By: Seph
Lumipas ang mga araw na di ako
kinikibo ni kuya. Pati yung pustahan namin na susuotin niya yung short
shorts ay di na rin niya ginawa. Di ko na siya nadatdatnan tuwing umaga
at nagluluto na lang siya para sa sarili. Syempre sinubukan kong mag
paliwanag pero puro "tssss" lang ang nakukuha ko pagkatapos ko
magsalita. Gabing gabi na din siya nakakauwi at minsan ay lasing pa
siya. Nag isip ako kung paano ako makakabawi sa kanya kaya isang beses
nagluto ako ng hapunan para sa kanya. Excited ako na makauwi siya dahil
baka tanggapin na niya ang sorry ko. Sobrang hirap magluto dahil ang
tagal na rin ng huli ko itong ginawa. Kaya nasugatan ako ng kutsilyo sa
daliri at sa palad nung naghihiwa ng isda. At may paso naman ako sa
wrist dahil natapunan ng mainit na mantika. Fish fillet ang niluto ko at
nagluto rin ng soup pam painit sa katawan. Naka handa na ang lahat ng
6pm at hinihintay ko na lang siya dumating. Naglalaro sa utak ko ang mga
pwedeng maging reaksyon niya sa ginawa ko dahil alam ko na matutuwa
siya sa naging resulta ng pageeffort ko.
7pm wala pa rin siya kaya't nag alala ako dahil medyo malamig na ang mga pagkain. Kaya pinainit ko muna ang mga ito para madatnan niya na mainit ang mga pagkain.
9:30pm at wala pa rin si kuya. Umiiyak na ako sa puntong ito dahil alam ko na naglasing nanaman siya at baka hindi niya ako itrato ng tama. Nagugutom na rin ako dahil hindi pa ako kumain simula kanina. Dahil ang gusto ko ay magkasabay ulit kami ni kuya. Tulad ng dati. Ililigpit ko na sana ang mga hinanda ko ng narinig ko ang pinto na pumihit. Umasa ako. At may assurance naman na si kuya yun dahil naka lock ang pinto. Si kuya lang ang makakapasok. Kaya di ko talaga napigilan na ngumiti.
Nakita ko ang isang likod ng babae habang pumasok sa bahay. Nakatingkayad siya na para bang may inaabot ang kanyang bibig. Hinagis niya ang bag niya at tuluyan na silang pumasok sa bahay. Hinubad niya ang damit nung lalaki at nakipaghalikan ulit. Binuhat nung lalaki yung babae at di sinasadya, napa tingin yung babae sa akin. Pinigilan niya yung lalaki sa paghalik sa kanyang leeg at mahinang bumulong sa tenga nung lalaki.
"Mateo teka lang. Yung kapatid mo..." napalingon sa akin yung lalaki at bigla niya akong nginitian.
"Aba nag handa pala ng pagkain ang aso ko." Nilapitan ako nung lalaki at hinawakan ang buhok ko sabay ginulo. Tiningnan niya yung pagkain at sinabihan yung babae na lumapit din.
"Para sa amin ba itong mga ito?" Tanong ni kuya at sabay kagat sa fish fillet. Nagtinginan sila ng babae at biglang sinabi ni kuya na,
"Pano ba yan? Magugutom tayo mamaya pagkatapos? Kain muna tayo!" Ang sabi ni kuya.
"Sige. Bilisan lang natin kumain. Kanina pa ako nagugutom sa hotdog with eggs e. " Ang sabi naman nung babae.
Tang ina. The shadows are eating me. I'm falling in the trench of darkness. My eyes were filled with tears. But I need to be strong. Dont let them see your fragility.
"Ah... eh... sige kuya, kain na kayo. Tulog na ko" hindi ako pinansin ni kuya. At sa totoo nga, after ko iyon sabihin, sinubuan niya yung babae ng pagkain habang yung kamay nung babae nakapatong sa hita niya. Naging matatag ako sa aktong iyon at talagang di nag pahalata ng kahit anong sakit at selos sa kanila. Pero tang ina pag pasok ko sa kwarto ko binuksan ko yung bintana at nagbabato ng kung ano-ano. Pigil ang pag iyak ko. Kagat ko ang lower lip ko. Binato ko yung mga gamit ko. Wala akong pake. Ang sakit ng dibdib ko. Napa sandal ako sa pader. Hawak ng dalawa kong kamay ang mukha ko. Nagdudugo na ang lowerlip ko. Sinipa ko yung pader. Sinuntok ko ang sarili. Umupo ako at nag labas ng papel at bolpen. Sinulat ko ang lahat ng nararamdaman ko. Pagkatapos kong isulat lahat, humiga ako sa kama at tinakpan ng unan ang aking mukha . At di nag tagal nakatulugan ko na rin ang sakit na nadarama ko.
The moment na nagising ako, naligo na ako kaagad at nag ready papunta sa school. Nagmamadali ako dahil ayoko na talagang mag stay sa bahay dahil walang pasok si kuya. Kumuha rin ako ng band aids para sa mga sugat ko sa kamay. At ayon umalis na ako. 12 pa ang pasok ko pero mga 8:30am nasa school na ako. Tumambay muna ako sa library at sinubukang matulog.
"Kuya,"
Nagising na lang ako dahil may gumigising sa akin na lalaki. At puta. Nakahiga na ako sa sahig!
"Ah-eh kuya, gising na po. " ang sabi niya. Bumangon ako ng makita ko na tumulo pa yung laway ko. Puta. Nakita naman ni lalaki na tumulo yung laway ko. Tang ina. Ibaon niyo na ako sa lupa.
" ayyy. Pasensiya na, sorry. Napahimbing yung tulog ko." Tumayo ako at umupo na ulit. Nakatingin sa akin yung ibang nag aaral sa library. Pero di ko na sila pinansin. Wala na akong paki kung ano pa ang isipin nila.
"Kuya pwede ba mag paturo?" Ang sabat ni lalaki. Umupo siya sa tabi ng upuan ko at nagbuklat ng libro sa algebra.
"Aa- ah, sige. San ka ba nahihirapan?"
"Nakalimutan ko na kasi itong factoring e. Lalo na kung more than 3 terms yung i fafactor" patay tayo dito. Tiningnan ko lang saglit yung pages before nung work sheet. At nakasaad naman doon kung paano. Kaya naturuan ko siya ng mabuti. Nagets naman niya kaagad at sinabi pa na palitan ko na lang daw yung prof nila sa algeb.
"Kuya lika kain tayo. Makabwi man lang ako sayo. Libre kita." Syempre nakangisi ako nung marinig ko ang word na 'libre' kaya agad akong nag ayos ng gamit at lumabas na kami ng library. Di na kami kumain sa carpark dahil parating puno ang mga kainan don, kaya lipat kami sa mcdo sa my p.noval para iwas sa tao. Ngayon ko lang naalala. Wala pa akong kinakain since kagabi. Kaya puta. Gutom na gutom ako. Umupo kami sa 2nd floor at pinagbantay niya ako ng table at siya naman ang bumili ng food. Accountancy student din siya tulad ko. At base dun sa libro niya sa algebra, napagtanto ko na freshman pa lang siya.
Dumating siya na dala yung tray at nakapag kwentuhan ng kaunti habang kumakain.
"Ano nga palang pangalan mo?"
"Colin kuya."
"Isaac," at nakipag kamay ako. Bumalik na kami sa campus dahil start na ng class niya. 11 start ng class niya kaya hinatid ko na rin siya sa bldg. Kinuha niya yung no. ko para meron daw mag tuturo sa kanya at para sa akin na lang daw siya bibili ng 2nd hand books. Nung nakapasok na siya sa bldg, bumalik naman ako sa library para gamitin ang natitirang oras para aralin ang mga dapat aralin na lessons.
Habang nagbabasa, may umupo sa tabi ko. Si Al. Simula kasi nung incident na ginawa niya, nailang na akong makasama siya. Kaya talagang minsan ay iniiwasan ko siya.
"Oy" ang sabi niya.
"Oy" ang sabi ko.
at katahimikan nanaman. Di siya nag lalabas ng libro at pinapanood lang ako kung paano ko sinosolve yung hw namin. Di ko kasi ginawa sa bahay. At yon. Natapos na ako. Gumalaw siya at akmang may kukunin sa bag at bigla niyang nilabas yung hw niya.
" parehas tayo ng sagot" ang sabi niya.
"Wow gumagawa ka pala ng hw?"
Binatukan niya ako ng mahina at sabay akbay sa balikat ko.
"Sorry na Isaac. Wala talaga ako sa sarili ko nung mga oras na yon. Wag mo na akong iwasan please ?"
Di ko alam ang sasabihin ko. Syempre andaming naging revelations nung hinalikan niya ako diba?
1. Bisexual siya
2. May gusto siya sa akin.
E kaya ko lang naman siya iniiwasan is para di na madevelop pa yung nararamdaman niya para sa akin e.
"A eeh. Di naman kita iniiwasan e." Ang sabi ko.
"Wag ka na magsinungaling pa Isaac. Kilala kita. Bobo ka talaga pag dating sa pag sisinungaling. " ang sabi niya sabay tanggal ng kamay niya sa pag kakaakbay sa akin.
" oo na iniiwasan na nga kita. Tsk. Tara na nga. Mag twe-twelve na o" patayo na ako ng bigla na lang siya magsalita.
"Dito ka lang. " ang sabi niya at hinawakan ang hita ko para di ako makatayo.
"Sabihin mo muna na hindi mo na ako iiwasan. Namimiss ko na kasi yung bestfriend ko e." Ang sabi niya. Nakita ko naman yung lungkot sa mga mata niya and I can say that those eyes cant tell lies. Kaya naman sinabihan ko siya na,
"Oo naman. Miss na rin kita. " ang sabi ko.
"O ano? Tayo na? Mag twetwelve na o"
"Tayo na? Grabe di pa nga kita nililigawan e."
Pinitik ko yung ilong niya at tumayo ako para bumalik na sa bldg. Agad din naman siya na humabol sa tabi ko. Salamat. Normal na din ang lahat sa pagitan namin. Bumalik ang closeness namin ni Al pagdating sa room. Inasar pa nga kami ng mga kaklase namin na 'nagkabalikan na daw kami' at kung ano daw ba yung dahilan nung nakaraang 'break up' namin. E dahil mapangtrip naman din kami ni Al kaya sinakyan na lang namin ang pang aasar nila. Tulad ng 6 months na akong buntis at si Al ang ama. O kaya naman nag break kami kasi nakita ko si Al na may kayakap sa dilim. Mga ganon kaya GV GV talaga kami sa room kanina.
4 uwian na. Pero ayaw ko umuwi dahil nga ayaw kong makita si kuya. Sinamahan ako ni Al at umuwi rin nung nagbukas na yung steet lights sa campus. Naiwan akong mag isa na nakaupo sa tapat ng football field habang pinapanood ang mga varsity players na nag prapractice. Nasa kalagitnaan ako ng kawalan ng parang may narinig ako na nagsalita.
"Bakit ba parati kang mag isa?" Nung una akala ko imagination ko lang yon. Pero biglang may umupo sa tabi ko at nakita ko si Colin.
"Anong sabi mo?" Ang tanong ko pabalik.
"Sabi ko bakit parati kang walang kasama? Ayaw kang samahan ng girlfriend mo?"
"Aa-eh- yung girlfriend ko kasi nagalit sa akin kasi nakita niya na may humalik sa lips ko. E di ko naman sinasadya yun dahil yung babae mismo yung nag pumilit na halikan ako. lasing kasi siya. Kaya ayun. Nakipag break si girlfriend sa akin" ang sabi ko.
"E dapat kasi di ka na lumalapit sa mga babae pag may girlfriend ka na. Sa gwapo mong yan, nako lahat ng lasing na babae hahalikan ka pag ikaw pa naghatid sa kanila pauwi." Ang sabi niya. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil alam ko na kinokomfort niya lang ako. Kaya nag reply ako na,
"Alam ko na sinasabi mo lang yan dahil gusto mo na gumaan ang pakiramdam ko. Kaya para don, salamat. "
Kumunot yung noo niya at tiningnan ako ng may malaking kwestyon sa kanyang mukha.
"Wtf? Wala bang salamin sa inyo? Di ko alam kung nagpapahumble ka lang o di mo talaga alam e. Pero srsly? Nakita mo na ba ang sarili mo sa salamin?"
"A-aah- eh oo naman"
"alam mo ba na sobang popular mo?
1. Kapatid ka ng isa sa mga sikat na basketball player dito sa school.
2. Dahil nga gwapo ka.
3. Parati mo pang kasabay si Al? Yung sikat?
Kaya suki ka sa ust crushes at ust files e. Try mo bisitahin yung page na yun sa facebook. Nan dun yung mga mukha niyo."
"Ah-eh sige tingnan ko."
At natahimik nanaman ang kapaligiran.
" eh ikaw? Bakit mag isa ka lang?"
"Ah ako? Mas masarap kasi minsan mapag isa. Lalo na pag nakikinig ka ng music. Nakakarelax lalo na pag mahangin."
"Ah. E kung gusto mo pala mapag-isa, bakit mo pa ako kinausap?"
"Wala lang. Bawal ba?"
"Nako di naman. Buti nga at may kausap ako e."
Tumahimik nanaman. Unti unti ng nag aalisan yung mga nag prapractice at pakonti na rin ng pakonti yung tao sa campus. Madilim na ang kapaligiran. Medyo hindi ako kumportable sa katahimikan kaya tiningnan ko siya at nakita ko rin na nakatingin din siya sa akin.
"San ka ba umuuwi? Gabi na o?" Ang tanong ko.
"A, lapit lang ako. Naka dorm kasi ako"
"Ah. Tara uwi na tayo. " nginitian ko siya at naglakad na kami paalis. Nak ng. Mas matangkad pala to sa akin! 8:15pm na siguro non at hinatid ko muna siya sa dorm niya. At diretso uwi naman na din ako. Nasa tapat na ako ng bahay. Tinitimbang ko pa kung papasok ba ako o makikitulog kila Al habang di pa nila curfew. Anong gagawin ko??? Lumapit ako sa pintuan at pinihit ko yung door knob. Boom. Nakalock. So tingin naman ako sa bag ko para sa susi pero parang wala. Shet. Naiwan ko pala kakamadali kaninang umaga. Tang ina. Napabuntong hininga na lang ako at sumandal muna sa pader habang inaabsorb ang mga pangyayari.
*6 minutes later
Tumayo na ako at maglalakad na sana papunta kila Al. Kaso bumukas yung pinto ng bahay at may lumabas na lalaki sa bahay na sinundan naman ni kuya.

Bitin nanaman exciting pamo.ehe
ReplyDeleteSana nman next week ung kasunod nito... bitin much!
ReplyDeleteMedyo nakaka-"ewan" na kung laging bitin tas ang tagal pang sundan... Boomfeyns! Hhaha.
ReplyDeleteBut other than that.. Twas a great story., 'wag lang talagang pabitin. :)
Laging BITIN >.< sana BUKAS na yung NEXT PART... sinusubaybayan ko tong storyang to ehh XD
ReplyDeleteSana Makita kita sa Campus! :) -Tigress
ReplyDeleteI appreciate the author of this story :) Yung criticisms na binigay namin noong part 4 ( i think) talagang ginamit mo for you to improve. Gumanda yung flow ng kwento. And I love those side comments, nakakatuwa. Keep it up :) I can't wait for the next part. :) -Luka
ReplyDeletebitin bitin bitin pakihabaan next time hehe ganda kasi ng story mo author. the best ka talaga. ^^
ReplyDeletetang ina nman... lgyan nyo na nga ng libog to... sinimulan na s ganun eh.. tapos nwwla? tang ina lang? psh!! tapos bitin bitin pa.. haaaayyyssss... -_-
ReplyDeleteAng ganda talaga ng kwentong ito.. lagi kng inaabangan ang mga update nito. kaklungkot lng dahil binabalewala p rin sya ng mahal nyang kuya.. Ano kaya ang papel ni Collin sa buhay ni Isaac.. nakakaabang talga.. gusto k n mabasa agad ang sunod n update.. ingats lagi..
ReplyDeleteNakakaloka tong story na to...at napakaganda kaso nga lang nakakabitin...ang layo pa nang next week para sa next chapter...hihintayin ko parin yan...Good job kay author
ReplyDeleteDamn feels <///3 Sakit nung first part. Anyways, ui si Seph, in-accept yung criticisms namin in a good manner. Nakakatuwa kasi tinupad mo yung sinabi ko na "magical feeling". Feeling mahaba-haba pa tong story mo kasi yung story line nya ee pabagobago pero nakafocus parin sa isang direction. Nice. Yung lang naman masasabi ko.
ReplyDelete~Jess :)
Bigyan ng Jacket! Galing. susunod na tong gagawing movie, shes dating the gangster ang peg. hahaha. ganda.
ReplyDeleteAMV. Lol
ReplyDeleteNakakaloka. Ustedyante si koya. Hahahaha. Tell me nakapasa siya sa retention test. Hahahah.
Deleteganda author... isa na ito sa mga paborito Kong kwento.. sana wag naman masyadong maikli.. bitin..
ReplyDeletehahaha nakakatuwa si isaac at kuya niya. konting pagkakamali lang ni isaac halos magunaw ang mundo sa ganti ng kuya niya sa kanya. Si kuya naman niya di lang babae ang gusto pati lalake pinapatos masaktan lang ang isaac niya. hahaha yun lang nakakatuwa tapos sa pagkabitin sa huli ng istorya gets ko na agad na lalo na naman matatameme si isaac kasi may lalake naman na iba kuya niya after ng girl na pinaghimutukan ni isaac. Nice story.. Tama nga sila sana haba-habaan ang post ng bawat episode ng story kasi bitin naman talaga. Nasa climax na ng biglang parang naging telenovela na abangan ang susunod na kabanata kapag sinipag ang may akda hahaha lols..
ReplyDeletekakabitin......next part na please...isa to sa mga favorites q dito...
ReplyDeleteSuper sad naman sa part ni Isaac nag effort na nga cya tinawag pa cya na aso nang kuya nya....by the way very beautiful story
ReplyDeleteTAGAL NG NEXT PART PUTA
DeleteNext chapter please sana every week ang update nito
ReplyDeleteIlang beses ko na binabasa ang story pero lagi itong tumatama sa puso ko
Super excited for the next part! Kawawa naman si Isaac, binabalewala lang siya nang kanyang kuya, I really do feel some pity towards him this time, pero go lang ng go Isaac, laban lang!
ReplyDeleteNakakabitin! Lakas ng tama sa dibdib ang huling eksena. Pakiramdam ko ako ang nasasaktan. Haha.
ReplyDeleteNext part na plssss....
asan na ang kasunod?
ReplyDeleteHindi na nasundan.
ReplyDeleteNagimproove ung part n to compair dun s 4&5..hehe ganda pro bitin...
ReplyDeleteNext part plss...hhaaha
Saan na yung next chapter. Post nyo na plsssss. Di Ako makatulog. Matagal ko na to nabasa ngayon Lang Ako nagcomment
ReplyDelete