalawa iyong tinira! Tanga di ba? Kaya pasensyahan na lang.”
   
Sky wasn’t able to speak anymore, tuluyan na lang siyang napaluha..........

    “But why do you still have to kill my cousin? Wala naman siyang naaalala sa mga nangyari dati, kaya hindi rin niya kayo maididiin!”
    “Sa ngayon, wala siyang naaalala...At gusto kong manigurado! Naintindihan mo? Kaya kailangang mawala sa landas ko, ang mahal na mahal niyong si Oryo! Hmph!”

Slowly, lumakad siya nang paikot sa akin, until makapwesto siya sa likuran ko.........

    “At isasama ko na rin kayo, dahil masyado na kayong maraming nalalaman!”

At naramdaman ko na lang, na meron nang nakatutok at dikit sa batok ko!

SI HYROMIN.....

    “So, saan mo na ko balak dalhin?”

Nasa highway na kami ni Primo. Nakaangkas ako sa motor niya, then nakahawak ako sa magkabila niyang balikat.........

    “Bahala na...Ang importante lang sa akin ngayon, nakuha ko na ang lahat ng mga gusto ko.”
    “Now that you mention it...I think wala na ring reason para magtago  ka pa, di ba? So bakit di ka na lang sumuko?”
    “Naririnig mo ba iyang mga pinagsasabi mo? Para saan pa na nakuha kita, kung susuko lang rin naman pala ko? Paano kita makakasama? Paano ko magpapakaama sa iyo, kung makukulong ako!”
    “So what the hell are you gonna do? Magtatago forever kasama ko? Hmph! Kung talagang gusto mong magpakaama sa akin, then do what is right! Ayusin mo iyang sarili mo!”
     “Bakit mo ba sinasabi ang lahat ng toh sa akin ngayon?”
    “Dahil ayaw kong ikapahamak mo iyang mga pinaggagawa mo.”
    “Hmph, akala ko ba wala kang pakialam sa akin?”
    “Kahit naman na sabihin kong ayaw ko sa iyo, there is nothing I can do anymore...Hindi naman kasi gaya ng mga model ang magulang, na pwedeng piliin...Another thing is...Minsan na kong nawalan ng tatay, ayaw ko nang maulit pa uli iyon.”

After I said that, it feels like nagkaroon ng sariling buhay iyong mga kamay ko. Kusa na lang humigpit ang pagkakahawak ko sa mga balikat niya. After a few moments, bigla niyang inihinto at itinabi iyong motor..........

    “What are you doing? Bakit ka biglang tumabi?”
    “Bumaba ka na...Bumalik ka na sa kanila, mas kailangan ka nila.”
    “Kung tungkol toh dun sa pagsabog kanina...I bet ginawa lang iyon ni Inspector Preston, para mainterrupt iyong power supply ng building...Para mas mapadali iyong gusto niyang gawin kay kuya Oryo...But I’m sure, alam naman na nila kung ano ang dapat gawin...So there is nothing for me to worry about.”
   
Napalingon siya sa akin, because of what I said........

    “Kailan mo pa nalaman ang tungkol kay Macaraig?”
    “I saw him nung sinundan kita, nung after mo kong puntahan sa school...Nagbabantay siya sa labas ng hideout mo...Since then naghinala na ko sa kanya...Then kanina, naconfim at figure out ko ang lahat, thanks to kuya Rass...Iyong pinsan nina kuya Oryo at Revy.”
    “Hmph! Bilib na rin naman talaga ko sa talino mo ha...Ikaw rin ba ang nakaisip dun sa ginawa nila Oryo kanina?”
    “Sina kuya Hunsel at Rass ang nagplano nun....Anyway, gaya ng sinabi ko sa iyo...There’s no reason for me to worry...Kaya di kita iiwan, hangga’t di ko nababago ang isip mo.”
    “Huwag nang matigas ang ulo mo Hyro! Sumunod ka na lang sa sinasabi ko!”
    “Bakit? Ano bang binabalak mo? Sa tagal mong naghintay na makuha ako, I don’t believe na pagkakawalan mo ko just like that...Unless there’s a pretty good reason.”
    “Aayusin ko ang sarili ko sa paraang alam ko...Pero bago iyon, kailangang maputol ko muna ang ugat ng lahat ng toh.”
    “I see...Then, bat di mo hayaang tulungan kita.”
   
Tumingin na lang siya ulit sa harap, imbis na sumagot. Napangiti naman ako. Napangiti ako, kasi natutuwa ako. It looks like nagkamali pala ko ng tingin sa kanya. Hindi pala siya kasing tigas ng inaakala ko. There is still a chance for him to change..........

    “May alam ka bang lugar na malapit dito?” bigla na lang niyang tanong.
    “What do you mean? Anong lugar?”
    “Lugar na may swimming pool.”

BALIK KAY ORYO.....

Pasakay na kami ni Hunsel ng kotse, nang bigla akong tinawag ni Mama. Sumunod pala siya sa amin........

    “Oryo, wait!”
   
Napalingon kaming pareho sa kanya........

    “Do you really have to go? Bat di mo na lang hayaan na si Hunsel ang maglitas sa kapatid niya?”
    “Mama, parang pangalawang kapatid ko na rin po si Hyro...Kaya hindi kaya ng konsensya ko na wala akong gagawin para tulungan siya...Isa pa po, gusto ko ring makaharap si Primo...Ayaw kong matapos ang gabi na toh, nang hindi kami nakakapagtuos.”
    “Kung ayaw mo talagang papigil, fine...Pero anak, mag-ingat ka,”sambi niya hawak ng isang kamay niya sa isa kong braso.
    “Opo Mama...Kayo rin po, ingat kayo...Lalo na kapag nakita niyo si Inspektor.”
    “Well, after ng mga nangyari kanina? I doubt na nandito pa siya...By the way tita, just to be sure...After po ng mga thirty minutes...Could you please tell Rass to follow us, with the other police officers?”
    “Teka, nasaan nga pala siya! Kahit si Skylar, di ko na nakita,”sambi ko.
    “Baka nandiyan lang sila sa loob...Perhaps they’re hiding...Don’t worry, just leave them to me.”
    “Sige po...Ah, Mama...Kapag nakita niyo na sila, baka pwede umalis na rin na muna po kayo dito...Baka mamaya po niyan kasi, bumalik pa si Inspektor eh.”

Napatango na lang si Mama. Sumakay na si Hunsel ng kotse, sumakay na rin ako sa tabi niya sa harapan. Tapos lumarga na kami.

BALIK KAY RASSEL.....

I woke up with someone tapping my lower back. Pagmulat ko, nasa backseat ako ng kotse ko. Si Sky ang unang tumambad sa akin, nasa tabi ko siya.  And he had this terrified look in his face! Not to mention, he is trembling and sweating a bucket!

It seems like may gusto siyang sabihin. But the thing is he won’t be able to speak! Nakatali kasi ng duct tape iyong bibig niya. Iyong isang kamay niya nakaposas sa roof handle, while the other one is right behind my back. Nakapa ko na nakaposas pala toh sa isang kamay ko, which is by the way nakaposas rin sa isa ko pang kamay. Bale dalawang posas iyong nakakabit sa akin.

That’s when I realized that I’m on the same situation as him. Pati ako, may tali rin na duct tape sa bibig. Aside from that, meron din sa legs ko. He doesn’t have one, obvious na kung bakit.

Tumingin ako sa bintana. I see that we’re still on the parking lot. But what happened anyway? The last thing I remember, hinampas ako nang malakas ni Inspector. And I thought he’s going to kill us.

A moment later, I noticed that there’s a ticking sound coming from somewhere. Slowly, napatingin ulit ako kay Sky. He’s pointing his eyes downward, as if may kung ano siyang itinuturo sa floorboard.

Pagtingin ko, nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko! Nanlambot ako! May...May time bomb sa ilalim ng driver’s seat! And base from it’s LCD screen, there is only less than 15 minutes left before it goes off!

BALIK KAY ORYO.....

Habang nasa biyahe kami, idinikta ni Hunsel sa akin kung paano gamitin iyong gps tracker sa cellphone ko. Ayos pala talaga toh, dahil lumabas kaagad iyong lokasyon ni Hyro.........

    “Hunsel eto na...Lumabas na kung nasaan siya.”
    “Good, nasaan sila?”
    “Nasa isang malapit na hotel sa may bandang norte...Cre...Crescent Diamond Hotel, iyon iyong pangalan...Mga mahigit limang minuto lang, makakarating na tayo dun.”
    “Crescent....Oryo, are you sure na dun iyong location nila?”        “Iyon iyong nakalagay dito eh...Bakit?”
    “First, isa sa mga business associates ni Mommy iyong owner nun...So we always have an easy access there...Second, don’t you think it’s weird? That is such a luxurious place para pagdalhan ni Primo sa kapatid ko.”

Oo nga, tama siya. Parang may kakaiba nga. Naisip ko rin, hindi rin si Primo iyong tipo ng tao na pumupunta sa ganung klaseng lugar...........

    “Paano kung...Paano kung di pala si Primo ang nagdala sa kanya dun? Paano kung siya pala iyong nagdala dun kay Primo?”

Saglit na natigilan si Hunsel sa mga sinabi ko. Napatingin din siya sa akin, at napatingin sa rear view mirror...........

    “Oryo...Someone’s following us.”

Napatingin din ako sa rear view mirror, dahil dun. Meron ngang bumubuntot sa amin nang parang aso...........

    “I’ll take a wild guess...That would be Inspector Macaraig, am I right?”
    “Hayaan mo lang siyang makasunod...Mas maganda na rin toh, para magkaharap-harap at magkaalaman na kami.”

SI REVY.....

Sinubukan ni Mama na tawagan si kuya Rass. Pero hindi raw nasagot, ring lang nang ring. Sinubukan ko si kuya Skylar, pero patay naman iyong cellphone niya.  Napagkasunduan namin ni Mama na maghiwalay at hanapin na sila. Tapos, magkikita na lang kami sa may lobby.

Mga limang minuto rin siguro kong nagpaikot-ikot mag-isa sa building, pero wala talaga iyong dalawa. Nagpasiya ko na pumunta na ng lobby. Wala pa si Mama, kaya naghintay na lang muna ko.

Mayamaya, nakarinig ako ng mga ingay. Parang nanggagaling sa labas. Pagtingin ko, anak ng tinapa! Ang daming mga reporter! Marami ring nagtipon na mga tao, na parang di naman ata kasama dun sa mga tumakbo kanina palabas. Nagpupumilit silang pumasok, pero syempre hinaharangan sila ng mga parak. Hmph, eto na nga ba iyong sinasabi ko eh!

    “Revy.”

Si Mama, lumapit na siya akin.........

    “Mama, iyong mga reporter at tao po sa labas.”

Tumingin si Mama sa labas.........

    “Those are the supporters of your father and I...Malamang nilabas na ng media iyong mga nangyari kanina...But this is not a safe time para humarap sa kanila...We should go, bago pa nila tayo mapansin.”

Sumibat na muna kami mula sa lobby. Lumayo kami at nagpunta sa lugar na walang mga tao.........

    “So, have you seen them?”
   
Napailing ako........

    “Kayo po?”
    “Same...But I don’t think na basta lang aalis iyong dalawang iyon dito nang di man lang nagsasabi sa atin.”
   
Dun ko biglang naisip, dito lang namin sina kuya Rass sa loob hinanap. Di pa namin sila sinusubukang tignan sa labas........

    “Mama, naisip ko lang po...Paano kung nasa labas pala sila? O nasa kotse.”
    “Ugh! I forgot to ask Rass kung saan siya nagpark!...And besides, hindi rin naman tayo makalalabas...Nakita mo naman na iyong situation dun di ba?...Wait a second...Knowing how smart that guy is, for sure hindi niya ipapark iyong kotse niya sa lugar na madaling madumog ng tao...He would probably do it at the...”

Sa likod ng building! Iyon iyong naisip ni Mama. Bukod kasi sa harap, meron din daw paradahan banda dun. Kaya dali-dali na kaming nagpunta.

Paglabas namin, naghiwalay ulit kami para sa paghahanap sa kotse ni kuya Rass. Kasabay ng pag-iikot ko, naisipan ko na subukang tumawag ulit sa kanila. Dahil baka sakaling may sumagot na sa kanila ngayon, at mas mapadali ang lahat.

Si kuya Rass ang una kong sinubukan. Nagriring na toh, pero laking pagtataka ko dahil nakarinig din ako ng tumutunog na cellphone. Hinanap ko kung saan nanggagaling. Napadpad ako sa lugar na may damuhan. At dito ko nakita iyong cellphone na tumutunog, cellphone ni kuya Rass! Agad kong pinulot toh.

Nang lumakad pa ko nang kaunti, nakita ko rin pati iyong kay kuya Skylar. Kaya naman pala hindi namin sila matawagan eh. Pero ang tanong ngayon, anong ginagawa dito ng mga cellphone nila? Di kaya may nangyari sa kanila?

BALIK KAY RASSEL.....

8 minutes! There is only 8 minutes left now! And we have no way of calling for help! Hindi kami makakasigaw. And even if we could, I don’t think may makakarinig sa amin nang nakasara iyong mga bintana. Sinubukan ko ring kapain iyong phone ko. But it turns out na kinuha pala ni Inspector iyong mga phone namin.

That guy, he really made sure na wala kaming takas dito. He really wants us to die in here! I cannot even believe na ganito pala siya kasama, he’s going to kill his own nephew!...Well, looks like this is it! We are done for!

Napayuko na lang ako. Until suddenly, naramdaman ko iyong paggalaw ng kamay ni Sky. Hinaplos-hinaplos niya iyong daliri niya sa palad ko. Tapos naramdaman ko na lang na iyong mismong palad na niya ang nasa kamay ko. Tuluyan na niya kong hinawakan.

Napatingin na lang ako sa kanya. And that’s when I saw it in his eyes,  hindi ako dapat maggive up agad. Because I have to live, and I have a reason to live. It’s this dude, this cute badass dude na nagbigay sa akin ng chance na buksan ulit ang puso ko.

Although may duct tape siya sa bibig, I can still see through it na sinusubukan niyang ngumiti sa akin. And so, ngumiti na lang din ako sa kanya at napahawak din sa kamay niya. Okay wait, holding hands while dying; this is not the kind of date that I dream of! Kailangan ko na munang mag-isip ng paraan, we need to make it out of this mess first!

BALIK KAY REVY.....

Bumalik na ko sa paghahanap sa kotse ni kuya Rass. Hanggang sa may nakita kong kotse na kamukha nung kanya, sa may kasuluk-sulukan ng paradahan. Tinignan ko iyong plaka, eto na nga iyong kotse ni kuya Rass!

Hmph! Tama iyong sinabi ni Mama, hindi nga basta makikita ng mga reporter itong pwesto na toh. Lumapit ako, at umikot papunta sa gilid. Tinted iyong kotse, kaya hindi ko maaninag kung may tao ba sa loob o wala. Pero sa tingin ko, parang nakalock naman toh at wala sila dito...........

    “Revy!”

Napalingon ako sa tumawag sa akin, si Mama. Nakatayo siya sa may harapan ng kotse, nilapitan ko siya..........

    “Where are they?”
    “Wala naman po sila dito Mama eh...Pero nakita ko po itong mga cellphone nila, dun sa may damuhan,”sagot ko sabay pakita kay Mama nung mga cellphone.

BALIK KAY RASSEL.....

Sina auntie at Revy! And By the looks of it, mukhang hinahanap na nila kami. We need to do something! Kailangan maipaalam namin sa kanila na nandito kami, bago pa sila umalis! We only have less than 7 minutes!

ITUTULOY..........

No comments:

Post a Comment