m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Sunday, July 23, 2017

Meet My Middle Finger (Part 1)

By:Raleigh

A/N: Hi guys! This is a new story  :)  (duh, obviously). Sa mga hindi po nakakakilala sakin, ako po si Raleigh D., 24y/o, destined to be eternally single (LMFAO). Ako po ang author ng Not All Love Stories Have Endings, so kapag may time po kayo, paki basa po nun. Hehe.  I'm still constructing the next part of NALSHE. Madaming revisions ang ginagawa ko. IDK, just... wala nang gana eh. I'm trying to make it better pa. So for the mean time, eto muna. Enjoy :)

Ako si Hunter Pineda, 18y/o, heartthrob ng university. May karapatan akong magyabang kasi gwapo ako, mayaman, matalino, simpatiko.

Sya si Gustavo Jalandoni, 17y/o. Creep, weird, freak, pangit.. nung nagsabog ang Diyos ng biyaya, sya lang ata ang tulog. Sya yung tipo na kapag tiningnan mo, masusuka ka na, mamalasin ka pa.

Langit at lupa ang pagitan namin. Pero pilit kaming pinaglapit ng tadhana. Hindi ko aakalain na dahil sa apat na katagang iyon, magbabago ang kapalaran naming dalawa.

But me? Fall in love with him? AS IF.

******

"Heyya everyone, I'm Hunter Mav Pineda, 18. Single, ready to mingle. My cell no. is 09xxxxxxxxx, exclusive only for beautiful ladies. Nice to meet y'all."

Naghiyawan at nagpalakpakan ang mga babae matapos kong magpakilala. 1st day of college life, andami ko na agad fans. Syempre, sino ba ang hindi maiinlove sa gwapo kong 'to?

Maraming nagsasabi na kahawig ko daw si Taylor Lautner/Channing Tatum, mas lamang nga lang ako ng sampung paligo. Proud ako sa katawan ko at hindi ko itinatanggi na ilang sikat na brand na ang nag-alok sa akin para mag model.
Especially underwear.

6ft ang aking height at isa akong champion swimmer. Pero sa kasamaang palad, tumanggi si mommy na sumali ako sa Junior Olympics.

To tell you frankly, my mom's a dictator. Lahat ng katagang lumalabas sa bibig nya ay batas. No wonder naghiwalay sila ni dad. Pero dahil sya ang nagpapaaral sa akin, lahat ng gusto nya ay sinusunod ko.

Just like my course. Gusto ni mommy na sumunod ako sa kanya sa Texas at magtrabaho doon. Kaya sa ayaw at sa gusto ko, nursing ang kinuha kong kurso.

I don't like it. In fact, I hate it. Sino ba naman ang gustong maging alalay ng duktor? Maghugas ng pwet ng mga matatanda? Maglinis ng suka ng mga bata? Isn't it tantamount to being katulong? Ugh.

But no choice. Kung ayaw kong ma-cutoff ang allowance at credit cards ko, kailangan kong sumunod sa kanya sa ayaw at sa gusto ko.

Dad and I were never close. The last time I saw him was 8yrs ago; I was 10yrs old then. Simula noon, wala na kaming communication. My mom was too busy working sa US para asikasuhin ako.

"Well, next person please."

Natigil ang pag-iisip ko nang makita ang isang lalaki na pumunta sa harap. Kung mayroon mang kataga para madescribe sya, yun ay: YUCK.

He's creepy, weird, freak. No space for new pimples sa mukha nya. Sino bang nagpapasok sa kanya sa university? Eh mas marumi pa mukha nya kesa dun sa taong grasa na nakatambay sa labas ng 7eleven eh.

"Ahemm.. a good morning to you too. I-I'm Gustavo Jalandoni. I'm so nice to meeting."

"BWAHAHAHA!!"

Napatawa ako ng malakas. What the?? Hindi pa marunong mag-English. Anong klaseng entrance exam ang binigay nila para makapasok "ito" dito?

"Mr. Pineda, no laughing at class." sabi ni Sir Valentin, isa sa mga clinical instructors namin.

"Sor...sorry sir. But c'mon, he's in college na. Hindi pa maayos ang grammar. Diba?"

Sumang-ayon ang halos lahat sa classmates ko. Totoo naman talaga eh. Pati nga ibang C.I. natawa dahil wrong "gramming" si Gustarbo.

Even his name is unremarkable. Everything about him is unremarkable. He's a sight for sore eyes. Nagko-contribute lang sya sa air pollution.

"Okay, quiet down class. We will start the lecture na." sabi ni Sir Valentin.

"This class is about Fundamentals of Nursing. At syempre we will start with the Nursing Theorists. Mr. Jalandoni, please stand up."

"Y..yes sir?"

"Who is the first nursing theorist? And what is the theory established?" tanong ni Sir Valentin.

Of course, walang nakakaalam nito dahil 1st lecture pa lamang. Wala pa kaming libro. For sure hindi ito alam ni panget.

"Tol, abangan nyo. For sure walang alam yan. Tapos mali pa grammar. Hahaha." mahinang tawa ng nakaupo sa likod ko.

Maging ibang kaklase namin ay nagbubulungan dahil alam ng lahat na hindi ito makakasagot.

"Um, the number 1 theorist are Florence Nightingale. He, err, her...amm, she made the Environment Theory." sagot nya.

"Environmental Theory." automatic correction ni sir. "But nonetheless, correct. Very good Mr. Jalandoni, you may sit down."

Oh, 'kay. Alam nya. Big deal.

"And does anyone here know what the Environmental Theory tells us?"

Syempre time to make pabida. Hindi ko naman sinabing hindi ko alam ang nursing theories. Kahit ipa-enumerate lahat sa akin there and then, confident akong tama ang sagot ko.

"Ah, Mr. Pineda. I think you know the answer." sabi ni Sir Valentin nang makita nyang nakataas ang kamay ko.

"As the name of the theory itself implies, the nurse must use, or manipulate, the environment to aid in the recovery of the patient as it can affect his or her health positively or negatively."

Pagkaupo ko ay nagpalakpakan na naman ang mga babae sa aking likuran. Can't help it if I'm popular.

Nagpatuloy kami sa lecture at halos lahat ng questions ay ako ang sumasagot. After that, maraming nagtext sa akin at marami ding nakipagkaibigan sa akin.

.....

Ilang linggo na rin kaming nag-aaral at nakapag-adjust na ako sa student life. Hanggang saturdays ang klase namin dahil nga may NSTP pa kami.

Nag sign-up din ako for swimming para sa nalalapit na intrams. Alam kong small fries lang ang kalaban ko kaya di ako nag bother na mag practice. Anyway may pool naman sa rooftop ng condo.

Nang dumating ang prelims ay naging abala ako sa pag-aaral. I hate studying, pero kailangan makarating ng 90 ang WPA ko sa finals.

Kung hindi ay babawasan daw ni mommy ang padalang pera sa akin, bagay na hindi dapat mangyari dahil kailangan ko ang pera pang maintainance ng kotse at ng condo.

Dahil sa pagka-busy ko, nag-away na naman kami ng girlfriend kong si Charmaine. Same college kami, magkaiba lang ng department dahil HRM ang kurso nya.

Dahil sa pagkairita ko, pinatay ko na lang ang cellphone at nagstudy.

Lemme tell you about Charm. Maganda sya, palaban, maputi. Syempre sa ubod ng sexy nya, maging ako ay tinitigasan kapag nakikita ko sya. Kaso, on and off ang relationship namin since high school.

Mahirap ang exam. Pinaka-hate ko pa naman ang numbers, tapos eto puro petsa ang tinatanong. Pa-importante din itong Psychology class namin.

Pati Gen. Chemistry at Anatomy ay mayroong practical exams sa laboratory. Binigyan kami ng isang minuto lang para sagutan ang question tas iikot kami patungong next station pagtunog ng bell.

Natapos din ang kalbaryo ko. After exams, nagpasya akong makipagbati kay Charm. Pareha kaming may kasalanan. Anyway hindi naman tumatagal ang breakup namin ng ilang araw.

Nagpasya kaming magkita sa mall at doon na rin magdinner. Matagal-tagal na kaming hindi nagde-date. And matagal na ring walang... y'know? Hahaha.

Bago pumunta sa mall ay naisipan kong dumaan sa flowershop para bumili ng roses na paborito ni Charm. Pinarada ko ang kotse sa harap mismo ng flowershop na iyon pagkatapos ay pumasok sa loob.

"Miss, magkano ang isang boquet ng pink roses?" tanong ko.

"800 pesos po sir." sagot ng tindera. "Meron po kaming special flower arrangements dito. Pakitingin po kung gusto ninyo."

Binigay nya sa akin ang portfolio ng mga flower arrangements. Maganda ang pagkaka-arrange ng boquet. Pati blending at harmony ng mga bulaklak napaka stylish din.

Napansin ko kaagad ang boquet ng red roses na mayroong pink gerberas at tiger lily. Siguradong magugustuhan ito ni Charm. Napaka-romantic ng atrangement noon.

"Miss, how much is this?" tanong ko habang tinuturo ang picture ng boquet sa portfolio.

"1,850 po sir."

Medyo nagulat ako dahil mura ang presyo ng boquet. I mean, kung sa ibang sikat na flowershop ako nagpagawa nun, tyak pinakamurang price ang 2,500.

Habang inaayos ang boquet doon sa kanilang workroom ay hindi ako nakapagtiis na hindi usisain ang tindera. Alam ko namang makakakuha ako ng sagot dahil may gusto ang tindera sa akin. Panay sulyap eh.

"Miss, ba't mas mura ang tinda nyo ng bulaklak? I mean, I think kayo ang pinakamura dito sa area eh."

"Ah, ano kasi ser. May sariling garden po yung may-ari ng shop. Dun kinukuha ang mga binibentang bulaklak dito."

"Ganun ba? Hindi ba dapat mas mahal nga kasi kayo pa ang nagme-maintain ng bulaklak?" pagtataka ko.

"Ewan ko rin po ser.. ay, narito na po yung pinagawa nyo ser. Salamat ho."

My. God. Ang ganda ng pagkakagawa. Katulad na katulad nung nandoon sa portfolio. Parang maingat na inilagay isa-isa ang mga bulaklak. Hindi ko madescribe ang pakiramdam ko.

Nakonsensya akong magbayad ng 1,850 lang para sa boquet. Binigyan ko ng 2,200 at umalis na ako kaagad para hindi nya maibalik ang sukli. Dapat nga 3k ang halaga ng boquet na ito.

-------

"Ate Tess, bakit po 2,200 ang nakalagay dito sa resibo? Eh 1,850 lang naman ang presyo nung boquet ah?"

Nagulat ako ng makita ang nakalista sa resibo. Baka naningil sya ng sobra? Ano ba naman yan si Ate Tess, baka maakusahan kaming manloloko nito.

Malapit nang 8pm kaya magsasara na ako ng shop. Nililista ko lang ang benta ng shop ngayong araw. Ito na lang kasi ang natitirang source ng income namin.

"Naku Gus, hindi ah. Yung gwapong lalaki ang nagbigay sa akin nyan. Sya ang nagba—"

"Ate Tess, bakit hindi mo hinabol? Mamaya bumalik yun dito tas paghinalaan pa tayong mandurugas." reklamo ko.

"Gustavo naman, hinabol ko nga kaso pinaharurot ang sasakyan. Naku... ang ganda nun! Mamahalin ang kotse nya. Saka alam mo, puro branded ang mga damit. Napakakinis din ng mukha. Saka ang kata—"

"Sya, sige na Ate Tess. Alam mo namang insecure ako sa ganyang usapan eh. Mauna ka nang umuwi at gabi na." nagtakip na ako ng tenga.

"Eh, pasensya na Gus. Ang gwapo talaga kasi. Pang model ang datingan. Saka palagay ko nga may abs yun." kilig na kilig si Ate Tess.

"Ate Tess, baka kasihan kayo ng DSWD nyan? Corrupting minors ba."

"Ay grabe sya! Bawal ba humanga sa isang tao? Inggit kalang kasi ang gwapo-gwapo nung costumer kanina. Tas mayaman pa, tas may karapatang magbigay ng boquet sa babae, tas—"

"Oo na, ako na ho yung pangit at maitim at walang pag-asa sa babae." sabi ko.

"Uy hindi ko sinabi yan ha. Bili ka kasing safeguard para maalis yang mga tigyawat mo. Tingnan mo ang lalaki pa talaga." sabi ni Ate.

"Ate nang-aasar ka na naman eh. Kaya nga ako na mismo ang nagsabi na pangit ako kasi totoo naman." napakamot ako sa tenga.

"Naku, nagtatampo si Kamahalan! Aba sya, uwi na ako ha. Ilock mong mabuti ang pintuan."

"Ingat sa pag-uwi ate."

Ganito kami magbiruan sa shop. Pamangkin ni mama si Ate Tess at kasama ko na sya noon pa kaya ok lang sa akin na ganun nya ako tratuhin.

Nang matapos ko na lahat ng gawain at makapagligpit ng mga kalat ay pinatay ko na ang ilaw saka nilock ang pinto. Ilang kanto lang naman ang layo ng shop sa bahay namin kaya nilalakad ko na lang.

Ako nga pala si Gustavo Jalandoni, 17yrs old. Pangit, maitim, marumi ang mukha. Tanggap ko na rin naman na hindi na ako tatangkad pa sa height kong 5'6".

Tampulan na ako ng tukso mula pagkabata. Palibhasa daw naengkanto si mama kaya nagkaganito ang itsura ko. Hindi naman kasalanan ni mama eh. Mahilig lang ako sa junk foods kaya nagkaganito mukha ko.

Matagal na ring patay si papa. Sakit sa bato yata. Ako ang nag-alaga sa kanya noon sa ospital at alam kong mahirap iyon. Kaya yun din ang dahilan kung bakit nais kong maging nurse — para makatulong sa kapwa.

Buti na lang at naipasa ko ang full scholarship sa university. Marunong naman akong mag-English kaso kapag nasa maraming tao, kinalabahan ako kaya mali-mali ang grammar ko.

Lahat ng panlalait narinig ko na. Nasanay na rin naman ako, kaso minsan di parin maiwasan na masaktan, lalu na kapag sinasabihan ako na kadiri. Na minamalas daw sila kapag nakikita ako.

Pero may isang sekreto ko na walang dapat makaalam. Nakakahiya kasi lalaki ako eh. Unusual ito sa isang lalaki pero...

Mahilig ako sa bulaklak.

Ako yung sinasabi nilang may "greenfingers". Malawak ang garden namin, at ako ang nagtatanim doon ng iba't-ibang bulaklak at gulay. Si mama ang taga maintain.

"Kung gaano ka kapangit, ganun naman kaganda ang mga boquet na ginagawa mo." sabi pa ni Ate Tes.

"Ganyan kapag mahal mo ang halaman. Kahit walang-kwentang damo lang yan, magagawa mong maganda. Talent yan, anak." sabi ni mama.

Kaso alam kong matatakot ang mga costumers kaya dun lang ako sa workroom, naghihintay ng may magpapagawa ng boquet. Baka sabihin pa nila na malalanta ang bulaklak kapag ako ang humawak.

Marami ang nagagandahan sa mga ginagawa kong arrangements. Noong una, doon sila sa bahay nagpupunta para magpaayos. Hanggang naisipan namin na pagkakitaan ang hilig ko.

Kaya ayun, dahil sa pagsisipag at tulong mula sa mga kamag-anak, naipatayo namin ang flowershop malapit sa bahay. Since lumang tindahan nila Tito iyon, binigay na lang nila sa amin ang pwesto.

Konting renovate saka konting design lang, nabuksan namin ang shop. At dahil malapit lang ang bahay namin, hindi madaling malanta ang bulaklak dahil mabilis ang travel.

Lumalago naman ang business at marami na rin ang nagpapaorder tuwing may kasal. Yung pang patay lang ata ang asiwa akong gawin. Naaalala ko kasi si papa.

"Sino kaya ang nagbigay ng tip? Malaking tulong na iyon sa pag-aaral ko. Naway pagpalain sya ng Diyos. Hehe." masaya kong sabi hanggang nakauwi ako.

------

Pagkapasok ko ng restaurant ay narinig ko ang "aaawww!" ng ibang costumers. Di ko lang alam kung dahil sa kagwapuhan ko, o dahil sa ganda ng boquet.

Hinanap ko si Charm at nakita ko sya doon sa corner. Nakangiti ako habang papalapit sa kanya. Hinalikan ko sya sa pisngi bago iniabot ang boquet sa kanya.

"Hunter, you're late na nga tapos ang crappy pa nitong dinala mong boquet." salubong ni Charm nang umupo na ako.

"What? Charm, look. Ang ganda ng pagkakagawa ng boquet na 'to." depensa ko dahil tinamaan ang ego ko.

Wala akong taste? Di ako marunong mag appreciate ng magagandang bagay? Ganun ba pinapahiwatig nya?

"Ganda? Saan ang maganda? Diba ayaw ko sa tiger lilies? And I want PINK roses, not red. Color blind ka ba, Hunter?"

"Charm, not here." saway ko dahil lumalakas na ang boses nya.

"Masakit pa ang ulo ko dahil sa exams at pagod ako sa pagmamaneho dahil traffic. Tapos eto away aabutin ko?" tanong ko.

"Yan ang problema natin Hunter eh. Puro ka aral, ako hindi mo na pinapansin. Tas ilang araw lang tayong di nag-usap, nakalimutan mo nang pink roses ang paborito ko?" inis nyang sagot.

"Charm...bae, alam mo namang kailangan kong sundin si mommy diba? And di ko nakalimutan ang pink roses. It's just that, maganda ang pagkakagawa nila ng boquet kaya eto ang pinili ko."

"Hunter, maganda man ang boquet, wala akong pakialam. Ang gusto ko, pink roses. PINK, hindi red. Mahirap ba yon?"

"Kay.. I'm sorry. I'm sorry. Ayan, happy ka na? Amin na nga, isosoli ko nalang dun sa shop. Tsk!" inis ko ding sagot.

"Bae, wag na." pigil ni Charm nang tatayo na ako.

"Ano ba talaga? Kanina hindi gusto. Ngayong isosoli ko, wag na? Ano ba talaga?"

"Ok na nga. Ayoko na ng away, ok? I just miss you." malambing nyang sabi.

"Bae, I missed you din. Pero tigilan na nating ang away. Let's just enjoy our date, ok? It' been a while mula nang magdate tayo." pang-aamo ko sa kanya.

Matigas ang ulo ni Charm pero konting ngiti ko lang, alam kong mawawala ang inis nya. Hinalikan ko ang kamay nya kaya kilig na kilig naman sya.

Nag-enjoy kami sa dinner, at marami syang kinwento. Of course, enjoy rin namin ang "dessert" na matagal na naming hindi "natikman".

Kinabukasan ay maaga akong nagpunta ng eskwelahan. Kasabay ko si Charm kasi dun sya natulog sa condo. Syempre magdamagan kami eh. Hahaha. Hinatid ko rin sya sa building nila kaya naman todo inggit ang mga kaklase nya.

Dahil sabado ngayong araw, NSTP namin. Nagkaroon ng konting discussion about environment blah blah blah.. tapos after that ay may cleaning program kaming ginawa sa isang barangay.

Mainit sa labas kaya naman pawisan ako. Habang pinapahid ang pawis gamit ang ibabang parte ng t-shirt ko, nakita kong halos maglaway ang mga babae.

Kitang-kita rin ang inggit ng mga lalaki. At bakot di sila maiinggit? May six packs ako habang sila puro baby fats. Hahaha.

Pagbalik namin sa school ay nagpasya akong iuwi ulit si Charm sa condo. Kulang yung workout namin kagabi eh. Palabas na ako ng classroom nang mapansin kong may pinagkakaguluhan sa pinto.

Pagtingin ko ay si Charm ang pinagpipyestahan ng mga walanghiya. Hapit sa katawan ni Charm ang NSTP uniform at nagmukha syang model. Malaki ang boobs at butt nya kaya nakakaagaw pansin.

Mukhang bored so Charm habang pinaglalawayan sya ng mga lalaki. Alam kong gustong-gusto nyang nasa kanya ang atensyon kaya hindi ako nagalit.

Alam ko namang hanggang tingin lang sila.

"Bae!" sigaw ni Charm nang makita nya ako.

"Hey.. anong ginagawa mo rito?" taka kong tanong.

"Well, duh? Sabay na tayong umuwi. Nasa Manila si mom and dad eh. Wala akong kasama sa bahay." mapang-akit nyang sabi.

"Hmmm, daan muna tayo sa condo." bulong ko.

"No need. May kasya naman sigurong damit si dad sa'yo. And besides... I can't wait."

"Hmmm.. naughty girl. Ok, sige uwi na tayo." yaya ko.

"Bae wait. Since kanina pa naglalaway ang mga asong ito, how about I give them a show?" pilya nyang sabi.

"What?!" inis kong sabi.

Sa halip na sumagot ay bigla na lang akong sinunggaban ng halik ni Charm. Mapusok, mainit. Nanlaban na rin ako.

Pinasok ni Charm ang dila nya sa bibig ko kaya naman nagespadahan ang dila namin. Nilagay nya ang mga kamay ko sa dibdib nya at nag udyok na lamasin iyon.

Inangat ni Charm ang isa nyang binti saka pilit na ikiniskis ang kanyang pagkababae sa harapan ko. Doon na ako natauhan at pinahinto sya.

"Charm.."

"Nagustuhan mo ba, Bae? Mukhang hindi lang ikaw yung nag init eh." natatawa nyang turan.

Pagtingin ko sa paligid ay nakanganga ang mga lalaki. Kitang-kita ang matinding inggit, selos, at libog sa kanilang mga mukha.

Okay na sana eh. Ok na talaga. Ngunit isang lalaki ang nakaagaw ng pansin ko. Nakatayo sya sa bandang hagdan, nanlalaki ang mga mata, nakaawang ang bibig.

Biglang kumulo ang dugo ko. Naramdaman kong tumaas ang blood pressure ko. Bwiset, yung pangit. Namumukol ang harapan. Niyukom ko ang aking kamay.

"Bae, mauna ka na sa sasakyan. Eto ang susi." binigay ko kay Charm ang susi pati na bag ko.

"Huh, san ka pupunta?" takang tanong nya.

"I have to take care of something. C.R. lang ako." palusot ko.

Hinatid ko si Charm sa may elevator. Pagtingin ko malapit sa hagdan, wala na doon si Jalandoni. Ngunit alam ko kung saan sya mahuhuli.

------

Nagmamadali akong umuwi kasi half day lang si Ate Jera, yung alternate flower arranger namin, at ako ang papalut sa kanya.

Ngunit hindi ako makadaan sa pinto kasi nagkumpulan ang mga lalaki kong kaklase doon. Magiging malayo man ang route ko, wala akong choice kundi doon sa kabilang pinto dumaan.

"Shit, ang ganda pre. Nakaka-el!"
"Tangna pre, totoo nga! Ang laki ng boobs. Ang ganda pa ng pwet."
"Sarap siguro nyan."

Iyon ang narinig kong bulungan ng mga kaklase ko. Wala na ba silang maisip na ibang pag-usapan? Tsk. Aalis na sana ako pero mas lumakas ang bulong-bulungan ng mga kaklase ko.

Maraming nagsasabi na curiosity ang isang dahilan ng downfall ng mga tao. At ngayong araw, napatunayan ko nga 'to. Curiosity killed the cat.

Dahan-dahan akong lumapit saka tiningnan kung ano ang pinagkakaguluhan nila. At muntik na akong masamid.

Naghahalikan ang isang magandang babae at yung kaklase ko na pinagtawanan ako sa 1st day ng klase. Yung kaapilyedo ng Black Eyed Peas? Piña? Piñeza?

Pineda!

Nakapikit silang pareho. Nilabas nung lalaki ang dila nya saka sinipsip ng babae yun. Naramdaman ko na para akong nilalagnat.

Hindi nila alintana na marami ang nanonood. Parang gusto pa nga nila na may audience. Ilang beses akong napalunok. Erotic masyado ang scene.

Matagal na silang naghahalikan nang biglang iniangat ng babae ang kanyang hita at ikiniskis dun sa harapan ng lalaki. Ngunit pinahinto agad sya ng lalaki.

Lalo akong nag-init. Naramdaman ko na lang na sumisikip ang pants ko. Oh my gosh! Nalibugan ako sa nakikita. Tumitigas si junjun!

Hala... hala! Papano ito? Kailangan kong umalis. Baka may makakita sa "problema" ko. Hindi pwedeng dumaan sa elevator dahil dadaan ako sa harap ng maraming tao. Kaagad akong bumaba sa hagdan kahit pa mapapagod ako.

------

Kitang-kita ko ang likuran nya. Mabilis syang maglakad, pero mas mabilis ako. At bakit sa back gate sya dadaan? Hmmm.. tamang-tama, dun ko sya iko-korner sa wire fence.

Lumiko ako at naghanap ng shortcut. Saktong paliko na sya nang hablutin ko ang kamay nya at kaladkarin patungo sa tagong parte ng building.

"You fucking pervert!"

"A..aray! Sandali lang!" mahina nyang angal.

Sa sobrang inis ko ay nilabas ko ang posas saka pinosasan ang kaliwang kamay nya. Ang isa ay doon ko pinosas sa wire fence. Kaya parang nakabitin ang isang kamay nya.

"A-anong kaila-langan m-mo? P-pakawalan mo ako!"

Yuck. Nahawakan ko ang kamay nya. Naghugas ako agad dun sa may faucet, nagbibingi-bingihan sa mga reklamo nya.

"S-sandali l-lang! Ano b-ba!" pagpupumiglas nya.

"Creepy Jalandoni. Kilala mo kung sino ako diba?" tanong ko.

"P-p-piñeda?"

"Pineda! Get it damn straight you fucking creep! It's Hunter Mav Pineda you asshole." sigaw ko sa kanya.

"U-uhmm.. Pi—, Hunter.."

"That's BOSS Hunter for you."

Nanginginig ang bibig ni panget sa kaba. Now that I see it, kadiri talaga ang mga pimples nya sa mukha. Malalaki. Patong-patong pa. Para akong nasusuka.

"B-b-boss... ano b-bang kasalanan k-ko? B-bakit ako nakap-p-posas?" nanginginig nyang tanong.

"Aba't nagmamaang-maangan ang tanga. Alam mo di ka lang creep, pervert ka pa eh."

"H-haa?! H-hindi ako b-bastos. Wala akong b-binabastos!" giit nya.

"Ang sinasabi ko, napakamanyak mo rin."

"H-ha? Hindi ko m-maintindihan..." aba't gago to ah?

"Nakita mo kami ng girlfriend ko diba? Yung kissing scene namin? Ang manyak mong puta ka. Tinigasan ka, diba?"

Namula pati dulo ng tigyawat nitong si pangit.

"W-wala akong alam sa—"

"Nakuha mo pang mag maang-maangan? Eh ano 'to?"

-------

Nanghina ang tuhod ko nang biglang hawakan ni Hunter — that's BOSS Hunter for you — Pineda ang namumukol kong harapan.

Kahit mejo malambot na dahil kinabahan ako kanina, hindi parin maikakaila na naninigas ang ari ko. At ang malala sa lahat...

Mas tumigas pa ito nang pisilin ni Hun— ni Boss Hunter. Shucks.. matagal na rin akong walang masturbate dahil busy sa pag-aaral. Kaya siguro...

"What the fuck man? Bakla ka ba? Tinitigasan ka kapag kinakapa ng lalaki ang burat mo?" nandidiri nyang sabi.

"Bu..! Ang bastos ng bunganga mo! I'm not like that!" galit kong pahayag.

"Pa-english pa ha. Haha. You fucking pervert. Gusto mo bang ikalat ko ito sa buong university?"

Natakot ako sa banta nya. Oh my God. Kapag nalaman ng lahat, mapapa-office ako. At kapag napa office ako, mawawala ang scholarship ko.

At kapag nawala ang scholarship ko...

Hindi, hindi pwedeng mangyari yun! Ang malas ko talaga.

"B-b-boss... parang awa nyo n-na po. Inaamin ko naman na kasalanan ko eh. Please wag nyo po sabihin kahit kanino."

Nagmamakaawa na ako. Kahit lumuhod gagawin ko wag lang mawala ang scholarship ko. Matitigil ang pag-aaral ko nito.

Matagal syang tahimik. Hindi ako makatingin kay Boss dahil naiiyak na ako. At natatakot ako sa kanya.

Jusko.. ano ba ang nagawa ko para tratuhin ng ganito? Kasalanan ko ba dahil pangit ako? Dahil ganito ang mukha ko?

Hindi naman ako nagsinungaling kahit minsan kay mama. Wala rin akong kinukupit na pera kahit nung bata pa ako. Hindi naman ako nagtanim ng sama ng loob kahit pa nilalait ako.

------

Nanginginig sa takot si pervert. Sumisinghot din sya. Bakla nga siguro. Ang tunay na lalaki ay hindi umiiyak.

Sabihin na nating masama ang budhi ko, pero parang angsarap i-blackmail ng gagong ito. Kaso inisip ko kung ano ang mahihita ko sa lalaking nanginginig sa takot dito sa harapan ko.

May utak din naman kahit papaano. Madalas mag top ang scores nya sa quizzes. What if...? Yeah. Projects. Sya ang magiging taga-gawa ng project ko. Alright.

"Ok. Patatawarin kita." sabi ko.

Parang bumbilya na nagliwanag ang mukha ng bastos. Namimilog ang mga ata nya habang nakatingin sa akin. Ugh, kadiri. Tumutulo pa ang sipon nya.

"T..talaga B-boss! S-salamat kung ga—"

"Hep! Hindi pa ako tapos magsalita. Patatawarin kita... pero sa isang kondisyon." sabi ko.

"Gagawin ko Boss kung anuman yon! Please.. for the sake of my scholarship. Kahit ano pa yan Boss!" pagmamadali nya.

Aba, madaling kausapin ito. Wise decision. Pat in the back for ya, Hunter Mav.

"Okay..."

Parang aso sya na naghihintay ng utos mula sa akin. Yung asong puno ng galis na naghihintay pakainin. Yun ang itsura nya. Kadiri diba?

"Ganito. Patatawarin kita, but in turn, magiging alipin kita." simple kong pahayag.

"W-walang problema B-boss! Pero.. wag lang sana yung mahirap kasi m—"

"Alipin ka diba? Why are you laying out the conditions? Ako ang boss, batas ang pinag-uutos ko. Kaya shut the fuck up."

"S-sorry Boss."

"Good. At kapag hindi ka sumunod, malalaman ng lahat kung gaano kamanyak...Gustarbo?"

"Gustavo..."

"Maliwanag ba, Gus?"

Tumango sya. Alam nyang wala syang kawala sa bitag ko. Aahh, it feels good being superior to someone. Kaya siguro gustong-gusto ni mommy na maging sunud-sunuran ako.

Ngunit kung inaakala nya na pakakawalan ko kaagad sya, nagkakamali sya. May isa pa akong ipagagawa sa kanya.

"For my first order... show me how you masturbate." sabi ko.

Nakatingin sya sa akin na parang ako si Kamatayan. Ngising-ngisi naman ako.

"B-boss? Ano po?"

"Tanga ka ba? Sabi ko show me how you masturbate. Jakol." ulit ko.

"H-hindi naman ho yata tama yan Boss!"

"Anong karapatan mo para sabihan ako ng kung ano ang tama at mali? Bilisan mo na at inaantay ako ng pinagnanasaan mo. O gusto mong kumalat sa university ang kamanyakan mo?"

Biglang nagliyab ang mata ni Jalandoni. Nakaramdam ako ng konting takot. Pero higit sa takot, naramdaman ko ang matinding excitement.

Itinaas nya ang isang daliri.

"You know what? Meet my middle finger and fuck off!"
________

P.S.

I just wrote this on impulse. Time check - 1:49am. Hindi na ako nag proofread so sorry kung may inconsistencies at wrong spelling and grammar and all that shit.

Bangag lang po. Walang katol na pwedeng singhutin dito eh.

Sa mga nag-aabang ng NALSHE, next week na lang yun guys. Hehe.

=> dedicated to BFY
Pre, salamat ha. U know na what. Haha. Yung next part ng NALSHE uulitin ko. Sayang yung 11,150 words. Pero di bale, gawin ko na lang side story yung iba dun. Lam mo naman kondisyon ng utak ko ngayon. Bipolar tayo eh  XD

(Kato gi recommend nimo kay itry nkog basa if naay time. Since niingon man ka nga ganahan ka mubasa, nagsuwat nlang kog lain. Hopia enjuy haha)

No comments:

Post a Comment