m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, March 26, 2017

Totek (Part 6)

By: SJ

Hi everyone…. Thanks sa mga good comment ahm eto nay ung part 6 medyo mahaba…..

“Philip..”, yan ang huling nasambit ko bago ako tuluyan nilamon ng kadiliman. Hanggang sa aking huling pagkamalay ay ramdam ko ang sakit ng mga nangyari.

Namulat ako sa sahig ng kwarto ko, pagkadilat ko ay ramdam ko ang sakit ng ulo at pamamanhid ang buong katawan. Ramdam ko din ang panghihina at dehydration dala ng sobrang iyak. Kahit pa kakagising lang ay nararamdaman ko pa rin ang sakit ng nangyari. Agad akong tumayo sa kinahihigaan at pumunta ng cr. Nang mapatingin nmn ako sa salamin at nakita ang sariling reflection ay unti unti ko nnmng nararamdaman na namumuo ang mga luha sa mata ko. Naawa ako sa sarili ko. Nang makita ko uli ang mga pasa ko sa mukha, unti unti bumalik ang mga alaala ng nangyari. Uli, I cried my heart out. Hindi ko alam na ganto pala kasakit ang magiging resulta ng ginawa nya sa akin…….

Back to school na. Final quarterly exams week na. Pagkatapos noon ay summer break na. Lahat ay excited, pero ako? Wala. Mas nararamdaman ko pa din ang sakit ng mga nangyari. Sinubukan ko maging normal ang lahat. Lahat ng pain na nararamdaman ko, dinivert ko lahat sa pag aaral ko. Mas nagpursige ako sa pagrereview para sa final exams. Umiwas muna ko sa kahit anong distractions kasi yun ang pinaka huling kailangan ko ngayon.

Hindi naman nakatakas ito sa mata ng aking mga kaibigan. Gusto nilang malaman kung anong saloobin ko. Pero I chose to keep it muna to myself. Lagi kong sinasabi, this is not the right time. After ng school days, ay pwde ko nang iopen up sakanila, pero as of now, sana pagbigyan muna nila ko. Though alam ko, sina Art at Jenny, may ideya na sila sa kinikilos ko. At inintindi at nirespeto na lamang ang desisyon ko.

Tuwing break, ay si Art na lang ang pinapakiusapan ko na bumili ng pagkain sa cafeteria, sinasabayan nya na lang ako kumain sa room. Alam nya cguro na ayaw ko muna lumabas dahil ayaw ko mag krus ang landas namin ni Philip. Twing break naman ay pilit akong pinasisigla ni Art. Trying hard na talaga sya para man lang mapatawa ako. Kitang kita ko ang effort nya, kahit pa alam ko na mahirap din yun para saknya dahil kahit sya mismo, may mga issues pa na di nareresolve, tulad na lang ng pagkamatay ng kaniyang ama recently at ang pagsisi sa sarili sa mga nangyari. Tuwing uwian naman ay maaga ako umaalis ng school kasama si Art. Agad kaming dumidirecho sa pinagtatambayan naming café shop na malapit sa school. Dun na lamang sumusunod ang tropa para dun ko sila makabonding.
Natapos na ang final exams. Last day na. Masaya kaming nag ayos ng gamit na naiwan sa mga locker naming para iuwi. Lahat ay excited dahil bakasyon na sa wakas. Dalawang bwan din ang magiging pahinga namin sa skwelahan. Kaya dun pa lang ay masaya na ang lahat.

As usual, pagkatapos na pagkatapos ng klase ay direcho ang lahat para pumunta sa bahay at magcelebrate ng last day of school. Simpleng inuman lang naman. Alam nyo ang nakakatawa? Lagi na lang may inuman sa bahay, pero I barely drink. Bihirang bihira ako iinom talaga. May mga okasyon pa nga na nagiinuman sila, e di ako nakiki inom. Ayoko naman kasi maging hobby ang pag inom. Pero since last day of school naman, at ang dami kong dinadalang problema, naginum ako that particular day.

Nasa gitna kami ng inuman, pansamantala kong nakalimutan ang problema. Lahat kami ay nagkakatuwaan. Isa, dalawa, tatlo, lima, sampu, ang dami, di ko na nabilang. Ang dami ko ng nainom. Nararamdaman ko na ang konting pagkahilo. Pero di pa ko lasing. Ewan ko, pero di pa ko tinatamaan ng pagkalasing. Sige, inom pa. Inom. Lagok. Ayan, nararamdaman ko na. Sumasapi na.. pero hindi ang ispirito ng alak.. Ang tama na nagdadala sakin ng matinding kalungkutan. Nararamdaman ko ngayon ng mas matindi ang sakit. Shit, di ako pwede umiyak sa harap nila. Kaya pinasya ko muna magtungo sa aking kwarto. Lingid sa aking kaalaman, sinundan pala ako ni Jenny.

“Bes, baka gsto mo na magshare”

“You know what happened, Jenny..”

“Oo, alam ko. Pero what I don’t know is what you feel.”

“Alam mo Jenny, honestly, di ko na rin alam ang nararamdaman ko ngayon. O ang dapat maramdaman. Masyadong magulo. Sa umpisa ng pagkakaibigan namin, hindi ko alam na magiging ganto ang aming sitwasyon. Never in my dreams ko inakala ang lahat ng ito. Oo, aaminin ko sayo, may mga napansin akong mga kilos at emosyon na namamagitan samin, pero pilit kong di pinansin. Magulo din kasi yun para sakin. Tapos, nung gabing kinausap at pinrangka mo ko, unti unti ng nagiging malinaw sakin lahat. Higit pa sa pagkakaibigan ang mga nangyari.”

“Finally! Di ko naman kasi alam sayo bat parang ikaw nalang ang hindi nakakapansin ee. Marami na samin ang nakakapansin sa ibang attention na binibigay sayo ni Philip. Pero is it worth para maglasing ka ng ganyan?”

“I dunno Jenny.. Alam mo ba yung pakiramdam na you wanted to fix and patch things up, yet mas nagulo pa ang lahat? Hindi ko na alam san ako lulugar. I tried to be the friend that they wanted me to be.”

“Hhmmm. I feel you Jerry. Well, kung feeling mo, you’ve done enough.. I mean the changes and everything.. Bat di mo subukan na maging ikaw naman. I mean ipakita mo nlng kung sino ka. The real you. Hindi na yung kailangan mo maging iba para sakanila.”

“Siguro nga Jenny. Dahil sa nangyari, I don’t even know myself anymore.. Nakakapagod..”

“I know.. Sana maging okay na ang lahat.”

“Okay lang ako Jenny. I need just need time to heal myself. Yun lang”

“Ocge, pero wag mo kakalimutan na andito kami para sayo.”

“I know Jenny. Im thankful to have met you.. Youre a wonderful person.”

Nang bakasyon na yun ay wala akong inatupag kundi gumimik. Minsan kasama ang tropa, minsan si Art lang, pero madalas ako lang mag isa. Umiiwas ako sa lahat. Ayoko na maging sobrang close pa kahit kanino. Kahit pa kay Art. Ayoko na ulit makaramdam ng ganito. Kaya dapat wala ng mga special attachments to friends. Let them all be just plain friends.

Napadalas ang pag inom ko. Natuto ako manigarilyo dahil sa mga kung sino sinong nakahalubilo ko. Halos gabi gabi umuuwi akong lasing. O kaya naman ay nagkukulong ako sa kwarto. Oo, nagpapakita pa rin ako sa mga kaibigan ko, pero hindi na tulad ng dati. Nakakatanggap man ako ng txt mula sa kanila ay dinededma ko lang ito. Gusto ko mapag isa.

Sa lahat ng kagaguhan na nangyayari sakin, hindi ako iniwan ni Art. Kahit pa sinasadya kong maging cold sakanya minsan, hindi sya umalis sa tabi ko. Kahit pa alam nyang nagsisinungaling ako saknya sa twing nagpapasama sya sakin lumabas. Ang dami kong rason na binibigay. Pero di nya ko iniwan.

Si Art..

Prom night na. Excited talaga ako. Pero masama ang katawan ko. Malamig ang aking mga pawis. Pero baka dahil lamang sa excited ako. Naligo na rin ako at agad nag ayos para sa prom night. Kailangan maging gwapo ang ichura ko ng mapansin ako.. Sana nga.. mapansin nya ko……

Pagdating ko sa hotel ay wala pa ang pinakahihintay ko. Nakita ko lamang sila Ben, Leah at Jenny na magkakasama. Agad ko silang nilapitan. Kapansin pansin na mas lalong gumanda sila Jenny at Leah. Pero ang tagal naman ng hinihintay ko talaga. Naiinip ako. Di ko tuloy maiwasan ang paglingon lingon. Hinahanap ko yung isang tao na rason bat ako nagpagwapo ng todo. Nagulat na lang ako ng biglang nagsalita si Jenny.
“Darating din yun. Eto naman. Di mapakali”, may pagka sarkastiko nyang sinabi.

“Sino? Wala naman akong hinihintay.”

“Susme, another one in denial. O sya, wala na kung wala. Oo nlng ha. Art, alam ko na noh.”, bigla kong hinila si Jenny.

“Anong alam mo na?!”

“Sus Art! Magkakilala tayo bata pa lang tayo noh! Sa akin ka pa ba makakaligtas? Kilala kita. Alam kong hinihintay mo si Jerry.”

Nabigla ako. Bakit alam ni Jenny?! Shit!

“Don’t worry Art. You can trust me, remember?! Pero hinay hinay lang. Youre too obvious! Hahaha.”

Medyo napahiya ako sa sinabi ni Jenny. Buti na lang at walang nakarinig samin. Buti kaming dalawa lang.

“Wag ka maingay kahit kanino Jenny ha..”

“Ofcourse! Ano ko, shungaelya?! Wag ka lang masyado obvious noh!”

“Ha.. Ah, eh.. Ganun ba ko ka obvious?”

Nagulat na lang ako ng may narinig akong boses sa aking likuran.

“Oo kaya. Relax ka lang. Sige ka, mabubuko ka.”, shit! Boses yun ni Ben ah!

“Alam na namin Art. We have been talking about you guys. Hello! Ang tagal na nating magkakakilala noh. Alam na natin ang pasikut sikot ng bituka ng bawat isa.”, sabi ni Jenny.

“Pre, kaibigan tayo diba? Sana man lang sinabi mo sa amin ng natulungan ka namin. Tanggap naman namin e.”, nakangiting sabi ni Ben.

“Okay, I have 1 good news and 1 bad news for you. First, good news!! Alam na namin ang sikreto mo at wala ka na dapat ikabahala! Yehey!! BUT!! The bad news is… You have competition.”, sabi ni Jenny.

By competition, I know Jenny meant Philip. Simula pa lang ay alam kong magiging kumpetisyon ko na sya. Naamoy ko na noon pa na iba ang pagtingin nya kay Jerry. Kaya nga ba malayo ang loob ko sakanya umpisa pa lang eh. Pero I wont lose to someone like him. NEVER!

Nasa ganun akong pagiisip ng biglang dumating na ang pinakahihintay ko. Si Jerry! Taena! Mas gwapo sya ngaun ah! Kahit kalian talaga ay napakagaling pumorma at magdala ng sarili ni Jerry. Kaya naman ang dami ding nagkakagusto sakanya. Pero pinilit ko maging kalmado. Ayaw ko ipahalata sakanya ang aking nararamdaman.

Una nyang binati sila Jenny. Pero totoo naman talaga, ang ganda nga talaga nila Jenny ngaun. Nagulat nalang ako ng biglang tumingin sakin si Jerry at nakangiti.

“Wow Art. Poging pogi ka ha. Nice.”, sabay bitiw ng isang matamis na ngiti.

LABDAB! LABDAB! Ang bilis ng pintig ng puso ko. Ang saya. Di lang masaya, sobrang saya! SHIT! SUCCESS! NAPANSIN AKO! Syempre masaya ako! Napansin nya ako! Yun naman talaga ang plano ko simula’t sapul. Gumanti lamang ako ng ngiti at sinabing, “You look good too pare.”

Sabay sabay kaming pumasok sa loob para magparegister na. Pagtapos ay tinungo na naming ang hall kung saan gaganapin an gamin J.S prom. Pagpasok naming ay namangha kami dahil lahat ay talagang naghanda para sa okasyong ito. Kahit pa ang mga parang baduy manumit sa school ay biglang nagtransform at naging pagkaganda ganda.

Magsisimula na ang program at medyo sumama lalo ang pakiramdam ko. Mabigat ang mga mata ko at malamig ang mga pawis ko. “Baka sa aircon lang to.”, sabi ko sa aking sarili. Nagpaalam sakin si Jerry na mag ccr daw muna sya. Sasamahan ko sana ngunit nakita kong sumenyas sakin si Jenny. Wag nga pala dapat obvious kaya hinayaan ko na lang sya umalis mag isa. At isa pa ay medyo nahihilo rin ako.

Ilang minute bago mag umpisa ang program ay bumalik na si Jerry. Ngunit parang nag iba ang aura nito. Hindi ko alam kung ano, pero kapansin pansin na parang mainit ang ulo nito at parang may naka away. Paglingon ko sa pinto, ay nakita ko si Philip na kakapasok lang din ng hall.” Di kaya nagkasalubong sila on the way sa cr? Or baka sa loob ng cr?”, yun ang aking naging suspecha.

Nagsimula na ang programa at nagsalita na an gaming principal. Sinabi na kami daw ay kakain muna bago magkaron ng sayawan at kung ano ano pang seremonyas. Biglang naglabas ng camera si Jenny at sabing picture picture daw muna bago kumain total mahaba pa ang pila. Napansin ko din na tinawag nya si Philip. Kahit alam kong labag sa loob ni Philip yun, wala naman itong nagawa dahil si Jenny ang nagyaya sa kanya. Tumabi talaga ako kay Jerry at napansin kong napatingin si Philip sa aming direksyon. Pagtapos ay nagkainan na nga lahat. Hindi ako masyado makakain ng maayos dahil nga medyo masama ang aking pakiramdam. Medyo nabuhayan lang ako ng magpatugtog ng disco ang dj. Lahat kami ay nagiindakan. Hala! Cge! Sayaw! Ganto pala kasaya ang prom! Pero natigil ang indakan ng biglang nagpatugtog ng love songs. Agad kong hinanap si Jerry. Nakita ko sya na bumalik sa kinauupuan namin. Wala nga rin pala syang partner. At ako ay wala din. Kaya nagdecide ako na bumalik na lang sa aming kinauupuan.

Nang makabalik ako ay agad akong umupo sa tabi nya. Medyo naiilang ako. Lalo na pagtitig sya at ngingiti. Hindi ko alam, pero sa mga ngiting yun, alam kong lalong nahuhulog ang loob ko sakanya. Hindi ko man ito masabi ng direchahan, pero lage ako gumaganti ng ngiti sakanya. Sya naman kasi ang rason ng bawat pag ngiti ko.

“Ok ka lang? Mukhang matamlay ka ha.”, tanong sakin ni Jerry.

“Ah, hindi, medyo napagod lang ako sa pagsasayaw. Ang likot kasi ng lahat!”

“Enjoy tong prom na to. Lalo na at andyan ka.”, nakangiting sabi nya sakin.

Halos mamatay na ko sa kilig sa narinig ko sakanya. Pero im still trying to keep my cool. Hindi ko pwede ipahalata na kinikilig ako. Di pa panahon para malaman ni Jerry.

“Ang sarap nila tingnan noh?”, sambit ko kay Jerry.

“Oo nga ee.. nakakainggit”,

“Bat hindi ka kasi pumili? Ang dami naman pwede.”

“Magsalita ka naman. E ikaw nga wala din.”, yan ang tangin naitugon ako. (Pero sa totoo lang, ang gusto ko sana sabihin sayo Jerry, Ikaw tlga ang gusto ko isayaw. Pero im scared on how you will react. L)

“Meron ha.. Hindi ko lang nasabi.”, pahabol kong binulong. Hindi ko alam kung narinig nya. Pero masama ba mangarap? Ayan kami at magkatabi. Hindi man kami magkasayaw dalawa ay heto kami at magkasama. Sa bawat kumpas ng tugtog ay sumasayaw naman ang damdamin ko para kay Jerry. I hope one day masabi ko to sayo Jerry.. I hope…..

Nasa state of kilig factory ako ng biglang umeksena si Jenny.

“Peram naman si Jerry”, sarkastikong ngiti at sabi nito.

“Sure.”, sabi ko nalang.

Badtrip naman to si Jenny oh! Ang ganda tumayming! Kilig na ee! Pero sino nga ba ko para solohin si Jerry? Hinayaan ko na lang sya at sinundan sila ng tingin.

Sa pagsasayaw nilang dalawa sa mga love songs ay napansin kong sa iba nakatingin si Jerry. “Kanino ba sya nakatingin?”, tanong ko sa aking sarili. Nang makita ko kung sino ba ang tinitingnan nya ay halos madurog ako sa aking kinauupuan. Di ko alam pero para kong biglang tinarak sa dibdib. Nakakaramdam ako ng selos. “Shit, si Philip” hindi ko maiwasan na hindi magselos. Bat sya nakatingin kay Philip. Ang buong akala ko ay napansin nya na ko ng tuluyan. Pero di nya si Philip pa rin ang nakikita nya. Pilit kong nakipag kompitensya sa mga gngawa sakanya ni Philip, pero di nya pa rin makita ito. Lalong sumama ang pakiramdam ko. Nawalan na ko ng gana buong gabi.

Pagtapos ng prom ay di natuloy ang plano na magmamalate kami ng tropa, dahil ang iba sakanila ay wala daw budget. Dun nalang daw sa bahay nila Jerry. Pabor naman ako ditto dahil mas makakapagpahinga ako doon. Nilalagnat na kasi yata ako. Medyo mainit na ako. Gusto ko na sana umuwi, pero gusto ko pang makasama si Jerry.

Pagdating kaila Jerry ay agad nag inuman. Sinubukan ko uminom dahil baka mawala ang aking lagnat. Nakaupo ako sa sofa ng makita kong tinawag ni Jenny si Jerry at niyaya sa labas. Medyo kinabahan ako dahil baka ibuko ako ni Jenny, pero di naman cguro. Kilala ko si Jenny.

Pagbalik nila sa loob ay biglang nagulat ako ng lumapit sakin si Jerry. Shit! Baka nga sinabi ni Jenny ang nararamdaman ko. Lagot!!!

Nagulat nalang ako ng biglang hinawakan ni Jerry ang noo ko. Damn! Nabuko nyang nilalagnat ako! Sunod ko nang naalala ay bigla nya akong tinayo at sinabit nya ang aking braso sa balikat nya habang ang isang kamay nya ay nakahawak sa aking bewang. Mas tumindi ata ang lagnat ko dahil sa init na nararamdan sa pagkakahawak nya sa akin. Naramdaman ko nalang na tinatahak namin ang hagdan papunta sa kwarto nya. Nang mahiga nya ako sa kaniyang kamay ay may sumunod na may dala ng bimpo at plangganang may tubig. Sinimulan akong punasan ni Jerry. Nakita ko rin si Jenny na may dalang tubig at gamut na agad nyang pinainom sakin.

Sobrang touched talaga ako sa ginagawa sakin ni Jerry. Ang pag aalala nya, ang pagbuhat nya sakin, at ang pagaalaga nya sakin ngayong may sakit ako. Lalo tuloy nahuhulog ang loob ko sakanya. Pinaalis ko na ito at sinabing bumalik na sya sa mga nagiinuman at okay na ko dahil nakahiga na naman ako.

“Hindi pwede Art. Nangako ako kay Tito Lance at tska sa sarili ko na di kita papabayaan.”, nakangiti nyang sinabi sakin.

Kinilig ako ng sinabi sakin ni Jerry na di nya ko papabayaan dahil sa pinanganko nya daw ito sa aking ama at sa kaniyang sarili. Naramdaman ko ang tunay na pagmamalasakit galing sakanya. Hindi ko rin makalimutan ang mga tingin nyang yun, ang mga ngiting yun. Shit, Jerry, lalo ako nahuhulog sayo…..

Napagdesisyunan ko na rin magpahinga at matulog na. Alam ko rin kasi na di aalis si Jerry sa tabi ko hanggat gising ako. Ayoko naman ispoil ang gabi nya sa pagaalaga sakin. Hanggang sa nakatuluyan na kong nakatulog.

Kinaumagahan ay nagising ako na katabi si Jerry. Medyo bumuti na rin ang pakiramdam ko kahit papano. May lagnat pa rin, pero kaya ko ng tumayo. Nang bumangon ako ay napansin ko ang ilang pasa at gasgas sa katawan ni Jerry. Laking pagtataka ko dahil sa nakita ko. Gustuhin ko man sya gisingin at tanungin ay halatang pagod ito. Kaya minabuti na lang na wag muna sya tanungin.

Tumayo ako at naghilamos. Pagkatapos ay lumabas ng kwarto. Gusto ko malaman kung sino ang naiwan sa bahay nila Jerry. Paglabas ko ng kwarto ay naabutan ko na sina Jenny, Ben at Leah na lang ang tao. Nakauwi na ang iba. Naabutan ko sila sa sala at nagaayos pauwi. Agad kong pinuntahan si Jenny para itanong kung may nalalaman sya. At doon, isiniwalat nya na sakin ang lahat ng nangyari. Sobrang naschock ako at naguilty dahil sa akin pala nagsimula ang lahat ng gulo. Alam kong iisipin yun ni Jenny kaya pinangunahan nya na ko. Naramdaman ko ang luha na umaagos sa aking mga mata..

“Don’t blame yourself sa nangyari, Its not ur fault and I Know Jerry doesn’t blame you too. Ngayon na ang chance mo para ma win si Jerry. Ikaw na ang bahala sakanya.”, sabay punas sa aking mga luha.

“Jenny, how can I not blame myself? Nakita ko na ang daming pasa, gasgas, at sugat kay Jerry.”

“Art, kung ano man ang nangyari, hindi mo kasalanan yun. Wag mo isipin yun.”

At doon, nagpaalam na nga sila para umuwi. Tahimik akong nahiga at nagiiyak sa sofa. Binuksan ko rin ang tv para di marinig ni Jerry na umiiyak ako incase na bumaba ako. Ngunit hinaan ko lang ang tv para marinig ko kung bumaba na si Jerry.

Nang mahimasmasan ay napansin kong tanghali na pala at malamang, pag gising ni Jerry ay gutom na ito. Sinubukan kong tumayo at pumunta sa kusina para maghanap ng maluluto ng naalala ko, di nga pla ako marunong magluto. Badtrip! Kaya napagpasyahan ko nalang magpadeliver ng fastfood. Pagtapos tumawag ay bumalik na ko sa kinahihigaan at nanood ng tv. Sakto, narinig kong bumababa na si Jerry.

Nang makababa sya ay umusog ako para makaupo sya. Pero nung umupo sya, ay agad akong humiga sa kandungan nya. Hindi ko alam kung bakit, pero gusto ko sya icomfort dahil sa mga nangyari. Tatayo sana ito para magluto ngunit nagpabigat ako at sinabing nagpadeliver na lang.

Bago pa man din kami kumain ay nginitian ako ni Jerry. Ngunit di ako makangiti. Naguguilty kasi ako. Kaya nalungkot nanaman ako. Doon, sinabi ko na sakanya na alam ko na ang lahat ng nangyari. Nilabas ko ang saloobin ko sa nangyari at sinabing naguiguilty ako. Pero tulad ng sabi ni Jenny, ay di ako sinisisi nito. Dun ko na rin balak isakatuparan ang sinabi ni Jenny. I will try to win him over.

Hinipo ko ang mga pasa, gasgas at sugat ni Jerry. Partly, alam ko na ako ang dahilan ng mga yun. If Philip didn’t see us sa ganung kalagayan, none of these would’ve happened. Awang awa ako sa ichura ni Jerry. Hindi kaya tanggapin ng kalooban ko ang nakita. Unti unti, naramdaman ko ang galit. Ang galit para kay Philip.

Pagtapos naming kumain ay tahimik lang si Jerry. Hanggang sa hinatid nya ko at nakasakay kami sa taxi at nakababa ako sa tapat namin ay tahimik lang sya. Gusto ko man syang kausapin ay di ko din alam ang sasabihin. Alam ko din na hindi ito ang panahon. Masakit sa aking kalooban, pero kailangan ko respetuhin ang decision nya. Kung gusto nya muna tumahimik, rerespetuhin ko yun.

Nang makarating sa tapat ng bahay namin ay hindi ko na sya pinababa ng taxi at pinauwi ko na sya para makapagpahinga. Hindi pa panahon para magusap kami kaya hinayaan ko muna sya. Bago pa man din bumaba ay hinalikan ko si Jerry sa kanyang pisngi.

“Jerry, Im so sorry for everything. Huwag ka magalala, hindi ako mawawala sayo. Hindi din kita pababayaan.”

Tumungo lang at nginitian ako ng bahagya ni Jerry. For now, okay na muna ako dun.. Ito rin lang naman ang magagawa ko sa ngayon….

Bago tuluyan pumasok ng bahay ay tinanaw ko ang taxi na sinasakyan ni Jerry papalayo sa aming bahay at sinigaw ko sa utak ang mga salitang..

“Jerry.. wag kang magalala. Huling pagkakataon na ito na sasaktan ka nya.. Hindi na ko makakapayag na masaktan ka pa nya uli…. Hayaan mong ako ang magalaga sayo. Hihigitan ko sya.. Pangako…………”

Pagpasok na pagpasok ko ay binitbit ko ang prinsipyong kahit anong mangyari ay ipaglalaban ko na ang nararamdaman ko para kay Jerry. Mas lalaksan ko na ang loob ko. Hindi na ko papaya na masaktan pa sya muli. Hindi na rin ako papatalo ngayon pang nakumpirma kong kakumpetensya ko nga si Philip sa puso ni Jerry.

Nang makatuloy na ko sa bahay ay naabutan ko si Kuya George na gamit ang laptop nya sa may sofa. Nginitian ko lamang ito.

“Bro, kamusta prom kagabi?”

“Ok naman kuya. Di ko lang masyado naenjoy kasi nilagnat ako pagtapos. Buti nalang at sa bahay na lang nila Jerry ginanap ung after party. Wala din kasing budget yung iba pang malate. Pagdating dun, nakatulog na rin ako.”

“Ah.. Kaya pala wala ka..”

Nagulat ako sa sinabi ni Kuya, ano ang ibig sabihin nya?

“Wala saan?”

“Ah, wala.. Diba may lagnat ka kamo? Magpahinga ka na dun. Papaakyat ako kay yaya ng gamut para sayo.”

Nagtataka pa rin ako sa sinagot ni kuya, pero dali dali akong umakyat sa kwarto ko dahil medyo nahihilo pa rin ako.

Balik iskwela na, final exams. Pagtapos nito ay bakasyon na. Kaya naman nagisip ako ng maaring puntahan para mabawasan ang stress na nararamdaman ni Jerry. Ngunit pagpasok pa lang ay naramdaman ko ang pagbabago sa ugali ni Jerry. Naging mailap to sa lahat, hindi tulad dati na akala mo kakandidato tuwing break dahil sa dami ng kaibigan. Di na rin sya bumababa sa cafeteria para kumain. Sa halip ay pinakikiusapan na lang ako para ibili sya ng pagkain. Pabor naman din sakin dahil masosolo ko sya kahit man lang sa pagkain. Napagkasunduan na rin nmin nila Jenny na wag muna tanungin si Jerry sa mga nagyari dahil sa hiling na rin nito. Pagtapos na lang daw ng exams. Ayaw daw nya daw muna magi sip ng kng ano ano at gusto nya muna na mag concentrate sa exams. Kaya inintindi na lamang sya dito.

Natapos na ang final exams at nagpasya ang lahat ng tropa na magtungo uli sa bahay nila Jerry para mag party. Sumama kaming lahat. Ako, sumama ako para di talaga magi nom, kung di para makasama at mabantayan si Jerry. Alam kong kailangan niya ng labis na pagiintindi sa ngayon. At yun din ang balak kong ibigay sakanya.

Inuman na. Lahat ay nagsasaya dahil sa wakas, pahinga muna kami sa skwela. Wala munang mga project o exams. Masaya din ako dahil nakikita ko si Jerry na nakikihalubilo sa mga kaibigan namin. Pakiramdam ko ay bumabalik na muli ito sa dati. Ngunit parang mali ata ako. Dahil naging sunod sunod ang paginom nya. Medyo naninibago ako dahil kadalasan ay chill lang ito sa inuman. Ngayon ay parang uhaw na uhaw sya sa alak. Minsan pa’y nang aagaw ng tagay ng iba. Shit! Sinasadya nya pala. Nang di na ko mapakali ay pinuntahan ko agad si Jenny.

“Jenny.. si Jer..”

“I know, kanina ko pa yan napapansin. At napipikon na rin ako. Pero di ko sya pwede sabayan ng init ng ulo. Kailangan nya ngayon ng labis na pagiintindi. Di ko ba naman kasi malaman sa inu, ang dami dami dami nung eksena sa buhay. Nakakaloka! Well, ako ng bahala sakanya for now.”

Bumalik na lamang ako sa pag iinom. Nang medyo napaparami na ang inom, napansin ko na umakyat si Jerry patungo sa kaniyang kwarto. Nakita ko rin na sumunod si Jenny. Medyo gumaan ang loob ko. Alam kong maguusap sila, alam ko rin naman makikinig si Jerry sa kung ano mang sasabihin ni Jenny.

Natapos ang inuman at nagsiuwian na kaming lahat. Gusto ko sanang kausapin muna si Jerry bago ako umuwi, pero pinigilan ako ni Jenny.. Mas makakabuti daw munang iwan muna naming sya magisa. Kami na lang daw muna ang mag uusap at ikkwento nya lang daw sakin sa daan ang pinag usapan nila. Nalungkot naman ako, dahil akala ko ay pagkatapos nila mag usap ni Jenny ay magbabalik na uli ang dating sya. Ngunit mukhang mahihirapan kami.

Nakalipas ang mga araw pa, ngunit walang pagbabago kay Jerry. Mas naging malala pa ata ito sa ngayon. Hindi na naming sya makausap ng maayos. Bihira na rin sya pumunta sa bahay. Kung pupunta man sya ay magpapasama sya para gumimik at magi nom. Labag man sa loob ko ang kaniyang ginagawa ay hinayaan ko na lang muna sya. Pinagbigyan ko ang lahat ng gusto nya. Minsan pa ay pag nagpapasama ako sa kanya pag gusto ko lumabas o kaya sa summer training ko ay nagbibigay sya ng kung ano anong rason, minsan pay nagsisinungaling sya. Alam kong alam nyang nagsisinungaling sya, pero pilit ko iniintindi.. Kahit ang totoo.. Ang sakit. Ang sakit sakit na.. :(

Lumipas ang mga araw. Lalo akong nalulon sa bisyo. Wala na kong paki sa sarili ko. Laging gabi na ako nauwi. Party dito, party doon. Isang gabi, napagpasyahan ko nanaman gumimik at mag inom. Ittxt ko sana si Art para isama ngunit medyo naguiguilty na rin ako. Unti unti ko ng narerealize na mali ang ginagawa ko sakanya. Alam kong nasasaktan na sya sa ginagawa ko. Akala ko nung una, pag nilayuan ko na sila, e magiging ok na ako. Pero nagkamli ako. Kahit pa man na anong nangyari sakin noon ay di ako iniwan ni Art, kahit pa ngayon na tinataboy ko sya. Andyan pa rin sya.

Pagdating ko ng bar mga pasado alas dose ng hating gabi ay umorder agad ako ng isang bucket ng beer. Nandun ang mga naging kakilala ko sa inuman kaya sinamahan nila ko mag inom.

“Pare, bat nagiinom ka magisa? Tara, sama ka dito.”

At yun na nga, lumipat ako sa side nila. Naginuman kami doon at medyo nagkakakwentuhan. Sa isip ko, akala ko, makakalimutan ko nanaman ang mga problema panandalian. Pero nung nakita ko silang nagtatawanan at masayang masaya, mas lalo akong nalungkot.

“Ano bang nangyayari sakin?”, tanong ko sa sarili. Habang tinitingnan ko silang masayang masaya ay naalala ko ang sarili kong tropa. Dapat sila ang kasama ko ngayon at hindi ang mga ito. Naalala ko na kahit pa tipid na tipid kami sa inuman ay masaya pa rin kami dahil magkakasama kami. Hindi katulad ng ganito, walang pakialamanan samin dahil ang isip nila, kasamahan lang ako sa inuman. Pero di tulad ng tropa na damayan sa problema.

Maya maya ay nakatanggap ako ng text mula kay Jenny.

“Jerry, hindi ko alam bakit pati kami ay dinededma mo na. Pero cge, “I’ll understand. Pero sana kahit man lang si Art, makipag ayos ka na. You haven’t been treating him nice and he doesn’t deserve that kind of treatment. Make things right before its too late.. Ingats ka bes. We love you still..”

Pero dinedma ko ito. At hindi nagreply.

Nagulat ako ng bigla na silang nagsitayuan, lilipat din daw sila, gusto lang daw nila uminom ng konti, may kaibigan kasi silang imeet sa ibang bar. Niyaya nila akong sumama, pero tumanggi ako. At ayun na nga, mag isa na kong umiinom. Dala na rin ng alak, mas lalo akong dinadalaw ng lungkot. Pambihira naman. Alam ko naman malungkot mag isa lalo na pag umiinom. Mas lalo kong naramdaman ang pag iisa. Namimis ko tuloy bigla ang tropa. Ang walang katapusang saya pag kami ang magkakasama, kahit sa mga simpleng trip, masaya pa rin. Naalala ko rin ang kasweetan ni Philip. Ang pagka isip bata at kakulitan ni Art. Lalo na ang pagbati nya sakin sa umaga ng napakasiglang “Good Morning”, ang mga pangungulit nya sakin. Ang pagkaprangka at pagkamaldita ni Jenny. Ang pagkaloko ni Ben, at ang sobrang kikay na si Leah. Ito ang mga taong tunay na nagpapasaya sakin na mas pinili kong layuan dahil sa katangahan.

Nasa kalagitnaan ako ng pag eemo ko ng biglang may nagsalita sa harap ko. Isang pamilyar na boses.

“Oh, bat nagiinom ka magisa?”, sabi ng isang pamilyar na boses.

“Kuya George? Uy, kamusta? Ano ginagawa mo dito?”

“Ah, galing kasi ako sa bday ng inaanak ko, e medyo nabitin sa pag inom kaya gusto ko sana magi nom pa ng konti. Tsaka I will be meeting someone around the area din E napaaga ang punta ko. Do you mind na share na lang tayo sa table?”

“Oo naman kuya, have a seat.”

Medyo guminhawa ang pakiramdam ko. Atleast di na ko mag isa magiinom. Pero medyo naiilang ako kasi kapatid sya ni Art. At naguiguilty na ko sa mga ginagawa ko sa kapatid nya. Hindi tuloy ako makatingin ng direcho sakanya. Sinubukan kong basagin ang katahimikan.

“So kuya, kamusta naman?”

“I’m ok. Doing great as usual. Pero the question is, ikaw ang kamusta?”

“I’m ok… I guess..”

“Haayy.. Ikaw talaga..”

“Bakit kuya?”

“Since you’ve been taking care of Art, hindi na rin iba ang trato ko sayo. Para na rin kapatid ang turing ko sayo. Hmm.. Wanna talk about anything…? You seem bothered kasi..”

“Kuya kasi….”, at dun, di ko na napigil ang emosyon ko. I’ve been holding this for too long. Mabigat na. Masakit. Halos di ko na magawang normal ang buhay ko. Kaya sa pagkakaiyak kong yun ay lumapit si Kuya George at hinimas ang likod ko.

“Do you think it’s worth it? I saw everything Jerry. Nung gabi ng prom nyo, I was invited by a friend sa malate. It was past midnight ng biglang may isang lalakeng nagwala sa loob ng bar. Agad naman pinigilan ng mga kasama nyang kalalakihan. Then after ilang minutes, I saw you with Jenny. I saw everything. The way na nagkasagutan kayo, nagkasuntukan. Lalapit sana ko, kaso gutso ko ihandle mo muna yan mag isa kasi it seemed very personal.”

Galing sa pagkakaiyak ay gulat ang reaksyon na naramdaman ko. Syempre ba naman. Nakakahiya at alam nya ang skandalong nasangkutan ko. Pero di ko na napigilan ang emosyon. Dala na rin siguro ng nahihirapan ko, ikinwento ko na lahat ang nangyari. For the first time, may nasabihan ako ng lahat lahat. Lahat ng mga tanong ko sa sarili ay naitanong ko na rin kay Kuya George. Tahimik lang sya tumutungo at pinapakinggan ako. Nang nanahimik na ko ay nagsalita na rin ito.

“Matalino ka Jerry. Alam mo rin ang mga sagot sa tanong mo. Pero nagbubulag bulagan ka lang. Pero sa nakikita ko sayo at sa kinwento mo sakin? Honestly, you are starting to act like Philip. Dala ng kaduwagan mo ay nilayo mo ang lahat ng tao sa paligid mo. Yan ba ang gusto mo talaga? Hindi lang si Philip ang nagmamahal sayo, Jerry. Alam kong alam mo yan. Ayaw ko muna magsalita hanggat hindi kayo mismo ang lumalapit sakin. Pero Jerry, sa lahat ng pagiiwas na ginagawa mo, yan ba talaga ang gusto mo? Ganyan mo ba gusto ipagpatuloy ang buhay mo?”

Natahimik ako sa sinabi ni Kuya. Nagisip. Isa isa kong inalala ang mga pinaggagawa ko ng mga nakaraang linggo. Ang pagdedma ko sa mga kaibigan, ang pagiging ilag ko sa mga tao, ang pagiging masyado kong reserved na tao. This is not me. At tama sya, I think im starting to act like Philip. Ako na ang nilalapitan ng mga kaibigan ko, pero sila ang tinataboy ko. Shit! What have I become?!

“Kuya, hindi mo naiintindihan.. masyadong kumplikado ang lahat. May mga bagay bagay ako na hindi maintindihan mismo sa sarili ko. May mga emosyon akong nararamdaman na hindi naman dapat dahil hindi normal.”

“Hindi ko man pinagdadaanan yang pinagdadaanan mo ngayon, pero isa ang sigurado ko, natuto na rin akong mainlove noon.”

“Kuya, ano naman kinalaman ng pagiging inlove sa sitwasyon ko?”

“Jerry, mukha ngang di mo pa narerealize. Pero alam ko, dyan sa sarili mo, nagmamahal ka, kaya ka nga nasasaktan ng ganyan ee. Hindi magiging ganyan ang mararamdaman mo kungdi ka nagmamahal. O sige, kung tayo ba ang mag away e magiging ganyan ka din ba ka apektado?”

“Kuya.. Tama ka.. Inlove nga yata ako.. Pero bakit? At kanino?”

“Jerry, kaya kong sagutin ang bakit. Pero ang sino? Ikaw lang ang may alam nyan. Bakit? Hindi naman natin napipili kung sino ang mamahalin. Walang rason kung bat ka nagmamahal ng isang tao. Kung magkakaroon ka man ng rason kung bakit mo sya minahal, ay magkakaron ka na rin ng rason kung bakit di mo sya mamahalin.”

“Pero Kuya, lalake ako.. at lalake din sila. Hindi ako bakla.”

“Wala namang nagsasabing bakla ka e. Pero yang nararamdaman mo, alam mong totoo yan. O sige, sabihin natin, nagkaka girlfriend ka nga. Naatract ka sa mga babae. Gusto mo ng babae. Kasi nga lalake tayo. Pero Jerry, sabihin na natin na kunwari, babae nga ang rason kung bat ka nagkakaganyan. Do you think youre being a man right now? Imbis na harapin mo ang problema mo, e kinukulong mo ang sarili mo sa sarili mong confusion and kalungkutan. Take it like a MAN!”

Bawat salita na binitawan ni Kuya George ay talagang tumatarak sa dibdib ko. Para akong binabangungot at biglang binuhusan ng napakalamig na tubig. Bigla kong narealize ang lahat. Unti unti ng nagsisink in sakin ang mga tanong sa sarili, at ang mga sinabi ni Jenny. Unti unti ko ng napagdudugtong ang mga tanong ko sa sarili ko. Isa isa ng nagkakaron ng linaw ang lahat sakin. Naramdaman ko din ang kagaguhan at kaduwagan na pinag gagawa ko. Parang bumalik na ko sa realidad. Tapos na ang masamang panaginip.

“Kuya salamat talaga. Tama ka, mali ang ginagawa ko. Hindi tama ang rason na malungkot ako kaya sisirain ko ang sarili ko. Wag ka mag alala kuya, this has been an eye opener for me. Gising na ko kuya, tapos na ang masamang panaginip.

Niyakap ko si Kuya George sa sobrang tuwa. Ang laki ng pasasalamat ko na nagkita kami nung gabing yun. Kita naman kay Kuya ang saya dahil sa nakatulong sya. Naramdaman ko din sa sarili ang pag gaan ng loob. Kahit pa ang dami ng nainom ko ay parang biglang nawala ang lahat ng lasing ko. Nung puntong yun, gusto ko ng ayusin na uli ang lahat. Ayaw ko na magtago sa kalungkutan.

Pagkalabas namin ni Kuya ng bar ay nauna na kong umuwi, may dadaanan pa daw kasi sya. Pero ihinatid nya muna ko sa taxi bago pa sya tuluyan umalis. Naging magaan na ang pakiramdam ko. Hanggang sa nakauwi na nga ako sa bahay.

Pagpasok na pagkapasok ko ng kwarto. Isa ang pumasok na pangalan sa utak ko.

“Si Art!”

Maaga akong nagising. Sinalubong ko ang umaga ng may ngiti. Sobrang gaan na ng pakiramdam ko. At lahat ng ito ay malaking pasasalamat ko kay Kuya George. Kung hindi dahil sakanya, ay malamang lugmok pa rin ako sa kalungkutan.

Agad akong tumayo at kinuha ang twalya. Pumili ng isusuot. Nang makapili na ay agad na ko dumirecho sa banyo at naligo. Masayang masaya talaga ako non dahil wala na ang nararamdaman kong sakit at bigat sa dibdib. Infact, pakanta kanta pa ko habang naliligo.

Pagkabihis ay agaran kong nilock ang bahay at naglakad palabas sa amin. Dumaan rin ako ng palengke. Namili ng sahog at dali daling nagpunta sa bahay nila Art. Malamang naka alis na yun dahil may training sila ngayon. Balak ko sya supresahin sa paguwi nya for lunch. Ipagluluto ko sya ng kanyang paboritong adobo.

Pero di tulad ng inaasahan, pagdating ko kaila Art ay sinalubong ako ni Tita Marissa. Nandun daw si Art sa kanyang kwarto. “Sayang, di ko sya masusurpresa tulad ng balak ko.”, sabi ko sa sarili. Pero mukhang nasa akin parin ang swerte dahil tulog pa daw ito dahil anong oras na daw ito nakatulog kagabi. Tuloy pa rin ang plano. Nagpaalam ako kung pwede ko bang pasukin si Art sa kanyang kwarto ngunit pinigilan ako nito. Mas maganda daw na supresahin ko nalang ito pag gising nito. Dahil malamang, ikatutuwa daw ni Art na pag gising at pagbaba nya ay ako ang madadatnan. Agad naman ako sumang ayon. Sinabi ko rin na ako ang magluluto ng tanghalian. Natuwa naman lalo si Tita dahil alam nyang paborito nito ni Art.

Pagkapasok na pagkasok ay nasalubong ko si Albert na nanonood sa sofa. Mukhang nagulat ito sa biglaan at maaga kong pagbisita dahil may pagtataka sa kanyang mukha. Nang hanapin ko naman si Kuya George ay tulog pa daw ito dahil lasing na ng umuwi kaninang medaling araw. Naalala ko na pagkahiwalay naming kagabi ay may pinuntahan pa ito. Kaya naman agad ko nalang inayos ang mga pinamili ko at sinimulan na ang pagluluto. Mas magana ako magluto ngayon dahil gusto ko talagang bumawi kay Art sa pagsusurpresa sakanya ng kaniyang paboritong Adobo.

Natapos akong magluto mga bandang 11:30 na ng tanghali. Binabad ko kasi mabuti ang karne para kumapit ang lasa kaya medyo natagalan ako. Special ang adobong ito. Pagkatapos magluto ay umupo muna ko sa sofa at tumabi kay Albert na nanonood pa rin ng tv. Andun na din si Tita Marissa at nanonood.

“Smells good. Im sure kuya will love it!”

“Yeah, I hope he does.”

“Naku hijo, sa amoy pa lang, alam mo ng masarap ang niluto mo.”

“Ikaw talaga Tita, nambola ka pa. Dibale, sabay sabay tayo kakain mamaya pagbaba ni Art.”, nakangiti kong sinabi.

“Hey man, did kuya already tell you that..”, pero cinut sya ni Tita Marissa at tumingin ng mata sa mata kay Albert na medyo ikinagulat ko.

“Hijo, what Albert means is ilang beses ka ng ikinikwento ni Art na sana.. ah.. mapadalaw ka na nga daw dito dahil ilang linggo ka na rin di nakakadalaw.”, agad na sinabi ni Tita.

“Yeah.. that..”, nasabi nalang ni Albert.

“Ah.. ah, eh.. Ganun po ba. Pasensya na Tita, medyo stressed kasi ako this past few days..”, tugon ko kay Tita. Pero may tila mali sa nangyayari. Hindi ko man matukoy kung ano, pero para talagang may mali.

Maya maya pa ay narinig ko ng may bumababa sa hagdanan. Si Art! Kaya agad muna ko nagtago sa pintuan ng cr. Magkahalong kaba at excitement ang naramdaman ko non. Gusto ko makita ng biglaan ang magiging reaksyon ni Art pag nakita ako. Nang makita ko sya mula sa konting puwang na binuksan ko galing sa pinto ng cr ay may pagtataka ang mukha nito at lumpait agad sa kusina. Inaamoy amoy ang paligid at tiningnan ang nilutong pagkain.

“Ma? Sino nagluto nito?”, agad na bungad ni Art sa ina pagkababa.

“Aba syempre, ako. Sino pa ba ang magluluto, kung hindi ako.”, kalmadong tugon ni Tita Marissa.

“Ma, sure ka? Ikaw talaga nagluto?”, taking taking tanong ni Art.

“Aba! Sino pa ba ang pwedeng magluto dito?”, malumanay na tugon ni Tita.

“Ahh.. ah ga-ganun ba.. Kasi pamilyar ang amoy ng lutong ito ee. Parang luto ni….”

At dun na ko umeksena.

“Luto nino? Luto ko?”, nakangiti kong sinabi ng biglang lumingon si Art sa direksyon ko. Kitang kita sa mukha ni Art ang matinding pagkagulat, pero at the same time, kitang kita sa mata nya ang pagkatuwa at pagkasabik. Sa sobrang tuwa nito ay lumapit ito agad at napayakap sakin na sya namang ginantihan ko rin. Mabilis lang ang yakapan na yun, pero ramdam na ramdam ko ang higpit ng pagkasabik sa kanyang pagkakayakap.

“Good Morning!!”, pagagaya ko sakanya. Pilit kong ginaya ang araw araw nyang pagbati sa akin ng napakasigla at maligalig na “Good Morning!”

“Hindi bagay sayo. Gagayahin pa kasi ee! Hahahaha! Wag mo na uulitin yon ah! Last mo na yon! Hahahaha!”, bakas sa mata nya ang tuwa sa pagkakasabi nya nun. Ngumiti lang ako sakanya. Isang matamis na ngiti na kanina ko pa gusto ipakita sakanya.

“Naligaw ka ata? Nako Jerry ha, maaga pa para gumimik o mag inom. Tigil tigilan mo ko.”

“Ano ka ba, hindi naman ako pumunta dito para magpasama uminom. Pass na muna tayo dun.”

“Huh? E bakit ka andito? San tayo pupunta?”

“Eh kung kumain muna kaya tayo?! Kanina ka pa po naming hinihintay senyorito.”, tanging tugon ko sakanya. Sabay kindat sa kanya.

Pinagising na rin ni Tita Marissa kay Albert si Kuya George para sabay sabay na kaming makakain. Maya maya din ay bumaba na si Kuya George kasama si Albert. Nang nakita ako ay agad ngumiti ito.

“Hmmm. Ang bango ha. Ikaw nagluto Jerry noh?!”, pambati ni Kuya George.

“Ah, hehehe. Pano mo nalaman Kuya?”

“Ahahahaha! Eh, di naman ganyan kabango magluto si mom ng adobo eh!”, sabay tingin kay Tita Marissa at nagbigay ng pilyong ngiti. Sabay sabi ng, “I love you ma. Heheheh.”

Naging napakasaya ng tanghalian nay un dahil bakas sa kanilang mukha ang saya. Mga naudlot na ngiti dahil sa pagkawal ni Tito Lance. Kahit ako man ay masaya dahil kahit papano ay nakapaglagay ulit ako ng ngiti sakanilang mga mukha.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain ng bigla akong nagsalita.

“Tita, hihiramin ko po pala si Art today ha. May pupuntahan lang kami. Dun na rin po sana sya matulog sa bahay.”

Agad natahimik ang lahat. Nakita kong tumingin si Art sa kanyang ina. Tumungo lamang si Tita Marissa kay Art. Sabay tingin sakin, “Sure hijo.”

Pagtapos naming kumain ay tumulong na rin ako sa pagliligpit. Ngunit pinigilan ako ni Tita. Siya na daw ang bahala dahil ako naman daw ang nagluto. Kaya naman agad kong kinausap nalang si Art at niyaya ito sa kaniyang kwarto upang dun sya hinatyin na makapag gayak. Ngunit pinigilan ako nito.

“Naku bes, dito ka na lang sa sofa maghintay, hindi kasi ako nakapaglinis ng kwarto ko ee. Nakakahiya naman, baka maglinis ka nanaman ng di oras. Mabilis lang ako, promise.”, agad na sabi nito.

Wala na rin akong nagawa kundi ang maghintay sakanya sa may sofa. Anyway, maganda rin naman ang palabas sat v kaya minabuti ko na rin manood na lang muna.

Maya maya ay bumaba na rin si Art dala ang isang bag. Kaya tumayo na ako at nagpaalam kay Tita. Niyakap nya ko ng mahigpit at nagpaalam na ko saknya. Nagpaalam na rin ako kaila Kuya George at Albert.

Nang makalabas ay agad kami nagtungo sa mall. Hindi ko kasi naman talaga alam kung san kami pupunta. Basta kailangan ko bumawi saknya, yun lang ang nasa isip ko. Hindi deserve ni Art ang mga ipinakita ko sakanya lately.

Pagdatinig naming sa mall ay niyaya ko sya manood ng sine. Ako ang taya. Ako ang bahala sakanya ngayong araw na to. Sisiguraduhin ko na dapat magenjoy sya. Karamihan sa palabas ay horror. Sakto! Parehas kasi naman paborito ang mga horror movies. Agad akong bumili ng ticket para sa aming dalawa. Kaso, nagsimula na ang palabas, mga 30 mins na rin ang lumipas kaya hindi na maganda umpisahan.

“Hintayin nalang natin yung next screening time, panget kung di natin mauumpisahan.”, sabi ko sakanya.

“Oo nga, mahaba pa naman ang oras.”, tugon nito.

“Tara, libot na lang muna tayo.”

Bumaba muna kami para magpalipas oras. Pumunta kami sa lagging tinatambayan ng tropa pag nasa mall. Dun din kasi madalas may mga pumupunta na magagandang babae. Dun kami nag bebebot hunting. Pagdating naming dun, napansin kong medyo tahimik lang si Art. Di tulad dati na pag may nakikita kaming magandang babe dun ay pupurihin namin. Ngayon, tahimik lang sya.

“Bes, ok ka lang ba? Kanina ka pa tahimik ah?”

“oo, medyo antok lang.”

Inaantok daw? Ano nga ba nakakapag pagising kay Art? Hmmm.. Arcade! Mahilig nga pla sya mag arcade dahil nakahiligan nya ang paglalaro, palibhasa nga ay isip bata. Pagdating naman sa may arcade ay tila medyo nabuhay si Art. Nagbasketball kami, air hockey, tekken, marvel vs capcom, time crisis at kung ano ano pang paborito nyang laro.

Natapos na kami at palabas na sana kami ng arcadan ng mapadaan kami sa karaoke. Sa wakas! Something na paborito ko naman ang gagawin naming. Madalas kasi magkaraoke pag wala akong ginagawa. Pinaupo ko muna si Art at sinabihang hintayin nya lang sa may mga upuan. Pagka upo nya ay namili na ako ng kanta.

Nakaharap ako sa song list ng maalala ko yung unang beses na kumanta ako sa school. Naala ko na gumagawa ako ng booth namin para sa foundation day ng tawagin ako ni Philip dahil ipapakilala daw nya ko sa mga kaibigan sa first section. Naalala ko kung pano nya ko pinakilalang bestfriend sa harap nila. Naalala ko kung pano ako pinakanta sa harap nila. Kung paano ko sya tiningnan habang kumakanta ako, ang pagtingin ko, ang pagkindat ko sakanya. Naalala ko din kung pano nya ko tiningnan. Una ay malokong ngiti sabay seryoso at matamis na ngiti. Lahat yun, bumalik sa aking alala. Lahat, isang magandang alala na lamang. Shit! Sa kabila ng lahat, ito naaalala ko nanaman si Philip. Mali, masakit, pero di ko mabura sa aking isipan. Sa pagpipili ko ng kanta ay naka agaw ng pansin sa akin ang dalawang kanta. Tugma at angkop ito sa aking nararamdaman, kaya agad kong pinindot ung number sa videoke sabay hulog ng token. Ilang sandali pa ay natapos na ang mga kantang nauna sakin kaya umakyat na ako ng stage.

Pagka akyat ng stage ay nagsimula ng tumugtog ang intro. Gusto ko ilabas ang aking nararamdaman sa pamamagitan ng kantang ito. Ito ang kantang nagsimula sa pagiging mas lalo pa naming pagiging malapit ni Philip.

“The Day You Said Goodnight”

Take me as you are

Push me off the road
The sadness,
I need this time to be with you
I'm freezing in the sun
I'm burning in the rain
The silence
I'm screaming,
Calling out your name

Bridge:
And i do reside in your light
That puts up the fire with me and find
Yeah you'll lose the side of your circles
That's what i'll do if we say goodbye

Chorus:
To be is all i gotta be
And all that i see
And all that i need this time
To me the life you gave me
The day you said goodnight.

The calmness in your face
That I see through the night
The warmthress your light is pressing unto us
You didn't ask me why
I never would have known
Oblivion is falling down

Bridge:
And i do reside in your light
Put out the fire with me and find
Yeah you'll lose the side of your circles
That's what i'll do if we say goodbye

Chorus:
To be is all i gotta be
And all that i see
And all that i need this time
To me the life you gave me
The day you said goodnight.

If you could only know me like your prayers at night
Then everything between you and me will be alright.

Chorus:
To be is all i gotta be
And all that i see
And all that i need this time
To me the life you gave me
The day you said goodnight.

She's already taken,
She's already taken
She's already taken me
She's already taken,
She's already taken me

The day you said goodnight.

Habang kinakanta ko ay mas nanumbalik sakin ang lahat ng alaala. Nung una sya nagtxt sakin, yung nilapitan nya ko para makipagusap, yung kumain kami sa never ending na mcdo, yung reaksyon nya nung tanungin ko kung stalker ba sya, yung pagkahiya ko ng malaman kong may kambal pala sya, ang pagtulong ko sakanila ni Emily na napunta din sa wala, ang pagiging mas malapit namin, ang pagkilala sakin bilang bestfriend, ang paghintay nya sakin sa babaan ng jeep, ang paghihintay ko sakanya tuwing malalate sya sa pagttraining na sya namang ililibre nya ko sa wala talagang katapusan na mcdo, ang pagsabay namin umuwi, ang birthday nya, ang reaksyon ng kinabit ko ang bracelet kong regalo, ang pagkahalik nya sakin nung pasko, ang mga panakaw na halik na lage nyang ginagawa, at ang pagyakap nya sakin at sinabi nyang… “Wag mo ko iiwan..”

Natapos na ang unang kanta at ang iba ay nagpalakpakan, pero sa gitna ng palakpakan na yun, ay naramdaman ko nanaman ang pagkasabik ko kay Philip. Namimis ko pa rin sya kahit masakit. Alam ko na dapat magsaya ako ngayon, pero kahit pala anong pilit mo ngumiti, hindi ka tlga makakapagsinungaling sa iyong sarili. Pero pinilit kong ngumiti dahil nakita ko si Art na todo palakpak sa akin. Araw nya ngayon. Araw namin.

Si Art, ang taong hindi umaalis sa tabi ko, ang taong umiintindi sa akin. Ang nagpaparamdam sakin na andyan sya palagi. Oo, minsan syang nagkamali sakin, pero bumawi ito. Kitang kita ko ang effort nya sa pagbawi sa nagawang kasalanan. This time, ngumiti na talaga ako, yung totoong ngiti. The thought of Philip makes me sad, pero si Art? Maalala ko lang ang kanyang masigla at masayang “Good Morning!”, ang pangungulit nya at pagiging isip bata, gumagaan ang pakiramdam ko at napapangiti na ako.

Tumugtog na ang second song ko. Medyo malungkot ang kantang yun, pero it best describes what I feel and what I should do. Napatingin ako sa lahat at tila nagaabangan din sila dahil sa sikat din ang kantang kinanta ko. Ang..

“With or Without You”

See the stone set in your eyes
See the thorn twist in your side.
I wait for you.
Sleight of hand and twist of fate
On a bed of nails she makes me wait
And I wait without you

With or without you
With or without you.

Through the storm, we reach the shore
You gave it all but I want more
And I'm waiting for you

With or without you
With or without you.
I can't live with or without you.

And you give yourself away
And you give yourself away
And you give, and you give
And you give yourself away.

My hands are tied, my body bruised
She´s got me with nothing to win
And nothing left to lose.

And you give yourself away
And you give yourself away
And you give, and you give
And you give yourself away.

With or without you
With or without you
I can't live
With or without you.

With or without you
With or without you
I can't live
With or without you
With or without you.

yeah,
we' ll shine like stars in the summer night
we' ll shine like stars in the winter babe
one heart, one hope, one love

With or without you
With or without you
I can't live
With or without you.

Dito naman sa kantang to, naisip ko at napagdesisyunan ko na hindi na dapat ako malungkot pa. Yun ang realidad, kailangan mag move on ako dahil hindi pwedeng huminto ang buhay ko ng dahil lang sa isang tao. Isang taong hindi worth sa oras ko. Pinagdesisyunan ko na magpapakatatag ako at di na muling iisipin pa ang lahat lahat ng nauugnay kay Philip.

Natapos akong kumanta at nakatanggap ng masigabong palakpakan sa iba, lalo na kay Art. Kahit pa nakatayo pa ko sa stage ay kitang kita kong pumapalakpak ito sa kanyang kinauupuan. Kita ang pagkamangha sa kanyang mukha, ang ngiti sa kanyang mga labi, at ang saya sa kanyang mga mata.

Pagbaba ko naman ng stage ay naglakad na kami palabas ni Art ng biglang may narinig akong boses sa aking likuran. Dalawang babae. Ang isa ay chinita at maganda, ang isa naman ay hmmm, okay lang. Hindi man sya kasing ganda ng kasama nya ay malakas naman ang appeal.

“Hi kuya, ang galing mo naman kumanta.”, sabi ng isa.

“Oo nga kuya, nakakainlove naman ang boses mo, at ang gwapo mo pa.”, dagdag pa nung isa.

Medyo nahiya ako pero dahil yun sa pagkaflattered ko sinabi ng dalawang binibini sa aking harapan. Kaya agad akong nagpasalamat sakanila.

“Ah, salamat.”, at ngumiti ako. Nagsalita uli ang babae.

“Kuya, busy ka ba? Pwede ba makasama ka namin kahit merienda lang?”

Medyo nagulat ako at napatingin kay Art. Tumango lan ito sakin. Kaya nagdesisyon na rin ako.

“Sure, kaso… di ako available ako ee. Magstart na kasi ung movie sa sinehan.. Tsaka may kadate na ko ee..”, sabay akbay kay Art na tila medyo kinagulat nya.

Nginitian lang ako ng mga babae, o ngiti nga kaya yun? Medyo sarcastic kasi ang ngiting binigay. Parang nandiri bigla na ewan. Pero pakialam ko, naglakad na rin kami palayo. At syempre tinanong ako ni Art.

“Bakit naman yun sinabi mo?” Nakakahiya tuloy dun sa mga babae, ang ganda pa naman nung isa.”

“Bakit? Ano ba dapat kong sabihin? Tsaka magsisimula na talaga yung palabas kaya bilisan na natin maglakad.”

“Ha? Ah, ganun..”, naramdaman ko ang pagbago ng aura nya. Kahit pa nakarating na kami malapit sa sinehan ay di pa rin nagbago ang aura. Hanggang nasa counter kami at bumibili ng popcorn. Tahimik sya at malalim ang iniisip.

“Gusto mo talaga malaman?”, sabi ko habang nagbabayad ng biniling snacks at drinks.

“Ang alin?”

“Kasi po tulad nga ng sabi ko, may kadate na ako.”, sabay abot ng popcorn at drinks nya at biglang nagpakawala ng isang malaking ngiti.

“Date….?”

“Ah, oo. Date. Oo, date……. Bestfriend date! Syempre bestfriend kita diba? Tsaka gusto ko din bumawi talaga sayo, alam ko kasing di maganda ang inasal ko sayo since nagsimula ang bakasyon.”

“Dapat lang noh.. Nagsinungaling ka pa talaga sakin ha.”

“Kaya nga bumabawi na diba? Wag ka na magreklamo dyan at pumasok na tayo at baka di natin maumpisahan nanaman.”, nakangiti kong sinabi. Papasok na sana kami ng bgla nya kong hinawakan sa balikat.

“Bes, salamat talaga. Salamat ng sobra.”, sa pagkakahawak nya sa balikat ko at sa pagkakasabi nya sa aking yun ay parang tumaas lahat ng balahibo, hindi ko alam pero parang bigla akong kinutuban ng hindi maganda. Ayaw ko maging negative, pero yun talaga ang naramdaman ko. Kaya I tried to shake off the feeling by simply smiling back.

Natapos na ang pelikula at gabi na rin. Dinadalaw na rin kami parehas ng gutom. Habang lumalalim naman ang gabi ay mas lalo kong napapansin ang pagiging mas matamlay ni Art na labis ko namang kinabahala.

“Bes, okay ka lang ba tlga? Kanina ka pa kasi tahimik at matamlay ee.”, pagaalala kong tanong. Kitang kita sakanya ang pagkabilasa pero alam kong pilit nyang ngumiti. Alam ko kasi kung pilit na ngiti ba yun o hindi.

“Okay lang ako noh! Gutom lang siguro!”, ngiti nyang sinabi sakin.

Nababahala pa rin ako pero tuloy kami sa paglalakad para maghanap ng kakainan. Nagulat nalang ako ng bigla kaming tumigil sa harap ng mcdo. Bigla akong tiningnan ni Art. Tiningnan nya ako at nginitian kahit pa bakas sa kanyang mukha na malungkot. Isang ngiting may ibig sabihin. Alam nya kasi na dun kami madalas kami kumain dati ni Philip.

“Mcdo?”, pilit na ngiti nyang sinabi sakin.

Tiningnan ko sya. Mata sa mata. Nagets ko agad ang ibig sabihin ng kanyang titig at tono. Ngumiti ako ng malaki sakanya at hinawakan sya sa balikat, sabay sabing..

“Not today..” :)

At nakita ko na ngumiti na tlga to ng tunay. Hinila ko sya at kinaladkad papunta sa Shakeys. Mahilig din kasi ako sa pizza at tska sobrang favorite ko din ang mojos dun. Pagpasok ay humanap agad kami ng upuan at ako ang umorder. Maya maya ay dumating na ang food.

“Hoy bes! Ano to?! Fiesta?!”, nagulat nyang sinabi ng isa isang nilagay ang pagkain sa table namin.

“Kakain tayo ng madami ngayon.”, sabi ko sakanya.

“Kain??!! Eh LAMON na tong gagawin natin oh!! Parang pampamilya tong inorder mo ee! Dalawa lang kaya tayo!”

“Wushus! Para namang ang hina mo kumain, sayo pa lang kulang pa yan! Hahahaha!”

“Oy, ang sama nito! Ano ako?! Patay Gutom?! Hahaha!”

Tinawanan ko sya ng malakas at tumawa na rin sya. Habang tumatawa sya ay unti unti nawala ang pagkakatawa ko at tiningnan ko lang sya habang tumatawa. Ang saya saya nya tingnan. Ito ang Art na namis ko kanina pa. Since kasi na umalis kami kanina ay di ko pa sya nakitang tumawa o kaya ay mangulit hindi tulad ng dati. Di ko maiwasan di sya tingnan, at di ko rin maiwasang hindi ngumiti habang nakatitig sakanya. Napansin nya ata, kaya bigla nya ko tingingnan.

“Bakit..?”, tanong nya.

“Anong bakit?”

“Bakit ka ngingiti ngiti jan at nakatingin sakin?”

“Masaya lang ako.. Kasi nakita ko na uli ang mga ngiti mo. Ang ngiting kanina ko pa inaasam makita. Ang mga ngiting nakakapagpakumpleto ng araw ko. Ang pagkakulit mo. Ang pagkamasiyahin. Lahat lahat ng yan. Nagpapagaan ng loob ko sa twing nakikita ko.”

Hindi ko alam bakit ko sinabi ang mga yun, pero bahala na. Yun din naman talaga ang nararamdaman ko sa twing makikita ko syang nakangiti. Hindi sya napasagot.

Medyo nanahimik kaming dalawa habang nakatingin sa isa’t isa at nakangiti. Walang boses na lumalabas pero parang naguusap na ang mga tinginan namin. At ayun, mas lalo pa sya ngumiti ng malaki. Tipong abot tenga. Sabay sabi,

“Mukha ngang ang saya saya mo ee! Tingnan mo oh! Ang dami dami nitong inorder mo! Hahahaha!!”
“Oo.. Kasi dapat tayong magcelebrate!”, tanging tugon ko sakanya.

Mejo puzzled sya sa tinugon ko sakanya. Napakunot ang noo nya sa pagtataka. Halatang nagiisip kung may okasyon ba syang nakalimutan o kung may particular na ibig sabihin ba ang date ng araw na yun. Pero di nya talaga mapagtanto kay di na sya nakatiis at nagtanong sakin.

“Teka teka.. Di mo naman bday.. di ko din naman bday.. Kakatapos lang ng pasko at new year.. Celebrate ng ano ba?”, pagtataka nyang tinanong.

Nginitian ko sya. Tinitigan ko sya sa kanyang mga mata at kinurot sa pisngi. At sinagot sya ng..

“Tayo..” :)

No comments:

Post a Comment