m2m site and everything in between, kwentong kalibugan, malilibog, malibog, gay stories, gay filipino stories, tagalog gay stories, top gay philippines website, top pinoy gay site, pinoy libog stories, manila gay, bisexual, bromance, bakla pinoy, gay pinoy, hot pinoy men, hot filipino men, man to man, sexy pinoy men, pinoy gay porn, pinoylgbt, pinoy homosexual, becky nights, philippines first gay blog, pantasya, pinoy tagalog gay story, tagalog gay story, bakla story, bading story,biggest pinoy gay blog, hot pinoys planet, asian, pinoy kaplogan, bear men, pinoy male discreet, men's secret, dude pinoy,malilibog pinoy tambayan, hot pinoy men,pinoy callboy, gay manila, gay ofw hangout, ofw hangout, pinoy tambayang, pinoy gay indie film, bisexual pinoys, tambayang lonely boys,mencircle, pinoy all male online community,tambayang ofw, kaplogan, mencircle, pinoybrotherhood, star, barkada, pogay chatroom, that's my tomboy, pogay,pinoy gay porn, pinoy gay chat, kabalyeroboys tambayan, extreme boys hangout, darkroom central

Tuesday, July 18, 2017

Perfect Duo (Part 2)

By:Dreamcatcher

"Huh?! Sayo galing to?" gulat kung sagot, hawak-hawak yung love letters
"Yup" nakangiti nyang sabi

Mag a-anim na buwan na kaming magkahiwalay ni Mark. Sya ang kauna-unahan kung boyfriend, two years naging kami. Iniwan at pinagpalit nya ako. Ipinagpalit ako sa isang babae.

"Come on Mark~" natatawa kong sinabi "Kilalang-kilala kita, imposibleng ikaw may gawa nitong mga liham" mahinaon kung dugtong
"At pano mo naman nasabi? Eh akin nga yan.." seryoso nyang sagot
"Sige nga... magbigay ka ng mga salita na sinulat mo dito..kahit isa lang" hamon ko sa kanya pero di sya nakasagot "Alam mo Mark....kilala kita. Hindi mo hilig ang pagsusulat tsaka hindi ganto sulat kamay mo" di sya nakapagsalita
"Okay.. di akin yan, pero kanino ba nanggaling yan?! Yung pinalit mo sakin?!" medyo tumaas yung boses nya
"Unang-una ikaw ang may pinalit sa akin...." sabay tapik ko sa pisngi nya at bigla nyang hinawakan yung kamay ko at hinalikan
"Akin ka nalang ulit Vince~" hawak padin ang kamay ko

Tinanggal ko ang kamay ko at umatras palayo sa kanya.

"Vince... please... sorry na..ikaw padin gusto ko. Ikaw lang naman talaga" pagmamakaawa nya
"Pero ako yung iniwan mo...natatandaan mo pa ba?" pagpapa-alala ko sa kanya
"Eh ikaw kasi eh~~" sagot nya

May sasabihin pa sana sya pero naglakad ako nang mabilis palayo sa kanya. Wala nang masyadong tao sa school nun kaya walang nakarinig sa usapan namin. Ang problema nahirapan akong takasan sya kasi wala akong pwedeng magamit as distraction. Naabutan nya ako kasi kumaripas sya nang takbo papunta sa akin. Hinawakan nya nang mahigpit ang kamay ko. Sinubukan kung pumiglas pero nahirapan ako, mabuti nalang dumating yung guard.

"Oh boss...may problema ba?" tanong ni kuya sa aming dalawa pero sakin sya nakatingin
"Ah okay lang po" pagod na sagot ni Mark dahil sa pag takbo
"Kuya hindi po ako okay... patulong naman po" pagmamakaawa ko sa guard na ikinagulat ni Mark
"Sir..bitawan nyo po sya!" pagmamadali ni guard at lumapit sa direksyon namin

Medyo natakot si Mark kaya't binitiwan nya ang kamay ko at kumaripas nang takbo. Sinubukan syang habulin nung guard pero pinigilan ko. Nagpaliwanag nadin ako para di mag-alala ang guwardya.

Malapit na ang intramurals kaya't mas madami na kaming pinaghahandaan para sa departamento namin. Busy nadin kasi madaming props na dapat asikasuhin. Nagagabihan pa sa pag-uwi dahil sa meetings. Naging madalang ang pagkikita namin ni Kent dahil dito. Bumibisita naman sya pag may oras sya para kamustahin lang ako.

Isang araw bago mag intrams eh nagabihan na naman kami. Habang inaasikaso ko yung budget para sa events eh biglang lumapit yung isang co-officer ko at inabutan ako ng Dutchmill na kulay green. Paborito ko yun kaya't medyo natuwa ako...

"Oh...para san 'to?" tanong ko
"Ahh pinabibigay ni Kuya Kent" sagot nya
"Ahh ganun ba? Sige salamat ha....san na ba si Kent?" dugtong ko
"Nasa labas maghihintay daw sayo....eh kaninang hapon pa yun nandun sa labas" sabi nya
"huh?!!!" dali dali akong lumabas

Naabutan ko syang nakaupo sa isang bench sa ilalim ng puno, nanghuhuli ng lamok!

"Hoy! sabi ni Sher kanina ka pa andito?" tanong ko kay Kent
"Ahh oo..hinihintay kita" nahihiya nyang sagot
"Loko ka... anong oras na oh? mag a-alas nwebe na...tapos di mo man lang ako sinabihan para kanina pa kita napuntahan" seryoso kong sabi
"ahh..eh... ayaw kitang ma istorbo, pero hayaan mo dito lang ako..mukhang busy pa kasi kayo" nakangiti nyang sinabi
"Mokong... ano ba kasing dahilan mo kaya't naghihintay ka?" natatawa kong sinabi
"Ahh mamaya nalang...pagkatapos nyo" sagot nya
"Nako...eto naman... sige na, sabihin mo na" at umupo ako sa tabi nya "Hoy salita na" sabay tulak ko nang mahina sa balikat nya

Nakita kong medyo pinag-pawisan sya. Medyo natagalan syang magsalita pero tinuloy nya...

"Eh ano kasi... shit" sabay tabon nya sa mukha nya
"Ano? anong shit?" natatawa kong sinabi "Umayos ka nga" at tumawa na naman ako kasi parang gago tong isa
"May gusto kasi ako sa - " huminto sya at di nya tinuloy, tumingin sya sa direksyon ko
"Huh? May gusto ka? sino pre?" Tuwang-tuwa kong tanong...kasi tong kaibigan ko magkaka love-life na
"Ahhh Gusto kasi...." di nya talaga masabi
"Hoy!" sabay suntok ko nang mahina sa likod nya "Sige na..wag ka nang mahiya, susuportahan ko naman kahit sino pa yan" at nag-iba yung timpla nang mukha nya....

Di na sya muling nagsalita. Parang nalungkot na ewan. Hanggang sa tinawag nalang nila akong ulit para mag trabaho. Bago paman ako umalis eh tumayo na si Kent...at dumiretso nang lakad, di na nagpaalam.

Sumunod na araw eh intrams na kaya't doble ang pagiging busy. Di ko na nalaman kung sino yung gusto ni Kent. Madalas naman kaming magkita dahil mostly sa events e host o di naman kaya ay isang judge si Kent. Andami talagang nagtitilian kapag andyan sya. Sinubukan ko syang lapitan at kausapin pero mukhang iniiwasan ako...at nag bi-busy-busyhan.

Last day na nang intrams pero di padin kami nagkakapag-usap, nawalan nadin ako ng time kakahabol kaya't hinayaan ko nalang, makakapaghintay pa naman siguro yung sasabihin nya. Gabi na nun at pauwi na ako... nahihirapan ako kasi andami kong dapat dalhin papunta sa apartment at walang pwedeng maghatid sa akin kasi may kanyang-kanyang lakad ang iba kong officers. Palabas ako ng gate at nakita ko si Kent mag-isang nag-iintay ng jeep. Lumingon sya sa direksyon ko...ngumiti pa ako sa kanya. Nakita nyang nahihirapan ako pero di nya ako tinulungan. Kung di ko pa tinawag at pinalapit yung mokong e di talaga ako tutulungan...

"Hoy pareng Kent! patulong naman oh...kahit ngayon lang" sabi ko
"Ahh ehhhh...pauwi na kasi ako" nagdadalawang isip nyang sinabi
"Pre ngayon lang talaga...nabibigatan na kasi ako" pagsuyo ko
"Ah... okay sige na nga" at kinuha nya ang iba kong gamit
"Salamat...maasahan ka talaga" nakangiti kong sinabi

Katabi kami sa jeep pero di talaga sya nagsasalita. Parang nung galing kami sa retreat..etong-eto yung ginawa nya. Di ko masyadong inisip kasi baka may iba lang syang problema at baka bukas sasabihin nya din sa akin. Naglakad kami papasok sa village pero di parin sya nagsasalita. Umabot na kami sa gate nang apartment nang may biglang humatak sa balikat ko.

"Vince.... please" sabi nung lalakeng humatak sa kamay ko na si Mark pala...lasing na lasing sya

Dali-daling nabitawan ni Kent ang mga gamit na dala nya at inilayo ako kay Mark

"Vince...okay ka lang?" pag-aalala ni Kent "kilala mo yan?" sabay turo kay Mark
"Vince please... akin ka lang Vince... I'll be good to you~~" parang naiiyak na sinabi ni Mark..
"It's okay Kent..kilala ko sya" may nakita akong gulat sa mukha ni Kent at binitawan nya ang pagkakahawak nya sa akin
"Vince please.... please let me be your boyfriend again...Vince ikaw lang ang mahal ko" at naglalakad papalapit si Mark pero hinarang sya ni Kent
"Ano bang pinagsasabi netong gago na to?" galit na tanong ni Kent.. "boyfriend? sinong boyfriend?" dugtong nya
"Ako Kent...ako yung boyfriend na sinasabi nya - " di ko pa natatapos yung sinabi ko eh tumakbo na papalayo si Kent. Di ko na sya hinabol kasi natumba na si Mark dahil sa kalasingan.

Inalalayan ko si Mark papasok sa apartment at sinunod na kinuha yung mga gamit na dala ko. Inihiga ko si Mark sa kama ko. Minsan ko din namang dinadala sa apartment ko si Mark at hilig nyang tumambay dito dati. Hinubad ko ang sapatos, medyas, pantalon, at polo ni Mark. Tinira ko ang boxers at sando nya. Pinunasan ko din nang maligamgam na tubig si Mark. Habang pinupunasan ko ang katawan nya eh naalimpungatan ang loko at bigla akong niyakap.

"Alam mo ba...eto lang talaga yung gusto kong gawin dati pa...mayakap ka sa kama" maririnig mo parin yung kalasingan sa boses nya "gusto kung makayakap ka hanggang makatulog tayo" at nagsimula na syang umiyak "kahit mangalay ang braso ko basta ikaw yung katabi ko" nauutal nyang sinabi dahil sa pag-iyak.

Di muna ako kumawala sa yakap nya at hinayaan na muna syang umiyak. Nakatulog din sya matapos ang ilang minuto. Pinunasan ko ang mukha nya para matanggal ang luha nya. Nagsimulang tumulo ang luha ko. Ni minsan di ko nakitang uminom tong si Mark. Ni minsan di ko sya nakitang umiyak. Ni minsan di ko narinig ang mga salitang sinabi nya. Napahinto ako sa pagpunas sa kanya kasi di ko mapigilang umiyak. Napaupo nalang ako sa gilid ng kama at umiyak.

Maaga akong gumising para makapagluto para kay Mark, para pantanggal sa hangover nya. Buti nalang bakasyon dahil kakatapos palang ng intrams. Ginising ko sya bandang alas-otso nang umaga. Hawak-hawak nya ang ulo nya..

"Good morning" bati ko sa kanyang nakangiti
"good morning.... umm... PUTA!" sigaw nya "PUTA! ba't ako nandito? Anong ginagawa ko dito?! shit!" at dali dali syang tumayo pero natumba
"Ayan..." tinulungan ko sya sa pag-upo sa kama "Ba't ka kasi uminom kagabi?" pangaral ko sa kanya
"Nagkayayaan lang ang barkada" nahihiyang sagot ni Mark
"Eh dati di ka naman umiinom kahit kasama mo sila" sabi ko
"Dati yun...ayaw mo kasing nag-iinom ako..kaya di ako umiinom" mahina nyang sagot

Nagpanggap nalang ako na di ko narinig yung sinabi nya pero natuwa ako.

"Oh tara na... kain ka na..para mawala yang hangover mo" at tinulungan ko sya sa pagtayo
"Salamat ha...tsaka pasensya di ko alam kung pano ako umabot dito" sabi nya

Hinainan ko sya ng sopas na kinain din nya agad. Nakangiti sya habang kumakain

"Ang sarap mo talagang magluto babes... na miss ko to" nakangiti nyang sinabi.

Napahinto sya.. at napahinto din ako sa sinabi nya.

"Ah nako..sorry vince...pasensya na...sorry" nakayuko nyang sinabi
"Ah okay lang...sige kain ka pa..damihan mo pa... " sagot ko

Pagkatapos kumain eh niligpit nya ang pinagkainan namin at nag presentang sya ang maghuhugas. Pinigilan ko sya at sinabihang magpahinga nalang. Habang naghuhugas ako bigla syang lumapit sa akin at niyakap ako sa likod at sinandal ang ulo nya sa balikat ko.

"Mark...ano na naman to?" sagot ko
"Wala lang... na miss lang kita..miss na miss" sabi nya
"Eh wala na tayo.. naghanap ka na nang iba..." seryoso kong sagot "tsaka naka move-on na ako Mark kaya't sana'y mag move-on kana din" dagdag ko.
"Naghanap lang naman ako nang iba kasi...di mo pinaparamdam sa akin na mahal mo ako. Ayaw mong makipag holding hands, ayaw mong makipag halikan, at higit sa lahat ayaw mong makipagtalik sa akin. Two years akong naghintay pero wala... ni minsan ba minahal mo ako?" naluluha nyang sinabi.
"Mark alam mong ikaw ang pinili ko dati...ikaw ang pinaglaanan ko nang panahon, at alam mong hindi pa ako handang makipag-sex sayo." humarap ako sa kanya
"Pero ba't ayaw mo akong halikan?" sabay lapit nang mukha nya
"Seryoso ka ba? Eh madalas mo kaya akong halikan dati" sagot ko
"Eh laging ako kaya nag i-initiate nun...kung di ko pa sinusunggaban di pa kita mahahalikan dati. Eh ni minsan ba Vince..ikaw yung unang humalik sa akin?" nakasimangot nyang sinabi

Hindi ako nakapagsalita kasi sya talaga yung humahalik ng walang paalam, mahiyain kasi ako kahit sa kanya kaya di ko kayang simulan. Siya yung kauna-unahan kong boyfriend, at sya ang nanligaw sa akin. Sya yung pangalawang tao na nakakaalam na bakla ako. Walang nakakaalam na naging boyfriend ko si Mark maliban kay Chloie.

"Yan lang naman talaga ang naging problema ko sayo Vince..kasi madalas kong dina-doubt kung may gusto ka ba talaga sa akin... di ko masigurado kung mahal mo ba talaga ako. Kaya't naghanap ako nang iba, yung kayang ibigay lahat nang di mo mabigay..... kaya eto nagka-girlfriend ako. Nabuntis ko din...kasi nanggigil ako sa pakikipagtalik dahil sayo. Puta lang talaga..." mukhang nainis sya habang iniisip yung nangyari
"Ohh... congrats.. magiging daddy kana" walang emosyon kong sinabi
"Ayan ka pa..." irita nyang sinabi "wala na namang emosyon. Problemado na nga ako dito oh..."
"Anong gusto mong gawin ko?" tanong ko
"Sabihin mong mahal mo pa ako... na ako parin yung gusto mo...na manatili ako sa buhay mo" seryoso nyang sinabi
"Pero okay na ako Mark...okay na akong wala ka..." mahinaon kung sinabi
"Puta naman oh!" nagalit sya at pumunta sa kwarto ko.... naluluha syang nagbihis para makaalis sa apartment

Bago paman sya makalabas ng pinto ay pinigilan ko sya. Hinawakan ko ang mukha nyang lumuluha... hinatak papalapit sa akin. Hinawakan ko sya sa batok at hinalikan sa labi.

Nagulat sya sa ginawa ko.... pero di nya pinigilan. Mas naluha pa sya....

"Para san yun?" nauutal nyang sinabi
"Para ipaalam sayo na minsan kitang minahal Mark.... di ko man ginawa lahat ng gusto mo dati eh sinisigurado kong minahal kita sa dalawang taon nating pagsasama. Pasensya na Mark...sa ngayon... hanggang dito nalang talaga tayo. Sana'y alagaan mo ang anak mo... maging masaya ka sana" at niyakap ko sya.

Niyakap nya din ako nang mahigpit at umiyak sa bisig ko ng ilang minuto hanggang sa pinatahan ko sya. Matapos nun ay umalis sya na may ngiti sa labi...kasi ngayon alam nyang may puwang sya sa puso ko.

Habang umiiyak si Mark kanina sa bisig ko ay napaisip ako. Kelan ko ba nasimulang maisip na okay na akong wala si Mark? Kelan ba ako nakapag move-on? Kelan ba ako naging masaya simula nung nawala sya?

Kelan pa........... kelan pa ba ako nahulog kay Kent? Ba't si Kent ang nasa-isip ko nung umiiyak si Mark? Bakit parang mahal ko na si Kent?!!! Kelan pa?!

Matapos nung gabing nakilala ni Kent si Mark ay di na nya ako pinapansin sa school... di na sya tumitingin sa direksyon ko. Kahit sinusubukan kong makipag-usap sa kanya eh umiiwas sya. Kahit anong gawin ko eh ayaw na nya talagang lumapit. Gusto kung magpaliwanag. Gusto kong sabihing mahal ko sya. At simula nung araw nayun ay wala nadin ako natanggap na mga liham. At nalaman kong si Kent ang araw-araw nagbibigay ng love letters kasi minsan kong nakita ang notebook nya at sulat kamay nga nya yung nasa letters.

Dalawang buwan nalang ay ga-graduate na ako pero hindi padin kami okay ni Kent. Narinig ko nalang na may girlfriend na si Kent. Si Jane, crush na crush nung babae si Kent simula pa dati, pero di sya pinapansin ni Kent...kaya't laking gulat ko nung malaman kong sila na. Ilang gabi ko ding iniyakan yung balitang yun, pero wala akong magawa. Kaibigan lang ako para kay Kent, walang puwang ang pag-ibig ko sa kanya. Pero gusto kong malaman nya...gusto kung sabihing mahal ko sya.

Nakita kong nakaupo si Kent sa cafeteria kumakain...wala syang katabi nun kaya't dali dali akong umupo sa harap nya.

"Kent...I really need to talk to you" pero di sya tumingin sa akin "I just want you to know...that Mark was my ex....at ayaw kong itago sayo na bakla ako. Ayaw ko lang na lumayo ka sa akin, lalo na kung aaminin ko sayo ang totoo" gusto ko pang magpaliwanag pero nakita ko may babaeng papalapit sa direksyon namin, at hinding-hindi ako pwedeng magkamali, sya si Jane, ang girlfriend ni Kent.

Bago paman makalapit si Jane ay hinawakan ko ang kamay ni Kent kaya't napilitan syang humarap sa direksyon ko....

"Kent, I love you.... I really.....really do. I know you don't feel the same way, pero gusto ko lang malaman mo" mahina ang pagkakasabi ko nun, sapat lang para marinig ni Kent.  Dali-dali akong tumayo at lumabas ng cafeteria...

Alam kong masaya na sya kay Jane, pero yun lang naman ang gusto kong sabihin, gusto ko lang malaman nya na mahal ko sya.

Umuwi ako nun na umiiyak. Kaya't sa bahay nila Chloie ako nakitulog kasi kelangan ko nang makakausap. Grabe yung comfort ni Chloie...mabuti nalang ay may kaibigan akong tulad nya.

Isang linggo matapos ang pag-amin ko kay Kent ay nakatanggap ako nang text mula sa kanya. Gusto nyang makipagkita at makipag-usap sa akin. Gusto ko syang maka-usap...gustong-gusto...matagal ko syang na miss.

_______________

"Gusto kong malaman mo...makikipaghiwalay na ako kay Jane" sabi ni Kent
"Bakit naman?" tanong ko
"Kasi iba talaga yung gusto ko" seryoso nyang sagot
"Nako..tino-two time mo ba yang si Jane?" pabiro kong sinabi para mawala lang ang awkwardness
"Hindi naman si Jane yung nauna... mas mahal ko naman talaga yung isa" seryoso padin nyang sagot
"Ah yun bang gusto mung sabihin nung intrams? Sino ba yon?" pag-usisa ko kahit masaktan man ako sa sasabihin nya at sa malalaman kong ibang minamahal nya
"Ikaw... Ikaw Vince yung gusto ko... matagal na" di padin sya lumilingon sa direksyon ko. Naka nga-nga lang ako habang nakatingin sa mukha nya.

Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin... kaya't tumayo ako...at naglakad palayo sa kanya. Hinabol nya ako at pinigilan sa paglakad.

"Vince.. ako pa din ba ang gusto mo? Kung ako pa..ba't ka aalis?" naluluha nyang sinabi
"Oo Kent..ikaw ang gusto ko.. ikaw parin.. pero.. may girlfriend ka... nakita kong masaya ka pag kasama mo sya. Ano ako para maging hadlang sa inyo?" hindi ko na alam anong sinabi ko
"Pero ikaw ang mahal ko... ikaw vince! Iiwan ko sya para sayo! Ginamit ko lang sya para mawala ang lungkot ko!" tumtaas na ang boses nya
"Pero Vince... ayaw ko nun. Papasok ka sa relasyon... sasabihin mong sya lang, magiging kayo.... paniniwalain mong mahal mo siya.. tapos iiwan mo lang kasi di mo talaga siya ginusto? Kent ayoko ko nun. Kent ayaw na ayaw ko ang pakiramdam na maiwan dahil pinagpalit ka. Kent di lang si Jane ang sinasaktan mo ngayon."

Pagkatapos nang pag-uusap nayun ay narinig kung tinuloy talaga ni Kent ang pakikipagiwalay niya kay Jane. Nagkita pa kami ni Kent sa school pero hanggang batian nalang. Hanggang sa grumaduate ako eh di nabalik yung samahan namin.

----------

Tatlong taon na ang lumipas nung huli ko syang makita. Narinig kong nagtrabaho sya sa ibang bansa hanggang dun lang ang pagkaka-alam ko.

Nasa Maynila na ako nag ta-trabaho bilang isang Arkitekto..ako din ang naatasang umasikaso sa mga biddings at presentations. Habang nag pe-present ako sa proposal ng company namin ay nakita ko ang pagpasok ng isang matipuno at gwapong lalake sa board room. Isa sa mga engineers ng kompanya nila. Ang nakita kong pumasok ay si Kent. Nagulat ako pero I need to impress him... I need to impress everyone! Kaya kahit kumakabog ang dibdib ko ay pinagpatuloy ko ang presentation. Nagustuhan nila ang proposal kaya't pinapabalik ako sa susunod na araw.

Nakalabas na halos lahat sa board room maliban sa akin dahil nagliligpit pa ako ng gamit. Paglabas na paglabas ko sa pinto ay bumugad ang gwapong kent na nakasandal ang likod sa pader at nakaharap sa akin.

"Hi Sir, I'm Kent... the civil engineer of this company" sabay abot ng kamay nya
"Hi Sir Kent... I'm Vince... and I'll try my best to win the bidding" sabay abot sa kamay nya
"Nice to meet you" nakangiti nyang sinabi
"You too" nakangiti kong ganti

Sabay kaming naglakad sa hallway.....

"Mas gumwapo ka ngayon" bulong nya sa tenga ko habang naglalakad
"Ikaw din... mahal padin kita" sabi ko na nagpatigil sa kanya
"Sabi ko gwapo..hindi I love you" nakangiti nyang sinabi
"Pareho din naman yun... kaya I love you too" ganti ko
"Pucha naman ohh.... mahaldin kita" nanggigil nyang sinabi

Nagtawanan kaming dalawa. Hinatak nya ako sa banyo at pumasok kami sa isang stall. Hinawakan nya ang necktie na suot ko at hinatak papalapit sa mukha niya, pero bago pa nya ako mahalikan ay pinigilan ko siya...

"Teka... I'll be the one to do it this time..." at ako ang humawak sa neck tie nya at ako ang unang humalik sa kanya

Naghalikan kami hanggang pareho kaming hiningal. Kung saan-saan na umabot yung kamay namin, pero nung akmang ipapasok nya na yung kamay nya sa pantalon ko ay pinigilan ko sya...

"Vince please~" pagmamakaawa nya "Antagal ko nang gustong gawin sayo to" dugtong nya
"Ako din naman Kent" hingal kong sagot "Pero sa disente naman sana na lugar" natatawa kong sinabi
"Tara, sa condo ko...ngayon na!" excited nyang sagot
"Pano trabaho mo?" tanong ko
"Well, ako ang assign sa bidding....ikaw ang bidder. You sir...are part of my job, kaya't ta-trabahuin kita" ngiting aso nyang sinabi
"Aba....baka sabihin nila na ginamit ko lang ang connections ko para manalo sa bidding?" sabi ko
"Actually, yung company nyo lang ang may magandang presentation kaya't for sure kayo ang mananalo" proud nyang sagot
"Ahh ganon ba? Pero may isa pa kasi akong proposal~~" hini-himas-himas ko ang necktie nya
"Please... next time nalang yan usapang trabaho...ang init na ng katawan ko. Vince please~" pagmamakaawa nya
"Eto yung proposal ko" at bigla kong dinakma yung ari nya na nagpa-ungol sa kanya

Nung ginawa ko yun ay may naramdaman akong uminit... nilabasan pala sya sa loob ng patalon.

"oohhh~~~ahhhh~~ahhh~~~ shit" nahihingal nyang sinabi
"Okay ka pa? eto yung proposal ko sana.... I want you to be mine forever. Please say I do" habang di ko padin tinatanggal yung pagkakapatong ng kamay ko sa bukol nya na basa na
"Yun lang ba? I do!" pasigaw nyang sinabi "Grabe naman tong proposal mo..nilabasan na ako" at hinalikan nya ako "I do" at hinalikan muli... "I do" at hinalik na naman nya ako.

Siguro sa halikan mapapagod kami..... pero sa pagmamahalan, hinding-hindi.

--------
*Ninong nga pala ako nung anak ni Mark. Etong loko na Mark..... 'Vince' ang pinangalan sa anak nya! Buti nalang di alam ng asawa nya.

*Naalala nyo na nung di ako pinasin ni Kent matapos ang retreat namin sa private resort? Sumama daw ang loob nya nung sinabi kong "Okay lang, di naman big deal sa akin..friends lang naman tayo"

*Alam pala ni Kent na crush ko sya dati pa kaya confident sya nung umupo sa tabi ko habang kumakain ako sa Cafeteria, at kinainan nya yung ulam ko kasi akala nya kikiligin ako. Hulaan nyo kung sino ang nagsabi sa kanya...? Si Chloie! Si Chloie po ang bumugaw sa akin! Sya po yung nag kwento kay Kent at umutos dito na lapitan ako! Sya din yung pinag tanungan ni Kent kung asan yung locker ko. Ano yung mga favorite ko. Paminsan naiisip ko, ang sarap saksakin netong si Chloie, pero okay na...kung di pa ginawa ni Chloie yun dati...eh sana walang kami ngayon ni Kent.

*Tsaka inamin sa akin ni Kent.... na crush daw nya ako simula pa nung first year college sya. Lagi raw syang nagnanakaw ng tingin kaso ni minsan daw ay di ko sya pinansin. Nung nalaman nya mula kay Chloie na may gusto ako sa kanya...eh sinunggaban nya agad. Akala nga ni Chloie...gusto lang daw talaga ako maging kaibigan ni Kent kaya pumayag syang lumapit sa akin, yun pala sobra pa sa pagkakaibigan yung gusto nya.
*Ngayon eto......magkasama kami.... at sinusubukang patunayan na may forever. Mag a-adopt din kami ng babies dito sa Amerika.

No comments:

Post a Comment