m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, September 25, 2016

Here and Now (Part 58)

By: Chaster Rassel 

Chapter 58: The Ultimate Face-off...

SI REVY.....

    “Where are those guys?”sambit ni Mama.
    “Mama, nag-aalala na po ko...Ayaw ko po sanang sabihin toh, pero di kaya may—”

Napatigil ako sa pagsasalita, parang may narinig kasi kong ingay, ingay na parang may lumagutok. Pero bigla rin naman itong nawala.........

    “Revy, what is it? May problema ba?”
    “Ahmmm...Iyon nga po Mama...Iniisip ko po na baka may nangyari nang masama kina kuya Rass.”
    “I hope not...Huwag naman sana...Tsaka walang ring naman rason si Primo para saktan sila.”
    “Iyon ay kung si Primo talaga ang prumutor ng lahat ng gulo na nangyayari sa atin,”pabulong kong sambit.
    “What?”
    “Wa...wala po.”
    “I think we better ask for the authorities’ help already, let’s go.”

Nauna nang lumakad si Mama. Pasunod na sana ko, nang marinig ko ulit iyong lagutok. Napahinto ako, at dahan-dahang napalingon sa kotse. Parang dun kasi nanggagaling iyong ingay eh.........

    “Mama! Sandali lang po!”bulalas ko.

SI RASSEL.....

It’s a good thing that Sky is on the right position. Nakagawa siyang ng ingay, sa pagmamagitan ng pagsiko sa bintana. Hindi toh ganun kalakas, but it still worked! Nakuha nito iyong attention ni Revy!

BALIK KAY REVY.....

Bumalik sa Mama. At narinig ko na naman ulit iyong lagutok, sa kotse nga nanggagaling! Di kaya nagkamali ako? Di kaya nandito sila sa loob?.........

    “What happened?”
    “Mama, parang may tao po yata sa loob ng kotse.”

Pumunta ulit ako sa may gild. At dun ko narinig nang mas malakas iyong lagutok! Sa bintana nanggagaling! May tao nga sa loob!.........

    “Mama nasa loob po sila!”

Dali-daling lumapit si Mama sa akin...........

    “What! Pero kung nasa loob sila, bakit....I see...Someone trapped them inside.”   
Iyong sinabi niya, iyon din iyong naiisip ko. Sinubukan kong buksan iyong pinto. Gaya ng hinala ko kanina, nakalock toh. Ibinigay ko na muna kay Mama iyong mga cellphone........

    “Pakihawakan muna po ang mga iyan...Titignan ko kung makakaya ko pong buksan itong kotse.”

Naalala ko kasi, nadala ko nga pala ang mahiwaga kong hairpin. Kaya umikot ako sa pinto ng driver’s seat, para silipin iyong susian nito. Pero ibang klase pala toh. Makabago kasi itong kotse ni kuya Rass, kaya hindi kakayanin ng hairpin lang. Hindi uubra.........

    “Di kaya Mama.”
    “Then let’s just go back inside, and ask for help.”
    “Pero baka matagalan po kung babalik pa tayo sa loob!”

Hindi na ko nag-aksaya ng panahon. Tumakbo ko at naghanap ng magagamit ko, para matulungan sina kuya. May nakita kong malaki-laking bato, pinulot ko iyon at dali-daling bumalik sa kotse............

    “Revy! What are you gonna do with that!”

Hindi ako sumagot, napatingin na lang ako kay Mama. Tapos, tumingin na ulit ako sa kotse. Pasensya na sa gagawin ko sa kotse mo kuya Rass, pero ito na iyong pinakamabilis na paraan!

Nag-akma na kong babasagin iyong salamin sa may bandang likuran na bintana. Pero bigla ko na namang narinig iyong lagutok, dun mismo sa bintana na babasagin ko sana! Kaya napahinto ako.

Dun ko lang napagtanto, nandito sila sa likuran, kaya hindi ko pwedeng basagin ang bintana na toh. Baka madisgrasya at matamaan sila. Ang ginawa ko, iyong sa harapan ang binasag ko!

Pagkabasag ko sa salamin, agad na tumunog iyong alarm. Pero hindi na iyon ang mahalaga ngayon. Binitiwan ko na iyong bato. Agad ko nang binuksan iyong pinto. Pagsilip ko sa likuran, tumambad sa akin sina kuya Rass at Skylar. At nakita ko ang tunay nilang kalagayan!

May nakabusal na tape sa mga bibig nila. Si kuya Rass nakatali rin ng tape iyong mga binti. May napansin din ako mga posas na nakakabit sa kanila. Tuluyan na kong pumasok sa kotse, at dali-dali kong inalis iyong mga busal nila.........

    “Kuya, sinong may gawa nito sa inyo?”
    “I will explain later, kailangan mo muna kaming tulungan na makaalis dito...We don’t have much time!”sagot ni kuya Rass.
    “Ha?”
    “There’s a bomb under the driver’s seat!”bulalas ni kuya Skylar.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko! Napalingon ako kay kuya Skylar, pagkatapos napasilip na lang din ako sa ilalim ng upuan. May bomba nga!
   
SI ORYO.....
   
Nasa may lobby na kami ng hotel........

    “Oh, saan na natin sila hahanapin dito ngayon? Ang laki nito, hindi naman natin pwedeng tawagan iyong utol mo.”
    “That’s not a problem...Imposible na naman ata na walang makapansin sa kanya dito...So all we need to do is to ask around.”

Nagtungo ni Hunsel sa reception, sumunod naman ako. Palapit pa lang kami, pero nasa amin na agad iyong mga mata nung dalawang clerk na babae dun. Nang makalapit na kami, pansin ko na may bahid ng pagkabigla sa mga mukha nila.........

    “Si...Sir Hunsel! Good evening po.”
    “Hi, I just wanna ask if you have seen my brother around?”
    “Ahmmm...Nandito po siya kanina, tinanong po niya kung available iyong pool area...Tapos umalis din po siya agad.”

Napatingin sa akin si Hunsel, sa naging sagot  sa kanya nung isang clerk. Tapos tumingin din siya ulit agad dun.........

    “I see...Thank you...We should be going now.”

Lumakad na si Hunsel. Ako naman, naiwan na nakatayo. Napapaisip kasi ko kung bakit sa pool? Ano bang plinaplano ni Hyro?

Nang matauhan ako, napatingin ako dun sa dalawang clerk. Ang lagkit ng mga titig nila, tapos ngingisi-ngisi pa silang nagbubulungan habang nakatitig sa akin. Di ko namalayan na bumalik pala si Hunsel........

    “Let’s go!”sambit niya, sabay bigla na niya kong hinila sa braso.

Habang naglalakad na kami, dun niya ko inusisa.........

    “What the heck are you doing?”
    “Ha? Eh napapaisip lang kasi ko dun sa sinabi nung clerk na nagtanong si Hyro tungkol sa pool.”
    “Hmph, didn’t you see kung paano ka tignan nung dalawang iyon?”
    “Ano naman ngayon? Eh wala naman akong pake sa kanila...Iyan ka na naman eh, nagseselos ka na naman nang wala sa lugar.”
    “Excuse me, anong selos naman ang pinagsasabi mo diyan? I just want to protect you...Iba na ngayon, kilala ka na ng mga tao.”
   
At humirit pa talaga siya ng ganun........

    “Protect? Ayos sa palusot ah...Hoy! Tigilan mo ko Hunsel, umayos ka!”
    “Hmph!”

Napaiwas na lang siya ng tingin mula sa akin..........

    “Oh, saan na ngayon iyong pool dito?”
    “Just follow me.”

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Mayamaya pa, may natanaw akong paparating na gwardiya. Kumpleto sa gamit, may batuta, baril at kung anu-ano pa. Bigla kong may naisip. Kaya nang magkakasalubong na kami, binangga ko siya...........

    “Ano ba!”
    “Sir, pa...pasensya na ho...Di ko ho sinasadiya,”napapakamot sa ulo kong sagot.
    “Sa susunod, tignan mo iyang dinaraanan mo.”

Sumibat na siya. Nang masiguro ko na tuluyan na siyang nakalayo, dun ko nilabas iyong bagay na pasimple kong hinablot sa kanya, iyong baril niya. Napahinto naman si Hunsel sa paglalakad, nang makita niya ang hawak-hawak ko........

    “Hey, where did you get that!”
   
Napahinto rin ako........

    “Dinekwat ko dun sa gwardiya.”
    “Oryo!”
    “Hunsel, ito na ang huling beses na magnanakaw ako...Gusto ko lang siguraduhin ang kaligtasan natin...Mahirap na,”sambit ko sabay tingin sa kanya.
    “Marunong ka bang gumamit niyan?”
    “Oo, tinuruan ako ni Primo,”sagot ko, sabay kasa sa baril.

Matapos iyon, hindi na siya kumontra, lumakad na kami ulit.

BALIK KAY REVY.....

    “Revy, what’s going on there? Are you guys okay?”

Si Mama iyon; pagtingin ko, nakatayo na siya sa may tapat ng pinto........

    “Mama lumayo na po kayo! Delikado dito!”
    “Ha? Anak, ano bang nangyayari?”
    “May bomba po dito sa loob ng kotse!”bulalas ko.
    “Oh my god!”
    “Auntie kami na pong bahala dito, lumayo na kayo!”
    “No! Hindi kayo magagawang iwan na lang nang basta!”
    “Mama parang awa niyo na! Tumakbo na po kayo! Iligtas niyo na ang sarili niyo!”muli kong bulalas, at ngayon ay mangiyak-ngiyak na rin ako.

Maluha-luha na rin si Mama. Pero wala na rin siyang ibang nagawa, kung di ang lumayo at tumakbo na.........

    “Revy buksan mo iyong trunk, merong toolbox dun...May magagamit ka dun para maputol itong mga posas.”

Tinignan at sinuri ko iyong itsura ng posas. Kaya toh ng hairpin!...........

    “Hindi ko na kailangang gawin iyan kuya Rass, may alam akong mas mabilis na paraan.”

Nilabas ko na toh mula sa bulsa ko.......

    “A hairpin? Hmph, you do know what you’re doing right?”usisa ni kuya Skylar.
    “Huwag kayong mag-alala, akong bahala.”

At sinimulan ko na nga ang pagsungkit. Inuna ko iyong posas na nagdidikit sa kanilang dalawa. Hindi naman ako nahirapan, at agad kong nabuksan toh. Sinunod ko iyong nakakabit sa dalawang kamay ni kuya Rass. Agad ko ring nakalakas toh.

Dali-dali naman niya ngayon inalis iyong nakataling tape sa mga binti niya. Pagkaalis niya nito, agad siyang lumabas ng kotse. Inatupag ko naman iyong pagkalas sa natitirang posas, iyong nakakabit sa isang kamay ni kuya Skylar. Habang sinusungkit ko toh, ginamit ni kuya Skylar iyong isa niyang kamay para mabuksan iyong pinto. Pagbukas niya, nakaabang na si kuya Rass sa labas nito. Kaso, may problema!.........
   
    “Revy, what’s wrong? Bakit di makalas?”usisa ni kuya Rass.
    “Ang tigas ng isang toh kuya!”

Anak ng tinapa! Ayaw pumasok maigi nung hairpin, kaya di ko matamaan iyong lock. Lumingon ako dun sa bomba; kulang-kulang dalawang minuto na lang ang natitira, sasabog na toh! Taena!

BALIK KAY ORYO.....

Nakarating na kami sa swimming pool area. Malak rin pala toh. At may maipagmamalaki iyong itsura. Masasabi ko na parang beach iyong dating. Napapaligiran kasi toh ng mga puno ng niyog. Merong pwesto na may mga higaan para sa mga gustong magsunbathing, at meron din kumportableng mga mauupuan. Pero, wala namang tao dito..........

    “Ano toh? Bakit wala sila? Nasaan sila?”pagtataka ko.
    “Hmph! Sino bang hinahanap natin diyan ha, Joaquin?”

Nabigla ako sa narinig kong nagsalita, at napalingon. Hindi kasi boses ni Primo iyon, kung di boses ni Inspektor!  Nandun siya, nakaupo dun sa tinatawag na gazebo. At nakadikwatro pa..........

    “Inspektor...”
    “Ang tagal niyo naman, kanina pa ko inip na inip dito.”

Tumayo siya, at dahan-dahang lumakad papalapit sa amin..........

    “What the hell is this? Paano niya tayo naunahan dito, di ba nakasunod lang siya sa atin kanina?”bulong ni Hunsel.
   
Maging ako man ay nagtataka rin. Bigla na lang kasi siyang nawala kanina nung sumusunod siya sa amin. Tapos ngayon, nandito na siya agad? Nauna pa sa amin?

BALIK KAY REVY.....

Wala na, ayaw talagang lumubog nung hairpin! Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sina kuya, tila natigilan na lang.........

    “Tabi!”

At bigla na lang may nagsalita, si Ms. Fita! Gaya ng sinabi niya, tumabi si kuya Rass mula sa tapat ng pinto. Napansin ko na may hawak siyang baril........

    “Johnray bumaba ka na.”

Bumaba na nga ko, at pinanood kung ano ang gagawin niya. Pinayuko niya si kuya Skylar, tapos binaril niya iyong kadena ng posas! Pagkatapos nun ay dali-dali na nilang pinagtulungan ni kuya Rass na mailabas siya. Agad silang tumakbo palayo habang akay siya. Tumakbo na rin ako, at napayuko at dapa na lang sa tuluyang pagsabog ng bomba!   

SI HYROMIN.....

    “See...I told you, darating din si Inspector Preston dito at uunahan tayo kina kuya Oryo.”

Aside from making sure that no one else will be the pool area, kumuha rin ako ng room. It is a room located in a higher floor, kung saan viewable iyong area mula sa bintana nito. Then I told the receptionist na huwag ipapaalam toh kahit kanino, kahit kina kuya pa.

Now, here it is; nakita namin iyong pagdating ni Inspector, then sumunod sina kuya..........

    “Sinabi mo sa akin kanina na kasama sa plano niyo iyong sundan ka nina Oryo dito...At sinabi mo rin na hindi alam ni Macaraig toh...So paano nangyari ang lahat ng toh? At paano mo natunugan na uunahan niya tayo?”
   
Tumingin ako kay Primo........

    “I forgot to tell you...Nakita ko si Inspector kanina sa backstage, he is secretly listening to us...Hindi ko na sinabi kina kuya, dahil baka mahalata  niya na napansin ko siya.”
    “Kung ganun...Ginamit din niya iyong ginamit nina Oryo, para malaman kung nasaan tayo.”
    “Actually, it’s more like para malaman kung nasaan ako...Now what does he want from me? I’m sure, alam mo na ang sagot.”

Napailing-iling siya...........

    “Hmph! Kailangan ka niya para mahawakan kami ni Mariana sa leeg.”
    “Exactly! After all, bukod kay kuya Oryo...Kayo na lang ni Mommy iyong buhay na makakapagsabi ng involvement niya sa robbery group niyo.”
    “At kaya rin niya gustong maunahan tayo...Dahil inasahan na niya na ganito ang mangyayari...Na haharapin ko si Oryo, para bigyang linaw ang lahat sa kanya.”
    “Yeah...But for now, hayaan na lang muna natin na maniwala siya...Na nangyayari ang lahat ayon sa gusto niya...Hayaan natin, na mauna this time ang pulis...Para maiba naman,”napapangisi kong sambit, then tingin na ulit sa bintana.
   
BALIK KAY ORYO.....

    “Alam mo bata, pinasasakit niyo rin ang ulo ko eh noh...Kumikilos kayo nang di pinapaalam sa amin.”
    “Akala ko dati, ako na iyong pinakamagaling magpanggap...Pero nagkamali pala ko, dahil kaharap ko ngayon ang hokage ng mga manloloko!”
    “Hmph...Hahaha! Ang tapang natin ah...Kung magsalita ka, parang alam na alam mo talaga ang lahat.”
    “Marahil nga, di ko pa alam ang lahat-lahat...Pero hindi ako tanga, para di malaman na ikaw iyong bumaril sa akin kanina!”

Nag-iba bigla iyong timpla ng pagmumukha ni Inspektor, matapos kong sabihin iyon. Bigla ring nanlisik ang mga mata niya sa akin.........

    “Ibang klase ka rin, pinapaniwala mo kami na kakampi ka namin...May mapaflowchart flowchart ka pang nalalaman, iyon pala isa kang huwad!...Sabihin mo sa akin, anong kinalaman mo sa nangyari sa pamilya ko!”
    “Hindi mo na kailangang malaman pa iyon, dahil tatapusin ko na ang buhay mo dito.”

Dahan-dahan siyang lumakad papunta sa gilid ko, at nagulat na lang ko nang bigla niyang sunggaban si Hunsel!.......

    “Pero parang mas gusto kong unahin ang isang toh!”

Hinila niya siya papunta sa harapan niya. Hinawakan sa isang braso, at tinutukan ng baril sa leeg........

    “Oh! What’s this? You’re using me as a leverage?....C’mon Inspector, sobrang gasgas na ang style na iyan...And you have no reason to kill me, I know nothing about you...Magsasayang ka lang ng bala.”
    “Kung inaakala mo na matatakot mo ko sa ganyan, nagkakamali ka Inspektor.”
Binunot ko na iyong barili ko, at itinutok ito kay Inspektor.........

    “Bitiwan mo si Hunsel!”

Napansin ko na parang sumesenyas sa akin iyong mga mata ni Hunsel. Mukhang may binabalak ata siya........
   
    “Inuulit ko...Bitiwan mo si Hunsel, kung ayaw mong pasabugin ko iyang pagmumukha mo!”
    “Sige! Subukan mo, hindi ako magdadalawang isip na tuluyan itong pinakamamahal mo!”
    “Hmph! In your dreams!”

At bigla na lang niyang tinapakan nang malakas iyong isang paa ni Inspektor! Tapos siniko niya toh sa sikmura, dahilan para mapabitiw ito mula sa kanya. Kasunod nun ay yumuko siya.

Ginamit ko naman ang pagkakataon na iyon, para paputukan iyong kamay ni Inspektor na may hawak na baril. Nabitiwan niya iyong baril niya, na dali-dali namang pinulot ni Hunsel! Ngayon, dalawa na kaming nakatutok ng baril sa kanya. Habang siya naman, hawak-hawak ng kamay niya iyong isa pa na pinadaplisan ko ng bala.........

    “Let’s see...This will be my first time to use this...And I am itching na masubukan toh sa isang tulad mo,”sambit ni Hunsel.
    “Siguro naman ngayon Inspektor, magsasalita ka na,”dagdag ko.

Hindi siya umimik, tinitigan lang niya ko nang masama. Dahan-dahan siyang lumapit sa amin. Nagulat na lang ako nang bigla siyang yumuko. Sinipa niya nang malakas ang isang binti ko, nawalan ako ng balanse at bumagsak. Nabitiwan ko rin iyong baril ko.

Pag-angat niya, nakita ko na lang na mabilis niyang nahawakan iyong kamay ni Hunsel. Naagaw niya muli iyong barili niya, tapos bigla na niya siyang pinaputukan!...........

    “Hunselllllllll!!!!!”bulalas ko.

BALIK KAY REVY.....

Bumangon at tumayo na ko. Tumakbo ko sa kung saan naroon sina kuya Rass.........

    “Kuya Rass okay ba kayo?”
    “We’re fine.”

Si kuya Skylar naman, napatango na lang. Dumating na rin si Mama.........

    “Revy! Thank God you’re okay!”sambit niya, sabay hawak sa magkabila kong pisngi at yakap sa akin.

Agad din naman siyang kumalas sa akin, at humarap kina kuya Rass.........

    “Rass...Skylar...”
    “We’re fine auntie, you don’t have to worry.”

Napatingin ako kay Ms. Fita, dun ko lang napansin iyong suot niya. Nakamaong siya na pantalon, tapos nakaitim na polo shirt na may nakalagay na “NBI”.........

    “Ms.Fita, NBI agent po kayo?”pagtataka ko.

Napatingin siya kay Mama, at tsaka niya ko sinagot.........

    “Oo...Matagal nang lumapit ang Mama mo sa akin, para humingi ng tulong.”
    “Hindi ko po maintindihan, paano nangyari na naging organizer din po kayo ng fashion show namin?”
    “Revy, I haven’t told you this...Pero ever since kasi nung walang nangyari sa investigation ng mga pulis dati, nawalan na ko ng tiwala sa kanila...Then nung nagdecide ako na hanapin ulit kayo ng kuya mo, ipinakilala sa akin si Fita ng isang kaibigan ko sa states,”sambit ni Mama.
    “Bago pa man bumalik ng Pilipinas ang Mama mo, nag-iimbestiga na ko tungkol sa mga nangyari sa inyo...”

Pumasok pala si Ms. Fita sa kumpanya ni Madam Marie para lihim na mag-imbestiga. Nagtaka raw kasi si Mama dun sa mga disenyo ng mga damit, na may pagkakapareha sa gawa niya. At siya pala ang nakatuklas na si Madam Marie at Melissa Quintos ay iisa..........

    “Mula nun, nagpatuloy ako sa pagtratrabaho sa Amethelli Apparels, para mabantayan ang mga kilos ni Mariana...Pero di ko naman inakala na makakaharap ko rin pala ang mga nawawalang anak ni Mrs. Goodman.”
    “Mama, ibig sabihin po ba nito...Matagal na rin kayong may duda kay Inspektor?”
    “Yeah...That’s why I kept everything a secret, just to be careful.”
    “It was him!”biglang sambit ni kuya Skylar.

Napalingon kaming tatlo sa kanya..........

    “It was uncle Preston, he was the one behind all of these!”mangiyak-ngiyak niyang bulalas.
    “Sky is telling the truth...Si Inspector ang leader ng grupo nila, hindi si Primo...Siya ang mastermind sa lahat ng mga nangyari sa inyo auntie...Siya iyong bumaril kay Oryo kanina sa fashion show...At siya rin iyong nagtrap sa amin sa kotse at naglagay ng time bomb...Because we found out the truth about him!”

Nagkatinginan na lang kami ni Mama, sa lahat ng mga nalaman namin. Tapos napatingin ulit sa kanila........

    “Hindi maganda toh Mrs. Goodman...Base sa mga sinabi nilang dalawa, mukhang desperado na si Inspector Macaraig...Siguradong hindi niya titigilan ang panganay niyong anak!”sambit ni Ms. Fita.
    “I think we should tell this already to the other cops out there, para matulungan nila tayo,”si kuya Skylar.
    “I agree...But the question is...Would they believe us? Eh tauhan din sila ni Inspector,”dagdag ni Rass.
    “Ako na ang kakausap sa kanila...Ipapaliwanag ko sa kanila ang lahat, pati na rin itong nangyari dito sa parking lot,”sagot ni Ms. Fita.
    “Pero ano na pong gagawin natin ngayon para mapigilan si Inspektor? Ni hindi natin alam kung nasaan na siya ngayon?”usisa ko.
    “Si Mariana...She might know where he is...I am not gonna let her have her way anymore, kailangang magkaharap kami bago pa siya magtangkang tumakas ulit!”sambit ni Mama, sabay tingin sa akin.

Bigla na siyang umalis. Nag-aalala ko sa pwedeng mangyari sa gagawin niyang pagsugod kay Madam Marie, kaya dali-dali ko siyang sinundan.

BALIK KAY HYROMIN.....

I almost burst into tears dahil sa nakita kong nangyari kay kuya Hunsel! Gusto ko nang bumaba at lumabas dun, pero hindi pa pwede.........

    “I think it’s about time...Kailangan mo nang pumunta dun.”

Tumingin ako kay Primo.........

    “This is your only chance, para makabawi sa lahat ng mga maling nagawa mo...Lalo na kina kuya Oryo at Revy...So you better do it right.”
   
Umiwas naman siya...........

    “Dito ka lang muna...Huwag na huwag kang lalabas, hangga’t di pa oras...At siguraduhin mo rin na magagawa mo iyong dapat mong gawin.”

After that, he has already gone.

BALIK KAY REVY.....

Sa backstage kami dumiretso, pero wala nang tao dito. At dahil hindi naman namin nakasalubong si Madam Marie sa likuran. Isang lugar lang ang naisip namin na pwede niyang puntahan, ang lobby.

Pagdating namin, nadatnan namin na nagkakagulo pa rin sa labas. Ibig sabihin, hindi rin siya pwedeng makaalis nang basta gaya namin. Lumingon-lingon kami sa paligid. Nakita namin si Madam Marie na nakatayo sa isang tabi. Nakatingin siya sa mga tao sa labas, at halata sa mukha niya ang pagkagulantang.

Nang mapansin niya kami, nagmadali siyang umalis. Pero nagawa siyang habulin, at mahawakan sa braso ni Mama........

    “And where do you think you’re going? Ano? Tatakasan mo na naman ulit ang lahat ng mga kasalanan mo, gaya ng ginawa mo dati!’
    “Let go of me!”
    “No! I am gonna let you go, not until you tell me kung nasaan si Inspector Macaraig.”
    “Hmph, what are you talking about? Bakit sa akin mo siya hinahanap?”
    “It’s too late para magmaang-maangan ka pa Mariana, we already know na siya ang amo niyo ni Primo! And that guy, just tried to kill my nephew and even his own! Kaya kung may natitira pang konsensya diyan sa katawan mo, magsalita ka na!”
    “I...I don’t know where he is...”
    “Sinungaling! I don’t believe na wala kang alam, especially with what’s going on right now!”   
    “Matagal nang nagkawatak-watak ang grupo namin...Kaya kung may masamang balak man si Preston, hindi na niya iyon sasabihin sa akin...After all, traydor ang tingin niya sa akin.”
    “Well, he’s not the only one...My dear ex-secretary and friend.”
    “Alam ko kung gaano kalaki ang kasalanang nagawa ko sa iyo...Pero kahit kailan, hinding-hindi ko pagsisisihan iyon...Dahil buhay ng anak ko ang naging kapalit nun!”
    “Hmph, you know what? Gustong-gusto kitang sampalin dahil sa sinabi mong iyan, but I’m not gonna do it...Because I realized na  napakalaking sampal na diyan sa pagmumukha mo, iyong ipagkalulo ka niyang sinasabi mong anak!”

Napabitiw na si Mama kay Madam. Pero masama pa rin iyong titig nila sa isa’t isa. Si Madam, napasara pa ng kamao at tila nanggigigil.........

    “What now? You want to hit me? Go on, nandiyan lang ang mga pulis at reporters...Show them who you really are!”
Pagkasabi ni Mama nun, napatingin ako sa labas. Napansin na pala kami ng mga reporters, may mga kumuha na kasi sa kanila ng litrato mula sa labas. Iyong iba, video pa! Hindi na maganda toh, kaya napahawak na ko kay Mama para umawat..........

    “Mama, tama na po.”
    “Mrs. Goodman!”

Napalingon kami sa nagsalita, si Ms. Fita. Halatang nagulat si Madam sa pagkakakita sa kanya, o siguro dahil sa suot niya. Lumapit na siya sa amin.........

    “Tumawag na si Hyromin sa akin...Nasa Crescent Diamond Hotel sila ni Primo...Nandun na sina Joaquin at Hunsel...At nandun din si Inspector Macaraig!”

Nabigla ako sa mga sinabi niya. Taena! Ano toh? Alam ni my labs iyong tungkol sa kanya?.........

    “Teka lang po, a...alam ni Hyro iyong tungkol sa inyo? Pati iyong koneksyon niyo kay Mama?”
    “Oo...Pero mamaya na namin ipapaliwanag sa iyo ang lahat...Kailangan ko muna silang puntahan, nasa alanganin ang sitwasyon nila ngayon!”
    “I’m going with you!”

Si kuya Rass iyong nagsalita, at napalingon na lang si Ms. Fita sa kanya. Kinausap lang sandali ni Ms. Fita iyong mga parak para humingi ng tulong. Pagkatapos nun, sumibat na sila. Gusto ko rin nga sanang sumama, kaso hindi ako pinayagan ni Mama. Kaya wala akong ibang magagawa, kung hindi ang maghintay na lang sa mga susunod na mangyayari.

BALIK KAY ORYO.....

Sa kaliwang balikat tinamaan si Hunsel. Pero tila hindi siya napuruhan ni Inspektor. Hindi kasi siya tuluyang bumagsak, napaatras at yukyok lamang siya.

Pabangon na ko; aabutin ko sana iyong baril na nabitiwan ko, pero nagawang sipain at tapakan ni Inspektor ang kamay ko........

    “Arrrgh!”
    “Anong akala mo, papayag ako na maisahan mo ulit? Ha!”bulalas niya, tapos paulit-ulit niya kong pinagsisipa sa dibdib.

Dahil sa ginawa niya, hindi ako nakabangon. Nakuha rin niya iyong baril ko. Ngayon, dalawang baril na hawak niya.........

    “Ngayon, oras na para tapusin ang nasimulan ko dati!”

Itinutok na niya iyong isang baril sa akin. Pero bago pa man niya makalabit iyong gatilyo, bigla na kaming nakarinig ng putok ng ibang baril. Pagtingin ko, si Primo! Pero sa sahig nakatutok iyong baril niya. Napalingon din si Inspektor sa kanya........

    “Sa susunod, sa iyo ko na ipuputok toh.”
    “Sa wakas, lumabas na rin ang daga mula sa lungga niya!”
   
Natanaw ko na sinusubukan nang tumatayo ni Hunsel, habang nakahawak sa sugat niya. Kahit na tila hirap siya........

    “My brother...Where’s my brother? Saan mo siya dinala!”bulalas niya.
   
Tumingin si  Primo sa kanya.......

    “Magtigil ka sa pangawa diyan, ligtas ang kapatid mo...Hindi naman ako tanga, para saktan ang sarili kong anak...At kung may tanga man dito, iyon ay walang iba kung di ang pulpol na toh!”sambit niya, sabay tingin na ulit kay Inspektor.
   
Ngayon, kay Primo na itinutok ni Inspektor iyong isang baril na hawak niya. Lumakad naman palapit si Primo sa kanya, at tumapat pa mismo dun sa baril.........

    “Ano? Bat di mo pa iputok iyan? Huwag mo sabihing natatakot ka sa akin, ha Macaraig?”
   
Naisip ko na pagkakataon ko na toh para kumilos, habang nasa kanya ang atensyon ni Inspektor. Pinilit ko na makabangon at makatayo agad, tsaka ko sinunggaban si Inspektor! Siniko ko siya sa batok, at pwersahang hinablot iyong baril na nasa nakababa niyang kamay.

Ito iyong baril na dala, at dinekwat ko sa gwardiya. Habang hinahablot ko toh, pumutok ito nang ilang beses. Pero sa malayo naman ito nakatutok. Hanggang sa tuluyan ko na itong nakuha. Sinamantala rin ni Primo toh, at kinabig iyong isa pa niyang kamay. Nabitiwan niya iyong baril, at bumagsak sa sahig. Sinipa naman iyon ni Primo palayo.

Nauwi naman silang dalawa sa pagbubuno. Napansin ko na lang na nalaglag mula sa kamay ni Primo iyong sarili niyang baril. Pero sa nakita ng dalawang mga mata ko, tila sinadiya niyang bitiwan iyon. At dahil dun, naging dehado ang sitwasyon niya.

Nabugbog nang husto si Primo, at gumulong siya papunta sa may tapat ng pool. Pero nangyari lang iyon, dahil ayaw niyang lumaban. Ayaw niyang labanan si Inspektor, hinahayaan lang niya na gulpihin siya nito!

Habang patuloy kong pinanood ang panggugulpi ni Inspektor sa kanya, tila unti-unting nag-iiba ang paningin ko. Hindi na sila iyong naaaninag ko, kung di si Papa at iyong taong nagpahirap at pumatay sa kanya!

Nang matauhan ako, nakita ko na lang na nakabulagta na si Primo. Si Inspektor, pinupulot iyong baril na binitiwan niya kanina. Pagkapulot, itinutok ito sa kanya..........

    “Dapat, noon ko pa ginawa toh!”
    “Huwag!”

Iyong sumigaw na iyon, ay walang iba kung di si Hyro. Ni di ko namalayan na nandiyan na pala siya. Dali-dali siyang tumakbo at iniharang ang sarili niya kay Primo!...........

    “Tama na! Tigilan mo na ang tatay ko!”mangiyak-ngiyak niyang bulalas.
    “Bro what the heck are you doing! Umalis ka diyan!”bulalas naman ni Hunsel.
    “Hmph, tama ba itong nakikita ko? Prinoprotekhan mo ang animal na iyan? Hindi ba’t kinamumuhian mo siya?”si Inspektor.
    “I might have despised him, pero tatay ko pa rin siya...At hinding-hindi ako papayag na mawalan ulit ng tatay! So if you want to kill him, then you need to get through me first!” 

Habang nakatitig ako kay Hyro, bigla ko na lamang nakita ang sarili ko sa kanya. Iyong...iyong batang ako! Iyong tagpong toh, ganitong-ganito iyong nangyari dati. At iyong ginagawa ngayon ni Hyro para kay Primo, ganun din iyong ginawa ko para kay Papa!

Mayamaya pa, bumagsak na lamang ako sa mga tuhod ko. Kasabay ng isa-isang pagbabalik sa akin, ng mga nangyari nung gabing iyon.

Muli, nakita ko na naman ang batang ako. Gaya ng nangyari ngayon, nasaksihan ko rin kung paano nabugbog si Papa. Pati iyong unang beses na binaril siya. Natakot na ko nun para sa kung anong susunod na mangyayari sa kanya. Kaya inilapag ko si Revy, at lumabas ako sa pinagtataguan namin para iharang ang sarili ko sa kanya.

Sumunod na nga dun iyong pakikiusap ko, na huwag na nilang saktan si Papa. Pero bale wala iyon dun sa taong gilgil na gigil sa kanya. May taong sapilitan na nag-alis sa akin mula sa ibabaw niya, at hinila ko papunta sa pinakagilid na ng pool.

Dun na muling pinaputukan si Papa! Nagkanda hagulgol ako sa pag-iyak, at nagpumiglas ako sa humahawak sa akin. Pero nang mabitiwan ako nito, napaatras ako, nadulas at nalaglag sa swimming pool.

Ngayon, naaalala ko na! At sa di malamang kadahilanan, mas malinaw ko na ring naaninag ang mga mukha nila! Nandun nga ang Inay at Itay. Nandun din si Primo, siya iyong taong humila at humawak sa akin. At iyong taong nagpahirap at bumaril kay Papa? Nandito ngayon sa harap ko!...........

    “Ikaw...”

Dahan-dahan ay napatayo na ko............

    “Ikaw iyong bumaril kay Papa...Ikaw iyong pumatay sa tatay ko! INSPEKTOR!”

Napalingon bigla sa akin si Inspektor. Nanlalaki ang mga mata niya. Gigil na gigil ko namang itinutok sa kanya, ang hawak kong baril...........

    “Bakit? Anong kasalanan ni Papa sa iyo? Para gawin mo iyon sa kanya!”mangiyak-ngiyak kong bulalas.
    “At nakaalala pa ang leche! Kung ganun, kailangan ko nang tapusin toh!”

At nagulat na lamang ako sa sunod niyang ginawa, pinaputukan niya ng dalawang beses si Hyro! At bumagsak na lamang siya sa ibabaw ni Primo!.........

    “Hyroooooooo!”bulalas ni Hunsel.
    “Hayop ka Macaraig!”bulalas ni Primo.

Dahil dun ay di na ko nagdalawang-isip na kalabitin ang gatilyo. Pero, hindi ito pumutok...Wala nang bala iyong baril!

Note: After 4 years in the making, the time has come for me to end this story. The finale will be released on October. It will be divided into two parts, and released back to back.  :)

WAWAKASAN..........

No comments:

Post a Comment