Pages

Saturday, October 15, 2011

The Eyes Are the Windows to your Soul (Part 1)

By: Slytherin

Ako nga pala si Mario, Rio na lang tawag nila sakin para mas maikli nagsimula ang istorya na ito noong ako ay 1st year High School. Ako nga pala ay 13yrs old noon katamtaman ang pangangatawan, 5'5 ang height, medyo maputi at Chinito ang aking mga mata, muka nga daw na may lahi akong Hapon.

Nag-aaral ako noon sa isang eskwelahan sa Maynila, malaki rin ang school na yun dahil private school yun at talaga namang napakaraming estudyante, pero sa dami ng mga estudyante dun ay si Zeon ang aking napansin, matangkad eto, medyo maputi rin, maganda ang hugis ng katawan at napakaganda rin ng mga mata niya talaga namang mapapaibig ka sa kanyang titig. Na love at first sight nga ako sa kanya eh at di ko inaasahan na kaklase ko pala siya.

Umaga na ng Hunyo noon unang araw na pasukan, nakabihis na ako ng uniporme noon at papaalis na ako sa bahay na nag-paalam muna sa aking mga magulang.

Ma, Pa aalis na po ako. Papasok na ho ako. sabi ko kay mama at papa

Niyakap ako ni mama at sinabing mag-iingat daw ako sana maging masaya daw ako sa aking bagong school.

Ma opo syempre naman haha! sabi ko kay mama kahit medyo kinakabahan ako dahil 1st day of school na nun.

Sabay nagpaalam na din ako ka daddy, at umalis na ako ng bahay at nag-commute papuntang school. Medyo late na nga ako eh. Pagpasok ko sa school ang daming tao may mga nagyayakapan na mga 4th year students naglolokohan na mga 3rd year students at mga nag-uusap na 2nd year students pero madalang ako makita ng mga 1st year students, malalaman mo naman kasi kung anong year na ang mga estudyante doon dahil may nakasulat na year level sa mga uniporme. Medyo natagalan ako sa pag-hahanap ng classroom ko pero sa wakas nakita ko rin yun sa may 2nd floor na aming school. Ako na nga ata ang pinaka-late na dumating nun eh kaya wala na akong mapipiling upuan kung di ang nasa harapan.

Pag-upo ko sa may harapan may isa akong lalaki na nakatabi akala ko ako na ang pinaka-late yun pala meron pang isa at yun ay si Zeon unang kita ko pa lang sa kanya ay bumilis na ang takbo ng puso ko. Nag-katitigan ang mga mata namin ni Zeon naparabang nag-uusap ito, pero umiwas na lang ako ng tingin dahil nakakahiya medyo matagal din kaming nag-katitigan.

Ang awkward ng feeling ko noon dahil baguahan palang ako sa school at walang kakilala samantalang ang iba ay parang mag-kakaklase na pala dati. Tahimik din si Zeon di nakikipag-usap kahit kanino para nga siyang antukin eh. Makalipas anf ilang minuto ay dumating na ang aming Teacher si Bb.Ella mabait at medyo maganda rin naman si Miss Ella.

OK 1st Years welcome to your new school. :) sabi ni Miss Ella

Tumahimik ang Klase at nakatingin lahat sa kanya.

I've seen many new faces here today, ang dami palang naggwagwapuhan at naggagandahan kung estudyante haha sabi ni Miss E.

Tumatawa ang lahat at nagbibiruan habang si Zeon ay walang kibo.

OK siguro alam niyo naman ang dapat gawin tuwing first day of classes diba. You need to introduce yourselves. sabi ni Miss E.

ahh ano ba yan! sabi ng isang random student
Nakakatamad ka sabi pa ng isa
hahaha tumatawa yung iba
at halatang kinakabahan yung iba.
Peo napansin ko pa rin si Zeon na walang kibo pasulyap sulyap ako sa kanya at napakamisteryoso niya.
Napatingin din siya sa akin at nakita niya na nakatingin ako sa kanya. Umiwas ulit ako ng tingin at biglang bumilis ang takbo nga aking dibdib parang kabado ako nung tiningnan niya ako at nagkatitigan ang aming mga mata.

OK lets start wika ni MIss
Napakilala na ng isa isa yung ibang students hangang sa umabot na sa akin.
Ah eh! ako nga pala si Mario galing sa *******School. At nakita ko na nakatingin sa akin ang lahat at bumubulong yung iba at narinig ko na sinasabi na ang cute naman niya, tumatawa din yung iba dahil medyo utal utal ako magsalita dahil kabado ako. Tawagin niyo na lang akong Rio para    
astig at mas maiksi pakingan. Nagkatinginan ulit kami ni Zeon pero this time siya naman ang umiwas ng tingin.

OK thank Rio. OK you're next sabi ni Miss E.
Tumayo si Zeon at pinakilala niya ang kanyang sarili.
Ako si Zeon galing sa ******elemantary school. Nakatitig ang lahat sa kanya at may mga bumubulong bulong pa sa may aming likuran na ang Gwapo daw ni Zeon. Mapili lang sa salita si Zeon kaya umupo na ulit eto.

Dumaan ang mga oras na punong puno ng mga activities para sa first day. Pero may isang activity na kami ni Zeon ang naging mag-partner at ang actvity na to ay kailang hawakan ang kamay ng kapareha mo at di dapat bitawan hangang magkakilala ng lubos ang mag-kapareha. Ang awkward ng feeling dahil wala ni isa saamin ang gusto gumawa ng first move nag-katitigan kami at nag-kakahiyaan magkahawakan ng kamay pero wala kaming choice kung di gawin eto bigla niyang hinatak ang kamay ko sabay iwas ng tingin sa akin at sinabi ng mabilis na: Ako si Zeon, 14yrs old, nakatira sa bahay namin, mahilig mag dota at antukin. Medyo natatawa ako sa mga pinagsasabi niya. Ako naman ang nagpakilala at sinabi kong ako si Rio nakatira din sa bahay namin, mahilig din mag-dota pero di antukin. Natawa siya bigla sabay tingin ulit sa akin ng mga mapupungay niyang mata. Sabay sabi niya nice to meet you tol!
Nice to meet you rin sir! sabi ko naman. Nagbitaw ang aming mga kamay, ang lambot ng kanyang kamay at talaga namang ang sarap hawakan.

Tapos nun ay naghanap na kami ng ibang kapareha at nag-pakilala ulit. Pero minsan ay nahuhuli ko siya na nakatitig sa akin tas sabay umiiwas din siya ng tingin di ko alam kung ako ba yung tinititigan niya o yung mga magagandang babae ng kapreha ko.Pero naputanyan ko na ako yung tinititigan niya ng makita ko ng makailang ulit na nagkatitigan ang aming mga mata.....

End of Part I abangan ang susunod na kabanata. :)

3 comments:

  1. waaaahhh... next na... ang cute ng story...

    ReplyDelete
  2. nice... ka excite naman next part na dali! dali! daliiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!! =p

    ReplyDelete

Read More Like This