m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Friday, May 5, 2017

Not All Love Stories Have Endings (Part 5)

By: Raleigh

<You received one message from:

Sean Rupert Connor
Connor Industries, Inc.
seanconnor@connorindustries.co m

To: Aiden Laurence Summers
ALsummers@yahoo.com
Re: Your House
Date: July 6, 2015; 18:46 PDT

Hi, Aiden

I'm sure your parents have informed you by now that my company, Connor Industries, have purchased the gorgeous Victorian house located on 99 Pine Crest Road that your gramps owned, as well as the surrounding properties.

You were never the sentimental kind, so I doubt you'll have a problem with me tearing down your house in order to make way for a new Connor Properties development of moderately sized family homes (see attached plans below). I'll include my number below. Gimme a ring, yeah?

You know, it really bothered me that we haven't stayed in touch over the months, since we were once so intimate.

Best regards,

Sean Rupert Connor

P.S.: Don't tell me you were still upset over what happened with our marriage? It was ony a break-up.

P.P.S.: I broke up with Alayne. Would you believe if I told you she's after my inheritance? Tsk.. the nerve!>

Nakatanga lang ako sa screen ng laptop ko, mabilis ang tibok ng puso. Mabilis? I'm so angry I wanted to ram my fist into the monitor, na para bang ang suntok na yon eh tatagos sa mala-batong abs ng dati kong asawa. Sasakit ang kamay ko either way, pero at least mababawasan ang galit na nararamdaman ko.

Did I have a problem, as Sean had blithely put it, sa pagbili nya ng bahay ni Lolo -- isang napakagandang Victorian house doon sa Carmel-by-the-Sea, California kung saan nagtitipon-tipon ang pamilya tuwing may okasyon -- at sisirain para makagawa ng kung anong katakut-takot na subdivision?

Yeah, yeah. May problema ako dun, okay, at sa halos lahat ng nakasulat sa email nya. At hindi dahil sentimental ako. Kapal din ng apog nya na para tawagin yung ginawa nya sa kasal at isang taong pagsasama namin sa iisang bubong bilang mag-asawa na "only a break-up"! Nakakatawa dahil sa halos isang taon na paghihiwalay namin eh divorce ang alam kong nangyari.
Pasalamat sya at hindi ako malaking tanga para sabihin sa second cousin ko (si Argyll, half-Spanish, na super close ko) ang ginawa nyang pagtataksil with Alayne, kung hindi eh talagang may patayan na mangyayari.

Pero dahil almost 38% ng populasyon ng total inmates sa California prisons ay Hispanic (at dahil maraming pera si Sean para mabili ang bahay at ang mga kalapit na properties), hindi ko nakikita ang malaking tsansa para malusutan ni Argyll ang justifiable homicide, na sa opinion ko ay ang itatawag sa murder ni Sean kung nagkataon.

Wala sa isip kong -- big mistake, I know -- galit na galit na dinial ang numero na inilagay ni Sean sa email nya gamit ang telepono ng condo ko. Wala akong pakialam sa kung gaano ka mahal ang international calls, wala rin akong pakialam kung hatinggabi sa America, at lalong wala akong care kung naistorbo ko kanyang REM sleep!

Dalawang ring pa lamang ang nakalilipas nang bigla kong narinig ang kanyang malalim at lalaking-lalaki na boses. Swabe ito, at parang may chills akong naramdaman nang marinig ko yun. "This is Sean Connor."

"What the hell is your problem?!"

"Why, Aiden, hello!" Sabi nya na parang tuwang-tuwa. "How nice to hear from you. Hindi ka pa rin nagbabago, so gentlemanly and so refined."

"Kung gawin ko kayang refined sugar yang pagmumukha mo? Shut the hell up."

Gusto ko lang i-point out na hindi hell ang sinabi ko either time. May swear jar ako sa table ko --- balak ko sanang gamitin yon as source of income (ssshhh!) galing kay Orio at kay Ryou kapag nagpupunta sila dito dahil sa hilig nilang mag mura. ¥1000 para sa bawat mura, ¥5000 para sa magic word (which I love to call 'F-bomb').

Pero dahil nga ako lang mag isa dito sa condo, pinakawalan ko ang lahat ng matitinding mura na matatagpuan sa verbal arsenals ko. Tsk, ako pa talaga ang nakabinyag sa swear jar na to.

"Gusto ko lang malaman kung nasaan ka, para mapuntahan kita jan at gutay-gutayin yang katawan mo, na dapat ay ginawa ko noon pa!"

"Hay, di ka pa din nagbabago. Wala nga akong balita since natahimik ka nung sinabi ko na balak kong pakasalan ang bestfriend mo. Ah, memories."

"Sa pagkakaalala ko, ikaw ang nagwalk-out Sean. Alam mo ba kung anong ginawa ko pagkatapos ng araw na yon? Tama! Nagwo-workout ako (malaking kasinungalingan) para kapag nagkita tayo ay ----"

At naglitanya ako in a highly anatomical description kung saan ko isasaksak ang ulo nya pagkatapos ko itong pugutin. For sure naiintindihan nya, with matching visual effects in 3D kung anong veins, nerves, arteries, ligaments, at related structures ang pinagsasabi ko dahil duktor din sya, at specialty din nya ito.

Sean Rupert Connor, MD; graduated Summa Cum Laude with a Degree in Doctor of Philosophy in Infidelity and Fabricating Lies. Voted most capable physician in his innovative way of words, which felled a fellow neurosurgeon.

"Aiden, Aiden, Aiden..." sabi nya, feigning shock. "So much hostility! Hindi ako makapaniwala na ginawa kang counselor ng mga tao jan. Have the people incharge there never met the real you?"

"Kung nakilala ka ng mga tao dito ay tyak na maiisip nila ang naiisip ko: bakit ang isang manipulative freak na gaya mo ay hindi nakakulong sa isang maximum security penitentiary."

"Oh, so you're playing the Bananas n' Pyjamas game? Naiisip mo ba ang naiisip ko B1, oo naman B2? Hahaha! Such childish notions! Well, what can I say? You always bring out the... summer... in me.."

"Don't you dare use my surname as a pun you frickin' psychopath! Pasalamat ka at hindi nalaman ni Argyll ang rason ng paghihiwalay natin, kung hindi ---"

"Yeah, yeah.. he'll give me his trademark beatings na deserve ko. Yes, Aiden, narinig ko na ang lahat, with a thorough description, ng gagawin nyang pambubugbog saken bago pa tayo kinasal."

Oh? I admit I was surprised. Ni minsan ay hindi nagkasundo si Argyll at Sean, dahil nga may pagka playboy ang pinsan ko at siguro ay nakikita nya din yon kay Sean, kaya't mejo hostile ang trato nya dito noong nagde-date pa lang kami. But to threaten the guy bago kami ikasal?

Thank God for Argyll. Sana nga lang ay sinabi ni insan ang mga nasagap ng instincts nya saken, but I know na hindi nya yon ginawa dahil gusto nya akong sumaya. Well, too late for that now.

"Pwede ba Aiden, cease fire muna tayo? Move on din pag may time. Nakakatuwa yung bangayan na ganito pero mas gusto kong pag usapan nating yung part na binili ko ang mansion nyo. You've heard the news, right? Hindi about sa bahay nyo -- I can tell from your oh-so-graceful reaction na ngayon mo lang nalaman yon. I mean, yung namatay si Lolo at iniwan sa akin ang mga ari-arian nya?"

"Oh, no. Sean I'm --"

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Na meet ko na ang Lolo nya, mejo may pagka strikto at sobrang prangka, pero sya yung iisang tao - aside from Astryd na younger brother nya - na alam kong nagpahalaga at nagmahal talaga kay Sean.

Hindi na din naman ako nabigla nang mamatay sya. I mean, pangit na din talaga ang condition nya nang magkakilala kami. Pero parang hindi pa din tama na sabihing I'm sorry for your loss dahil sa pag-uugaling pinanapakita ni Sean ngayon.

"Yeah, yeah.. you are talking to, according to the latest issue of Forbes' magazine, the most eligible bachelor." Pagpapatuloy nya na parang walang narinig.

"Syempre maraming hindi makapaniwala at tutol dito, lalo na ang mga Uncles at Aunts, even my own parents! Bakit kino-contest nila ang will ni Lolo? Ah, but justice prevailed. And as you can see, I now own, and now am, the CEO of Connor Industries. I have two houses on opposite coasts with no one to share a ride in a private jet between them. Sooo, wanna be tha--"

"Thanks, but no, thanks." Sabi ko kaagad. Nagpaparamdam na naman ang mokong. Tapos na ako sa heartaches ko sa kanya, tapos na ang nakaraan, kahit na ramdam ko pa din na namimiss sya ng puso ko.

Na may part pa din na umaasang minahal nya ako, kahit isang minuto -- isang segundo -- lang sa panahong nagsama kami. Maraming sana, maraming 'what if', maraming tanong.

Pero wala na, walang-wala na talaga. Umayaw na sya kaya ako nagparaya. I prayed for his happiness; it's time that I pursued mine. At nandito yun sa Japan.

"Lalo na dahil ang bagong hobby mo eh manira ng mga lumang bahay. Pero hindi mo masisira yung bahay namin, it's almost 150 yrs old at kung tutuusin ay considered na isa sa mga historical landmark sa Carmel. It's under government protection."

"Actually, it isn't. Magandang bahay, pero walang historical na naganap dun. Well, except sa nangyaring mga milagro sa atin nung mga gabing nandoon tayo. Sa CR, sa attic, basement, kahit nasa garahe! Hahaha.. I guess I'm not the only one remembering them as historically significant."

Nag-init ang mukha ko sa tinuran nya dahil may katotohanan din naman yon. Bagong kasal kami nun, kaya mejo adventurous. Kahit saan kami dalawin ng libog ay ginagawa namin yon na parang mga kuneho.

Naalala ko parating may baon yan si Sean na condoms para ready kahit saan. Naalala ko ulit yung car sex....shit! No!! Dammit, focus Aiden! Get your act together!

"Walang memorable na namagitan sa atin kaya tigilan mo ako Sean." Mariin kong sabi.

"Ouch!! You know how to hurt my ego, Aiden. Why, I distinctly remember yung pinaggagawa natin nung on the way to Yellowstone National Park. Hindi mo ako pinigilan nun diba? Ikaw pa nga ang kusang nag blowjob sakin sa kotse, at huminto tayo sa gilid ng kalsada para mag car---"

"Shut the fuck up Sean!" Bwiset.. sa lahat ba naman ng pwedeng ipaalala, yung car sex pa talaga? "Kung hindi ay pupugut--"

"Pupugutin mo ang ulo ko at ipapasok sa ______ ko? Puh-lease, Aiden. Ginamit mo na yan kanina. Gawa ka naman ng bagong death threat. Nalalaos na yata yang skills mo eh."

"Well, Sean. I need to hang up now. Umiinit na ang ulo ko sa'yo kaya mabuti pang tigilan na natin to. Mahal ang international calls. It was not a pleasure talking to you, please go die slowly and painfully. Buh-bye."

"Wait! Aiden please, just wait." Mabilis nyang sabi nang ibababa ko na ang telepono. Is that panic I hear? "Yung tungkol sa bahay nyo, business lang yon, okay? I just wanted to say that I'm sorry."

"For what?"

"For everything I said, and did, Aiden. I just want to be friends again... please? Can't we be friends again?"

"Oh my gosh, Sean. Your ass must get jealous of all the shit that comes out of your mouth..."

"Please, Aiden. You know how my family treats me. Ikaw lang, si Lolo, at si Astryd ang nagmamahal sa akin. At ngayong wala na si Lolo, it's really painful and lonely. Please..."

Minsan lang humingi ng tawad si Sean, pero ramdam ko ang sinderidad sa bawat katagang binibitawan nya. No matter how evil he is, minahal ko din ang lahat sa kanya noon.

Tinanggap ko sya kahit madilim ang nakaraan nya. At ipinaglaban nya ako laban sa mapanghusgang tingin ng society. Marami kaming ginawang mga pangarap. Pangarap na sinubukan naming buuin, kahit pa nagtapos kami sa hiwalayan.

"Sean, you ended it. Everything about us ended when you told me you chose Alayne. Pinaniwala mo ako na ayos lang kung wala tayong anak, basta't tayong dalawa ang magkasama kahit sa pagtanda. Goddammit Sean! I believed everything you said, and you left me shattered."

"I was wrong, okay? With Alayne, with everything. Please... alam kong malabong magkabalikan pa tayo, na walang pag-asang mahalin mo ako ulit. Pero umaasa pa din ako na sana may natitira pang lugar para sa akin jan sa puso mo, at titiisin ko kahit maging kaibigan mo lang para manatili sa tabi mo, Aiden. Titiisin ko lahat ng pasakit na ibibigay mo, kaya please. Kahit friends lang."

"Sorry, Sean. I'm done; we're done. Bye."

Pabagsak kong binaba ang receiver. Sumakit ang ulo ko, gulong-gulo ako. Yon siguro ang sinasabi ni Mum na pag-uusapan ng buong pamilya. Naghanap ako ng pwedeng masuntok, kahit yung painting na nasa pader.

Pero naalala ko na halos 2feet ang kapal ng semento sa likod ng painting na yon. Nakayanan nga ng building na to ang malalakas na lindol. I'm pretty sure makakayanan nito ang suntok ko.

Papaano nya nabili ang property namin? God... it's a mystery na ayaw kong pag-isipan. More importantly, nabagabag ako sa mga sinabi nya. Ex-lovers rarely become friends, lalo pa't dati kayong kasal.

I'm slowly building my happiness around me, tapos babalik sya para sirain din yon? Wala na ba talaga akong karapatan para sumaya? Nagmahal lang naman ako ah, pati pa ba yon kasalanan din?

Porket bakla wala nang puso, wala nang karapatan sumaya, wala nang karapatan magmahal? Kainis naman oh. Pinalaya na nga dahil gusto nyang sumaya, tapos ngayon may pa 'lonely' syang nalalaman? Gawwddd.. tigang lang siguro at naghahanap ng paparausan.

Alam ko naman na sa buhay, may mga twists and turns, at may mga rason kung bakit nangyayari yon. Hindi ko dapat sisihin si Sean sa mga nangyari, kahit na talagang malaki ang kasalanan nya sa akin. Siguro kasalanan ko din naman kung bakit ako nagmahal ng kapwa ko lalaki, pero hindi naman napipili kung sino yung mamahalin eh. Kusang dumarating yon. Love knows no boundaries...

Kailangan ko ding magpasalamat kay Sean dahil marami akong natutunan. We can never learn to be strong and brave if the only thing in this world is happiness. Sabi nga nila, the first to apologize is the bravest; the first to forgive is the strongest; the first to forget is the happiest.

Kaya siguro hindi ako brave, strong, at happy dahil last ako pagdating sa ganito. Eh ano ba magagawa ko? Mahilig akong magtanim ng sama ng loob eh.

Mag-aalas otso na nang gabi, di pa ako nakakapag dinner at talaga namang nagwawala na ang mga alaga ko sa bituka nang nagtxt ang aking prince charming.

Hey gorgeous. Pambungad nya, na kaagad namang nagpangiti sa akin. Ewan ko ba at isang text lang galing kay Ryou ay nawawala agad yung pagod ko.

'Sup? Ready for the big day bukas? Yeah, let's stay neutral for now.

Hmmm.. it's nothing special. Di ka pa kumakain noh?

Anong nothin' special? It's your day! And paano mo nalaman na wala pa akong dinner?

Kasi naririnig ko yung kulo ng tyan mo hanggang dito. Parang leon! Aba, loko tong mofo na ito ha!!

Shatap! Reply ko, pero may smiley sa dulo.

Labas ka in 10 mins.

Huh? Bakit?

Hindi na agad nagreply ang mofo. Anong ibig sabihin nya? Pupunta ba sya dito? Habang iniimagine ko ay gumuhit ang napakalaking ngiti sa mukha ko, as in literal na ear-to-ear ngiti. Halos mapunit na nga ito sa kakangiti, mabuti at elastic ang balat natin.

Dali-dali akong nagligpit sa sala, itinabi ang mga dapat itabi, at inayos ang dapat ayusin. Nagpalit na din ako sa maroon long sleeve na button up at tinupi ko ito bandang siko, with matching cream chinos at maroon Vans chukka decon ca na may brown sole.

Hindi ako mahilig sa fashion, mas gusto kong magsuot ng kumportable sa akin. Ewan kung bakit nagiging conscious ako sa hitsura at porma ko ngayon. Masyado lang talagang gwapo si Ryou, kaya kelangan ko ding mag effort para hindi magmukhang basahan sa tabi nya.

Kakasuot ko lang ng glasses ko (prescription ito, lumalabo mata ko due to aging (!!!) at kapag stressed ako) nang biglang may nag doorbell. Pagtingin ko sa relo ko, saktong 10mins na makalipas ang huling text ni Ryou. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang papunta ako sa pinto.

Pagbukas ko ng pinto ay halos mag freeze lahat ng dugo ko sa katawan. Parang isang Greek diety si Ryou (kahit chinito) sa porma nya, gwapong-gwapo at parang isang malaking kasalanan para sa mere mortal na kagaya ko ang masilayan. Nakaside view pa kasi ito, parang model na nagpopose para sa shoot. Gawd, that nose bridge should be illegal.

Hindi ko mapigilan ang magpakawala ng ngiti nang humarap sya sa akin. Simple lang ang porma nya. Naka burgundy v-neck sweater sya with plain white collar shirt sa loob, grey chinos, at maroon sh -- wait, may pamilyar sa shoes nya ah? Tumawa ako nang malakas kaya't nabigla sya.

"Sensei? May nakakatawa ba?" Nakakunot ang noo ng gwapong kaharap ko. Sheeet, ang sexy ng boses nya! At nasamyo ko ang mabango nyang cologne, lalaking-lalaki. Muntik nang mag ongoing flag ceremony si junjun.

"Look down." Nakangiti ko pa ding sabi at nang tumingin sya sa ibaba ay tumawa na din sya ng malakas. Malutong yon, ang sarap pakinggan dahil tuwang-tuwa sya. Those pearly whites of his ay talagang nakakabulag.

"Who knew we had the same taste for shoes?" Sabi nya, sabay lagay ng mga kamay nya sa back pockets ng pants nya. Litaw na litaw ang slim nyang bewang, at halatang maganda ang pangangatawan nya kahit natatabunan ito ng damit. Sarap hubarin nun. GAMIT ANG NGIPIN.

"Kaya nga.. o ano, pasok ka muna." Anyaya ko, pero umiling sya.

"Get your things, aalis tayo."

"Ha? Saan punta?" Pagtataka ko.

"Dinner. Are you coming with me?" Simpleng sagot nya with matching smile. Bumilis na naman ang heart rate ko. Hehe, depende sa kung anong 'coming' ang gusto mong mangyari. Game naman ako, kahit magdamagan pa - bulong ng nadedemonyo kong utak.

Pilit kong kinalma ang sarili ko. Baka abutin ako ng taglibog ng wala sa oras at lugar, baka di pa kami makaalis dito. Dinala ko ang wallet, cellphone, at mga susi ko at sumunod sa kanya palabas.

"Ahh.. incase hindi mo napansin, nag match din ang suot natin." May ngiti sa boses ng lalaking nasa harap ko.

Since may malaking salamin sa lobby ng condo sa ibaba ay saktong napatingin ako dun nang nadaanan namin. Namula ako, hindi dahil sa hiya, kundi sa sobrang kilig. Biruin mo? Nag match up talaga kami kahit hindi kami nagkita! In my whole 32 years of life, I never had any major, major coincidence such as this one! Naks, parang yung candidate lang ng Philippines sa Ms. Universe ah...

Nakangiti lang si Ryou nang magtama ang paningin namin sa salamin, kaya halos magkasing kulay na kami ng suot kong maroon shirt sa sobrang pula ng mukha ko. Tumawa sya ng mahina, saka hinawakan ang kanang kamay ko, hindi alintana ang tingin ni manong guard palabas ng condo, at iginiya papunta sa nakapark nyang kotse.

Pinagbuksan pa talaga nya ako ng pinto.. haaaayyss, pagka gentledog na lang talaga!! Habang umikot sya papunta sa driver's side ay pinalabas ko ang mahinang tili na kanina pa gustong kumawala sa lalamunan ko.

"Ready for the ride?" Nakatingin sya sakin habang pinaaandar ang sasakyan nya. Sa Japan kasi, nasa right ride ang driver's side sa karamihan ng mga kotse, kaya ang left side ni Ryou ang nakikita ko. Ang gwapo talaga nya kahit sa dilim, compared sa akin na mukhang kapatid ni Tadaklan kapag walang ilaw. Tsk...

"Uhmm.. san ba punta natin? Saka bakit ambilis mo ata makarating dito? Galing ka ba sa inyo?" Sunod-sunod kong tanong, hindi halata ang excitement ko ano?

"Haha.. relax, Ai-chan." Kinindatan pa nya ako. "Dami mong tanong ah. May pinuntahan lang ako sandali dito sa city kaya mabilis lang akong nakarating dito. Saka isa pa.... na miss kita eh. Tagal nating hindi nagkita. Kaya ayun, pinaharurot ko ang sasakyan."

Halos dumugo ang lower lip ko sa lakas ng kagat ko sabay ng pagkalakas na kurot sa singit para pigilan ang pagsigaw ng malakas. Hooww may gawwdd!! Landian time na ba ito? Sheeet na malagkit naman eh. Ang puso ko, baka tumalon na mula sa dibdib ko. Halos mamilipit na din ako sa upuan (naks, leather yung seats!) kaso baka sabihin nya may bulate ang pwet ko, so wag na lang.

"Uh, tahimik ka ata babe?" Ok, that's it. Pasagasa na lang ako. Natawa na ako ng malakas. Ang saya-saya ko, akala ko ako lang yung naka-miss sa kanya ng sobra. Ganun din pala sya. And take note: BABE. Hawt deym!!

"W-wala...uhm, k-kasi ah..ano.. yung... na-miss din kita eh.." mahina kong sabi, na parang natatawa at naiihi sa saya. Nakalimutan ko, di nga pala ako nakapag-cr kanina. Baka maihi nga ako ng tuluyan sa sasakyan nya. Kakahiya. 32-y/o doctor with urinary incontinence? Eewww ha.. So uncool.

"Really?!" Halos pasigaw nyang tanong sabay tingin sa akin. Nagniningning ang mga mata nya, daig pa ang mga bituin. Damang-dama ko yung saya nya kaya't natatawa akong tumango.

"Thank goodness! Akala ko kasi hindi mo ako na-miss eh. It was hard, hindi tayo nakapag usap this week."

"Me too.. saka sino bang hindi makaka-miss sa makulet na Bocchan gaya mo?" Patawa kong turan.

"Mmhhmm... na miss mo ba talaga ako?" Tanong nya kasabay ang nakakalokong tingin sa akin.

"Hoy! Mata sa daan! Baka mabangga tayo sa ginagawa mo." Saway ko sa kanya, sabay ng pagsuntok ng mahina sa matigas nyang braso. Natawa sya at hinuli ang kamay kong yon saka hinalikan. Namula na naman ako sa ginawa nya. Para kaming mag jowa.

"Hehehe.. I miss you, Ai-chan.. pengeng kiss?" Sabi nya habang himas-himas ang kamay ko. Ayaw nyang bitawan yon, at kahit pakipot ako ay gustong-gusto ko naman yon.

"Hoy, minamanyak ka na naman ha... tingin kasi sa daan, baka madisgrasya tayo." Saway ko sa kanya, pero di ko pa din binabawi ang kamay ko.

Mas malaki ang kamay nya kesa sakin, kaya parang may feeling of security akong naramdaman habang hawak nya ang kamay ko. Magaspang yon, siguro sa paggamit nya ng shinai (kendo sword). Lalaking-lalaki. Ano kaya ang pakiramdam nun kapag dumampi na sa balat ko?

"Manyak? Babe, please. Yung ginawa natin sa kama ko, wala pa dun ang pagka manyak ko." Ngisi nya. Saglit nyang binitiwan ang kamay ko para kumambya, kaya mejo nalungkot ako sa saglit na pagkawala ng init na nagmumula sa kanya.

"Tseehh.. tigilan mo ako ha at nagugutom ako. Tagal pa ba?" Hinawakan nya ulit ang kamay ko kaya tumambling na naman ang puso ko.

"Mmm.. mejo malapit na. Gutom? May appetizer dito oh. Big and meaty salami sausage topped with cream cheese." Pilyo nyang turan. Bowshet naman eh, pinupukaw ang libog ko. Ilang beses ako napalunok. Baka di ako makapag timpi at sunggaban yung offer nya.

"Kadiring combination ha, at ayoko sa cream cheese. Magtigil ka Ryouichiro, seryoso ako." Saway ko sa kanya, playing the mature adult role.

"Seryoso din naman ako ah." Muntik na akong mabulunan dun. Really? Srsly? Natatakam ba talaga ako!! Unti-unti na ding sumasaludo si junyor dahil sa libog.

"Urusai, hentai! (shatap, manyak)." Saway ko ulit, sabay litanya ng usual Bill of Rights para sa inner peace. Dapat magtagumpay ang katarungan at tamang pag-iisip.

"Malapit na tayo babe, promise. Pero yung totoo, kiss mo ako please?" Makaawa nya at pina pout ang nguso.

"Hoy... nasa kotse tayo ano ba?"

"Di mo ba ako na-miss?"

"I told you, na miss nga eh."

"Then gimme a kiss! Sa cheeks lang naman ah. Please?" Sabay pisil sa kamay ko. Tender gesture yon, at talagang nagwawala na ang mga paniki sa tyan ko. "Tsk, kainis. Sana automatic yung dinala kong kotse. Yan tuloy nabibitawan ko ang kamay mo pag kumakambya ako."

"Haha, choosy mo din noh? Yan, dami nyo kasing sasakyan." Bumungisngis muna ako para maitago ang hiya ko. Pareha pala kami ng iniisip eh.

"Sige na nga. But keep your eyes on the road ha." Sabi ko, wala nang pakipot. Abah, nagmakaawa na ang palay na tukain, aayaw pa ba ako?

Unti-unti akong lumapit sa kanya at pumikit para halikan sya sa pisngi. Ganyan kasi ako pag humahalik kahit na kila Mum o sa mga kaanak at kaibigan ko, nakapikit para talagang sincere.

Nagulat na lang ako nang tumama ang kiss na yon sa labi ng mokong, may konti pang dila. Natigilan ako at napa salampak sa upuan, hawak ang mga labi ko. Nakangisi lang naman ang mofo sa tabi ko.

"Yum! Delicioso..." turan nya, hawak pa din at pisil-pisil ang kamay ko. Nagliliyab ang mukha ko noon, pero nakangiti na din ako. Yung full-blown, makapunit-bunganga ngiti, punong-puno ng kilig. Pinisil ko din ang kamay nya, kaya napalingon sya sa akin na malaki din ang ngiti. Wala pang limang minuto ay narating na namin ang isang restaurant.

Pumasok kami ng Gyre Bldg. sa Omotesando Street, isang shopping district, kung saan makikita ang mga high-class fashion brands. Marangya ang exterior nito, parang supermodel kung ihamambing sa tao. 7 floors ito sa kabuuan, at may mga terraces kung saan makikita ang mga naglalakad na mga mamimili.

Hindi ko alam kung anong pakay namin dito. Saka maraming kilalang establishments ang nasa loob, including mga resto bars. Recently lang natapos ang pagdesenyo sa building kaya naman maraming dumagsa sa shopping area na ito.

Pumasok na kami sa building at napako ako nang makarating kami sa 7th floor sa labas ng Omotesando Ukai-Tei restaurant (please check it out :3, ang ganda - cross my heart!). Ang alam ko kasi, hindi ka makakapasok doon ng walang prior reservation, bawal ang walk-in, at may dress code din na sinusunod. Casual lang kami pareho ni Ryou, saka hindi din naman sya nagpa reserve ahead so baka itapon kami palabas? Pero full of confidence itong kasama ko. Dire-direcho sya sa entrance ng restaurant.

"Oh? Ayaw mo kumain? Gutom ka na diba?"

"Eh bawal ang walk-in dito. Baka palabasin tayo mamaya. Hanap na lang tayo ng iba." Parang natatae ako sa kaba.

"Tara na kasi. Gutom na ako oh." Hinawakan nya ang kamay ko (gosh, kilig much!) saka giniya ako papasok ng establishment.

"Sandali kasi. Hanggang 9pm lang diba dito? 9 na oh.." alangan pa din ako.

"Last order ang 9pm. Kaya bilisan natin at baka di na tayo umabot." Wala na akong nagawa nang kaladkarin nya ako papasok.

Luwang-luwa ang mga mata ng mga babaeng (pati na lalaki at bakla) attendants at costumers na nasa lobby. Akala siguro nila ay artista ang pumasok dahil sa gwapo nitong kasama ko, na oblivious naman sa stares ng mga tao sa paligid nya at diri-derecho lang ang lakad.

"Would you like a table?" Tanong ng attendant doon. Since maraming foreigner ang nagpupunta dito, nag-iingles din sila. Halos makatunaw-bakal ang titig na ibinigay ng chakang haliparot na attendant kay Ryou. For sure nag-iimagine ang gaga na papansinin sya nito. Back off bitch, he's mine! (Feeler lang! Pero malapit na.. haha!!)

No, not at all. We came here to eat on the floor. Carpet for two, please. sa isip ko. Tumango lang si Ryou, kaya iginiya kami nito papasok ng dining area. Ang pinagtatakhan ko lang, ni hindi kami pinaghintay. Supposedly tatambay muna sa waiting lounge para hintayin kung may bakante.

Ang ganda doon. Bengala-vermillion plaster at mosaic walls ang interior, parang nagmistulang museum ng pinaghalong Japanese-style at art-nouveau. Pagpasok pa lang namin sa mismong dining area ay nag bow agad ang mga attendants na naka kimono, at may isang naglead sa amin sa table for two malapit sa naglalakihang glass-windows, kaya kitang-kita ang view sa Omotesando street.

Napansin ko ding nakatutok ang malalagkit na tingin ng mga babae kay Ryou, at ang inggit na mga titig ng mga lalaki. Mejo nayamot ako, pero dahil ako ang kasama ni Ryou, sa isip-isip ko ay mamatay sila sa inggit.

"Oh, pili ka na ng order mo." Sabi nya nang makaupo kami. Tiningnan ko ang menu, affordable naman kahit mejo nakakalula ang prices. Makakakain pa naman ako for the next two weeks kapag nagbayad ako mamaya. Di pa naman siguro mabubutas ang bulsa ko neto.

Wagyu beef ang specialty nila, isang high quality na karne (Japanese black beef). Mayroon silang unique French style pero nareretain pa din ang authentic Japanese cooking nila. Nakadisplay ang mga fresh na seafoods doon, at kitang-kita kung papano lutuin ang mga ito dahil nga open-kitchen style. Pati mga vegies na sini-serve ay galing pa sa ibang lupalop ng mundo.

Since high quality ang mga ingredients, pumili na lang ako ng meal set at chef's selection of the day. Nag brewed coffee lang ako habang umorder naman si Ryou ng wine.

"Mmhhmm.. parang ang lalim ng iniisip mo ah?" Tanong nya habang pinagmamasdan ako matapos kaming mag order. Nag init na naman ang mga pisngi ko, kaya't tumawa sya ng mahina.

"Wala. Iniisip ko lang kung bakit tayo pinayagan kahit walk-in tayo dito." Sabi ko, sabay tingin sa view para iwasan ang mga mata nya. Nagniningning ang mga ilaw sa ibaba, tapos may relaxing na music na pinapatugtog.

Di naman sa nag-aassume ang ateng nyo, pero for me eh sobrang romantic ng atmosphere. Kahit ang mga nagliliwanag na ilaw sa ibaba, ang mga tunog ng utensils, kahit ang mga boses ng nag-uusap na mga costumers ay nakakadagdag sa romance in da air.

"Hmmm.. we find ways." Sabi nya sa malalim nyang boses. Parang binabalot ako sa malambot na kumot ng boses na yon. Saka anu yun, BDO? "Saka pansin ko, andaming nakatitig na babae sa'yo kanina pa pagpasok natin. Pati mga lalaki nga ay napapanganga sa'yo."

"Huh?" Nabigla ako dun. Di ba napansin ng mofo na to na sya ang pinagtitinginan? "Eh ikaw tong agaw pansin noh. Halos hubdan ka na nga nila sa katitingin nila."

"Babe, you're really not aware of your looks." Sagot naman nya. Does it mean that he finds me good looking? Haba ng hair ko!! Bukas na bukas din ay maghahakot na ako ng Rejoice sa grocery, kung meron man. Kung wala eh Tresemmé na lang para runway ready. In short, irarampage ko na ang byuti ko para mainlab ang mofo sa akin. It's time to make my dreams come true!

"Mas hindi ka po aware. Gwapo mo kaya."

"Talaga? So gwapo ako sa paningin mo?" Panunukso nya. Lintik naman, bakit ko pa kasi nasabi yon?

"Hmph.. palagay mo ba magtitinginan sila sa'yo kung hindi ka gwapo?" Paiwas kong sagot, pero may point pa din.

"Babe? I'm asking about your opinion. Pakialam ko ba sa kanila, eh yung iniisip mo ang gusto kong malaman."

Sarap magwala dahil sa saya. Daig ko pa naka ecstasy sa sobrang saya ko. Na over yata sa kakarelease ng glucagon yung pancreas ko. Para bang sobrang importante ng mga sinasabi ko at yun lang ang gusto nyang pakinggan.

"Oo na.. gwapo ka, ano ba. Wag kang narcisso." Iniwas ko ang tingin ko para di ko makita ang expression nya. Nangingiti na din kasi ako dahil sa kilig.

"Talaga ha? Ehehe..." nahihiya nyang tugon. "Kaya pala patay na patay ka sa akin eh." Aba't ang kapal ng libog - este, libag!! May kubal ba sya sa mukha?

"Ah ganun? Binabawi ko nang mga sin--"

"Hep hep! Walang bawian dapat! Isa pa sabi ko din naman na gwapo ka ah.." hinawakan nya ang kamay ko kahit na naka cross yon sa bandang dibdib ko. Kakaibang init ang dumaloy mula sa kamay nya papunta sa balat ko, sinisilaban ang nagliliyab kong mukha.

"Eh kasi lumalapad ang atay mo kapag sinasabihan ka ng ganyan."

"Babe naman eh.. masaya nga ako na yun ang sabi mo. Yang opinyon mo lang naman kasi ang importante. Saka ang cute ng dimple mo..." Malambing nyang sabi.

"Tsehh.. shatap ka nalang kasi. Ganda pala dito ano? Ngayon lang ako nakapunta dito. Sa Ginza Sky Lounge pa lang kasi ako nakakapunta." Sabi ko, at iniba ko na ang usapan. Baka kasi mapunit na ang T-back kong suot kapag nagpatuloy ang kalandian ko.

"Oh, sinong kasama mo?" Mejo nakataas ang isa nyang kilay. Isda jealousy I smell?

"Si Kyosuke at Miyuki, mga pinsan ko. Pang welcome daw sakin bago ako maging busy sa trabaho." Sagot ko. Tutuksuhin ko sana sya, kaso baka masira ang mood nya. Birthday pa naman nya bukas. Excited na akong ibigay ang regalo ko, for sure bagay yon sa kanya. Yan eh kung susuotin nya.

"Talaga?" Kulang na lang ay maglulundag sya sa tuwa nang malaman nyang mga pinsan ko ang kasama ko. "Pinag-isipan ko kung saan kita dadalhin. Baka kasi di mo magustuhan."

"Ang ganda kaya dito noh. First time ko dito, so happy talaga ako. Salamat ha.."

Bago pa sya maka sagot ay dumating na ang pagkain namin. Masaya kaming nagkwentuhan sa mga kaganapan nitong mga araw na naging BULAG-PIPI-BINGI kami. Mejo nalungkot ako nang maalala ang batang may hydrocephalus.

"Hindi sa lahat ng oras ay kaya mong magsalba ng buhay, Ai-chan. Minsan kahit anong pursige mo, kung andun na talaga ang oras nya, wala ka nang magagawa. Ang importante ginawa mo lahat ng makakaya mo, okay?"

Gumaan ang pakiramdam ko sa payo nya. Palagi kasi akong nakokonsensya kapag may namamatay akong pasyente, kahit alam kong hindi ko naman talaga kasalanan yon. Palagi kong naiisip kung ano pa ba ang pwede kong gawin para hindi ako mamatayan ng pasyente, pero ganun nga talaga siguro ang gulong ng buhay.

May times na sinusubuan ako ni Ryou, at wala syang pakialam kahit pagtinginan kami. Gusto din nyang magpasubo sa akin, kaya ilang na ilang ako sa mga taong naroon. Tawa lang sya ng tawa na parang baliw. Nagtagal pa kami doon at inenjoy ang view habang nagde-dessert. Kahit pa nga kami na lang ang natira sa resto ay hindi kami minadali ng mga staff. Iba talaga basta yakuza, maraming privilege. Hehehe.

Malapit nang mag alas-onse nang magbiyahe kami pauwi. Hindi nya din ako pinabayad sa resto, para talagang date yun.

"I enjoyed the night. Salamat ng marami ha..." magkahawak kamay kami nang ihatid nya ako sa pintuan ng unit ko. Pinaakyat ko sya, nakakahiya naman pag pinaalis ko kaagad. Para akong nalalasing, kahit hindi naman ako uminom. Ganoon ang pakiramdam ko kapag kasama ko si Ryou, parating high at lutang.

"Hmm.. masaya din ako dahil nagkasama tayo ulit, kahit dinner lang." Nakasandal ang kaliwa nyang kamay sa pader ng unit ko, kabang hawak naman nya ang kaliwang kamay ko gamit ang kanan nya.

Sweet ang tagpong yun, lalo pa at kami lang ang nasa hallway. Usually kasi maraming tao ang naglalakad doon, pero pag nanjan sya ay nawawala ang mga tao. Parang 'respect the right to privacy' moments kapag nandyan sya.

"So, punta ka bukas ha? Aasahan kita." Tumango lang ako. Halos matunaw ako sa tingin nya. Magkano kaya ang surgery sa natunaw na lamang loob pagnagkataon? Hehe..

"Goodnight na.. ingat sa pagmamaneho, at salamat sa paghatid." Mahina kong tugon, parang paanas. Nanghihina ang tuhod ko dahil sa sobrang lapit namin. Parang pang koreanovela ang scene sa labas ng pinto eh.

"Hmmm.. san na?"

"Huh? W-what?" Lito kong tanong sa kanya. Bukas pa naman ang birthday nya, so hindi pwedeng ibigay ko kaagad ang regalo diba? Saka, wala naman syang may ipinatago sakin kanina.

"Goodnight kiss ko..." bulong nya. Nararamdaman ko na ang hininga nya sa sobrang lapit namin. Mabango, nakakaadik. Amoy wine.

"Isa lang ah?" Hindi pa man sya nakasagot ay hinalikan ko na ang pisngi nya. Nakabusangot naman sya.

"Bakit cheeks. Dito gusto ko." Saka sya nag pout ng nguso nya. Ang kyut noon, kaya natawa ako.

"Choosy ka! Mahal ang kiss ko sa lips noh." Pagbibiro ko naman.

"Okay lang. Bayaran ko na lang ng puso ko." Uwian na mga bes, may nanalo na. Ginalingan nya na masyado eh. Napailing na lang ako, at bumigay sa temptasyon. Kaninang-kanina ko pa sya gustong halikan nang mariin. Halos nanginginig pa ang kamay ko nang hawakan ko ang pisngi nya.

Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko sa kanya, nakaawang ang mga labi. Sinalubong nya ako halfway, at nagtama ang aming mga labi. Pareha kaming napapikit, at umungol si Ryou nang mahina. Pinulupot ko ang mga braso ko sa leeg nya, habang ang kamay na nakahawak kanina sa kamay ko ay niyakap ang likod ko at iginiya ako palapit sa kanya.

Nakabuka ang bibig ko kaya't naipasok nya ang mainit nyang dila, at halos matumba ako dahil sa sensasyon na iyon. Mahigpit ang mga yakap namin at halos masabunutan ko na sya, ngunit marahan at banayad ang halik na pinagsaluhan namin.

Masarap, punong-puno ng mga damdamin na hindi pa namin nasasabi sa isa't-isa, ngunit nararamdaman. Marahan kong hinaplos ang kanyang pisngi, at napaungol na din ako ng mahina. Unti-unti akong tinigasan, at nagulat ako nang marahan nyang kiniskis ang matigas na bukol sa harapan nya.

"I want you..." bulong nyang paanas nang maglakbay ang mga halik na yon sa aking pisngi at tenga, pababa sa leeg ko.

"Mmhhhmm..." ungol ko na lang din habang yakap-yakap sya.

"Wala na yung mark na binigay ko sa'yo. Pwede gumawa ulit ako?" Paalam nya nang tingnan nya ako sa mata. Halos magrebelde ako dahil sa pagkakalayo namin ng iilang pulgada.

"Masakit yon noh. Nagsugat kaya yon."

"Mmhh, sisipsipin ko na lang."

"Lahing bampira ka din ano?" Mahina kong tawa. Nakapulupot ang braso ko sa batok nya, habang dalawang kamay na ang nakayakap sa likod ko.

"I mark what's mine." Giit nya.

"Hmmm.. and you think I'm yours?"

"If you want to be..." nagulat na naman ako. Ilang beses nya ba balak patigilin ang puso ko? Pero hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Please, kung panaginip to, wag nyo na akong gisingin. Itinulak ko sya ng marahan.

"Haha, sira ka! Uwi ka na nga, gabing-gabi na oh." Patay malisya kong sagot. Ayokong magpadala sa bugso ng damdamin dahil wala pa namang sinasabi si Ryou.

Alam ko, there's no unit of measure for this level of stupidity, pero tulad ng mantra naming mga duktor: prevention is better than cure. Kaya wag muna mag assume habang walang confirmation, baka uuwi lang akong luhaan.

"Hmm.. daya mo naman eh." Nakasimangot sya, kaya dinampian ko ng halik ang ilong nya. Inatras ko na din ang pang-ibaba ko at baka makita pa kami ng ibang tao na nagkikiskisan. Nakakahiya.

"Ingat ka ha..." nginitian ko sya.

"I'll see you in my dreams." sabay halik sa ilong ko, sa noo, at sa mga kamay ko.

"Yeah. See you." Dinampian nya ulit ako ng halik sa labi bago lumayo ng tuluyan. Lakad patalikod din ang ginawa nya hanggang makaabot sya sa hagdan, nakatingin at nakangiti sa akin. Ganun din ako.

Nang nag sink in ang ginawa namin dito sa hallway sa isip ko ay nagpakawala ako ng malakas na tawa. Naglulundag pa ako sa tuwa, at halos maglumpasay na ako. Nakalimutan kong wala pa ako sa loob ng unit, kung kaya't laking hiya ko nang lumabas ang isang neighbor at sumigaw na maingay daw ako.

Namumula akong nagsorry sa kanya sabay pasok sa room at doon pinagpatuloy ang paglulumpasay. Bukas, hindi ko na kakailanganin mag vaccuum dahil nilinis ko na to sa pangingisay ko sa sahig.

Nagshower muna ako bago nagtungo sa kama. Saktong alas dose nang tumawag ako at binati ko si Ryou ng happy birthday. Tuwang tuwa naman daw sya dahil natupad ang wish nya na ako ang maunang bumati sa kanya. Kinilig na naman ang bruha nyong ateng, pero hanggang dun na lang ang usapan namin dahil kinukulit daw sya nina Orio. Naririnig ko din ang mga hiyawan ng mga shatei at kyodai na kinakantahan sya kaya pati ako ay natawa na din. Nag goodnight ako sa kanya at natulog na din.
_______

Kinabukasan ay nagising ako sa sunod-sunod na doorbell. Pagtingin ko sa digital clock ay 6:12am pa lang, at gusto ko sanang magbitiw ng profanities dahil naputol ang maganda kong panaginip. Dun na yun sa part na naghuhubaran na kami ni Ryou. Isang mata lang ang ibinuka ko nang magtungo sa pinto para pagbuksan ang kung sino mang hayop ang sumira sa panaginip ko na yon.

Nakaawang ang bibig ko, handang handa na sa gagawing pagmumura, pero natigilan ako nang tumambad si Ryou sa harap ko. Bagong ligo sya, basa pa ng konti ang buhok, at amoy na amoy ang sabong ginamit nya. Fresh na fresh sya, fresh pa sa fresh lumpia sa SM Kainan.

"Goodmorning." Bati nyang nakangiti. Simple lang ang suot nya. Puting v-neck tshirt na hapit sa katawan at nagpalitaw sa malalaking masel nito, maong pants, at brown leather boots.

"Uhm.. ah! Goo...ehem! Good morning." Nakakahiya! Morning breath pa ako, tapos namamaos pa ang boses ko dahil nga bagong gising at tuyo ang lalamunan. Nanalangin ako na sana ay walang tuyong laway sa gilid ng bunganga ko. "Lika, pasok ka muna. Ang aga mo ata?"

"Sexy ah?" Nanunudyo ang boses nya habang nakasunod sya sa akin papuntang sala. Buti na lang at nakapagligpit ako kagabi. Saklap pa naman na mapagsabihang balahura.

Napagtanto ko ang sinabi nya at sabay takip sa morning wood ko. Fit na fit yung boxers at puting sando ko nun (buti nga at naka sando pa ako) kaya bakat na bakat si junjun. Natawa sya sa inasal ko, parang dalaga daw ako. Well hello? Sino ba naman ang gustong ibandera ng nakatayo nyang ari early in the morning? Hinampas ko sya sa balikat at sinabihan kong maupo sa sofa.

"Aacckk!!" Pasigaw ko nang natumba ako sa taas nya sa sofa. Ang tarantadong mofo ay hinila lang naman ako nang akmang uupo ako dun sa kabilang armchair. "Hoy ano ba?!"

"Sus, dito ka na. Na miss ko yung hugs natin nung doon ka natulog sa bahay." Sabi nya sabay kagat sa kanang balikat ko.

"Aray ko, putang ina ka talaga Ryou!! Ang aga-aga nangangagat ka! Ansaket nyan!" Sigaw ko habang nagpupumiglas. Sheet, magmamarka na naman to. Sana walang dugo.

"Mmhh.. parang ansarap kainin ng balikat mo eh. Nanggigil ako." Sagot nya at sinabayan pa nya ng mahigpit na yakap sa bewang ko. Baba pa nang konti, matatamaan na talaga yung ari ko.

"Eh bwiset, ako yung nasasaktan eh!" Sinabayan ko ng siko sa tyan nya. Tawa lang sya ng tawa, hindi nasasaktan sa mga siko ko. Actually yung siko ko pa ang nasaktan dahil nagbruise ng konti yon kinagabihan pag check ko (promise!). Hinalik-halikan nya ang balikat ko, pataas papuntang leeg.

"Leche! Teka, teka! Nakikiliti ako... hahaha! Hoy tumigil ka!" Nagpupumiglas pa din ako dahil may kiliti ako sa balikat. Kaya nga never ako nagpapamasahe dahil nakikiliti ako kapag ginagalaw ang balikat ko. Inamoy-amoy nya pa ang leeg ko.

"Bango ng babe ko ah.."

"Tigilan mo akong manyak ka.. di pa ako naliligo! Tabi jan.." pag-iwas ko sa kanya. Morning breath na nga, wala pang ligo.

"Bango naman eh.." nagpout sya nang makawala ako sa kanya. Buti at kumalma na ang junyor ko.

"Teka, ang aga mo ata?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Bihis ka, may pupuntahan tayo." Pag-aanyaya nya, halatang excited. Aayaw pa sana ako dahil mejo antok pa ako, pero masyado syang mapilit kaya naligo ako at nag-ayos ng mabilisan.

Naka gray longsleeve hoodie ako with dark blue denim at white overankle sneakers. Hikab ako ng hikab nang nasa sasakyan kami, kaya pinaidlip nya ako.

"Ai-chan, baba ka na. Dito na tayo." Nagising ako dahil niyuyugyog nya ang balikat ko. Parang lasing akong nagmulat ng mata, at halos pasuray-suray din sa paglalakad. Buti nga at inalalayan ako ni Ryou, kundi ay mababangga ako sa kahoy na pula.

Pula? Huh? Nang bumalik ako sa katinuan ay namalayan ko na lang na nasa harap kami ng stone steps sa gitna ng gubat, at ang mga kahoy na pulang iyon ay parte pala ng torii (gate) tunnel ng Hie-Jinja Shinto Shrine [search nyo, maganda!]. Sa kalagitnaan ito ng Tokyo pero napaka serene ng area dahil na din sa malawak ito at napapaligiran ng maraming puno.

Dito ginaganap ang Sanno Festival (June 15) na isang celebration para ihonor ang guardian diety ng Edo (old name for Tokyo). Katunayan, ang Heiden offering hall, Haiden hall of worship, Honden inner sanctuary, at Roumon gate ay itinalagang National Treasures dahil sa kahanga-hangang ganda nito.

"Nagulat ka noh? Hehe.. ginagawa namin ito tuwing birthday ko." Sabi ni Ryou nang mapatingin ako sa kanya na may halong pagtataka. "Kasama ko palagi sina Orio, pero tumakas ako kanina kasi ikaw ang gusto kong makasama."

Ang aga-aga pa para mamula ako, pero di ko napigilan. Ang sweet naman ni koya! Sabagay, natuwa din ako kasi ito ang first time in 18 yrs since last ako nakapunta dito noong nasa junior high ako kasama ng mga kaibigan ko. Di na naulit pa yon. Ngumiti ako kay Ryou at ako na mismo ang humawak sa kamay nya para umakyat sa tunnel na yon. Bago umakyat ay nag bow muna kami sa entrance ng torii bilang paggalang.

Lampas 40 steps lang naman yon, pero enjoy na enjoy kami. Walang tao dahil early pa masyado, mga 9am pa nag-uumpisang dumagsa ang mga lokal pati na mga turista. Syempre sa left kami dumaan, at nagpicture din kami as remembrance.

Walanghiyang nakayakap ang mofo sa akin sa kada picture, syempre pakeyeme ako kahit kilig na kilig. Baka makasuhan pa ako ng corrupting minors neto, kahit di na sya minor de edad. Di bale, pwede ko syang kasuhan ng adultery dahil mas matanda ako sa kanya. (LOL)

Bago pumunta ng prayer hall ay ginawa namin ang temizu (cleansing). May maliit na balon doon na may nakahanay na mga kahoy na sandok ng tubig na ginagamit panghugas ng kamay. Gamit ang kanan ay sumandok kami ng tubig na ipinanghugas sa kaliwang kamay, bago itransfer sa kaliwa at hugasan ang kanan.

Gamit ulit ang kanan ay sumandok ako ng tubig at inilagay sa kaliwang kamay ko, na syang ipinang mumog ko at dinura iyon sa may designated drainage ng balon. Naghugas ulit ako ng kaliwang kamay at ibinalik sng sandok sa lalagyan nito. (Ito ang common etiquette na ginagawa kapag bumibisita sa mga shrines.)

Pagkatapos noon ay nagpunta kami sa altar sa may hindi kalayuan, at nag ring ng kampana doon pagkatapos naming maghugas ng kamay at bibig doon mismo sa gilid ng altar. Nagsindi kami ng insenso at nag offer ng prayer at humingi ng wish.

Iisa lang naman ang hiniling ko ng araw na iyon: ang maging masaya ang lalaking mahal ko (sshhh! Di pa sha aware!). Napansin kong masyadong taimtim ang panalangin ni Ryou, at nang mapagtanto ko ay masyadong mahaba ang mga hiling nya kaya't siniko ko sya.

"Oi, oi.. bawal ang gahaman..." pagreremind ko, na ginantihan naman nya ng isang guilty na ngiti. Pa kamot-kamot pa sya ng ulo nang ilagay ang umuusok na insenso sa may altar.

Pagkatapos noon ay nag offer kami ng pera doon sa offering box at ginawa ang isa pang common etiquette pagkatapos mag pray: bow twice deeply, clap hands twice close to the heart, bow once deeply, at natapos na kami. Naglibot muna kami ni Ryou at kumuha ulit ng mga pictures.

May mangilan-ngilang tao na naroon, karamihan ay mga staff sng shrine, at ilang lokal. Mabibilang din ang mga turista sa iisang kamay. All in all, malaya kaming nakakapaglibot dahil konti lang ang tao at nae-enjoy namin ng husto ang view doon.

Usually, ang bawat shrine dito sa Japan (depende kung Shinto or Buddhist) ay may mga sacred animal statues. Dahil sa paniniwala ng mga Shinto na pinadala ang mga hayop mula sa langit upang magsilbing guardians of the gods, nagtatayo sila ng mga statwa ng iba't-ibang mga hayop na nakakalat sa kabuuan ng shrine.

Depende din ito sa shrines kung anong hayop ang pinaniniwalaan nilang guardian ng diety nila, merong pusa, fox, at kung anu-ano pa. Unggoy ang mga statwang nakakalat dito sa Hie Jinja dahil child-loving daw ang mga ito, kung kaya't naniniwala sila na magdadala ang mga unggoy ng blessings for safe deliveries at child prosperity.

After ng paglilibot aa shrine ay magtutungo na sana ako pabalik sa torii pero pinigilan ako ni Ryou.

"Halika, dali. Dito muna tayo." Hinila nya ako papunta doon sa maliit na kubo at kumuha ng coins sa bulsa nya. "Alam mo ba kung ano to?"

"Omikuji (fortune-telling paper slips)?" Nanlaki ang mata ko. Hindi ako mahilig sa fortune slips dahil naniniwala akong tayo ang gumagawa ng sarili nating swerte. Pero dahil halatang excited si birthday boy ay hindi ko na yon sinabi.

"Ganito, may mga nakasulat na short poem at different types of fortune sa mga papel kabilang na ang sa work, health, family, etc. pero usually ay general fortune ang tinitingnan. May iba't-ibang klase ng omikuji depende sa kung saang shrine ka pero meron ding general...

Dito lang tayo sa general, kasi yung monkey slips dito sa Hie-Jinja ay para yun sa mga humihiling na magkaanak, eh hindi pa naman tayo nag-iisip nang ganun." Paliwanag nya. Mejo natigilan ako ng konti dun. "Pinakamaganda yung Great Luck/Blessing, panget naman yung Great Misfortune/Worst Luck."

"So balak mo kumuha ng omikuji? Sige hintayin kita." Tanong ko at baka nagpasama lang naman sya. Hindi naman ako sanay sa ganun.

"Anong ako lang? Dalawa tayo syempre. Hehe... pag pangit yung fortune na nakuha natin, itali lang natin doon sa pine tree para hindi daw dumikit sa atin ang malas. O di kaya ay itatali ang great luck para manatili yon dito sa shrine at ma bless ng mga gods."

Wow, naniniwala din pala sa ganito ang mga yakuza? Sa isip ko. Hehe, ang cute ng kasama ko. Parang bata na excited ipakita sa akin ang laruan nya. Kaso, ibang 'laruan' ang gusto kong makita. Yung kinakasa at pumuputok. Hahaha.. salbahe talaga ang utak ko. Pati sa sagradong lugar ay nagagawang mag-isip ng madumi. Nagkibit-balikat na lang ako. Wala din namang mawawala kung susubukan ang omikuji eh.

Binigyan nya ako ng isang coin at hinulog doon sa may lalagyan ng mga donasyon. Bumunot ako ng omikuji doon sa lalagyan nila. Hindi ko muna binuksan yon dahil gusto kong sabay na kami magbukas para mas exciting. Yung feeling na parehas ng sabay-sabay na pag open ng regalo tuwing Pasko.

"Oh! Dai-kichi (great luck) yung nakuha ko!" Hindi ko maitago ang tuwa ko kahit di ako naniniwala sa fortune-telling. Parang nandun lang yung sense of accomplishment at security na magkakaroon ako ng swerte sa near future. Maybe para sa...lovelife?

"Ugghh.. look at this!" Inis na ipinakita nya ang slip na nakuha nya. Isang malaking dai-kyou (great curse) ang nakuha nya, kaya't natawa ako. Nalukot ang mukha nya sa disappointment. "So happy ka kasi mamalasin ako? Tsk.. birthday ko pa naman tapos malas ang makukuha ko."

Nakasimangot ang mofo, at talagang dinibdib ang nakuha nyang fortune. Tinawanan ko ulit sya saka tinapik ng marahan ang ilong nya gamit ang fortune slip ko.

"Ganito... mag exchange tayo ng omikuji. With my great luck and your great curse, maybe may chance na they'll cancel each other out. Palagay mo?"

Napatingin sya ng matagal sa akin, yung tinging may halong pagkamangha, kaya na-conscious ako. May laway ba ako na tuyo dahil sa nap ko kanina? May muta pa ba ako? Unti-unting bumilis ang tibok ng puso ko, bagay na palaging nangyayari kapag tinititigan nya ako, o kahit tumabi lang sya sa akin.

Lakas tama talaga ako sa kanya. Pakiramdam ko ay nagkakaroon kami ng sariling mundo. Yung feeling na sya lang ang nakikita mo, at ikaw lang ang nakikita nya? Yung sasabihin mong 'ikaw lang, sapat na'. Yan ang feeling ko everytime.

Nabigla ako nang halikan nya ako duon. Maalab yon, may kasamang paghigop ng dila. Matamis ang mga labi nya, kaya't hindi ko din mapigilan ang yakapin sya palapit sa akin at gantihan ng pagsupsop ng dila ang mga halik nya. Sagradong lugar yon, pero mukhang seryoso syang pangatawanan yung 'child prosperity' ng mga unggoy dahil kulang na lang ay magmilagro kami doon mismo sa shrine.

Hawak-hawak nya ang magkabilang pisngi ko, at paminsan-minsan ay pinapapak nya ang pang-ibabang labi ko. Hindi yon masakit, bagkus ay nadadagdagan ang pananabik ko kaya't matagal ang halikan na nangyari sa amin. Paminsan-minsan nagtatama ang pang-ibabang katawan namin, at nagdudulot ito nga kakaibang kaligayahan.

"Aahhheemm!!" Napahinto kami sa malakas na tikhim sa gilid namin. Mejo out-of-focus at hazy ang mga tingin sa aming mga mata dahil nga parang out of this world ang halik na yon kaya naulit ang malakas na tikhim nang maglapit na naman ang mga labi namin ni Ryou.

Isa palang Shinto priest ang tumikhim at kanina pa nagmamasid sa amin, kung kaya't pareha kaming nahiya sa inasal namin ni Ryou. Nanlilisik ang mata ng matanda, kaya humingi kaagad kami ng paumanhin sa kanya at bago pa man sya may masabi ay dali-dali naming itinali ang omikuji na nakuha namin doon sa may piraso ng pine tree.

Naglakad na kami palabas ng shrine dahil sinusundan kami ng nakakamatay na tingin ng matanda, kahit pa nga naglalakad kami na magkalayo ang agwat sa isa't-isa.

Malapit na kami sa labasan doon sa may torii, kaya tumingin ulit kami sa shrine at nagbow bilang pagrespeto, isang etiquette pa din na ginagawa sa kahit saang shrine. Nagkatinginan kami ni Ryou at bigla kaming nagkatawanan nang maalala namin ang kawalang-respeto na ginawa namin sa sagradong lugar na iyon.

Buti na lang at wala kaming nasalubong pababa ng torii tunnel, kung hindi ay masasagasaan sila dahil nagtatakbo kaming pababa ni Ryou, magkahawak kamay at humahalakhak. Ang saya-saya ng simula umaga namin. Ito na ba ang panimula ng great luck ko?
_______

A/N:
Guys.. kelangan kong humingi ng tawad. I'm trying to get ahold of my self right now, dahil nararamdaman kong nabu-burnout ako sa school. I think next chapter will be my last update for a while. I hope you'll support me as I struggle to overcome this mental fatigue and hopefully babalik ako with a good storyline para masatisfy ko ang readers :)

Ano kaya ang mangyayari sa birthday ni Ryou? May magbabalik kaya sa buhay ni Doc Aiden? Nag-uumpisa na ba ang great luck nya, o baka umpisa din ito ng worst luck nya?

Abangan ang susunod na kabanata...

No comments:

Post a Comment