m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community, kaplogan, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kantutan stories, pinoy gay stories, pinoy m2m stories, kwentong kalibugan, pantasya stories, pantasya collection, tagalog gay stories, gay filipino stories, top pinoy gay site, pinoy libog stories, gay pinoy, bakla sites, bading sites, pinoy gay porn, pinoy gay, pinoy gay scandals, m2m pinoy, pinoy gay movies, pinoy gay indie,

Friday, December 9, 2016

Denying Love

By: Mack

"Hi tita! Mano po. Gising n po b si Mack?" Bungad ni Jeff kay tita Belen sabay mano.

"God bless you anak. Hindi pa. Puntahan mo nalang sa kwarto nya. Wale him up nalang hijo para makakain na kayo. I've to go, I have to send some documents to your kuya Ronald. Kelangan nya daw, tapos deretso na ako sa trabaho"

"Sige po tita. Take care po"

"Nilagay ko sa fridge yung pagkain, iinit nyo nalang. And Jeff, please kausapin mo yang kaibigan mo about what happened sa school. Ayaw nya akong kausapin eh" sabi ni tita belen

"I will po tita" sagot namin ni Jeff. At yun ang dahilan kung bakit nagpunta sa bahay dahil dun. Kelangan nyang masabon ng todo ito sa nangyari. Nasangkot ito sa isang away sa school at nanganganib na masuspende. Kinausap siya ng dean nila na kausapin din ang kaibigan ukol dito, dahil di lingid sa mga tao sa school na sobra silang close. Parang magkapatid sila kung tutuusin. At siya lang ang bukod tanging nakakasupla sa kaibigan. Di nya alam ang dahilan pero kahit sinong tao kaya nitong sagutin, pero pagdating sa kanya nagpapahonuhod ito. Umakyat na siya sa ikalawang palapag ng bahay at pumunta sa kinaruruunan ng kwarto nito. Agad siyang pumasok at nakita nya ngang ang himbing ng tulog ng kaibigan. Sa mga ganung tagpo, hindi maiwasan ni Jeff na magtaka, dahil kapag nakikita nakikita nya ang kaibigang nasa ganung ayos ay parang hinahaplos ang puso nya. Parang may bumubulong sa kanya na yakapin ito. Ngunit pilit nyang winawaglit sa isip nya. Umupo siya sa may headboard ng kama at hinaplos ang ulo ng kaibigan. Nakakatuwang isipin na ang mokong na ito na parang anghel matulog ay isang basagolero at sakit ng ulo madalas. Maituturing na gwapo si Mack. Moreno, matangos ang ilong at katamtaman ang built ng katawan. Walang fats. Nasa 5'9" ang height. Maraming nagkakagusto dito. Maraming babaeng umaaligid na siyang madalas pinagmumulan ng away. Nagising si Mack sa ginagawa ni Jeff. Agad hinuli nito ang kamay ni Jeff at hinawakan ng mahigpit. Hindi maiwasang mainis ni Jeff sa sarili dahil sa simpleng tagpong iyon ay tila ba nakikiliti siya na para bang kinikilig siya 'manahimik ka sa kalokohang yan! Lalake kayong pareho!', bulong ng utak nya! Saka nya binawi ang kamay sa kaibigan!

"Mark Jonathan Dizon, tumayo k n jan at may pag-uusapan p tayo." Sabi ni Jeff.

"Mamaya na inaantok pa ako" sagot naman ni Mack, sabay takip ng unan sa ulo.

"Bok gising n, kain na tayo!" Yugyug niya sa kaibigan.

"Bok antok p ako eh, 1am na ako nakauwi. 10 minutes pa." Angal naman ni Mack.

"Jusko! San ka na naman ba galing, ha?! Ikaw talaga puro lakwatsa nalang inaatupag! Amoy alak ka pa! Tumayo ka na jan at para mahimasmasan ka!"
"10 minutes bok pramis tatayo na ako, sige na!"

"Haay naku! Sige na nga. Pero mag-uusap tayo ha!" Pahinuhod ni Jeff

"Oo nga", sabay dapa. Hinwakan na naman ang kamay ni Jeff at iginiya sa kanyang likod. "Kamot mo muna likod ko."

Pumayag si Jeff na kamutin ang likod ng kaibigan. Kapag ganito lalong nahihimbing si Mack. Siya lang ang bukodtanging tao na gumagawa nito sa kanya. 

Di na namalayan ni Jeff pati siya nakatulog din. Nagising si Mack n nasa tabi ang kaibigan. Pinagmasdan nya ito. Hindi nya maiwasang humanga sa kaibigan. Napakapayapa nitong matulog. Ang cute ng ilong na animo ilong ng bata. Ang mga pisnging mamula mula na masarap kurutin at ang labi na maninipis ngunit mapupula na masarap halikan. Alam ni Mack na lalaki siya. Marami na siyang naging girlfriend and karamihan naikama na nya. Kaya itong nararamdaman nya sa kaibigan ay estranghero sa kanya. Ewan din nya kung bakit pero sa mga kaibigan nito ay ito lang ang taong kaya soyang pagsabihan at pahinuhurin. At di nya rin kayang magalit dito. Bukod sa wala itong ginagawang dahilan para galitin siya. Mejo parang tatay lang ito minsan kung manermon sa kanya pero imbes na mainis siya natutuwa pa siya. Minsan din ay di nya maiwasang magselos sa mga taong kasama nito lalo na kay Jeric na close sa kaibigan. Kaya kahit anong paglalapit sa kanya ng kaibigan dito di nya magawang maging kaibigan dito. Meron silang mga barkada pero ang Jeric na iyon ang nag-iisang kinaiinisan niya. At ito ay inis din sa kanya. Kahit anong pilit nya wala talaga siyang makuhang sagot. Kaya imbes na pakaisipin ay kinakalimutan  nalang nya. Ang importante sa kanya masaya dahil palaging nandun ang kaibigan pagkelangan niya ito. At sa kanya lang ito naglalambing. Tumagilid siya ng higa at hinipan ang tenga nung isa. Napailag naman ang isa at nalukot ang ilong kahit tulog na isa sa kinaaaliwan nyang makita. 'Para talagang bata haha' sabi niya sa sarili. Ginawa nya ulet ang kalokohan nya. Hanggang sa nagising si Jeff

"Ano ka ba nakikiliti ako!" Sabay tulak sa kaibigan. Natatawa na Mack sa ginawa.

"Ang cute mo kasing matulog bok. Para kang bata!" Sabay dantay tapos isiniksik ang ulo sa leeg at hinipan ulet ang tenga ni Jeff.

"Isa pa sisipain na kita pababa!" Kita na pagkainis ng kaibigan! Tumawa lang si Mack at niyakap ito.

"Nagugutom ako bok" bulong niya sa kaibigan.

"Tara na sa baba may hinanda na si tita" akmang tatayo si Jeff ng hinigpitan ni Mack pagkakayakap at pagkakadantay sa kaibigan.

"Kung makakaalis ka, haha"

"Ah ganun! Tingnan natin" nagpangbuno ang magkaibigan. Pinipilit ni Jeff kumawala habang si Mack naman ay lalong hinihigpitan ang pagkakayap sa isa. Umusog si Jeff. Ngunit di niya namalayan na nasa dulo na pala siya. Hindi rin namalayan ng kaibigan na mahuhulog ma sila. Naunang nahulog patihaya si Jeff habang si mack pumaimbabawa sa kanila. Dahil sa gulat nilang dalawa nagtama ang labi nila.

Nagulat silang pareho sa nangyari kaya naitulak nila ang isa't isa. Di din namalayan ni Jeff na nagdurugo ang labi nya. Di nya maramdaman ang sakit. Nasa isip nya parin ang halik na nangyari. Si Mack ang una niya. Di nya alam kung ano mararamdaman naya. Bahagi ng utak nya natutuwa. Sa kabila naman naiinis.

Ganun din ang pakiramdam ni Mack. Ngunit nataranta siya nang makita ang mga labi ni Jeff. Tumatagas ang dugo nito. Kaya iwinaglit nya ang nararamdan and dagling lumapit sa kaibigan. Kumuha siya ng tissue sa side table

"Bok ang labi mo. Masakit ba?!" Kita ang pag-aalala sa mukha ni Mack. Sabay abot sa labi.

Di kaagad nakaumang si Jeff. Dahil sa bago pa ang pangyayari lalo na naman siyang nakuryente sa pagdantay ng kamay ni Mack sa daliri niya. Lalo na namang nagregudon ang pakiramdam nya. Naiinis siya hindi dahil kay Mack kundi dahil sa sarili nya. Bigla nyang iniwas ang labi nya sabay kuha sa tissue sa kamay ni Mack.

"Ok lang ako" sabay tayo, "kain na tayo" naglakad siya ng mabilis para makaalis sa lugar. Akward ang feeling nya.

Ganun din si Mack. At naguiguilty din siya sa nangyari. Pero isang parte rin ay natutuwa rin siya dahil nardaman niya ang labi ng kaibigan nya sa mga labi nya. Sandaling pangyayari kung tutuusin pero para sa kanya buong buhay na. Lalo tuloy siyang nalilito sa nararamdaman. Sinundan niya ang kaibigan.....

No comments:

Post a Comment

Read More Like This