m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Thursday, September 1, 2016

You Light my Fire (Part 4)

By: Lord Iris

Chapter 4: Raypaul's past

Raypaul POV

Napansin ko this past few days parang di na masyadong pumuporma si Peter kay Kith well it's good for me pero paano ko kaya aaminin kay Kith na mahal ko siya? Baka kasi di na kami maging ganun ka close at baka isipin niya na nagti-take advantage sa pagiging close ko sa kanya.

Naalala ko pa kasi nung nag-uusap sila ni James.....

"Dati puppy love lang ang alam ko pero ngayon dumu-dogstyle na ako"
Sabi ni James

"Yuck!!! Kadiri ka James" sabi ni Kith na halatang diring-diri. Pero tinatawanan lang siya ni James kasi halatang inosente si Kith sa ganung bagay.

Nung naalala ko yun natakot ako na baka kapag nalaman ni Kith ang past ko mandiri siya at layuan ako dahil alam kong ayaw niya makarinig ng kahit anong kababuyan.

Pero kailangan kong maging honest sa kanya pag handa na akong magtapat ng nararamdaman ko sasabihin ko na rin ang Past ko at sana walang magbago sa amin. Pero di ko pa rin maiwasan ang matakot.

Nabigla ako ng may humatak sa kamay ko si Peter pala at nagmamadali siyang hatakin ako papunta sa room na walang tao at ni-lock niya.

"Raypaul mahal mo ba talaga si Kith?" Seryosong tanong niya

"Oo naman! Mahal na mahal" mabilis kong sagot

"Anong kaya mong gawin para sa kanya?" Tanong ulit ni Peter

"kaya kong gawin ang lahat mapasaya lang siya at balak ko nang ipagtapat ang nararamdaman ko kasabay ng pag-amin ko sa kanya ng past ko" pursigido kong sagot dahil seryoso ako kay Kith

"Well then, alagaan mo siya, good luck na lang sayo".wait lang totoo ba ang naririnig ko hahahah

"Are you giving up?" Natatawa kong tanong sa kanya

"Ang totoo ayoko pero alam kong kahit anong gawin ko kaibigan lang ako sa kanya, mas napapasaya mo siya kesa sakin at alam kong special ka sa kanya. Ayoko na ding makipagkumpitensiya sayo, kung hindi lang kasi tayo magka-ibigan di talaga ako susuko". Malungkot na sabi ni Peter at nakikita kong maiiyak na siya, pero alam kong mas mahal ko si Kith kesa sa nararamdaman niya

"Sorry pero kailangan kong ipaglaban siya, di ako tulad mo! dahil kahit kelan di ako susuko hanggang sa mapasakin siya". Pursigido kong pagkakasabi at wala na kong pakealam kung malungkot pa si Peter bakit? Eh sa yun ang nararamdaman ko eh mahal na mahal ko talaga si Kith.

"Kung ganun aminin mo na sa kanya ang nararamdaman mo at ipagtapat mo na sa kanya ang past mo". nakangiting sabi ni Peter

"Balak kong gawin yun pero baka kasi....". Di pa ako tapos magsalita ng bigla na lang siya sumabat

"Na baka mandiri siya sayo at di ka niya matanggap?" Tumango na lang ako sa sinabi ni Peter

"Oh Come on! Raypaul close na kayo at mabait si Kith sure ako na matatanggap ka niya". Nakangiting pagkakasabi ni Peter na parang siguradong-sigurado.

Sana lang magdilang-anghel siya at sana di mandiri sa akin si Kith sana din walang magbago.
Pagkatapos namin mag-usap pinagplanuhan ko na sasabihin ko na lahat kay Kith mamayang uwian sa apartment ko at kasama ko ang mga kaibigan namin pati si Kagura para lumakas ang loob ko...

Kith POV

Parang ang weird ng ambiance ngayon kasi tahimik ang mga kaibigan ko pati si Kagura at biglaan ang pagpunta namin sa apartment ni Raypaul, emergency daw kaya nag-absent ako sa cafe meron daw akong dapat malaman kaya kinakabahan ako sa mga kilos nila kasi mukhang seryoso to.

Pagpasok namin sa apartment ni Raypaul kinakabahan ako, ni-lock nila yung pinto at kumuha ng upuan kaya nakapaikot sila sa akin at nasa gitna ako pero kumuha ng upuan si Ray at nilagay niya sa gitna kay magkaharap kami.

"Kith meron sa..na a..ak..kong gus...tong aaa...mi..nin sayo". Natatakot na pagkakasabi ni Ray
At nagpatuloy pa siya pero mas kalmado na siya

"dalawang bagay ang sasabihin ko, pero sana di magbago ang tingin at trato mo sakin sa malalaman mo". Na curious tuloy ako bigla, ano kayang aaminin niya nakakakaba talaga.

"Una... sa lahat may gusto ako sayo at mahal na mahal kita". Napapikit siya pagkatapos niyang sabihin yun ayaw niya sigurong makita ang expression ko.

Pero masyado akong nabigla, di ko alam kung anong mararamdaman ko pero masaya ako na mahal niya ako dahil nararamdaman kong importante ako, pero ayoko, natatakot ako na bigla na lang din siyang kunin sa harapan ko kagaya ng pamilya ko

"Alam kong nabigla kita pero may isa pa akong dapat aminin sayo". Naluluha na pagkakasabi ni Raypaul pero nagpatuloy na siya.


Raypaul POV

"Ito ang nakaraan ko. Galit ako sa mga bakla kaya di ako komportable sayo nung una pero nagbago ang tingin ko sayo dahil sa sobrang bait mo at alam kong iba ka.

12 years old ako nun, may friend si dad na Gay inin-vite niya sa house nung birthday ko at masyadong busy si mom and dad kaya di nila ako napapansin hanggang sa kinausap niya ako, sabi niya ibibigay niya daw mamayang gabi ang regalo niya at dun nag-stay sa house yung demonyong yun.

Kinagabihan naramdaman kong may humahalik sa leeg ko at nakita ko ang mukha ng demonyong yun at sabi niya pagbigyan ko daw siya sa gusto niya at kapag nagsumbong ako papatayin niya ako.

Gusto kong sumigaw pero nakatakip ang kamay niya sa bibig ko at sinimulan na niya ang kademonyohan niya, masyado siyang malakas kaya wala akong nagawa hanggang sa matapos siya.

Sumakit ang katawan ko nun at nagtataka sila mom kasi lagi daw nanginginig at natatakot hanggang sa makita nila ang kissmark sakin.

Inamin ko lahat kaya pinakulong nila yung taong yun pero pinagbantaan niya ako na babalik siya at guguluhin ang buhay ko.

Simula nun lagi akong nakakaramdam ng takot at galit sa mga bading tuwing nakakakita ako pero binago mo yun at di ko rin alam kung bakit minahal kita sana matanggap mo ang madilim na trauma ko sa nakaraan". Humahagulgol na ako habang kinu-kwento yun at nanginginig ako sa takot pero....

Bigla akong niyakap ni Kith dahilan para mawala ang takot at panginginig ko at pagkatapos inangat niya ang mukha ko at hinawakan niya ang mga pisngi ko.

"Hindi ako papayag na may manakit ulit sayo at ayokong nakikita kang umiiyak, nasasaktan at natatakot". Nabigla ako sa narinig ko kay Kith kasi ngayon ko lang siya nakitang magalit. Nakikita ko sa mga mata niya ang galit at panggigigil.

"Kung kailangan kong gamitin ang naiwang kapangyarihan ng pamilya ko para protektahan ka,
GAGAWIN KO!" Napaisip ako kung anong ibig-sabihin ng sinabi ni kith kaya napatitig ako sa mata niya

Nakakatakot, di ko alam na marunong siya magalit at ngayon ko lang nakita yung side niya na yun, kakaiba talaga siya pero I feel safe when I'm with him ❤

Kith POV

Pagkatapos ng mahabang panahon ngayon ko uli naramdaman ang galit na akala ko nakalimutan ko na.

Ayokong makitang natatakot si Raypaul at ayokong malungkot siya dahil ayokong maging bilanggo siya ng madilim na nakaraan tulad ko.

Kaya hindi ko naiwasan ang makaramdam ng galit sa taong bumaboy sa kanya pero kahit ganun hinding-hindi magbabago ang pagtingin ko kay Ray.

"I guess it's time para malaman nila kung anong klaseng pamilya ang meron tayo at kung anong mundo ang ginagalawan natin Kith". Nabigla ako sa sinabi ni Kagura pero alam kong hindi pa ako handa pero kailangan nila maging aware samin.

Bakas ko sa mukha nila Dennis pati ni Raypaul ang katanungan pero si Kagura seryosong seryoso pa din kaya nagsalita na ako.

"Bata pa lang kami close friend na ang family namin ni Kagura ganun din sa pinsan niya na si Rogue, solong anak sila pareho pero may kapatid ako".

"Kung ganon di mo talaga kapatid si Rogue? At pinsan niya si Kagura?" Naguguluhang tanong ni Raypaul

"Oo" sagot ko kay Raypaul

"Pero di ba sabi mo baby brother mo siya? Tapos di kayo magkapatid?" Naguguluhang tanong ni Pit. Pero nginitiaan ko lang siya at nagkwento na ako uli.

"Sa ngayon secret muna kasi malapit nyo na siya makilala, pero di naman yun ang kailangan nyong malaman samin". Pa suspense naman tong si Kith! Sabihin mo na kasi. Naatat na sabi ni Vincent kaya nagpatuloy na ako sa pagkwento.

"Half japanese si Kagura ganun din si Rogue pero ako 1/4 lang, close ang family namin kasi Yakuza ang mga daddy namin kaya di naging madali ang lahat sa buhay namin kasi medyo delikado kaya may limit ang pakikipag-kaibigan namin sa ibang tao kaya kami ang naging sobrang close sa isat-isa". Kwento ko na ikinabigla nila

"Kaya pala may nakita akong Katana dun sa kabinet ng condo mo" kwento ni Dennis pero natatawa lang kami ni Kagura kasi takot sila

"Kahit anong klase ka pang tao tatanggapin kita kasi mahal na mahal kita at tinanggap mo din ako". sabi ni Ray kaya di ko mapigilan ang mapangiti

"Thank you!" Yun na lang ang naisagot ko ng nakangiti

"Marami ka pang tinatago samin pero alam kong di ka pa handang sabihin". Saad ni Dennis. Kahit kelan talaga marunong siyang kumilatis ng tao pero nakalimutan ko yung tungkol sa nararamdaman sakin ni Ray kaya mabuti nang maging malinaw lahat.

"Ray! Yung tungkol sa nararamdaman mo sakin pag-iisipan ko muna ng mabuti" sabi ko kasi may mga bagay pa ako na dapat linawin sa sarili ko at dapat ko muna siyang ipakilala kay Rogue kung sasagutin ko na siya.

"Ok lang maiin-love ka din sakin at handa akong maghintay". Sabi ni Ray. Grabe talaga siya kaya namula tuloy ako

Pagkatapos ng seryosong usapan namin, nag-group hug kami pero di ko alam kung group hug ba yun kasi ayaw akong ipayakap ni Ray sa iba. Siya lang ang yumakap sakin.

Raypaul POV

Bawat araw pinaparamdam ko kay Kith kung gano ko siya kamahal at kung gano siya ka-importante sakin pero kelan kaya niya ako sasagutin?

Mahal niya na din kaya ako?

Ano kayang ibig sabihin ng pagba-blush niya pag pumaparaan ako?

Pano ko kaya siya papasagutin?

May kulang ba sakin?

Hay naku! dapat talaga sundin ko ang sinabi ni lola Nidora kailangan kong hintayin ang TAMANG PANAHON hahahahah nababaliw na ata ako kung sabagay baliw na talaga ako kay Kith at obsessed pa.

Uwian na namin at sabay sabay kaming palabas ng gate ng school pero bago yun may nag-park na Ferrari at ang astig nito akala nga namin kila Kagura kasi puro sports car ang nasa bahay nila.

May lumabas na lalaki sa sasakyan at nagulat kaming lahat kasi gwapo siya, matangkad at ang laki ng muscles niya sa braso kasi naka sleeveless siya mukha siyang Korean superstar.

Jusko! Nagtitilian ang mga babae sa school, nagtinginan tuloy kami nila James at Peter kasi medyo na-insecure kami pero lamang lang naman siya ng isang paligo sakin .evil laugh.

Napansin namin na napahinto sa paglalakad si Kith at Kagura at nakatulala, ano to? No way! Ano nagwapuhan sila sa mokong na yun?

Pero napansin namin na papunta siya sa amin kaya nagtataka kami pero mas nagulat kami ng yakapin siya ni Kagura pero wala pa atang 3 seconds yun at napansin ko din na may hawig sila parang male version ni Kagura.

"Long time no see!". Sabi ni Kagura at magkakilala pala sila? Pero wait may nasi-sense ako, boyfriend ba siya ni Kagura? Pero man hater si Kagura, hindi kaya siya si...

Ngumiti lang yung lalaki at pumunta naman sa tapat ni Kith na nakatulala at biglang nagsalita yung lalaki.

"Di mo ba ako yayakapin?" Pagkasabi niya nun bigla siyang niyakap ni Kith at nakita kong ang saya-saya niya kaya nakaramdam ako ng selos.

"Miss na miss na kita!" Sabi ni Kith kung ganon tama ang hinala ko! Ang tagal nilang nakayakap at mas lalo akong nagseselos

"Mas pumogi na ba ako?" Tanong niya kay Kith at bigla niyang pinaliguan ng halik sa mukha at leeg si Kith habang magkayakap, labi lang ata ang hindi niya hinalikan kaya nakaramdam na ako ng matinding selos nag-close fist na ako pero hinawakan ako ni Kagura at Dennis mukhang alam nila ang gagawin ko kaya kumalma ako at hinihintay magpaliwanag si Kith.

Pero ang mas nakakainis pa mukhang natutuwa si kith.

"Hoy! Grabe ka! tama na, nasa school ako at pinagtitinginan na tayo ng mga tao" natatawang sabi ni Kith at nakita ko nga na nakangaga ang mga babae na nakatingin sa kanila.

"Eh bakit ba? Pakelam ko? Na-miss kita eh" sagot nito ng paangas halatang magkapareho sila ng ugali ni Kagura

Pagkatapos nun nag-usap sila ng japanese blah blah blah di ko maintindihan at tumingin sakin si Kith habang nakaakbay sa kanya yung lalaki. Arrrrrgggghhhh

"Guys siya pala si Rogue baby brother ko". Sabi ni Kith pero di na kami nabigla

"Baby brother daw eh mas matanda ka pa kay Kith" sabi ni Peter na halatang naiinis din pero tumawa lang sila ni Kith

Tumingin ng masama sakin si Rogue at nagsalita, nakaakbay pa din siya kay Kith kaya lalo akong naiinis
"Kith? Siya ba yung Raypaul?"
At nginuso ako

"Oo, pano mo nalaman?" Tanong ni Kith

"Wala, ramdam ko lang" jusko parehong-pareho sila ng ugali ni Kagura

"Gwapo naman pala, bagay kayo pero mas pogi pa din ako". Sa sinabi niyang yun di ko alam kung matutuwa ba ako o mabwibwisit?

"Aalis muna kami ha, at dun ako sa condo ni Kith matutulog". Sabi nito habang hinahatak palayo si Kith pero ayaw sumama ni Kith, ano daw? Sa condo matutulog shit!

"Ano ba? Ngayon na nga lang kita masosolo eh di mo yata ako na miss" sabi ni Rogue

"Pero may trabaho pa ko". pagsabi nun ni Kith bigla siyang binuhat ni Rogue at sinakay sa Kotse tapos umalis sila.

Hahabulin ko na dapat pero pinigilan ako ni Kagura at nagsalita

"Yaan mo muna sila Raypaul, wag ka munang magselos kasi di pa naman kayo ni Kith and besides wala kang dapat ipag-alala kasi kapatid ang turingan nila". Sabi ni Kagura

Kahit ganun ang narinig ko nagseselos pa din ako at naiinis lalo na sa yakap, halik at biglaang pagdagit kay Kith pero bakit parang wala lang kay Kith

Bakit masaya pa yata siya?

Di ba niya alam na nagseselos ako?

No comments:

Post a Comment