By: Nickolai214
Nathaniel's POV
Naging maayos naman ang sumunod na mga araw namin ni Mark. Nagquit si Trevor sa basketball team pero sumali siya sa Drama Club.
Hindi iyon nagustuhan ni Mark pero pinaliwanagan ko siya na kumalma lang siya dahil kung palagi niyang pagaganahin ang init ng ulo niya ay siya rin ang mahihirapan.
Lumipas pa ang mga araw at buwan. Sabado ng gabi iyon nang muli siyang makitulog sa bahay. Nagulat na lang ako at nakahiga na siya sa kama ko pagkauwi ko galing practice.
Nakangisi pa si gago habang papasok ako sa silid ko hanggang sa nakapagbihis ako ng pambahay.
"Makikitulog ako Nat. Namiss kitang katabi eh." nakangiting sabi niya.
Kung makahiga siya sa kama ko ay parang pagmamay-ari niya iyon at nakapantulog na talaga siya.
Minsan naiinis din ako kina Lola masyadong mabait kay Mark.
"Nandito ka na naman. Paano na si Anjo?" tanong ko sa kanya. "Iniwanan mo na naman mag-isa ang kapatid mo doon." sabi ko saka na ako umupo sa kama.
Napasulyap pa ako sa litrato naming dalawa na nasa side table. Hindi ko namalayan na doon na rin pala nakatingin si Mark.
"Nakakatampo ka itinaob mo yan nung unang beses kang nagalit sa akin. Kapag galit, dapat galit lang. Walang tauban ng litrato. Gwapo konkaya diyan." sabi niya.
"Kapal mo. Galit nga ako kaya malamang ayokong makita yang pagmumuka mo." sagot ko sa kanya.
"Akala mo ba hindi ko alam. Iniiyakan mo ako noon nung mapasukan kita dito." pang-aasar pa niya.
"Kapal mo talaga, hindi kaya. Bakit naman kita iiyakan?" kaila ko.
"Kasi mahal mo ko." sabi niya.
Natigilan ako sa sagot niya. Hindi ko inasahan na sasabihin niya iyon. Napakurap pa ako at hindi makapaniwala sa narinig ko. Pero paano niya nalaman ang sikreto ko?
Ngumisi naman siya. "Huwag kang mag-alala, mahal din naman kita eh. Magbestfriend tayo kaya natutal lang na mahal natin ang isa't-isa. Kaya kapag nagtatampo ka sa akin hindi ko matiis na hindi kaagad magsorry sayo." sabi niya.
"Ahh!" naisagot ko na lang. Hindi ko alam kung oaano ko dudugtungan iyon. "Okay!" sambit ko pa.
Natawa naman siya saka niya ako sinakal. Pero hindi naman sakal na mahigpit. "Nakakainis ka! Wala ka man lang kalambing-lambing sa akin." sabi niya.
"Kapag hindi mo pa ako tinigilan matutulog ka sa labas." banta ko sa kanya.
Binitawan naman niya ako saka niya pinisil ang pisngi ko. "Cute mo talaga kapag naaasar ka." sabi pa ng loko loko.
"Hindi mo pa sinagot ang tanong ko. Sino ang kasama ng kapatid mo niyan? Katulong na naman? Maawa ka dun sa bata huy. Akala ko ba mahal mo siya?" litanya ko.
"Si Mama." parang balewala lang na sagot niya pero ako ay nanlaki ang mga mata.
"Sinundo ni Dad si Mama kahapon. Nagkapatawaran na sila at nangako na aayusin na nila ang pamilya namin." paliwanag niya. Nakikita ko sa mga mata niya ang kakaibang saya dahil sa nangyari ngayon sa pamilya nila.
Kahit ako ay masaya para kay Mark. Sana nga ay tuluyan nang magbago ang parents nila para hindi rin kawawa ang magkapatid.
Sa mga sumunod na araw ay napansin ko na nabawasan na ang pagkababaero ni Mark.
Kahit naman hindi siya seryoso sa mga nagiging girlfriend niya ay may parte pa rin ng puso ko ang nasasaktan kapag nakikita ko siyang sweet sa mga babae.
Bakit ba kasi hindi na lang ako naging babae? Para malaya ko nang maipapabatid sa kanya ang nararamdaman ko.
Sa Drama Club naman ay nagkaroon ng random character portrayal para sa nalalapit na Foundation Week namin.
Bubunot kami ng mga character na gagampanan namin. Wala nang pinipiling gender sa pagkakataong ito. Kaya kahit lalaki ka ay kailangan mo pa ring gampanan ang papel ng isang babaeng character kung iyon ang nabunot mo.
Ginawa daw nila iyon para mas maimprove pa ang acting skills namin. Hindi lang yung nakukulong kami sa iisang format.
Si Trevor ang nakabunot sa papel ni Romeo at ako naman ang nakakuha kay Juliet na ikinatawa ng lahat. Tatay ko naman ang papel na nabunot ni Kath.
"Galingan mo anak." pang-aasar pa sa akin ni Kath na tinawanan lang namin.
Nasa canteen ako at mag-isang kumakain dahil maagang umuwi si Kath nang lapitan ako ni Trevor.
"Paano ba yan? Sa pagkakataong ito ay sa akin ka na talaga mapupunta." makahulugang sabi niya.
"H-ha?" naguguluhang sagot ko.
"Masyadong nakabakod sayo yung mayabang na si Mark kaya hindi kita malapitan man lang. You know Nat, matagal na kitang gusto pero hindi mo ako masyadong makaporma dahil dun sa bestfriend mo."
"Hindi kita maintindihan." nalilitong sabi ko pa. Baka nagkakamali lang ako ng naiisip. Lalaking-lalaki si Trevor.
Hindi mo siya kababakasan kahit katiting na kabaklaan. Kagaya rin ni Mark. Pero bakit niya sinasabi sa akin ang mga bagay na narinig ko ngayon?
Bumaling muna si Trevor kung may makakarinig sa kanya sa paligid pero kaunti lang ang tao doon at malayo pa sa table na inookupa namin.
"Hindi na ako magpapaliguy-liguy pa Nat. Bisexual ako at gusto kita. Maaari ba kitang ligawan?" diretsong tanong niya.
Gumalaw ang mga labi ko ngunit wala akong maapuhap na sasabihin. Mas lalo tuloy akong naguluhan sa mga nangyayari.
"H-hindi pa ako handa sa mga ganyang bagay. I'm sorry Trev. Marami pa akong goals na gustong i-achieve. Sana maintindihan mo ako." palusot ko na lang para hindi masyadong maging masakit ang rejection ko sa kanya.
"Pwede mo naman gawin ang mga yun habang magkasintahan tayo. Susuportahan kita sa lahat ng bagay. I promise!" giit pa niya.
Napailing ako. "I'm sorry! Hindi pa talaga ako handa." sabi ko.
"Dahil ba kay Mark?" sagot niya.
Napatingin ako sa kanya at seryoso siyang nakatitig sa akin.
"Gusto mo ba siya?" tanong niya.
Napaisip ako sa tanong niya. Lumikot ang mga mata ko. Sasagutin ko ba iyon?
"Ano bang klaseng tanong yan?" sabi ko. "Magkaib-"
"Hindi mo naman kailangan sagutin ang tanong ko eh. Nakikita ko na ang sagot sa mga mata mo. Naiinis lang ako dahil napakamanhid niya para hindi ka maappreciate."
Napatanga na lang ako sa kanya. Hindi ko alam kung kailangan ko pa bang magsalita o mananahimik na lang ako.
"Naiinis ako dahil alam ko na hindi ka naman niya gusto dahil straight siya. Patunay na diyan ang pagiging babaero niya. Kung makabakod siya sayo ay parang pag-aari ka niya." mababakas ang galit sa mga mata ni Trevor habang sinasabi niya iyon.
Nagpakawala muna siya ng malalim na buntong-hininga bago siya nagpatuloy sa mahinahon nang tinig.
"Hahayaan muna kitang magkapag-isip Nat. Pero kapag hindi ka niya sinalo ay nakahanda pa rin ako na saluhin ka."
Hindi naman nagbago ang pakikitungo sa akin ni Trevor. Sa tuwing nagkikita at nagkakasama kami sa classroom at sa school theatre ay parang normal lang ang lahat sa kanya.
Hinayaan ko na lang at inalis ko na rin sa sistema ko ang nararamdaman kong pagkailang sa kanya.
Naging maayos naman ang preparation para sa play. Sa katagalan ay parang naging normal na rin naman ang mga karakter na ginagampanan namin dahil hindi naman iyon big deal sa lahat ng miyembro.
"Bro thursday pala ang presentation nina Kath sa school theatre. Manood tayo ha?" sabi ni Errol isang hapon na nakatambay kami sa bagong bukas na coffee shop sa bayan.
"Hindi!" matigas na tanggi ko na ikinalingon nila sa akin. "Hindi kayo manonood na tatlo." dugtong ko.
"Bakit naman?" natatawang tanong ni Mark. "Siguro gurilya ang nakuha mong role no?" pang-aasar pa niya saka sila nagtawanan.
"Basta, hindi kayo manonood na tatlo." madiin na sabi ko.
Natawa naman sila.
"Bakit ba kasi? Dati kapag hindi kami nanonood nagagalit ka." sabi ni Mark.
"Juliet kasi ang nabunot niyang papel." tumatawang singit ni Kath kaya tiningnan ko siya ng masama.
Humagalpak naman ng tawa si Joey na sinabayan pa niya ng pang-aasar.
"Juliet! Hindi ko maimagine si Nat na nakasuot ng gown tapos mahaba ang buhok niya." tawa ng tawa pa rin niyang sabi.
"Sino naman si Romeo? Ikaw?" nakangising banat ni Mark kay Kath.
"Si Trevor!" mabilis na sagot ni Kath.
Nawala ang ngiti sa mga labi ni Mark at sumeryoso siya ng anyo saka siya sumulyap sa akin. Iniwasan ko naman ang mga tingin niya.
Sumapit ang araw ng play ay sinadya ko na hindi bigyan ng libreng ticket ang tatlo para hindi sila makapanood.
Maayos naman namin na nagampanan ang mga papel namin pero hindi ko inasahan ang ginawa ni Trevor sa huling scene.
Sabi sa amin ay magsasara na ang kurtina sa eksena na hahalikan na ni Romeo si Juliet pero hindi iyon ang nangyari.
Lumapat ang mga labi ni Trevor sa mga labi ko at nanlaki ang mga mata ko sa pagkabigla.
Isang masuyong halik ang iginawad niya sa akin kaya naghiyawan sa saya ang mga nanonood.
Matapos ang paghalik sa akin ni Trevor ay may binitawan pa siyang huling linya bago tuluyang nagsara ang telon.
Isang malakas na sampal ang pinadapo ko sa mukha ni Trevor nang magsara na ang telon.
"Hindi kasama sa eksena ang ginawa mo." galit na sita ko sa kanya.
"Sinunod ko lang ang inutos sa akin." paliwanag niya.
"Ako!" matapang na sigaw ni Mrs. Marasigan.
"Pero bakit po?" inis na tanong ko. Hindi man lang nila hiningi ang approval ko.
"Nanggaling sa itaas ang utos. Kung gusto mong magreklamo doon ka pumunta." masungit na sabi niya.
Naiinis akong nagbihis sa dressing room. Nanghingi ng sorry sa akin si Trevor tinanggap ko naman iyon.
Si Kath naman ay pinapakalma ako.
Nagtext ako kay Mark. Sinabihan ko siya na gusto kong uminom at samahan niya ako.
Lumipas muna ang halos isang oras bago siya sumagot at ang reply niya ay busy daw siya at may event sila na pinuntahan kasama ang parents niya.
Dahil maaga pa naman ay nagpasya na lang ako na magtungo sa mall para kumain ng ice cream. Pampalamig ng ulo bago ako umuwi.
7:30PM na nang maubos ko ang pagkain na binili ko. Hindi rin ako nasamahan ni Kath dahil may date daw sila ni Errol na nagsisimula na ulit manligaw sa kanya
Nagpupunas na ako ng tissue sa bibig ko nang bigla na lamang nagvibrate ang cellphone ko na regalo sa akin nina Mama nung last birthday ko.
Kinuha ko iyon mula sa bulsa ko at nabasa ko ang facebook notification.
May nagtag ng picture kay Mark.
Mabilis ko iyong binuksan at parang may pumiga sa dibdib ko nang makita ko na nasa mall lang pala siya kasama ng ibang mga kaklase naming lalaki.
Nag-iinuman sila sa resto bar malapit lang sa ice cream parlor na kinaroroonan ko.
Mabilis akong nagtext kay Mark at itinanong ko kung nasaan siya. Nagreply naman siya kaagad.
Nasa party nga kami nina Mama. Bakit ba ang kulit mo?
Bakit kailangan pa niyang magsinungaling sa akin? Nakarating ako sa labas ng resto bar at nakita ko nga siya na nakikipag-inuman doon. May inaakbayan pa siyang seksing babae.
Kinuha ko ang cellphone ko saka ko siya tinext.
Para kasing nakita kita dito sa Bistro nakikipagparty sa mga classmates natin. Saya mo nga eh!
Hinawakan niya ang cellphone niya saka niya inikot ang tingin niya sa paligid. Napahinto siya nang magtama ang mga tingin namin.
Mabilis siyang tumayo at patakbong nagtungo sa kinatatayuan ko pero mabilis na rin akong lumayo sa lugar na iyon.
Nasa labas na ako ng mall nang maabutan niya ako at hinawakan niya ako sa braso.
"Bakit ka ba tumatakbo?" mahinahon na tanong niya.
"Ikaw bakit ka humahabol?" matapang na sagot ko naman.
"I'm sorry hindi ko sinabi sayo ang totoo. Balak ko na rin namang umuwi. Inuubos lang namin yung nabili na alak." sabi niya.
Binawi ko ang kamay ko sa kanya saka ako nagpatuloy sa paglalakad pero nahabol din niya kaagad ako.
"Sasamahan na kita mag-inom." sabi niya.
"Hindi na. Nagbago na ang isip ko. Magpapahinga na lang ako sa bahay." galit na sagot ko sa kanya.
"Ihahatid na kita." sabi pa niya pero muli kong binawi ang kamay ko saka ako naglakad ng mabilis.
"Hindi ako papayag na matapos ang araw na ito na ganito tayo Nat." sigaw niya. "Let's talk!"
Napahinto ako saka ako galit na bumaling sa kanya. Nakatitig siya sa mga mata ko. Mababakas ang kalituhan sa anyo niya.
"Look! I'm sorry, okay? Hindi ko naman sinasadya na magsinungaling sayo."
"Kahit sinadya mo o hindi nagsinungaling ka pa rin. Ganyan na ba tayo ngayon ha Mark? Hindi ko akalain na magagawa mo sa akin ito."
"Nagawa ko na kaya wala na tayo pareho magagawa." sabi niya. "Tara na ihahatid na kita."
Sinubukan niya akong akayain pero iwinaksi ko ang kamay ko.
"Kaya kong umuwi sa amin." sabi ko.
"Bahala ka. Edi umuwi ka. Minsan nakakasawa rin ang kaartehan mo!" sabi niya saka niya galit na sinipa ng malakas ang pader doon.

No comments:
Post a Comment