m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Wednesday, April 19, 2017

Fantasy and All (Part 2)

By: Zeke

Shoutout kay otor @Bobbyloves, miss ka na namin! asan kana po? paramdam ka naman :').

"You know what, I want to be your friend. Zeke... is that okay na Zeke tawag ko sayo?" talaga bang gusto neto saking makipagkaibigan?'O baka MAKIPAGKA-IBIGAN'  sulsol naman ng utak ko haha. Tiningnan ko lang sya saka napatango

"You can call me Ian" nakangiti nya pang dagdag.

"Okay.. I-Ian." pagsang ayon ko.

"Bakit ata sobrang tahimik mo?" pagpuna nya sa hindi ko pag'imik
'andyan ka kasi' sabi naman ng isip ko.
"Ah e... hehe kasi... wala akong maisip na sabihin" kamot ulo kong tugon. Muli ay napangiti na naman sya na tila may magandang tumatakbo sa isip.

"Ganun? Sige ganto nalang. I want to be your friend pero wala akong alam tungkol sayo which is hindi okay kasi magiging kaibigan mo nako. So here's what I think, I'll ask you one question then sasagutin mo. Tapos ganun ka rin sakin. Alternate tayo" paliwanag nya sa gusto nyang mangyari.
"Ano? Deal?" hirit nya pa.

"O-okay sige." pagsangayon ko. Napangiti sya lalo na tila nanalo sa isang kompetisyon. 'Yan ba namang ngiti nayan e tatanggihan ko?' napatawa nalang ako sa isip ko.

"So I guess, I'll start" umayos sya ng upo paharap sakin, bale ang pwesto nya is nakabisaklat. Napatingin ako sa harapan nya.
Tango lang ang naging tugon ko.
'Stupid eyes! wag ka tumitig baka mahalata ka!' kastigo ko sa sarili. Kasi naman e, ang hirap pigilan. Isang napakagwapo ba naman ang makipagka-ibig... este makipagkaibigan sayo e tatanggi ka paba?

"Since natanong ko na name mo, eto nalang tanong ko.... Gwapo ba talaga ko?" nagulantang ako sa sinabi nya na syang ikinatawa nya ng mahina.

"Joke lang haha... just lighten up the mood, ang tahimik mo kasi e. Eto na talaga. Ilan taon kana?" 'hindi ka lang gwapo, kundi sobrang gwapo!!!' sigaw ng talandi kong utak.

"Ah.. hehe s-sorry mahiyain kasi talaga ko e. 18... I'm a-already 18." napatango sya.
"Teka pala, wala kabang klase? bakit andito ka?" bigla ay natanong ko.

"Oooppps! isa isang tanong lang" nakangiti nyang sabi. "Luh counted naba yun? Osige yung naunang tanong ko sagutin mo" tango sya

"Meron, pero sabi ko gagamit lang ako ng c.r then I saw you again, kaya nilapitan kita."

"E may klase ka pala, ba't andito ka pa? nagka'cutting ka para lang lapitan ako?" napagiggle sya sa dalawang sunod kong tanong.

"hahaha may pagkamakulit ka pala no" tatawa tawa nyang sabi. "isang tanong nga lang pwede e"

"Ay oo nga haha sorry sorry." naeexcite kasi ako e kaya hindi ko mapigilan haha.

"Okay lang naman yon, nakakatamad kasi yung ginagawa sa loob e alam naman na namin lahat yon. Paulit ulit nalang. Saka 'di naman ako hahanapin don" natawa ako bigla

"o bakit ka tumatawa? may mali ba sa sinab--, ayan nagaya tuloy ako sayo hahahaha"

"bakit kaba kasi tumataw--" hindi ko na napigilan ang mapabulanghit ng tawa dahil sa nagtanong na naman sya e diba nga isa isang tanong lang ang sabi nya, sya naman pala hindi makakagawa haha.

"haha tama na nga yang paisa isang tanong hahaha wala naman sumusunod e" tawa parin ako ng tawa. Napasabay nalang sya sakin sa pagtawa. "Ang kulit lang" nasabi ko nalang.

"hahaha so bakit ka nga tumatawa?" paguulit nya sa tanong. "e kasi nga parang anlayo ng sagot mo kanina sa tanong ko haha" tatawa tawa parin ako. Mababaw lang kasi talaga kaligayahan ko sa katawan kaya  napakabilis ko tumawa. Minsan nga kahit waley o corny yung joke e natatawa ko e.

"Ganun? bakit ano ba dapat ang isasagot ko?" tanong nya ulit
"Yung gusto mo makipagkaibigan--- Nah, nevermind na nga"

"Ano?" sinadya ko talagang hinaan ang boses ko para hindi nya marinig.

"wala wala sabi ko ano... ahm ako naman magtatanong, puro ikaw e haha" pagiiba ko ng topic. Baka makahalata sya, nakakahiya. Medyo gumagaan pa naman na ang pakiramdam ko sa kanya, medyo kumportable na..

"ikaw, ilan taon kana?"
"18 din." tugon nya.
"Ahh." tanging naging sagot ko.
Nagkaroong sandaling katahimikan bago ulit ako nagsalita. Ang awkward lang kasi sabi ko ako magtatanong.

"Ahm... Ano kinukuha mong course? Pansin ko kasi jan ka sa department ng Nursing lagi e?" alam ko naman talaga kung ano ang course nya. Infact, kabisado ko schedule nya e. Tatlong taon ko na kaya syang gusto.  Yun nga lang agad ang pumasok sa isip ko na itanong sa kanya  haha.

"Napansin mo yon?" nakangiti nyang tanong. "Edi ibig sabihin lagi moko tinitingnan?" sunod na tanong nya.

"Ah... Ehh.. I-ibig ko s-sabihin, jan kita nakita lumabas k-kanina" 'watdapak! vovo mo Ezekiel! Obvious ka masyado! nahahalata ka tuloy!' kastigo ko sa sarili.
"Inaantay moko?" rumehistro sa maamo nyang mukha ang nakakalokong ngiti.

"Luh!Hindi!bakitnamankitaaantayin" may pagkadefensive kong tugon. Kita sa mukha nya na hindi naintindihan ang sinabi ko.

"Huh?" hindi parin nawawala ang ngiting nakakaloko sa mukha nya. Kinalma ko muna ang sarili ko saka nagsalita ulit.

"B-bkit naman k-kita a-antayin?" kanda utal kong sabi.

"Dahil gusto moko. Crush moko. Lagi kita nakikitang nakatingin e." ngiting ngiti nyang sabi. Napipilan naman ako sa narinig ko. Hindi ko alam kung ano ang irereaact ko. Ganun naba ko ka'obvious? Ang init ng mukha ko. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko na kala mo'y lalabas ang puso ko. Magkaka'heart attact ata ako ng wala sa oras. Dahil sa wala akong maisip na tugon ay dali dali akong tumayo at naglakad palayo pero bago yon ay naramdaman kong may kumapit sa braso ko saka ako hinarap sa kanya.

"Hey, sorry I didn't meant to offend you...." nawala sa mukha nya ang ngisi nya at napalitan ng pagkabahala.

"I like you...." pahabol nya pa pero mabilis akong kumawala sa hawak nya at lumayo. 'Ghaaaad! Ground swallow me now!' sigaw ko sa utak ko.

***

"Hoy! Anong ngini'ngiti ngiti mo jan ahh!" napabalikwas ako sa aking pagkakaupo dahil sa pagkakagulat. Si bok pala. Sinapak ko lang sya at umayos ng upo. "Ba't kaba nang'gu-gulat, saka anong ngiti pinagsasabi mo" kunwa'y kinuha ko ang panyo ko at nagpunas ng mukha para hindi ako mahalata.
"Anong hindi? Kanina pa kaya ako naka-upo dito sa tabi mo parang hindi moko napansin." sagot nito. 'talaga ba? haha kinain na naman ako ng imahinasyon ko.' kanti ng utak ko.

"Nagde'daydream kana naman noh!" pangbubuska nya. Bigla ko tinakpan ang bibig nya. Ang lakas ng pagkakasabi nya baka may nakarinig nakakahiya.
"Bok! Ang lakas naman ng boses mo, wala naman ako sa ibang bundok!" pasigaw kong bulong saka ko sya binitawan.
"Saan lang bok, sa imahinasyon mo?" gaya nya sa boses ko saka tatawa tawa. Napakalakas talaga mambuska ng bugok nato.

"Urur! Bakit kaba nambubulabog. Nasa magandang part nako e! Sinabi nya na sakin na gusto nya ko e. Panira ka!"

"Asa bok, asa! Haha. Niloloko mo lang sarili mo. Tara nalang nga sa foodstrip at kumakalam na tiyan ko." sabay hatak sakin. Wala nakong nagawa kundi sumama.

"Bok! Dito tayo dumaan!" sabay hila sa gawi ng Nursing department.

"Bakit jan? Lalayo pa tayo, dito na tayo sa ***** Avenue dumaan." bale sa lrt kasi na inuupuan at tinatambayan ko e may mahaba na daanan ng mga sasakyan ng students at teacher papunta sa likod na parking area. Ang tawag namin dun ay ***** Avenue('di ko napo sasabihin kung anong school hehe) at sa tapat nun ay Educ building then Gym tapos saka palang yung foodstrip. Kapag sa lane ng Nursing department kami dumaan ay talaga namang malayo kasi parang iikot pa pero malilim naman dahil nga sa lrt yun. (haha ang hirap magdescribe sorry na agad)

"Dali naaaa!" hatak ko sa kanya kaya wala na syang nagawa at sumunod nalang.

"Nakooo baklang bakla ka talaga sa Ian nayan."

"Bakla talaga? Hindi naman ako bakla, bisexual ang tawag sa mga tulad ko! Discreet bisexual to be exact." pagdedepensa ko. Hindi naman talaga kasi nagkakagusto pa naman ako sa mga babae. Kaka'break ko nga lang sa ex-gf ko e.
"Ganun parin yun bok, pero yaan mo labs parin naman kita" sabay akbay sakin at nagsimulang maglakad. Medyo kinilig namn ako dun haha.

"Uy tanggalin mo yang akbay mo sakin baka makita ni Ian magseselos yun" napatawa ako sa sinabi ko haha

"Sus!" tinapik nya ko sa noo

"Aray ko naman!" reklamo ko saka ko sya sinuntok sa tagiliran. Nagkakaladyaan kaming dalawa ng may mabunggo ako sa gilid ko.

"Ayt! sorr--" natigilan ako ng makilala ko kung sino nabunggo ko. Si Ian, sheet. 'Di nya ko pinansin at nagpagpag sya ng puting sapatos. Natapakan ko kasi sya.

"Tumingin ka kasi sa dinadaanan mo." malamig na sabi nito saka tumingin sakin.

"S-sorry, sorry 'di ko s-sadya. Ikaw k-kasi bok e, gaslaw mo." napatingin sya sa gawi ni bok. Ilang segundo din silang nagkatitigan bago umiwas ng tingin si Ian saka naglakad palayo.

"Ayan! gaslaw mo kasi bok e. Mukhang nagalit tuloy si crush!" nagpatuloy na kami sa paglalakad. Bigla naman natahimik si bok at hindi ako pinansin. Tinanggal nya nadin ang pagkakaakbay sakin.

"Bakit?" tanong ko dito.
"Dalian mo maglakad gutom nako" hindi nya pinansin ang tanong ko at maglakad na. Lumingon muna ako sa nilakaran ni Ian saka sumunod kay bok.

***

Maaga lang natapos ang klase kaya dumiretso nako sa boarding house na tinutuluyan ko. Hindi ko na inintay si bok dahil may evening class sya. Dahil sa kakalipat nya nga lang ay irregular students sya kaya may mga subjects pa syang kailangan habulin na hindi pa nya naki'credit. Magkasama kami sa boarding house.

Pagkadating ko sa board ay sya namang labas ng binata sa katabing kwarto namin. Hindi sya pamilyar kaya nagtaka ko kung bakit sya andito. Ang alam ko kasi bawal magdala ng bisita dito sa tinutuluyan namin. Napakaistrikto ng tenant grabe lahat ata bawal. Sabagay, okay lang naman dahil comfy naman ang lugar.

Napatingin sa direksyon ko ang binatang kalalabas sa kabilang kwarto. Nabasa nya siguro ang pagtataka sa mukha kaya lumapit sya sakin.

"Hi. Darwin Constantino. Kakalipat ko lang dyan sa kabilang kwarto." abot nya ng kamay nya.

Wow! Isa na namang gwapo! Bakit ba napakalapitin ko sa mga tipo ko huhu. Lalo lang ako pinapaasa ni Lord. Kasing tangkad ko lang sya. Maputi, makinis ang balat although may iilang tigyawat sa magkabilang pisngi nya pero hindi naman pangit tingnan. Mas nakakadagdag pa nga ng dating sa hitsura nya e. May braces din sya at warm ang ngiti. Napakabilis ko lang isa isahin ang physical appearance nya haha(expertise ko na e lol). Inabot ko ang kamay nya at nakipagkamay. Grabe napaka'formal naman. Ang lambot ng kamay nya, daig pa babae. Tumikhim sya ng medyo napatagal ang pagkakahawak ko sa kamay nya. Nakatingin lang kasi ako sa mukha nya, partikular sa braces nya haha. Starstruck ang lolo nyo haha.

"Ezekiel Mac Dela Cruz" pagpapakilala ko saka ko binitawan ang malambot nyang kamay.

"Nice meeting you bru" makahulugan nyang sabi bago nagpaalam saka lumabas ng bahay. Ako nama ayun naiwan dun na parang estatwa habang tinitingnan ang nilabasan nyang pinto.

"Darwin Constantino" wala sa loob kong sabi.

Dali dali akong pumasok sa loob ng kwarto at umupo sa study table ko at kinalikot ang laptop ko. 'Stalker mode on!'

Tinype ko agad ang pangalan nya sa  search engine sa fb. Madaming lumabas na larawan. Pero madali ko lang nakita ang hinahanap. 'Ayun!' Kinlick ko agad yung DP nya. Nakasuit and tie sya na kulay silver gold(ewan ko kung ano yun haha, basta parang gold sya na faded na makintab) habang nakatayo na nakalagay ang dalawang kamay sa likod. Photobooth ata yun tapos may background na isang malawak na tarpauline na puti at may tadtad na nakasulat na prom night.

Browse, tingin ng info.

Works @ Edi sa puso mo<3 (haha gawa gawa ko lang yan XD. yan kasi madalas na makita ko sa Timeline ng karamihan e XD)

Went to blah blah National Highschool

Studies at blah blah University
(aba sa kabilang school pala sya, sayang naman)

Single(yun o! single! para namang may pagasa ko e no XD)

Browse. Tingin ng photos.

Sadly, iilan lang ang pictures kasi nakaprivate yung account. Nagdadalawang isip ako kung iki'click ko ang 'Add Friend' button. Halatado naman masyado kung iaadd ko agad sya. 'Hmm. Saka na nga.'

Nang magsawa ako sa kakabrowse kahit paulit ulit ay humilata nalang ako sa aking kama sa baba kahit hindi pa nagbibihis. Double deck 'to, sa taas natutulog si bok.

Bigla naalala ko yung maikling tagpo namin ni Ian kanina saka yung bagong lipat na si Darwin. Grabe hindi pa nga nangangalahati ang semester stress na agad ako.

"I need to get laid!" nasabi ko nalang sa sarili ko. Isa sa mga pantanggal ko ng stress ang pagma'masturbate. Yun amg madalas kong gawin kapag stress ako.

Tumayo ulit ako at nagtungo sa study table. Harap sa laptop, saksak ng broadband then search sa porn sites. Hinubad ko na ang pang itaas ko at binuksan ko ang butones at zipper ko at ng akmang huhubarin ko na dapat ang sout kong pants ng maalala ko kung anong oras na. Sinipat ko sa bottom right side kung anong oras na. 5:57pm. 'May oras pa bago dumating si bok' isip isip ko. Baka kasi maabutan nya ko nakakahiya.

Ako palang ang tao sa boarding kaya't siguradong walang makakakita sakin haha. Conservative kasi ako pagdating sa ibang tao pero nasa loob ang kalibugan. Never akong nagbanggit ng kamunduhan sa iba, kahit kay bok hindi rin. Isa pa naman yun nangunguna sa kalibugan.

Lumabas muna ko ng kwarto para siguraduhing naka'lock ang pinto at lagyan ng walis para incase na may dumating ay babagsak ito at maglikikha ng kaunting ingay, may kanya kanya rin kaming susi kaya madaling makapasok. Ganun parin ang itsura ko, wala naman ng tao e. Pero nagulat ako ng makasalubong ko yung bagong lipat. Si Darwin. Napahinto sya paglakad. Kitang kita ko sa mukha nya ang pagkagulat dahil sa itsura ko. Pati ako ay napahinto at nagulat. Nalaglag ang pants na suot ko at tumambad sa kanya ang hubad kong katawan. Tanging underwear lang ang suot ko nun.
"S-sorry... May nakalimutan ako sa kwarto ko, babalikan ko sana" nangisi ang bugok at  bigla ay dumiretso sya sa kwarto nya. Dali dali ko naman tinaas ang pantalon ko at tumakbo sa kwarto namin at sinara ang pinto.

"Fck! Fck! Fck!" nakakahiya putik! Hindi pa ako nakakabawi ay may kumatok sa pinto sa likod ko.

Kinuha ko ang twalya na nakasabit sa likod ng pinto saka ito binalot sa balikat ko. Huminga muna ako bago buksan ang pinto.

Bumungad sakin ang nakangising mukha ni Darwin.

"Aalis na ulit ako, la'lock ko ba yung pinto? Mukhang may ginagawa ka e?" nakakaloko nitong sabi.

"Hah..  Aahh... Ehh wala! Wala! M-maliligo kasi a-ako. Ch-check ko sana yung pinto kung nailock mo baka may i-ibang p-pumasok" palusot ko. Hindi parin mawala ang ngiti nyang nakakaloko. Lumalabas pa ang braces nya.

"Ahhh.... Okay" sabi nito at saka tumalikod na. "Nice underwear, by the way." pahabol nya pa bago makalabas ng bahay.

Napatingin naman ako sa suot kong underwear sa loob ng pants ko.
"Fck! bakit ito suot ko!" suot ko pala ang batman na underwear ko. Napasapo nalang ako sa noo ko sa nangyari. Para tuloy nawalan ako ng gana gawin ang balak ko.

Tinungo ko nalang ang pinto at sinuguradong nalalock nga yun mabuti. Saka ako pumasok sa kwarto at humiga sa higaan ko at natulog.


Naalimpungatan ako kaya nagising ako. Tiningnan ko ang relo kong suot kung anong oras na. Magaalas otso na. Napabalikwas ako ng bangon ng mapansin kong may nakaupo sa study table ko ng nakaharap sakin. Si bok.

"Putik ka! ginulat moko bok!" wala syang imik habang malaki ang ngiti sa mukha na parang nagaakusa na may ginawa akong masama at talagang pailing iling pa sya.

ps. pasensya napo kung medyo magulo ang narration. I'll do my best po para mas ayusin ang narration :')

xoxo

No comments:

Post a Comment