m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, May 21, 2017

Taste of A Sailor (Part 5)

By: JR the sailor

Pagpapatuloy……

Hindi man naging mala FAIRY TALE ang umpisa ng pagkakaibigan namin ni Stef ay nararamdaman kong magiging maganda ang bawat susunod na pahina ng aming kwento, na mas magiging maayos na ang lahat. Na bawat pagkakamali ng nakaraan ay maitatama na at buburahin ng masasayang bagay.
    Ang sarap sa pakiramdam na mukhang pinagkakatiwalaan na nya talaga ako sa pagkakataong yun. Masaya ako dahil bukod kay Jacob, eh ako pa lang daw ang isasama nya sa kanyang silid. Hindi ko maitago ang labis na tuwa at kilig sa tagpong iyon. Alam kong gustong bumawi ni Stef sa lahat ng ginawa nya sa akin dati. At hindi pa rin magsinked-in sa aking utak ang mga magagandang nangyayari sa akin ngayon. From enemies to friends that quick!

At isinama nga ako ni Stefano sa kanyang kwarto na nasa ikalawang palapag na kanilang mansyon. Pagbukas na pagbukas palang ng kanyang pintuan ay namangha na ako sa laki at ganda nito. Parang mga rooms sa 5 star hotel. Malinis at mabango sa loob. Ang mga kagamitan ay talagang hindi maiitangging pang first class. Bubungad sayo ang King size na kama, literal na parang hari ang hihiga duon.Katulad ng kwarto ni Jacob ay may malaking pianong itim sa loob. Kumpleto rin ito sa gamit. Napansin kong carpeted din ang sahig ng silid Ang luwang nito ay parang bahay na ng isang pamilya.Kung ikukumpara naman ito sa kwarto ni Jacob ay mas malaki at mas maganda ito. Nakaagaw ng aking pansin ang isang malaking portrait ni Stefano na iginuhit gamit ang lapis na nakasabit sa Pader , napakaganda ng pagkakayari at pagkakagawa nito.

“Hanggang dyan ka na lang ba sa labas?”Natatawa nyang sabi sa akin at sabay hinila nya ako sa braso upang pumasok.

“Ganda naman ng kwarto mo Stef, sabagay ano nga ba naman aasahan ko sa isang anak mayaman na katulad mo hehe”, tugon ko sa kanya.

“Maupo ka muna Edward dyan sa may couch, kukuha lang ako ng maiinom natin.” Tumango na lang ako bilang pagsang ayon sa kanya.

Pagbalik nya ay may dala syang baso at bote ng alak. Nagulat ako dahil Juice or Soft drinks ang inaasahan kong ibibigay nya sa akin.

“Ohh ano yan? Anu gagawin natin dyan?” Tanong ko sa kanya.

“Malamang iinumin! Alangan namang ipangdidilig ng halaman” sarkastikong tugon nito sa akin.

“Hindi ka lang pala Mayabang, Pilisopo ka rin no?” Medyo inis kong sabi sa kanya.

“Haha Ito naman, hindi na mabiro, Hindi ka ba umiinom ng alak?” Tanong nya sa akin habang inilapag nya sa lamesa ang boteng hawak nya.

Umiling lang ako bilang sagot sa kanya

“Ayos lang ba kung sasamahan na lang kitang uminom at makipagkwentuhan?” Paanyaya ko sa kanya.

“Sure! Hindi na kita pipilitin. Kumain ka na lang ng pulutan!” Mabilis nyang sagot at umupo na sa tabi ko. Binuksan nya ang bote ng Johnny Walker na nasa harapan namin. At nag umpisa na kaming magkwento ng samut saring bagay.
Ang dami namin napag usapan tungkol sa buhay ng bawat isa, buhay ng pamilya ko at nya, kung ano ano pang bagay. Hindi ko maiitangging gumagaan na talaga ang loob ko sa kanya. Ganitong ganito rin ang nararamdaman ko kapag kausap ko si Jacob. Ibang iba na Stefano ang nasa harapan ko ngayon.Malayo sa Stefanong kilala ko dati.
Lumipas pa ang ilang oras ay ramdam kong tumatama na ang alak sa kanya. Mas nagiging maingay at mas palakwento na ito. Napapansin ko rin na panay ang titig nya sa akin parang may gusto syang sabihin, bumibilis na naman ang tibok ng aking puso. Nakakainis kasi yung mapupungay at kulay tsokolate nyang mata. Para akong hinuhubaran at kinukuryente tuwing dadako sya ng sulyap sa akin.Naiilang naman ako tuwing magtatama ang aming mata.(Hayyyyyyyyy. Stef wag mo naman ako parusahan hahhaha.)

“Edward?? Sinong mas Gwapo sa amin ni Jacob? SIYA OR AKO?” medyo lasing na wika nya sa akin at hindi ko alam kung saan galing ang tanong nyang yun.

“Huh?! Hahahaha! Anung klaseng tanong yan? Lasing ka na talaga Stef”, natatawa kong sagot sa kanya.

“Pipili ka lang naman sa isa sa amin ahh. Mahirap bang sagutin yun?” Sagot naman nya at para syang batang nagpapacute.

“Bakit ako ang tinatanong mo nyan? Mag inquire ka sa SWS or Pulse Asia Survey nang malaman mo ang sagot” sarkastiko kong tugon sa kanya

“Ewan ko sayo! Nagtatanong lang naman. Hmmppp” at tumalikod sya bigla sa akin na parang nagtatampo. Nagulat naman ako sa inaasta nya. Para syang batang inaway ng kanyang kalaro. Medyo nakunsensya naman ako ng slight mga bes! Hahaha

“Sige na nga . Tsk tsk Ikaw. mas gwapo ka kesa kay Jacob, pero 0.0001% lang ang lamang mo sa kanya ha?” hahhaa natatawa kong pangbawi sa kanya.

“TALAGA!? WOW! SALAMAT! Atleast mas gwapo ako sa paningin mo hehehe” masaya nyang sabi sabay bigay ng abot tengang ngiti sa akin. At umiling iling na lang ako sa naging reaksyon ni Stef.

“Alam mo ang swerte swerte ni Jacob sayo”  pagpapatuloy nya, nabigla at nagtaka naman ako sa mga sinasabi nya

“Lasing ka na Stef, Masyado ka nang madrama haha. Tama na nga yan” tugon ko sa kanya upang ilihis na rin ang usapan. Gusto ko man ang naririnig ko ay naiilang pa rin ako dahil sa kanya nanggagaling ang mga salitang yun.

“Hindi pa ako lasing no! Saka totoo naman sinasabi ko ahhh,Para kasing ang sarap sarap mong maging kaibigan”

“Edward? Pwede ko ba rin gawin sayo ang ginagawa sayo ni Jacob?” At parang may mga fireworks na nagputukan sa utak ko

“Huh? Alin? Hindi kita maiintindihan,” kunwaring hindi ko makuha ang gusto nyang ipunto.

“Yung ihatid sundo ka nya sa bahay mo, Yung pagsabay nya sayo sa pagkain, yung pagpapaturo nya ng ibang lessons at yung pagbobonding nyong dalawa” paliwanag nya sa akin at talagang pumapalakpak ang tenga ko sa mga narinig kong yun

“Ahhhh yun ba? Pwede naman kaso bakit naman ako pa? E madami ka naman kaibigan dyan? Baka mabored ka lang kapag ako ang kasama mo”

“No reason. Sige mukhang ayaw mo ata, si Jacob lang ata ang gusto mong kasama eh” sabi nya sa akin na parang batang nagpapaawa na naman.

“Pektusan kita dyan eh! , drama mo talaga! hahaha. hindi naman sa ganun Stef, inaalala ko lang na baka hindi ka sanay sa mga bagay na ginagawa ko at baka napipilitan ka lang”, paliwanag ko naman sa kanya.

“No, kung nakaya ni Jacob, for sure kayang kaya ko rin yun saka gagawin ko yun kasi ginusto ko, hindi dahil lang napipilitan ako At gusto kong maging close pa tayo sa isat isa, ayaw mo ba?”

“Huh? Paligsahan ba to? Hahaha
Ikaw ang bahala,Ayos lang naman sakin,” (actually ayos na ayos na ayos na ayos sa akin yun ) , mahinahon kong sagot sa kanya pero deep inside halos magtatalon ako sa tuwa at saya.

“Yey! Sabi mo yan ha! Wala nang bawian!” Hahaha masaya nyang reaksyon sa sinabi ko sa kanya

 Nang biglangggg….

“Edward may girlfriend ka na ba?” Mabilis nyang tanong sa akin. At hindi ako naging handa sa sinabi nya, hindi ako makapag salita at parang nalunon ko ata ang dila ko. Walang lumabas na sagot sa bibig ko dahil hindi ko rin alam ang isasagot sa kanya.

“Uyyyy, bakit natameme ka? Sabi ko may girlfriend ka na ba?” Paguulit nyang tanong sa akin.

“Ahh sorry hehe. Ahh Ehh Ahh.W-wwala.Hehe” Kabadong sagot ko sa kanya sabay pakawala ng pekeng tawa. Gusto kong sabihin sa kanya na BOYFRIEND ang hanap ko! Haha

“Ohhh Really ? Never ka pa nagkaroon?” Gulat na tanong nya at napansin kong parang nagliwanag ang mukha nya sa sagot ko

“Nakakahiya man pero Oo”, nahihiya kong sagot s kanya

“Ikaw ba? Nakailang girlfriends ka na?”

“Madami na at hindi ko na mabilang,kaso ni isa wala akong sineryoso,” pagmamayabang na sabi nito

“Tsk. Tsk. Grabe Ka! Playboy ka pala. Malas naman ng mga naging girlfriends mo,” medyo naiinis kong sabi sa kanya.

“At bakit naman? Pasalamat pa sila at isang Stefano Montenegro naging boyfriend nila, Gwapo, masarap at mayaman pa!” Proud na sabi nito sabay lagok ng alak sa basong hawak nya

“Galawan mo? Galawang FuckBoy!” Gigil kong sambit sa kanya at nakita kong nagpakawala sya ng nakakalokong tawa.

“Para sa akin ay pangpalipas oras ko lang ang pakikipagrelasyon,Pare-parehas lang silang lahat”

Tumayo ako at tumalikod sa kanya dahil naiinis ako sa mga salitang lumalabas sa kanyang bibig. Hindi ko maintindihan bakit ganun na lang ang reaksyon ko sa sinabi nya (masyadong affected BES! HAHA) . Siguro inis lang ako sa mga taong manloloko.
Habang nakaharap sa pader ay naglitanya ako ng mga salita na parang sinesermunan ng magulang ang anak.

“Mali ka Stef, MALING MALI!. Alam mo dapat kapag pumasok ka sa isang relasyon dapat seryoso ka. Na dapat araw araw mong iparamdam sa kanya na sya ang pinaka importanteng tao sa buhay mo . Yung tipong proud na proud ka dahil ikaw ang napili nya. Dapat hindi luha  ang ibinibigay mo sa mga magiging nobya mo, PAGMAMAHAL, ORAS,EFFORT AT RESPETO Stef, Dapat pinapasaya mo sila, hindi pinapaiyak, ngiti sa mga labi ang ibigay mo, hindi hikbi , hindi dapat luha ng sakit bagkos Tears of Joy ,na bawat oras minuto at segundo ay iparamdam mong sya ang ang pinaka espesyal na tao sa buong mundo. Ituring mong Prinsesa at hindi parausan lang. Hindi natin masasabi na baka isang araw may dumating na tao sa buhay mo, at biglang bumaligtad ang ang lahat, na yung mga sakit na ipinadama mo sa mga naging karelasyon mo dati ay biglang bumalik sayo, kaya kung ako sayo magseryoso ka na ha! . . Ang tao ginawa ng Diyos para mahalin hindi para paglaruan. Ok?”

“Stef saka dapat kass…………………”

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil pagharap ko ay nasa harapan ko na si Stefano . Sobrang lapit na ng mukha namin sa isat isa. Halos umalis ang kaluluwa ko sa aking katawang lupa! Wala  akong ideya na  kanina pa pala siyang nasa aking likuran habang akoy  nagsasalita. Ilang pulgada na lang ay madadampian ko na ang kanyang labi. Amoy na amoy ko ang ang pinaghalong amoy ng alak at pabango ni Stef, Ramdam na ramdam ko rin ang mainit nyang hininga na lumalabas sa kanyang mapupulang labi. Ang mga mata nyang mapupungay ay nakatitig lang sa akin at tila hinihipnotismo ako.. Naging bato na ako sa mga sandaling yun. Hindi ko na alam ang dapat maging  reaksyon ko. Nanginginig na rin ang mga tuhod ko. Ng……….

“ANG DAMI MO NAMANG SINASABI EDWARD”,Mahina nyang bulong sa akin sabay marahan nyang hinawakan ang bewang ko at idinikit nya ang kanyang katawan sa akin, mas inilapit pa nya ang kanyang mukha.

“Ganito ba dapat ang gawin ko? Huh?” At bigla nya akong sinandal sa pader. At mas dinidiin nya ang kanyang katawan. May damit man syang suot ay ramdam na ramdam ko ang matitigas nyang muscle na lumalapat sa aking balat . Wala na akong lakas para tumanggi or tumutol sa lalaking nasa harap ko.

“Edward Gumising ka! Please! Itulak mo sya palayo!Wag kang bibigay!” Bulong ko sa aking sarili

Kahit mahirap gawin ay Pinilit kong bumalik sa aking ulirat dahil ramdam kong hindi na normal ang nangyayari…

At bigla ko syang tinulak  palayo sa akin…

“Ang dami mo masyadong alam! malakas na ang tama sayo ng alak Gabi na at uuwi na ako sa amin,” seryosong sabi ko sa kanya at inilihis ko na lang ang usapan para hindi ako mailang sa ginawa nya sa akin.

“Edward??”wika ni Stef

“Ohh? Bakit?” Tugon ko naman

“Ahmm Pwede bang dito ka na lang matulog ngayon?”Tanong nya sa akin

“Naku hindi pwede Stef, baka nag aalala na sa akin ang magulang ko” sagot ko naman sa kanya.

“Edi tumawag tayo sa bahay nyo Ako ang magpapaalam para sayo? Please!!” Pangungumbinsi nya sa akin

“Wag na Stef. Uuwi na lang ako. Ehh bakit mo ba ako gustong patulugin dito?” Nagtataka kong tanong sa kanya

“Naku wala ka nang masasakyan. Tulog na mga driver namin. Hehehe”

“Gabi na rin kasi eh. Saka wala namang masama kung dito ka magpapalipas ng gabi” mpaliwanag ni Stefano

“Saka malaki naman kama ko kaya kasyang kasya tayong dalawa” pahabol pa nya

“Ok lang. Maglalakad ako pauwi, saka naku malikot akong matulog. Nakakahiya sayo kung sa iisang kama tayo matutulog” pagdadahilan ko naman sa kanya

“Anu ka ba? Parehas naman tayong LALAKI ah”, kaya walang malisya yun sabay kindat sa akin ng mokong at bigay ng nakakalokong tawa. Gusto kong maihi sa ginawa nya hahaha

“Marami pa kasi akong tatapusing gawain sa bahay” rason ko sa kanya

“Ehh Linggo naman bukas ahh” sagot nya ulit sa akin

“Basta! Uuwi na ako! At walang makakapigil sa akin Bye!” pagmamatigas ko kay Stefano

Naglalakad na nga ako patungo sa pintuan palabas nang biglang may  bumuhat sa akin pabalik. Para kaming bagong kasal sa tagpong yun. (Isipin  nyo na lang itsura kung paano kinakarga ng lalaki ang kanyang asawa! Gabern!) Nakakapit lang ako sa kanya habang buhat buhat nya ako. Nags slow-motion na naman lahat ng bagay. Bumilis na naman ang tibok ng puso ko.

“Hoy STEFANO NATHANIEL! Ibaba mo ako! Anu ba ginagawa mo?” tila gulat kong sabi sa kanya

“If I cant  pleased you, I will force you to stay instead hahaha” natatawa nyang sabi sa akin

“Isa! Dalawa! Ibaba mo sabi ako nakakahiya baka may makakita sa atin”. Pagmamakaawa ko sa kanya

"Hahhaha AYAW!  tugon naman nito at mukhang enjoy na enjoy sa kanyang ginagawa

JUICE COLORED! Anu ba ang nakita nito sa akin at ganito ako tratuhin Hahahhaha. Labag man sa akin ang ginawa nya pero lamang ang pakiramdam na GUSTONG GUSTO KO RIN HAHAHA. enebekese?

“Uuwi na ako Stef! Tulungan nyo ako! Tulong! Tulungan nyo ako!”, Hiyaw ko naman pero nangingiti ako habang sinasabi ko yun

“Kahit mahalit at mapaos ang lalamunan mo walang makakarinig sayo dito”. Walang tutulong sayo hahhaa natatawa nyang sabi

“Dito ka matutulog Edward whether you like it or not!” At ibinaba nya nga ako sa kanyang malambot na kama

Mukhang desidido na talaga si Stefano na dito ako patulugin. Kahit ano yatang dahilan ang sabihin ko ay may sagot sya. Hayyyyy Bahala na. Para matigil na ay pagbibigyan ko na lamang sya. Isang gabi lang naman eh.

“Sige na nga. Ano pa ba magagawa ko”,seryoso kong wika sa kanya

“Yes! Thank You Edward! Wala ka rin naman ibang option haha” masaya nyang sabi

“Sya maglinis na tayo ng katawan para makapagpahinga na tayo at lumalalim na rin ang gabi” utos ko sa kanya

“YES BOSS! at ikukuha na rin kita ng damit na pampalit  mo” lumakad nga sya papunta sa kanyang walk-in closet. Tanaw mula sa aking kinatatayuan ang kanyang closet . Grabe laki nito at daming lamang damit. Lahat ay naka organized base kulay at uri nito. Katulad ito sa mga nakikita ko sa TV. Nakakamangha.

Pagkatapos kong maglinis ng katawan at magpalit ng damit ay tumungo na ako sa kanyang higaan. Kasalukuyang nasa CR si Stef at naglilinis pa ng katawan. Iniintay ko na lang sya matapos at tutulog na rin ako.

Paglabas na paglabas nya ng banyo ay Literal na napanganga ako sa aking nakita. At talagang hindi ko maiwasan na titigan sya habang palapit sa akin. Napalunok na lang ako ng laway dahil sa napakagwapong nilalang na palapit sa akin.

 Habang naglalakad ay nagtutuyo sya ng buhok gamit ang tuwalya. Napakaputi at kinis ng kanyang kutis. Literal na kutis mayaman.
Bagay na bagay kay  Stefano ang suot nyang fitted na black sando at red na boxershorts. Makalaglag panty, bra, brief, panga at pustiso talaga ang itsura nyang yun.hahaha Yung mga muscles nya humuhulma sa kanyang katawan. Nakakapaglaway bes! Tapos ang amoy nya ay talagang nakakabuhay ng libido. Sobrang bangooooo! Parang lalagnatin ako sa init na aking nadarama. DEMIGOD indeed!

Bawat hakbang nya papunta sa kanyang kama ay bumibilis din ang pintig ng aking puso. Kinakabahan ako at baka hindi ko mapigilan ang sarili ko that time at  kung ano ang magawa ko sa kanyang hindi kanais nais.

“Edward. Inhale, exhale! Inhale Exhale, mag behave ka Parang awa muna. Tukso lang yan! Kayanin mo” Sigaw ko sa aking isipan.

“Ohh Edward bakit parang nakakita ka ng Multo?” Tanong ni Stef sa akin

“Huh? Oo nakakita talaga ako ng multo. Gwapo at masarap na multo nga lang” mahina kong bulong sa sarili

“Anu yun? Pakiulit nga”, tugon ni Stefano at tila medyo narinig yata nya ang sinabi ko

“Wala sabi ko matulog na tayo” pagsisinungaling ko naman

“Hindi eh, may sinabi kang iba. Narinig ko yun!” natatawa nyang balik sa akin at

“Wala no! Matulog na tayo! Isa!” Sigaw ko sa kanya para hindi hindi na sya mangulit pa. Ang engot lang kasi Edward? Hindi kasi nag iingat haha ayan tuloy

“Ok. Sinabi mo eh.Tulog na nga tayo at baka lumabas at magpakita yung GWAPO AT MASARAP NA MULTO! HAHAHHAHAHA” sabay pakawala ng malakas na tawa ay humiga na nga syang tuluyan

Patay na! Narinig pala talaga ng mokong! Naku naku naman! Kainin na sana ako ng lupa ngayon. Huhuhuhu

Hindi ko na sya pinansin at baka magisa lang ako sa sarili kong mantika. Nakakahiya na ang mga inaasta ko. Humiga na lang din ako at tumalikod sa kanya.

Pinatay na nya ang ilaw sa kwarto Tanging lampshade lang ang nagsisilbing liwanag sa buong silid at humiga na nga kami.

“Lord, sana makalimutan lahat ni Stef ang mga nangyari ngayong gabi! Balato nyo na sakin yun Bro”, dasal ko habang inaantay akong dalawin ng antok.

Ilang minuto pa Habang hinihintay ko ang sarili kong makatulog ay ramdam kong may kamay na pumatong sa bewang ko pababa sa aking tiyan. Ramdam ko rin na may mainit na hangin na dumadampi sa aking batok. Hanging mula sa hininga ng katabi ko. Dahan dahan kong ibinaling ang aking ulo para tingnan ang posisyon ni Stef. At hindi nga ako ngkamali. Nakaakap sya sa akin sa pagkakataong yun. Hindi ko alam kung ano ang pumasok s aking isipan at marahan akong humarap  sa kanya na  hindi pa rin inaalis ang pagkakayakap nya sa akin.Parang ayaw ko na matapos ang gabing yun. Parang panaginip lang ang lahat. Para akong nakalutang sa ulap.
Sinuklay at hinawi ko ang kanyang buhok gamit ang aking mga daliri. Inayos ko rin ang pagkakalagay ng comforter  na nagsisilbing kumot na bumabalot sa kanya. Parang natutulog na anghel ang aking katabi. Ang sarap nyang pagmasdan

“Salamat Stef” marahan kong bulong sa kanya at Ilang sandali pa ay dinalaw na rin ako ng antok at pinikit ko ang aking mata.

Kinaumagahan.

Nagising ako dahil sa amoy na naglalakbay sa buong kwarto. Napakabango at nakakagutom ang amoy na yuhu. Pagmulat ng mata ko ay Nasa harapan ko si Stefano at may dalang tray ng pagkain.

“Goodmorning Edward!” Masaya nyang bati sa akin

“Goodmorning rin Stef, pasensya na napasarap ata tulog ko” tugon ko naman sa kanya

“E di mas ayos, kain ka muna ng Breakfast” at inilapag nya sa kama ang mga pagkain

“Grabe ka Stef, hindi mo naman ito kailangan gawin , sobra na ata to”  nahihiya kong sabi sa kanya

“Ssshhh magpasalamat ka na lang, Bisita kita and I need to accommodate you very well. OK?”, paliwanag naman nya.

“Salamat ng marami Stef, umupo ka na rin at sabay tayong mag almusal”, nahihiya kong sabi sa kanya.

“Ikaw ba ang nagprepare ng lahat ng ito?” tanong ko sa kanya

“YUP! nagpatulong rin ako ng konte kay Mom” masaya nyang sagot sa akin

“Grabe nakakahiya sa Mommy mo, dalawa pa kayong naabala” at Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa hiya

“Ok lang kasi. Gusto rin naman ni Mommy. But before pa humaba ang usapan eh kumain ka na at lalamig na ang pagkain”.

“Ikaw rin kumain ka. Saluhan mo ako” paanyaya ko sa kanya

“Busog pa ako eh”

“No! Kumain ka rin!Gusto mong subuan pa kita?” natatawa kong alok sa knya

“Pwede rin”, sabay binuka nya ang kanyang bibig tila naghihintay na subuan sya ng pagkain. Natatawa lang ako dahil para syang batang umakto

Tinusok ko yung sausage sa plato gamit ang tinidor at isinubo ko nga ito kay Stef at kinain nya naman ito, pinainom ko rin sya ng juice na nasa baso.

“Ang sweet mo naman! Salamat! Isa pa! Isa pa!” wika nya at Para syang batang gutom na gutom

“Hahahhaha Para kang bata Stef”

At natapos na nga kaming kumain. Puro asaran at kwentuhan lang ang ginawa namin. Mas lalo na akong humahanga sa personalidad na meron ang taong kaharap ko. Sa likod ng maangas nyang pagkatao ay sinong mag-aakalang malambing at masiyahin pala to. Ang sarap lang mahalin ang ganitong klase ng tao.

“Ooppsss Nahuhulog na ba ang loob mo sa kanya Edward?? Naku hindi pwede! Bukod sa langit at lupa ang agwat ng  estado ng buhay nyo, eh imposibleng magustuhan ka nya pabalik, MASASAKTAN KA LANG,kaya gumising ka sa ilusyon mo!” Ito ang mga bagay na bumabagabag sa aking isipan.

Natapos na nga ang maghapon ko sa bahay nina Stef. Napakainit at napakagaan ng pagtrato nila sa akin. Hindi ka makakaramdam ng pagka ilang at hiya sa mga ito. Mas tumaas ang respeto ko sa pamilya nila. VIP na VIP ang turing nila sa akin.

“Stef, gusto ko na sanang umuwi ng bahay”, pamamaalam ko sa kanya

“Awww, hindi ko napansin na magagabi na pala. Sige ihatid na kita sa bahay nyo” tugon naman nya sa akin

“”Naku wag na! wala bang tricycle or jeep na dumadaan dito?” Tanong ko sa kanya

“Hahaha baliw! High end subdivision itong lugar namin no! Hindi ka makakakita ng tricycle or jeep” natatawa nyang sagot

“Nagbabakasakali lang naman ako haha, So tara na at may pasok pa tayo bukas”

At bigla nya akong hinawakan sa kamay at lumakad kami palabas ng kwarto. Grabe parang ang libong boltahe ang dumaloy sa katawan ko sa ginawa nya. Napakalambot ng kamay nya. Ang sarap hawakan at para ayaw ko nang bitiwann.

“Ihahatid na kita Edward ha” wika nito

“Salamat, may magagawa pa ba ako?”

Pagkatapos kong magpasalamat at magpaalam sa parents nya ay hinatid na ako ni Stef sa bahay. Ilang minuto lang byahe mula sa amin. Ilang saglit pa ay nakarating na nga kami. Inaya ko man syang bumaba muna at papasukin sa bahay ay hindi ito pumayag. Nahihiya daw ang mokong sa magulang ko. Hindi ko na rin pinilit dahil masyado na rin gabi at mag isa lang syang magmamaneho.

“Salamat Stefano sa lahat, Mag iingat ka pauwi” sabay bigay ng matamis na ngiti sa kanya

“Walang anuman Edward, Salamat din, Next Week ulit? Deal?” tugon naman nya

“Hmmm, Let's see! Im not sure”,tila hindi ako sigurado sa sagot ko

“Ok. Ok. You still have one week to decide”

“Sige. Bbye na Stef, Ingat sa pagmamaneho”, kinindatan lang ako ng mokong bilang sagot at pinaandar na nya ang sasakyan palayo at pumasok na rin ako ng aming bahay.

Bago matulog ay inalala ko lahat ng kaganapan nung maghapon na yun

 Its too good to be true. Baka naman nananginip lang ako after all wika ko sa aking sarili at kinurot kurot ko ang aking braso para malaman kung totoo nga ba talaga lahat.

“OUCH! Ang sakit! Totoo nga”, at para akong nababaliw sa mga ginagawa ko.

Kakahiga ko pa lang sa kama ay may natanggap akong mensahe mula kay Stef.

“Goodnight Edward Sweet dreams!” text nu Stef sa akin at hindi ko mapigilan mapangiti

“Goodnight at Sweetdreams din. See you tomorrow” reply ko naman sa kanya

“Matulog na tayo at baka lumabas yung gwapo at masarap na multo” dyan Hahahhaa text nya ulit sa akin

“Baliw! (insert angry emoji)” reply ko naman sa kanya at tila halos itapon ko ang cp ko dahil sa hiya at inis.

At nilock ko na lang ang aking cellphone at natulog na nga ako ng tuluyan.

Kinabukasan ay excited akong gumising at inihanda ang aking sarili sa pagpasok sa school . Napakasarap sa pakiramdam na maayos na ang lahat. 

Alam kong magiging maganda ang araw mo ngayon. Nararamdaman ko Edward! Sabi ko sa aking sarili habang nakaharap sa salamin

Lumabas na nga ako ng pintuan palabas ng aming bahay ng…….

Nanlaki at hindi makapaniwala ang mga mata ko sa aking nakita. Dalawang pamilyar na kotse ang nakaparada sa labas ng aming bahay at may dalawang makikisig na lalaki na nakatayo dito . Si JACOB AT STEFANO tila hinihintay akong lumabas.

“Huwwwaawww! Anung meron?” Gulat kong sabi sa kanila

“Hi Edward! Goodmorning!” Sabay na bati nila sa akin, as in literal na sabay na sabay talaga at nagkatinginan sila saglit.

“Tara na Edward pasok na tayo sa school baka ma-late na tayo” wika sa akin ni Jacob.

“Edward, pwede bang sa akin ka muna sumabay ngayon?” Paanyaya ni Stefano sa akin at pansin kong Napakunot ang noo ni Jacob sa narinig nya

“Stef, ako na maghahatid kay Edward sa school, salamat na lang bestfriend” tugon naman ni Jacob kay Stefano

“Hindi Jacob , sa akin sasabay si Edward sa pagpasok” mabilis nitong sagot.

Konting konti na lang at tila maiihi na talaga ako sa inaasta ng dalawang gwapong lalaki na to. Wala akong masabi dahil hindi ko alam kung ano bang pumasok sa kokote nila. Anu ba nakain ni Stef at Jacob at gustong gusto akong ihatid sa school.

“Hep hep hep! Wait lang kalma lang guys! Kalma!” pag aawat ko sa kanila

“Ahmm, Salamat sa offer nyo pero magcocommute na lang ako para walang away. Ok? Bbye Ingat kayo sa pagmamaneho” at tuluyan na akong naglakad paalis

Gusto ko man sabayan silang dalawa ay hindi ko naman kayang pumili kung kanino ako sasakay.Ayaw ko naman magkasamaan sila ng loob. Hayyyyyyyyyyyy ang haba ng buhok mo Edward! !hahahhaha

“Samahan na kita Edward, Magcocommute na rin ako”, Mabilis na sabi ni Jacob

“Ako rin Edward! Naisip kong mag commute na lang din. Maiba naman hehe” pahabol naman ni Stefano

“Huh? Eh Paano mga sasakyan nyo?” Nagtataka kong tanong sa kanila

“Mamayang hapon na lang namin babalikan kapag hinatid ka namin sa bahay mo” tugon nilang dalawa

“Huh? Nababaliw na ata tong Dalawang to” sa isip isip ko na lamang.

“Kayo ang bahala. Tara na at baka malate na tayo” sabay sakbit ng backpack ko sa aking likod

“Edward mabigat ba yang Bag mo?” Dalhin ko na? Alok ni Stefano sa akin

“Yang Filecase mo, ako na magbibitbit Edward,” sabi naman ni Jacob

“Guys! Hindi ko alam kung ano ang nakain nyo parehas at ang weird nyo ngayon. Kayang kaya ko dalhin ang gamit ko. OK? Wala naman akong kapansanan eh” paliwanag  ko sa kanilang dalawa. At tinuloy na namin ang paglalakad papuntang terminal ng jeep.

At ilang saglit pa ay sumakay na nga kami papunta ng school. Dahil Napakatangkad  nila parehas, ay halos nakayuko na sila habang nakaupo sa loob at ako naman ay pinagigitnaan nila Natatawa na lang ako dahil halatang hindi sila sanay sumakay sa pampasaherong sasakyan.    Ramdam kong pinagtitinginan at pinagbubulungan na kami ng mga tao sa loob. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa dalawang gwapong lalaki na kasama ko. Halos magmukha nga akong alalay kapag katabi ko sila.

“Grabe ang gwapo naman nila” dinig kong bulong ng isang babae

“Gaganahan akong pumasok ng maaga kapag sila ang makakasabay ko sa pagpasok” wika naman nung katapat namin sa upuan

“Kuya pwede pong magpapicture, ang gwapo nyo kasi” tanong nung isang babae na katabi ni Jacob at nagulat kami sa sinabi nito

“Sorry Miss I can't”, pagtanggi naman ni Jacob

“Ikaw Kuya, pwede ba sayo?” Baling naman nito kay Stefano

Tumingin sa akin si Stefano at tila humihingi ng permiso sa akin . Umiling na lang ako sa kanya bilang sagot.

“Sorry Miss, Ayaw ng kaibigan ko eh baka magalit sa akin” sagot nito sa babae at nanlaki ang mata ko sa sinsabi nya(enekebe Stef! 2-0 na mga bes!hahaha)

At nakita kong nadismaya ang babae sa  pagtanggi ng dalawa kong kasama. At bigla kong narealized kong gaano ako ka swerte na kaibigan ko si Stef at Jacob. Na Ginusto akong kaibiganin ng Dalawang mokong na to. Naisip ko na  maraming tao ang gustong mapalapit sa kanila pero heto sila nagtatyagang mag commute makasabay lang ako

Hayyyyyy ang swerte swerte mo Edward!

“Naku wala pa pala tayong bayad. Wait lang kukuha lang ako” sabi ko sa kanila

“Ako na Edward. Sabay nilang tugon sa akin at halos lumuwa ang mata ko sa inabot nilang pambayad.Parehas silang kumuha ng  BUONG ISANG LIBONG PISO.

“Anu yan? Are you kidding me?” gulat kong sabi sa dalawa at kita kong pinagtatawanan na kami ng ibang pasahero

“Bayad natin? Bakit kulang pa ba?” sarkastikong sagot ni Stef.

“Yung totoo, First time nyo ba mag commute?” Tanong ko sa kanilang dalawa at sabay silang tumango na parang nahihiya

“Hahaha Gusto mo bang isumpa tayo ng driver? Don't you remember their slogan? BARYA LANG PO SA UMAGA?” paliwanag ko kay Stef at Jacob

“Ako na bahala, Php 7 lang ang pamasahe ng bawat isa” pahabol ko pa at binigay ko na nga ang aming bayad.

Habang nasa byahe kami ay panay lang ang tingin ng dalawa kong kasama sa akin. Naiilang na ako ng sobra. Kung nakakatunaw lang yun, malamang kanina pa akong naglaho sa mundo. 

Ilang saglit pa habang nasa kalagitnaan ng byahe ay biglang nagpatugtog ng kanta si Manong driver ng jeep. Napangiti na lang ako habang nakikinig at tiningan ko ang dalawa kong kasama…Swak na swak ang awitin sa sitwasyon ko ngayon. Hayyyyyyyyyyy

Sumakay ako sa jeepney
Ikaw ang nakatabi
Di makapaniwala

Parang may hiwagang nadama
Nang tumama sa'yo
Ang aking mga mata

At nagsiksikan na
Dahil tumigil ang jeepney
Sa tapat ng eskuwela

Biglang nagkadikit
Puso ko'y biglang sumikip
At natulala

Sabi nila'y walang hiwaga
Kung wala'y
Ano itong nadarama

Ayoko nang pumara kahit san mapunta
Ayoko nang pumara kung ikaw ang kasama
Ayoko nang pumara
Ayoko nang pumara
Ayoko na ahhh

Biglang umakbay sa balikat ko si Stefano at binaling ko ang tingin sa kanya. Binigyan ko syang mukhang nagtataka.

“Nangangalay na kasi ang kamay ko. Pwede ba?” paliwanag ni Stefano sa akin sabay idinipa ang kaliwang braso

Biglang may pumatong na naman sa kabilang balikat ko at paglingon ko ay si Jacob naman . At tiningan ko rin sya na tila naguguluhan

“Ako rin nangangalay na ang kamay at braso ko, papatong rin ha,” pagdadahilan naman nito

At wala na akong nagawa sa siwtasyong iyon. Magreklamo at tumanggi man ako ay mas makakaagaw yun ng pansin sa iba kaya hinayaan ko na lang sila. Pero hindi nakaligtas sa paningin ng ibang pasahero ang ginawa ng mga ito.

“Ayyyyyy swerte naman ni Kuya! Kainggit ka!” Bulong ng isang babae

“How to be you po?” Marahan na sabi nung katapat ko

“Kuya yung buhok mo natatapakan ko na!  sobrang haba kasi,” natatawang sabi pa nang isa.

“Ikaw na Bes! Anong sikreto?” Sigaw nung beki ata sa may dulo at nagulat kami dahil may kalakasan yun. Hindi ko na lang pinansin dahil nahihiya na rin ako. Gustong gusto ko nang tumalon palabas ng sasakyan that time . Tinuon ko na lang ang atensyon sa magandang awitin na tumutugtog

Ayoko nang pumara kahit san pa lumiko
Ayoko nang pumara sana di na huminto
Ayoko nang pumara
Ayoko nang pumara
Ayoko na
Kung ikaw ang kasama

Manong driver
Wag mo nang ibalik ang sukli ko
Manong driver
Di mo ba alam walang babaan to
Drive lang po ng drive
Wag niyong hihinto
Kahit sa'n mapadpad
Kahit lumipad man tayo
Minsan lang madama
Ang ganito

Pero bigla mong
Hinila 'yung tali
Sabi mo
"Manong bababa ako sandali

Bago pa matapos ang kanta ay nakarating na kami sa aming destinasyon. Iyun na ata ang pinaka-memorable na jeepney ride sa buong buhay ko. Magkahalong kilig, hiya at saya. Umpisa pa lang ng umaga ay buong buo na ang araw ko. Salamat sa dalawang gwapong lalaki na kasama ko
Itutuloy…

Maraming maraming salamat po sa lahat ng patuloy na nagbabasa ng kwento ko. Hindi nyo lang alam na sobrang sarap sa pakiramdam lahat ng comments at feedbacks na binibigay nyo sa akin . Yun po talaga ang motivation ko para ganahang magsulat pa. Naiintindihan ko na ang pakiramdam ng ibang Author dito sa KM. Maraming maraming salamat po talaga.

        Pasensya na po kung matagal kong naipasa ang chapter na ito. Ang hirap lang po talaga ng sitwasyon ko. Sobrang busy ko lang po sa trabaho. Wala po akong restday or day off, sa gabi lang po bago matulog ang pagkakataon ko para makapagsulat at minsan ay nakakatulugan ko na po sa sobrang pagod. Muli Humihingi po ako ng paumanhin. Sanay patuloy nyo  pa rin pong Subaybayan ang kwentong ito. Dont forget to leave some comments/Feedbacks. Godbless us all!

No comments:

Post a Comment