By: Mike

Authors’ note:Hello readers! Sharing this new story/series. Inspired by true events. I did my best para gawing maayos, nakakatuwa at hindi madalian yung takbo ng kwento. Enjoy!
POV Mike
3:50 AM na kayat mabilis kong tinakbo mula Condo hanggang Mcdonald’s Griendfield District. “Good Evening Mike, we’re here already at Mcdo. San kana?”, text ni Sir Julius, yung organizer at head ng Club Outoors. “In a few minutes, Sir. Sorry”, reply ko. Kaya mas binilisan ko pa takbo ko. Hindi ko na ininda ang bigat ng bag ko, first time ko magha-hiking in Luzon kaya naman ayokong mahuli dito.
“Good Evening. Is this the Club Outdoors?”, tanong ko sa table na nasa labas ng Mcdo. May limang taong naghihintay doon. “Yes, Mike? I’m Julius. Welcome to Club Outdoors.”
“Sorry po. Nalate kasi ako ng gising. Sana di madelay ang lakad”, paghingi ko ng paumanhin habang hinihingal at pinupunasan ang pawis ko.
“Don’t worry. Just in time ka lang. Eto nga pala mga kasama natin. Actually, kami kami lang din magkakasama kada akyat naming ng bundok. Everyone, this is Mike.”
At isa isa na silang nag pakilala sa akin.
“To start, I’m Julius Santiago. Founder ng CO.”
“Hi Mike, Tricia nga pala”, sabay ngiti at wave ng kamay.
“Marco, Pare”, nagfist bump kami.
“Nikki pala Mike”, okay… Maganda tong babaeng to ah.
Binaling ko yung pagtitig ko sa natitirang miyembro ng grupo na busy naglalaro ng cellphone niya habang nakaheadset. Tinapik siya ni Sir Julius. “Uy ikaw na”, sabi niya sa lalaking nagulat.
“A-huh? Bakit?”, sagot naman niya habang tinatanggal niya ang isang earphone niya.
“Mike po pala”, inabot ko ang kamay ko para makipagkilala.
“Uh, my name is Seb. Nice meeting you”, hindi niya pinansin ang pag-abot ko ng kamay sa kanya. Sa halip ay binalik niya headseat niya sa tenga at nagpatuloy sa ginagawa. Nag aktong walang pake nalang ako sa ginawa niya, pero first impression talaga ay ang rude niya.
“Ah Mike, yan si Seb. Pwede din Baste kung gusto mo. Pinsan ko. Tsaka ganyan talaga yan walang pake sa mundo.”, Sabi ni Sir Julius sa akin. Tumango lang ako.
Dumating nadin ang van na sasakyan naming papuntang Tanay. Tinanong ko sila kung wala na bang ibang sasama sa amin. Tugon ni Sir Julius ay nag backout yung tatlong sasama sana the last minute. Ako lang pala ang bago sa group. Nalaman ko din na isang taon na pala ang CO, at silang lima ang palaging magkakasama. Mga regular kumbaga. Maximum of ten joiners lang tinatanggap ni Sir. Hindi narin ako nagtaka kung bakit magkakilala na silang lahat, parang magbabarkada na. First time kong sumama sa ganto. Nung first time ko kasing maghike sa Cebu, kami kami lang ng mga pinsan ko ang nagorganize. Dito kasi iba style.